Chapter 24
Bumaba si Atlas galing sa video room para magluto ng dinner. Dalawang araw na rin siyang nakapahinga dahil katatapos lang ng shooting nila ni Amira para sa series. Binigyan sila ng dalawang linggong break kaya sinasamantala niya iyon.
Naghanap siya ng puwedeng lutuin. Halos buong maghapon siyang tulog bago niya naisipang maglaro. Ganoon na ang naging routine niya kapag walang trabaho.
Manonood, maglalaro, kakain, matutulog ulit. Paulit-ulit.
Bumabawi rin naman siya dahil ilang buwan siyang subsob sa trabaho at ginusto naman niya iyon. Wala siyang tinanggihang offer at kasabay niya si Amira sa lahat. Halos pag-uwi sa bahay na lang ang paghihiwalay nila sa dami ng trabaho.
Sa kalagitnaan ng pagluluto ng nilagang baka, sandali siyang tumigil nang makita ang headline ng isang showbiz news portal at sinabing nasa ospital daw si Amira. Wala siyang alam dahil wala namang nagsabi sa kaniya.
Tinawagan niya si Job para kumpirmahin.
"Bakit hindi mo sinabi sa 'kin?" aniya habang hinahalo ang sabaw ng nilaga. "Kailan pa?"
"Hindi ko rin alam. Ngayon ko lang nakita," sabi ni Job. "Tinawagan ko si Che," ang personal assistant ni Amira, "n'ong isang araw daw."
Huminga nang malalim si Atlas. "Sige, thanks. Magpapahatid na lang ako kay Kuya Rick."
"Pupunta ka sa ospital?" tanong ni Job.
"Oo. Sakto nagluto ako ng nilaga, dadalhan ko na lang ng sabaw," ani Atlas. "Sige na, mag-aayos na muna ako."
Ipinagpatuloy ni Atlas ang pagluluto. Nag-order din siya online ng bulaklak na dadalhin sa ospital. Sinabihan na rin niya ang driver niya na pupunta sila roon. Nilingon niya ang orasan, alas-singko na rin ng hapon at malamang na gabi na siya makararating doon.
Inayos ni Atlas ang sarili. Nagsuot siya ng simpleng polo shirt na kulay maroon at pinarisan iyon ng maong na pantalon. Naglagay siya sa container ng nilagang niluto niya at dinaanan na lang ang bulaklak na na-order niya sa isang flower shop.
Sinubukang tawagan ni Atlas si Amira, pero hindi ito sumasagot at malamang na nagpapahinga. Walang sinabi si Job kung ano ang rason dahil hindi rin nito alam kung bakit. Sa news articles, wala rin namang naka-disclose kung bakit nasa ospital si Amira.
Sa basement parking na dumiretso ang sasakyan ni Atlas na minamaneho ng driver niya. Sa back seat siya palaging nakaupo at mas naging komportable na siya roon.
Nasa private area naman daw si Amira kaya walang fans na makapapasok. Ipinagpapasalamat ni Atlas na private elevator ang ginagamit papunta roon kaya naman walang ibang makakikita sa kanila. Ayaw niya na pati ang pribadong pagpunta sa ospital para bumisita ay maging issue pa.
Isa sa mahirap sa trabaho nila ni Amira, kahit na pribadong pagkakataon, maraming matang nakatingin. Isang pagkakamali nila, puwedeng makasira sa ilang taong pinagpaguran. Isang maling desisyon, masisira ang pundasyong inalagaan nila simula umpisa.
Hawak ni Atlas ang paper bag ng pagkain. Balak pa sana niyang dumaan ng cake, pero hindi na niya nagawa dahil sa tindi ng traffic. Muli niyang tiningnan ang oras sa relong suot. Malapit nang mag-alas-otso ng gabi.
Tiningnan niya ang bulaklak na hawak. Pink roses were Amira's favorite flower. Palaging iyon ang ipinadadala niya sa dalaga lalo na kapag birthday nito.
Pagbukas ng elevator, nakasalubong ni Atlas ang VIP nurse na napatitig sa kaniya. He was used to the kind of look—shocked and starstrucked. Hindi na siya nagugulat o naaasiwa kapag ganoon ang tinginan sa kaniya.
