Chapter 29
Dama ni Atlas ang pagod ngunit hindi malalim ang tulog niya. Bukod sa may kalamigan sa Baguio kahit na nakakumot na siya at makapal na damit, hindi niya magawang ialis ang tingin kay LJ na mahimbing na natutulog.
Nakaibabaw ito sa kaniya at nakatagilid na ginagawang unan ang balikat niya kaya nakakukuha siya ng pagkakataong halikan ang pisngi, tungki ng ilong, at noo ng anak.
Sandali niyang sinilip ang phone para tingnan kung anong oras na. It was already six in the morning. Hindi niya alam kung saan natulog si Laurel dahil hindi na ulit ito pumasok sa kwarto kung nasaan sila ni LJ.
Aalis na rin sila kinaumagahan at hindi siya nagkamali nang pumasok sa loob ng kwarto si Job. Natigilan itong nakatitig sa kanila ni LJ at tipid na ngumiti.
"Kahit kailan, hindi kita na-imagine na may anak," bulong ni Job. "Magigising mo ba si LJ? Sabi ni Laurel, puwede na raw gisingin kung sakali kasi aalis na tayo ng eight to nine."
Tumango si Atlas. "Ako na'ng bahala," aniya.
Lumabas si Job at imbes na gisingin si LJ, tinitigan niya muna ito. Ipinaglandas niya ang hintuturo sa maliit na mukha ng anak lalo sa bandang mata. Hinaplos ng hinlalaki niya ang pisngi nito at sandali muna niyang sinuklay ang buhok gamit ang sarili niyang mga daliri.
Nang halikan ni Atlas ang tungki ng ilong ni LJ, dumilat ito at inaantok na ngumiti.
"Hi, Daddy." Sumiksik ang maliit na katawan ni LJ sa kaniya at yumakap ang maliit na braso nito sa leeg niya. "Good morning, Daddy."
Humigpit ang yakap ni Atlas sa anak at isinubsob niya ang mukha sa balikat nito. Amoy niya ang natural na amoy ng anak—amoy baby pa ito—pati na ang buhok nito.
"Good morning, bub," he murmured. "Mommy said you have to wake up soon. We're gonna have to leave."
Walang isang salita, kaagad na bumangon ang anak niya at iniwan siya sa kama. Sinundan niya ito ng tingin at nakitang itong lumuhod sa harapan ng maleta at nagsimulang kumuha ng damit. Isang leggings na kulay dilaw at T-shirt na may tatak ng Ramones.
Naalala niya si Laurel noong panahong magkasama sila. Laurel had the same shirt. A black Ramones T-shirt.
Inayos ni LJ ang maliliit na damit nito sa ibabaw ng kama. Kinuha rin nito ang medyas sa bulsa ng maletang kulay pula—maliit iyon kumpara sa normal na maleta—at kinuha rin ang maliit na rubber shoes na kulay puti.
"Daddy, I'll take a bath na po." Tumingin si LJ sa kaniya. "I'll call mo—"
"No, ako na." Atlas stood up and carried LJ inside the bathroom.
Itinuro nito sa kaniya ang baby oil at sinabing lagyan sa likod at dibdib dahil iyon daw ang ginagawa ni Laurel kapag maliligo sa morning.
Si Atlas na mismo ang nagpaligo sa anak. Nagmadali siya dahil baka masyado itong malamigan. Nang matapos, kaagad niya itong binalot ng kumot at kinuha ang damit na inilagay sa kama para sa mismong bathroom na bihisan.
Pagkabihis, iniupo niya si LJ sa sink at maingat na sinuklayan ang mahabang buhok nito. Pareho silang nakaharap sa salamin at napangiti siya nang bigla itong humikab sabay tawa habang nakatingin sa kaniya.
The bathroom was filled with tiny giggles from Laureen talking about her classmates in Paris. Atlas listened intently to her daughter and sometimes asked about how they lived.
"Lau—" Binuksan ni Laurel ang pinto ng bathroom at naabutan silang nagtatawanang mag-ama. "Oh, naligo na pala siya."
"Yup," Atlas said without looking at Laurel. "Let's go, bub."
