Chapter 12

"Cut!"

Kaagad na tumalikod si Atlas pagkatapos ng sequence niya. Gusto na niyang umuwi at magpahinga, pero may apat pa siyang scenes na kailangang i-shoot para sa bagong movie na napirmahan niya noong isang buwan. Nag-back out na siya noong una, pero tinanggap din niya dahil wala siyang ginagawa.

Mahigit dalawang buwan na simula noong huling kita nila ni Laurel dahil umalis nga ito at hindi niya alam kung saan nagpunta. Nagpaalam ito sa kaniya, pero walang sinabing kahit na ano.

Kinuha ang phone kay Job nang walang sinasabi. Tiningnan niya kung may message ba galing kay Laurel, pero wala.

Simula nang umalis, hindi na ito nagparamdam sa kanila. Alam nilang umalis, pero walang sinabi kung saan. He knew he didn't even had the slightest right to know, but a part of him was overthinking.

Two months without letting him know about anything? Not a simple goodbye? He wasn't sure if he had done something wrong, if she wanted to stop, or what.

Bigla na lang walang communication.

Ilang beses inisip ni Atlas kung normal ba ang iniisip niya at sinabi ni Job na oo, dahil may pinagsamahan sila ni Laurel at mayroong usapan. Hindi rin naman sila simpleng magkaibigan. He knew what their setup was limited to what Laurel could offer.

"Baka naman busy?" tanong ni Job na pumasok sa loob ng van niya. "Kahit kasi sa akin, wala, e."

"Who?" Atlas pretended not to know what Job was talking about.

"Gago, maang-maangan, Atlas?" Tinapik nito ang dibdib niya. "Nami-miss mo, 'no? Huwag mo nang itanggi, halata naman. Dapat hindi mo tatanggapin 'to, e. Feeling ko nga, may plano ka na. Pero hindi siya nagparamdam kaya tinanggap mo ang movie last minute."

Hindi na sumagot si Atlas at tumayo papasok sa maliit na kuwarto ng van niya na may kama. Nahiga siya at nagsimulang magbasa ng stories ni Laurel.

Sa dalawang buwan, nakatapos na siya ng dalawang libro nito. Mabagal siyang magbasa dahil hindi naman talaga siya mahilig sa mga libro, pero interesado siya sa mga isinusulat nito. Nag-a-update ito ng stories, pero walang message sa kaniya.

Atlas was starting to question himself kung may nagawa ba siyang mali para i-ghost siya ni Laurel. Ang huling pag-uusap nila, maayos naman siya. Sa huling pag-uusap nila, wala naman siyang problema.

Tungkol sa mga libro ni Laurel, napansin niyang mahilig itong magsulat ng mga tungkol sa may taong malaki ang problema, someone who was cheated on, someone na may sakit, someone na may negative thoughts. Hindi niya alam at ayaw niyang i-assume na true to life ang iba dahil masyadong malala.

"Atlas, tawag ka na," ani Job sa kaniya. "Four shots na lang, puwede ka na raw umuwi. Malapit na rin namang matapos ang shooting, makakapagpahinga ka na and I suggest na sa susunod, huwag ka na munang tumanggap, okay? Magpahinga ka na muna."

Nilagpasan lang niya si Job at wala nang sinabi.

Pagdating sa set, nandoon si Amira. Nagbibigay na rin ng instruction ang director. "So, may kissing scene kayo, ha? Sweet lang ang kiss. Gawin ninyong sweet as in parang may feelings, ganoon. Teka, wala pa ba kayong feelings?"

Mahinang natawa ang direktor, ganoon din ang ibang staff na nakikinig sa kanila. Alam nina Amira at Atlas na hindi nagbibiro ang mga ito dahil mga naghihintay.

Amira and Atlas already knew how to respond. As always, with a smile with a perfect response. Sa lahat, iyon lang ang sagot nila. It was the safest—them getting there.

"We're getting there," nakangiting sabi ni Amira habang nakatingin sa kaniya.

Ngumiti rin si Atlas. "Yeah, let's not rush things so it'll work," sagot niya. "Let's do this para makapagpahinga na rin po tayong lahat."