Si Job din ang nagsabi kung saan ang room number ni Amira kaya dumiretso na siya roon. Hindi na siya nagtanong sa mga nurse na nasa receiving area ng VIP floor. Nginitian na lang niya ang mga ito na malalaki ang mga matang nakatingin sa kaniya.
Atlas slightly shook his head.
Sakto namang papasok ang nurse sa kwarto kung nasaan si Amira nang tumingin ito sa kaniya.
"Good evening," Atlas greeted the nurse who instantly smiled.
Sabay silang pumasok at naabutan ni Atlas si Amira na nakaupo at kumakain ng hospital food. Nanlaki ang mga mata nitong nakatingin sa kaniya.
"Atlas," Amira murmured. "Anon—" She stopped talking because a nurse was around.
Ang alam pa rin ng ibang tao, sila. Publicly, they were dating.
Ibinaba ni Atlas ang bulaklak sa lamesang nasa tabi ng bintana bago lumapit kay Amira. Naupo siya sa gilid ng kama nito at binuksan ang dalang paper bag.
Busy ang nurse sa pag-aayos ng swero ni Amira. Nakita niyang may dugo iyon.
"Bakit nagkadugo?" tanong ni Atlas.
"Naitukod ko." Amira giggled. "Nauhaw kasi ako kanina, medyo malayo 'yung tubig kaya bumaba ako. Kaso naitukod ko."
Hindi na nagsalita si Atlas at inilabas na lang ang dalang container. Nakita niya ang pagkain ni Amira. Boring hospital food that looked so bland. Nilingon niya ang nurse na busy sa ginagawa.
"Puwede ka bang kumain ng nilagang baka? Nagluto kasi ako, nagdala ako ng sabaw," ani Atlas habang nakatingin kay Amira.
"Okay naman. Nagpabili nga rin ako kanina ng ramen. Gusto ko sana ng ibang pagkain, ayaw ko nitong hospital food, pero walang choice. Gutom na rin naman ako kaya okay lang."
Umiling si Atlas at mahinang natawa. Binuksan niya ang container at maingat na inilagay iyon sa lamesang nasa harapan ni Amira. Tapos na rin ang nurse sa ginagawa at sinabing tawagin na lang kapag may kailangan.
"Atlas, ano'ng ginagawa mo rito?" Hinalo ni Amira ang sabaw at hinipan.
"Ikaw ang gusto kong tanungin niyan." Mahinahon ang pagkakasabi ni Atlas. "Ano'ng ginagawa mo rito?"
Amira gave him a subtle smile. "Migraine lang naman and sabi ng doctor, over fatigue. Medyo napagod kasi ako last shooting natin, e. Kaya last two days, nagpa-confine na ako n'ong hindi na ako makadilat sa sobrang sakit ng ulo ko."
Atlas frowned. "Bakit hindi mo kami sinabihan?"
"Okay lang naman ako." Humigop ng sabaw si Amira. "Uy, ang sarap nito. Niluto mo? Totoo?"
"Oo." Natawa si Atlas. "Sino'ng kasama mo?"
Umiling si Amira. "Wala kaya nag-hire na lang ako ng personal nurse."
Atlas was aware that Amira was alone. Sa US na nakatira ang mga magulang nito pati na ang dalawang kapatid. Mayroon nang sariling pamilya ang isa, nag-aaral pa naman ang isa.
"Si Che?"
"Naka-rest day 'yun kapag wala akong trabaho," tipid na sagot ni Amira. "Okay naman, mas maaalagaan pa nga ako ng mga nurse. Pero uy, thank you sa pagbisita at sa sabaw."
Ngumiti lang si Atlas at naupo sa sofa na nasa loob ng malaking kwarto ni Amira. Mayroong malaking TV, mini kitchen area, at malaking sofa. Puwede rin daw mag-request ng kutson kung gugustuhin.
"Stop using your phone," Atlas commanded when he saw Amira taking pictures of the food. "Sasakit lalo 'yang ulo mo."
"Pang-story lang."
"Amira." Atlas frowned.
Amira gazed at him and smiled. Ni-lock nito ang phone at ibinaba sa gilid ng lamesa bago nagsimulang kumain. Pinag-usapan nila ang tungkol sa recent script na binabasa nila para sa isang pelikula.
"Aren't you tired?" Amira asked.
