Chapter 21
Naging malabo ang lahat ng nasa paligid habang nakatuon ang pansin ni Atlas kay Laurel na papalayo sa sasakyan niya. Humigpit ang hawak niya sa manibela dahil hindi niya alam kung ano ang gagawin.
"Lingon, Laurel," bulong niya. "Please, lumingon ka naman."
Dama ni Atlas ang bigat ng sarili niyang paghinga. Taas-baba ang balikat niya, para siyang sinisikmura, at malalim ang bawat hanging ibinubuga.
"Tang ina." Bumuga siya ng malalim na hininga. "Laurel, isang beses lang."
Pero wala.
Sa huling pagkakataon, malaking pader pa rin ang nasa pagitan nila dahil kahit saglit na paglingon, hindi ginawa ni Laurel. Isa lang ang hiling ni Atlas. Isang lingon, kalilimutan niya ang lahat. Isang lingon, ilalaban niya. Isang lingon, si Laurel na lang ang gusto niya.
Hindi niya inalisan ng tingin si Laurel hanggang sa tuluyan na itong mawala sa paningin niya. Naririnig niya ang ingay ng paligid. Ilan na ang bumusina sa kaniya dahil may time limit lang ang paghinto sa harapan ng departure area.
Humigpit lalo ang hawak ni Atlas sa manibela. Idinilat niya ang mga mata. Mayroong guwardiyang papalapit sa kaniya kaya kaagad siyang umalis.
Nakakuyom ang kamao niya habang mabagal na umaandar. Sinusubukan pa rin niyang hanapin si Laurel, pero wala. Maraming tao sa departure area kahit gabi, pero sinubukan niya. Kahit isang tingin lang ulit ngunit sa huling pagkakataon, wala.
Sinuklay ni Atlas ang buhok gamit ang sariling mga daliri bago iyon ipinatong sa gilid ng bintana.
Ang kanang kamay ay nakahawak nang mahigpit sa manibela habang binabaybay niya ang daan palabas ng airport. Ang kaliwa naman ay nakapatong sa bintanang nakasara habang kagat niya ang hintuturo.
Atlas blasted some music. The silence was defeaning. Sumasakit ang tainga niya kahit na naririnig niya ang maingay na kalsada. Hindi niya alam kung saan siya pupunta hanggang sa awtomatiko siyang lumiko papunta sa daan ng Tagaytay.
Ang plano niya habang nasa Baguio, uuwi siya sa condo niya at doon mamamalagi pag-alis ni Laurel dahil mayroon na siyang trabaho, pero gusto niyang umuwi sa lugar na nagpapakalma sa kaniya.
The Tagaytay house was his comfort, home, and hidden sanctuary.
Atlas was wearing simple blue jeans paired with his plain, black hoodie. Kahit nasa loob ng sasakyan, isinuot niya ang pang-ulo na para bang makatutulong iyon sa kung ano man ang nararamdaman niya.
Mabigat at kulang.
Kulang lalo nang magawi ang tingin niya sa passenger's side at wala ang taong kasama sana niyang binabaybay ang daan papunta sa Tagaytay habang tumutugtog ang Robbers na madalas nitong pinakikinggan.
https://youtu.be/wjHgiSx0RNQ
He wanted to turn off the stereo when the song started playing, but he couldn't. His jaw tightened as he remembered how Laurel would open the window while feeling the cold breeze.
Naalala niya kung paanong lumilipad ang buhok nito at bahagyang nakalabas ang ulo pati na ang kamay na ine-enjoy ang gabing nasa daan sila papunta sa kung saan.
Paborito niyang pakinggan ang Robbers sa tuwing magkasama sila ni Laurel, lalo na kapag bigla nitong naiisipang tumayo at buksan ang moonroof ng sasakyan niya at paulit-ulit nilang ginagawa ang routine na babagalan ang takbo habang dinadama ang malamig na simoy ng hangin ng Tagaytay.
Natakot si Atlas na lingunin ang katabing upuan dahil wala siyang kasama. Ever since they met, it was his first travel to Tagaytay without Laurel. After two years, countless trips together, it was his first time traveling without her.
Umaambon.
Kung kasama niya si Laurel, malamang na pinagtutuunan na naman nito ng pansin ang bawat pagpatak ng ulan o ambon sa windshield ng sasakyan niya. Laurel would watch the droplets and would even trace her finger on it, then giggle once the droplets rolled down.
