Chapter 28
Pagbalik sa bahay, naabutan ni Atlas si Job na nasa living room at nanonood ng TV. Seryoso itong tumingin sa kaniya bago kay Laureen na hawak niya ang maliliit na kamay.
"Tito Job." Magiliw na lumapit si LJ sa kaibigan niya. "What are you watching po?"
Kaagad na nilipat ni Job ang palabas sa cartoons at naupo naman si LJ sa tabi nito. Nagkatinginan ulit sila.
"Si Laurel?" tanong ni Atlas.
"Nasa rooftop yata sila ni Pat," sagot ni Job bago ibinaling ang tingin kay Laureen.
Inilabas ni Atlas ang phone at tiningnan kung may message ba si Amira, pero wala. Gusto rin niyang makausap si Laurel. Napagdesisyunan niyang makausap ito tungkol sa anak nila. Gusto rin niyang makausap si Patrick.
Hindi alam ni Atlas kung may alam ba si Patrick, pero naisip niyang hindi nito ililihim sa kaniya ang ganitong kalaking bagay.
Sa hagdan papasok sa rooftop, narinig niyang nag-uusap sina Patrick at Laurel. Gusto sana niyang ipagpaliban ang pakikipag-usap sa dalawa at bumalik na lang sa living area nang marinig niya ang sinabi ni Patrick.
"Nagkita tayo sa Italy, Laurel." Si Patrick iyon at medyo may kataasan ang boses. "Nagkita tayo roon, pero hindi mo sinabi sa 'kin. That was last year."
It wasn't Atlas' intention to listen, but he wanted to know if Patrick knew about it. Wala siyang narinig na sagot mula kay Laurel.
"Puwede kang kasuhan sa ginawa mo. You intentionally got pregnant, Laurel. Puwede kang kasuhan ni Atlas. Puwede niyang kunin sa 'yo si Laureen at kapag dumating ang araw na 'yun, tutulungan ko Atlas, Laurel," ani Patrick at may diin ang bawat salita. "Tutulungan ko siyang kunin si Laureen sa 'yo."
Sumandal si Atlas sa pader habang nakikinig. Sapat ang boses ni Patrick para marinig niya ang mga sinasabi nito.
"Kung alam ko lang na buntis ka, hindi kita tinulungan, Laurel. Ginago mo ako sa parteng 'to, pero mas ginago mo si Atlas. What kind of human are you?" Patrick uttered and Atlas could hear the frustration. "Anong klase kang ina, Laurel, para gawin mo 'to sa anak mo?"
Wala pa ring narinig si Atlas mula kay Laurel.
"Alam kong madamot ka, pero hindi ko naman inasahan na ganito ka kadamot, Laurel. You're selfish and you stole six fucking years from Atlas and Laureen. Why?" Patrick said. "Laurel, ayaw kitang husgahan kasi kaibigan kita, but any reasons from you isn't valid. Magnanakaw ka."
"I did that for—"
"Huwag na 'wag mong gagamitin sina Atlas at Laureen dito. Ikaw ang may problema. Your issues should be your own issues, Laurel, pero dinamay mo 'yung mag-ama. Hindi lang sila, there's Amira in the picture now. So, paano?" Patrick asked. "I hate you. Sana hindi na lang kita tinulungan kung alam ko lang na gagaguhin mo kami nang ganito lalo ang mag-ama mo."
Gustong umakyat ni Atlas para kausapin ang dalawa, pero hindi niya magawa. Nanatili siyang nakasandal sa pader habang nakayuko na para bang nasa sahig ang sagot sa lahat ng tanong.
"Kung may issue ka sa sarili mo, 'wag mong idamay ang anak mo. LJ deserves better than you, Laurel. You're a bad mother."
Natigilan si Atlas sa narinig. Dinig niya sa boses ni Patrick ang frustration at nagpatuloy pa ito sa pagsasalita. Wala namang narinig na kahit na ano si Atlas galing kay Laurel. Gusto niyang umakyat para makita ito, ang reaksyon sa sinabi ni Patrick, pero para siyang napako sa kinatatayuan.
