Chapter 40

Final Chapter

Chapter 40

Baby

Hindi pa rin nagsi-sink in sa akin ang sitwasyon maski nakauwi na ako at napapalibutan ng mga masasayang kaibigan at mga kasamahan sa mansiyon. Buntis ako. May isang buhay sa sinapupunan ko. How do I even do this?

"Ilang weeks na raw ba sabi ng doktor?" si Hope na nakaupo sa tabi ko. Sumugod talaga siya sa mansiyon matapos tawagan ni Lake.

"Four weeks."

"Simula ngayon, dapat healthy foods na ang kakainin mo," paalala niya.

Wala sa sarili akong napasulyap sa anak niyang masayang nililibang ng mga kasambahay sa isang sulok.

"Kaya ko ba ang maging nanay?"nag-aalala kong tanong.

"Siyempre naman!" walang pagdadalawang-isip niyang sinabi. "Motherhood is mainly just about instinct, babe. Plus, very supportive naman ang future hubby mo!"

"I don't know. I still can't even get my mind around it. May wedding pa akong kailangang asikasuhin and now this?"

"Babe, it's a blessing!"giit niya.

"Alam ko. I'm just... I'm just nervous."

Tinapik niya ang balikat ko. "You'll get through this. I assure you, ito ang pinakamasayang parte ng buhay mo."

Tumango ako at bahagyang naging panatag ang loob. Lalong-lalo na ngayon, alam kong hindi ako nag-iisa.

"Anyway, Helios and I will be away this Friday until weekend. Magre-resort na naman kami. Bonding time!"

"Lucky you," naiinggit na sabi ko. "Ang dami kong gagawin. I still have to go to work."

"Or not," sabad ng boses ni Lake galing likod ko. Mabilisan niya akong hinalikan sa kaliwang pisngi at pagkatapos ay naupo na siya sa tabi ko.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko sa maingat na tono ng boses.

"Masyado ka nang maraming ginagawa. Maybe you can take some days off from work. Baka ma-stress ka pa. You're pregnant."

Nagkatinginan kami ni Hope. Halatang pigil na pigil siyang magpakawala ng ngisi.

"Oo nga pero four weeks pa lang. Kaya ko pa," matigas na paninindigan ko kay Lake.

Napasentido siya at isinandal ang likod sa backrest ng sofa.

"How was your phone call with your parents?" tanong ko. Panandalian siyang umalis ng sala kanina para tawagan at ibalita rin sa mga magulang niya ang pagbubuntis ko.

He grinned. "They're ecstatic. Bibisita raw sila rito bukas. Can we have dinner here, if that's okay with you?"

"Yes, of course. Aagahan ko na lang ang pag-uwi."

"Me too," nakangiti niyang tugon.

Tiningnan ko si Hope na tahimik lang na nakamasid sa aming dalawa ni Lake. May malaking ngisi sa kanyang mga labi.

"What?" natatawa kong tanong.

"You two just look so married right now. Maski wala pa ang kasal," komento niya.

Ngumiwi ako at mapaglarong itinuro si Lake. "He's just clingy."

"Yeah, I am and I love her," awtomatiko namang pag-amin ni Lake.

Umasim ang mukha ni Hope at umiling siya.

"Okay, that's it! I guess dapat nang um-exit ang gorgeous single mom na gaya ko." Tumayo na siya at iginala ang tingin sa buong sala. "Nasa'n na ang anak ko? Uwi na kami."

Tumayo na rin ako upang ihatid ang matalik na kaibigan sa labas. Sumunod naman si Lake.

Nang makaalis na si Hope kasama ng kanyang anak ay muling natahimik ang buong mansiyon. Bumaling ako kay Lake para magpaalam na muna sa gagawin.

"Tatawagan ko lang si Mommy ulit. Message lang kasi 'yong na-send ko sa kanya kanina tapos hindi pa siya nag-reply."

"Okay. Tawagan ko lang din ang sekretarya ko para sa mga dokumento," paalam naman ni Lake.

Iniwan ko siya at pumasok ako ng kuwarto. Binuksan ko ang drawer at kinuha mula rito ang cellphone. Nagulat ako sa dami ng missed calls na galing lahat kay Mommy. Kaagad ko siyang tinawagan pabalik.