Atlas decided to stop at a nearby gas station. He was inside the car and didn't know if he should go out or leave. He needed to stop. He wanted to stop. He couldn't drive. He couldn't focus.
Kung Wala Ka by Hale started playing, and all Atlas could do was rest his head on the steering wheel and breathe. He needed to. He felt suffocated. He wasn't . . . okay.
https://youtu.be/7yZu1o-heb0
Kung kasama niya si Laurel, ito ang nasa loob ng convenient store at nasa loob siya ng sasakyan habang pinanonood itong masayang kinukuha ang kung anong makita. Mula sa kotse, nakita niya noon si Laurel dahil sa glass walls. Minsan pa itong titingin sa gawin ng sasakyan niya, ngingiti o kaya ay magwa-wacky face.
. . . and Laurel had no idea that he took some videos of her.
Inilabas niya ang phone at binuksan ang gallery. Inihiga niya ang ulo sa headrest ng sasakyan habang pinanonood ang video ni Laurel sa loob ng convenience store at kausap ang isang crew. Nakangiti ito at mukhang natutuwa habang ibinababa ang mga pinamili.
Atlas unconsciously smiled when she looked at his car. Hindi kita ang loob kaya wala itong idea kung ano ang ginagawa niya . . . na palihim niyang kinukuhanan ng video. It was supposed to be for fun until Atlas found himself watching those videos whenever she wasn't around.
He paused the video when Laurel unknowingly looked at the camera. Para itong nakatingin sa kaniya, parang alam na may camera, at malamlam ang mga matang nakatitig sa kaniya.
Of course, Atlas knew she didn't know about it, but he couldn't care less.
Laurel's eyes looked like she was smiling but weren't. Her mouth was slightly parted, and her messy hair was . . . messy.
Atlas chuckled and shut his eyes for a second, locked his phone, and breathed.
Pinatay niya ang makina ng sasakyan at nakapamulsang bumaba ng sasakyan papasok sa loob ng kaharap na convenience store. May ilang taong nasa labas na tumingin sa kaniya nang makita siya at wala na siyang pakialam. He wanted to buy something to eat.
Kung noon, maingat siya dahil kasama niya si Laurel, sa pagkakataong iyon, wala na siyang iingatan. Bakit pa siya magtatago? Wala na siyang dapat itago.
It was almost eleven in the evening, and people were still roaming around the gasoline station. Some were inside the convenience store like him. Atlas even heard some camera shutters and saw some flashes but didn't care about anything.
He wanted to get all the food he wanted.
Chips, chocolates, instant noodles, and cans of beer.
Suot ni Atlas ang hood sa ulo at habang naghihintay na matapos ang cashier na i-punch ang mga pinamili niya, sandali niyang nilingon ang sasakyan niya tulad nang madalas na ginagawa ni Laurel. He wanted to see her perspective and he couldn't see a thing from the insides of his car.
Madilim ang tint ng kotse niya kaya wala talaga. This means that every single video and photograph was candid. Her looking at the camera was just a random stare because she had no idea about it.
"Hello." A woman approached Atlas. "Puwede po bang magpa-picture?"
Atlas remembered what Laurel said. Learn to say no.
"I'm sorry." Atlas respectfully smiled. "Gusto ko po muna sanang tumanggi? Kahit ngayon lang? Gusto ko po sanang payapang bumili ng gusto ko, kung puwede lang po sana?"
Alam ni Atlas na hindi ito titigil tulad ng iba. Kahit isa lang daw, kahit sandali lang.
As much as he could, Atlas tried to compose himself and didn't say anything. Ngumiti na lang siya at hinintay na matapos ang pagpapakuha ng litrato. May mga sumunod pa, ngumiti lang siya hanggang sa matapos ang cashier sa order niya.
Sa labas ng convenience store, may ilan pang sumubok, pero tumanggi na siya. Umiling, ngumiti, at nag-sorry pa dahil hindi niya mapagbibigyan ang mga ito.
Atlas immediately left the area. People started flocking to see him. Kung tutuusin, simpleng pagbili lang iyon ng mga pagkaing gusto niyang kainin, pero hindi pa niya magawa nang payapa. That moment, Atlas just wanted to be invisible from everyone or maybe became an unknown personality so he could just do whatever the fuck he wanted.