Binuhat niya ang anak at nilagpasan si Laurel. Kinuha niya ang phone na nasa bedside table bago lumabas ng kwarto. Naiwan si Laurel sa loob at ayaw muna niya itong kausapin.
They had breakfast and Atlas could feel the tension between Laurel and Patrick. Hindi nag-uusap ang dalawa at si Job ang nagsilbing ice breaker nilang lahat. Nagkuwento ito tungkol sa bahay sa Baguio na siyang inaasikaso nito.
Bago tuluyang lumuwas nang Manila, dumaan muna sila sa strawberry farm dahil iyon ang request ni LJ. Mula sa sasakyan, pinanood ni Atlas sina Job, Laurel, at LJ na natutuwang namimitas ng strawberries. Naiwan sila ni Patrick sa sasakyan.
"Job insisted na sa bahay muna namin sina Laurel at LJ," basag ni Patrick sa katahimikan. "I don't want to, but Job asked. Wala namang issue ang bata. I just can't look at Laurel."
Atlas didn't say anything.
"What's your plan? Sasabihin mo ba kay Amira? Your wife deserves to know about what's happening," pagpapaalala ni Patrick.
"I don't know yet," Atlas honestly said. "Hindi pa nagpoproseso sa isip ko kung ano'ng gagawin ko. Ayaw kong magsinungaling kay Amira, ayaw kong masaktan si Amira, pero hindi pa nagpoproseso lahat sa akin at hindi ko alam kung paano. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin ang tungkol sa mag-ina ko."
Nagtama ang tingin nina Atlas at Patrick. Napapikit siya at umiling.
"May anak na ako, Pat." Umiling siya. "May anak ako kay Laurel, Pat. Hindi ko alam kung paano ko itatatak sa isip ko dahil pakiramdam ko, pinaglalaruan pa rin ako, pero hindi. May anak kami."
Huminga nang malalim si Patrick. "Iintindihin ko kung ano'ng magiging desisyon mo, Atlas. Ikaw 'yan, desisyon mo 'yan. Pero 'wag mong piliting maging maayos kami ni Laurel ngayon. Nandito lang ako, kami ni Job para kay LJ at kung ano man ang mangyari. Kung ano man ang maging desisyon mo. Pag-isipan mong mabuti dahil hindi lang iisang buhay ang damay."
"Alam ko." Nilingon ni Atlas sina Laurel at LJ. "Pero si LJ ang iniisip ko. Pag-iisipan ko muna nang mabuti kung ano'ng gagawin ko. Okay lang ba sa 'yo sina Laurel and LJ? I'm sorry."
Tumingin sa labas ng sasakyan si Patrick. "For you and LJ, sige. I don't know how I would deal with Laurel for now, give me time. For now, you focus, too, kung pa'no mo sasabihin kay Amira. Mabait naman si Amira. She's your wife. Of all people, ikaw ang nakakakilala sa kaniya. Kung ano man ang mangyari, nandito lang kami."
Bukod sa strawberry farm, nag-aya na rin si Job na magpunta pa sa ilang lugar sa Baguio para kay Laureen. Kita ni Atlas na nag-e-enjoy ang anak niya kahit ang nagagawa lang niya ay ang manood mula sa sasakyan.
Gabi na sila nakarating sa bahay nina Job at Patrick. Bukod kasi sa halos late lunch na sila nakaalis ng Baguio, traffic din sa Manila. Ilang beses na lang tinawagan ni Atlas si Amira na pauwi na sila at huwag nang mag-alala at ihahatid na lang ng mag-asawa.
Nakatulog na rin nang mahimbing si LJ kaya hindi na ito ginising nina Atlas at Laurel. Itinuro na lang ni Job kung saan matutulog ang mag-ina, kaya roon niya dinala ang anak na natutulog.
Atlas tucked his daughter to sleep and kissed the side of her head. As for Laurel, busy ito na inaayos ang maleta sa may aparador.
"Can we talk about LJ?" basag niya sa katahimikan.
Tumingin sa kaniya si Laurel at tumango. "Sure, what about?"
"I am going home to my wife now," seryosong sabi niya. Nakatitig siya kay Laurel. "Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa kaniya na may anak tayo. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kaniya. Gusto muna kitang tanungin. Gusto mo bang sabihin ko kay Amira ang tungkol kay LJ?"
