Chapter 38

Chapter 38

Finally

Sa sumunod na Linggo ay umalis naman kami ng San Luis at tumulak ng Bukidnon. Balak namin na sunduin sina Mommy at Manang. My mother is getting better these days. Nakakausap ko na siya nang maayos at nagpahiwatig naman siya ng kasiyahan nang ikuwento ko sa kanya ang muli naming pagbabalikan ni Lake.

Nasa terasa kami habang umiinom. Umiinom ng tsaa si Mommy samantalang kape naman ang iniinom ko. Pareho naming pinagmamasdan ang mga paru-paro na nagliliparan sa mga namumulaklak na halaman sa tapat.

"I've never been a good mother to you, Jean," pagbasag ni Mommy sa katahimikan.

Iniwan ko ang magandang tanawin para tingnan siya. Ipinatong ko ang palad sa isang kamay niya na nasa mesa.

"Let's not talk about the past anymore, My," banayad kong sinabi. I did not want to upset her.

"No. No," angal niya at malungkot akong ginawaran ng ngiti, "We can't really fully face the present and move on to the future without talking about the past."

"Gusto kong humingi ng kapatawaran. Instead of making you your own version of a butterfly, I cut your wings off. I did not allow you to spread your wings for yourself. I made you a version of myself."

"You just wanted what's best for me," sabi ko. Because at the end of the day, I finally understood her, in a way.

"I was too selfish," pagpapatuloy niya. "Sa takot ko na magkamali ka tulad ng naging pagkakamali ko ay kinontrol ko ang buhay mo. I dictated you on what to study. I dictated you on what to wear and how to act. I dictated you on who to love."

Sa huli niyang sinabi ay sabay kaming napatanaw sa hardin na nasa gilid kung nasaan si Lake. Abala niyang ipinagpapatuloy ang pagtatayo ng isang orchidarium na pangarap ni Mommy. Kasama niya si Manang na siyang nagdidikta sa kanya kung ano ang gagawin. Kasalukuyan na niyang nilalagyan ng screen ang paligid nito upang hindi mapasok ng mga manok at iba pang hayop.

"Hindi na sana kita dapat pinigilan pa na mahalin siya noon," tahimik na dugtong ni Mommy.

"Maybe that was destiny because everything worked out in the end," nakangiti kong sinabi. "I wasn't ready back then. I was too young and hadn't matured yet. Sa tingin ko rin, hindi rin alam ni Lake ang talagang gusto niyang gawin sa buhay noon. We were both finding ourselves kaya masasabi ko na tama lang po."

Yumuko siya. Her shoulders shook. "Ang mga... Ang mga sinabi ko at paratang ko sa'yo noon sa korte..." Pumikit siya ng mariin at bumuhos ang mga luha niya. "I even accused y-you of... of being your...your stepfather's mistress... That was unforgivable—"

Agaran akong tumayo at mistulang musmos siyang niyakap. I don't want her to feel devastated. I want her to completely heal.

"Hindi ikaw 'yon, My," bulong ko at hinagkan ang kanyang buhok. "You were sick. That was not you talking."

"I'm sorry, Anak... I'm sorry..." She cried and I hugged her even tighter. After minutes, we both calmed down.

"Sumama ka po sa'min ni Lake. Let's go home to Manila. Bumalik po tayo ng mansiyon."

"I am home here, Jean," sagot niya. "Kahit minsan, alam kong hindi ako nararapat sa Maynila. I forced myself to belong there... pero ang totoo, dito lang sa Bukidnon ang tahanan ko. Here, I finally found peace. This will be my home now."

"Kailangan ko po kayo," pangungumbinsi ko sa kanya.

Kinuha niya ang kamay ko at hinarap ako nang maayos. Malungkot siyang ngumiti.

"Hindi mo ako kailangan. Maski noong bata ka pa, sobrang independent mo na. And you have a man now. A man who never left and will never leave you. Lake will take good care of you."

Ilang minuto bago tuluyang lumubog ang araw ay nilapitan ko ang orchidarium na ginawa ni Lake sa tulong na rin ni Manang. Mag-isa lang ako dahil nasa kusina sina Manang at Mommy habang si Lake naman ay kanina pa may conference call.

