Chapter 20

Naramdaman ni Atlas ang paghampas ng maliit na alon sa talampakan niya na nagpabalik sa kaniya sa ulirat dahil hindi niya maproseso ang sinabi ni Laurel. Alam niya sa sarili na darating ang araw na ito, pero hindi niya naihanda ang sarili. Naramdaman na niyang magpapaalam si Laurel, pero naging in denial pa siya.

Atlas smiled and composed himself. "Grabe, in five days kaagad?" kunwaring nagulat na tanong niya. "Final answer?"

"Oo." Laurel nodded with a serious face. "Medyo matagal ko na rin kasing pina-process papers ko. Siguro mga six months na rin, pero last two weeks lang na-approve, tapos last week ko lang nakuha 'yung final papers ko."

"Ano ba'ng gagawin mo?" tanong niya. "Saka saang bansa ka pupunta? Ang daya ni Laurel! Hindi man lang tayo makakapagpadespedida party? Hindi ka man lang magpapaalam sa amin nina Pat at Job? Hindi ka man lang magpapakain ng bulalo?"

Laurel looked at him and smiled. Her mysterious eyes staring back at him. "Kaya nga niyaya na kitang magbulalo ngayon, e. Bukod sa craving talaga ako sa sabaw na mainit, I wanna have my last bulalo with you. Kasi babalik na rin ako—"

"Tayo," singit niya.

"—sa Baguio, hindi ko na ulit matitikman 'yung favorite nating bulalo," dagdag ni Laurel. "Sina Pat and Job, magme-message na lang din ako sa kanila. I'm not really good at saying goodbye. Mas madalas kasi talaga na umaalis na lang ako nang walang paalam, pero hindi ko rin magawa sa 'yo, kasi naging friends naman tayo, and I know na malalim din naman ang pinagsamahan natin."

Tumango si Atlas habang nakatingin kay Laurel. "I understand and thank you for not ghosting me. Mas mahirap ang walang closure. This is sad, this will be sad, pero mas gusto ko na 'to kaysa hindi ko alam kung kumusta ka. Mas okay na rin na isasara natin ang chapter na wala akong tanong."

"I know." Laurel smiled at him. Humarap ito sa sunrise na sumilip na. "Ayaw ko rin namang isara ang chapter nating dalawa nang hindi ako nagpapaalam sa 'yo. Ikaw ang unang taong pinagpaalaman ko, Atlas. I don't say goodbye, but you are special to me."

Hindi sumagot si Atlas dahil hindi niya alam ang sasabihin. He wanted to act normal. He tried to compose himself and wanted to look okay in front of Laurel when he was actually screaming inside. There were lots of words to say, but he chose not to.

"You are the first person who made me realize I was enough and I will treasure that." Mababa ang boses ni Laurel habang sinasabi iyon. Ibinalik nito ang tingin sa karagatan. "You deserve a lot, Atlas. Natutuwa ako sa 'yo kasi sobrang hardworking mo, kahit na sinasabi mong nahihirapan ka, go ka pa rin. Kahit na sinasabi mong pagod ka na, tuloy ka pa rin. At naiinggit ako kasi alam mo na ang gusto mo."

Kumunot ang noo ni Atlas at mahina siyang natawa. "Anong alam ko na ang gusto ko? I am still clueless."

"Akala mo lang 'yun, 'no!" Laurel faced him. "You love what you do, Atlas. Napapagod ka, pero ano 'yung motto? Mapapagod, pero hindi susuko. Matutulog lang at babangon ulit. That's your motto, remember?"

"Laurel, puwede bang hindi ka na umalis?" he said without thinking.

Mahinang natawa si Laurel habang nakatingin sa kaniya. "Why? Ayaw mo bang maghanap ng ibang fubu? Marami ka namang makukuha, 'no. Ikaw pa ba? Or maghanap ka na ng jowa para unli sex, wala pang bayad!"

"Will I ever find someone as crazy as you, though?" he teased. "I think not. Tara, biyahe na tayo pa-Baguio. I still have five days to bond with my favorite fubu."

"Wait, you are planning to stay with me for five days? Akala ko ba, ihahatid mo lang ako kasi may guestings ka next few days? Okay lang din naman na ihatid mo na lang ako, tapos bali—"

Laurel couldn't finish because Atlas cut her off by kissing her lips. It was a soft and gentle kiss while his arm was wrapped around her waist. He was thankful she kissed back. Naramdaman din ni Atlas ang tubig na nasa talampakan nilang dalawa.

