Chapter 2
Atlas, still sitting in the backseat with Laurel, was quiet. He wasn't sure if the woman he was with would agree, and he suddenly felt nervous. Not that he was judging Laurel, but they just had sex. Hindi niya alam kung ano ang nasa isip nito lalo na at nakatingin ito sa labas ng bintana at mukhang nag-iisip tulad niya.
"So," basag ni Atlas sa katahimikan. "Hmm, are we just gonna stay quiet?"
Humarap si Laurel sa kaniya at seryosong nakatingin. Doon siya nakakuha ng pagkakataon para titigan ang babaeng nasa harapan. Malalamlam ang mga mata at may ilang buhok pang nakaharang sa mukha.
Madilim at malamig ang loob ng sasakyan. May ilang dumadaan sa labas ng sasakyan at nakikita nila iyon mula sa loob.
"Let's get this straight." Umayos ng upo si Laurel at mas humarap sa kaniya. "Ano'ng plano mo? Kaya mo ba akong protektahan kung sakali man? Hindi 'to basta simpleng hooking up, e. Low-key akong tao, ayaw ko ng atensyon. Gusto kong tahimik lang ang buhay ko. Kaya mo bang masigurado na hindi ako makikilala ng iba bilang fuck buddy mo?"
Alam ni Atlas sa sarili niyang mahihirapan siya, pero mayroon siyang mga kaibigan na puwedeng tumulong sa kaniya. Job and Patrick were aware about it because it wasn't the first time.
Tumango siya at huminga nang malalim. "That's my main goal, and yes, I want this low-key and secret. I will keep you safe, keep you my secret, but you'll have to do the same."
Laurel shrugged. "The latter sounds easy and that's good enough for me. Just make sure na hindi ako makikilala dahil kapag nangyari 'yun, ititigil natin 'to kahit na ano'ng mangyari."
Matagal na napatitig si Atlas kay Laurel at hindi nakasagot. She knew what she was doing. By the looks of her, while he was observing, she was smart. Hindi ito basta simpleng babae na papayag sa bagay na alam niyang maaagrabyado siya. Laurel knew what to do.
Naisip naman ni Atlas, it was actually an advantage. He didn't have to explain or deal with someone who didn't know the setup.
"Actually, it's an advantage that you want it low-key," ani Atlas. "Hindi ko poproblemahin na mag-iingay ka, na ipagkakalat mong may nangyayari sa atin, na ipagsasabi mo na nakakasama mo ako. I like the idea of this, kung papayag ka."
"Okay lang sa 'kin basta kaya mong siguraduhin ang privacy ko. Kung sakali man, paano ang setup natin? Paano tayo magkikita? Ako ba ang pupunta sa 'yo? Ano'ng gagawin natin?" Sunod-sunod na tanong ni Laurel. "Hindi ito ang first time ko sa fuck buddy, pero obviously, first time ko sa artista."
Atlas bit his lower lip as he listened to Laurel. Gusto niya ang paraan nito nang pagtatanong. Gusto niya na hindi niya kailangang mag-isip ng sasabihin dahil ito na ang nag-open ng topic. He wanted to answer all the questions, but he was starving.
Tipid siyang ngumiti at umiling. "Ready akong sagutin lahat ng tanong mo, pero puwede bang kumain muna tayo kasi nagugutom talaga ako? Galing ako sa meeting and hindi rin naman ako nakakain nang maayos doon. So, puwede bang kumain muna tayo?"
"Oo nga pala. Nagugutom na rin talaga ako," natatawang sabi ni Laurel. "Pero saan tayo kakain? Hindi ka naman puwedeng lumabas. Kung gusto mo, bibili na lang ako. Mag-take out ako?"
Atlas shook his head. "No, let's do drive-thru, pero ikaw ang mag-o-order. Dito ka lang sa backseat. I can't be seen," he said in a low voice. "Is that okay?"
"Okay." Laurel nodded thrice. "Ang hirap naman ng buhay mo! Pa'no niyan kapag nagugutom ka na sa daan? Ano'ng ginagawa mo?"
"Mas madalas na kasama ko ang personal assistant ko," sagot ni Atlas. "Kapag mag-isa lang ako, I'll wait 'til I get home. Sucks to be me."