Sa unang pag-ring pa lang ay sinagot na niya kaagad.

"Oh my Lord. I've been calling you plenty of times. I knew it! I knew you're pregnant!" puno ng siglang intrada niya.

"Four weeks pa po," sabi ko sabay haplos sa tiyan.

Marami siyang ibinilin sa akin na dapat gawin. Kagaya na lamang ng suhestiyin ni Lake, gusto rin ni Mommy na hindi na muna ako masyadong magtrabaho sa opisina. At kagaya na rin ng sinabi ko kay Lake, sinabi ko rin sa kanya na kaya ko naman at masyado pang maaga para magpahinga.

"Siyanga pala, pupunta rito sa mansiyon ang mga magulang ni Lake bukas ng gabi," pagbanggit ko sa napag-usapan. "Magdi-dinner kami kasama sila."

"Iyan ang magiging unang beses ninyong pagkikita bilang fiancee ni Lake, hindi ba?"

"Yes po." Naupo ako sa gilid ng kama dahil nagsimula ng mangalay ang binti ko sa katatayo.

"His father is a judge and his mother is a prosecutor, right?"

Kumunot ang noo ko sa ginagawa niyang pagpapakumpirma sa akin.

"Oo, My. Bakit?"

"Lilipad ako riyan bukas na bukas din."

Nagulantang ako sa sinabi niya. "My, akala ko ba ayaw niyong bumalik dito sa Maynila?"

"Bibisita lang ako and of course, you're pregnant! I want to check personally if you really are okay."

May pagdududa man sa parte ko ay hindi ko na pinuna pa ang biglaang desisyon niya. Nagpaalam na rin kami sa isa't-isa para makapagpahinga rin ako nang maaga.

Kinagabihan, habang nakahiga na kaming dalawa ni Lake sa kama, naglakas loob akong tanungin siya sa isang bagay.

"Anong nangyari sa pangarap mo na iyon na maging isang pianist?"

Umusog siya at mas inilapit pa ang sarili sa aking likod. Inilapat niya ang mainit niyang palad sa aking tiyan. Malamyos niya itong hinaplos.

"It changed," bulong niya. "Sinampal ako ng reyalidad na hindi pala ako magtatagal do'n."

"Are you happy being a lawyer?"

"Yes. I feel the fulfillment of my chosen profession. Nakakatulong ako sa iba. I can still play the piano for fun, anyway."

Ngumiti ako at huminga nang malalim. "Pupunta pala rito si Mommy bukas. Luluwas siya ng Maynila."

"Biglaan yata?"

I giggled. "I think she just doesn't want me to be intimidated by your parents. Nabanggit ko kasi sa kanya ang gagawing pagbisita rin nila."

"Well it's still a good thing. We are having the traditional meeting of the parents before the wedding. Maski okay na naman lahat ang preparations at wala na silang mapupuna pa."

Humikab ako at idinampi ang likod ng kamay sa bibig. Inayos naman ni Lake ang kumot na nakabalot sa katawan ko. Iniba ko ang posisyon at hinarap siya.

"I was thinking... What if we stay in the house in San Luis after I give birth? Masyado kasing abala rito sa Maynila. I want our child to have a peaceful childhood. Siguro kung mag-aaral na siya, we can then stay in Manila for good."

Kumurba paitaas ang sulok ng kanyang labi. Nangungusap naman ang kanyang mga mata na nakamasid lang sa akin.

"What?" untag ko dahil nanatili siyang walang imik.

"I was so worried about you being nervous with your pregnancy. Pero ngayon, masyado na pa lang malayo ang naiisip mo para sa baby natin."

Ibinaba ko ang tingin sa kanyang dibdib dahil sa nararamdamang hiya sa sinabi. "Iniisip ko lang naman..."

"It makes me happy," agap niya. "Kaya gawin natin ang gusto mo."

"Talaga? Paano ang trabaho mo?"

"May mga tao naman ako kaya walang problema. I can just fly here if there'll be urgent cases. I want to do what you want because I want to enjoy our being family too." Mariin niya akong tinitigan. "Ikaw? Paano ang trabaho mo?"