In between kisses, Atlas whispered, "I will miss you."

"Wala ka na kasing aasarin na malakas kumain!" natatawang sabi ni Laurel na naglakad palayo kay Atlas. "Tara na, biyahe na tayo to Baguio. Gagawan pa kita ng strawberry cheesecake, 'di ba?"

Tumango si Atlas at ngumiti habang nakatalikod na palayo si Laurel sa kaniya. Humarap siya sa dagat, sa araw na nag-good morning sa kaniya, pero hindi naman masaya. He used to love the sunrise whenever he was with Laurel. Sa pagkakataong iyon, tingin niya, ito na ang huling sunrise na kasama niya ito.

Atlas was sure that Laurel was not kidding about not coming back to the Philippines. Sa dalawang taon, kilala niya itong may isang salita. Kung ano ang sinabi nito, gagawin. Kung ano ang ipinangako, tutuparin. Kung ano ang plano, pagaganahin. Kung ano ang magulo, aayusin. At kung ano ang napag-usapan, susundin.

A part of him wanted her to break all the walls, pero hindi niya puwedeng pilitin si Laurel. Hindi niya ito puwedeng pilitin sa bagay na hindi nito gusto dahil kapag nasasakal ito sa isang bagay, mas lalong kumakawala, mas lalong nagrerebelde.

Nilanghap ni Atlas ang maalat na hanging nanggagaling sa karagatan. Sandali siyang pumikit para isipin kung ano ang gagawin niya sa natitirang limang araw. Mayroon siyang commitments, pero kauusapin niya si Job na kausapin ang manager niya tungkol doon.

Pagpasok sa sasakyan, kaagad na nanuot sa ilong niya ang pabango ni Laurel pati na ang kinakain nitong chips. Ang aga-aga, tsitsirya kaagad.

"So, let's go to Baguio?" aniya at binuhay ang makina ng sasakyan. "Ano'ng gusto mong pagkain?"

Natawa si Laurel. "Wala. Parang gusto ko ng strawberry taho na lang kaagad. Sa Baguio na tayo kumain. Dumiretso na rin kaagad tayo sa strawberry farm para makakuha muna tayo ng strawberries para sa cheesecake natin."

"Okay, ma'am. Anything else?"

Umiling si Laurel at tumingin kay Atlas na nagsimulang magmaneho. Tumingin si Laurel sa dagat na binabaybay nila papalabas ng beach area, ganoon din siya. Maliwanag na at kumikislap ang tubig dahil nasisinagan ng araw.

Kung sa ibang pagkakataon, masayang nakikipagkuwentuhan si Atlas kay Laurel, pero hindi siya makahanap ng tamang salita o topic na puwede nilang pag-usapan.

Humigpit ang hawak niya sa manibela at ipinatong ang siko sa gilid ng bintana. Ipinaglandas niya hintuturo sa labi at malalim na nag-isip. Katahimikan ang namayani sa kanila bago niya sinubukang lingunin si Laurel na nakatingin sa bintana.

"Ang lalim naman ng iniisip mo!" basag ni Atlas sa katahimikan. "Seryoso ka bang ayaw mo munang magpadespedida? I can throw a party for you!"

Umiling si Laurel at tipid na ngumiti. "Ayaw ko nga! Alam mo naman na ayaw ko ng crowd, magpapa-party ka pa!" Natawa ito. "I just want it quiet. Magme-message na lang talaga ako kina Pat and Job."

Atlas sighed. "I want to thank you for not saying goodbye through text, Laurel," aniya nang hindi tumitingin kay Laurel. "I appreciate you for giving me the remaining days to bond. Thank you."

"Parang others naman si Atlas." Laurel laughed and sat comfortably. "May pinagsamahan naman tayo, I won't ghost you that way. We had so much fun din naman the past two years, but things like this aren't meant to last. Ang tagal na nga ng nangyari sa akin kung tutuusin, e."

"Yes, because some fell in love," Atlas murmured. "Mabuti na lang tayo, hindi. Imagine us romantically involved?" He gazed at Laurel intently looking at him. "Parang hindi ko rin ma-imagine. Parang hindi ko ma-imagine na sobrang sweet mo sa akin, na sobrang affectionate ka towards me, na you will stay with me. I think it won't work for us."

"I agree." Laurel nodded. "We're better off as friends, if not strangers, Atlas. But I give it to our bonds, and it was fun."

"It was," he whispered.