"Not really," Atlas responded. "Wala naman kasi akong gagawin. I'd rather work than stay at home. Hindi ako sanay sa bahay."
Nagsalubong ang kilay ni Amira. "Atlas, may tanong ako."
"What is it?"
Matagal bago nagsalita ulit si Amira. Nag-observe si Atlas. He wanted her to tell her without him asking. Tahimik niyang hinintay si Amira. Hinahalo pa rin nito ang sabaw na dala niya bago muling ngumiti.
"Minsan ba, naisip mo nang tumigil sa pag-aartista?" Mababa ang boses ni Amira.
"Lots of times? Lalo siguro a year ago. Nasa peak na ako na ayaw ko nang mag-shooting." Atlas smiled. "Dumating na ako sa puntong tumatanggi na ako."
Tumango si Amira. "Actually, napansin ko 'yan sa 'yo. Kilala kita, since we're teens, na never humindi sa kahit anong project. But those times, you were always away. Napansin namin noon na nagsimula kang tumanggi at sa totoo lang, medyo nag-alala ang executives."
Hindi alam ni Atlas iyon—more like hindi niya inalam.
"Pero mabuti at nakapagpahinga ka. Ako naman, hindi ko nakikita ang sarili kong aalis sa showbusiness, Atlas. Ito lang ang kaya kong gawin. Nakapag-aral ako ng college, yes, I have a degree, but I never practiced." Rinig ni Atlas ang lungkot sa boses ni Amira. "I know, ito lang ang kaya kong gawin kaya hangga't kaya ko, I'll accept projects. Hindi puwedeng mawala sa 'kin 'to kasi . . . hindi ko alam kung ano ang gagawin ko pagkatapos."
Naintinidihan ni Atlas si Amira dahil siya mismo, walang ideya kung ano ang kaya niyang gawin. Growing up inside showbusiness was different. Pareho sila ni Amira na hindi na-expose sa ibang trabaho. Nakapag-aral, pero homeschool na nga, hindi pa na-practice.
The acting was the only job they knew.
"Uy, Atlas, 'wag ka na ring magpagabi. Baka ma-traffic ka." Ngumiti si Amira.
Akmang tatayo si Amira ngunit nauna si Atlas. "Saan ka pupunta?"
"Liligpitin ko lang 'to. Okay naman, I can push this IV stand naman," Amira said while fixing the table.
"Ako na," Atlas volunteered and fixed the table. "Kung may kailangan ka, let me know. I'll stay."
Nilingon niya si Amira na hindi sumagot at nanatiling nakatitig sa kaniya. Salubong ang kilay nito at nakita niya ang pagod sa mga mata nito. Sanay siyang walang makeup si Amira dahil madalas naman silang magkasama sa dressing room kapag inaayusan ito.
"What?" Atlas was confused.
"Bakit ka mag-i-stay? Umuwi ka na. May nurse ako."
"Wala naman akong gagawin. I have time," Atlas uttered and fixed the table. "Maglalaro lang ako ng video games doon. Dito na lang muna ako. I'll leave in the morning or I'll leave now if you're uncomfortable?"
"Not that I'm uncomfortable." Amira paused. "Nahihiya lang ako."
Atlas gave Amira a warm smile. "Saan? We're friends. It's the least I can do. May kailangan ka?"
Mabagal na umiling si Amira habang nakatingin sa kaniya. Siya na mismo ang naglinis ng lamesang ginamit nito at hinugasan sa kitchen area ang pinagkainan. Nang matapos naman, nag-message siya sa driver na puwede na itong umuwi at sunduin na lang siya kinabukasan.
"Atlas, sure ka ba? Okay lang ako, swear. May nurse naman akong makakasama," ani Amira na halata ang pag-aalala sa boses.
Natawa si Atlas. "Okay nga lang. Kailan ka pala madi-discharge?"
"Baka bukas na rin. Sabi ng doctor ko, kapag okay na rin daw 'yung feeling ko, puwede na akong umuwi. Pero wala naman akong kasama sa condo kaya rito na muna ako. Sa isang araw pa rin kasi makakabalik si Che," dagdag ni Amira.
Tumango lang si Atlas at naupo sa sofa.
Pumasok ang nurse ni Amira kasama ang doctor. Binati siya nito at nakinig naman siya sa sinasabi tungkol sa kaso ni Amira. Overfatigue dahil na rin sa long period of hours nila sa trabaho at sinabayan pa nang migraine.