Naiwan sila sa gitna ni Amira. Ang scene, nasa pool silang dalawa at kailangan nilang maghalikan nang sweet dahil ang role nila, kasal silang in love na in love sa isa't isa. It was not their first kiss, obviously, kaya sanay na rin sila. Hindi na rin siya naiilang kay Amira dahil good friends naman sila ever since.

"You're pacing out, Atlas," nag-aalalang sabi ni Amira habang nakatingin sa kaniya. "Are you okay?"

Tumango siya. "Oo naman, I'm just a little tired. After this movie, baka manghingi muna ako ng break. I'm just too tired, alam mo 'yun?"

Hinaplos ni Amira ang pisngi niya. It was normal, but it felt different. It wasn't the touch he longed for weeks. "Magiging okay rin ang lahat and I agree that you should rest. Magiging okay kapag nag-work ka na okay na ulit ang lahat."

"Thank you for understanding me, Amira." Atlas warmly smiled. "Ikaw, wala ka bang balak magpahinga?"

"I was thinking about it. By the way, after daw ng shooting natin next week, may end-party tayo. Sasama ka ba? I think you're required to dahil tayong dalawa ang bida ng movie. Lately kasi, hindi ka na sumasama, e," sabi ni Amira habang nakatingin sa kaniya. "I don't mean to pry, pero may girlfriend ka bang inuuwian kaya ganiyan?"

Umiling si Atlas dahil wala maman talaga. "Wala akong girlfriend and you'll know naman kung meron, 'di ba? We're a team, hindi puwedeng may itatago akong maaapektuhan ka," sabi niya. "Gusto ko lang talagang magpahinga. Parang nawo-worn out ako."

"Yup, you need to rest." Ngumiti si Amira. "Tara, let's do the remaining takes. Gusto ko na ring magpahinga."



Dumaan pa ang ilang araw, natapos na ang shooting nila, wala pa ring paramdam galing kay Laurel. Sumama na lang din siya sa isang resort kung saan ginaganap ang party dahil natapos na nila ang movie. Wala sanang planong sumama si Atlas, pero kailangan dahil siya ang bida.

"Ang lungkot naman, Atlas!" Tumabi ng upo sa kaniya si Amira habang nakaharap siya sa beach. Maghahatinggabi na, nagpa-party lang lahat. "Bakit? Boring ba ang party?"

Ngumiti si Atlas at nilingon si Amira. Suot nito ang mahabang tube dress na kulay dilaw at nakaipit ang mahabang buhok. Wala itong makeup kaya kita niya ang pekas sa mukha.

"Alam mo naman na hindi ako ma-party na tao. Mas gusto ko pang matulog. Wala rin naman kasi akong balak sumama kung hindi lang kayo namilit," sabi niya. "Kumusta ka naman pala? Kumusta pala 'yung second course mo?"

"Okay naman." Tumaas ang dalawang balikat ni Amira. "Kinausap na naman pala ako ng management."

"Ako rin," sagot ni Atlas. "Gusto mo bang pumayag doon sa setup?"

Tumingin sa kaniya si Amira. "Actually, hindi ko alam. Ayaw ko rin naman kasi na ipilit natin ang bagay na hindi naman talaga. Siguro, nag-work sa KathNiel, JaDine, and LizQuen, pero sa atin, hindi ko sure?"

Hindi sumagot si Atlas. Hindi niya inalisan ng tingin si Amira na katabi lang niya. Ilang beses na silang kinakausap, noon pa lang na nag-hit ang love team nila years ago, pero pareho silang hindi pumayag.

"Ikaw ba, ano'ng input mo roon?" Huminga nang malalim si Amira. "Ako, personally, okay lang naman sa akin na i-try natin, pero hindi naman pilitan. It'll boost our sales, alam mo naman na kung paano 'yun nagwo-work. But it'll still be up to you. We can just pretend kung gusto mo."

Tinungga ni Atlas ang beer na hawak. Ibinalik niya ang tingin sa kung saan. "Let me think about it. Pag-usapan natin pagkatapos. Ikaw rin, pag-isipan mo munang mabuti. Medyo malaki rin kasi ang consequences niyon."

