Chapter 26

artwork by: maggie.png

The little girl was wearing pink unicorn overalls and was looking at him while smiling. Atlas didn't dare to break the little girl's heart by asking who she was and why she was calling him daddy.

He couldn't with those innocent eyes staring back at him.

Tumingin siya kina Job at Patrick na tumigil sa pag-uusap. Halatang nagulat at nakayukong nakatingin sa batang maliit.

"Hello, little unicorn." Atlas smiled warmly at the little girl who was staring at him. "Where's Mommy?" he asked.

"She's cooking." Itinuro nito ang loob ng compound. "You can come inside if you want to."

Maamo ang mukha ng batang nakatingin sa kaniya. Hindi na niya kailangang magtanong, alam niyang anak ito ni Laurel. That innocent face he couldn't forget; those hypnotic, curious, little eyes—hindi siya puwedeng magkamali.

But there was a question. The little girl called him daddy. Why?

Atlas shrugged the question and looked down. He leveled himself to face the little girl around his waist area.

"What is Mommy cooking?" tanong niya. "Come?" At pumosisyon na bubuhatin ito.

Atlas thought the little girl would say no. He was a stranger, but her face instantly lit up and she smiled widely, welcoming his hug. Kaagad itong yumakap sa leeg niya at inihiga pa ang ulo sa balikat. The hug felt familiar, kahit na unang beses niya itong nakita

"How old are you?" tanong ni Atlas.

"I'm five, Daddy. I celebrated my birthday last month. Mommy and I went to eat some ice cream, cake, and a lot of cotton candy!" excited na sabi nito.

Nasa labas sila ng bahay, nasa balcony area, dahil hindi niya magawang pumasok sa loob. Nandoon si Laurel.

Isa pa, habang buhat ang bata, hindi niya maintindihan kung bakit gusto niya itong yakapin nang mahigpit at ang pakiramdam na parang na-miss niya ito, e kung tutuusin, iyon ang unang beses na makita ito.

"Laureen Juliana!" Narinig niya ang boses ni Laurel na palapit sa kanila. Bumukas ang pinto at akmang magsasalita pa ito nang magtama ang mga mata nila. "L-Laur . . . Laureen."

"Mommy!" The little girl giggled. "Daddy is here po. I told him about my birthday!"

Atlas stared at Laurel. He was still carrying the little girl in the unicorn overalls who was talking about blowing a candle. Naririnig niya ang sinasabi ng batang hawak niya ngunit nanatili ang titig niya kay Laurel.

Anim na taon ngunit parang kahapon lang. Halos wala itong ipinagbago bukod sa mayroon itong full bangs at nakasuot ng salamin.

"Laureen, nag-toothbrush ka na?" Laurel asked.

The voice. It was still the same. Everything was still the same—all of it.

Kaagad na tinakpan ng batang hawak niya ang bibig at nilingon siya. "Oh, gosh. I'm sorry, I'm mabaho pa, Daddy." Nagpumilit itong bumaba. "Wait, I'll just brush my teeth, sorry." Tumakbo ito papasok ng bahay.

Nagulat si Atlas na hindi na niya nagawang makapagsalita dahil dali-dali na itong pumasok sa loob ng bahay nang hindi siya nililingon. Napakaliit nitong tumatakbo suot ang overalls na pink at mukhang stuffed toy pa nga.

Ibinalik niya ang tingin kay Laurel na nanatili sa may pinto. Nakatingin ito sa kanila, may munting ngiti sa mga labi. "Pasok kayo. Katatapos ko lang magluto ng almusal. Kumain na ba kayo? Ano'ng gusto ninyo, juice, coffee?"

Atlas didn't respond. Pumasok na si Laurel sa loob ng bahay ngunit nanatili siyang nakatitig sa pinto hanggang sa hawakan ni Job ang braso niya at inaya siya papasok.

Sa unang hakbang pa lang sa loob ng bahay, naamoy na kaagad ni Atlas ang pambatang pabango. Iba ang amoy noong sila lang ni Laurel dahil sa pagkakataong iyon, kaamoy ng bata ang bahay.

