Chapter 22

Pagbukas ng kwarto ni Atlas, sumandal si Job sa hamba ng pinto at tinitigan ang kaibigang mahimbing na natutulog. Madilim at malamig ang kwarto dahil bahagya ring umuulan.

Bumiyahe sila ni Patrick nang matanggap ang tawag ni Atlas. Nagpapasundo ito sa Tagaytay. Hindi niya alam kung bakit dahil wala namang ibang sinabi. Basta na lang tumawag at nakisuyo.

"Gigisingin mo ba siya?" tanong ni Patrick.

Job shook his head and carefully closed the bedroom door. It was nine in the evening, and when they received Atlas' call almost three hours ago, they immediately drove to Tagaytay.

Ipinalibot niya ang tingin sa buong bahay. Malinis naman, maayos ang mga gamit, at walang problema, pero ramdam din nila mismo ni Patrick ang kulang. Ilang beses na rin nilang nakasama sina Laurel at Atlas sa bahay na iyon kaya alam nila ang pakiramdam.

They knew that Laurel had left, she left a message, and Patrick knew about her leaving.

"Do you think this is about her?" Patrick asked Job.

"Magugulat ako kung hindi dahil kay Laurel kung bakit siya ganiyan," sagot naman ni Job. Naupo silang dalawa ni Patrick sa sofa. "He never admitted about his feelings about Laurel but I think between us, it's obvious."

Patrick smiled and didn't say anything. Pareho silang nalungkot na umalis si Laurel nang hindi pormal na nagpapaalam sa kanila. Nag-message lang ito noong nasa airport na at nang subukan nilang tawagan, nakapatay na ang phone.

"Ano ba'ng sinabi ni Atlas sa 'yo?" Nilingon ni Patrick si Job na nakahiga ang ulo sa headrest ng sofa.

"Nagpapasundo rito." Nagsalubong ang tingin nila ni Patrick. "Kailangan na rin niyang bumalik kasi three days na lang, may trabaho na ulit siya. Tinawagan ko na bumalik na siya tapos nakisuyo nga kung puwede bang sunduin ko siya."

Patrick frowned. "It's kinda weird."

"It is. Hindi naman nagpapasundo 'yan si Atlas kapag galing dito." Tumayo si Job. "Gigisigin ko na para makaalis na tayo. May meeting ka bukas, kailangan ko namang pumunta sa stylist ni Atlas. Hindi tayo puwedeng mag-stay rito."

Muling tiningnan ni Job ang orasan. It was almost ten in the evening. Pagpasok niya sa loob ng kwarto ni Atlas, bigla itong bumangon na parang nagulat. Kinuha nito ang phone na nasa gilid at tumingin sa kaniya. Binuksan naman ni Job ang ilaw para lumiwanag.

"Atlas, anong oras mo planong umalis?" tanong ni Job.

Dumiretso ng higa si Atlas at sandaling kinondisyon ang sarili. Nabigla siya nang marinig ang pagbukas ng pinto. Ipinikit niya ang mga mata at hinilot ang sintido bago maingat na bumangon.

Nakaupo si Atlas sa gilid ng kama. "Maliligo lang ako. Alis na rin kaagad tayo."

Lumabas si Job ng kwarto niya at nanatili pa rin siyang nakaupo sa gilid ng kama. Nakayuko siya sa madilim at malamig na kwartong napagdesisyunan na niyang iwanan.

Isang linggo na siya sa Tagaytay at kailangan na niyang bumalik sa kabihasnan, sa katotohanan, sa lugar kung saan siya nababagay.

Sa ilalim ng shower, nakayuko si Atlas at hinahayaan ang maligamgam na tubig na dumaloy sa buong katawan niya. Ginising nito ang diwa niya at nagpapasalamat na sa ilang araw, nakatulog siya nang maayos.

Mali.

Sa ilang araw, tulog lang ang ginawa niya. Literal na pahinga, literal na wala siyang pakialam sa mundo dahil gusto lang muna niyang mag-isa.

Isinuot ni Atlas ang simpleng T-shirt na itim na nasa closet niya at pinarisan iyon ng maong na pantalon. Paglabas niya, naabutan niya sina Job at Patrick na nasa living room.

