Chapter 25
"Happy second wedding anniversary, guys!" Ruth, the host, excitedly greeted them. "So, how was your celebration?"
Amira smiled and happily gazed at Atlas. "It was super fun! Nagpunta kami sa Paris and we toured around Europe. Isang buwan kaming nagpaikot-ikot doon kasi wala rin naman kaming plans kung saan kami pupunta. We just wanna enjoy."
Hinayaan ni Atlas na si Amira ang magkuwento ng tungkol sa anniversary celebration nila. Girl to girl talk na ang nangyayari at natutuwa si Atlas na makitang masaya si Amira sa pagkukuwento.
Naimbitahan sila ng isang morning talk show para lang pag-usapan ang tungkol sa pagbabalik nila dahil isang buwan silang nawala sa Pilipinas.
"Uy, nakita nga namin 'yung Instagram stories ninyo, pati 'yung mga post. You are so happy! Natutuwa kaming lahat that you guys really ended up together," natutuwang sabi ni Ruth.
Hinaplos ni Atlas ang likuran ni Amira. Komportable siyang nakasandal habang pinakikinggan na magkuwentuhan ang dalawang babae. Minsan din siyang nakikinig.
"We took a lot of photos, ate in different restaurants, and just chilled. Wala rin naman kasi kaming plano, we just wanna enjoy," sabi ni Amira. "Right, babe?" Nilingon siya nito.
Atlas nodded and smiled warmly. "Yeah, I wasn't really fond of cold places, but I think Europe has the best attractions na maraming puwedeng puntahan. The main reason we chose it. Nagtagal lang din talaga kami sa Paris 'cos we got to enjoy the city. It was nice."
Nilingon nila ni Amira ang screen sa likuran kung saan naka-flash ang pictures nilang naka-upload sa Instagram account ni Amira.
"Alam n'yo, natutuwa rin kami na you guys are one of the examples of a perfect couple. No issues at all, wala kaming naririnig na bad things about you, guys, even your work ethics are good given na married kayo."
Atlas chuckled. "We're very professional, Ruth. Work is work. Alam din naman namin na we're public figures kaya minsan pati ang private life namin, naka-public. But we're happy that our fans also respect our privacy."
Tumango si Amira. "That's true. Our marriage isn't perfect, we're having petty fights din naman, but Atlas is very mature. I love that I married a husband material talaga."
Natawa si Atlas sa sinabi ni Amira. "Balanced kami, actually. I'm a little serious about us, and this woman is cheeky. Given na rin siguro na we started as friends before anything kaya iba ang bond namin. Aside from being married, we're also best friends."
Nakikinig lang si Atlas sa pinag-uusapan ng dalawa. May mga fans silang nasa loob ng studio at komportable naman sila ni Amira.
They had been married for two years, and unlike what others were thinking because they were actors, the marriage was real. What he was feeling for Amira was real. He loved her, the main reason he married her.
Walang masabi si Atlas sa asawa. Amira was his little ball of sunshine. She made him feel loved and secured. Naramdaman niya sa presensya ni Amira ang pagmamahal na gusto niya, pagmamahal na hinahanap niya, pagmamahal na komportable siya.
Amira and Atlas dated for two years before they decided to get married.
Mahal ni Atlas ang asawa. Masaya siya simula nang maging sila at magkasama nilang inabot ang kung ano ang mayroon sila. Suportado nila ang isa't isa sa lahat. Amira loved the crowd and she also loved her job. Pareho sila ng trabaho, isa sa rason kung saan sila nagkasundo.
Nang matapos ang interview, kaagad silang dumiretso sa dressing room. May kaniya-kaniya silang lakad at pinagbigyan lang talaga nila ang network para sa interview.
Ngumiti si Amira nang makita nitong nakatingin siya habang nag-aayos ito sa harapan ng salamin.
"Why are you looking at me like that?" tanong ni Amira at naglakad papalapit sa kaniya. Inayos nito ang kuwelyo ng suot niyang polo. "See you at dinner? Magluto ako ng pasta?"
Atlas smiled and kissed Amira's cheek. "Bagay sa 'yo 'yang damit mo," he said. "Ingat ka, message mo ako. Gusto mo, sunduin kita?"