The house felt nostalgic, all the memories—everything felt the same. Pakiramdam niya, kahapon lang nangyari ang lahat, pakiramdam niya, kahapon lang umalis si Laurel.

The house still looked the same. Some memories rushed through him.

Well-maintained ang buong bahay at kung ano ang iniwan noon, iyon ang nadatnan nila. Anim na taon niyang hindi pinuntahan ang bahay dahil simula nang umalis si Laurel, hindi na iyon binalikan ni Atlas.

"Sorry pala, tumuloy kami rito," sabi ni Laurel habang nag-aayos ng pinggan sa lamesa. "Aalis na rin naman kami in a week, so yeah. Tinawagan ko lang din talaga si Patrick tungkol sa bahay, I hope you, guys, don't mind."

Nanatili si Atlas sa living room. Napansin din niyang tahimik lang sina Job at Patrick. Kung sa ibang pagkakataon, maingay ang tatlo habang nagkukunwentuhan.

Muli niyang tiningnan si Laurel na seryosong nag-aayos ng lamesa. Anim na taon. Iyon ang paulit-ulit na tumatakbo sa isip niya. 

Pilit na niyang kinalimutan ang nakaraan dahil gusto niyang makausad, pero isang tingin pa lang niya, parang bumalik lahat. Bumalik ang kahapong pilit na niyang ibinaon.

Sabay-sabay silang napatingin sa kuwartong nilabasan ng batang naka-overalls pa rin. Nakangiti itong lumapit kay Laurel na yumuko at inamoy ang bibig ng anak. Inayos din muna nito ang medyo kulot na buhok ng batang nakikipag-usap dito sa ibang language.

Kung hindi nagkakamali si Atlas, French ang ginagamit ng dalawa.

Inaya na sila ni Laurel na maupo sa dining table. Pang-anim na tao iyon dahil kabibili lang nila months bago umalis si Laurel para kapag nasa Baguio sina Job at Patrick, hindi sila hirap.

"Ano'ng first language niya, Laurel?" tanong ni Job.

Hinaplos ni Laurel ang buhok ng batang katabi. "English naman, pero second language niya ang French. We're practicing na sa basic needs, French ang gagamitin. Kailangan, e. Lalo't nag-aaral siya roon sa local school, kailangan niyang matuto ng French. Nakakaintindi naman siya ng Tagalog, hindi lang nakakapagsalita masyado aside from po and opo."

"French," bulong ni Atlas. "Where do you guys live?" tanong niya habang nakatingin kay Laurel.

"Paris!" sagot ng bata at nakuha niyon ang atensyon ni Atlas. "From our apartment, Daddy, we can see the Eiffel Tower because Mommy loves the fireworks so much."

Paris.

Tipid na ngumiti si Laurel sa anak. "Do you wanna remove your overalls and switch to normal PJs?"

Umiling ang bata. "No, Mommy. It's cold."

Atlas stared at the little girl. Napakaliit ng mukha nito na natatakpan pa nga ng medyo magulong buhok. Wavy na medyo brown at parang hindi pa nagsusuklay dahil kagigising lang.

The little girl's eyes were too familiar. Mata iyon ni Laurel. The face—everything—was very Laurel.

"You hate the cold?" he asked.

"Yes, Daddy." The little girl's voice was low. "Mommy, can I play with them? They're nice po?"

Laurel nodded and caressed the little girl's hair. "Yes, they're nice. Pero later, you have to eat your breakfast na, ha? 'Di ba, we're going to the strawberry farm pa?"

Atlas observed. Palipat-lipat ang tingin niya sa dalawang babaeng nasa harapan. Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman.

"Mommy." Tumingin ang bata sa kaniya. "Can I play with Daddy? He might leave later, too. Just for today, Mommy. I promise."

Nanatiling tahimik si Atlas na nakatingin sa nagsusumamong mga mata ng bata. He could see some flashbacks inside his head—the Laurel who would ask him for something—it was the same face as the little girl.

Naghintay rin si Atlas sa sagot ni Laurel ngunit tahimik lang itong nakatingin sa anak bago yumuko.