Pagdating nila sa Baguio, dumiretso sila sa strawberry farm para mamitas. Sinabi ni Laurel na ito na lang ang bababa, pero hindi pumayag si Atlas. Suot niya ang hoodie na nakasunod kay Laurel. Siya na rin ang humawak ng basket.

Walang masyadong tao dahil weekday at hindi peak season kaya malaya silang nakalalakad. May ilang tao, pero nakatuon ang pansin sa mga ginagawa tulad nang pamimitas ng strawberries tulad ni Laurel.

Palihim na inilabas ni Atlas ang phone at mula sa likuran, kinuhanan niya ng video si Laurel na nagkukuwento tungkol sa farm habang namimitas. Patalikod nitong ipinakikita ang mga nakukuha at iyon daw ang pipitasin nila.

Laurel had no idea that his phone had her stolen videos and photographs.

"Masarap?" tanong ni Laurel nang tikman ni Atlas ang ginawang cheesecake ni Laurel. Her face looked hopeful. "Hindi naman ako magaling mag-bake, pero ito kinakain ko noong mga nakaraan lalo na kapag bored ako."

"Masarap." Napatitig siya kay Laurel na naghihintay ng sagot niya. Hinalikan niya ito sa pisngi bago kinuha ang pinggan mula rito at tumalikod papunta sa sofa.

Halos walang pahinga dahil dumaan si Laurel sa supermarket para bumili ng ingredients para sa cheesecake. Sa kotse lang naman si Atlas dahil hindi siya puwede sa mall. Pagdating naman sa bahay, kaagad itong nagsimulang gumawa ng cheesecake.

Nagsabi rin si Laurel sa kaniya na kailangan nitong magsulat kaya hindi na niya ito ginulo. Binuksan niya ang TV para maghanap ng movie na kahit papaano ay makatutulong para ma-distract siya. Mahina lang ang volume at mas nangingibabaw pa ang tunog ng keyboard.

The sound became his comfort, and he could only hear it whenever he was with Laurel.

Atlas tried so hard to distance himself a bit from Laurel. Ayaw niyang ipahalata, pero umiiwas na siya at unti-unti na ring sinasanay ang sarili dahil ilang araw na lang nga at aalis na ito. Hindi niya alam kung magkikita pa sila, pero ayaw nitong sabihin kung saan pupunta.

America? Europe? He didn't know where. Both continents are massive.

It was painful for him to hear Laurel say that they wouldn't work, but that was how it was. Umpisa pa lang, alam na niya iyon, hindi lang talaga niya napigilan ang sarili, pero alam din niya na kung susubukan, kakayanin niya. He would even adjust.

He started to hate how confusing Laurel was. Bumabalik sa kaniya lahat. Simple gestures nitong hinahanap-hanap niya, iyong simpleng pag-uusap nilang walang patutunguhan, at samahan nilang hindi matatawaran.

Nanonood si Atlas ng TV, pero wala siyang maintindihan dahil lumilipad ang isip niya. Nakikita niya sa peripheral niyang nakaharap sa laptop si Laurel ngunit hindi niya ito magawang tingnan. Ayaw niyang magsalubong ang mga mata nilang dalawa dahil natatakot siyang iyon na ang huli.

Tiningnan niya ang orasan. Gabi na naman at mababawasan ang araw na magkasama sila. Nagbibilang siya na hindi naman niya ginagawa kahit kailan. Pakiramdam niya parang mabilis ang oras kahit wala namang ginagawa.

Nilingon ni Atlas si Laurel nang makita niya itong naghikab. Nagsalubong ang tingin nila at tipid na ngumiti si Laurel bago nagpaalam na mauunang papasok sa kwarto dahil inaantok na at masakit ang likod. Tinanong siya ni Laurel kung susunod na ba siya, pero nagpaiwan siya sa living area.

Nagkunwari siyang nanonood ng TV.  Nakakailang pelikula na siya, pero kahit isa, hindi nag-sink in sa kaniya ang istorya.

Paulit-ulit, paikot-ikot lang na tumatakbo sa isip niya kung paano siya kapag umalis si Laurel. Naiinis siya sa sarili na na hindi siya katulad nitong naglagay ng malaking pader sa gitna nila, naiinis siya na hindi siya naging maingat at masyado siyang natuwa sa presensya nito, naiinis siyang hindi niya prinotektahan ang sarili kay Laurel.