Saka lang siya lumingon nang makita si Patrick na pababa. "You didn't have to say that," aniya.
"You're too kind." Patrick looked pissed. "May karapatan kang magalit, Atlas. Magalit ka. Ninakaw niya ang ilang taon sa 'yo, sa inyo ng anak mo. She's the worst person I've met and I won't take that back. Kung hindi ka magagalit, ako magagalit. She's a horrible person and I'm not even sorry about telling her she's a bad mother. She doesn't deserve your daughter, she doesn't deserve to be a mother."
Tuluyang bumaba si Patrick nang hindi na siya pinakinggan. Sandali niyang nilingon ang daan papunta sa rooftop. Gusto niyang makita si Laurel, pero hindi niya magawang kumilos paakyat.
Nag-vibrate ang phone niya. It was Patrick. Pinapupunta siya nito sa tapat ng bahay at iyon ang ginawa niya. Naabutan niya itong nakasandal sa poste ng gate at inaya siyang sandaling maglakad.
"I knew where she was," Patrick said while walking. "Nagkita kami sa Italy. Alam kong nasa Europe siya, pero hindi ko alam na sa Paris. Hindi ko alam ang tungkol kay LJ, wala akong alam. Kung alam kong buntis siya, hindi ko siya tut—"
"You didn't have to say all of it," Atlas said without buffering.
Patrick stopped walking and shook his head. "Kinukunsinti mo ba siya?"
"Hindi sa gan'on. We didn't know what happened to her over the past six years, and we didn't know her stru—"
"First of all, she won't struggle if her decisions weren't fucked up. Nandamay pa siya. Kung miserable ang buhay niya, sana sinarili na lang niya, pero dinamay ka pa niya lalo na si LJ." Patrick breathed. "Atlas, magalit ka sa kaniya because she deserves your anger. If you think of fighting over the custody, let me know. I'll fight for you."
Atlas frowned. "I won't take LJ away from Laurel, Patrick. What the fuck is wrong with you?"
"She's not fit to be a mother, Atlas," Patrick said without buckling. "She's fucked up."
—
Kalong ni Atlas ang anak na panay ang kuwento tungkol sa mga napanood nitong pelikula. Natutuwa siya na madaldal ito at kinakausap siya na akala mo ba, ilang taon na silang magkasama. Panay rin ang yakap nito sa kaniya, panay ang halik. Gusto niyang isipin na nakuha iyon ni LJ sa kaniya dahil hindi naman ganito ka-sweet si Laurel.
Sweet si Laurel noong magkasama sila sa ibang bagay, pero hindi sa ganito.
Naisip pa rin niya ang narinig mula kay Patrick pati na ang tungkol sa sinabi nito. Sandaling tinitigan ni Atlas ang anak at niyakap ito nang mahigpit na mahigpit.
It felt so good to hug his daughter; that was what he thought. Kapag nakakukuha siya ng pagkakataon, tinititigan niya ang anak. He kept on memorizing Laureen's cute, little face, the way she smiled, the way her eyes twinkled while telling a story about Paris, and the way she talked.
If Laurel's voice was music to his ears years ago, he never thought he'd love LJ's voice like a love song. A song he would never get tired of listening to, the music he would forever treasure, and a piece he would always long for.
Marami siyang plano, maraming proyekto, maraming iniisip na puwedeng gawin, pero nang makilala at makita niya ang mukha ng anak niya, isa na lang ang gusto niya. Ang maging ama nito, kahit na ano ang mangyari.
Ganoon pala. Kapag nakita na ang mga mata ng anak na nakatitig, mag-iiba na ang takbo ng buhay. Maiisip na kaya nang kalimutan ang lahat, isakripisyo ang kahit ano, ibigay kahit na ang mundo, gagawin ang imposible, at tatawirin ang kahit ano para sa rito
Atlas thought he loved Amira and Laurel. With that, he cleared his throat but never thought he would love someone so little while looking at Laureen Juliana.