"Sorry for asking you to come." Atlas tried to smile. "I . . . I just can't drive alone."

"What do you mean?" Job's brows furrowed while looking at him.

Sumandal si Atlas sa pader katabi ang pinto ng kwarto. Sinuklay niya ang buhok gamit ang sariling mga daliri at tipid na ngumiti habang nakatingin sa mag-asawa.

"Ang lungkot palang magmanehong mag-isa," sabi ni Atlas. "Sinubukan kong umuwi noong isa araw, pati kahapon, pero hindi ko kaya. Nabibingi ako sa sasakyan. Hindi ko kayang magmaneho. I can't and I found myself driving back home again. Here."

Job and Patrick understood what Atlas said and nodded. Siniguro na muna ni Job na walang naiwang nakabukas sa bahay.

Pumunta si Atlas sa balcony ng bahay at tinitigan ang kadiliman. Wala naman siyang ibang makita dahil gabi na, pero gusto muna niyang damhin ang lamig ng lugar. The place had an unexplanable smell he was used to.

"Atlas, tara?"

Nakapamulsang hinarap ni Atlas si Job at tinanguan. Nasa labas na si Patrick na naghihintay sa kanila.

"Ipapakuha ko na lang 'tong sasakyan mo sa driver," sabi ni Job na tinutukoy ang Wrangler niyang iiwanan nila. "Baka bukas papunta ko rito si Manong Rick. Papupuntahin ko na lang din 'yung tagalinis."

Hindi nagsalita si Atlas. Bago isara ni Job ang pinto, tinitigan niya ang madilim na living room at kitchen na tanaw mula sa pinto. Bawat sulok ng bahay, si Laurel ang naalala niya.

"Tara." Tumalikod si Atlas sa dumiretso sa itim na BMW ni Patrick. Sa likod na siya naupo at hinayaan na si Job na magsara ng pinto ng bahay niya.

Mula sa bintana, tinitigan niya ang bahay na minsan niyang naging tahanan. It was his favorite purchase—impulsive, but his favorite—and he decided to let it go.

"Patrick, fix the papers," Atlas murmured.

"Papers ng?" Patrick looked at him in the rearview mirror.

"Tagaytay house." He breathed. "I'm selling that house," he paused, "and the Wrangler. Kayo na ang bahalang mag-ayos, ikaw na ang bahalang magpresyo. Just tell me when it's ready so I can sign the papers."

Nakatingin si Atlas sa bintana habang binabaybay nila ang daan palabas ng subdivision. Nakapatong ang siko niya sa bintana habang ipinaglalandas ang daliri sa ibabang labi.

Nilingon siya ni Job na nakaupo sa passenger's seat. "Atlas, are you sure? Pag-isipan mo na muna."

"Ilang araw ko nang napag-isipan." Tipid na ngumiti si Atlas. "Hindi na ako babalik sa bahay na 'yan. There's no reason to go back and . . . I don't wanna go back. Sayang naman kaya naisip kong ibenta na lang."

Patrick and Job stayed quiet.

"'Yung mapagbebentahan, naghanap ako ng charity na open for donation," dagdag ni Atlas. "Maghanap pa tayo para mahati natin sa iba't ibang charities. Kayo ang maraming alam dahil madalas kayo sa mga ampunan, baka may makita kayong magandang paglaanan ng pera. That's it."

Atlas thought about it. Hindi na niya kailangan ang perang makukuha sa mapagbebentahan. He had enough and he would have more. Sa dami ng projects na naka-line up para sa kaniya, mabubuhay na siya. He had some businesses, shares, and franchise, so his net worth was okay.

He knew he was going to be okay.

Buong drive, tahimik si Atlas at sinabi na lang niyang ihatid na lang siya sa main house niyang nasa loob ng subdivision. May ilang araw pa naman siya para magpahinga at doon na lang muna siya mamamalagi. Naisip din niyang magpunta muna sa bahay ng parents niya sa susunod na araw.

Huminto ang sasakyan at tinanaw ni Atlas ang bahay niya. Hatinggabi na rin at kailangan nang umuwi ng mga kaibigan niya.