Sandaling namayani ang katahimikan. Dinadama ni Atlas ang malamig na hanging tumatama sa balat niya habang pinanonood ang paghampas ng alon sa dalampasigan. Malalim na ang iniisip niya, alam niya iyon.

Atlas thought of Laurel, and there were so many questions. How was she? Was she doing okay? Was she mad or something? And more.

A part of him knew that Laurel would let him know if she didn't want the setup anymore, but also knew that Laurel was Laurel—hard as a rock. Ilang beses na ring inisip ni Atlas na wala siyang dapat asahan dahil kung tutuusin, sa ilang buwan, dapat alam na niyang walang pakialam si Laurel.

"Single naman ako, Atlas. Ikaw ba? Are you seeing someone?" biglang tanong ni Amira.

Nanatiling nakatingin si Atlas sa beach na madilim at umiling bago tumungga ng alak. Mahina siyang natawa. "I'm single, but I want to think about it first."

"Of course." Amira warmly smiled. Tinapik nito ang balikat niya kaya nilingon niya ito na tumayo para magpaalam na rin. "Babalik na rin muna ako sa party. Enjoy your alone time!"

Atlas nodded and smiled without saying anything.

Sinundan niya ng tingin ang dalaga na mabagal na naglalakad. Nililipad nang malakas na hangin ang may kahabang buhok nito na hindi alintana.

Mabait si Amira, wala siyang masabi rito at wala rin itong ipinakitang hindi maganda sa kaniya kaya mataas ang respeto niya rito. Sa tuwing may ino-offer sa kanila ang network, pinag-uusapan na muna nila iyon.

It was one of many things they talked about—talking to each other first—before deciding to determine the possible next steps in their career correctly. Both were career-oriented and respected each other's decisions.

Matagal na silang sinasabihan tungkol sa pagiging officially together dahil mas maghi-hit daw ang love team nilang dalawa katulad ng ibang artista sa Pilipinas. Nahihirapang um-oo si Atlas dahil wala siyang romantic feelings kay Amira. It was just work, they were friends, and nothing more. Magkaibigan sila, may respeto siya. Sapat na iyon para sa kaniya.

Muling tumingin si Atlas sa phone niya, wala pa ring message galing kay Laurel.

Atlas realized that for six months, they had no photograph together. Napag-usapan din kasi nila ni Laurel ang tungkol sa pictures. It was safer, though, but he had some pictures of Laurel while sleeping or candid shots she wasn't aware of. It was for him to keep.



Kinabukasan, nagising si Atlas nang masakit ang ulo dahil nakarami siya ng beer. He was not a heavy drinker kaya naman kaunting alcohol, sumasakit na ang ulo niya. Kaagad rin siyang dumiretso sa buffet club ng resort para mag-almusal. Balak na rin niyang magpaalam para maunang umuwi dahil gusto na muna niyang magpahinga.

Nasa iisang table ang lahat ng kasama nila at nagkukuwentuhan nang pumasok si Amira. Naka-bikini ito at mayroong suot na maong shorts.

Base sa nababasa niyang articles at sinasabi na rin ng iba, hot ang ginagamit na salita para i-describe si Amira, pero hindi ganoon ang kay Atlas.

May seductive side ang mukha ni Amira, pero mas napapansin niya ang smiling face nito lalo kapag humahalakhak dahil nakahahawa. Some would sexually fantasize Amira and Atlas was aware of it, but he couldn't see her that way. For him, Amira was still the Amira he met when they were younger. He also respected her.

Dumiretso si Amira sa tabi ng manager nito at magkaharapan sila. Ngumiti ito sa kaniya at tumango, ganoon din siya.

"Hindi pa ba kayo?" biglang tanong ng producer nilang nakaupo sa kabisera. "Alam n'yo, malaki ang kikitain natin kapag lumabas na kayo na."

Huminga nang malalim si Atlas at ibinaba ang tinidor na hawak. Tumingin si Amira sa kaniya na sumandal sa upuan habang sumisimsim ng kape.

