Chapter 14

​​"And?" Laurel gazed at Atlas.

Ngumiti si Atlas at tumingin kay Laurel. Nakahiga ito sa braso niya at ginagawang unan iyon. Pinag-uusapan nila ang tungkol sa isang movie na ginawa niya nitong mga nakaraan. Ayaw niyang pinag-uusapan, pero gusto niyang may topic sila ni Laurel.

"Sinabi ko sa director na hindi ko gusto 'yung scene. Sabi ko, parang ang boring, parang walang dating. So I suggested to do something na imbes na magsisigawan kami, we'll just stay quiet. I think it's better to let out emotions than shout," Atlas said.

"I agree," ani Laurel habang nilalaro ang kamay niya. "Minsan, 'yan ang ayaw ko sa movies. Too much shouting na hindi na nagkakaintindihan ang mga bida."

Atlas thought of something. Matagal na simula nang mabasa niya ang stories ni Laurel. "Bakit hindi ka mag-apply as a scriptwriter?" tanong niya at humarap kay Laurel. He kissed the tip of her nose. "I mean, may ibubuga ka naman talaga knowing how you write. Lagi ko ngang binabasa stories mo 'pag break namin, e. Mas may potential pa 'yun kaysa mga writer mismo ng TV."

Umiling si Laurel at natawa. "Ayaw ko nga. I am my own boss, I write on my own pace. Ayaw ko na uutusan nila ako or didiktahan tapos babaguhin nila 'yung sinulat ko. No, thanks. I'd rather earn little than let those people change the way I write."

"Tama nga naman." Atlas smiled and caressed Laurel's hair. "Hindi ka ba nahirapan sa biyahe mo kanina?"

Bumangon si Laurel, pero kaagad niya itong pinigilan at niyakap nang mahigpit na mahigpit para hindi makawala. Ipinalibot niya ang dalawang braso sa baywang nito at inipit ang dalawang paa gamit ang kaniya.

"Atlas!" Pilit na pumipiglas si Laurel, pero hindi niya pinakawalan hanggang sa ito na ang sumuko. "Hindi naman. Parang bago nang bago naman. Ilang beses na akong nagpapabalik-balik from Manila to Baguio, lagi mo akong tinatanong."

Atlas smiled and hugged Laurel tightly. She was still naked, so was he. Nakahiga ang ulo nito sa unan na hinihigaan din niya kaya nakakukuha siya ng pagkakataon para halikan ang pisngi nito habang nagkukuwento tungkol sa pagda-drive.

He trailed the tip of his nose onto her cheeks as he listened. Ilang beses niyang pinatakan ng halik ang pisngi ni Laurel. Ilang beses niyang inamoy ang leeg nito at hinalikan bago babalik para titigan ang mukha nitong natatakpan ng magulong buhok.

"Ang dami kong pasalubong na ube at peanut brittle sa 'yo. Kung hindi ka pa magka-diabetes, hindi ko na alam." Laurel laughed and looked at him. "Wala kang work today? Balak ko kasi sanang umalis. Wala lang, maghahanap ng mabibili."

Hindi sumagot si Atlas at nanatiling nakatitig kay Laurel.

"Ikaw, may ipapabili ka ba?" tanong ni Laurel habang hinahaplos ang buhok niya. "Ano'ng gusto mong kainin? Gusto mo ng donut? Craving ako sa Pepper Lunch, kaso hindi naman tayo makakakain doon."

"Ikaw, kumain ka," nakangiting sabi ni Atlas at hinalikan naman ang balikat ni Laurel. "Bilhan mo na lang ako ng donut. Wait na lang kita rito."

"Hindi na, magpapa-deliver na lang ako ng donut natin," sagot ni Laurel bago siya hinalikan sa pisngi at tumayo. "Wait, ha? I wanna take a bath. Pinagod mo ako, e. Gusto kong mag-shower and mag-sleep na lang."

They decided to stay at his condo and it wasn't the first time. Nitong mga nakaraan, careful pa rin sila, pero may mga boundary nang nabe-break. Diretso lang sa parking, papunta sa condo unit niya. Minsan naman ay kasama nila si Job para walang tanong-tanong.

Sumunod nang tayo si Atlas at pumasok sa bathroom. He kissed the side of her forehead and decided to just shower with Laurel. Nag-order na lang din siya ng pagkain nilang dalawa dahil pareho silang tamad na magluto.