"You heard her." Tumayo si Atlas at lumapit kay Amira. "Hindi ka raw muna puwedeng mag-phone and you have to rest. Go to sleep, Amira."
"Sure ka ba talaga na mag-stay ka rito?"
Atlas chuckled and gazed at Amira sideways. "Ang kulit."
"Okay na po." Ngumuso si Amira at nagkunwaring nagtampo.
Sandali silang nagkuwentuhan hanggang sa maramdaman na ni Amira ang pagkaantok dahil na rin sa lakas ng gamot na itinuturok. Tinanong niya ang doktor tungkol doon at pain reliever daw iyon.
Madilim ang buong kwarto at ilaw lang na nanggagaling sa humidifier ang na umuusok ang nagsilbing liwanag sa kwarto. Nakahiga si Atlas sa sofa at nakatitig sa kisame na hinintay ang sariling antukin.
Muli niyang nilingon si Amira na mahimbing na natutulog. Nakaharap ito sa kaniya yakap ang isang malaking unan na pinadala galing sa condo.
Seeing Amira exhausted was new to Atlas. She was always jolly and positive. Ni hindi nila ito nakikitang nagrereklamo sa trabaho. Kahit na mainit at naiirita na, nakangiti pa rin ito na para bang hindi nahihirapan.
Hindi inalisan ni Atlas ng tingin si Amira. Naalala niyang nagkaroon ng pagkakataon noon na halos lahat ng crew sa shooting, kahit na siya mismo ay nakaramdam ng inis nang hindi nasunod ang schedule, but Amira's positivity lifted everyone.
Ipinaramdam ni Amira noon na magiging maayos ang lahat, maghintay lang sila sandali, at matatapos din nila ang trabaho. Amira even bought everyone a food—ice cream, pizza, and chocolates.
No wonder the woman was the sunshine. Nakahahawa ang pagiging positibo nito sa kanilang lahat.
Atlas smiled when Amira scratched her nose and yawned. Akala niya magigising na ito, pero umayos lang ng pagkakahiga. Humigpit ang yakap nito sa unan at muling mahimbing na natulog.
—
Isang buwan pagkatapos makalabas ni Amira sa ospital, kinausap ni Atlas ang management kung puwede bang hindi na mauulit ang nangyari sa kanila na inabot sila nang halos fourteen hours sa shooting.
They had given so much for the network, marami na silang naibigay, at iyon lang ang nag-iisang hiling ni Atlas para hindi na maulit na maospital si Amira.
"Buti pumayag sila." Kumagat si Amira ng burget at mahinang natawa. "N'ong ako, parang hindi nila ako sineseryoso. N'ong sinabi kong ayaw ko na nang fourteen hours shooting."
"Sinabi ko sa kanila na hindi natin tatanggapin 'yung bagong series." Atlas bit his lower lip with a smile. "Sinabi ko rin na kapag hindi nila inayos ang working hours natin, we won't sign the contract next month."
Nanlaki ang mga mata ni Amira habang nakatingin sa kaniya. Umayos ito nang upo at humarap pa nga. "Seriously? You said that?"
Atlas nodded. "Sinabi ko rin 'yun kanina sa manager ko at sa manager mo na kapag pumayag pa ulit sila, we'll drop them. Sinabi ko na nag-usap na tayo kahit hindi naman talaga."
"Wow." Amira smiled and shook her head. Para itong na-amaze sa ginawa niya. "Imagine, Atlas Legaspi threatening them? Pero you really didn't have to. I'm okay."
"I know na okay ka lang, ganiyan naman palagi ang sinasabi mo," sagot ni Atlas. "You still have another month. Nag-request pa ako ng isang buwan so you can rest. Ako kasi, meron akong endorsement shoot sa mga susunod. Ikaw, rest."
Amira pouted. "Atlas, grabe, thank you for this. Thanks for being a good friend na nakakasama ko sa drive in movie. Buti hindi ka pa nagsasawang kasama ako? Grabe 'yung halos tulog lang tayo nagkakahiwalay kapag shooting, 'no?"
"Parang nga." Atlas shook his head. "First-time kong panonoorin 'tong What's Your Number. Is this good?"