Laurel agreed. "Sa totoo lang, sucks to be you." She smiled and started tying her long, wavy locks. "So, saan tayo kakain? Parang gusto ko ng Jollibee? I am craving chicken joy, 'yung may red flag? Sabi kasi nila, mas masarap kapag may red flag." She chuckled.
Natawa si Atlas dahil sa sinabi ni Laurel at akmang lilipat sa driver's seat nang may maalala. "Kaso, I have a problem?"
"Ano na naman 'yun?" Nagsalubong ang kilay ni Laurel habang nakatingin sa kaniya. "Hindi ka ba nauubusan ng problema? Ay wait, on second thought, artista ka, so for sure, hindi nga. Ano'ng problema?"
Kinagat ni Atlas ang ibabang labi dahil nahihiya siya, pero wala siyang magagawa. "I . . . I don't have cash."
Laurel pouted and rolled her eyes on him. "In short, ako ang mababayad?" she teasingly asked. Hindi naman mataray ang pagkakatanong dahil malambing din ang boses nito, pero natawa si Atlas.
"Y-Yes." Atlas stuttered and stared at Laurel. "I don't bring cash with me and nakalimutan kong mag-withdraw kanina."
"Fine." Laurel chuckled. "Nagugutom na rin naman ako. At dahil din doon, babayaran mo 'tong magagastos ko. Ten times."
Atlas immediately nodded. "Of course, walang problema."
"Joke lang!" Laurel laughed. "Tara na, please? Nagugutom na talaga ako."
Lumipat si Atlas sa driver's seat at naiwanan si Laurel sa likod dahil ito ang mag-o-order para hindi makita si Atlas nang kahit na sino. Ipinaabot na lang din nito ang bag na nasa gilid ng paanan ng passenger's side.
Medyo traffic sa dinaanan nila dahil malapit iyon sa malaking mall at nag-uuwian na rin ang ilang empleyado galing sa mga trabaho. Maraming bus, maraming sasakyang papunta sa kung saan, kaya naisipan nilang dalawa na pagkatapos bumili sa drive-thru ng isang fast-food chain, babalik sila sa parking area.
Ilang beses silang umikot para hanapin ang fast-food chain na gusto ni Laurel. Ito ang nag-order, tahimik naman si Atlas na naghihintay sa driver's seat. Paminsan-minsan siyang tumitingin sa rearview mirror at pinagmasdan ang babaeng kasama.
Laurel had this smiling face, positive aura, and playful vibe. Atlas felt that she wouldn't be his problem. A part of him knew that she had this strong personality just by talking.
Sa dami ng taong nakasalamuha ni Atlas, marami na siyang nakilala. Sa acting workshops, alam na rin niya ang itsura ng taong umaarte at nagsisinungaling.
Based on Atlas' observation, Laurel was true to herself, she knew what she wanted, and she was vocal with what she needed. Hindi ito iyong tipo ng tao na itatago ang gusto dahil lang nahihiya.
"Done!" nakangiting sabi ni Laurel habang nakatingin sa kaniya. "Nagutom ako lalo sa amoy, tara na."
Ngumiti si Atlas at hindi kaagad pinaandar ang sasakyan. "Lipat ka na rito sa front seat. Ang dami mong order. Mauubos ba natin 'yan?"
Nagkibit balikat si Laurel na nakatingin sa kaniya habang isinusuot ang seatbelt. "Ako, mauubos ko, ewan ko sa 'yo," sagot nito at kinuha ang ice cream sa plastic na sinimulang kainin. "Ikaw, feeling ko talaga, s-in-ex mo lang talaga ako para magkaroon ka ng free food. Ako pa talaga ang gumastos, ha? Wow."
Atlas knew that Laurel was kidding. Her eyes squinted and she let out a laugh. "No! I'll pay. Gusto mo, huminto tayo ngayon sa isang ATM just to make sure na babayaran kita?"
"'Wag na!" natatawang sagot ni Laurel. "Baka mamaya, pagkaguluhan ka pa, madadamay pa 'ko!"
Natawa si Atlas at nagmaneho na pabalik sa parking area. Pareho silang hindi nagsasalita ni Laurel at paminsan-minsan niya itong nililingon habang nag-e-enjoy pa nga sa ice cream.
"Kumain ka na ng ice cream kanina, 'di ba?" tanong ni Atlas nang maalala ang kinakain nito kanina.
Bahagyang lumingon si Laurel sa kaniya at salubong ang kilay nito. "Walang basagan ng trip," anito at ibinalik ang tingin sa daanan. Hindi na rin nagsalita si Atlas dahil baka ma-offend niya ito.