Staying with Laurel without doing anything was never boring. Wala silang tigil sa kuwentuhan na nakalilimutan nila pareho ang problema ng isa't isa. Atlas started loving his freedom na sana noon pa niya ginawa. He had been working hard for years, but Laurel helped him to breathe.

Noong hindi pa niya ito nakikilala, palaging trabaho ang nasa isip niya. Hindi siya tumatanggi sa kahit na anong project at kahit hindi niya kaya, gagawin niya. But when he finally tasted what it was like to rest, hinahanap-hanap na niya iyon.

Their relationship was uncommon, or for some, it was normal. They were friends. They had already built solid friendship and companionship, but they were banging.

It was better for them than fuck different people. Napag-usapan nilang mas okay na ang setup nila kaysa iba-ibang tao ang nakakasama nila. Besides, they trusted each other and didn't have plans to be romantic. Atlas trusted Laurel so much that he couldn't think of what would happen if she decided to stop.

Laurel was vocal to him about her not being interested in any commitment at naiintindihan niya iyon. Hindi niya alam ang background behind it, but she had her reasons, that was for sure.

"Sa lahat ng naka-hookups mo, sino ang pinakagusto mo?" It was an out of nowhere question.

"Bukod sa 'yo," tumigil si Laurel at tumingin sa kisame na para bang nandoon ang sagot, "kasi ikaw naman ang pinakamatagal, e. Imagine, we're more than a year na. 'Yung iba kasi, pinakamatagal ko na ang three months."

Naghintay si Atlas. Hindi siya sumagot dahil sakto namang ngumunguya siya ng donut na kinakain nila.

"'Yung ex ko naman kasi, six months kami noon, varsity siya ng school that time, pero secret lang ang relasyon namin kasi ayaw ko nga. Kapag varsity kasi, kilala ng lahat, so medyo ganito ang setup namin noon. Sa apartment lang kami." Laurel subtly smiled. "Nasa PBA na 'yun ngayon, pero huwag mo nang alamin. Hindi rin ako interesado sa kaniya."

"Naging ex mo siya, bakit kayo nag-break?" Atlas frowned.

Ngumiti si Laurel bago kumain ng donut at nagsalita, "Nagkaroon siya ng iba. Noong nararamdaman ko nang may iba siya, nakipaghiwalay na ako. A month later, girlfriend na niya 'yung parang beauty queen sa school namin."

"Hindi ka nasaktan?"

Umiling si Laurel at natawa. "Hindi. Hindi ko naman mahal 'yun, e. We're just together for sex na rin siguro. I became adventurous at a young age."

Ngumiti si Atlas. "You are adventurous even when you're young."

"I am a bad girl, Atlas, the main reason nobody takes me seriously." Kumagat ito ng donut at nakataas ang paa sa legs ni Atlas. "Pumapatol ako kahit kanino ko gusto. I am a slu—"

Alam na niya ang sasabihin ni Laurel at hindi siya papayag. Siya na mismo ang nagpigil nang halikan niya ang labi nito. Hindi na niya ito hinayaang magsalita. Laurel kissed back and they found themselves making out. He even had her sit on his lap without breaking the kiss.

"I like kissing you," Atlas whispered in between French kissing. "I like how your lips adjust to mine like I don't have to be careful because you can just go with it."

"You aren't aggressive," Laurel responded and bit his lower lip. "You're gentle but a bit gigil, and it's fine."

Laurel was wearing her boyleg underwear and loose sando without a bra. Atlas was about to lift up her sando when someone knocked. Nagtaka siya dahil wala siyang inaasahang bisita. Kung si Job man iyon, magsasabi iyon sa kaniya.

Umalis si Laurel sa pagkakaupo sa kaniya at tipid na ngumiti. Binitbit nito ang kahon ng donut bago tumalikod, pero naging maagap si Atlas at tumayo na hinapit ang baywang ni Laurel para halikan ulit ito bago pakawalan. Hindi niya inalisan ito ng tingin hanggang sa makapasok sa kwarto.

Isinuot niya ang T-shirt na hawak, sinuklay niya ang buhok gamit ang mga daliri, inayos ang T-shirt na suot, at sinilip ang peephole kung sino iyon.

It was Amira.

Atlas smiled and opened the door. "Uy, what brings you here?"

"Atlas." Amira subtly smiled. "Sorry, napadaan ako, pinayagan naman ako ng mga nasa baba since—oh, may kasama ka?"

