Chapter 23

Tulad ng iba, pumalakpak si Atlas at nakangiting ipinalilibot ang tingin sa loob ng sinehan. Premier night ng pelikula nila ni Amira at katatapos lang nilang panoorin.

Kumaway siya sa ibang artistang nanonood. May ilang fans na imbitado, mga boss ng network, co-stars, at kung sino-sino pang hindi kilala ni Atlas.

Nasa loob din ng sinehan sina Patrick at Job, ang ate niya kasama ang boyfriend nito, pati na ang parents niya.

Atlas was used to it. Palagi namang nanonood ng pamilya niya ng premier night ng movie. Kahit mayroong love scenes o kung ano, wala na siyang pakialam. Napapanood nga ng ibang tao, malamang pati ng pamilya niya mismo.

Ibinalik niya ang tingin kay Amira na masayang nakikipag-usap sa isang co-star nila. Inaasahang box office ang pelikula nila lalo na at maraming nag-abang.

Iyon ang pelikulang trinabaho nila sa loob ng ilang buwan na kinailangan pa nilang pumunta ng Palawan para mag-shoot. Naging busy sila noong nakaraan dahil sa dubbing, editing, at pamimili ng kantang gagamitin bilang official soundtrack.

"Amira," pagkuha ni Atlas sa atensyon nito na kaagad naman siyang nilingon.

Amira smiled widely and immediately walked towards him. "Congratulations, Atlas! Ang ganda n'ong movie natin. Naiiyak ako!" Sumibi ito habang nakatingin sa kaniya.

"Galing mo, e. Lalo 'yung scene mo sa may barko." Tinutukoy niya ang scenes ni Amira sa pelikula. "Ganda ng shots n'yo sa deck. Ang galing."

"Thank you." Nagsalubong ang kilay ni Amira habang nakatingin sa kaniya. "Baka naman umalis ka kaagad mamaya? May after party pa raw tayo dahil dito o uuwi ka na ulit tulad n'ong mga nakaraan?"

Nilingon ni Atlas ang parents niyang nakikipag-usap sa ate niya. Nakita rin niyang papalapit sa kaniya si Job na malapad na nakangiti. Panay pa rin ang palakpakan ng ibang crew pati na ng fans nila ni Amira.

"Atlas, wait, ha?" paalam ni Amira. "Puntahan ko lang sandali sina Ate Mosh, mag-thank you lang ako sandali."

"Wait lang, samanhan na kita," aniya at sumenyas kay Job na mamaya na sila mag-usap.

Si Mosh ang presidente ng fan club nila ni Amira at madalas itong invited sa kahit na saang events. Minsan ay nasa shooting din ito bilang parte ng pribilehiyo sa pagiging presidente ng club lalo na at ito ang nagre-rely ng updates sa fans nila.

"Sure ka ba?" tanong ni Amira.

Atlas nodded and walked beside Amira. He gazed at her when she started talking about the club, and he just listened.

Amira was wearing a long gown in gold with thin straps and a plunging neckline, a full circle pleated skirt, and a pointy stiletto. Nakabagsak lang din ang unat nitong buhok na hanggang baywang sa haba na mayroong kulay na light brown.

"Bagay sa 'yo 'yung kulay ng buhok mo ngayon," ani Atlas habang nakatingin kay Amira.

Nagsalubong ang kilay ni Amira at tumigil sa paglalakad. Sandali nitong hinaplos ang sariling buhok habang nakatitig sa kaniya. "Totoo ba? Nag-alangan kasi ako kasi first time ko 'yung ganito ka-light."

"Kahit yata mag-pink ka, bagay pa rin sa 'yo," sagot naman ni Atlas dahil totoo naman iyon. Napansin niyang nanatiling nakatingin sa kaniya si Amira. "Bakit? Hindi ka naniniwala?"

"Hindi." Amira gave him a downward smile and walked away.

Nakapamulsang sumunod si Atlas kay Amira na nakikipag-usap kay Mosh at sa ilang fans na nasa harapan nila. Panay ang puri ng mga ito sa pelikula nila at nagpapakuha naman ng picture ang iba.

While observing Amira talk to their fans, Atlas thought that no wonder Amira was called the People's Sunshine. Her positive aura radiated, the smile was so genuine, and she was really approachable.

Kahit wala pa silang tulog, kahit wala pa silang matinong pahinga dahil ni-rush lang naman talaga ang pelikula nila, wala siyang narinig na reklamo mula rito. Kung siya ay tahimik na kapag pagod, si Amira naman ay patuloy na nakikipag-interact sa iba.