"No, I can drive," Amira said and kissed his cheek. "Ikaw rin, babe, ingat ka. Bili ka na lang ng pandagdag sa pasta? Ikaw na bahala, okay? I love you."
Their lips met, and Amira pulled away, giggling while wiping the red lipstick on Atlas' lip.
Atlas encircled his arms around Amira's waist. "I love you, too. Ingat ka."
Amira nodded multiple times. Akmang tatalikod na nang hawakan niya ang kamay nito.
"Wait, ihahatid na lang kita, tapos magpapasundo na lang ako kay Job. Tingin mo?"
"Are you sure?" Amira looked worried. "Okay lang naman ako, I can drive. You don't have to worry about me."
"I want to," Atlas said. "Come." He held her hand and walked towards their parking lot. "Ihahatid na kita. Tatawagan ko na lang along the way si Job kung saan niya ako susunduin."
Magkahawak ang kamay nilang lumabas ng dressing room. May ilang artista rin silang nakasalubong sa hallway ng station bago dumiretso sa basement parking kung nasaan ang sasakyan nila.
Pagsakay, tinawagan kaagad ni Atlas si Job para sabihing magkita sila sa kung saan niya ihahatid ang asawa. Mayroon itong lunch date kasama ang mga kaibigan samantalang may meeting naman siyang dapat puntahan.
Habang nagmamaneho, hinawakan niya ang kamay ni Amira at hinalikan ang likod niyon. They held hands while quietly enjoying the beat from the stereo.
Traffic din naman kaya nagkaroon sila ng pagkakataon para pagkuwentuhan ang ilan sa mga project na ginagawa nila. Tapos na ang bakasyon at maraming naka-line up para sa kanila.
"After ng meeting mo mamaya, uuwi ka na ba kaagad?" Mababa ang boses ni Amira na ikinangiti ni Atlas. "Basta if ever, nasa bahay lang naman ako. I'll wait for you, okay? Pero 'wag kang magmamadali. If you're going somewhere, sabihan mo na lang ako."
"I'll have dinner at home, babe," Atlas answered. "Bibili na lang ako ng dessert natin."
Amira smiled. "I would love that."
"Sino pala mga makakasama mo for lunch?" tanong ni Atlas. "I forgot to ask, sorry."
"It's okay. High school buddies," nakangiting sagot ni Amira. "Would you believe, buntis na naman si Clarisa! Nakakatuwa rin ang babaeng 'yun, pangatlo na niya! Tinatanong na nga rin nila ako kung kailan ako magkakaanak, sinabi ko naman na for now, focused pa tayong dalawa sa work and that we're still enjoying our companionship as husband and wife."
Atlas smiled but sighed. "Ang dami rin nating movies this year, babe. Are you sure about accepting some of it? Hindi ka ba mapapagod?"
"I enjoy it naman, babe," Amira uttered.
"Ingat ka sa pag-drive mamaya. If you're too tired, tawagan mo ako o si Kuya Rick para masundo ka niya, okay?" paalala ni Atlas. "Message me when you're home."
Pagkahatid ni Atlas kay Amira sa isang restaurant, nandoon na si Job kasama ang isang driver pa nila at naghihintay sa kaniya. Sasama rin ito para sa meeting niya sa isang brand endorsement.
Sa tuwing dumadaan siya mismo sa EDSA, nakikita niya ang iba't ibang products na ine-endorse niya. Halos hindi na niya mabilang dahil wala na siyang ginawa kung hindi tumanggap ng trabaho. Pareho sila ni Amira niya na ine-enjoy kung ano ang mayroon sila dahil temporary lang ang showbusiness.
Alam nila pareho na darating ang araw na pagsasawaan sila ng tao, mawawalan ng interes sa kanila ang publiko, matitigil lahat ng offer sa kaniya, kaya hangga't mayroon at umaayon sa kontrata, kukuhanin nila.
Halos ilang taon na siyang walang pahinga. Iyong tour nilang mag-asawa sa Europe ang pinakamatagal nila dahil kinailangan nilang dalawa. Pareho na silang napagod at na-stress sa mga ginawa nila, they both decided to breathe.
