Chapter 18

Paulit-ulit na ibinubulong ni Atlas sa sarili niyang kailangan niyang ngumiti. Nasa harapan sila ng camera at hindi puwedeng makita kung gaano na siya kapagod.

'Kailangang ngumiti.' Paulit-ulit.

Iyan ang nasa isip ni Atlas habang ini-interview na naman sila ni Amira sa isang show ng network. Kararating lang nila galing sa Malaysia para sa dalawang buwang shooting, dumiretso naman kaagad sa guestings. Walang pahinga, walang break, diretso trabaho pagdating sa Pilipinas.

Ramdam ni Atlas ang pagod at ang kagustuhang mahiga. Gusto niyang pumunta kung saan tahimik at hindi muna lalabas, pero hindi puwede.

Dalawang buwan sila sa Malaysia, dalawang buwan na rin siyang walang contact kay Laurel. Knowing that woman, she would never call or message him first dahil sa pag-iingat. He was trying to reach her, pero mismong ito minsan ang hindi sumasagot.

Minsan, napapaisip na lang din si Atlas kung ano na ba ang nangyayari kay Laurel. Kung ghosted na ba siya o kung ayaw na ba. O sadyang iniisip na naman na busy siya?

The thing was, wala siyang balak mag-demand. They were nothing. Wala silang relasyon and he was very much aware of it. Wala siyang karapatang magtanong kung ano ba siya kay Laurel dahil umpisa pa lang naman, alam na niya dapat kung saan siya lulugar.

"So, how's your relationship?" tanong ng babaeng host sa kanila ni Amira. "Marami kaming nakitang travel photos ninyo while in Malaysia. Bukod sa shooting, you both were enjoying."

Nagkatinginan sila ni Amira at ngumiti. Siya na mismo ang sumagot, "We're okay and we're happy. Siguro nga, we needed that Malaysian shoot plus trip to get to know more about each other. Dito kasi sa Pilipinas, madalas shooting lang. While in Malaysia, we got to talk about things."

Lies.

Habang nasa Malaysia, shooting lang ang nangyayari at sa tuwing natatapos ang araw, nasa kaniya-kaniya na silang kuwarto dahil personally, mas gusto ni Atlas na matulog na lang. He badly wanted to rest and not go out. Ni hindi siya sumasama sa mga end of day party ng team at sinasabi na lang na masakit ang ulo niya.

"That's true," sagot naman ni Amira. "We're just taking it slow and not rushing into things. We're still young and just enjoying whatever we have right now. Kung ano man ang mangyayari in the near future, we'll see about that."

"Nabalitaan din namin na medyo marami kayong love scenes dito sa movie ninyo. That's a big leap for the both of you dahil ito ang unang beses na medyo daring ang movie na ginagawa ninyo. Tama ba?"

Tumango silang dalawa, pero si Amira ang nagsalita, "Yes, this is the first time actually na may love scenes kami sa movie and it's okay naman."

Nag-ingay ang ilang audiences na fans nila. Nasabihan ang fan club nila tungkol sa guesting bago pa man nila mismo malaman ni Amira ang tungkol sa guesting kaya ready ang mga ito sa panonood at mayroon pang mga banner na naka-prepare.

"Siguro kasi, it feels natural lalo na't kayo naman talaga," natutuwang sabi ng host. "We're all looking forward to your movie lalo na't malapit na raw matapos ang shooting kaya bumalik na kayo rito sa Manila!"

"Yes po." Atlas smiled. "We're almost done, and we're happy to be back."

Marami pang itinanong ang mga ito sa kanila ni Amira. Some were just nonsense questions about their relationship na hindi naman nakatutuwa kasi hindi naman totoo. Mabuti na lang din na prepared sila sa ganoong set at kaya nilang sagutin ang mga tanong nang sabay dahil napag-usapan na.

In short, may sagot na sila sa tanong, bago pa man iyon itanong.

It was so hard for Atlas to act in front of the interview dahil hindi naman totoo lahat ng sinasabi niya. Even the kiss on Amira's cheeks wasn't real at all and he felt guilty. Ito ang ayaw niya sa pag-aartista rito sa Pilipinas. They were required to love someone they didn't even have the slightest feelings for.