"Okay, Mommy, we'll just go to the farm." The little girl smiled warmly at Laurel.

Atlas couldn't bear to see the little girl's eyes. She was smiling at Laurel but was looking at him sideways. "We'll play." He looked at Laurel and then the little girl. "I won't go yet, and we'll play, okay?"

The little girl smiled widely; all her teeth came out and she giggled. "Thank you, Daddy."

A small smile crept into Atlas' lip while watching the little girl enjoy her pancakes. Napakaliit ng mga kamay nito para sa tinidor na may kalakihan. Tahimik itong kumakain at minsang iinom ng tubig.

Tumayo si Laurel at sinundan niya ito ng tingin papunta sa kusina. "Wait, ano nga pala drinks ninyo?"

"Okay lang kami, Laurel. Kumain kami sa daan kanina kasi nagutom ako. Biglaan din kasi ang travel namin, pasensya ka na, ha?" sabi ni Job. "Ikaw naman kasi, bigla-bigla kang tatawag! Sana nagpasabi ka kaagad!"

Natawa si Laurel, nag-o-observe lang si Atlas. "Kararating lang din kasi namin kahapon. Dumaan lang talaga ako rito. Nasa hotel 'yung ibang gamit namin. Kaso sabi ni Patrick, puwede naman kaming magkita rito so I decided to spend the night." Tumingin ito sa kaniya. "I hope okay lang naman. Don't worry, though, aalis din kaagad kami."

Atlas didn't say anything.

"Kailan kayo aalis?" gulat na tanong ni Job. "Wala man lang ba tayong bonding? Nakakatampo ka na nga na hindi ka nagpaalam sa amin noon, e. Tinatawagan kita, cannot be reached ka na!"

"Oo." Ngumiti si Laurel. "Tagal ko ring naghanap ng lugar na magse-settle in kami ni LJ, pero Paris is good for me. I love the city."

Pilit umiiwas si Atlas sa pagtitig kay Laurel, pero hindi niya magawa. Hearing her familiar voice after many years, it didn't change at all, even her appearance except for her shorter hair. Her hair now was just around her shoulder area. Nakasalamin na rin ito, pero hindi nagbago ang built ng katawan. She became mature in a good way, she looked happier.

Sandaling yumuko si Atlas at nag-isip. Mayroon siyang gustong itanong. Ibinalik niya ang tingin sa batang kaharap na masayang nakikipag-usap kay Patrick habang kumakain.

"Can we talk?" mahinang sabi ni Atlas habang nakatingin kay Laurel bago tumingin kay Job. Na-gets kaagad ng kaibigan niya ang ibig niyang sabihin dahil magiliw itong nakipagkuwentuhan sa batang nasa harapan nila tulad ng ginawa ni Patrick.

Hindi na nagsalita si Laurel, umakyat ito sa rooftop kaya naman sumunod siya. Naramdaman kaagad niya ang malamig na hangin ng Baguio, ang lugar na pilit na niyang kinalilimutan.

Kahit may mall show sa lugar, gagawa siya ng excuses para lang hindi makatungtong sa lugar na ito. The place had a lot of memories he couldn't erase. Those memories he treasured a lot and decided to bury deep inside his mind.

Walang gamit sa rooftop tulad noon kung hindi ang ihawan at isang upuan.

Pareho silang nakaharap sa kawalan kung saan kita ang baba ng bundok, one of the best things about the entire place. Hindi alam ni Atlas kung paano siya magtatanong.

Atlas breathed multiple times. He wanted to confirm something. He subtly counted while staring at the little girl.

Pumikit siya at huminga nang malalim dahil mukhang wala itong balak sabihin sa kaniya. "Anak ko ba?" diretsong tanong ni Atlas. "Sana hindi ka magsinungaling, Laurel."

"Oo."

A part of Atlas wasn't shocked that Laurel answered truthfully. Tiningnan niya ito at nagsalubong ang tingin nilang dalawa. "Bakit hindi mo sinabi sa akin?"