"Atlas." Laurel frowned. "Bakit ako ang tinatanong mo? Hindi ko hawak ang desisyon mo. It's all you. Isang rason kung bakit lumipas ang ilang taong wala kang alam, dahil wala akong balak sabihin sa 'yo, naging malinaw ako roon. Gusto kong alagaan ang privacy ng anak ko, 'yun ang importante sa akin."
Tahimik lang si Atlas na nakatingin kay Laurel. He was listening to her voice. The way she spoke never changed. Malambing na malambing pa rin ang boses nito at hindi nawawala ang eye to eye contact kapag nakikipag-usap.
"Sinabi ko na kung ano'ng position ko sa bagay na 'yan, that I want my daughter's privacy, pero decision mo 'yun. Asawa mo si Amira, karapatan niyang malaman kung ano ang totoo. Hindi ko na hawak kung ano'ng nasa isip mo. It'll be on you." Huminto ito at huminga nang malalim. "Again, I'm sorry for putting you in this situation. I really am sorry."
Tumingin si Atlas kay LJ bago kay Laurel. "Don't be sorry you chose to keep our daughter, Laurel. Ano man ang nangyari sa atin, ano man ang decision mo, I will forever thank you for letting my daughter live. For raising her well."
"Raising her is the only thing I can do for her, Atlas," sagot ni Laurel bago tumalikod at bumalik sa ginagawa.
"I'll get going." Nilapitan niya ulit si LJ at hinalikan ang pisngi nito bago lumabas ng kuwarto. Ni hindi na rin tumingin sa kaniya si Laurel na naka-focus sa sariling ginagawa.
He started having separation anxiety from LJ. Pakiramdam niya, ang dami kaagad na oras na nasasayang dahil malayo ulit siya rito. He already missed LJ's smiles and laughs, her smell, everything about his daughter.
Everything about Laureen Juliana.
Pagdating sa bahay, sinabi ng kasambay na natutulog na si Amira. Dumiretso na siya sa kwarto, naabutan itong mahimbing natutulog at nakayakap sa unan. Hinalikan na muna niya ito sa pisngi bago siya pumasok sa bathroom para maligo.
Habang nasa ilalim ng shower, maraming tumatakbo sa isip nya. Kung paano sasabihin sa asawa niya ang sitwasyon nila, pero naiisip din niya ang sinabi ni Laurel tungkol sa privacy ng anak nila. Imposibleng hindi lumabas ang issue. Mahal niya si Amira, pero may takot siyang naramdaman para sa anak.
Ang sama ng isip niya para isipin iyon. Maling maisip na hindi niya puwedeng pagkatiwalaan ang asawa, pero kung anak niya ang dahilan, ibang usapan na iyon.
Iniisip niyang may punto si Laurel pagdating sa anak nila. Hindi siya ordinaryong mamamayan, ni hindi niya puwede basta-basta ilabas ang anak niya nang walang issue kapag may nakakita sa kanila. It was going to be a different thing.
Tumabi siya kay Amira at tinitigan ang asawa. Hinaplos niya ang buhok nito na kaagad namang isiniksik ang katawan sa kaniya.
Gusto niyang humingi ng tawad sa pagsisinungaling kung saan siya galing, tungkol posibleng maging desisyon niyang itago na lang ang anak niya, at tungkol sa hating pagmamahal niya rito.
Alam niya sa sarili na mahal niya ang asawa, pero hindi maalis sa isip niya ang nararamdaman para sa babaeng tumanggi sa pagmamahal niya anim na taon na ang nakalipas.
Kinabukasan, nagising si Atlas nang may humalik sa labi niya at nakita kaagad ang mukha ni Amira. Ngumiti ito at hinaplos ang pisngi niya.
"Kumusta biyahe mo, babe? Sorry, hindi na kita nahintay kagabi. I was so tired. Sumama rin kasi ako kina Mikaela dahil wala ka. So, nag-dinner kami." Maliwanag itong ngumiti.