"Thank you," bulong ni Atlas. "Sorry, I had to call you. Sorry, you had to pick me up. I know you guys are busy, bu—"

"Atlas, shut it." Job looked at him. "Magpahinga ka na sa loob. Gusto mo bang pumunta kami bukas dito o gusto mong mapag-isa?"

Tipid na ngumiti si Atlas. "I think I wanna be alone." Binuksan niya ang pinto ng sasakyan at tinapik ang balikat ni Job. "Thanks, Job." Nilingon niya si Patrick. "May time ka ba bukas? I kinda wanna discuss something."

Patrick nodded. "May meeting ako sa umaga but I'll free my afternoon for you. Pupunta na lang ba ako?"

"Yup." Atlas smiled. "Thank you ulit. Ingat kayo pag-uwi."

Tuluyang bumaba si Atlas ng sasakyan at pumasok sa loob ng bahay nang hindi lumulingon. Narinig niyang umalis na ang kotse ni Patrick. Pagpasok naman sa loob, sandaling ipinalibot ni Atlas ang tingin sa buong bahay niya.

Dumiretso siya sa kwarto at hinubad ang hoodie na suot. Iniwan niya ang pantalon bago dumapa sa kama at sandaling ipinikit ang mga mata. Inisip niya ang mga trabahong naka-line up.

Dalawang endorsement shoot, meeting para sa bagong series kasama si Amira, meeting para sa posibleng pelikula, at kung ano-ano pa. Tinanggap na rin niya ang ilang tour papunta sa ibang bansa na dati ay madalas niyang tanggihan.

Hawak ni Job ang work phone niya dahil personal phone lang ang bitbit niya sa tuwing nasa bakasyon.

Binuksan ni Atlas ang phone niya at tiningnan ang work calendar niyang konektado sa personal phone para makita ang gagawin niya sa mga susunod. Nag-set ng appointment si Job para sa dermatologist niya para sa monthly session ng facial na required nilang gawin.

Mayroong schedule para sa pagpapagupit at mahinang natawa si Atlas dahil doon. May kahabaan ang buhok niya dahil hindi siya nakapagpagupit noong nakaraan. Na-maintain niya ang facial hair dahil sa Tagaytay, siniguro niyang makapag-aahit siya.

Hindi siya sanay nang may balbas o bigote kaya kahit anong lugmok, iyon ang hindi niya makalilimutan.

Sinubukang matulog ni Atlas. Nagbukas siya ng keyboard sound, pero hindi iyon gumana. Imbes na pilitin, binuksan niya ang reading platform at dumiretso sa profile ni Laurel.

Walang update. Huling update pa rin nito ay noong magkasama pa sila sa Baguio.

Binuksan ni Atlas ang isang story ni Laurel. It had a dark cover with white text, nothing more. It was completed a year ago. Nabasa na niya ang ilang chapters niyon.

The story was about a woman who tried to live despite all the pain she had been through. The character was suffering from anxieties and sleepless nights.

Sa tuwing binabasa niya ang libro ni Laurel, pakiramdam niya ay naririnig niya mismo ang boses nito sa bawat salitang ibinabato.

Napansin niyang hindi gumagamit ng malalim na salita si Laurel hindi tulad ng mga writer na kailangan pang mag-search ng mambabasa kung ano ang ibig sabihin ng salitang ginamit dahil masyadong malalim.

Laurel was using words that were easy to understand. The words were familiar and used daily, and Atlas thought it was easier to read and just feel the emotions in every word.

Sa bawat paglingon, palaging may tanong . . . bakit ko naranasan iyon?

Tumigil si Atlas nang mabasa ang huling linya ng chapter na binabasa niyang libro ni Laurel. Napaisip siya kung true to life ba ang tanong o sadyang sa characters lang? Some words were piercing through his heart because it felt real.

Atlas hoped it wasn't real.





Atlas spent his time playing video games inside the video room of his house. He wanted to complete a game before work. Kahit isang laro lang, malaman niya ang ending dahil palagi siyang umpisa.