Tumingin ito sa nakakalat na pagkain sa coffee table.

"Wala. Sorry, medyo makalat. Nanonood kasi ako ng movie and I was eating," Atlas lied. "What brings you here?" he asked.

"Nagdala ako ng baked mac kasi nagluto ako kanina." Ipinakita nito ang paper bag na hawak. "Naalala lang kita, I hope you'll like it."

Kinuha ni Atlas ang paper bag mula kay Amira at inaya muna itong maupo sa sofa. Tinanggal niya sa coffee table ang mga nakakalat at hinanap ng mga mata kung mayroon bang bagay na makahahalatang kasama niya si Laurel.

"Thank you, Amira. Sana hindi ka na umakyat, ako na lang sana bumaba para hindi ka na nag-effort," ani Atlas.

It wasn't Amira's first time inside his unit. Minsan nang nag-party ang mga kaibigan ni Atlas sa condo niya at kasama si Amira. Siguro ay aware din ang tao sa front desk tungkol sa kanila ni Amira.

Kumakalat na rin ang tungkol daw sa kanila na dahil nagsisimulang gumawa ng ingay ang management nila lalo sa paparating na series na gagawin nila ni Amira.

Ibinaba ni Amira ang bag sa gilid ng sofa at ngumiti. "No, it's fine. Gusto rin kasi kitang makausap," anito at huminga nang malalim. "I know na pinag-iisipan mo pa rin ang gustong mangyari ng management and our team is okay naman, pero tanong ko lang, aren't you aiming for more?"

Natahimik si Atlas at nakatingin lamang kay Amira. Alam niya ang ibig nitong sabihin dahil kinausap sila noong nakaraan tungkol doon.

"I was thinking of accepting the network's offer about us being together officially, from reel to real, dahil sa apat na movies na ilalapag kapag nangyari 'yun. Nasabi na rin naman sa atin na pumipila ang endorsements kapag nangyari 'yun, at kukunin tayo ng malaking fast-food chain," seryosong sabi ni Amira. "The main reason na pinuntahan kita mismo, para makausap tungkol doon."

Biglang hiniling ni Atlas na sana, hindi nakikinig si Laurel dahil kung magkataon, bigla itong aalis, bigla nitong ititigil ang setup nila.

"Amira, let's not talk about that here," mahinang sambit ni Atlas. "Hindi pa ako nakakapagdesisyon."

Kumunot ang noo ni Amira. "Tayong dalawa lang naman ang nandito, Atlas," sabi nito. "Unless may kasama ka at nakakaistorbo ako."

"Wala akong kasama. Gusto ko siyang pag-usapan formally," paglilinaw ni Atlas at pinilit ang sariling huwag magmukhang hindi mapakali.

Umiling si Amira. "No, alam kong hihindi ka. I mean, gusto kitang pakiusapan. We're still young, marami pa tayong opportunities and gusto ko sanang i-grab 'yun. Kaso lang, I can only grab those opportunities with you. Hindi ko siya puwedeng tanggapin mag-isa, kasi hindi sila papayag."

Sumandal si Atlas sa sofa habang nakatingin kay Amira. Seryoso ang mukha nito. He knew that Amira was career oriented and it wasn't shocking that she was talking to him about it.

"So, I am asking—no, begging na pag-isipan mong mabuti. Ang dami kong gustong gawin, e. Sorry, dinadamay kita. I am asking as a friend, as a partner, na kahit magkunwari lang tayo," dagdag ni Amira. "You don't have to be romantically involved with me. I just need this job. Kahit kunwari lang."

Atlas breathed without breaking the stare. "Pag-iisipan ko, Amira. I'll let you know what I think. Can you give me time?"

"Of course." Amira smiled sweetly and stood up. "I'll get going. Pasensya ka na rin sa biglang pagpunta ko rito. I was . . . desperate."

Sumunod si Atlas para ihatid sa pinto si Amira at tipid na ngumiti. Wala siyang sinabing kahit na ano. Binuksan niya ang pinto, niluwagan iyon, at sinabing ihahatid niya si Amira sa ibaba.

"Hindi na." Amira smiled and to his shock, Amira kissed the side of his lips, just a peck, pero nagulat siya. He wasn't expecting that. "Thank you. I'll get going."