Bumangon si Atlas at niyakap ang asawa. Mahigpit na mahigpit dahil ang tindi ng guilt na nararamdaman niya. "Buti naman nag-enjoy ka," bulong niya at hinalikan ito sa pisngi. "May lakad ka ba ngayon?"
Tumango si Amira at ngumuso pa nga. "Oo, babe. May shoot ako. I'm so excited. Ikaw?" tanong nito na tumayo at naupo sa vanity. "Kumusta naman lakad ninyo nina Job?"
Nanatiling nakahiga si Atlas at nakatingin sa kisame. Hindi siya nakasagot dahil may parte sa kaniyang gusto nang sabihin kay Amira.
"Alam mo, babe, I can't afford to be sad today." Natawa si Amira. "Ayaw kong mag-drive kaya I'll use the van, ha? Gusto ko lang maging happy kaya kanina pa ako nanonood ng funny series."
"Why?" Bumangon si Atlas at tinitigan si Amira mula sa salamin.
Amira gazed at him. "Kasi the shoot was about this happy brand na kailangan, jolly ang personality ko."
"Your personality is very, very jolly!" Atlas smiled at his wife. "Parang you don't need to act."
"Exactly!" Amira uttered and giggled. "For this shoot, I want to be genuinely happy, and hindi dahil artista ako kaya, I will be happy today!" She squinted.
Atlas stared at Amira, who was happily telling him about the brand. It was a cosmetic brand, and the management hired Amira for the summer collection—because she was the sunshine.
"By the way, babe, dito ka ba magdi-dinner mamayang gabi? Ako, hindi ko pa sigurado. Depende sa shoot. Hindi ko rin kasi alam kung gaano kami katagal kaya 'yung van ang gagamitin ko." Bumalik si Amira sa pag-aayos na nakaharap sa salamin.
Tumayo si Atlas at hinalikan niya ang tuktok ng ulo ng asawa bago pumasok sa bathroom para maligo. Paulit-ulit niyang iniisip na kailangan niyang sabihin kay Amira, pero hindi sa oras na iyon dahil hindi niya puwedeng sirain ang mood nito.
Nakatapis na lumabas si Atlas ng bathroom at tinutuyo ang basang buhok. Lumapit sa kaniya si Amira at hinalikan siya sa pisngi. Ngumiti ito, bumulong na mahal siya bago tuluyang nagpaalam na aalis na.
Walang plano si Atlas sa maghapon kung hindi ang pumunta sa bahay nina Job para maka-bonding ang anak. Dumaan muna siya sa McDo para bumili ng Happy Meal nito at ice cream.
Sa daan, ilang beses siyang nag-isip para sa magandang pagkakataon kung paano niya sasabihin kay Amira lahat, pero bumabalik siya sa walang right timing.
One way or another, he would have to tell Amira about Laureen and Laurel.
Nang makarating sa bahay ni Job, naabutan niya itong kalaro si LJ sa labas ng bahay at nagtatakbuhan kasama si Patrick. Natutuwa siyang makita ang anak na tawa nang tawa. Hindi na rin muna siya bumaba sa sasakyan dahil gusto niyang titigan ang anak.
Sa pagkakataong iyon, naka-shorts lang ito at puting sando. Nakaipit din ang buhok na may bangs habang tumakbo.
Pagbaba ni Atlas, tumingin sa kaniya si LJ na tumigil sa pagtakbo at nanlaki ang mga matang ngumiti. Nagmamadali pa itong tumakbo papalapit sa kaniya.
"Daddy, you are here!" LJ's voice filled Atlas' ear.
Mabuti na lang ang malayo ang mga bahay sa subdivision nina Patrick at Job. Walang bahay sa paligid dahil sa susunod na street pa mayroon kaya walang makakikita sa kanila.
Ngumiti siya at lumuhod para salubungin ang yakap ni Laureen. "You're sweaty!"
"I like it, Daddy. It's not cold." Nagliwanag ang mukha ni Laureen nang makita ang hawak niyang Happy Meal box at plastic na may ice cream. "Wow, ice cream!" Kinilig pa ito na ikinatawa nila.