"Hindi pa ba kayo nadadala sa ganiyan?" Atlas chuckled. "Like, hindi naman sa lahat ng pagkakataon, maniniwala ang mga tao na kami talaga ni Amira. Hindi kasi lahat ng Pinoy, tanga. Marami na po kasi ngayon ang nakakaalam ng strategy natin and it won't work anymore," mahinahong sabi niya. "Kung gusto namin ni Amira ng relasyon, can we just let it flow?"

Tahimik ang lahat sa sinabi niya, tipid namang ngumiti si Amira.

"Kung nag-work sa iba ang pagkukunwari, I'm not interested with the same setup. Kung gugustuhin kong maging kami ni Amira, magiging kami in time, pero huwag n'yo po kaming pipilitin," pakiusap ni Atlas at napatuloy sa pagkain. "'Yun lang naman po sana."

"I agree," sagot ni Amira kaya napatingin siya rito. "Hindi natin puwedeng ipilit ang hindi. As of now, ang fans namin, aware sila sa relasyon namin ni Atlas as friends and maybe, soon, we'll work it out. For now, can you guys let us know each other deeper?" tanong nito. "Hindi po kasi kami nagmamadali."

Ipinagpapasalamat niyang pareho sila ng mindset ni Amira dahil ayaw niyang pumasok sa commitment na hindi siya sigurado. Sa naging exes niya, walang naging seryoso dahil hindi sigurado ang kahihinatnan sa hinaharap lalo sa pagiging artista niya.

Everyone diverted their attention to other things. Alam ni Atlas na naramdaman ng mga ito ang pagkadisgusto sa gustong gawin. Amira messaged him, thanking about what happened, because everyone had been bugging them the past few weeks. 



Naunang nagpaalam si Atlas sa mga kasama, pero sumabay si Amira sa kaniya at tinanong kung ayos lang bang sumama muna. Pumayag siya dahil wala namang problema. May ilang turistang nakatingin sa kanila. They were okay with it.

Suot ni Atlas ang board shorts na mayroong prints ng alon at pinarisan ng puting T-shirt na walang kahit na anong print.

"Atlas, pagpasensyahan mo na sila roon, ha?" ani Amira at bahagya siyang nilingon.

"No, ako nga dapat humingi ng sorry sa 'yo kasi namimilit na naman sila." Umiling siya. "I really don't understand Philippine media. Kikita naman ang movie nang hindi tayo, pero ganoon ang way of thinking nila. It's really hard to be an actor here."

Amira smiled warmly. "Don't stress much about it. Ang importante, magtrabaho na lang muna tayo. Medyo marami tayong movie sa mga susunod. 'Yun na lang din ang pinoproblema ko." She laughed. "By the way, naalala ko tuloy 'yung shooting natin sa Dubai sa susunod. Hindi na naman natin alam kung gaano katagal."

Ayaw sanang pag-usapan ni Atlas ang trabaho. Kaya tinanong niya ang tungkol sa nabanggit nitong planong mag-aral. They talked about it and Amira wanted to push it, but their schedules wouldn't relate.

Nagpaalam si Amira nang dumating ang mga stylist na kaibigan nito. Naiwan si Atlas at naupo siya sa buhanginan habang nakaharap sa payapang dagat nang maisipan niyang tawagan si Laurel.

Sa dalawang buwan, cannot be reached ito. Hindi niya alam kung saan siya may ibang way for contact dahil nga wala itong social media. Dahil nga sa boredom niya noong isang araw, sinubukan niyang hanapin ito sa social media, pero wala talaga.

Masyadong mailap kaya ang hirap hanapin.

Inilabas niya ang phone at sinubukang tawagan ang number nito at katulad ng dati, cannot be reached.



Alas-singko ng hapon, palubog na ang araw. Naglalaro ang mga kasamahan nila ng volleyball at pilit siyang isinasali, pero wala siya sa mood. He was just there, watching and cheering para lang masabi na hindi siya kill joy at nakiki-bonding naman siya.

"Atlas!"