The size of the orchidarium was perfect. Halos isang Linggo din ang iginugol ni Lake matapos lang ito. I helped out a bit but mostly, silang dalawa ni Manang ang talagang nakatapos nito.

Napatingala ako nang may isang naligaw na paru-paro na gustong pumasok dito. Pinagbigyan ko ito at binuksan ang pinto upang makapasok. Hindi ito pumasok at nanatili lang sa labas ng screen na tila ba nagmamasid lang sa loob.

"Want me to catch it for you?"

Napasinghap ako at napahawak sa dibdib dahil sa gulat nang marinig ang boses ni Lake galing likod. Nilingon ko siya at inilingan. Tumango siya at ngayon ay sabay na naming pinagmasdan ang paru-paro. Ilang sandali pa ay lumipad din ito papalayo.

"Sa'n kaya 'yon pupunta?" he asked curiously.

"It's probably going out there. See the world before staying for good," wala sa sarili kong sambit at pagkatapos ay binalingan na siya. "Tapos na ang conference call mo?"

Tumango siya at ngumiti. "Short conference call lang kasi babalik na rin naman tayo ng Manila bukas. Have you convinced your mom?"

Umiling ako. "She wants to stay here. And I think it's good for her. Mas masaya siya rito."

Mas lumapit siya sa akin. He hugged me from the back.

"Palagi rin naman tayong bibisita rito," paglalambing niya. He then kissed the top of my head.

Ngumisi ako at bahagya siyang nilinga. "You are so clingy, Attorney."

"Dapat lang naman. I'm your boyfriend, Miss Villarejas," awtomatiko at tila ba nagmamayabang pa na tugon niya.

Napapikit ako at dinamdam ang yapos niya. I breathed in and smiled.

"Will you finally marry me?" he softly whispered out of the blue.

"Not yet." Mas lumapad ang ngiti ko.

Sa unang araw na pagbabalik namin ng Maynila ay sumabak kaagad ako sa trabaho. I manage Papa's company again. Sa tulong na rin ni Attorney Pelaez ay naging maayos ang takbo nito.

Unti-unti nang bumabalik ang mga dating tauhan at kasamahan namin sa mansiyon. Minsan kapag hindi nagagawi si Lake dito ay nakakaramdam ako ng lungkot at pangungulila lalong-lalo na kay Papa at Lolo. Sa tuwing nakakaramdam ako nito ay tinatawagan ko naman si Mommy.

"What's my schedule for tomorrow morning, Patty?" tanong ko sa aking sekretarya. Nasa opisina ako at tambak na sa mesa ang mga papeles na kailangang pirmahan. Dalawang linggo pa lang ako sa Maynila at puro trabaho na ang inaatupag ko.

Tiningnan niya ang screen ng hawak na ipad.

"You have a 9 o'clock meeting with the management team. And then 11 o'clock talk with one of the distributors. And you are free from 12 noon until 1 in the afternoon, as what you've ordered po."

Ibinaba ko na ang hawak na ballpen at tinanguan siya.

"Okay. What about in the afternoon?"

Muli siyang napatingin sa ipad at kumunot ang kanyang noo.

"May afternoon conference call po kayo with the suppier from Italy. And after that uh...you have the entire afternoon free na po sana uh... But then, I received a call earlier from a Miss Erica Ramones."

Nahawa na rin ako ng pagkunot niya ng noo. "Ramones?"

"Teacher niyo raw po noon sa university," paliwanag ni Patty.

"What does she want?"tanong ko nang makilala na ang taong binanggit niya.

"She said she'd like to invest. She wants to see you and talk about it personally. Kung pupuwede raw po sa university raw po kayo magkita kasi may workshop pa siyang tinatapos. But if you have plans, Miss, I can just tell her about it."

That's bizarre. Why would she want to invest all of a sudden? And why at the university? What does she really want?

Kinuha ko ang cellphone na inilagay ko sa loob ng drawer at pagkatapos ay tiningnan na ang aking sekretarya.

"No, it's fine. Please tell her I will see her," bilin ko at pagkatapos ay ni-dial na ang number ni Lake.

"Nasa'n ka?" bungad ko kaagad nang sagutin niya ang tawag.

"I'm driving and still on the road." Dinig ko nga ang ingay ng mga sasakyan sa background niya. "Papunta na ako riyan para sunduin ka para sa lunch natin."