Alam niya sa sarili kung gaano ka-deadly si Laurel. She was dangerously beautiful in her own way and she didn't have to try. Laurel's personality was girlfriend material but confusing. Hindi alam kung totoo ba ang ipinakikita nito, kung may gusto ba, kung sweet ba, or it was just normal for her to do it.

. . . na ito mismo, hindi namamalayan na nakahuhulog na pala ang ginagawa.

Natawa si Atlas sa naisip. Ayaw man niyang aminin sa sarili, he fell in love with Laurel.

He fell in love with the deadly, angelic Laurel.

It was past midnight when Atlas decided to go to Laurel's room. Pagkapasok niya, naabutan niya itong nakabalot ng kumot at tulog na tulog. She was in a fetal position, hugging one pillow, and was sleeping soundly.

Imbes na mahiga, naupo siya sahig, at sumandal sa kama kung saan nasa likuran niya si Laurel. No words, he just wanted to stay there with her.





The day had passed, tinulungan ni Atlas si Laurel na mag-empake. Ni hindi siya makapaniwala na isang maleta lang ang bitbit nito at isang bag kung nasaan ang mga papeles at laptop. Atlas saw that Laurel wasn't a heavy packer, at doon na lang daw bibili ng mga gamit kung saan man ito pupunta.

"Ayaw mo talagang sabihin sa akin kung saan ka pupunta? I think it's Europe or US. Naalala kong gusto mong pumunta sa Europe. But US?" tanong ni Atlas habang nakaupo sila sa harapan ng makeshift bonfire at nagtutunaw ng marshmallow para sa s'mores. "Ang daya naman, seryoso talagang hindi ka na babalik ng Pilipinas?"

Umiling si Laurel at naupo sa tabi niya, pero medyo malayo ang pagitan. Niyakap nito ang sarili habang nakatingin din sa apoy na nasa harapan nila.

"Mas okay na rin na walang nakakaalam kung nasaan ako. Gusto ko na walang nakakakilala sa akin kung nasaan ako, walang nakakaalam kung nasaan ako." Tumingin ito sa kaniya. "Kahit ikaw."

Atlas shook his head and chuckled to hide what he felt. "Ang hirap mong mahalin, Laurel," bigla niyang sinabi. He didn't expect he would say that, nabigla siya. "Medyo malas 'yung lalaking mai-in love sa 'yo!" natatawang sabi niya para lang mag-iba ang atmosphere.

"Malas talaga." Nilingon siya ni Laurel bago ibinalik ang tingin sa apoy na nasa harapan nila. "It will never be reciprocated."

Iniabot ni Atlas ang ginawa niyang s'mores para kay Laurel. Nasa roof deck sila ng bahay, naglabas ng kutson, gumawa ng maliit na bonfire, at kumain ng kung ano-ano.

Ramdam niya ang lamig dahil nasa open air sila, pero request iyon ni Laurel. Madilim ang kapaligiran, kita ang kalangitan, at dama nila ang lamig ng gabi dahil sa hamog.

Kung ano-anong topic lang ang pinag-usapan nila. Minsan tungkol sa pag-aartista ni Atlas at kung ano ang magiging plano niya sa hinaharap.

Bibiyahe na sila kinabukasan dahil flight na nito papunta sa kung saan man, at wala pa rin siyang idea kung saan. Laurel decided not to say it, it was pissing him off, but he was respecting her decision. Wala siyang magagawa.

"Laurel, alam mo ba favorite song ko?"

Tumingin sa kaniya si Laurel habang kumakain ng chips. "Marami kang favorite song, e. Ano ba 'yung pinaka-favorite mo talaga?"

Atlas stood up and got his phone and AirPods. "Mirrors slowed version. Maganda 'yung original ni Justin Timberlake, but the slowed version has deeper feelings for me." Isinuot niya ang isa kay Laurel. "Listen."

Aren't you somethin' to admire?

'Cause your shine is somethin' like a mirror

And I can't help but notice

You reflect in this heart of mine

Tumingala si Atlas habang nakatingin sa malaking buwan na nasa langit. Ipinagpapasalamat niyang hindi foggy kaya naa-appreciate niya ang langit na puno ng bituin.

If you ever feel alone and

The glare makes me hard to find

Just know that I'm always parallel on the other side

Being left behind was so hard, iyan ang nararamdaman ni Atlas. Gusto niyang isigaw sa sarili na siya lang ang may nararamdaman, pero ang hirap.