Isa rin si Amira sa mga artistang walang issue ng pagiging snob o pagiging masungit dahil kahit nasa mall ito, pumapayag sa picture kahit wala naman sa trabaho.

"Thank you sa time ninyo," pasasalamat ni Atlas sa fans nilang nag-effort kahit na inabot ng gabi ang premier night. "Sana nagustuhan n'yo 'yung movie."

Panay puri ang mga tao sa paligid nila. Sinamahan na rin na muna ni Atlas si Amira na makipagkuwentuhan sa mga executive tungkol sa pelikula dahil nagustuhan ng mga ito ang kinalabasan.

Dapat ay sa susunod na buwan pa ang palabas nito ngunit minadali para tapatan ang sikat na love team sa kalabang network. Aware naman sina Atlas at Amira na hindi magpapatalo ang network nila at sila ang kasalukyang malaking hawak kaya inilaban na matapos kaagad ang hindi pa sana tapos.

Huminga nang malalim si Amira at narinig iyon ni Atlas.

"Okay ka lang?" tanong ni Atlas kay Amira.

Tumango si Amira. "Yup. Punta lang muna ako sa family ko, ha? Pupunta ka sa party mamaya?"

Hindi nakasagot si Atlas dahil hindi pa rin naman siya sigurado kung sasama siya. Aware naman ang lahat na bihira siya sa mga ganoon kaya hindi na rin siya pinipilit ng mga ito.

Tuluyang nagpaalam si Amira at lumapit naman si Job. Nakipagkamay ito at nag-congratulate pa para sa pelikula nilang inaasahang magiging box office locally and abroad.

Inaya ni Job si Atlas na magpunta sa gilid ng movie house para sandaling kausapin.

"Tinatanong ni Ma'am Grace kung sasama ka ba sa party mamaya." Inilabas ni Job ang phone nito. "Wala ka namang schedule bukas hanggang sa susunod na linggo. Ano'ng plano mo? Sabihan mo pala ako para kung sakali, maayos ko."

"Wala pa," tipid na sagot ni Atlas.

"Sumama ka na sa party mamaya, nagbabalak akong sumama," pangungumbinsi ni Job. "Si Patrick din nag-oo na. Sasama kaming dalawa."

Sinuklay ni Atlas ang sariling buhok gamit ang mga daliri at inayos hanggang siko ang manggas ng long-sleeve na suot niya. "Pag-iisipan ko."

"Eight months ka nang hindi lumalabas at sumasama sa ganiyan, Atlas," mahinang sabi ni Job. "May mga resposibilidad ka sa ganiyan, sana maalala mo 'yun."

Sandaling napatitig si Atlas kay Job. "Sa walong buwan naman, wala naman akong trabahong tinanggihan, Job. At the end of the day, gusto ko lang namang umuwi at matulog. After parties are optional, right?"

"I get it, Atlas, pero hindi nila alam 'yun. The executives are already asking. If you're unaware," Job paused. "Of course, you're unaware, but they're asking kung may ibinabahay ka ba, kung may girlfriend ka ba, at kung ano-ano pang personal dahil hindi ka sumasama sa simpleng celebration."

Atlas remained quietly listening to Job.

"Ikaw pa rin naman ang madedesisyon. I was just letting you know about it. Kung sasama ka mamaya, sabihan mo na lang ako para masabihan ko rin si Kuya Ricky kung ihahatid ka ba sa condo mo." Tinapik ni Job ang balikat niya at nilagpasan siya.

Muling ibinalik ni Atlas ang tingin sa lahat ng tao sa sinehan. Hindi pa rin tapos ang mga ito sa pag-uusap tungkol sa pelikula.

Sa walong buwan, walang ginawa si Atlas kung hindi isubsob ang sarili sa trabaho, pero tama si Job na hindi siya nakikihalubilo sa kung ano. May pagkakataong nagkaroon ng ball ang station at hindi siya nagpunta.

Atlas went to Japan to escape. Itinaon niyang bumiyahe sila ng parents niya roon para i-treat ang mga ito at para na rin tumakas sa pagpunta sa ball. Sumasama naman siya sa mga tour, pero kapag private parties or celebration, pass.

"Ang ganda ng pelikula n'yo." Ngumiti ang mommy ni Atlas at hinalikan siya sa pisngi. "Ang ganda ng shots sa Palawan. Bagay sa 'yo 'yung tanned ka roon, Julian."

