Chapter 11
It was three in the morning and Atlas was on his way to the terminal to pick up Laurel. Mahilig itong bumiyahe sa gabi dahil walang masyadong tao, mas mabilis ang biyahe, at safe para sa kanilang dalawa.
Sa anim na buwan, ganoon na ang naging routine nila.
Noong umpisa, sina Job at Patrick ang sumusundo kay Laurel ngunit nang tumagal, si Atlas na rin mismo. Dumidiretso sila minsan sa Tagaytay o kaya naman sa bahay niya, depende sa sitwasyon.
Atlas was against Laurel traveling at night, but the woman was stubborn. Wala siyang magawa at walang masabi dahil ipipilit nito ang gusto.
Nag-hazzard si Atlas sa harapan ng terminal at kaagad na nakita si Laurel. Bukod sa backpack na palagi nitong dala, may hawak din itong isa pang bag na hindi niya alam ang laman.
Nakangiting lumapit si Laurel sa sasakyan niya nang makita kaagad. The moment his car door opened, Laurel's smiling face lit up his dark world dahil kauuwi lang din niya galing sa shooting.
Laurel immediately closed the door before anything. Kita niya ang pagmamadali nito dahil may ilang taong naghihintay sa labas ng terminal at nakatambay.
"Good morning, Atlas!" Laurel smiled. "May pasalubong ako sa 'yo. Nakakuha ako ng fresh strawberries kahapon. Nakakaloka lang, umulan."
Atlas frowed and started driving to avoid being reprimanded for parking on the sidewalk. "Ang laki naman ng bag mo. Ano'ng mga dala mo? Hindi ka naman nagdadamit kapag magkasama tayo, e."
Natawa si Atlas nang samaan siya ng tingin ni Laurel. "Bumili kasi ako ng pasalubong para kina Jobellita and Patrick. Nagpabili kasi sila ng peanut brittle, ube, mga ganoon. Akala ko nga, magpapabili pa ng gulay, mahihirapan ako sa bus."
Dahil sa nalaman, pagsasabihan ni Atlas ang mga kaibigan niyang huwag nang uulitin iyon dahil mahihirapan si Laurel. Alam niyang hindi ito tatanggi sa request ng mga ito, pero mahihirapan sa pagbitbit.
"Parang baliw talaga ang dalawang 'yun! May sasakyan naman, hindi umakyat, ikaw pa pinapabili. Ako, walang pasalubong?" Nagsalubong ang kilay ni Atlas at nilingon si Laurel.
Laurel squinted with a smirk. "Ikaw pa ba!" singhal nito sa kaniya na naglabas ng peanut brittle. "Sorry pala, binuksan ko na 'yung isa. Kasi naman, nagutom ako sa bus."
"Hindi ka na naman kumain?" seryosong tanong ni Atlas. "Ano'ng gusto mo? Drive thru na lang tayo?"
Kaagad na nagbago ang itsura ni Laurel at umiling. "Nope, gusto ko nang mahiga. Saan tayo? Sa Tagaytay ulit or sa bahay mo? Parang gusto kong mahiga na kasi inaantok ako. Ikaw rin, e!"
"Anong ako rin?" Atlas asked, confused.
"Mukha kang inaantok!" Tumawa si Laurel. "Ang itim na ng eye bags mo, Atlas. Ilang days pala rest mo? Buti pinayagan ka?"
Atlas tried to smile. He wanted to try, but couldn't. "Humingi ako ng one week. Bahala sila. Kung tatawag sila, hindi ako sisipot," he said.
Binabaybay nila ang EDSA habang iniisip niya kung saan ba sila puwedeng magpunta. Wala siyang plano at hindi pa siya nakakapagplano dahil katatapos lang ng trabaho. Tinawagan lang niya si Laurel kinagabihan at wala na itong tanong na basta na lang din bumiyahe.
Nagtanong lang si Atlas kay Laurel tungkol sa biyahe nito at kung kumusta ang Baguio dahil nagkaroon ng malakas na ulan nitong nakaraan.
Wala siyang sagot sa bawat kuwento ni Laurel at hinayaan lang niya itong magsalita. Minsan siyang magbibigay ng opinion o hindi kaya ay matatawa dahil sa ikinukuwento nito, pero mas gusto niyang marinig ang boses nitong masayang isinasalaysay sa kaniya ang nangyari nitong mga nakaraan.