Nang makarating sa parking, kaagad silang kumain. Halos pareho silang tahimik dahil parehong gutom. They were eating one bucket of Jollibee, rice, french fries, ice cream, soda, and peach mango pie. May burger pa.
Atlas smiled while looking at Laurel who was enjoying her food. His car even smelled like food. Kung siya lang, ayaw niya. Kaso lang, nagugutom na siya at hindi siya makahindi sa babaeng kasama. Tahimik siya, pero lumilipad ang isip niya kung posible bang si Laurel na ang makakasama niya.
"After this, ihahatid na ba kita sa hotel mo?" tanong ni Atlas. "Wait, bakit ka pala nagho-hotel? Sa'n ka ba nakatira?" aniya bago uminom ng softdrinks.
"I live in Baguio," sagot ni Laurel habang nakatingin sa kaniya. "Uuwi na ako sa isang araw."
Nangunot ang noo ni Atlas dahil sa nalaman. "You live in Baguio? E ano'ng ginagawa mo rito sa Manila?"
"Kumuha ako ng transcript ko sa university kung sa'n ako nag-college," sagot ni Laurel.
Tumango-tango si Atlas at ibinalik ang tingin sa kung saan. May ilang taong dumadaan sa harapan ng sasakyan niya, may mga sasakyang paalis na ng parking, mayroong mga bagong dating. Lalo siyang napaisip dahil akala niya, nakahanap na siya ng babaeng hinahanap niya na makakasama niya, kaso mukhang malabo dahil malayo ang tinitirhan nito.
"Bakit ganiyan ang mukha mo?" biglang tanong ni Laurel. Mukhang nahalata nitong malalim ang iniisip niya. "Ayaw mo ba nang malayo ako?"
Nakita ni Atlas kung paanong nagbago ang itsura nito na nagulat sa sariling tanong.
"Hindi naman sa ganoon, kaso malayo ka nga," sagot niya. "Are you willing to go to Manila if ever? I mean, kung papayag ka sa setup, then I contacted you, are you willing to go here? Hindi rin naman kasi ako palaging available. I also have a schedule. I have time to follow, kaya hindi rin naman tayo palaging magkikita."
Naningkit ang mga mata ni Laurel habang nakatingin sa kaniya. Huminga ito nang malalim, uminom ng softdrinks, bago sumagot, "So ang mangyayari, tatawagan mo lang ako kapag kailangan mo 'ko? Like kapag kailangan mong magparaos?"
Nagulat si Atlas sa sinabi ni Laurel. It wasn't his intention to sound like that. Nagsalubong ang kilay niya at hindi alam ang isasagot. Sandali siyang natahimik at muling inisip kung na-offend ba ito sa kaniya.
"Hey!" Laurel got Atlas' attention. "What's with the reaction?" she calmly asked while drinking her soda. Tumutunog pa nga ang straw sa loob. "Hindi ka ba sanay sa mga gano'ng salita? Kung hindi, I'm sorry."
Atlas immediately shook his head. "No not that. Hindi naman sa ganoon. I mean—" Hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya.
"Atlas, no need to sugarcoat things," seryosong sabi ni Laurel habang nakatingin sa kaniya. "I mean, open naman ako sa kahit anong salita na gagamitin mo. Hindi mababaw ang isip ko. Hindi mo kailangang maging maingat sa sasabihin mo, kasi hindi ako judgmental."
Hindi nakasagot si Atlas ngunit nanatili siyang nakatitig kay Laurel. Napakaamo ng mukha nito lalo na ang mga matang malamlam na nakatingin sa kaniya.
"Ngayon, kung gusto mong ituloy natin 'to, since may nangyari naman na sa atin sa backseat mo, okay naman ako sa 'yo, at mukha ka namang marespeto. Kinakabahan lang talaga ako kasi ayaw ko ng issue," pagpapatuloy ni Laurel. "Ayaw ko na may mga makakakita sa akin, tapos malalaman nilang fuck buddy mo ako."
Wala pa ring masabi si Atlas habang nakatingin kay Laurel na seryosong nagsasalita na para bang wala lang dito ang mga sinasabi. Maybe it was true. He wasn't used to speaking those terms lalo na at hindi naman siya madalas makipag-usap sa kahit kanino.