Natawa si Atlas at sinabi ng mommy niya.

"At ang ganda ng katawan mo, ha?" Ate naman niya iyon na tinapik siya sa braso. "Laki ng improvements ng katawan mo ngayon, sobrang bagay."

"Pa'nong hindi, naging laman ng gym," sagot ni Job. "Worth it naman! Bagay sa kaniya 'yung bagong built niya. Hindi naman sobrang laki ng katawan, pero hunk."

Nagtawanan ang mga kasama niyang pinag-uusapan ang katawa niyang pinagtrabahuhan niya sa loob ng ilang buwan. He was fit, but he became fitter. He became a little muscular, but not bulky. Just enough muscles on the right places.

"Atlas!" It was Amira walking toward them and gazing at his parents. "Hello po, Tita and Tito! It's nice to see you again po, and thank you po sa pag-watch ng movie."

"Ano ka ba? Support palagi!" Atlas' mom uttered and smiled at Amira. "Ang ganda-ganda ng movie n'yo lalo ka na sa parteng nasa deck ng barko."

Nilingon siya ni Amira at ngumiti. "Sabi nga rin po ni Atlas. Nahiya po ako!" Natawa ito at nagsimulang makipagkuwentuhan sa mommy niya tungkol sa Palawan.

Nakikinig lang si Atlas at nakikipagtawanan dahil pareho silang nahirapan ni Amira. Wala silang internet noong mga panahong nasa shooting sila. Pinanindigan nila ang role sa pelikula na nagpunta ang dalawang indibiduwal para hanapin ang sarili.

Tumagal sandali ang kuwentuhan bago nagpaalam ang parents ni Atlas pati na ang ilang kasama ng mga ito. Naiwan naman si Job at Patrick at sinabing maghihintay na lang sa desisyon niya.

Naiwan sina Atlas at Amira dahil ayaw silang pakawalan ng mga executive.

"Kita na lang tayo sa party?" sabi ng direktor.

Nagkatingnan sina Atlas at Amira. Nanatiling tahimik si Atlas dahil napagdesisyunan niyang huwag pumunta. He already made up some excuse until Amira gave him a subtle smile and squinted.

"Direk, baka hindi ako makasama," ani Amira at bahagyang hinilot ang sintido. "Medyo masakit kasi talaga 'yung ulo ko kanina pa. Uminom na po ako ng gamot, pero nag-wear off na rin po. P-Puwede po bang mag-pass muna ako? Babawi po ako sa susunod, treat ko pa."

"Sayang naman! Party n'yo 'yun, e!" Nagsalubong ang kilay ng direktor nila. "Pa'no 'yun?"

Natawa si Amira at hinaplos ang braso ng babaeng direktor. "Direk naman, marami namang crew na pupunta. Treat na sa kanila 'yun. Hindi ko na kasi po talaga kaya, please?"

"Amira naman, e." Umiling ang direktor habang nakatingin kay Amira. "Sige na. Magpagaling ka kasi sisingilin kita ng party sa susunod at sasagutin mo 'yun. Magpahinga ka." Tumingin ito sa kaniya. "Ikaw, Atlas, pupunta ka ba?"

"About that, Direk." Nilingon siya ni Amira. "Nagsabi na ako kay Atlas and siya na ang maghahatid sa 'kin. Hindi siya pupunta kasi ihahatid niya ako."

Tinitigan ni Atlas si Amira dahil wala naman itong sinasabi sa kaniya. Medyo matagal silang magkausap, walang nababanggit na masakit ang ulo ko ang kahit na ano.

"Fine." The director rolled her eyes. "Mag-iingat kayong dalawa ng enjoy. If I know, baka secretly kayong mag-celebrate together at hindi na ako makikialam. Bahala na kayong dalawa."

Amira pouted. "I'm telling the truth, Direk. Masakit talaga ang ulo ko, pati na 'yung paa ko. Inaantok na rin talaga ako."

"Sige na nga, kami na ang bahala sa party. Magbabayad kayong dalawa soon at mas malaking party 'yun," pagpapaalala ng direktor sa kanilang dalawa. "Mauuna na kami."

Naiwan sina Atlas at Amira sa gilid ng sinehan.

Humarap si Amira sa kaniya, naniningkit ang mga mata, at biglang ngumiti. "Hindi naman talaga masakit 'yung ulo ko, wala lang talaga ako sa mood. Uuwi ka na ba? May iba ka bang pupuntahan?"