"Ano ba 'yung company na meet mo ngayon?" tanong ni Job sa kaniya habang nire-review nito ang kontrata para sa isa pang endorsement. "Ang benta mo, hindi ko na alam kung ilan na ba products mo. 'Yung isang bahay mo, punong-puno na ng mga box. Kailan mo ba ibebenta 'yun?"
Nilingon ni Atlas ang bintana at pinanood ang traffic. Medyo malayo pa sila sa.
Tinutukoy ni Job ang bahay niyang nasa loob ng isang subdivision. Hindi niya iyon ibinenta, pero hindi na siya roon nakatira dahil may sariling bahay na silang mag-asawa.
"Hindi ko pa alam," ani Atlas. "Hayaan mo lang 'yun. Basta pakiutusan na lang ang caretaker na malinis lang."
Tumango lang si Job at nagpatuloy sa pagbabasa.
Nakita ni Atlas ang isang billboard niya sa isang clothing line. He maintained his good image in the industry. Kahit kailan, hindi siya gumawa ng kahit anong kalokohan at issue na puwedeng sumira ng career niya at lalo ng relasyon kay Amira.
He respected his wife so much that he couldn't afford to hurt her. May mga pagkakataon nga na may pinagtatalunan silang dalawa, pero kaagad naayos sa pag-uusap.
Open minded si Amira kaya hindi siya nahirapan na makasundo ito. Amira was undeniably sweet and caring. Isa iyon sa dahilan kung bakit mas napamahal siya rito.
Pagdating sa meeting place, nandoon na ang ka-meeting nila, pati na si Grace, ang manager niya.
Shampoo ang bagong endorsement ni Atlas. Ngumiti sa kaniya ang manager. "Iniisip nga namin kung kailan kayo magkakaroon ng little version ni Amira!" sabi nito sa kaniya. "Kung sakali man, naka-ready na ang endorsement para sa magiging mga anak ninyo! Diapers, milk, anything, name it. Alam namin kung gaano kayo ka-effective na endorser ni Amira. For sure, pati ang anak ninyo."
Hindi pa napag-uusapan nina Atlas at Amira ang tungkol sa pagkakaroon ng anak dahil marami pa silang project. May kontrata sila para sa isang pelikula at ilang endorsement na kung pupuwede ay wala pa munang anak.
"Wala pa po 'yun sa plans namin," sagot niya. "Kung sakali man po, hindi namin alam kung mag-aartista o magmomodelo ang anak namin. Hindi pa po namin napag-uusapan."
"Sa bagay, privacy is everything," sabi ng product manager.
Atlas agreed. Kung kakayanin niyang maging pribado ang buhay ng magiging anak niya, gagawin niya.
—
Atlas smiled at the camera, as always. Nagsimula na ang shoot para sa bagong collection ng endorsement ng sapatos. Isang linggo pa lang silang nakararating ni Amira galing bakasyon, puno na ang schedule nilang mag-asawa.
"Great job, guys!" sigaw ng photographer sa kanila. "Thank you so much, Atlas. Ang bilis talaga ng trabaho kapag ikaw ang model."
Natawa lang si Atlas at nagpaalam na sa mga ito. Dumiretso siya sa dressing room at kaagad na naligo dahil hindi siya komportable sa mga makeup na nasa mukha at katawan niya.
Tumalikod siya at sandaling pinagmasdan ang tattoo sa likod. Pahirapan pa rin iyong takpan lalo na kapag kailangan sa shooting.
Paglabas ng bathroom, tinawagan niya si Amira. Nasa bahay na raw ito galing sa isang meeting kasama ang manager. Sa bahay na lang sila magkikitang mag-asawa.
Nilingon ni Atlas ang pinto nang may kumatok doon. It was Job and Patrick. Hindi niya maintindihan kung bakit, pero seryoso ang dalawang nakatingin sa kaniya.
Nagpatuloy siya sa pagtuyo ng buhok gamit ang towel. "What's up?" seryosong tanong niya habang nakatingin sa dalawa. "Bakit ganiyan kayo makatingin? Anong meron?"
Job pressed his lips together and he saw that. Tumingin naman si Patrick sa kaniya sabay yuko.
"Seriously, guys, what's wrong?"