Nilingon niya ang isang katrabaho niya nang tawagin siya nito. Nakatingin ito sa phone niyang nakapatong sa may lamesa.

"Nagri-ring phone mo," anito.

Nagmadali siyang puntahan kung sino ang tumatawag. It was an unknown number. Walang ibang nakaaalam ng personal number niya kung hindi mga katrabaho niya, sina Job, Patrick, Laurel, at pamilya niya.

Sinagot niya iyon kahit doubtful kung sino man iyon. "Hello?"

"Atlas?"

Atlas gulped upon hearing Laurel's voice. Lumayo siya nang kaunti at pumunta sa may dalampasigan para kausapin ito.

"Hey, ano'ng nangyari sa 'yo?" He acted as if he didn't even care. "Kumusta ka naman?"

"Okay naman ako," mahinang sagot nito. "Busy ka ba? Wait, parang naririnig ko, nasa beach ka? Oh, sorry, si—"

"What's wrong?" Atlas asked. "You need me?"

Matagal bago ito sumagot. Naririnig niya ang paghinga nito, narinig din niyang may mga nagsasalitang babae. "Kasi . . . nandito ako sa airport. I was trying to call Job, hihingi sana ako ng help, kaso . . . hindi siya sumasagot."

Atlas' eyes widened in shock upon hearing where she was. "What's wrong, Laurel?" he muttered.

"Puwede mo ba akong sunduin dito sa airport?" Laurel whispered. "Please? Kung hindi naman, okay lang. Mag-Grab na lang ako. Sorry."

Atlas breathed. "Can you wait for me? Pupuntahan kita riyan. Pero I am two to three hours away, depende sa traffic. Or kung gusto mo, mag-Grab ka papunta sa Solaire, roon ako didiretso, hintayin mo ako."

"No," sagot nito. "Dito na lang ako sa waiting area ng airport. Hintayin na lang kita. Thank you, Atlas," sabi nito sabay baba ng tawag.

Ni hindi na siya nagkaroon ng pagkakataon para magsalita. Laurel just dropped the call without a warning and based on her voice, something was going on. Hindi niya alam kung ano, but he needed to see her.

Nagpaalam na si Atlas sa lahat na may emergency kahit na hindi na siya nag-explain kung ano. Nagmadali siyang mag-check out, ni hindi na naligo dahil kinuha na lang lahat ng gamit. He was even wearing his beach shorts and plain, white T-shirt. Nakatsinelas pa siya.

He was not excited. He just wanted to make sure Laurel was okay.

It took Atlas three long hours to get to the airport. Hindi na siya mapakali. Kapag humihinto ang sasakyan niya, sinusubukan niyang tawagan si Laurel, pero hindi ito sumasagot.

It was almost nine in the evening, pero malapit na siya sa airport. He could even see planes from above na nagla-landing. Kaso it was too late already and he was hoping na nandoon pa si Laurel or napunta ito sa nearby hotel at doon na lang niya susunduin.

Nang makarating sa airport, sa arrival area, nagulat siya nang makita itong nakaupo sa waiting area at kaagad na nakita ang sasakyan niya. Biglang ipinagpasalamat ni Atlas na Wrangler ang dala niya dahil kilala na iyon ni Laurel.

Tumayo ito at sumenyas na mag-stay na lang siya at hindi na bababa. Delikado, alam na niya iyon. Wala itong bitbit na kahit ano. Laurel was just holding a phone, a wallet, and a paper. That was it.

When Laurel opened the door, his heart beat upon seeing her up close after two months, she smiled at him and entered the car.

"Hello, Atlas," nakangiting bati ni Laurel. "Sorry, ikaw tinawagan ko, ha?"

"It's nothing." Atlas warmly smiled. "Mabuti na rin na ako ang tinawagan mo. Good to see you again."

Tiningnan niya si Laurel bago nagmaneho. She was wearing a simple sundress with a spaghetti strap and a simple sandal. Tama ang nakita niya. Wala itong dalang kahit bag. Phone, wallet, at papel na parang ticket lang ang hawak nito, nothing more.