"Wala naman. Bakit? May balak ka bang puntahan?" Tumingin si Atlas sa relong suot. "It's just nine in the evening. Ihahatid na kita para makapagpahinga ka."

Naningkit ang mga mata ni Amira. "Samahan mo na lang ako! Tumakas kasi talaga ako kasi gusto kong manood ng Titanic sa drive-in movie around Antipolo. Kung free ka lang naman."

"Sabi mo masakit ulo mo, 'di ba?" pagbibiro ni Atlas.

"Arte lang 'yun, e," Amira shushed him. "Pero ayon, magpupunta kasi talaga ako roon sa drive-in movie. Gusto ko lang i-try."

"Sino'ng kasama mo?" Atlas asked.

Umiling si Amira. "Ako lang. Kaya ko naman, strong independent woman ako. Kaya kong manood mag-isa." Natawa ito.

Atlas shook his head. "Wala akong dalang kotse. Nagpapa-drive lang ako. May kotse ka ba? Sasamahan na lang kita."

"Hala, sure ka? Totoo ba?" Amira gasped. "Hindi ako tatanggi."

"Oo. Wala rin naman akong balak pumunta sa party. Uuwi na rin naman ako after nito," Atlas said. "Tara? May kukunin lang ako sandali sa van tapos alis na tayo, tingin mo?"

Hindi nagsalita si Amira na nakatingin sa kaniya.

"Amira?"

"Sure ka ba? Joke lang naman na inaaya kita. Kaya ko namang mag-isa. Tatakas lang talaga ako kaya ginamit kita," ani Amira nakangiting nakakagat sa ibabang labi.

Atlas chuckled. "Okay lang. Panoorin na lang natin 'yung Titanic, baka sakaling magbago 'yung ending."

Paglabas ng elevator sa basement, nilingon ni Atlas si Amira. "May damit ka bang pamalit?"

Umiling si Amira. "Wala, e. Okay lang naman, maganda naman 'tong damit ko. Magpapalit nga lang ako ng flops."

"Hintayin mo na lang ako sa sasakyan mo. Sasabihin ko lang sandali sa driver ko na mauna na siyang umuwi," ani Atlas at nakapamulsang pumunta sa kabilang direksyon kung saan naka-park ang van niya.

Nag-message na rin muna niya si Job na hindi siya pupunta sa party, pero kasama niya si Amira para hindi ito magtanong kung bakit wala siya.

Hindi alam ni Atlas kung magpapasalamat ba siya kay Amira na mukhang iniligtas siya ito sa party na ayaw naman niyang puntahan. Kung hindi ito gumawa ng kuwento, pupunta siya para lang walang masabi ang iba, pero hindi na pala kailangan.

Kinuha niya ang mga kailangan sa van bago nagpaalam sa driver at sinabing iuwi na lang sa condo niya ang sasakyan. Pagdating sa kotse ni Amira, binuksan niya ang driver's side at nakasakay ito roon.

"Lipat ka sa passenger's side, ako na ang magda-drive," ani Atlas kay Amira.

"Ako na lang, ako naman ang nag-aya."

Atlas shook his head. "Ako na. Isuot mo na rin 'to." He handed the hoodie he got from his van. "Nagpalit ka na ng shoes?"

Umiling si Amira.

"Asan 'yung flops mo?" Atlas didn't wait for the response and opened the trunk of Amira's car. "Lipat ka na sa passenger's side."

It had been months since Atlas last drove at dahil pa iyon sa shooting. Hindi siya nagmamaneho nang walang kasama at sa pagkakataong iyon naman, kasama niya si Amira kaya alam niyang magiging maayos lang.

Kinuha niya ang flops sa trunk ng sasakyan ni Amira bago sumakay sa driver's seat dahil nakalipat na si Amira sa passenger's side. Inabot niya ang flops nito. Suot na rin ang hoodie niya at nakaipit na ang mahabang buhok.

"Sure kang sasamahan mo ako?" Amira worriedly asked.

"Oo nga." Atlas chuckled and turned on the car. "Ang ganda nitong sasakyan mo, ha? Bago?"

"Oo, kakabili ko lang last month," ani Amira. Binuksan nito ang phone. "Ito pala 'yung place in case na hindi ka familiar. Second time ko naman na roon kaya alam ko na rin."

Nilingon ni Atlas si Amira. "Mag-isa ka lang na nagpupunta?"