"Okay. I'll see you." Ibinaba ko na ang tawag. Sinulyapan ko si Patty at nakitang nakangiti siya habang nakatingin sa akin. Nang tingnan ko naman ang mga mata niya ay nakita kong may luhang namumuo rito.

"I'm really happy that you're back, Miss,"sambit niya. Puno ng sensiredad.

"Me too." I smiled at her. "Thank you, Patty."

Naghanda na ako para sa pagbaba sa lobby. Bitbit ang purse ay lumabas na ako ng opisina at sumakay ng elevator. Sa lobby ko na rin pinaghintay si Lake at hindi na siya pinaakyat pa.

Tulad ng inaasahan ko, nadatnan ko nga si Lake na nakaupo na sa sofa ng lobby. Naalala ko sa kanyang puwesto ang nakaraan. He gets a lot of attention especially from the women who work at the recruitment agency renting in the second floor. Halatang papalabas na rin ang mga ito para mag-lunch ngunit hindi pa rin nila maiwasang mapatingin sa gawi ni Lake. Dapat talaga masanay na ako sa tuwing nangyayari ito.

Hindi pa man ako nakakaisang hakbang papalapit sa kanya ay tila ba naramdaman na niya ang presensiya ko dahil sa paglingon niya. Tumayo siya at tinanaw na rin ako mula sa kinatatayuan niya.

This same scene reminded me again of the past. Iyong mga panahong hinihintay niya rin ako sa lobby noon. Ang pagkakaiba lang ngayon, ay hindi na siya ang dating Lake na wala pa ring kasiguraduhan sa gustong gawin sa buhay. He is now the very successful Attorney Lake Jacobe Mendez, so dignified looking with his well pressed dark suit.

Then he slowly smiled.  Iyong klase ng ngiti na tanging sa akin lang niya iginagawad. And because of this I realized that he is still that same person I have loved in the past and will still love.

Walang pag-aalinlangan akong naglakad papalapit sa kanya. Puno ng kumpiyansa naman siyang naghintay lang sa pagdating ko. Ngumiti ako sa kanya nang makalapit.

Naglahad siya ng isang kamay. "Gutom ka na?"

"Yeah. I'm starving," eksahirada kong sagot sabay hawak sa kamay niya.

Mahina siyang natawa at naglakad na kami patungo sa pintuan para makalabas na.

We only had a short ride. Malapit lang din naman ang restaurant na madalas na naming kinakain sa mga nagdaang araw. We always make it a point that despite both of our hectic schedules, we still eat lunch together. Hindi namin ito nagawa noon.

Sa unang bahagi ng pananghalian ay magagaan na bagay lang ang pinag-usapan namin. I asked him how his day has been so far. He also asked me about mine.

"A bit bizarre, actually," kaswal na panimula ko sa pagksa.  "Your ex, Ma'am Ramones, wants to invest in Apollo's Vintage Vino Company."

"My ex who?" Nagtagpo ang kanyang kilay. Kinuha niya ang kanyang wineglass at sumimsim dito.

"Si Ma'am Ramones. Iyong binigyan mo ng cookies na gawa ko," pagpapaalala ko. Dumiin ang pagkakatusok ko sa green peas gamit ang hawak na tinidor.

Nanatili lang ang kalituhan sa hitsura niya kaya napabuntonghininga ako at binitiwan ang tinidor na hawak.

"Si Ma'am Ramones. Kasama mo sa faculty sa university noon."Halos irapan ko na siya sa panandaling amnesia niya.

Unti-unting nagbago ang ekspresyon sa mukha niya kaya alam kong naaalala na niya.

"Ah. She's not my ex."

"Eh 'di iyong co-teacher mo na lang na may crush sa'yo no'n," palatak ko. "I will be seeing her tomorrow."

"Still jealous? Gusto mong samahan kita?" alok niya na may malapad na ngisi pa.

"Huwag na," mabilis kong pagtanggi. "Baka makita ka pa no'n..."

Umangat ang sulok ng kanyang labi. "You shouldn't be jealous. May asawa na 'yon."

"I'm not jealous." Bumalik sa akin ang huli niyang sinabi. Sa naniningkit na mga mata ay pinagmasdan ko siya. "Paano mo nalaman na may asawa na siya? Do you still keep in touch with her."