Tango na lang ang naisagot ni Atlas, ni hindi na siya nakapag-react dahil nakalabas na ito. Hindi naman nila first kiss, pero walang camera.

Dumako kaagad ang tingin ni Atlas sa pinto kung nasaan si Laurel. He would explain at kailangan nitong malaman ang possible setup dahil nasabihan na rin siya tungkol sa pinaplano ng management sa team up nila ni Amira.

Alam niyang mawawala si Laurel sa kaniya dahil doon, pero hindi niya kayang magsinungaling. He needed to tell her kaysa malaman pa nito sa ibang tao o sa news.

Pagpasok ni Atlas, naabutan niyang nakasalampak sa sahig si Laurel at busy na nakatutok sa laptop. Nang makitang pumasok siya, kaagad nitong isinara ang laptop at tumayo.

"Everything okay?" Laurel asked. "Umalis na ba 'yung kausap mo? Okay ka lang?"

"I need to talk to you about something," seryosong sabi ni Atlas. "Dumating kasi si Amira, nagdala siya ng baked mac, pero hindi 'yun."

Laurel stared at him.

"Kinausap na kasi kami ng management namin na bibigyan kami ng movies and more endorsements, pero kailangan naming maging real," ani Atlas.

Ngumiti si Laurel. "Parang 'yung mga love team na sikat ngayon?"

"Parang ganoon," nakangiting sabi ni Atlas. "Though, totoo ang relasyon nila, kami ni Amira, sinabihan kami ng managers namin na we could pretend. May mga picture and trips nga lang kaming pupuntahan, just to be convincing."

Hindi niya alam kung paano ipaliliwanag kay Laurel. Alam niyang open minded ito at maiintindihan naman, pero may parte sa kaniyang hindi alam kung paano sasabihin. Fear built inside him and he couldn't find the right words.

"Bakit kasi hindi mo na lang totohanin? I mean, she's nice, and she will be your girlfriend for real," sabi ni Laurel and that bothered Atlas. "Mas madali 'yun for you, hindi mo na kailangang magpanggap. Kasi mas mahihirapan ka if you'll just pretend. Why not try to be with her? She's likeable, Atlas."

Atlas shook his head. "That's not how it works. I hate faking something."

"Atlas, you are an actor, you are fake." Nagulat siya sa sinabi ni Laurel habang nakatingin sa kaniya. "Ayaw mo man, hindi mo man tanggapin sa sarili mo, you are fake. Artista ka, you know how to fake it. So ang suggestion ko, fake it till you make it."

Nakatingin lang si Atlas kay Laurel.

Naglakad ito palapit sa kaniya. "It's already a part of you, Atlas. Ayawan mo man, may mga pagkakataon talagang magkakaroon ka ng ganiyang offers. Ang tanong, gusto mo ba? You have to weigh the possibilities."

Hindi gusto ni Atlas ang sinasabi ni Laurel, pero nanatili siyang tahimik. He focused on Laurel's face instead.

"I wanna ask you," Laurel said in a serious tone and it made Atlas nervous. "Ano ba'ng gusto mong gawin sa buhay mo? Masaya ka pa ba sa pagiging artista mo? Are you willing to stop being that high? Kasi napapansin ko na you are torn between two things. Gusto mo na ayaw mo, tama ba ako?"

Atlas slightly nodded because it was true.

"Ako, opinion ko, hindi ito mahalaga, this is just me." Hawak nito ang kamay niya at pinaupo siya sa sofa. Pumuwesto si Laurel sa legs niya at paharap itong nakaupo. Her face was just a few inches away from him, he could even smell that strawberry donut from her. "You're still young, maraming opportunities na darating sa 'yo. Think about it, Atlas."

Laurel caressed his hair, and their eyes met. After seconds of staring at each other, she smiled. No words from him. He just wanted to look.

"Ang haba na ng hair mo, wala kang balak magpagupit?" Ipinagpatuloy ni Laurel ang pagsuklay sa buhok niya. "Bagay naman sa 'yo. So, what's for dinner? Ako magluluto."

Aalis na sana sana si Laurel sa pagkakaupo, pero pinigilan niya. "What if I decided to go with the plan? We will be in a relationship in front of others, pero hindi sa totoong buhay."

"Bakit kasi hindi mo subukan na maging kayo? I mean, hindi ko naman sinasabi na pilitin mo dahil mas mahirap 'yun, mahirap pumasok sa isang relationship na walang love, dahil mahihirapan lang kayo, pero sa tagal ninyong magkasama, wala ka man lang bang naging feelings sa kaniya?"