Bumuntonghininga muna si Job at sinalubong ang tingin niya. "Nakatanggap kasi ng tawag si Patrick kaya siya pumunta rito. Hindi niya alam kung sasabihin ba niya sa akin o sa 'yo. Medyo pinagtalunan na namin 'to, pero kailangan mong malaman. Best friend kita, hindi ako maglilihim sa 'yo, pero ayaw ko na magdesisyon ka nang padalos-dalos."
"Ano 'yun?" seryosong tanong ni Atlas. "Just tell me. Kailangan ko na ring umuwi. Nasa bahay na rin si Amira and we're having dinner. Kung ano man 'yan, tell me now."
"Tumawag si Laurel," Job said.
Atlas tried to remain stoic, but hearing her name felt different. Kahit na paulit-ulit niyang sabihin sa sariling nakalimot na siya, hindi pa rin pala.
"And?" Atlas composed himself.
"Nasa Baguio siya ngayon," sabi ni Patrick. "To be honest, sinabi niya sa akin na huwag ko nang sasabihin sa 'yo. Pero sinabi ko kay Job and we can't just lie to you."
Hindi sumagot si Atlas at naghintay pa ng sasabihin ni Patrick. Alam niyang may communication ang dalawa, pero kahit kailan, hindi siya nagtanong.
"Nandoon siya sa bahay mo, Atlas. Tumawag siya sa akin, tinanong niya kung nakapangalan pa rin ba sa kaniya ang bahay, sinabi kong oo dahil totoo naman." Inilabas ni Patrick ang papeles ng bahay sa Baguio at nakapangalan pa rin iyon kay Laurel. "Noong sinabi kong sa kaniya pa rin, tumawag siya na ibabalik na niya ang bahay sa 'yo at gusto na niyang mawala 'yun sa pangalan niya."
Still, Atlas remained silent.
"Nagkausap na kami ni Laurel na pupuntahan ko siya bukas sa Baguio para ma-transfer ko na sa pangalan mo ang bahay at lupa. Hindi mo naman na kailangang makipagkita sa kaniya, ako na ang bahalang mag-ayos doon. Gusto lang namin ni Job na sabihin sa 'yo para aware ka," ani Patrick at kinuha ang papel na hawak niya. "Ano'ng balak mong gawin ko sa bahay na 'yun, Atlas? Gusto mo bang ibenta ko rin katulad ng sa Tagaytay?"
Umiling si Atlas. "Wala pa akong plano. Let's go? I need to go home to my wife."
Job and Patrick nodded without saying anything and left the dressing room. Sinabi niyang sa basement parking na lang silang magkita. Tinawagan niya si Amira para sabihing uuwi na siya.
Pagdating sa basement parking, naabutan niyang seryosong nag-uusap sina Job at Patrick.
Bigla niyang naalala. For six years, he never changed his number. Before Amira, Atlas waited for Laurel to contact him, but it didn't happen.
And then he realized Laurel could've called him about the house but didn't. It was his in the first place.
—
Pagkabukas ng pinto, naririnig ni Atlas na kumakanta si Amira. It was their wedding song. Napangiti siya dahil maganda talaga ang boses nito.
Amira was singing Isn't She Lovely.
Sumilip si Atlas sa kusina at nakitang naghahalo ito ng pasta. Nakaayos na rin ang lamesa, may kandila pa. Lumapit siya sa asawa at hinawakan ang kamay nito na ikinagulat dahil hindi siya narinig. Ipinalibot niya ang braso sa baywang nito at mahinang isinayaw.
"Nandito ka na pala!" nakangiting sabi ni Amira at hinalikan siya sa pisngi. "How was your day? Are you okay? You looked worn out."
Atlas tried to smile, he badly wanted to smile while looking at his wife. "Medyo napagod lang ako sa biyahe," sagot niya at inikot ito bago niyakap ulit. Mahina silang sumayaw. "I got your Double Dutch ice cream, babe."
"Thank you! Kain na tayo?"
Atlas nodded. Inayos niya ang upuan ng asawa bago naupo sa harapan nito. Nagkuwento ito tungkol sa mga ginawa maghapon, she was happily talking the new project and he was just listening.
Pinipilit niyang patakbuhin sa ibang bagay ang isip niya at mag-focus sa asawa niyang nakangiti na nag-e-enjoy magkuwento, pero hindi rin maalis sa isip niyang pagkatapos ng anim na taon, narinig niyang dumating si Laurel. Gusto niyang magalit sa sarili na ito ang umookupa ng isip niya kahit kaharap ang asawa.