"Oo, kapag gusto ko lang mag-isa o manood kahit luma na 'yung movie. It just," Amira paused, "naging pahinga ko na lang din 'yun after a long day. Maganda rin kasi 'yung area. Aside from drive-in, may malaking café and library doon. Twenty-four hours sila kaya minsan, wala nang tao kapag nagpupunta ako."

Medyo nanibago si Atlas sa pagmamaneho lalo na at hindi pamilyar sa kaniya ang kotse ni Amira. It was a black BMW sedan and he was used to driving big cars. He adjusted until he found himself driving smoothly.

Pareho silang tahimik. Hindi naman masyadong traffic kaya diretso lang ang pagmamaneho ni Atlas. Walang speaker na nakabukas ngunit biglang kumanta si Amira kaya bahagya niya itong nilingon.

Amira had a good singing voice, no wonder ito ang kumanta sa isang soundtrack nilang na-cover lang naman.

"Ikaw raw namili ng OST ng movie, ha?"

Ngumit si Amira sa kaniya. "Oo, ako. Ako kasi pinapili nila based raw sa character natin, e. Kaya naghanap ako ng kantang babagay sa scenes natin sa movie," anito. "Okay lang naman?"

Atlas nodded. "Actually, first time kong narinig 'yung kanta. What's the title again?"

"Heather." Amira smiled at him. "Serious? Hindi mo alam 'yung song? It's pretty popular now, and it's so nice!"

Umiling si Atlas. "Maybe it's not on my playlist," sabi niya at nilingon si Amira. "Pero ang ganda ng pagkakakanta mo."

Ngumiti si Amira sa kaniya. Nakatagilid ito at nakatingin sa kaniya. Ibinalik naman niya ang tingin sa daanan.

"Why would you ever kiss me? I'm not even half as pretty," Amira sang acoustically, similar to their movie's soundtrack. "You gave her your sweater, it's just polyester, but you like her better . . . wish I were Heather."

Nanatili ang titig ni Atlas sa madilim na daan habang binabaybay nila ang sinasabi ni Amira na drive-in movie. Nagpatuloy si Amira sa pagkanta, nakikinig lang si Atlas.

"But how could I hate her? She's such an angel," Amira paused and hummed. "But then again, kinda wish she were dead . . ."


In no time, they arrived and the movie was already halfway. Nakita ni Atlas ang lungkot sa mukha ni Amira, pero kaagad itong ngumiti at sinabing okay lang naman. Napanood naman na nito, sayang lang na hindi naumpisahan.

They stayed inside the car. Atlas rested his hand on the steering wheel while Amira comfortably sat watching Titanic on the passenger's side.

Napanood na rin naman na ni Atlas ang pelikula, he already knew how it would end. It was tragic. Nilingon niya si Amira nang bigla itong suminghot. Wala pa sila sa drama. Nasa part pa lang sila nang medyo nagkakamabutihan na sina Jack at Rose.

Maybe Amira saw he was looking that she gazed at him. "Alam ko na 'yung ending kaya ako naiiyak."

Atlas chuckled and curiously asked, "E bakit mo pa pinapanood?"

Amira pouted. "Gusto ko lang umiyak nang totoo, hindi 'yung pekeng iyak dahil sa eksena. Nanonood ako ng mga movie na nakakaiyak kapag gusto ko na hindi pilit 'yung luha ko."

"Why do you even wanna cry?" Atlas asked.

"Hindi ko alam!" Humagulhol si Amira na ikinagulat ni Atlas. "S-Sorry, omg, ang arte na. Pero, omg, naiiyak ako. Gusto ko ng popcorn!"

Atlas shook his head and took out his wallet. "Ano pa'ng gusto mo?"

"Bibili mo ako?" Humikbi si Amira.

"Oo. Popcorn and?"

Amira smiled and sniffed. "Popcorn lang. Wait, gusto ko rin pala ng pancake at saka ng ice cream. Hala, gusto ko lahat ng pagkain sa loob."

"Sure ka?" Atlas confirmed.

"Hindi, joke. Sandali. Ito, sure na." Umiiyak pa rin si Amira, pero natatawa. Kahit mismong si Atlas, natatawa na. "Popcorn, pancake, soda? Wait, hindi. Sasama na lang kaya ako?"

Atlas frowned. "You'll miss the movie."

"Okay lang. Napanood ko naman na 'yan." Pinunasan ni Amira ang luha. "Gusto ko rin pala ng burger na maraming mustard."

Atlas shook his head. "Pumasok na lang tayo sa loob." 


T H E X W H Y S

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #thexwhys