"No, she's just a friend," sagot ni Atlas na mas hinigpitan pa ang pagkakayakap kay Laurel at hinalikan ang balikat nito. "I'll think about it."



Atlas drove as fast as he could after receiving the call from his older sister. His mom was in the hospital and he had no idea why. Nasa Batangas sila ni Laurel at pabalik na talaga ng Manila nang matanggap niya ang tawag.

"Atlas, saan ba kasi tayo pupunta?" tanong ni Laurel.

Hindi siya makasagot dahil parang may nakabara sa lalamunan niyang kung ano. Nanatili siyang nakatitig sa daan at mahigpit ang hawak sa manibela.

Dalawang linggo na silang magkasama at iyon na ang pinakamatagal. Pabalik na sana sila sa bahay niya sa Tagaytay nang makatanggap siya ng tawag. Ihahatid niya sana si Laurel sa terminal kinabukasan.

"Atlas, kung importante ang kailangan mong puntahan, puwede mo akong ibaba na lang sa kahit saan tapos ako na lang ang pupunta sa terminal," ani Laurel. "Ako na ang bahala."

Bahagya niyang nilingon si Laurel na nakatingin sa kaniya. Malamlam ang mga mata nito na para bang nag-iisip. "No, ihahatid kita. Sandali lang tayo, tapos ihahatid kaagad kita."

Tipid na tumango si Laurel at ngumiti. "Sige lang, do your thing. I'll wait."

Atlas was relieved hearing those words. Sa totoo lang, ine-expect niyang mamimilit si Laurel na magpahatid na lang sa terminal, pero hindi na ulit ito nagsalita.

It took them more than two hours to drive. Na-traffic sila sa expressway pati na sa mismong city area ng Manila. Nanatiling tahimik si Atlas at minsang nililingon si Laurel na mahimbing na natutulog. Ni hindi na rin nito namalayang huminto sila sa isang gasoline station para lang maayos niya ang upuan na medyo maihiga.

Pinilit ni Atlas ang maging kalmado hanggang sa matanaw niya ang malaking karatula ng ospital. Mas lalong bumilis ang tibok ng puso niya ngunit kaagad na kumalma nang maramdaman ang paghawak ni Laurel sa braso niya.

"Ano'ng meron?" mababa ang boses ni Laurel. "Atlas? Ano'ng gagawin natin dito? May masakit ba sa 'yo? Bakit hindi mo sinabi?"

Umiling si Atlas at nagpatuloy sa basement parking ng ospital. "Wala akong sakit." Tipid siyang ngumiti at hinawakan ang kamay ni Laurel. "Sandali lang, ha? May hoodie ka ba? May extra ako sa likod."

"Meron ako," sagot ni Laurel at hindi na muling nagtanong.

Atlas parked his car and breathed before getting off the vehicle. He was still wearing his board shorts and a plain T-shirt but decided to cover himself with a hoodie.

Nauna siyang pumunta sa harapan ng elevator. Ramdam niya ang presensya ni Laurel sa likuran at gustuhin man niyang sabayan ito sa paglalakad, hindi niya magawa. May makakikita sa kanila. Kahit na ayaw niya, hindi puwedeng ipilit.

Sa elevator pa lang, panay na ang tingin ng mga kasabay nila. Nasa dulo si Laurel, nasa kabila naman si Atlas. It was so hard for him to pretend he didn't even know her. The fact that he should be on her side, but the situation wasn't allowing him to.

May mga pumasok ulit sa elevator mula sa ibang floor. Sa pagkakataong iyon, lumipat si Atlas sa tabi ni Laurel. Hindi halatang magkakilala sila dahil parehong walang reaksyon.

Puno ang elevator at may lumilingon, pero nanatiling diretso ang tingin ni Atlas sa numero habang hinahanap ng kamay niya ang kamay ni Laurel at kaagad na humigpit ang hawak doon. Patago at sapat na iyon sa kaniya.

Sa fifth floor sila huminto. Kaagad siyang humiwalay kay Laurel.

Sa hallway, may mga nakatingin sa kaniya. May humihinto, may tititig, at biglang magbubulungan. It was his life. Sa lugar na dapat ay walang atensyon dahil hindi niya trabaho ang pinuntahan, imposible.