'Cause I don't wanna lose you now

I'm lookin' right at the other half of me

The vacancy that sat in my heart

Is a space that now you hold

Walang nagsasalita sa kanilang dalawa, pareho silang nakikinig. Nakikita ni Atlas si Laurel sa peripheral vision niya, pero hindi niya kayang salubungin kung sakaling tumingin man ito sa kaniya.

"Ang lalim ng feels compared sa original." Ngumiti si Laurel sa kaniya at ibinigay ang AirPods. "Ang tagal na rin ng kantang 'yan, 'no?"

Tumango si Atlas. "Never gets old."

For some reason, nagkasalubong ang tingin nilang dalawa. Kaagad na hinapit ni Atlas ang baywang ni Laurel at inihiga ito sa kama kung saan sila nakaupo. He kissed her lips softly, he could even taste that sweet chocolate from the s'mores she just ate.

Madilim ang paligid, maliit na bonfire ang nagsisilbing ilaw nila, pati na ang malaking buwan na saksi kung paano siya masaktan dahil kinabukasan, kailangan na niyang kumawala.

Both removed their own clothes, and it was freezing for Atlas, but he didn't care. They started having sex under the stars, feeling the cold breeze of Baguio. A hidden sanctuary he built for them, and it might be the last time they would be in the same place together.

"Ang hirap mong pakawalan," bulong ni Atlas habang nasa ibabaw ni Laurel. Yumuko siya para halikan ang labi nito habang mabagal na gumagalaw.

Atlas was taking his time, and he wasn't in a rush. He was sweating bullets and didn't mind the cold breeze against his skin because the heat from his and Laurel's body was enough.

Laurel chuckled at him and kissed the side of his lips. "You'll . . . be . . . okay," hingal na sabi nito habang pareho silang gumagalaw at sinasalubong ang katawan ng isa't isa. "You'll . . . be . . . fine," she whispered inside his mouth while kissing him before letting out a moan.

Atlas moved and encircled his right arm around Laurel, securing her, not wanting to let go, but he had to. Yumuko siya at isinubsob ang mukha sa leeg ni Laurel. Naramdaman niya ang paghigpit ng legs ni Laurel sa baywang niya kaya muli niyang sinalubong ang titig nito.

"Harder, Atlas," Laurel begged.

He smiled and kissed her lips down to her neck, and started thrusting on top of her. He loved seeing her face whenever they were having sex, he loved her half-hooded eyes staring back at him, her mouth slightly open, welcoming his kisses, and he loved her.

Atlas stopped moving when he realized what he had just thought. He loved her, and he couldn't even tell her.

"I love you," he whispered while staring at Laurel.

Laurel's face softened but didn't say anything.

Umiling si Atlas at umalis sa pagkakaibabaw kay Laurel, isinuot ang short, bago naupo sa dulo ng kutson. Tumitig siya sa apoy dahil gusto niyang bawiin ang sinabi niya nang makita kung paanong nagbago ang expression ng mukha nito.

"Alam ko." Tumayo si Laurel at lumapit sa kaniya. Niyakap siya nito nang mahigpit patagilid. Hinawakan naman niya ang baywang nito, pero nakatitig siya sa apoy. "Naramdaman ko na, Atlas, at ayaw ko nang lumalim pa 'yan."

"Is that the reason why you're leaving?" Atlas murmured.

"Yes and no," Laurel answered. "Yes, kasi ayaw kitang saktan, Atlas. No, dahil gusto ko talagang umalis bago pa kita makilala. Nakaplano nang aalis ako, but we met."

Isinubsob ni Atlas ang mukha sa may leeg ni Laurel habang nakayakap ito sa kaniya.

Laurel's familiar scent invaded his nostrils. It was the scent he had been longing for since they met, it was the scent he would never forget and the smell he would for sure miss when she left.

"Laurel?"

"Hmm?"

"I love you," Atlas whispered.

Naramdaman ni Atlas na mas humigpit pa ang yakap ni Laurel sa kaniya. "I . . . d-don't."

Atlas smiled. Humiwalay siya sa pagkakayakap kay Laurel at tinitigan ang mukha nito. Tinanggal niya ang ilang buhok na nakaharang sa mukha ng babaeng hindi niya inasahang mamahalin niya. Inayos niya ang kumot para matakpan ang katawan nito.

Laurel's innocent face was staring back at him. No words. She was just looking at him.

"Okay lang, naiintindihan ko." Atlas forced a smile. "Kung sakaling kailangan mo ng tulong ko, tawagan mo lang ako. I will never change my number. I will . . . never forget you."