"Wala naman akong balak sabihin sa 'yo. Si Patrick ang tinawagan ko para sana sa bahay." Laurel crossed her arms and gazed at him sideways. "Nakita kasi ng lawyer ng mama ko na may property na nakapangalan sa akin, tinanong niya kung ano 'yun dahil nag-o-audit sila ng properties ng pamilya namin. Ayaw ko lang na pati ito, maapektuhan dahil hindi naman sa akin kaya tumawag na ako kay Pat."

"Alam mo 'yung number ko, bakit hindi ako ang tinawagan mo?" mahinahong tanong ni Atlas. "Ako ang may-ari nito, sa akin mo dapat ito ibabalik. Huwag ka palang magalit sa kanila, sana maintindihan mo kung bakit nila sinabi sa akin, dahil kailangang ako ang mag-decide."

Laurel smiled at him. "Don't worry, naiintindihan ko naman. Hindi ko lang in-expect na pati ikaw, pupunta rito. I was just expecting Patr—"

"Laurel," Atlas cut Laurel off. Hindi ang bahay ang gusto niyang itanong. "Puwede bang ipaintindi mo sa akin kung bakit hindi mo sinabi sa akin?" tanong niya. Wala siyang galit na nararamdaman dito, gusto lang niyang malaman."

Nanatiling nakatingin sa kaniya si Laurel.

"What's her name again? Sorry, I was just shocked that I wasn't able to grasp it," he murmured.

Yumuko si Laurel. "Laureen."

"Why are you calling her LJ?" he asked. "Can I at least know her full name?"

"Laureen Juliana Alcaraz," sagot nito. "Sorry, I go—"

Atlas smiled. "I like it." He sighed. "Kailan mo pa nalaman? Noong nakaalis ka na? Sana tinawagan mo ako."

Umiling si Laurel at sinalubong ang tingin niya. Hindi maintindihan ni Atlas kung bakit iba ang nararamdaman. Ayaw niyang mag-isip ng mali, pero kilala niya si Laurel. Hindi ito magsisinungaling.

"Laurel," pagkuha niya sa atensyon nito. "Kailan mo nalaman na buntis ka?"

"Atlas, you don't have to know. I decided to have LJ. It was my decision not to tell you."

"Kailan, Laurel." Ibinalik ni Atlas ang tingin sa kawalan. Mahinahon ang boses niya, gusto lang niyang malaman. May diin ang bawat salita ngunit kalmado siya dahil iyon mismo ang nararamdaman niya.

Narinig niyang bumuntonghininga si Laurel kaya tumingin siya rito. "A month after Korea," sagot nito. "It was intentional, Atlas. Ayaw kitang saktan, kaya, please, huwag mo nang alamin."

Atlas stared at Laurel for secons and smiled bitterly. "Sinasaktan mo na ako, Laurel. Sinaktan mo na ako six years ago, sinasaktan mo ulit ako ngayon knowing na may anak akong hindi ko man lang kilala."

Laurel didn't say anything. Seryoso lang din itong nakatingin sa kaniya.

Sandaling natahimik si Atlas. Tumingin siya sa kawalan. Prinoseso niya ang sinabi ni Laurel bago niya naintindihan. Muli niyang ibinalik kay Laurel ang tingin.

"What do you mean it was intentional? Did you intentionally get pregnant?"

Laurel slightly. "Yes. Isang buwan bago tayo mag-Korea, nag-decide ako na itigil ang pills ko dahil gusto ko ng anak. I wanted a child, I wanted to get pregnant, so I stopped taking pills. Inisip ko, why not from you? You're good looking, you are nice, baka makuha ng magiging anak ko. Then Korea happened."

Tahimik lang si Atlas na nakatingin kay Laurel. Hindi niya alam ang mararamdaman sa mga sinabi nito. May galit, pero gusto niyang makinig. Gusto niyang maging kalmado.