Pagkatapos nilang kumain, nagyaya si Amira na manood sila ng movie. Nakasandal ito sa kaniya habang hinahaplos niya ang buhok nito, pero lumilipad ang isip niya.
He couldn't concentrate, hindi niya maintindihan ang pinanonood, hindi niya alam kung ano na ang nangyayari.
Naramdaman na lang niyang bumigat na ang paghinga ni Amira at mas sumandal na ito sa kaniya, indikasyon na natutulog na ito.
Atlas smiled. Maingat siyang tumayo at binuhat ang asawa papunta sa kuwarto nila. He tucked her to sleep before going to the basement. Hindi pa siya inaantok kaya naghanap siya ng puwedeng gawin.
Nagsimula siyang kalikutin ang isang sasakyan niya, isa sa naging hobby niya kapag wala siyang ginagawa.
Was he cheating? Paulit-ulit na tanong niya sa isip. May asawa siya, pero laman ng isip niya ang babaeng nakilala niya walong taon na ang nakalipas.
Mahal niya si Amira, pero sa tuwing naiisip niya si Laurel, ang daming tumatakbo sa isip niya.
Bakit?
Amira was his wife, never naging sila ni Laurel. Pero mas masakit ang parte ni Laurel sa buhay niya dahil ang daming what-ifs.
Laurel would always be Atlas' many what-ifs.
Bago pa man siya ikasal kay Amira, tinanggap na niya sa sarili na malaki ang parte ni Laurel sa buhay niya. Tulad nga ng sabi niya, she was his many what-ifs. Sobrang daming what-ifs na hindi matutupad kahit kailan.
Laurel chose to be happy alone, and he chose to be happy with Amira.
Nasa ilalim siya ng sasakyan, sinusubukang tanggalin ang isang screw, pero hindi niya magawa. He was starting to get frustrated. Kung gusto nitong ibalik ang lupa sa kaniya, sana siya na lang ang tinawagan. Sinabihan pa ang mga kaibigan niyang huwag sabihin sa kaniya.
Atlas closed his eyes.
Lumabas siya mula sa ilalim ng sasakyan at sinapo ang noo. Ang daming scenario na tumatakbo sa isip niya, ang dami niyang naiisip.
Kumusta na kaya si Laurel? Masaya kaya ito sa bansang pinuntahan? Natuloy kaya ang pag-aaral nito na unang plano noon? Nakapag-travel kaya ito nang maayos? Ano ang mga bansa na kaya ang napuntahan? Na-cross kaya nito ang listahan?
Walang social media si Laurel, kaya hindi niya alam.
Hawak ni Atlas ang cellphone nang buksan niya ang nag-iisang application na kumukonekta sa kaniya kay Laurel kahit na taon na ng lumipas. Nagsusulat pa rin ito sa Wattpad, dumami na rin ang followers nito, may ilang libro na rin itong nasulat, pero hindi na kasing-active noong magkasama sila. Hindi na ito madalas nag-a-update ng story. Alam niya dahil naka-follow pa rin siya.
Sa tuwing wala siyang ginagawa, sa tuwing mag-isa lang siya, binubuksan niya ang mga librong naisulat nito. It felt like he was still talking to her dahil kung paano ito magsalita sa librong isinulat, ganoon ito sa personal.
Bigla niyang naalala ang itsura nito sa tuwing nagsusulat. Kung gaano kaseryoso ang mukha, kung paanong nakakunot pa ang noo na hindi niya magawang maistorbo kahit na gusto niya itong kausapin.
He used to love seeing her looking at nowhere and started typing. Alam niyang nag-iisip ito ng isusulat sa tuwing natatahimik at nakatingin sa kawalan.
Atlas breathed and dialed Job's number. It was 3 a.m., and he was expecting na hindi ito sasagot, but his best friend answered to his shock.
"Bibiyahe kami in an hour, gusto mo bang sumama?" tanong ni Job sa kaniya. "Isang sasakyan na lang tayo, sumabay ka na sa amin."
Hindi siya nakapagsalita.