Amira was a friend at hindi niya alam kung paano sila sa mga susunod.


Pagkatapos ng interview, hawak ni Atlas ang kamay ni Amira, papasok sila ng dressing room. It was exhausting to pretend someone they were not. Napapagod siya na ultimo selfie nila para mai-upload sa social media, peke. Sinabihan na rin siya ng mga tao sa paligid nila, managers, and executives na subukan nilang maging totoo, mas magiging maganda ang chemistry.

"Okay ka lang ba, Atlas?" tanong ni Amira habang nakatingin sa kaniya. "You're spacing out. Hindi naman ba masama ang pakiramdam mo? May dinner tayo with the executives, kung gusto mo, sabihin ko na uuwi na lang tayo."

"Can we do that?" pag-aamin niya. "I'm not really feeling good right now. Gusto ko talagang manahimik muna. Puwede kaya?" tanong niya sa mababang boses habang sinusuklay ang buhok gamit ang mga daliri.

Amira nodded at him and smiled. "Oo naman, ako na ang bahala sa kanila. Maiintindihan naman nila lalo na't galing tayo sa Malaysia. Ako na bahala magsabi sa kanila."

Hindi na nakinig si Atlas at siya na mismo ang kumuha ng makeup remover sa vanity. Nasa labas pa rin si Job dahil may kailangan itong ayusin. Hindi rin niya alam kung nasaan na ang mga makeup artist.

Nasa iisang dressing room lang naman sila ni Amira at busy rin ito sa pagtanggal ng sariling makeup habang kausap ang sariling persoanl assitant.

Nakatitig siya sa sarili niya nang magsimulang magsalita si Amira at may kausap ito sa phone. Sinasabi nitong hindi sila makaka-attend ng dinner dahil masama ang pakiramdam nito at ihahatid niya. Ginamit nito ang sarili para lang hindi sila makasama. He was listening until she looked at him and smiled.

"Okay na raw, puwede na raw tayong umuwi." Ngumiti si Amira at ibinaba ang phone. "Ganito na lang, ihatid mo na lang ako sa condo ko, tapos umuwi ka na rin. Gusto ko na rin kasi talagang mahiga sa totoo lang."

"Thank you." Atlas smiled. "Gusto mo munang mag-grab ng food on the way?"

Amira nodded. "Sige, gusto ko ng fast-food. Daan na lang tayo."

Pagkahatid ni Atlas condo ni Amira, dumiretso siya sa bahay niya at nahiga sa sofa. Gusto na lang din niyang tawanan ang sarili na dalawang buwan na, hindi pa rin siya masanay-sanay. Ilang beses nang ginawa ito ni Laurel sa kaniya, iyong bigla na lang hindi magpaparamdam, bigla na lang walang balita.

He trusted her, though, dahil usapan nila, kapag ayawan na, magsasabi ito sa kaniya.

Binigyan lang sila nang tatlong araw na pahinga dahil itutuloy na ang shooting ng movie nila somewhere in Manila, hindi pa rin siya sure. At sa tatlong araw na iyon, nag-decide lang si Atlas na mag-stay sa bahay niya para magpahinga, he was even trying to call Laurel, pero hindi ito sumasagot.

He was not after sex, he just wanted to make sure she was okay. Iyon ang sinabi niya sa message, pero wala pa rin. Totoo rin naman, gusto lang niya itong makausap, nothing more.





Isang linggo pa ang nakalipas, patapos na ang shooting nila, isang araw na lang. Wala pa rin siyang matinong tulog dahil tuloy-tuloy at halos sa set na sila natutulog dahilan din para dalhin na niya ang working recreational vehicle niya niya kung saan personalized ito na may kuwartong tulugan para sa kaniya.

"Last day na," nakangiting sabi ni Amira. Nakaupo sila habang nagpapahinga sandali. "Kapag natapos talaga ito, magta-travel muna ako papuntang ibang bansa. I need it."

