Chapter 39

Chapter 39

Test

"Good morning po, Lolo Maximo," bati ni Lake. Nasa harap kami ng puntod ni Lolo.

"Noong nakaraang buwan, hiningi ko po ang pahintulot at basbas niyo na pakasalan si Jean..."

Nag-angat ako ng tingin mula sa puntod at inilipat ito kay Lake. Marahan niyang kinuha ang kamay ko, ipinagsiklop niya ang mga kamay namin, at ngumiti siya sa akin.

"Kahapon po, pumayag na siya sa wakas."

Sumandal ako sa kanya at ngumiti. He kissed the top of my head and we were both silent for a moment.

"You proposed to me in Manila," tahimik na panimula ko. "And then in San Luis. You also gave me a proposal when we were in Bukidnon. At kahapon naman sa university. Why?"

"Because I want you to know that I will marry you wherever you want to stay. I will marry you in all of the places which had been a part of your life. Be it the Jean in the past, the Jean now, or even the Jean in the future. I want all of those Jeans because they were all you."

"How come you never forced or gave me and ultimatum to marry you?" sunod na tanong ko.

Ilang segundo pa ang lumipas bago siya sumagot. This time, hinarap na niya ako at mariin na tinititigan.

"Do you remember what I had told you in the past when I gave you the promise ring?"

Kumunot ang noo ko at napaisip kung alin ang tinutukoy niya.

"I told you, I'd marry you when you're ready," siya na ang nagpatuloy.

"Paano kung hindi pa talaga ako naging handa?"

"Eh 'di maghihintay pa rin ako," saad niya.

"Maski hanggang sa pumuti ang buhok mo?" I grinned and slowly put my hands on his shoulders.

He wrapped his arms around my waist. Umangat ang sulok ng kanyang labi.

" 'Di yata tayo aabot sa puntong  'yan. I was so sure that you'd eventually give in."

Nagtaas ako ng isang kilay. "So confident, eh?"

He chuckled. Namumungay na ang kanyang nga mata. "The depth of my love for you just gave me an assurance of the strength of your love for me."

Puno ng pagmamahal kong hinaplos ang kanyang pisngi. "You're so smart. You always have answers for everything."

"Everything is a choice. Kagaya ng pagpili ko na maghintay dahil unang-una pa lang, mas pinili ko nang mahalin ka."

"I love you, Lake," I whispered for the very first time after years of ignoring it. Puno ng kasiguraduhan. Binabalot na ng kanyang mainit na pagmamahal ang buong pagkatao ko.

Napapikit siya nang mariin. Nakita ko ang puwersa sa ugat ng kanyang leeg dahil sa paglunok niya.

"Say it again, please," nanghihinang bulong niya.

I smiled at him filled with adoration. "I love you. I love you so much."

Dumilat siya. May namumuo ng luha sa kanyang mga mata. Marahan niyang hinagkan ang noo ko habang ibinubulong ang kanyang pagmamahal. He then kissed my nose. And after that, he attacked my mouth with so much love and passion. We were lost in each other's love.

"So... I visited and met with your biological father yesterday," si Mommy. Tinawagan ko siya upang kumustahin sa sumunod na araw.

"Was... Was everything okay?" I asked after turning on the oven. Nagbe-bake ako ng cookies para ihatid sa opisina ni Lake.

She sighed. "Well... We both cried. You know, residue of pain and regrets. And then we were both forgiving of each other's faults."

Natahimik ako at napasandal sa likod ng mesa. Nagpatuloy naman si Mommy sa kabilang linya.

"I told him that you are finally getting married. He didn't seem surprised. Nagpaalam daw kasi si Lake sa kanya."

Napabalik-tanaw ako sa nagdaang linggo. Hindi lang pala kina Mommy, Papa at Lolo nagpaalam si Lake. Pati rin pala sa biological father ko.

"Nagkita ulit sila? Kailan po?" Naging kuryoso ako.

"Noong nagpunta kayo ng Bukidnon. Anyway... when is the wedding?" tanong niya. Masyadong halata ang excitement niya.

"It'll be two months from now."

"Oh. Akala ko next month?"

I couldn't help but smile with the obvious dismay on my mother's voice. Pareho silang atat ng mapapangasawa ko.

"Maraming preparations na kailangang gawin, My. Ayaw kong magahol sa oras."