Gustong lumingon ni Atlas para siguruhing nasa likuran niya si Laurel, pero maraming makakikita. Nagpatuloy siya sa paglalakad. Kumanan siya papunta sa VIP area at mayroong isa pang pinto. Pumasok siya roon at bahagyang nilingon si Laurel na nakasunod pa rin siya.

Huminto siya sa kwartong sinabi ni Job. Nilingon niya si Laurel na mabagal na naglalakad. Sumenyas itong pumasok na siya. Wala namang tao sa hallway dahil nasa VIP sila.

"Hindi na ako papasok." Ngumiti si Laurel at sumandal sa pader. "Dito na lang ako. Sige na! Wait na lang kita rito."

Huminga nang malalim si Atlas dahil ayaw niyang pilitin si Laurel lalo na at family niya ang pinuntahan. Pagpasok niya sa kwarto, kaagad na ngumiti sa kaniya ang mommy niya na nakahiga sa hospital bed.

Nakahinga nang maluwag si Atlas nang makitang nakangiti ang mommy niya. "Mom, ano ba'ng nangyari sa 'yo?" tanong niya at hinalikan ito sa noo. "I was so worried!"

"Ano ka ba naman, Julian!" nakangiting sabi ng mommy niya na naka-oxygen. "Okay lang ako, inatake lang ako ng asthma, wala namang bago roon. Kumusta ka? Galing ka ba sa beach? Sino'ng kasa—"

"Ikaw naman, Atlas!" Lumingon siya at nakita ang ate niya na katabi ni Laurel. Laurel's face was in complete shock. "Bakit mo naman iniwanan 'tong kasama mo sa labas? Nakita ko na kayo kanina sa basement parking na magkasama noong pina-park mo ang sasakyan mo! Ba't mo iniwan!" Hinampas pa siya ng ate niya sa braso.

Sandaling natahimik si Atlas at inisip kung marami bang nakakita sa kanila. Tumingin siya kay Laurel at alam niyang hindi ito mapakali lalo na at nasa kwarto ang buong pamilya niya; mommy niya na nakahiga sa bed, daddy niya na nakaupo sa sofa, ate niya na bagong dating, at ang kuya niya na nakaupo sa gilid kasama ang asawa nito.

"Hello, hija," sabi ng mommy niya. "Galing ba kayo sa beach? Pasensya ka na, ha? Sinabi ko naman kasi rito sa mga 'to na 'wag nang tawagan si Atlas."

Sumama ang tingin ni Atlas sa mommy niya. "Mommy naman! Bakit hindi ako tatawagan!"

"Ayos lang po," nakangiting sabi ni Laurel. "Ano po'ng nangyari sa inyo? Ayos lang po ba kayo?" Lumapit ito sa mommy niya at ngumiti. "Magpagaling po kayo."

Sakto naman na bumukas ang pinto at pumasok si Job na parang nagulat nang makita si Laurel. Tumingin ito sa kaniya na parang nagtatanong.

"Ano'ng pangalan mo, hija?" tanong ng mommy niya. "Girlfriend ka ba ni Atlas?"

Laurel was quick to shake her head, nagkatinginan sina Job at Atlas. Yumuko rin siya at hindi nagsalita.

"Hindi po, we're friends po. Kaibigan ko po sina Job, Patrick, and Atlas," Laurel warmly responded to his mom.

"Atlas," tawag sa kaniya ni Job at niyaya siya sa labas.

Nagpaalam na muna si Atlas sa mommy niya na masayang nakikipagkuwentuhan kay Laurel. Pinag-uusapan ng dalawa ang tungkol sa asthma ng mommy niya. Sumunod na muna siya kay Job na nakasandal sa pader habang nakatingin sa kaniya.

"Saan kayo galing? Hindi na dapat kita tatawagan, kaso Kuya Joe insisted," ani Job.

"Dapat talaga tinawagan mo 'ko," sagot ni Atlas. "Nasa Batangas kami. Babalik na dapat kami sa Tagaytay tapos bukas sana ihahatid ko siya sa terminal, kas—"

Job chuckled and squinted. "Kaso nasama mo rito? Ano na ba ang nangyayari? Meet the family na ba?"

"No," he quickly responded.

"Atlas, mali." Job teasingly smirked, mocking him. "Ano 'to, fuck buddy meets the family?"

Atlas frowned. "Shut it."


T H E X W H Y S 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #thexwhys