Sa trabaho ni Atlas, natuto na rin siyang piliin ang bawat salitang gagamitin dahil hindi siya puwedeng basta na lang magkamali.
"So, once and for all, kung itutuloy natin ito, let's be real. Tingin mo?" tanong ni Laurel at tipid na ngumiti. "Hindi mo kailangang magpanggap sa harapan ko, we'll just fuck, no feelings at all. Kailangan mo ako, kailangan kita. Ganoon."
Atlas squinted and stared at Laurel, who took a big bite from her burger. He then nodded and agreed. "First things first, do you agree to this setup? Honestly, I am comfortable with you. You are vocal. You're not simping over me, and you're honest and cool. Hindi ikaw 'yung tipo ng babae na mukhang maghahabol?"
Laurel snorted. "Hindi talaga. Isa pa, I hate relationships," sagot nito bago muling kumagat sa burger na hawak. "Okay rin naman ako sa 'yo. You're respectful, you're careful, and you're not aggressive. Ang problema nga lang, malayo ako, at ang privacy ko."
"That's fine," Atlas responded. "We can just contact each other if ever, right? If I ask you to come to Manila, okay ka lang ba roon? All expenses paid naman, and I will shoulder everything."
Tumango si Laurel bago kumagat naman ngayon ng fries. "Yup, okay lang sa 'kin. Basta isa lang hinihiling ko. 'Yung privacy ko. It's important to me."
"You are safe with me, ma'am," Atlas assured. "About your privacy, that would be my main priority. Don't worry about it."
Laurel smiled warmly. "Okay. Wala rin naman akong trabaho. Anytime, puwede naman akong pumunta. About privacy, good to know. Ayaw ko ng issue."
Atlas wanted to ask about Laurel's job. She mentioned that she wasn't working, and he had many questions inside his head. He wanted to ask, but he was being careful.
"If you're not working, I don't mean—"
"Ask away." Laurel interrupted him. "Magtanong ka lang, hindi ako madaling ma-offend."
Atlas cleared his throat, trying to think of the right word. "If you're not working, ano'ng income mo?"
"I write," sagot nito. "Nagsusulat ako sa Wattpad and when someone buys my stories, magkakaroon ako ng sweldo. I also have some online gigs."
"Okay, good to know." Atlas nodded. "Don't worry about anything like pamasahe, hotels, and allowances when you're here. I'll shoulder everything."
Hindi sumagot si Laurel at nagsimula itong kumain ulit. Ganoon din ang ginawa ni Atlas. Pagod siya sa maghapon at mayroon kaagad siyang schedule kinabukasan. He just got laid and he knew that upon arriving home, he would fall asleep.
"By the way, bukas, okay lang ba sa 'yo na mapagkita sa personal assistant ko?" tanong ni Atlas.
Nagsalubong ang kilay ni Laurel, pero wala itong sinabing kahit na ano.
"Don't worry, he's my best friend and mapagkakatiwalaan ko 'yun. He will be assisting you. Dadalhin ka rin niya sa lawyer ko para pumirma ng non-disclosure agreement na kahit ano'ng mangyari, this setup of ours will be secret. Gusto mo rin ba na may contract tayo sa kahit ano para safe ka?" Atlas suggested. "Okay lang ba sa 'yo na pumirma ng NDA?"
"Ang kailangan ko lang, privacy ko," sagot naman ni Laurel. "Hindi naman ako manghihingi ng pera sa 'yo or what. Hindi naman ako mukhang pera, kumikita naman ako, so no need for fancy contracts. Hindi naman tayo mala-Fifty Shades of Grey, 'di ba?"
Atlas shook his head and chuckled. "No, we're just fuck buddies. I need you. That's all. But if—"
"I need you, too," Laurel responded. "About non-disclosure, no problem."
"Okay." Atlas breathed.
"Hindi ka naman nailang sa akin kanina noong nagse-sex tayo?" diretsong tanong ni Laurel. "Ako, medyo, kasi artista ka."
"Hindi ako nailang," sagot naman ni Atlas. "I am comfortable. Even now that we're just talking, I'm comfortable. I like that you're open about everything."
Laurel chuckled and gazed at him. "Don't worry. Your secret's safe with me. I will be your hidden whore."
Atlas'eyes widened in shock at the word Laurel used. "Y-You're not like that." He stuttered.