"Biglang nagbago ang isip ko. Kung naaalala mo 'yung nasa cable car tayo, I was thinking a lot that time. Gusto kong bawiin ang decision ko kaya naman noong nagkahiwalay tayo after Korea, I decided na babalik ako sa pills, pero naisip ko rin, may nangyari sa atin, baka may mabuo. So I waited a month. I took the test, it was positive," pagpapatuloy ni Laurel. "I panicked, I cried, I felt stupid. Hindi ko alam ang gagawin ko, and the first thing that came into my mind was to stay away from you."

Atlas remained stoic. He was . . . livid.

"I called my mother's lawyer to help me process my papers as soon as possible. Matagal ko nang inaayos 'yun, kaso hindi ako na-a-approve, pero nakiusap na ako sa lawyer ng mama ko, she helped me, I got approved." Ngumiti ito. "Minadali ko so I can leave as soon as I can."

Hindi binanggit ni Laurel sa kaniya si Patrick. Mukhang hindi nito alam na may alam siya tungkol sa pagtulong ni Patrick sa pagproseso ng papeles ni Laurel.

Matagal bago nakasagot si Atlas. Naramdaman niya ang pabilis ng tibok ng puso niya dahil sa nalaman. Naramdaman niyang may galit siyang nararamdaman, pero gusto niyang maging kalmado. Gusto niyang pag-usapan nila nang maayos, gusto niyang marinig pa ang sasabihin ni Laurel.

Ilang beses siyang huminga nang malalim. Ginamit ni Atlas ang pagiging artista para kahit papaano, maitago kung ano ang nararamdaman niya.

"So," hinaplos ni Atlas ang ibabang labi, "you're telling me that noong panahong pumunta ka sa shooting ko, panahong nag-bonding tayo sa Batangas, nandito tayo sa Baguio, buntis ka na and you didn't even tell me?"

"Yes."

Kumunot ang noo ni Atlas at tumingin sa kawalan. He tried to compose himself dahil parang sasabog ang dibdib niya. "Ang daya, Laurel," bulong niya. "Ang daya, pero hindi ko magawang magalit sa 'yo. Pilit kong iniintindi kung ano ang rason mo. Ipaintindi mo sa akin, nakikiusap ako. May balak ka man lang bang sabihin sa akin?"

"No."

"What?"

"LJ is mine to keep and I don't have plans on telling you. Kasi kung meron, the moment na nalaman kong buntis ako, sinabi ko na sa 'yo," sabi nito. "You even confessed you love me, but I didn't tell you. That means I don't have plans."

Atlas let out a small laugh and frowned. "Why are you doing this to me?" he asked. "So ano si Laureen, remembrance mo?"

"Yes."

It was one of the moments Atlas wanted Laurel to be a liar.

"Ang sakit naman ng remembrance mo, Laurel," mahinahong sabi niya habang nakatitig sa mukha nitong wala man lang guilt. "Ang sakit na pang-sa 'yo lang."

Walang sagot mula kay Laurel. Naka-cross arms itong nakatingin sa kawalan, ni walang reaksyon ang mukha samantalang siya, bibigay na.

"Laurel, anak ko si Laureen, e."

Nothing.

"Hindi naman 'yun parang keychain o pagkaing dinadala mo galing dito sa Baguio. Anak ko 'yun, e." Pigil na pigil siyang umiyak dahil limang taon. Sa loob ng limang taon, wala siyang alam. "Nakakatawa, hindi ko kayang magalit sa 'yo. Naiinis ako sa sarili ko na gusto kong magalit sa 'yo, pero hindi ko magawa."

Nothing from Laurel, who was just staring at nowhere.

"Bakit mo tinago sa akin? Hindi ko ba deserve malaman ang tungkol sa anak ko?" tanong niya. "Hindi ba ako deserving maging tatay ni LJ? Wala naman akong ginawang hindi maganda sa 'yo, Laurel, para gawin mo sa akin 'to. Wala akong naaalalang ginawang masama para itago mo ang anak ko. Dahil ba sa career ko? Ayaw mong masira ang career ko?"

As much as he could, he tried to be as calm as possible.

Laurel looked at him and shook her head. "No," she casually responded. "Never kong inisip ang career mo, Atlas. Alam mo 'yan. Kahit noong mga panahong magkasama tayo, never kong inisip 'yun. Alam mo kung ano ang nasa isip ko mula noon at hanggang ngayon?"