Kumpleto naman ang grocery sa bahay niya. Malamang na nagpabili na ulit si Job sa helper at maintenance. Malinis din ang buong bahay nang i-check niya, pati na ang mga sasakyan niyang nasa garahe ay malinis.

Wala pang tulog si Atlas. Buong magdamag siyang nasa video room para tapusin ang Assassin's Creed na hindi pa rin niya natatapos.

Tumingin siya sa phone at nakitang alas-tres na rin ng hapon. Malamang na darating na si Patrick dahil may usapan silang pupunta ito. He wanted to discuss more about the Tagaytay house, even his condo. Nagbabalak na lang siyang bumili ng bago na mas malapit sa network kung sakali man.

Nakasandal si Atlas sa sofa habang nakasalampak sa carpet na may kalambutan. Bawal ang sapatos sa loob kaya nakapaa lang siya. Bukod sa malaking TV at gaming consoles, wala nang ibang nakalagay. Mayroon ding magandang speaker para sa movie marathon.

Nag-ring ang phone ni Atlas, si Patrick iyon, kaya naman pinatay niya ang laro at sinabihan ito na umakyat at dumiretso na lang sa video room. Hawak nito ang isang folder at iniabot sa kaniya.

"Sorry. Ang tagal kasi ng meeting," paumanhin ni Patrick. "Hindi ko pa totally nada-draft 'yung para sa Tagaytay house and sa Wrangler mo. Baka next week, okay lang ba? Rushed ba?"

"Hindi naman," tipid na sagot ni Atlas at binuksan ang folder. "Ano 'to?"

"Deed of sale na pinirmahan mo. Baka lang gusto mo balikan 'yung dating itsura noong bahay pagkabili mo at bago mo pinaayos," ani Patrick. "Baka magdalawang-isip ka pa na 'wag nang ibenta. Sayang kasi."

Binuksan ni Atlas ang folder at nandoon ang deed of sale. Nasa loob din ang picture ng bahay bago niya nabili. It was the before and after photograph of the Tagaytay House.

"Naalala ko kasi na sobrang excited kang bilhin 'yang bahay na 'yan. Walang second thought, pinaayos mo kaagad sa 'kin. N'ong sinabi mo kagabi na gusto mong ibenta, naisip ko na baka impulsive ka rin tulad ng binili mo, kaya gusto ko sanang pag-isipan mo muna. Mahal mo 'yung bahay, e," pagpapaalala ni Patrick kay Atlas tungkol doon.

Sandaling nanahimik si Atlas at tinitigan ang bahay. Mas lalo siyang sumandal sa sofa at hindi inalis ang tingin sa hawak na picture dahil totoo naman ang mga sinabi Patrick.

"Pat, I can trust you, right?" Nilingon niya si Patrick na seryosong nakaupo sa sofa at nakatingin sa kaniya. "Puwede bang sa pagkakataong ito, kliyente mo ako at hindi mo ako kaibigan? I need the confidentiality. I want the attorney-client privilege."

Patrick nodded. "Of course. Lawyer mo naman talaga ako."

"I don't want Job to know about this, kaya I'm asking you to be the lawyer today, not the friend," Atlas uttered.

"Of course, Mr. Legaspi."

Atlas chuckled and shut his eyes for seconds. He was still holding the paper. Tahimik lang siya at hindi alam kung saan magsisimula.

"I'm assuming this is about Miss Alcaraz," Patrick said.

Atlas gazed at Patrick and nodded. "I love her."

"I know," Patrick said without even smiling. "Hindi ka sumunod sa usapan ninyo. Naging clear naman kayo sa usapan n'yo, pero hindi ka sumunod. Ikaw ang natalo, Atlas."

Tumango si Atlas. "Tinanggap ko naman na sa sarili kong talo ako, Pat. It was a risk, loving Laurel? Pero hindi ko napigilan. Hindi ko pinigilan. Hindi ko ginustong pigilan kasi gusto kong subukan."

"Sumubok ka sa pagmamahal na umpisa pa lang, alam mong walang kasiguraduhan, Atlas," pagpapaalala ni Patrick. "You know her stand about this, alam mong h—"

"I know." Atlas looked down and breathed. "Pat, I know I love her. I mean, I know the risk. Alam kong may possibility na ire-reject niya, and it was okay. I'll work hard for it, only if she would let me. I had plans inside my head, but I never prepared myself for this impact."