"Atlas, you can't fool me. If you wanna see her, come with us. Walang masama, 'di ba? Magkaibigan kayo n'on. Besides, it's your house, may karapatan kang kausapin siya dahil may agreement kayong dalawa. If you wanna come, we'll pick you up, sa gate n'yo na lang."
Atlas sighed. "Fine."
Pumasok siya sa kuwarto at naabutang mahimbing na natutulog si Amira. Saglit niya itong tinitigan bago pumasok sa loob ng bathroom para maligo.
Under the shower, Atlas was contemplating things. Wala namang masama, tama naman si Job. Siya ang may-ari ng bahay na iyon, siya ang may karapatang magdesisyon.
Sumulat si Atlas ng note at iniwan iyon sa table ni Amira at sinasabing may kailangan lang siyang puntahang bahay. Real estate ang isa sa businesses na pinasok ni Atlas dahil malaki ang kita. He needed to invest, hindi forever ang showbiz.
Hinalikan niya si Amira sa gilid ng noo bago lumabas ng kuwarto. Hindi niya alam sa sarili kung bakit niya ito ginagawa, imposibleng closure dahil umpisa pa lang, walang sila ni Laurel.
A part of him maybe just wanted to see Laurel.
Nasa labas ng subdivision na sina Job at Patrick paglabas niya. Pare-pareho silang tahimik, si Patrick ang nagmamaneho, nasa likuran naman siya. Nakatingin siya sa madilim na kawalan, hindi alam kung ano ang aasahan.
Alas-singko na ng umaga nang umalis sila sa Manila, alas-otso na, binabaybay parin nila ang daan. It felt like forever, hindi naman ganito noon.
Sa tuwing inihahatid niya si Laurel sa Baguio, pakiramdam niya, mabilis ang oras. Sa pagkakataong iyon, parang sobrang bagal na hindi na sila umuusad nang maayos.
Mas tumindi pa ang kabog ng dibdib niya nang maramdaman na ang malamig na simoy na hangin ng Baguio. Anim na taon na siyang hindi bumabalik sa lugar, pero alam niyang alaga ang bahay na naiwanan ni Laurel. May caretaker na naglilinis at paminsan-minsan, nagpupunta sina Job at Patrick kapag naisipan.
"Hindi ba tayo bibili ng pasalubong?" tanong ni Job. "Ano ba'ng paborito ni Laurel? Kumakain ba 'yun ng cake?"
Hindi siya sumagot, wala siyang balak sumagot.
Nakatingin lang siya sa pamilyar na daanang binabaybay nila ilang taon na ang nakalipas. Ang lugar kung saan nakikinig sila ng malakas na kanta, sinasabayan iyon kahit sintunado, habang kumakain ng kung ano.
Pagkapasok sa subdivision, iba na ang pakiramdam ni Atlas. Aware siyang malamig ang Baguio, pero naninigas ang kamay niya at kumakabog lalo ang dibdib. He was still thinking about the past until he saw that house.
Gusto niyang pumikit dahil maling nandoon siya, pero hindi niya magawang umatras. He would face Laurel one way or another, like a normal friend, like how they used to. Things were different now, but Atlas hoped their friendship would remain.
Nang huminto ang sasakyan, hindi kaagad siya bumaba. Ipinalibot niya ang tingin sa lugar, walang nagbago, nagkaroon lang ng bahay medyo malapit sa lugar ng bahay na pag-aari niya.
"Atlas, tara," aya ni Job na sumilip sa sasakyan.
Tumango siya at bumaba. Tiningnan niya ang bahay, well-maintained iyon at walang ipinagbago. Nawala lang si Laurel, but the house was still the same.
Nag-uusap sina Job at Patrick sa gilid niya kaya naman siya na ang pumindot ng doorbell na nasa gilid ng itim na gate. He made sure that the gate was secured dahil si Laurel lang ang nakatira noon. He made sure na hindi basta-basta makapapasok ang nasa labas.
Pinindot ulit niya ang doorbell hanggang sa makarinig silang tatlo ng kaluskos mula sa loob.
Pagkabukas ng gate, napayuko siya dahil may maliit na kamay na lumabas doon kasabay ng pagsilip ng batang medyo kulot. Ngumiti ito sa kaniya at nag-wave pa.
"Hi, Daddy!"
T H E X W H Y S
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top