"Oh. Okay..."Alam kong may idudugtong pa sana siya kaso matigas din ang pagpipigil niya sa sarili.

"Are you sure you don't want to help out with my wedding preparations?" Muli kong pagsubok na pangungumbinsi sa kanya.

"No. No," buntonghininga niya. "I want to leave all the decisions to you and your husband. I trust both of your judgment," paninindigan niya. "Oh! By the way, I really love that photo of the wedding dress you sent last night...Have you talked to your stylist about your hair as well and how it'll complement..." And our conversation went on like that. Her gushing over it.

Masasabi kong malaki na talaga ang ipinagbago ni Mommy. Kagaya na lamang ng sinabi niya, hindi siya nakikialam sa wedding preparations namin ni Lake dahil gusto niyang maging malaya kami na magdesisyon. But of course I still ask and listen to her opinions. She is still the expert when it comes to things like these.

Lake and I both spend the next weeks being busy with the wedding preparation. Sa Manila magaganap ang kasal at sa Etheral Palace naman na pagmamay-ari ni Alec gaganapin ang reception. Lake insisted that he would pay for it but Alec strongly refused. He said it is his gift for us. Nagbiro pa siyang kabayaran niya na rin daw ito sa ginawa niyang pagpapaselos noon sa future husband ko.

Matapos ang trabaho sa opisina ay dumeretso na ako sa ELights kung saan naghihintay na rin sina Lake, Hope, at Jok. We take it as our break from the busy weeks we have had.

"Cheers to our soon to be newlyweds!" si Hope na nagtaas na ng kanyang cocktail drink. She is helping Jok manage the club now.

Sumunod naman ako sa pagtaas ng baso sa ere kasama nina Lake at Jok. Sabay-sabay kaming sumimsim sa kanya-kanyang baso. Nasa VIP table kami.

"The drinks are on me kasi mababawi ko na yata itong club mula kay Jok," nakangising sabi ni Hope matapos uminom.

"Bakit? Payag ka na bang makipagbalikan sa'kin?" tanong ni Jok pabalik na biglang nagpatahimik sa aming lahat. Lalong-lalo na sa akin.

Maski wala na namang iniinom ay nasamid si Hope at naubo.

"Wait. Naging kayo?" gulat na tanong ko at nagpalipat-lipat ng tingin sa dalawa. Sabay silang nag-iwas ng tingin kaya binalingan ko ang katabing si Lake.

"You knew about this?"

"Baby, it was so obvious..."malambing na tugon ni Lake.

"Well, except to me!" I retorted. I felt slightly... betrayed. "I didn't even know!"

Hinawakan ni Lake ang baywang ko at marahan akong hinila palapit sa kanya.

"Baby, come here," he softly whispered.

Inilapat ko ang palad sa kanyang dibdib at wala siyang lakas na itinulak. He only chuckled. Marahas akong bumaling ulit sa dalawa na magkatabi ring nakaupo sa tapat namin ni Lake.

"When?" Nagtaas ako ng kilay.

"Univ days. On and off," si Hope ang sumagot.

Umawang ang labi ko. Ako lang yata ang talagang walang alam! Hindi makapaniwala kong tiningnan si Jok.

"You dated this scumbag?" anas ko.

"Amputa, gago 'to, ah," malutong na usal ni Jok sabay tingin sa akin.

Bumunghalit ng tawa si Hope.

Lake dangerously leaned forward. Kritikal niyang tiningnan si Jok. "Did you just curse at my fiancee, Attorney Domingo?" malamig niyang tanong.

Itinikom ko ang bibig upang mapigilan ang paglabas ng tawa. Alam kong hindi naman talagang seryoso si Lake at iniintimida lang si Jok.

Jok also leaned forward. And now they are eye to eye. Maski halata ang pagiging mas matangkad ni Lake sa kanya, hindi pa rin ito naging dahilan para masindak ang kaibigan ko.

Nag-angat ng isang kamao si Jok at marahang sinuntok ang sariling dibdib.

"Ako po, Sir Attorney. Ako talaga 'yong gago."

Hindi ko na napigilan pa at bumunghalit na rin ako sa tawa.

"Sigurado ka ba talaga na hindi si Jok ang ama ni Helios, Hope?" tanong ko makalipas ang ilang oras naming pananatili sa club.