Ilang buwan na rin simula nang magdesisyon si Atlas na maging firm sa hinihingi niyang pahinga. Madalas niyang tinatawagan si Laurel kahit na matutulog lang naman siya.
Tumunog ang phone nila ni Laurel, sabay iyon nang lingunin siya nito. Nasa red light sila ng EDSA at iniisip pa rin kung sa bahay lang ba sila o sa Tagaytay.
"Atlas, nagyayayang kumain ng bulalo sina Pat and Job ngayon," ani Laurel habang nakatutok sa phone at nagta-type. "Magda-drive na raw sila papunta sa Tagaytay kung papayag ka. Wala raw silang magawa, e."
Mahinang natawa si Atlas. "Sige. Sabihin mo magkita na lang tayo roon sa dati naming pinupuntahan." Bigla siyang napaisip. "Wait, paano ka? Okay lang ba sa 'yo na lumabas tayo?"
"Parang bago nang bago naman si Atlas." Laurel looked at him. "As usual, Alyssa na pinsan ni Jobellita," she warmly smiled. "So, kumusta work mo? Kailan showing ng movie mo? Baka ito ang unang movie mo na papanoorin ko."
Nanlaki ang mga mata ni Atlas at humigpit ang hawak niya sa manibela. It was the last thing he wanted, Laurel watching his movies. Naiilang siya at nahihiya.
"Oh, god, no." Marahas ang naging pag-iling niya. "Please, just don't! Ayaw ko! Ako nga, nagki-cringe, baka lalo ka na. I know that it's not your cup of tea. Alam ko naman na hindi mo hilig ang ganoong plot. Kailangan ko lang talagang gawin."
"Ikaw naman 'yun, e. Pagtitiisan ko, I am supporting a friend, ano ka ba?" sabi niya habang kumakain ng peanut brittle.
Hinawakan niya ang kamay ni Laurel at kumagat sa hawak nitong peanut brittle habang pinag-uusapan ang tungkol sa bago niyang pelikula. Nakikiusap siyang huwag panoorin iyon.
"Bakit sa iba, okay lang na manood? Todo promote ka pa nga sa interviews, e," pagbibiro ni Laurel. "Ako, bawal?"
Atlas gazed at Laurel and shook his head. "Baka bigla mo na lang tapusin 'yung setup natin dahil hindi mo gusto ang acting ko," he said when he remembered something. "By the way, ano nga ulit 'yung binabasa mong book noong nakaraan? I made my account doon sa Wattpad, maghahanap ako ng pastime. I even followed you! Congratulations pala sa 150,000 mo, ha! I am proud of you!"
Tumigil sila sa red light at muli siyang inabutan ni Laurel ng peanut brittle habang nakangiti ito sa kaniya. "Ako ang nahihiya sa mga sinusulat ko, e," anito. "'Yung binabasa ko, medyo dark. It's about arranged marriage and the woman was suicidal. Though the guy liked the girl, pero kakaiba kasi 'yung girl, hindi in love sa boy."
Atlas frowned. "Ano'ng title ng story?" Kinuha niya ang phone sa dashboard at iniabot iyon kay Laurel. "Can you put it in my library?"
"Hoy, no."
Nilingon niya si Laurel dahil sa sagot nito.
"I will not touch your phone, Atlas. That's private."
"It's okay! May consent naman and I trust you. Just put that story in my library and babasahin ko kapag may time na ako," aniya at nanatiling nakaabot kay Laurel ang phone.
Hesitation was written on Laurel's face. It was one thing he liked about her—respect and boundaries.
Laurel hesitated. "Mamaya na lang kaya? Ikaw na lang kasi may password," referring to his phone.
"It's just zero-nine-zero-nine." Atlas continued driving. "Tamad akong mag-password."
Laurel laughed. "Halata nga. Magkakatabi ang numbers. Ang tamad, ha?"
Akala ni Atlas, tatanggi pa si Laurel. Diretso siyang nagmaneho at kahit na gustuhin niyang humikab, pinigilan niya. Alam niyang ika-cancel ni Laurel ang bulalo nila kapag nakita nitong inaantok na siya.
"Wow naman the support."
Their eyes met. "Ha?" Atlas was confused.