Patrick exhaled. "What impact?"

Atlas didn't answer the question and remained on his position. Nakayuko lang at hindi alam kung ano ang isasagot.

"Alam mo kung ano ang napansin ko? You enjoyed her company so much. It was supposed to be sex, 'yun lang naman ang usapan ninyo. You were there for each other, to satisfy the sexual needs. Nagawa n'yo ba 'yun?"

Atlas subtly nodded.

"Did you fall in love with Laurel because the sex was good?"

"What?" Atlas gazed at Patrick with a shocked face. "It wasn't just about sex."

Patrick nodded. "See? That's the thing. Usapan ninyong dalawa, sex lang. You both were clear about it from the start, yet you crossed the boundaries. Umpisa pa lang, mali nang hindi lang tungkol sa sex dahil iyon lang naman ang usapan ninyo. The thing kasi, Atlas, we . . . saw you rely on Laurel so much. Rest means Laurel. Break means Laurel."

Nanatiling tahimik si Atlas at mabigat ang paghinga sa bawat salitang binibitiwan ni Patrick.

"Ngayong umalis na siya, kumusta ka? You're clearly not okay. You can't drive alone, tulad ng sinabi mo kahapon. You're selling the house you once said na itatabi mo hanggang sa pagtanda mo. Y—"

"It's because of every corner of that house . . ." Atlas cut Patrick off but paused and thought about Laurel. "Gusto kong nandoon siya. I wasn't ready, Patrick. I know na aalis siya, she was clear about it, and I'm pissed that I didn't prepare myself for it."

Patrick silently stared at Atlas. "You didn't prepare for this impact, did you? You were too confident that it was nothing na. You were just enjoying everything until you felt something. It wasn't about the sex. It was all about her. It was all about Laurel."

"I confessed."

"And?"

"She said she doesn't love me." Atlas smiled bitterly. "Ang tigas."

Mahinang natawa si Patrick at sumandal sa sofa. Sinuklay nito ang sariling buhok at kinuha ang controller na nasa gilid ni Atlas. "Anong level ka na?"

"Hindi ako makaalis sa Level 15," sagot ni Atlas.

Nagsimulang maglaro si Patrick at nakatutok ang mga mata sa screen. "The thing is, Atlas, no one is ready for Laurel. I am not, Job isn't . . . and you're clearly not. No one is ready for her. Sa dalawang taong kaibigan din namin siya, nakasama rin namin siya, we saw how stiff she was. Masyadong masikreto at wala kang malalaman."

Atlas watched how Patrick played the PS5 and completed Level 15.

"Masyadong mataas ang pader niya at hindi ka nag-ingat," ani Patrick. "You set the rule, she followed and you didn't. Isa lang naman ang rule ni Laurel, Atlas. Her privacy and you kept it. Ikaw ang maraming rules, pero ikaw ang hindi sumunod. Puwede kang kasuhan ni Laurel."

Pareho silang natawa.

"But as I see it, mukhang nakakulong ka na. Hindi ka pa nakakasuhan, nakakulong ka na." Tumayo si Patrick at iniabot ang controller kay Atlas. "You're now imprisoned inside your own what-ifs. I'll get going. Paulit-ulit mong tingnan 'yang Tagaytay house at pag-isipan mong mabuti."

Atlas nodded and stared at the photograph one more time.

"Patrick?"

Nakabukas na ang pinto dahil palabas na si Patrick ngunit tumigil at nilingon si Atlas. Nagtama ang tingin nilang dalawa.

"Do you know where she is?" Atlas asked.

Patrick didn't respond.

Atlas looked down and pressed a button on the gaming controller. He heard a sigh from Patrick, who was still standing by the door.

"Of course, I know where she is. I was one of few people to fix her visa," Patrick admitted.

Their eyes met.

"Where?" Atlas asked with a hopeful look on his face.

"I'm sorry." Patrick subtly smiled. "Attorney-client privilege, Atlas."


T H E X W H Y S

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #thexwhys