Heavenly by Cigarettes After Sex played as he traveled home.
https://youtu.be/s1QCL9AGbO0
—
The drive was hard but being inside the house was torture. It was cold, empty, and gloomy. The glass walls were fogged, and Atlas felt how incomplete he was.
He thought he was finally home, but the place he once considered his comfort felt useless. It wasn't the feeling he yearned . . . he was missing something.
No.
He was missing someone.
The home.
Laurel was his home.
It wasn't the Tagaytay house that gave the comfort and rest he wanted . . . it was her.
It was past midnight and Atlas didn't mind the cold. Nasa ilalim siya ng shower, nakayuko, at paulit-ulit na iniisip kung paano ang mga susunod na araw. Hinayaan niya ang tubig na dumaloy mula sa ulo niya papunta sa katawan. Hinayaan niya ang sariling sandaling damhin ang lamig ng tubig bago lumabas.
Isinuot niya ang hoodie na nasa closet at pinarisan iyon ng simpleng sweatpants.
Pagod siya sa biyahe. Galing sila ng Baguio, inihatid si Laurel sa airport, bago siya dumiretso sa Tagaytay. Gusto niyang magpahinga ngunit dama niya ang gutom.
Nag-init si Atlas ng tubig para sa instant noodle na nabilis niya. Hawak niya ang phone para subukang tawagan si Laurel, pero cannot be reached na ito. He tried again and again and again . . . but nothing.
Atlas breathed and opened a can of beer.
Isa-isa rin niyang binasa ang mga email na natanggap simula noong isang linggo. May mga schedule para sa mga susunod na araw lalo na at dalawang linggo siyang lumiban para makasama si Laurel. Nag-send na rin ng bagong schedule ang manager niya para sa mga susunod na linggo, buwan, at hanggang sa susunod na taon.
Sumandal si Atlas sa counter at sumilay ang munting ngiti. Nag-reply siya kay Grace na magpapahinga lang siya nang isa pang linggo bago bumalik sa trabaho at nakiusap na kung puwede, asikasuhing wala siyang magiging rest day. He would be willing to accept anything—local and abroad—to keep himself busy.
Tinungga ni Atlas ang beer na hawak at dinama ang pait niyon sa bibig hanggang sa lalamunan. Ipinalibot din niya ang tingin sa buong bahay.
Before Laurel, the Tagaytay house was like his warmth despite the cold weather. It was the place he knew he would run into whenever he was tired, a place he always longed for after days of work.
After Laurel, the house felt empty and every corner became useless. The house had memories of her. Sa tuwing titingin siya sa kung saang parte ng bahay, may maaalala siyang ginagawa ni Laurel. Walang buhay ang living room dahil walang taong nakaupo habang nasa kusina naman siya at nagluluto.
Habang kumakain, nakita ni Atlas sa social media ang mga naka-tag na pictures galing sa convenience store, stolen pictures niyang nasa loob, pati na ang picture ng sasakyan niya. His plate number was exposed and these people posted without blurring.
Pati ang simpleng pagkuha niya ng beer sa freezer ay mayroong negatibong reaksyon. Nagkaroon pa ng speculation na malamang ay isa siya sa mga artistang nagmamaneho nang nakainom kaya sunod-sunod rin ang messages sa kaniya ng PR team niya tungkol doon para lang linisin ang pangalan niya.
It was supposed to be normal, buying stuff without being asked, but people wanted to speculate on many things.
Showbusiness. Privacy who?
Atlas made himself busy while eating. He watched some funny videos, looked for some good movies to try, and tried so hard to divert his attention to other things. Sinusubukan, pero bumabalik sa simula—sa parteng nasaan na kaya si Laurel, nakasakay na ba ito ng eroplano, o ano na ba ang ginagawa nito.
May mga tanong sa isip ni Atlas. Paulit-ulit.
Ano ang mangyayari kung sakaling lumingon si Laurel?
Bababa ba talaga ako?
Am I willing to risk everything? Throw years of effort for the love without assurance?
Am I willing to risk Laurel?
The last question got him. All the other questions meant nothing because the last question answered everything.