"Oo naman, reward yourself from time to time, you deserve it." Ngumiti si Atlas at inabot ang juice na hawak niya. "Buti na lang binigyan tayo ng pahinga pagkatapos nitong movie. May sine-set na naman silang bagong series."

Huminga nang napakalalim si Amira. "Oo nga, nasabi na rin sa 'kin ng manager ko. Maganda 'yung script. Nabasa mo na ba?"

"Hindi pa." Tumingin si Atlas sa kawalan. "Tatanggapin mo ba? Hindi kaya magsawa na 'yung mga tao sa 'tin? Sunod-sunod na 'yung mga movies and series natin."

Tumaas ang dalawang balikat ni Amira. "Hindi naman siguro. Sabi nga nila boss, hangga't may offer, tanggapin na lang natin."

Atlas knew that Amira was a career-oriented woman who would accept any offers that suited her. May mga offer din naman itong tinantanggihan kapag hindi gusto ang concept.

Last shooting day at pagkatapos niyon. Ilang beses inisip ni Atlas kung gagawin ba niya hanggang sa mapagdesisyonan niyang pupunta na siya ng Baguio, pupuntahan na niya si Laurel kung nandoon man ito.

Malamang na iniisip niyon na nasa shooting siya kaya hindi ito nagpaparamdam. Ganoon naman ito ever since, she was respecting his privacy and boundaries lalo na kapag trabaho.

Ang huling sequence ng movie, magkasama sila ni Amira sa mall. Nasa Mall of Asia rin sila, pero sa gabi pa iyon kapag may fireworks na. Ang kinukuhanan nilang scene ay para silang nagde-date at naglalakad sa mall.

Na-realize ni Atlas na iyon lang ang pagkakataong nakapaglalakad siya nang normal sa mall nang walang gumugulo o nagpapa-picture. Kapag shooting lang dahil bawal lumapit.

Bigla niyang naaalala ang panahong nasa Korea sila ni Laurel kung saan naranasan niyang maging normal. The best part about it, he got to walk around with her, na hindi niya kayang gawin sa Pilipinas.

People were quick to judge at kapag nalaman nilang kasama niya si Laurel, delikado ang privacy nito na matagal na nilang pinoprotektahan. Halos dalawang taon na, dalawang taon na silang nagtatago.

A part of him wanted people to know Laurel. Na magkaibigan sila, na normal sa babae at lalaki ang magkaibigan, hindi naman sasabihin ang totoo kung ano sila.

Pero ang nakatatawa, gusto rin niyang ipagdamot si Laurel sa lahat ng tao. Hindi pa rin maalis sa isip niya ang pakikipag-usap nito kay Kyle noong dalhin ito ni Job sa network niya. She wasn't even trying, but an actor noticed her in an instant.

The main reason he badly wanted to keep Laurel hidden.

"Cut!" sigaw ng director. "Pahinga muna kayo. Mamayang 6 p.m. na ulit ang labas nating lahat. You can all sleep, you can all rest for a while. Maraming salamat sa inyong lahat!"

Tiningnan ni Atlas ang orasan. It was just three in the afternoon.

Nagpaalam muna siya sa lahat na pupunta sa parking area kung nasaan ang RV niya para matulog. Antok na antok na siya. Sinabi rin niya kay Job na kung puwede lang, walang mang-iistorbo sa kaniya at iwanan na lang na nakabukas ang van niya para makatulog siya.

Job nodded. Kaagad nitong isinara ang van niya. Siya naman, hinubad ang suot na T-shirt at dumiretso sa kwarto para matulog, pero laking gulat niya nang maabutang nakaupo si Laurel sa kama at nakaharap sa laptop.

Nang makita siya nito, kaagad itong ngumiti. "Hello, Atlas!"

"Ano'ng ginagawa mo rito?" gulat na tanong niya. Kaagad na nagbago ang expression ng mukha nito na parang nagulat sa tanong niya. "Sorry, I didn't mean to sound like that, nagulat lang ako 'cos you're ignoring my calls and messages tapos . . . ."

"Alam ko kasi na busy ka." Isinara ni Laurel ang laptop at magiliw na ngumiti. "Surprise!"