"Wild guess."Nagkibit siya ng balikat at inilapag na sa mesa ang wineglass. "Dalawang taon ang tanda niya sa'kin. Dapat nga may asawa na rin ako ngayon..."

Hindi nakalagpas sa akin ang kanyang pasaring.

"Eh bakit kasi 'di ka pa nag-asawa?"pekeng pagtataray ko.

" 'Di pa handa 'yong babaeng gusto kong asawahin." He winked. "Maghihintay yata siyang lumagpas siya sa kalendaryo."

Kumuha ako ng isang green peas sa plato at ibinato ito sa kanya. He only chuckled. Kukuha sana ako ng isa pa nang may ibang kumuha ng atensiyon ko sa pagpasok ng isang lalaki na parang pamilyar sa akin. Nakasuot siya ng isang kulay itim na tshirt na fit sa matipuno niyang katawan at isang faded jeans. Nakasisiguro akong sa San Luis ko siya nakita makailang beses dati. Pero saang partikular na lugar nga ba?

Umawang ang labi ko nang may matagpi na. Siya iyong sumundo kay Winona noon papasok sa isang magarang kotse!

Sinundan ko ng tingin ang paglalakad ng pamilyar na lalaki. Dumeretso siya sa isang bakanteng mesa sa may sulok at naupo.

"What is it, Jean?" nagtatakang tanong ni Lake.

"May taga San Luis na napadpad dito," sabi ko, hindi pa rin nilulubayan ng tingin ang lalaki.

"Huh?" Sinundan na rin ni Lake ang deriksiyon ng tinatanaw ko.

Mas lumalim pa ang pagtataka ko nang makita ang biglang pagpasok ni Attorney Pelaez sa restaurant. Napasinghap ako nang makita ang paglalakad niya sa deriksiyon ng lalaki. Huminto siya nang makalapit na sa mesa. Nagbatian sila at naupo na si Attorney Pelaez sa tapat nito.

"A-Attorney Pelaez is here," nahuling pagpapaalam ko kay Lake sa nakikita. "Kilala nila ang isa't-isa?"

"Uh huh."

Ang bilis kong nakalingon kay Lake. Nakita kong sa akin na siya nakatingin.

"How? Sino ba ang lalaki na 'yan? Client ni Attorney Pelaez?" sunod-sunod na mga tanong ko.

"No." Lake sighed. "That's his son, Benedict Pelaez."

"Son? Hindi ba nag-iisa lang naman ang anak ni Attorney? And she's a girl. Nag-aaral sa America." Naghintay ako sa eksplenasyon ni Lake.

Imbes na sagutin ang mga tanong ko ay muli lang siyang nagpakawala ng mababaw na buntonghininga.

"It's... It's complicated," sabi niya. "Mamaya ko na ikukuwento sa'yo."

"Patty, paki-check na lang ng email ni Mr. Alejandro later, okay?" bilin ko sa sekretarya kinahapunan sa sumunod na araw. Nagmamadali na ako dahil late natapos ang conference call namin ng supplier mula Italy.

Malapit ko ng marating ang pinto nang napabalik na naman ako sa mesa dahil nakalimutan ko ang bag sa pagmamadali. Mabuti na lang at maagap si Patty.

"Okay, Miss! Bag niyo po!"

Iniabot niya ito sa akin at mabilis ko namang tinanggap.

"Thanks!" Tatalikuran ko na sana siya nang natigilan ako. Napatingin ako sa sariling suot. I am wearing a simple white chiffon shirt and covered it with a gray blazer. Ang pang-ibabang suot ko naman ay casual dark jeans lang.

"Are the clothes I'm wearing okay?" tanong ko kay Patty.

"Well..." Mapanuri na rin na naktingin si Patty sa suot ko. "To be honest, Miss, I am not used to seeing you wear...uh... casual clothes in the workplace. I could see these past few days that your style has changed and I think... I think I like this new fashion style of yours better."

I grinned. "Okay. Thanks again." Muli na akong nagpaalam at dere-deretsong naglakad palabas ng opisina.