Laurel smiled at him. "Thanks for buying my books! Babasahin mo ba 'to o decoration lang? Ang daming ganito, e. Hindi naman talaga nagbabasa."
Atlas chuckled. "I'm actually reading one of your stories. Babasahin ko 'yan lahat."
Walang sagot si Laurel sa sinabi niya kaya naman bahagya niya itong nilingon na seryosong nakatitig sa phone niya na parang may bina-browse. Kung tutuusin, nagsimula na siyang magbasa ng stories nito, hindi lang niya sinasabi.
Sa tuwing nagbabasa siya, pakiramdam niya ay ibang tao si Laurel, pero ito rin ang kausap niya.
Some stories were triggering that Atlas had to stop reading to breathe. He had no idea where the words were coming from, the scenes, and experiences. One thing was sure, though—he didn't want to assume that some of the plots and words from Laurel came from real life as it was too heavy.
May pagkakataong gustong humikab ni Atlas, pero nahihiya siya kay Laurel kaya pilit niya iyong pinipigilan. Pinag-usapan nila ang tungkol sa bago niyang pelikula dahil nagtatanong siya kung maayos ba ang pagkakasulat.
Laurel would say yes, but sometimes, too transparent na sasabihin talaga ang hindi maganda at iyon ang nagustuhan ni Atlas. She was honest.
Habang kumakain, kausap ni Laurel si Job at nagtatawanan pa nga ang dalawa. Hindi maka-relate si Atlas na nasa gilid at tahimik na kumakain. Suot niya ang hoodie na dala dahil ayaw niyang pagkaguluhan siya.
Katabi niya si Patrick na tahimik tulad niya at minsang natatawa sa hagikgikan nina Laurel at Job.
As he observed his friends being friends with Laurel, he was thankful that there were people whom he could trust when it comes to her. Mahirap magtago at ang makakain kasama sina Laurel, Job, at Patrick sa labas ay big deal na sa kaniya.
Minsang titingin sa kaniya si Laurel, pero iiwas din dahil nag-iingat sila. They had to pretend as if they weren't close at all.
Atlas wasn't used to eating in public, but he was at ease whenever he was with the trio, especially the duo who wouldn't stop talking about some things he couldn't understand. Mukhang nakabuo ng friendship sina Job at Laurel na hindi maiintindihan ni Atlas.
May ilang kumakain sa bulaluhan kahit madaling-araw na at ipinagpapasalamat niyang walang nakakikita sa kaniya.
"Saan kayo pupunta pagkatapos?" tanong ni Job kay Laurel.
"Hindi ko alam, e," sagot ni Laurel na bahagya siyang nilingon.
Atlas shook his head as a response because he didn't know, too. Wala pa silang napag-uusapan ni Laurel kung saan sila pupunta pagkatapos.
Some people noticed him and said hi. Dahil doon, hindi niya kinakausap si Laurel para sa safety. Mabuti rin at naka-hoodie ito.
Nang matapos kumain, may mga lumapit sa kaniya at nag-request ng picture. Alam niyang kakalat sa social media na nakita siya sa Tagaytay. Magkakaroon na naman ng speculations at kung ano-ano.
As much as possible, Atlas tried to smile. He was uneasy that even at 4:30 in the morning, people were asking him for a picture and he couldn't even say no.
Nang matapos kumain, nagpaalam na sina Patrick at Job na uuwi na. Sina Atlas at Laurel naman ay dumiretso na sa bahay niya. It was past five in the morning.
Both decided to take a bath together, made out, and had sex.
Hindi sila nakuntento at ipinagpatuloy iyon sa kwarto. Pareho silang pagod dahil galing sa shooting si Atlas, galing pang Baguio si Laurel, pero kailangan nila. They both needed to release.
Hingal na sumandal si Laurel sa headboard ng kama na nakatakip lang ng kumot ang katawan. Nakapuwesto naman si Atlas sa pagitan ng legs nito at inihiga ang ulo sa kabilang hita habang nakayakap ang braso sa baywang ni Laurel.
"Kung pagod ka na, mag-off ka," sabi ni Laurel habang hinahaplos ang buhok ni Atlas. "Kasi mas mabu-burnout ka. Imagine, kumakain ka na lang kanina, may mga lumalapit pa sa 'yo. It's past your work hours, but still, I understand your dedication, Atlas. But learn to say no if needed."