Atlas shook his head and leaned to kiss Laurel's forehead. "How are you?"

"Okay naman ako. May inayos lang ako sandali rito sa Manila, tapos sinabi sa akin ni Job na nandito nga raw kayo sa MOA kaya dumaan na lang din ako," naupo nang maayos si Laurel.

"Aalis ka ba kaagad?" Nanatiling nakatayo si Atlas habang nakatingin kay Laurel. "Babalik ka na ba kaagad sa Baguio?"

Ngumiti si Laurel sa kaniya. "Gusto mo ba muna akong mag-stay?" tanong nito. "Balak ko nang umuwi ng Baguio mamayang gabi, dumaan lang talaga ako rito. Pero gusto mo bang mag-stay muna ako?"

Tumango si Atlas. "Puwede ba? Patapos na rin ang shooting mamayang gabi, last na today. I was actually planning to visit you tomorrow kapag wala na akong commitments dahil nga hindi ka nagpaparamdam, ako na sana ang pupunta para kumustahin ka. Since you're here, sabay na tayong pumunta sa Baguio."

"Sige." Ngumiti si Laurel at tumayo. "Upo ka nga. Kumusta naman ang shooting mo sa Malaysia?"

Naupo siya sa kama, sa tabi nito. Pareho silang nakasandal sa headboard ng kama ng van niya. Hinawakan niya sa legs si Laurel at wala pa siyang sinasabi, bumangon ito at pumuwesto sa ibabaw niya.

"After ng movie mo, makapagpapahinga ka na ulit." Laurel's face was covered with her own hair. "O may tinanggap ka ulit?"

"Wala pa." Tinanggal ni Atlas ng nakaharang na buhok sa mukha nito at sandaling tinitigan. Atlas noticed the glow on Laurel's face. She looked radiant, her cheeks were a little fluffier, and her eyes glistened.

Laurel was wearing a spaghetti strap sundress kaya naman nakakuha siya ng pagkakataon para halikan ang balikat nito papunta sa leeg at labi na kaagad rin namang tinugon. She kissed him back while he was caressing her waist. Ipinasok pa niya ang kamay sa loob noon at walang sabing tinanggal.

Ngumiti si Laurel sa kaniya at nagbigay ng approval until they found themselves having sex inside his RV.

"Stay for a while, okay?" bulong niya habang nakahiga silang dalawa. He was playing with her fingers and they were still naked. "Wait mo na ako, dala mo ba kotse mo?"

Tumango si Laurel na nakatingin sa kisame ng van niya. "Oo, dala ko. Sige, hihintayin kita. May pagkain ka ba rito sa van mo? Nagugutom ako, sobra. Tumaba na nga ako kalalamon, e! Wala akong tigil kakakain ng samgyupsal sa Baguio. Minsan, bloated na ako."

"Napansin ko nga, you gained weight. Lumaki ang pisngi mo, but you look better kaysa noon na parang payat ka. Hindi na rin maitim at malaki ang eye bags mo. That's progress." Atlas noticed.

Ngumiti si Laurel at tumingin sa kaniya. "Mas madalas akong natutulog lately. Hindi na rin ako nakapagsulat nitong mga nakaraan kasi nga, inaantok lang ako."

"Sa pills mo pa rin ba?" tanong niya.

Tumango si Laurel bago tumingin sa bintanang bahagyang nakabukas, pero safe na hindi sila makikita. "You have to go, mag-i-start na ulit ang shoot ninyo. Maghihintay na lang muna ako rito."

"Sleep," bulong ni Atlas at hinalikan si Laurel sa pisngi. "Babalik kaagad ako after ng shooting. Sleep for a while, okay?"

Laurel nodded before covering herself with duvet. Siya naman ay lumabas na ng van. Sinabihan niya ang driver niya na huwag papatayin ang kotse dahil nandoon ang kaibigan niya.

Mayroong partition ang van. Hindi makikita ng driver ang na sa loob dahil mayroong harang iyon at tanging maliit na bintanang puwedeng buksan kapag kailangan lang ang nandoon.