Magkatabi na kami ngayon sa sofa samantalang magkatabi rin na nakaupo sa tapat namin ang dalawang abogado. Abala sila sa pagdedebate sa isang bill na hindi pa naipapasa. Kung titingnan ay malakas na ang tama ng alak kay Jok habang si Lake naman ay okay lang.

"He wishes," tugon niya Hope sa tanong ko.

"Ayaw mo ba talagang sabihin sa'kin kung sino?"pagsubok ko.

Kinibitan niya lang ako ng balikat. "Para sa'n pa? Wala rin namang mangyayari. It wouldn't change a thing. I will raise my child alone."

"Gago at tangina 'yon! Nag-iwan pa ng souvenir, amputa."

Sabay kaming muling napalinga sa deriksiyon nina Lake dahil sa malakas na pagsigaw ni Jok. Nagulat ako nang makitang nakatayo na siya at sobrang lasing na habang pilit na inaawat at pinapakalma ni Lake.

"Tangina! 'Di ako takot sa doktor na 'yon," pagpapatuloy ni Jok. Sarkastiko siyang natawa. "Abogado ako! Suntukan na lang kami..."

Malutong na napamura si Hope sa tabi ko kaya napabaling na rin ako sa kanya. Nakita ko ang pag-iling at ang matalim na pagtingin niya kay Jok. Walang anu-ano ay sumugod siya rito. Sa kanyang tangkad ay halos magkalebel lang silang dalawa. Malakas niyang tinampal ang noo ni Jok.

"Abogadong babaero at lasinggero kamo!" banat ni Hope. Hinawakan niya sa braso si Jok at hinila ito. "Umuwi ka na nga! Kung anu-ano na lang 'yang pinagsasabi mo!"

"Ako may-ari nitong club," si Jok.

"Wala akong pake. Kukunin ko 'to ulit sa'yo. Makikita mo." Ipinagpatuloy niya ang walang kahirap-hirap na halos pagkaladkad kay Jok. Naging amazona siya bigla sa paningin ko. Wala nang nagawa si Lake kung hindi ang sundan ng tingin ang dalawa.

"Tayo na lang kasi ulit..." tunog maamong pagmamakawa ni Jok kay Hope.

Hindi ko na narinig pa ang itinugon ni Hope dahil tuluyan na silang nakalayo. Naiwan naman kaming dalawa ni Lake.

"Let's go home," anyaya ni Lake sa mahina at pagod na boses.

"Yeah. I need a peaceful night," was my response.

Kinabukasan ay nagising ako dahil sa kakaibang nararamdaman sa sikmura na parang gustong lumabas sa sistema ko. Tinanggal ko ang mabigat na braso ni Lake na nakapulupot sa akin at bumalikwas na ng bangon mula sa kama.

Pilit kong matigas na itinikom ang bibig upang mapigilan ang tuluyang pagduwal. Tinakbo ko ang CR at halos masubsob pa sa toilet bowl nang rumagasa na ang pagsusuka ko. Sa tindi nito ay pakiramdam ko pati yata internal organs ko ay gustong madala.

Nang sigurado na akong ubos na, ni-flush ko ang inidoro at nagmumog sa lavatory. Tiningnan ko ang mukha sa salamin at nakita ang pamumutla nito. Ang sobrang gulo pa ng buhok ko. Pinunasan ko ang bibig gamit ang tuwalya at tumalikod na.

"Jean?" tawag ni Lake. I could now hear his footsteps getting closer.

Ilang sandali pa ay nakita ko siyang nakatayo na sa nakabukas na pintuan ng CR. He is only wearing his boxers. Tulad ng sa akin ay sobrang gulo rin ng kanyang buhok at may pula-pulang galos din sa iba-ibang parte ng balat niya. Halatang galing sa kalmot ko. Nanggigil yata talaga kaming pareho sa kama kagabi. I felt sore all over my body too.

Sa naniningkit na mga mata ay pinagmasdan niya ako. "You okay?"

"Hang-over yata. Naparami ang inom ko kagabi."

Napahilot siya sa kanyang sentido. Nagtagpo ang kanyang kilay.

"Isang baso lang ininom mo. Sinigurado ko 'yon."

Naglakad na ako at nilapitan siya. Nakaramdam ako ng kaunting pagkahilo.

"I don't know. I'm not sure."

Pareho na kaming bumalik sa kami. Pabagsak akong nahiga rito at tumihaya. Hindi naman siya sumunod at nakatayo lang sa paanan ko. Ilang minuto niya lang akong tinititigan. Mukhang malalim din ang iniisip niya dahil hindi pa rin natatanggal ang kunot sa kanyang noo.