Naging panatag ang loob ko nang nasa daan na sakay ng kotse. Hindi masyadong traffic sa kalsada kaya walang sagabal at alam kong hindi ako masyadong late sa usapan. Kailangan kong panatilihin ang pagiging propesyonal.

I finally arrived at my old university. Matapos maiparada ang sasakyan sa parking area ay lumabas na ako. Kapansin-pansin sa buong paligid na kaunti lang ang mga estudyante dahil semestral break pa.

Ngumiti ako habang pinagmamasdan ang gusali. Waves of wonderful memories hit me again. Parang kailan lang noong nag-aaral pa ako rito. Nagpatuloy ako sa paglalakad at tinungo na ang daan patungo sa faculty room kung saan naghihintay si Ma'am Ramones. Ang totoo, napahanga niya ako dahil sa pananatili niya sa university.

Huminto ako sa tapat ng pinto ng faculty room. Napangiti ulit ako nang maalala ulit ang mga pagkakataong lagi akong napapagawi rito para lang bigyan ng kung ano si Lake. Para lang mapansin niya noon.

Akma na sana akong kakatok pero hindi ko naituloy dahil sa paglapit ng isang estudyante sa akin.

"Kayo po ba si Miss Jean Caitlyn?" tanong niya.

Napatingin ako sa hawak niyang white folder. Bigla niya itong iniabot sa akin.

"May nagpapabigay," misteryosong sinabi niya.

Tinanggap ko ito at kuryosong binuksan. Umalis na rin ang estudyante. Napasinghap ako dahil sa nakitang napakaraming sticky notes na nakadikit sa loob ng folder na ibinigay niya. It reminded me something about the past once again. Pareho ng kulay na ginamit ngunit iba lang ang penmanship. Isang penmanship na sobrang kilalang-kilala ko.

"I wonder every second of the day if you ever wonder of me too."

"If love is you, then you are my own definition of love."

"My most favorite part of the day is seeing you."

These are the same quotes I had sent him before. Isinoli niya ang mga sticky notes na bigay ko noon. How could he memorized all of those quotes all these years?

Sobrang dami nito. Halos trentang sticky notes. He did really memorize them all.

"Your mere presence tends to warm my cold existence," says the note at the bottom.

Unti-unti akong nag-angat ng tingin. Tiningnan ko ang nakasaradong pinto. Ngayon ay napagtagpi-tagpi ko na ang nangyayari at ang maaaring mangyari pa. Is he waiting for me inside?

A tear rolled down my cheek as I slowly opened the door. Tama nga ako. There he is. Standing in front me. There is nobody else inside but only him. O kung sakaling mayroon man, tiyak akong hindi ko mapapansin dahil tanging si Lake lang ang tinititigan ko.

Kasabay ng hikbi ko ay ang paglabas ng tawa sa bibig ko dahil sa kanyang pormahan. He maybe wearing a tailored suit but on his head is a cowboy hat. Gaya na lamang ng iginuhit ko na nakita niya sa Bukidnon.

"Just like what Swami Vivekananda says, 'All love is expansion, all selfishness is contraction," he started with a smile on his face. "Love is therefore the only law of life. He who loves lives, he who is selfish is dying. Therefore love for love's sake, because it is the only law of life, just as you breathe to live."

"That's the content of my love letter. You memorized them all..." mangha kong pahayag.

He playfully smirked but his eyes remained serious. Determined. Loving. May dinukot siyang isang maliit na black box mula sa bulsa ng suot niyang pants.

Marahan niya itong binuksan at nakita ko sa loob ang dalawang singsing na naka-display. The old promise ring and beside it is a new diamond ring.

"Puwede na ba akong pang-future husband mo?" he whispered.

Ngumiti ako at lumapit sa kanya. Tinitigan ko siya sa mga mata at unti-unti kong inilahad ang kamay sa kanya.

"Yes. Yes, I will marry you."

Marahan niyang kinuha ang dalawang singsing mula sa box at maingat itong isinuot sa daliri ko. First, the promise ring that he gave me years ago and has tried giving me a couple of days ago. And then the new diamond ring.

Matapos niya itong gawin ay niyakap ko siya at niyakap din niya ako pabalik. Ang yakap ko ay puno ng pagsuko at tiwala. Ang yakap niya ay puno ng pagtanggap at pangangakong pagtupad.

"Finally," anas niya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top