Nakadapa si Atlas sa kama at nakatingin sa glass walls. Foggy pa rin sa labas, madilim, ngunit may ang ilaw sa balcony ay sapat para makita niya ang pagtulo ng tubig sa salamin dahil sa mahinang pag-ulan.
It was cold. Literally and figuratively.
He shut his eyes, trying to find the will to sleep, but nothing. Ilang beses niyang sinubukan, pero sumasakit ang tainga niya sa katahimikan. Yakap niya ang isang unan at umayos sa pagkakadapa nang matanaw ang lugar kung saan niya madalas panoorin si Laurel.
Nanatili siya sa posisyong ang paa niya ay halos nakadikit na sa headboard ng kama dahil ang nakahiga siya sa paanan para panoorin sana ang pag-ulan.
Binuksan ni Atlas ang phone niya para sandaling buksan ang writing account ni Laurel. Ang huling update nito ay noong isang araw pa, sa Baguio, habang magkasama sila. He stared at it for a good minute. Ilang beses niyang inisip kung magbabasa ba siya baka sakaling makatulog, pero kahit anong subok niyang magbasa, wala siyang naiintindihan.
Atlas tried again but failed. He needed something and he wanted something. He shut his eyes and tried to find what was missing—yes, it was Laurel—but there was something he wanted.
—
Lumipas ang tatlong gabi ni Atlas sa Tagaytay at wala pa rin siyang tulog. Nakahiga lang siya sa buong magdamag, hinahanap ang antok, pero kahit na anong posisyon ang gawin niya, hindi siya makatulog.
Sandali siyang lalabas para bumili ng pagkain sa convenience store dahil wala siyang stock at hindi na pinapansin ang ilang titingin sa kaniya. For once, Atlas wanted peace. Hindi siya nagpapakuha ng picture at tumatanggi.
Huminto si Atlas sa ilalim ng puno dahil naisipan niyang mag-jogging sa area. Dama niya ang lamig ng hangin dahil alas sais pa lang ng umaga ngunit pawis na pawis na siya. Sandali siyang tumigil sa gilid ng bundok para titigan ang Taal.
Sa dalawang taon, hindi nila nagawang maglakad ni Laurel sa area. Hindi niya alam na may mas maganda palang view ang Taal kung saan siya kasalukuyang nakatayo.
Hindi nila sinubukan dahil mas madalas sila sa loob ng bahay. Tago ang lugar ng bahay niya, pero hindi ibig sabihin ay walang taong makakikita sa kanila. The house was still inside an exclusive subdivision and some might accidentally see them.
Suot ni Atlas ng hood sa ulo at nakapasok ang dalawang kamay niya sa loob ng bulsa ng hoodie na nasa harapan. Pinagmamasdan niya kung paanong tuluyang magliwanag ang buong lugar dahil umaga na naman.
Inayos niya ang earphones at naupo sa gilid ng puno. Heaven Knows by Orange & Lemons played.
Remembering Laurel's angelic face made Atlas smile. The not-so-angel literally flew away from him, and he was left in misery without the slightest idea of tomorrow.
Atlas was in denial that he loved Laurel, but when he finally admitted it to himself, it was too late . . . or not, he actually had no idea. He knew he loved her, but he wasn't prepared for the impact. He didn't know that he would feel empty, unmoving, and sleepless.
He wanted to sleep, but he was yearning for something—the warmth . . . and the familiarity.
Sa naisip, kaagad na tumayo si Atlas at nagmadaling bumalik sa bahay. Susubukan lang niya dahil gusto na niyang matulog. Naligo na muna siya at nagpalit ng damit. Isinara niya lahat ng blinds para dumilim ang kwarto bago nahiga sa kama.
Atlas looked for a sound available on YouTube. It was the sound of keyboard typing . . . he wanted to try because he was used to the sound.
The keyboard sound meant Laurel was around.
Pumikit si Atlas at maayos na dumapa yakap ang isang unan. Kasabay ng pagpikit ng mga mata niya ay tunog ng keyboard na nagta-type. It was a stupid idea but the moment he closed his eyes, the familiarity kicked in. Naramdaman niya ang pagkalma, ang kagustuhang magpahinga, at ang pakiramdam na makatutulog na siya.
Atlas wanted to open his eyes, but didn't. Kahit hanggang sa pagtulog lang muna, kahit sandali lang.
T H E X W H Y S
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top