"I'm calling the doctor," deklara niya bigla at naglakad na palapit sa mesa kung nasaan ang cellphone niya.

"I'm fine! I'm not sick!" awat ko. Nakatingala lang sa kisame.

Hindi siya sumagot kaya tiningnan ko siya. Nakita kong hawak na niya ang kanyang cellphone at may kausap na siya sa kabilang linya.

"No. Yes... Just one Margarita... uh huh...No. Ni hindi niya nga naubos."Natigilan siya habang mariing pinakikinggan ang kausap sa kabilang linya. Matapos ang ilang sandaling tahimik lang na pakikinig ay unti-unting nagbago ang ekspresiyon sa kanyang mukha. It is now in awe.

Dahan-dahan siyang lumingon sa gawi ko. Sa pagtataka na rin ay napabangon ako at naupo na sa gilid ng kama.

"You think so?" marahan niyang tanong. Sa akin ang tingin.

"What?" untag ko.

Ipinalandas niya ang dila sa kanyang ibabang labi at nilapitan ako. Iniabot niya sa akin ang cellphone.

"The doctor wants to talk to you."

Nanliit ang mga mata ko. Sa huli ay mababaw akong nagpakawala ng buntonghininga at tinanggap ang cellphone na iniaabot niya.

"Yes?"

"Good morning, Mrs. Mendez," bati ng boses ng isang babae sa kabilang linya. Napatingin ako kay Lake sa paraan ng pagtawag ng babae sa akin. "This is Doctor Patel. Have you had your period yet?"

"Period?" Nalito ako sa takbo ng tanong niya. Hinilot ko ang sentido habang napapaisip na rin. "I... Not yet. Baka delayed lang?"

"Alright. In that case, I will schedule an appointment with you per your husband's request—"

"He isn't my husband yet," pagtatama ko na inignora naman ng doktora.

"and I will ask my secretary to inform and contact you regarding the details."

"Right," tanging nasabi ko. Wala ng kontrol sa kung anuman ang nangyayari.

Nagpaalam na ang babaeng doktor at ibinaba ang tawag. Iniabot ko ang cellphone pabalik kay Lake.

"You're overreacting,"sambit ko.

Dumapo ang kritikal na tingin niya sa bandang tiyan ko na para bang may inaasahan siyang may laman na ito. "Naninigurado lang."

"Wala nga," giit ko. Pareho naming alam ang tinutukoy ko.

"Meron 'yan," tunog siguradong sabi niya.

Dahil na rin siguro sa koneksiyon niya ay mabilis kaming nakakuha ng appointment schedule. Kinahapunan, habang nasa daan at bumibiyahe na patungong ospital sakay ng kotse ni Lake ay nakatanggap ako ng tawag mula kay Mommy.

"You're pregnant?" intrada kaagad niya sa kabilang linya.

Matalim akong napasulyap sa katabi at nagmamanehong si Lake.

"You told her?" inis na tanong ko sa kanya.

"Of course, he has told me! I am your mother! I should know!" Tumaas ang boses ni Mommy.

"My, hindi pa po kami sigurado," kalmado kong pagpapaintindi.

"Okay. Okay. In two months, it'll be your wedding day. Hindi pa naman siguro mahahalata ang tiyan mo..." sabi niya na parang kinakausap ang sarili.

Muli kong sinulyapan si Lake. Maski hindi siya nakatingin sa akin dahil nakapokus lang sa pagmamaneho ay tumalim pa rin ang tingin ko sa kanya.

"Inuulit ko, My, hindi pa po tayo sigurado. I don't feel anything weird. 'Di ba kung buntis dapat gano'n?" Nanindig ang balahibo ko nang mabanggit ang salitang 'buntis'.

"Ganiyan din ako noong ipinagbubuntis kita, Jean kaya sigurado akong ganiyan ka rin," positibong-positibo niyang paghuhusga.

"Okay," sumuko na lang ako at hindi na nangatwiran pa. Wala rin naman yata akong mapapala. "I need to call you back later. Malapit na kami sa ospital."

"Well, kapag may resulta na, you better inform me first."

"Okay. Bye." Ibinaba ko ang tawag at tiningnan si Lake. "Hindi mo na dapat tinawagan si Mommy."