"Same as yours. May mga empleyado rin akong puwede kong pagkatiwalaan."

"Alright," pagsang-ayon niya.

"Okay. Gawin natin 'yan." Unti-unti nang bumigat ang talukap ng mga mata ko hanggang sa dahan-dahan na akong hinila ng antok.

Naging normal at ordinaryo ang naging takbo ng mga pangyayari sa sumunod na araw. Pareho kaming nagtungo sa trabaho ni Lake. Matapos makipag-meeting sa bagong prospective client ay bumalik ako ng opisina. Hindi pa man nakakaupo sa swivelchair ay kinuha na ng tumutunog na cellphone ko ang aking atensiyon.

Kinuha ko ito at sinagot ang tawag ni Lisa na isa sa mga kasambahay ng mansiyon.

"Dumating na po si Madam at Manang, Ma'am JC," sabi niya. Mababakas sa kanyang boses ang tensiyon at balisa.

"Gano'n ba?" Napasulyap ako sa suot na relo. Mas maaga ang pagdting ni Mommy sa inasahan ko. "Paki-asikaso na lang ako sa kanila, Lisa. Dumating na ba ang mga pina-cater kong foods?"

"Uh...'Yon na nga po. Tungkol po r-riyan..."

Dinig ko sa kanyang background ang boses ni Mommy na halatang abala sa pagbibigay ng utos.

"Anong nangyayari?" nagtatakang tanong ko.

"Kasi po...ipinauwi ni Madam iyong caterer... A-Ang kusina lang daw po ng mansiyon ang bahala sa pagluluto."

Nahilot ko ang noo sa pagsisimula ng sakit ng ulo. Magbabalik na nga talaga ang isang Valena Villarejas.

"Hayaan mo na siya. Just follow her orders," bilin ko sa wakas.

"S-Sige po, Ma'am."

Maaga akong umuwi galing trabaho. Nang makarating ng mansiyon ay nakita ko kung gaano ka abala at kaaligaga ang lahat. Nagbihis kaagad ako at nagpresenta upang tumulong kaso nga lang kaagad din naman akong sinaway ni Mommy. Dapat ay maghanda na raw ako dahil siya na raw ang bahala sa lahat.

Wala akong ibang nagawa kung hindi ang magpatianod na lamang at umakyat sa kuwarto. Nadatnan ko si Lake sa loob na kasalukuyang nagta-tuck in ng kanyang dark blue dress shirt sa suot niyang dark jeans. He is getting ready as well. Mabilisan ko siyang hinalikan sa pisngi at iniwan na rin para tumungo sa walk in closet ko.

I did my make up and wore an A-line long sleeve black velvet dress. I tied my hair neatly. Isinuot ko rin ang napakanipis na pearl necklace na regalo ni Lake noong nakaraang araw. Pati na rin ang terno rito na pearl earrings.

Nang masigurong handa na ay nilapitan ko na siya. Tinulungan ko siya sa pagsusuot niya ng kanyang black coat.

"And here I thought this will just be a casual dinner," sambit niya.

"We both know that between your parents and my mother, there's nothing casual about it," sabi ko naman.

Sinulyapan niya ang kanyang suot na relo. "It's time. Your soon to be parents in law are probably already downstairs."Nag-angat siya ng tingin sa akin at ngumiti. "You ready?"

"Always," I smiled.

"These are all good foods," kaswal na komento ng ina ni Lake habang nasa kalagitnaan na kami ng dinner.

"Oh! The kitchen did well. Dito kasi sa mansiyon, ang kitchen mismo ang naghahanda ng mga pagkain," nakangiti at may bahid ng pagmamalaking tugon ni Mommy na nakaupo sa kabisera. Nakaupo naman sa tapat namin ni Lake ang future in laws ko.

Tinanguan siya ng ina ni Lake at pagkatapos ay bumaling na sa akin.

"How's your pregnancy, Jean?"

Napangiti ako sa loob dahil naging tama na ang pagtawag niya sa pangalan ko hindi gaya dati.

"It's been going well po, Tita."

Binalingan ako ni Lake. Ibubuka na sana niya ang kanyang bibig nang matigilan siya dahil sa pagsasalita ng kanyang ina.