Tumingin siya kay Laurel na seryosong naghuhugas ng pinggan. Laureen Juliana was a combination of their names. Naisip niya na kahit nagdesisyon itong itago sa kaniya ang anak nila, sinama pa rin nito ang kalahati ng pangalan niya, ipinakilala pa rin siya bilang ama.
Atlas thought that in this tiny detail, Laurel wasn't selfish.
Siguro kung sa kaniya, naging madamot ito, sa anak nila, hindi. Iniisip ni Atlas na siguro ay ipinaintindi ni Laurel sa anak ang sitwasyon, kaya ganito lumaki si LJ. Naramdaman niyang marunong umunawa ang anak, marunong itong umintindi, katulad ng ina.
Hindi alam ni Atlas kung ipagpapasalamat niya iyon, but a part of him was frustrated that LJ was longing for him. Laurel raised their daughter to be tough like her, pero may parteng nasasaktan siya dahil pakiramdam niya, kaya ni LJ mabuhay nang wala siya.
Nang hapon na, tinawagan niya si Amira na hindi siya makauuwi at kasama niya sina Patrick dahil may kailangan silang ayusing lupa na totoo naman. Pero hindi niya sinabi rito ang tungkol kina Laurel at LJ. Pagbaba ng tawag, kaagad siyang tumingala sa langit dahil guilty siya sa pagsisinungaling sa asawa niya.
He never lied to Amira, ngayon lang.
Tulog si LJ sa kwarto kaya naman sa labas muna nagpahangin si Atlas. Kailangan niyang huminga. Nilingon niya ang gate na bumukas at si Job iyon.
"Nagpaalam ka na ba kay Amira?" tanong ni Job.
Tipid siyang tumango nang walang sinasabing kahit na ano. Nanatili siyang nakatingin sa kawalan, sa harapan niya, na tanawing parang walang patutunguhan.
"Hindi ko alam kung ano'ng nararamdaman mo ngayon, Atlas." Mababa ang boses ni Job. "Alam kong nakakagulat, hindi mo expected, at hindi ko alam kung galit ka ba o ano. Galit si Patrick sa kaniya."
"Alam ko," sagot ni Atlas. "Narinig ko siya."
"Alam kong hindi mo siya pagsasalitaan ng kahit na ano," ani Job. "You were always careful when it comes to Laurel, but Atlas, you have all the right. Patrick was right, she's selfish. Gusto ko siyang intindihin, pero hindi sa bagay na 'to."
Nanatiling tahimik si Atlas. Ni hindi niya nililingon si Job. Suot niya ang hoodie at nakapasok sa loob ng bulsa ang dalawang kamay niya.
"Hindi mo magawang magalit kasi iniintindi mo, k-kasi mahal mo." Tumigil si Job at nagtama ang tingin nila. "Atlas."
Nag-iwas ng tingin si Atlas.
"Hindi mo kailangang magsinungaling sa akin, alam ko. Magkaibigan tayo simula pagkabata, alam ko kapag may itinatago ka. Pinagsabihan na kita noon, pero hindi mo napigilan." Mahina itong natawa. "Ni hindi ko nga alam kung galit ka sa kaniya, e."
"Inalagaan at binuhay niya si LJ, that's good enough for me," sagot niya.
"Unfair and unreasonable," sabi ni Job. "Iyan ang sinabi ko kay Laurel nang magkausap kami kanina. Sinabi ko sa kaniya na kahit ano'ng rason niya, hindi maganda ang ginawa niya lalo't may buhay na involved. Buhay na hindi lang para sa kaniya, kundi para sa 'yo rin sana."
Naramdaman ni Atlas ang pangingilid ng luha. Pilit niyang pinigilan, pero nagkusa iyong bumagsak. Dama niya ang malamig na hanging tumama sa mukha niya lalo nang tumulo ang luha niya sa magkabilang mga mata.
"Mahal ko, tang ina." Suminghot si Atlas. "Anim na taon na simula noong umalis, mahal ko pa rin pala. Akala ko hindi na, but I was so used to her absence that I thought I moved on, pero isang kita ko lang, bumalik lahat."