Hawak ni Atlas ang kamay ni LJ na lumapit kina Job at Patrick. Tumango ang mga ito bago nagsalita si Job, "Umalis kasi nang maaga si Laurel, may kikitain daw at may kailangang ayusin. Dapat isasama si LJ, sabi namin na baka dumating ka and kami na bahala sa kaniya."
"Thanks." Tumango siya. "Anong sasakyan ginamit ni Laurel?"
"Wala, nag-Grab lang. Sabi ko nga, mag-drive na lang, available naman 'yung sasakyan ko o sasamahan ko, kaso hindi raw puwede," ani Job. "Uuwi naman daw kaagad siya."
Hindi na siya sumagot at nagsimula na lang makipaglaro sa anak niya. Nakaupo silang apat sa sidewalk habang kumakain ito ng ice cream. Nagkukuwento ito at halatang nag-e-enjoy sa kinakain at sa suot mismo.
Nagtatawanan sina Job at Patrick na ang pagiging weak pa sa malamig ang nakuha ni LJ, sa dinami-rami.
Nagkakasiyahan sila at nagtatawanan. Paminsan-minsang hinahabol niya ang anak, pero bigla itong natapilok at nadapa sa magaspang na kalsada. Natulala si Atlas sa nangyari at napatitig sa anak.
Kahit sina Job at Patrick, nakatingin lang kay LJ na tumayo na parang wala lang, pero pare-parehong naalarma nang makitang dumudugo ang tuhod nito at may sugat sa kamay papuntang siko.
Kinabahan si Atlas dahil baka magalit si Laurel, pero mas naalarma siyang hindi umiyak ang anak niya.
Lumapit siya at pinagpag ang damit ni Laureen bago binuhat. "Does it hurt?" tanong niya.
Tumango si LJ ngunit parang wala lang.
"Yes, Daddy, but I'm not crying." His daughter even smiled. "Strong Laureen Juliana. Mommy said that I should always be strong. I can cry, but I don't like crying. I'm like Mommy."
Pumasok sina Atlas sa loob ng bahay. Kaagad na kumuha ng maligamgam na tubig si Job, medicine kit naman si Patrick. Iniupo niya ang anak sa sofa ng living room at sinimulang linisin ang sugat nito.
Nakaupo lang si Laureen habang nilalagyan ng alcohol ang sugat para linisin. LJ was flinching, but didn't complain. Atlas waited, but nothing.
"When I was young, whenever my mom cleans my wound, I shout and cry," pagkukuwento ni Atlas habang naka-focus sa ginagawa. "You're not!"
Ngumiti si Laureen sa kaniya. Nilalaro nito ang bulak. "I am like Mommy, Daddy," anito. "My mommy doesn't cry. Whenever something's happening, she would just smile. I remember when Mommy and I got hit by a car—"
Nanlaki ang mga mata ni Atlas, nagkatinginan naman sina Job at Patrick.
"What happened?" tanong niya sa anak.
"I asked Mommy to take me to the mall. We were passing by, and a car hit Mommy. She pushed me to the sidewalk so I won't get hurt, but I also got some scratches," anito. "But Mommy, her forehead was bleeding, her arms and legs were black, I forgot."
Tahimik lang si Atlas na nakayuko at nakikinig sa kuwento ni LJ na hawak ang remote at naghahanap ng panonoorin.
"In the hospital, I was lying in bed, and they were cleaning Mommy's blood on her face. She's not crying, and she's not saying ouchy, I was just watching," dagdag ni Laureen. "I want to be like Mommy. My mommy doesn't cry."
Nanatiling nakayuko si Atlas habang ginagamot ang sugat ng anak.
"Mommy has bangs, too, like me because of the scar," sabi ni Laureen. "I'm gonna watch, Daddy. You can leave if you want. LJ is okay. I'm okay here."
"I'll stay," sagot niya. "I'll watch with you, okay?"
LJ smiled. "Okay, Daddy."
Sinamahan lang ni Atlas na manood ng movie sina LJ. Nakakailan na sila, wala pa rin si Laurel. Umalis din sina Patrick at Job kaya naiwanan siya kasama ang anak. Nalaman din niyang pinag-day off muna ni Job ang mga katulong lalo na at nandito siya sa bahay ng mga ito.