Pagbalik sa shooting, as usual, ginawa ni Atlas ang trabaho niya at hinihiling na sana matapos sila nang maaga, ngunit hindi nangyari. Nakailang take pa sila at may mga ilang scene na idinagdag para lang kung sakaling may kulang sa movie, may maidadagdag silang alternate ending.

"Atlas!" sigaw ng producer nila. "Baka naman umalis ka kaagad? May kaunting kainan pa tayo, hindi ka puwedeng mawala. Dito lang din naman sa MOA kaya hindi ka puwedeng tumanggi. Kasama naman namin si Amira, e," sabi nito.

Kinagat ni Atlas ang pang-ibabang labi dahil naisip niya si Laurel. Nangako siyang babalik kaagad, pero alas-onse na ng gabi. Hindi niya alam kung ano ang ginagawa nito o baka naman umalis na.

"Hindi ka puwedeng tumanggi," bulong ni Job sa kaniya. "Ako na ang bahala kay Laurel. Sumama ka na sa kanila. Ako na ang bahalang magsabi sa kaniya, maiintindihan naman niya," sabi nito habang inaayos ang kuwelyo ng damit niya.

Wala nagawa si Atlas kung hindi ang sumama. Nagsasaya ang lahat, lumilipad ang isip niya at nagme-message kay Job kung kumusta na ba si Laurel, pero hindi rin ito nagre-reply. Hindi na siya makakain nang maayos, pero biglang naisip na baka hindi pa ito kumakain.

"O, mag-o-order ka pa, Atlas?" tanong ng director nila. "Huwag ka nang magbayad, isama mo na sa bill natin."

Umiling siya. "Hindi po, Direk. Iuuwi ko lang din, medyo nasarapan kasi ako sa pasta nila, iinitin ko pag-uwi."

Hindi na ito nagsalita. Nag-order siya ng ilang pagkain na sa tingin niya ay magugustuhan ni Laurel. Alam niyang marami iyon, e malakas din naman itong kumain, so sakto lang.

Ang sandaling dinner, tumagal pa nang ilang oras at inabot sila ng alas-dos ng madaling-araw. Nagmadali na siyang pumunta sa parking area at naabutan na naka-park ang sasakyan nina Job at Patrick na naghihintay rin sa kaniya. Sa loob ng sasakyan nito, nakita niya kaagad si Laurel na natutulog.

"Kailangan kasing refill-an ng gas ang RV mo kaya pinalipat muna namin siya rito," sabi ni Job na lumabas ng sasakyan at parang may sasabihin sa kaniya. "May sinabi na ba sa 'yo si Laurel?"

Nangunot ang noo ni Atlas dahil wala itong nabanggit nang magkasama pa sila. "Wala, ano ba 'yun?"

"Ayaw kong manghimasok, pero I think kailangan kong sabihin sa 'yo. Pero gusto ko munang itanong kung ano'ng nararamdaman mo sa kaniya." Huminga nang malalim si Job. "Are you in love with her?"

Atlas shook his head. "No, we're friends."

"Are you sure?" Job wanted to confirm.

Tumango si Atlas. "Oo, bakit mo ba tinatanong? Sinabi ba niyang may gusto siya sa akin?"

Job smiled and gave out a small laugh. "Dream on, Atlas. Alam mong hindi na-i-in love si Laurel."

'Right.'

"So, ano'ng nakita mo?" tanong ni Atlas at sumandal sa gilid ng kotse ni Job.

"Atlas, hindi ko sinasadyang makita, pero 'yung hawak niyang folder, those are papers. Visa, passport, and some other things." Mababa ang boses ni Job habang nakatingin sa kaniya. "I think she's leaving," pagpapatuloy nito.

Atlas gazed at Laurel, who was sleeping at the back of Patrick's car. "What do you mean?"

"Ask her or wait for her to tell you. Sinasabi ko lang sa 'yo para makapag-ready ka," sabi ni Job habang pareho silang nakatingin kay Laurel. "She might leave soon, Atlas. Get ready."


T H E X W H Y S

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #thexwhys