"Yup. Chris Evans ang bida. It's about a girl with lots of body count, as in 'yung mga naka-sex na niya tapos nahihiya siya kasi marami na pala," Amira explained the movie. "Parang the whole movie was about her being insecure about her body count, ganoon. It's nice."
Atlas became quiet for a second. He remembered someone until he shrugged it off by focusing on the movie.
Nasa drive-in movie ulit sila ni Amira. It became a weekly routine to watch someone random movie and eat inside the car. Minsan din nilang nasubukang manood ng movie sa loob ng café dahil mayroong private movie rooms sa loob, pero hindi na naulit dahil pinagkaguluhan sila ng ilang customers.
"Next week, what's the move?" Nilingon ni Atlas si Amira.
"Gusto mo sa Friday naman tayo? Friday kasi is surprise. Walang nakakaalam kung ano ang ipapalabas nila rito unlike the other days." Amira shrugged. "But on Tuesday, nakita ko kanina na it's The Notebook. I don't like it."
Atlas nodded. "Let's do the Friday, tingin mo? Surprise mo na lang."
"Sige." Tumingin sa kaniya si Amira. "Aren't you bored? I think hindi movies ang thing mo, e. Aren't you like the other guys na basketball kapag free time or tour?"
"I like to sleep whenever I'm not with you." Atlas looked at Amira. "Natutulog lang naman ako kapag nasa bahay, kapag walang trabaho. So this is okay. Plus, not a fan of basketball. Matutulog na lang ako."
Niyakap ni Amira ang sarili at kinumutan. May dala sila palaging blanket at palaging sasakyan ni Amira ang ginagamit nila. Nagpapahatid si Atlas sa condo ni Amira, doon niya ito susunduin, at kapag uuwi na siya, susunduin siya ulit ng driver pauwi.
Atlas still hated to drive alone. He would only drive if he were with Amira. With Patrick and Job, they were using their cars kaya nakikisakay na lang siya.
"Bakit pala hindi ka nagda-drive kapag mag-isa?" It was an out-of-nowhere question from Amira, and Atlas was shocked. "You don't have to respond." She smiled.
Humipit ang hawak ni Atlas sa manibela at itinuon ang pansin sa palabas. Tahimik siya, ganoon din si Amira na inayos ang pagkakahiga sa passenger's side yakap ang malaking unan at kumot.
Nilingon niya ang dalaga na nakangiti habang nanonood. Kumakain pa ito ng wedges habang patagilid na nakahiga.
"It feels lonely to drive alone," basag ni Atlas sa katahimikan. "I hate the silence."
Bahagyang bumangon si Amira at tumingin sa kaniya. "Okay. I like that you're driving for me naman kasi tamad akong mag-drive. It's a win-win for me." She squinted and giggled. "Thank you, Atlas!"
"It's nothing," Atlas murmured. "Thanks for asking me to come to your weekly movie routines. I like it."
"Wala 'yun!" Amira's nose scrunched. "I never thought watching with someone feels nice. I'm used to watching movies alone, except kapag premier night, natin, ha? I like watching movies alone, but thanks for letting me experience this. Para akong may boyfriend talaga!"
Atlas smiled and saw that the popcorn was almost empty. "You want more popcorn? Mag-o-order ako."
Amira nodded and focused on the movie. Nagpaalam na siya kay Amira na bababa na lang para bumili ng pagkain sa gilid ng drive-in movie dahil mayroong parang booth sa gilid.
May ilang nakatingin sa kaniya, but he didn't care. He ordered the foods they could eat while watching. Nasa kalahati pa lang ang movie, ubos na ang pagkain nila.
Pinanood niya ang movie habang naghihintay na maluto ang fried chicken pops na idinagdag niya nang dumako ang tingin niya sa sasakyan.
Amira's car wasn't that tinted and he saw her smile widely when the movie character confessed. Nakita rin niya kung paano nitong niyakap ang kumot.
Matagal na niyang nakakasama si Amira, simula teenager sila, pero nitong mga nakaraan, narinig niya sa unang pagkakataon kung paano ito matawa. The laughter became different.
Amira's giggles when happy were contagious, and he realized she was like sunshine after the thunderstorm.
Her positivity radiated so much that he wanted to see more of it. He wanted to, and he would.
T H E X W H Y S
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top