Ngumiwi siya at nahihiya pa akong sinulyapan bago ibinalik ang balisang tingin sa daan. "Actually....about that..."

Hindi niya na naituloy ang sasabihin dahil sa muling pag-ring ng cellphone ko. Nang tingnan ang naka-display sa screen ng caller ID ay nakita kong si Hope ito.

Pinindot ko ang accept button at naisipang i-on ang speaker ng tawag niya.

"Oh my God! You're pregnant!" Nabulabog ang loob ng kotse ng kanyang matinis at malakas na tili.

"No, I'm not." I gritted my teeth.

"Anong ibig mong sabihin? Lake told me!"

Kung nakakatupok lang ang tingin ko ay naging abo na ang nagmamanehong si Lake.

"Uh..." tikhim niya at nerbiyos akong sinusulyapan," I was... a bit carried away."

"Wait... You're not?" si Hope na halos makalimutan ko nang nasa kabilang linya pa rin pala at halatang narinig ang sinabi ni Lake.

"Hindi pa kami sigurado," sabi ko na nagiging sirang plaka na dahil ipinaalam ko rin ito kay Mommy kanina. "I'll talk to you later, Hope."

"You better! Hihintayin namin ni Helios ang result!"

Ibinaba ko ang tawag at pagod na isinandal ang likod sa backrest ng upuan. Pumikit ako nang mariin. This is going to be a long and tiring day.

Ilang minuto pa ay nakarating na rin kami sa ospital. Pareho kaming tahimik ni Lake. Hindi siya sumubok na kausapin ako. I know he could feel my brewing annoyance.

Iginiya kami ng isang nurse sa clinic ng OB na magsusuri sa akin. Hindi nagtagal ang paghihintay namin at nakapasok rin kami kaagad sa consultation room.

Naupo kami sa tapat ng mesa ng isang babaeng OB. Napagtanto kong hindi siya ang babaeng doktor na kausap ko kanina. Ipinaliwanag niyang ni-refer lang kami ng general physician sa kanya.

"Let's see... Have you done a pregnancy test at home yet?" tanong niya na sa akin nakatingin.

"Actually, no," sagot ko. Ngayon lang nag-sink in sa akin na dapat ginawa ko pala iyon. "You see. This is our first time... kaya hindi rin namin alam ang gagawin."

"We were both very excited so we kinda rushed here," dagdag naman ni Lake.

Napansin kong hindi na nagulat ang doktor sa naging sagot namin. Ngumiti siya.

"Let's have a pregnancy test then. First we're going to check your urine sample to find out if you're really pregnant and then after that, just for a confirmation, we will do some blood test and then physical exam, okay?"

"Right," pagsang-ayon ko at nagsimula na ring makaramdam ng kaba.

Nagbukas siya ng isang drawer at may kinuhang isang maliit na puting bagay rito. Pamilyar ito sa akin dahil madalas kong nakikita sa palabas na napapanood ko.

"Do you know what this is?" tanong ng doktor.

"Pregnancy test kit," sabi ko.

"Yes. Just hold this part here as you pee. Once you see two red lines, that means you really are pregnant."

"Okay." Pumaos ang boses ko.

Tahimik niyang iminuwestra ang deriksiyon ng CR. Tumayo ako at naglakad palapit dito. Nilingon ko si Lake at nakitang tulala lang siya sa kinauupuan habang nakayuko na para bang nagdarasal.

Huminga ako ng malalim at nagpatuloy sa paglalakad. Nang makahinto na sa tapat ng pinto ng CR ay pinihit ko ang door knob at binuksan ang pinto pumasok na ako sa loob.

Matapos sundin ang utos ng doktor ay tinitigan ko ang linya. Isang pulang linya muna ang lumabas. Hindi nagtagal nasundan din ito ng isa pa. Umawang ang labi ko. Hawak ang test kit, muli kong binuksan ang pinto. Bumungad sa akin si Lake na kabadong naghihintay pala sa akin sa labas nito.

Mula sa aking mukha ay lumipat ang tingin niya sa hawak ko. Unti-unting sumilay ang malaking ngiti sa kanyang mga labi.

Mabilis niya akong niyakap nang mahigpit. He deliciously chuckled. Napatingin ako sa doktor na tahimik na nakatanaw sa amin.

Ngumiti siya sa akin at tumango.

"Congratulations! You are pregnant. And now, let's do the rest of the test."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top