"It should be Mommy, hija, since malapit na kayong ikasal ni Lake."

"R-Right, M-Mommy," anas ko.

Ngumiti siya. It looks weird on her o baka naman naninibago lang ako.

"I can't wait for my grandson to be born. He is going to be a wise lawyer one day," anunsiyo niya sa buong hapagkainan.

"Or if the baby is a girl," hindi naman napigilan ni Mommy na sumabad, "she'll be a great actress."

"The baby is still four weeks old," pagpapaalala ko sa kanila. Sobrang advance naman yata ang naiisip ng dalawa.

"Well...whatever he or she wants, balae, we will just support her or him," ang nanay ni Lake na kay Mommy nakatingin, "Maski ang pagpili ng mamahalin."

"I agree, balae. As long as that person is decent," segundo naman ni Mommy.

"And he or she is still four weeks old,"bulong-bulong ko kahit na alam namang hindi pinapakinggan. Napatitig na lamang ako sa plato sa harapan.

Naramdaman ko ang pagdampi ng palad ni Lake sa kamay kong nakapatong sa mesa. Tiningnan ko siya at nakita ang pagngiti niya na para bang nagsasabing hayaan ko na ang dalawa. I helplessly sighed and continued eating.

The dinner was a success. Hindi na masyadong napag-usapan ang kasal dahil napulido na namin ni Lake ang lahat. Ang tanging paksa lang na napokus sa kainan ay ang pagbubuntis ko at ang magiging future ng anak namin ni Lake. Tinalo pa ng mga lola ang manghuhula sa paglalahad ng magiging kapalaran ng anak ko. They were both obviously excited.

I had my final wedding dress fitting three weeks before the wedding. Si Mommy ang kasama ko dahil nanatili na muna siya sa Maynila pansamantala. Ayaw rin niyang si Lake ang sumama sa akin dahil sa isang pamahiin.

Suot ang lace wedding dress, humarap ako sa pinto. Binuksan ito ng designer na siya na ring umalalay sa akin. Imbes na ang masigla kaninang mukha ni Mommy, maputlang mukha niya ang bumungad sa akin. Agaran akong napaabante palapit sa kanya. Tulala siya habang nakatitig lang sa akin. Hawak niya sa isang kamay ang cellphone na iniwanan ko sa kanya.

"Bakit po?"

Kumurap siya na animo ay hindi makapaniwala. Nanginig ang kanyang mga labi.

"My?" untag ko, kinakabahan na sa inaasal niya.

"S-Si Hope at...at ang anak niya... naaksidente..."

Everything happened so fast. I quickly changed again and we went to the hospital. Ang akala kong happy ending na ay may trahedya pa pala. It was a car accident. Hope was unconscious. Her son was in critical condition. Sa sobrang komplikado at bilis ng mga pangyayari ay akala ko panaginip lang ang lahat.

Habang pinagmamasdan ko si Jok sa labas ng pinto ng ICU ay may boses na nagsasabi sa utak ko na totoo ngang nangyayari ito. Nakaupo siya sa sahig habang nakayuko at bagsak ang mga balikat. Tumayo ako mula sa tabi ni Lake at nilapitan si Jok. I slowly sat beside him. I could see now, how much he loves her.

"They will make it." Marahan kong hinaplos ang kanyang balikat.

Hindi kumibo si Jok. Nanatili siyang bagsak na nakayuko. Hindi huminto ang paghaplos ko kahit na nagsimula na ang matinding panginginig ng kanyang mga balikat. He grunted in pain. His shoulders continuously shook as he cried in grief. And three weeks before my wedding day, Helios died.

"I think... I think we should postpone the wedding,"tahimik na sinabi ko kay Lake isang gabi habang pareho kaming tulala na nakahiga lang sa kama.

Malalim siyang bumuntonghininga at naramdaman ko ang kanyang pagbangon. Nang tingnan ko siya ay nakita kong nakaupo na siya sa gilid ng kama at pagod na napayuko sapo ang ulo.

Bumangon na rin ako para tabihan siya. "I'm sorry. I'm just so worried about Hope. She's withdrawn after the funeral. I can't get to her anymore, Lake."