Tumingin si Atlas kay Laurel. "Thanks for being here."
"Ano ka ba, parang bago nang bago si Atlas. Six months na natin 'tong ginagawa. Malapit na tayong mag-anniversary!" pagbibiro ni Laurel. "Saan mo ako dadalhin sa anniversary natin?" Natawa pa ito.
Atlas smiled. Naupo siya at humarap kay Laurel. "Boracay? Maiba naman?"
"Alam mo naman na hindi safe," sagot niya. "Saka hindi rin ako mahilig mag-swimming. Ikaw na lang," sagot ni Laurel sa kaniya. "By the way, baka next month, hindi ako makipagkita sa 'yo. Nagyaya kasi parents ko na may pupuntahan kami. Though, pinag-iisipan ko pa, pero sasabihan kita kapag bumalik na ako."
Kumunot ang noo ni Atlas. "Wait, I realized, we never talked about our families. Like, sa six months na nagkakasama tayo, we never talked about them."
"Ayaw kong pag-usapan ang family ko, Atlas." Laurel smiled at him, but he saw a hint of sadness in her eyes. "Kung puwede lang sana? Pass ako riyan?"
He nodded. "Of course, ma'am. I'm not going to ask you, I'm not dwelling. It'll be up to you, okay?" Umalis siya sa pagkakahiga sa legs nito at naupo.
"Thanks." Laurel smiled at him, but there was a glint lalo nang mahiga ito at tumalikod. "Mauuna na akong matulog, ha?"
"Yup, good morning, Laurel."
Nahiga si Atlas sa tabi ni Laurel at binigyan ito ng space. Minsan niyang nilingon at akmang matutulog na rin siya nang humarap si Laurel sa kaniya.
"Atlas, may tanong ako," basag ni Laurel sa katahimikan. "Saang bansa mo gustong nagpupunta?"
"Kahit saan basta hindi masyadong malamig. Alam mo naman, weak ako roon. Gusto ko sa lugar na may beach. I love going to beaches," sagot niya.
Laurel subtly smiled. "I hate beaches."
"You're into cold places talaga, 'no?" tanong niya.
"Yup." She closed her eyes. "Good morning, Atlas."
—
Apat na araw silang magkasama sa Tagaytay. Same old routine; matutulog, kakain, magse-sex, matutulog, magkukuwentuhan, paulit-ulit. Minsan, nagyayaya si Atlas mag-joyride, pupunta sila sa Batangas, madaling araw pa lang.
"Ano'ng mas gusto mo, sunrise o sunset?" tanong ni Laurel habang naka-Indian sit sa front seat at kumakain ng french fries. Sinubuan na rin muna niya si Atlas.
Ngumuya pa muna si Atlas bago sumagot, "Sunset. Meaning, tapos na naman ang araw, makakapagpahinga na ako."
Tumingin sa kaniya si Laurel na parang may panghuhusga pa sa mga mata.
"Scam," natatawang dagdag ni Atlas. "Wala nga pala akong pahinga. Pero I like sunset. Golden hour. Ikaw?"
"Sunrise. Ibig sabihin, matutulog na ako." Laurel smiled. "Both, actually. Pero sa Baguio, mas gusto ko ang sunrise. It makes me feel like it's another day."
Nag-usap pa sila. Ramdam ni Atlas ang malamig na hangin lalo nang makiusap si Laurel kung puwedeng buksan ang sunroof niya dahil madalas nitong gawin na lumalabas at dinadama ang malamig na hangin sa tuwing nagro-road trip silang dalawa.
"Open mo nga stereo mo, Atlas." Sumilip ito sa kaniya. "Gusto kong gumawa ng music video ko!" Kinuha pa nito ang phone.
Atlas smiled and drove slowly. Wala namang masyadong sasakyan kaya ayos lang. He just wanted to see her enjoy every road trip they would have. Binuksan din niya ang speakers at nilakasan iyon.
"Hala!" Sumilip si Laurel at tumingin sa kaniya. "That's my favorite!" Naupo ito at isinara ang sunroof bago buksan ang sariling bintana.
"Careful, Laurel!" aniya nang bahagyang lumabas ang ulo nito sa bintana at nagvi-video ng sarili. He was just observing and smiling.