"Chill!" Laurel laughed. Naningkit ang mga mata nito habang nakatingin sa kaniya at may french fries pa sa bibig. "Joke lang! Ang sensitive naman!"
Sandaling kumalma ang dibdib ni Atlas dahil sa sinabi ni Laurel. Ayaw niyang ma-offend ito o baka mali ang salitang magamit niya. He wanted to be careful, but Laurel wasn't. Diretso nitong sinasabi ang gusto, walang pinipiling salita, at nagagawa pa ngang matawa.
Nag-stay pa sila sa parking lot pagkatapos nilang kumain para sandaling magkuwentuhan. Atlas could feel the limitation and Laurel wasn't even asking. Hinahayaan siya nitong magkuwento tungkol sa trabaho niya at kapag siya naman ang sumusubok magtanong, sasagot ngunit matipid.
Nang mahalata ni Atlas na isang tanong at isang sagot na lang, hindi na niya inulit. He would respect the boundary.
It was almost one in the morning when they decided to leave.
"Okay lang ba sa 'yo na hindi muna umuwi ng Baguio sa susunod?" tanong ni Atlas. "I have one last job tomorrow then may isang linggo akong off. I know we're just starting, so is it okay na magkasama tayo?"
Hindi kaagad sumagot si Laurel na inilabas ang phone. Nakita niyang nagbukas ito ng calendar, pero kaagad niyang ibinaling ang tingin sa ibang lugar habang naghihintay. The car started to get colder because it was past midnight. Hindi na rin ganoon ka-traffic sa area kaya alam niyang makararating sila kaagad.
Atlas tapped the steering wheel while waiting, and when Laurel looked at him, he paid attention.
"Wala naman akong commitments sa mga susunod na araw, pero kailangan kong magsulat, kailangan kong mag-update. Don't tell me naman na buong araw tayong magse-sex?"
Mahinang natawa si Atlas at nakagat ang labi sa sinabi ni Laurel. "Of course not. You can write. I just thought na we can use those times to know each other, tingin mo?"
Naningkit ang mga mata ni Laurel. "So, gusto mo na bago ako pumirma ng contract, makakasama mo muna ako?"
"If possible, why not?" tanong ni Atlas. "I mean, we did something in the backseat of this car, pero iba kapag sa bed." He smirked. "I'm just kidding. Still your decision. I just wanna know you first."
Sandaling natahimk si Laurel at tumango. "Fair enough. Tama naman, before ako pumirma, titingnan ko rin muna kung mabait ka ba talaga. Baka kasi ngayon lang dahil kailangan mo nang ilabas 'yan." Ngumiti pa ito. "Saka may utang ka pa sa 'kin."
Atlas laughed while looking at Laurel.
"'Wag kang tumawa, hoy! Sex, eat, and run. Bad 'yun!" pagbibiro ni Laurel. "Just kidding. Sige, ipagpapaliban ko na muna ang uwi ko. Bakit ko pala imi-meet ang PA mo bukas? Sa lawyer pa rin ba?"
Tumango si Atlas. "Yup, para masabi mo rin 'yung conditions mo, para mailagay niya sa non-disclosure natin."
"Okay," tipid na sagot ni Laurel. "By the way, hindi naman sa sinasabi kong may AIDS ka, pero puwede bang magpa-check muna tayo?" tanong nito. "Kung ma-o-offend ka sa sinabi ko, pasensya na."
"No, it's okay." Natawa si Atlas, nakahawak pa rin siya sa manibela at tumingin kay Laurel. "That's actually a good idea. Bukas, puwede kang samahan ni Job, siya ang sasama sa 'yo."
Nagsalubong ang kilay ni Laurel habang nakatingin sa kaniya. "So, malalaman ng PA na fuck buddy mo ako?"
"Yup," diretsong sagot ni Atlas. "He will be the one to protect us both, wala kang dapat alalahanin. Husband rin niya si Patrick, lawyer ko. Yes, married sila sa ibang bansa and they're gay."
Atlas saw how Laurel smiled as if she was happy about what he said. Ilang beses itong tumango. "Aww, ang cool! Sige. Basta, sinasabi ko sa 'yo, as long as my privacy isn't compromised, we're good."
"I will protect you, ma'am. That's for sure," Atlas assured.
"Good to know." Laurel warmly smiled. "I have a question. I don't need your approval, itatanong ko pa rin. Aren't you judging me for being like . . . this?"
"Being what?" Atlas was confused.