Walang sagot.

"Kung sakaling maisipan mong bumalik, maghihintay ako."

"Huwag." Umiling si Laurel at hinaplos ang pisngi niya. "Wala akong balak, Atlas. At kung sakali mang babalik ako, hindi sa 'yo."

Atlas shut his eyes for a second and breathed. He let out a subtle laugh. "Ngayon ko gustong mainis na sobrang straightforward mo," aniya. "Dati, gusto ko na diretso ka at sasabihin mo ang gusto mo. Ngayon, ayaw ko pala. Ang sakit, e."

"Kaya nga sabi ko, huwag mo akong mahalin, e. Hindi ko masusuklian 'yan," Laurel said.

"Puwede ka bang magsinungaling? Sabihin mo lang na mahal mo ako bago ka umalis?"

He knew it was wrong, but Atlas wanted to hear it for once. A part of him knew that Laurel wouldn't say it. Imposible. Sobrang imposible.

Umiling si Laurel at hinaplos ang buhok niya. "Hindi ako sinungaling na tao, Atlas."

"Alam ko. Kaya nga mas nasasaktan ako kasi alam kong totoong hindi mo ako mahal, e." Atlas smiled. "Pero okay lang, naiintindihan ko. Umpisa pa lang naman, malinaw na. Umpisa pa lang, Laurel. Ako ang may kasalanan, pasensya ka na."





Habang papalapit sa airport, dahil siya na mismo ang nagprisintang ihatid si Laurel, gusto niyang mag-traffic at maiwanan ito ng eroplano para magkaroon pa siya ng kaunting pagkakataon.

Pero malabo.

Pareho silang tahimik sa sasakyan.

It was painful and relieving at the same time, hindi niya alam kung ano ang mararamdaman.

Was he thankful that she was honest about not loving him?

Was he hurt that she didn't even love him?

Hindi niya alam.

It was so hard to let go, it was painful to let go, but he had to.

Alas-otso ng gabi at hindi niya rin alam kung anong oras ba talaga ang flight ni Laurel. Wala siyang idea, wala siyang alam, dahil sa tuwing magtatanong siya, ngingitian lang siya, hanggang sa hindi na niya inulit magtanong.

Maraming sasakyang nakaparada, maraming naghahatid.

Nakita ni Atlas ang nagyayakapan bago pumasok sa loob ng departure area. Nakita niya ang ilang taong lumuluha habang tinatapik ang likuran ng kayakap, at ang iba ay nakangiting kumakaway ngunit kita sa mukha ang lungkot.

"So, here I am," nakangiting sabi ni Laurel nang mag-park na siya sa harapan mismo ng departure area for drop off. "Ingat ka sa pagda-drive. Mag-rest ka if needed, kumain ka nang marami, at matulog nang maaga."

Ngumiti siya habang nakatitig kay Laurel. "Pa-fall ka."

"Hindi ko sinasadya," seryosong sabi nito. "Have a good life, Atlas."

"See you when I see you, Laurel."

Tumitig sa kaniya si Laurel at akmang lalabas na ng sasakyan niya, pero hinawakan niya ang kamay nito, at hinila palapit sa kaniya. Niyakap niya ito nang mahigpit na mahigpit. He buried his face into the hollows of her neck, sniffing her familiar perfume, and not minding the world.

Naramdaman niya ang paghaplos nito sa buhok niya. "Ingat ka palagi. Salamat . . . sa lahat. This is me. I have to go."

Nag-angat siya ng tingin at tinitigan ang mukha ni Laurel bago ngumiti. He nodded. "Have a good life, ma'am."

Laurel nodded without saying anything. Bumaba na ito ng sasakyan, kinuha ang luggage mula sa trunk ng sasakyan niya, habang nagmamasid siya dahil hindi siya makababa. Maraming tao, maraming makakikita.

Aalis na nga lang ito, hindi pa rin niya magawang lumabas para sana man lang magpaalam ulit.

Mula sa sasakyan, nakatingin lang si Atlas. Hindi normal ang buhay niya, artista siya. Kaya aalis na si Laurel, hindi man lang niya magawang bumaba, hindi man lang niya magawang magpaalam nang normal, hindi man lang niya magawang magpaalam nang pormal.

"Lingon ka, lalabas ako," bulong niya sa sarili. "Turn around, ma'am."

Nothing.


T H E X W H Y S

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #thexwhys