"I know. I know, but damn it." Inis siyang napahilamos sa mukha gamit ang isang palad. Miserable niya akong tiningnan. "Masama na ba akong tao kung gusto kong...gusto kong tumuloy pa rin sa kasal natin sa nakatakdang araw?"

I licked on my lower lip. Hinaplos ko ang kanyang likod. "You're not. You just want to marry me so bad."

He sighed and nodded. "Isang linggo. Isang linggo lang ang kaya kong hintayan. I will marry you after that one week."

I guess God gave me Lake as the cure to the pain He allowed me to experience in the past just for me to be stronger. Sobra akong nagpapasalamat sa labis na pang-unawang ibinibigay ni Lake sa akin. Instead of attending to our rescheduled wedding date, Lake told me to stay on my best friend's side.

"Help me bake cookies. Different flavor this time,"pakiusap ko kay Hope habang nagsusuot ng seatbelt sa loob ng kanyang sasakyan.

Pinaandar na niya ang kanyang kotse. "Ihahatid na kita sa mansiyon. May dadaanan pa ako."

"Mabo-bore lang ako sa mansiyon kung maaga akong uuwi. Tatambay ako sa apartment mo,"palusot na reklamo ko.

"Ayusin mo na ang kasal niyo ni Lake. Stop worrying about me and get married already."

"Bukas," nakangisi kong tugon.

Pansamantala niyang inihinto ang sasakyan sa gitna ng kalsada dahil sa nadaanan naming stop light.

Napalingon ako sa likurang bahagi ng sasakyan at nakita ang maraming nakahilera rin na mga sasakyang nakahinto.

Ibinalik ko ang tingin sa kanya at nakitang sa labas siya ng bintana ng kotse nakatingin. Nang sundan ko ng tingin ang tinatanaw niya ay nakita ko ang isang batang lalaki sa backseat ng katabi naming nakahintong sasakyan.

Naging tulala si Hope. Napansin ko ang unti-unting pagbabago ng emosyon ng kanyang mga mata.

"Hope..." tawag ko dahil muli ng umandar ang sasakyang nasa unahan namin.

Tila ba narinig niya ako dahil muli siyang bumaling sa harapan. Sinimulan na niya ang muling pagpapatakbo ng sasakyan ngunit nagbago ito. Masyadong mabilis ang ginawa niyang pagpapatakbo.

"Slow down, Hope," utos ko. Kinakabahan na habang kumakapit sa seatbelt. Nang mapansin ang hindi niya pakikinig ay sumigaw na ako. "Hope!"

"Ano ba, Hope?!" I started panicking.

"H-Hindi ko kaya, JC. Miss na miss ko na ang anak ko..." Umiiyak na siya at humigpit ang pagkakahawak niya sa manibela. Masyado ng abnormal ang takbo ng sasakyan.

"Please, Hope, mababangga tayo sa paraan ng pagpapatakbo mo!" pag-awat ko.

Sa bilis ng pagpapatakbo niya ay marami rin kaming mga sasakyan na nao-overtake.

Lumakas ang pintig ng puso ko nang matanaw ang isang malaking truck. Masyadong mabagal ang takbo nito at sa bilis ng pagmamaneho ni Hope ay sigurado akong mababangga kami kung hindi niya babagalan.

"Hope... parang-awa mo na..." I cried.

She did not listen.

I guess it is true about what they say when you are at the end of your life. Your whole life flashes before your eyes. Hindi ko ito naranasan noong tumalon ako sa bangin. Hindi ko ito naranasan noong makailang beses kong tangkain na tapusin ang sariling buhay.

But now, I see faces. Faces of Lolo and Papa. Faces of my friends. The stern yet gentle face of my mother. Lake's face with his overflowing love. I smiled. It was indeed a great life.

I put a protective hand over my stomach, on my precious baby. Oh how I wish I can see my baby's face too. How I wish I can witness my baby smile. Teach my baby how to walk. Read my baby stories. Send my baby to school. And we will talk about life and love.

Naging panatag ako nang maisip muli si Lake. Sigurado akong gagawin niya ang lahat ng pangarap kong gawin kasama ng anak namin. Pumikit ako at naghintay. Binalot ng katahimikan at kapayapaan ang buo kong pagkatao.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top