Atlas wouldn't ask about it.

"So, saan mo gustong pumunta? Sa bahay ko? Sa Tagaytay?" he asked instead.

Tumingin sa kaniya si Laurel. "Baguio." May ngiti sa labi tulad ng dati. "Puwede mo ba akong ihatid sa Baguio? I'll book a hotel for you, I will buy you some food. Just please, ihatid mo ako sa Baguio."

"Of course, Laurel," Atlas agreed without asking. "Let's go?"

Hindi na ito nagsalita. Tumingin ito sa labas na para bang wala siya, wala ang presensya niya and he gave her some space. Kahit na risky, dumaan si Atlas sa drive thru ng Starbucks para bumili ng kape dahil inaantok na siya. Wala siyang matinong tulog, may hangover siya, pero kailangan nilang pumunta ng Baguio, and this would be his first trip to Baguio.

"Kapag nasa Pangasinan area na tayo, puwedeng ako ang magda-drive?" tanong ni Laurel sa kaniya. "Wait, can you trust me your car? Kasi, 'di ba, first time mo?"

Tumango si Atlas. "Yup, first time ko. Don't worry, I can manage. Just rest, kung gusto mo, matulog ka na rin muna."

Buong drive, gising si Laurel, pero tahimik lang ito. Unlike their previous road trips na makuwento and he had no idea why.

The thing was, he couldn't ask her.

He would wait for her to talk because Laurel hated being asked.

Nahirapan siya sa drive dahil bukod sa inaantok siya, hindi siya sanay sa lugar kung nasaan sila. It was four in the morning when they arrived at the city proper ng Baguio and it was chilling given that he was just wearing his beach attire from the entire day.

Hindi na siya magugulat kay Laurel na naka-sundress lang.

"Saang hotel mo gusto?" tanong ni Laurel.

Umiling si Atlas. "Let's go to your house. Madilim pa naman, we can sneak in," sagot niya. "Let's just rest, inaantok na rin ako."

Tumingin si Laurel sa kaniya. "Thanks for picking me up. Sorry, ikaw lang talaga natawagan ko. I think Job and Pat are busy, I'm really sorry."

"Don't," he answered. "Lead the way so we can rest. I badly wanna sleep."

Laurel nodded. Itinuro nito ang daan papunta sa apartment nito. Maganda ang lugar dahil sa mismong city proper at sinabihan siyang mag-park sa gilid kung saan lang. Kinuha niya ang hoodie niya sa backseat bago sumunod kay Laurel.

Tahimik lang itong naglalakad kasabay niya bago sila umakyat sa isang bahay. Maliit lang iyon at medyo masikip. Nasa tabing daan kaya rinig ang mga sasakyan. Dumiretso sila sa hagdan at napunta sa third floor na may dalawang pinto.

Ang isang pinto ay may nakasabit na home sweet home, ang isa naman ay wala. Pumasok sila roon sa wala at nang ipalibot ni Atlas ang tingin sa apartment, maliit iyon na parang kuwarto lang sa bahay niya, kasama pa ang kusina at bathroom.

"Pasok ka. Sorry, the entire unit is just small and good for one. Tinawagan ko na lang din ang landlady ko and pinalinis ko noong isang araw kaya walang problema. Upo ka muna sa sofa," ani Laurel habang nakatalikod sa kaniya.

"Laurel?" kuha niya sa atensyon nito. "What's wrong?"

Humarap ito sa kaniya. Naaninag niya ang mukha nito mula sa ilaw na galing sa labas ng bahay nang bigla itong lumuha. Hindi niya alam ang gagawin kaya naman nilapitan niya ito at tinanggal ang buhok na nakaharang sa mukha.

"Jump," bulong niya nang mahawakan ang baywang nito.

And Laurel did. Ipinalibot nito ang braso sa leeg niya bago tumalon para ipalibot ang binti sa baywang niya. He supported her weight by holding her waist tightly.

"What's wrong?" tanong niyang muli habang naglalakad papunta sa sofa.

"Let's fuck," bulong nito sa kaniya. "Please."


T H E X W H Y S

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #thexwhys