"Kasal ka na, Atlas. Hindi na puwede 'yang pagmamahal na gusto mo."
"Alam ko," sagot niya. "Mahal ko si Amira, Job." Ngumiti siya sa kaibigan. "Mahal ko ang asawa ko."
Job shook his head. "Atlas, you're cheating. Emotionally cheating and that's heavier. Cheating isn't always about sex. Tingin ko, hindi ko na kailangang I-elaborate sa 'yo 'yan. Pero asikasuhin mo 'yan. Hindi ko alam kung paano, pero isipin mo ang asawa mo."
—
Nang dumilim na, bumalik sila sa bahay at naabutan si Laurel na nag-aayos para sa dinner. Nagpa-deliver na lang ulit sila sa isang fast-food chain, isa pa, bibiyahe na rin sila kinabukasan kaya hindi na nag-aksaya ng panahon para mamili.
"Ano'ng plano pala bukas?" tanong ni Job. "Magta-travel kaagad tayo sa Manila?"
"Puwede bang idaan ko na muna si LJ sa strawberry farm? Sandaling-sandali lang, pagbibigyan ko lang ang gusto niya." Nakikiusap ang boses ni Laurel. "Kahit ten minutes lang, gusto lang niyang makita 'yung favorite place ko rito sa Baguio."
Job nodded. "Oo naman, walang problema. Hindi naman tayo nagmamadali, mabilis lang naman ang biyahe. We can stay long kung gusto mo."
"Thank you," Laurel said.
Nagsimula na silang mag-dinner. Katulad ng breakfast at lunch, sa tabi niya nakaupo si LJ. May manners ang anak niya katulad ni Laurel na hindi nagsasalita habang kumakain. LJ would drink something before speaking, walang tunog kapag kumakain, kahit na ang utensils, hindi tumatama sa pinggan at gumagawa ng ingay.
Hindi niya alam kung perfectionist mom ba si Laurel, pero parang imposible. Alam niyang go with the flow kind of person ito, alam niyang pasaway ito in some ways, posibleng na-adapt na lang din ng anak niya ang lahat dahil ganoon kumain ang ina nito.
Napansin ni Atlas na tahimik si Patrick, ganoon din si Laurel. Paminsan-minsan itong nakikipag-usap kay Job, pero mas madalas na nakayuko.
"Laureen, after eating, I'll prepare your bath na, okay?" ani Laurel habang nakatingin sa anak nila. "You're gonna have to sleep early, kasi we're gonna go to the farm before the hotel."
"Yes, Mommy." Tumingin si LJ sa kaniya. "Are you gonna come with us, Daddy?"
Hindi siya nakapagsalita dahil hindi siya puwedeng lumabas lalo na kapag maraming tao.
"Laureen." It was Laurel. "Daddy can't come with us tomorrow. He will be inside the car, and you know why, remember?"
Tumango naman ang anak nila at tumingin sa kaniya. "It's okay, Daddy. I'll just pick you some strawberries so you can eat them at home or give it to your wife." Ngumiti ito. "Does she love strawberries, too, Daddy?"
Tipid siyang tumango, hindi alam ang isasagot.
"Okay, I'll pick some for her, too," ani Laureen bago nagsimula ulit kumain ng chickenjoy. Manang-mana rin sa ina na hindi nagtitira ng kahit kaunting laman sa manok. Natatawa siya dahil sagad to the bones, pareho pang mahilig sa legs.
Pagkatapos nitong kumain, akmang tatayo si Laurel nang pigilan niya. "Eat, ako na ang bahala sa kaniya. Marunong ba siyang maligo mag-isa? I wanna try kung paano siya asikasuhin bago matulog. Ano'ng gagawin ko?"
"No, it's o—"
"Laurel." He sighed. "Please?" he begged.
Tumango si Laurel. "Ayaw niya ng malamig, ayaw rin niya ng shower kaya 'yung timba, punuin mo ng maligamgam na tubig bago mo siya paliguan. Nasa bathroom na rin ang shampoo and sabon niya, kasi special ang soap na gamit niya kasi medyo may rashed siya ngayon," anito. "After maligo, gentle lang ang pagpunas kasi sensitive siya."