Hindi puwedeng malaman ng mga ito kung ano ang relasyon niya kay LJ dahil wala silang puwedeng pagkatiwalaan kung hindi ang isa't isa.
Nakatulog na rin si LJ kaya naman siya na ang nanonood ng pelikula. Atlas was just caressing his daughter's hair while watching some random movies. Kung ano-ano na ang naiisip niya nang bumukas ang pinto.
Bumukas ang pinto at nagsalubong ang tingin nila ni Laurel, tipid itong ngumiti. May hawak itong bag at attaché case.
"Nakatulog na pal—" Tumingin ito sa sugat. "Ano'ng nangyari?" Lumuhod ito at hinaplos ang noo ng anak nila. "Bakit?"
Sinalubong ni Atlas ang tingin ni Laurel. "Sorry. Nagtatakbukan kasi kami kanina sa labas, nadapa siya. I'm sorry for not taking care of he—"
"Normal naman 'yan," nakangiting sagot ni Laurel. "Hinahayaan ko lang din siyang mag-enjoy. Normal lang naman sa mga bata ang masaktan. Nagamot mo naman kaagad yata, okay lang 'yan."
Hinalikan nito ang pisngi ng anak at tinanggal ang ilang buhok na nakaharang. Nakatitig lang si Atlas kay Laurel at mukhang pagod na pagod.
"Hindi ka naman nabalian noong nabangga ka ng sasakyan?" It was an out of nowhere question from Atlas.
"Paan—wait, sinabi ni LJ?" tanong ni Laurel, tumango lang siya kaya mahina itong natawa. "Ito talagang batang 'to, nakakatawa. Walang maililihim, pati ba naman 'yun, sinabi."
"Mana sa 'yo, masyadong honest," sagot niya.
Nanatiling nakaluhod si Laurel habang nakatingin kay LJ at tinatapik dahil bahagyang nagising ang anak nila. Nakikita niya sa mga mata nito ang pagod. Hindi siya puwedeng magkamali. For two years na putol-putol niya itong nakakasama, he still knew what she looked like.
"Go rest," aniya.
Tumingin si Laurel sa kaniya na inayos ang salamin at bahagyang umangat ang buhok. Tumambad sa kaniya ang peklat nito sa noo, ang sinasabi ni LJ. Para itong dimple sa noo na wala noong magkasama sila.
Hindi niya sinasadyang iangat ang kamay para haplusin ang peklat na iyon. "I'm sorry," bulong niya nang umiwas ito at tumayo. "Sorry I wasn't there with you. Wala ako noong panahong nanganak ka, noong panahong pinapalaki mong mag-isa si LJ."
"It was my choice, Atlas. Ako ang dapat mag-sorry kasi ninakaw ko lahat sa 'yo 'yun," sabi nito at may inilabas mula sa bag. Kinuha nito ang wallet at ibinigay sa kaniya. "Wala kasi akong pictures niya noong baby sa phone ko."
Binuklat ni Atlas ang wallet at nakita ang picture na naroon. It was Laurel. Manas na ang mukha nito, namamaga ang mga matang nakatingin sa camera buhat si LJ na nakabalot ng puting cloth at umiiyak.
"That's her first picture," sabi ni Laurel. "That day, I wished you were with me."
Hindi siya tumingin kay Laurel, nakatitig lang siya sa picture ng mag-ina niya.
"But then I realized I pushed you away. I deserved to be alone," mahinang sabi ni Laurel. "Atlas, thanks for giving me LJ. Siya lang ang meron ako."
Tumingin siya at sinalubong ang tingin nito. Their eyes met and Atlas felt the warm liquid pooling in his eyes. "I was with you, but you pushed me."
"I don't deserve you," Laurel murmured. "You deserve bett—"
May sasabihin pa sana ito, pero inunahan na niya.
"Hindi mo kasi binigyan ng pagkakataon, Laurel," seryosong sabi niya. Para siyang nasasakal dahil pinipigilan niyang umiyak. "Chance. You were so afraid of chances."
Umiling si Laurel. "No, I wasn't. I just know."
"Know what?"
"That I'll hurt you, Atlas. I know."
Atlas bitterly smiled. "Love is pain, Laurel."
T H E X W H Y S
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top