Hindi siya sumagot.

"'Yung privacy at katahimikan naming mag-ina. Wala akong pakialam sa career mo, it's you. Pero gusto kong protektahan ang anak ko s—"

"Natin," diin niya.

Laurel sighed. Hindi sila nagsisigawan, walang pait sa bawat salita, mahinahong nag-uusap.

"Ayaw ko ng gulo, Atlas. It was my choice to keep my child—"

"Our child."

"My child. It was my personal decision—"

"Personal decision mo, anak ko 'yun, Laurel." Atlas gazed at Laurel and breathed. "She's mine, too. Please naman! Hindi lang ika—"

"It was my personal decision to make her safe, to keep her hidden, to make sure she'll never get hurt," seryosong sabi ni Laurel habang nakatingin sa kaniya. "Kasal ka na, maayos si Laureen, at hindi ko siya papabayaan. Isipin mo na lang na wala lang 'to, na wala kang anak. Kasal ka na, ayaw ko ng gulo. Aalis na kami in a week, just—"

Lumambot ang expression ng mukha ni Atlas habang nakatingin kay Laurel. "Think na wala akong anak? Laurel, hindi ako galit sa 'yo at ayaw kong magalit sa desisyon mo dahil naiintindihan kong gusto mo siyang protektahan, pero paano naman ako?"

Hindi kaagad nakasagot si Laurel habang nakatingin sa kaniya, pareho silang tahimik.

"Ayaw ko ng gulo, Atlas."

"Hindi naman gugulo in the first place kung sinabi mo sa akin, Laurel," sagot niya. "Hindi naman gugulo kung alam ko, kung sinabi mo sa akin, hindi ako magpapakasal."

Laurel looked away.

"Sinabi ko sa 'yo noon na mahal kita. Mahal na mahal, actually," dagdag niya. "I was willing to sacrifice everything for you, for us, para lang hindi ka na mamroblema sa privacy. I was willing to quit, but you said you didn't love me. Alam mo ang masakit doon?"

Nothing from Laurel, who was staring at God knows where.

"Ang masakit doon, alam kong totoo ang sinasabi mo," mahinang sambing ni Atlas. "Now, you want me to think and act as if Laureen, our daughter, doesn't exist? I can't do that, Laurel. I can't and won't do tha—"

Tumigil sa pagsasalita si Atlas nang mag-ring ang phone niya. Kinuha niya iyon mula sa bulsa at nakita ang pangalan ni Amira. His wife was calling and immediately thought of his wife. Sandali siyang tumingala sa langit bago sagutin ang tawag.

"Hi, babe!" Amira's cheery voice filled his ear.

"Hey," Atlas uttered.

"Are you still looking for the house?" she asked.

"Yes, babe," he responded.

Naririnig ni Atlas na may ilang nagsasalita sa background.

"How are you na?" Amira asked.

"I'm okay. Ikaw? May lakad ka ba?"

"Yup! Nag-aya sina Marissa, e. Magpupunta raw kami sa Rockwell for a massage," sabi ni Amira. "What time ka pala uuwi?"

"Okay, ingat ka," sagot ni Atlas. "I'm not sure what time. I'll message you."

"Okay, babe. I love you!" Amira murmured sweetly.

"I . . . love you, too."

Amira dropped the call and Atlas stared at his phone for a second. He composed himself and looked at Laurel who was also looking at him. Their eyes met and even though Laurel was wearing a glass, he could still see her innocent eyes staring back at him.

"I told you about my plans, Laurel. About family, sinabi ko sa 'yo lahat 'yun. Hindi ako galit sa 'yo, pilit kitang iintindihin. Hindi ko magawang magalit, bakit ganoon? You betrayed me and here I am, still looking at you without hate. You are selfish, hindi ko alam kung bakit."

Atlas shook his head when he even got a response from Laurel.

"Iintindihin ko ang rason mo, Laurel, but can I at least hug my daughter?"


T H E X W H Y S

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #thexwhys