"Having sex with different guys, being sexually active but no permanent partner, being wild and open for hookups, had sex during first meeting?" Seryoso ang pagtatanong ni Laurel. "I just wanna know, gusto kong maging honest tayo. Ayaw ko na nag-iisip ako na baka hinuhusgahan mo ako."
Atlas was stunned. Ni hindi niya naisip iyon and to think that Laurel was thinking about it, bigla siyang nalungkot na may mga babaeng ganoon ang iniisip sa sarili.
Umiling si Atlas. Nilingon niya si Laurel mabuti na lang at nasa red light sila. "I am not judging you. It's your body, it's your choice. Men do that and people judge women for doing so, tapos sa lalaki, parang normal, where's the equality?" sagot niya. "I am not judging you. Pero . . . ."
Laurel stared at him. "Pero?"
Atlas breathed. Ibinalik niya ang tingin sa daan. "Pero madamot ako. Kapag nag-engage na tayo sa setup na 'to, you can't fuck anyone anymore, Laurel." Sandali niyang nilingon ito na nakatingin sa kaniya. "It'll be just me."
"No problem. Ganoon naman ang magiging setup kung sakali." Laurel agreed. "Pero ako, wala akong rules sa 'yo. Kung gusto mong sumama sa iba other than me, okay lang sa akin. Ako, hindi muna. Halos isang taon na rin akong tumigil sa hookups, ngayon na lang ulit."
"Why?" he curiously asked.
"My last fubu was abusive," sagot ni Laurel. "He was physically hurting me kaya tumigil ako. So, ayun. Hindi mo naman siguro gagawin sa 'kin 'yun, 'no?"
Atlas frowned and shook his head. "Never, Laurel."
"Good to know." Laurel chuckled. "Magpapasama na lang ako bukas sa PA mo sa hospital for checking. I'm clean, pero para na rin sa ikapapanatag nating dalawa."
Ngiti ang isinagot ni Atlas bilang sagot at nagpatuloy sa pagmamaneho. Hindi gaanong traffic kaya mabilis silang nakarating sa hotel kung saan nag-i-stay si Laurel.
It was almost two in the morning, and in front of the entrance, they stopped and gazed at each other.
Bago magpaalamanan, ipinaalala ni Atlas ang tungkol kay Job. "Si Job na ang bahala bukas. I will be very busy tomorrow, baka sa isang araw na tayo magkita. Just trust Jobelle, okay?" pahabol na sabi ni Atlas.
"Sige lang! Bigay mo na lang sa kaniya 'yung number ko," ani Laurel at bumaba ng sasakyan.
"See you again, Laurel."
Tumango si Laurel. Tumango naman siya. "Ingat ka sa pagda-drive. May utang ka pa sa 'kin," anito na mahina pang natawa.
Hindi kaagad umalis si Atlas at siniguro munang nakapasok sa loob ng hotel si Laurel. Nang hindi na niya ito makita, saka niya pinaandar ang sasakyan nang may maalala kaya kaagad niyang tinawagan si Laurel para kunin ang bank account nito.
Noong una, tumanggi pa si Laurel at sinabing nagbibiro lang, pero seryoso si Atlas na magbabayad siya.
After the call, he gripped the steering wheel and turned on the speaker. Naghanap siya ng kantang puwedeng patugtugin para hindi antukin papunta sa condo niya.
The stereo turned up, and it was Oras by Calein. He started jamming to the song and lightly drumming the steering wheel.
Biglang naramdaman ni Atlas ang pagkapagod at kinabukasan, mayroon na naman siyang panibagong schedule. It was another photoshoot for a brand. Alam niyang mahaba na naman ang araw.
Pagpasok sa condo, kaagad na naghubad si Atlas at dumiretso sa bathroom para maligo. Sa ilalim ng shower, paulit-ulit niyang iniisip ang nangyari sa kanila ni Laurel. It was his first time doing it inside the car.
He chuckled when he realized what he had just done. It was risky but surprisingly exciting.
Nahiga si Atlas pagkatapos maligo at binuksan ang phone niya nang maalala ang kailangan niyang i-deposit kay Laurel. Malakas pa siyang natawa dahil sa reply nito. Nag-message na rin siya kay Job tungkol kay Laurel at ibinigay ang instruction pati na ang number.
Atlas shut his eyes and breathed. "Another day," he whispered.
T H E X W H Y S
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top