Nakikinig lang si Atlas habang nakatingin kay Laurel.
"Bihisan mo na lang siya kaagad kasi giginawin 'yun, magiging purple ang lips." Ngumiti ito at mahinang natawa. "Tapos 'yung rashes niya sa may tiyan and legs, pakilagyan mo ng ointment. Alam niya kung anong ointment ang ilalagay, tapos toothbrush na. Tinutuyo ko ring mabuti 'yung hair niya kasi nga medyo makapal, matagal matuyo. Kapag nasa bed na, lagyan mo siya ng lotion niya. That's all."
Tumango lang si Atlas at sumunod sa kuwarto kung nasaan ang anak. Naabutan niya itong nakasalampak sa sahig. "What are you doing?"
Nilingon siya ni Laureen. "Looking for pajamas, Daddy."
"Let me." He smiled and started looking for the small pajamas. Napili nito ang kulay green naman na frog overalls.
Pumasok siya sa bathroom para gawin ang mga sinabi ni Laurel. Nakita niya sa isang bag lahat ng essentials na sinabi nito sa kaniya. Sinimulan niyang paliguan ang anak at natatawang sobrang kapal ng buhok nito katulad niya.
Kung hindi siya naka-clean cut, lalabas malamang ang pagkakulot niya katulad ni LJ. Laurel's hair was wavy to straight kaya naman buhok lang ang nakuha sa kaniya.
Nakita niya ang ilang peklat ng anak pati na ang rashes nito sa katawan. Pagkatapos maligo, toothbrush naman. Nagtatawanan pa silang dalawa dahil niloloko niya na maliliit ang ngipin nito kumpara sa kaniya.
Advanced mang mag-isip ang anak, baby pa rin ito para sa kaniya. LJ was just five years old, but she was thinking and talking maturely, but the way she was acting, she was still his baby girl.
Hinahaplos ni Atlas ang buhok ni LJ nang makatulog ito sa dibdib niya. Naaamoy niya ang pambatang shampoo na ginamit niya pati na ang lotion. Amoy baby at paulit-ulit niya iyong sinisinghot.
Nakayakap sa kaniya si LJ, nakahiga ang ulo nito na para bang pinakikinggan ang tibok ng puso niya.
It wasn't even twenty-four hours since he knew about his daughter yet he was so in love with her. Kung puwede lang na hindi ito maalis sa tabi niya, na hindi niya makita gagawin niya.
Maraming tumatakbo sa isip ni Atlas.
Ano kaya ang itsura ni Laureen noong baby? Malakas ba itong umiyak? Nagkasakit kaya? Ang cute siguro noong nagsimulang gumapang? Noong nagsimulang maglakad? Ano kaya ang first word?
Lahat iyon inisip niya dahil sa lahat ng iyon, wala siya.
Pumikit si Atlas at naramdaman niya ang patagilid na pagbagsak ng luha niya sa magkabiglang mata. Pinilit niyang huwag gumawa ng kahit na anong ingay para hindi ito magising ngunit hindi niya mapigilan ang pagsinghot.
"What's your first word, ha?" bulong niya at hinalikan ang tuktok ng ulo ng anak.
Pinilit ni Atlas ang matulog. Gusto niyang sandaling kalimutan ang nararamdaman at mahina niyang tinapik ang likod ni Laureen nang gumalaw ito.
"Shhh," he murmured.
Naalimpungatan si Atlas nang marinig ang kaluskos. Nakita niyang pumasok sa bathroom si Laurel. Gising ang diwa niya kahit pagod siya. Alam niyang nasa kwarto ito at hindi siya nagkamali nang bumukas ang ilaw sa tabi niya.
Bahagya niyang idinilat ang mga mata. Hawak ni Laurel ang laptop at akmang aalis na nang hawakan niya ito sa may pulsuhan.
"Thank you," nakapikit na bulong niya. "For bringing her into the world, Laurel. Thank you."
T H E X W H Y S
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top