Sabay pa silang kumakanta sa Make You Mine. Nito lang din niya nalaman na medyo same sila ng jam sa mga kanta kaya naman kung ano ang playlist sa sasakyan niya, pareho sila. Nagdadagdag na lang ito sa Spotify niya ng ipatutugtog.
"Put your hand in mine. You know that I want to be with you all the time. You know that I won't stop until I make you mine. You know that I won't stop until I make you mine. Until I make you mine."
Tumingin sa kaniya si Laurel at pareho silang natawa dahil pareho silang sintunado.
"Ano ba 'yan, Atlas! Buti na lang, artista ka!" natatawang sabi ni Laurel habang nakatingin sa kaniya. Naniningkit pa ang mga mata nito. "Ang pangit ng boses mo!"
"Ikaw rin naman, e. Buti na lang, writer ka," sagot niya. "It's a tie. Pangit boses nating dalawa."
"Buti na lang din, may ibang talent tayo kasi ang kadiri ng boses natin, uy!" Laurel laughed and he stared at her. "Ang lala ng pagkasintunado natin!"
Pareho nilang tinawanan ang flaws nilang dalawa. Pareho silang walang talent sa pagkanta, actually, wala silang pagkakapareho sa kahit ano other than sexually craving sila, but they clicked.
Dumating sila sa beach na madilim na madilim pa. Walang tao na ipinagpapasalamat nila. Natatawa si Laurel dahil naka-hoodie pa si Atlas. It was 3 a.m. kaya naman tahimik ang buong lugar.
Atlas observed the place and no one was around. He was shocked when Laurel removed her dress and ran towards the beach. Wala sa usapan nila iyon kaya nagulat siya. Isa pa, she was completely naked and he had no idea. As in she was going to do skinny dipping.
Mabuti na lang din at sa pinakadulong area sila pumunta at sila lang ang nandoon. Madilim na madilim, mabuti na lang, may kaunting buwan at walang light pollution kaya naaaninag niya pa rin si Laurel.
"Hey!" Lumapit si Atlas sa dalampasigan at nakitang hanggang baywang na ni Laurel ang tubig. He was worried. Madilim at medyo malalim, wala pa silang ibang kasama. Lumubog pa ito na ikinagulat niya.
"Laurel!" tawag niya sa atensyon nito.
"Hindi ka magsi-swimming?" tanong ni Laurel nang umahon. He could see her body shape and she was walking towards him. "Skinny dipping tayo. Wala namang tao!"
Umiling si Atlas. "Laurel! You're too adventurous and bold. Next time, puwede mo ba akong sabihan?"
Laurel laughed. "Ayaw mong sumama? It feels good. Hindi malamig sa ilalim. It's warm."
Naiiling na hinubad ni Atlas ang damit. He was completely naked bago sumunod kay Laurel. Hawak nito ang kamay niya habang papunta sila sa malalim na lugar. Hinapit niya ang baywang ni Laurel palapit sa kaniya nang bigla na lang itong bahagyang lumubog dahil malalim na.
"Ang liit mo kasi!" pagbibiro ni Atlas. "Come here, akbay ka."
Umakbay si Laurel sa kaniya, pero kaagad siyang humarap para halikan ito na kaagad namang tinugon ni Laurel. They were kissing torridly and he was getting a hard-on.
"Laurel, question," he said in between kisses.
"Yeah?" she asked then bit his lower lip. She even pulled it.
Atlas kissed Laurel's cheek down to her neck while hugging her waist. Ipinalibot nito ang binti sa baywang niya and he supported her weight.
"What's your question?" Laurel subtly moaned.
"Hanggang kailan tayo ganito?" Tumingin sa kaniya si Atlas. "I mean, hanggang kailan kita—"
Laurel smiled and licked Atlas's lip. "Hanggang kailan? I'm not sure. I'm still enjoying. Ikaw? Do you want to stop? Lalo na't pinipilit ka na ng manager mo na ligawan si Amira?"
"I have no plans," Atlas murmured and kissed Laurel's lips. "Hindi ko rin alam. I'm still enjoying your company."
"Me, too." Laurel kissed Atlas on his right cheek. "Enjoy it while it lasts, Atlas."
Atlas nodded. "Yeah."
T H E X W H Y S
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top