Chapter 37
Chapter 37
Proposal
I did not hesitate and hugged him back. In his embrace, I felt at peace. Ilang oras kaming ganoon. Hanggang sa kumalas siya para tingnan ako sa mga mata.
Batid ko ang kasiyahan na ipinapakita ng kanyang mga mata. Nang titigan ko rin ito ay tanging mukha ko ang nakikita ko. Sa sobrang pagiging tahimik namin habang nagtititigan lang ay para bang naging isa lang ang tibok ng mga puso naming dalawa.
Unti-unti niyang inilapit ang mukha sa akin. Ganoon din ang ginawa ko at sinalubong din siya. Hindi ako kumurap nang atakihin niya ng mainit na halik ang mga labi ko. I responded with the same hot intensity he is giving.
Sa sensasyon ay napakapit ako sa kanya at inilingkis ang mga braso sa kanyang leeg. Naglakbay naman ang mga kamay niya sa beywang ko. He carried me and put me on the counter. Hindi siya tumigil sa sabik na pag-angkin ng mga labi ko.
His kisses were so hot. So familiar. I felt so intoxicated dala na rin sa whiskey na pareho naming ininom. Gaano man kahaba ang panahong namagitan na hindi ko naramdaman ang halik niya, masasabi ko pa rin na pamilyar pa rin ito sa akin. It was still like home.
I moaned when he deepened the kiss as his hand reached the back of my neck just to hold me in place.
Upang mabigyan ako ng pagkakataon na mahabol ang hininga ay naglakbay na muna ang mga labi niya sa gilid ng mga labi ko. Maiinit at maliliit na halik ang idinadampi niya hanggang sa maramdaman ko na ang mga labi niya sa aking tainga.
"I want you," he sexily whispered.
Panandalian akong nawala sa katinuan at nakalimutan kung nasaan kami. One part of me just wanted him to take me right then and there. The other part of me is thankfully still in control.
"N-Not here," daing ko sa may panginginig na labi. Bahagya kong naisandal ang ulo sa kanyang balikat dahil sa panghihina dulot ng makamundong pagnanasa.
"I can't wait any longer. Tangina." He added with a soft curse and a chuckle. "Sasabog na yata ako."
I giggled. Dinig ko ang matinding pagpipigil niya sa sarili.
"Upstairs," I whispered and wrapped my legs around his waist. Hinawakan niya ang binti ko at iginiya ito nang maayos dahil hindi ko ito magawa nang mabuti sa nararamdamang halos pagka-jelly na ng mga binti sa panghinina.
He effortlesly carried me upstairs and I couldn't helped but hold onto him tightly. Ramdam na ramdam ko ang pangangailangan niya dahil sa umbok ng zipper ng suot niyang jeans na mistulang kumikiskis sa ibabang bahagi ko. I was so lost and drowned with the feelings that I almost didn't hear the door opening.
Dahan-dahan niya akong ibinaba sa malaking sofa. Humagikgik ako nang maalala kung nasaan kami.
"I'm sure maiinis sa'kin si Hope nito," natatawa kong sinabi habang kagat-labi siyang pinagmamasdan na naghuhubad ng suot niyang tshirt sa harap ko.
"Sabi ko na nga ba talaga at masyado kang nagwo-work out." I state while staring at his abs in awe.
Nagtagpo ang kilay niya at nanliit ang kanyang mga mata.
"Bakit?"
"Kasi ang ganda ng katawan mo..." paos na bulong ko. Nag-echo pa sa buong silid.
Mas lalo lang naningkit ang kanyang mga mata. "No. I mean, bakit maiinis sa'yo si Hope?"
Pinalandas ko ang palad sa armrest ng sofa at ngumisi sa kanya. "Because this is our tsismisan sofa. And now..."
"We're going to make love on it," dugtong niya na nakangisi na. Umusog ako sa dulo nito at sumunod naman siya. Ngayon ay kinukubawan na niya ako.
Unti-unti akong naghubad ng suot na blouse nang hindi tinatanggal ang titig sa kanya. I could see the naked want on his face. But more importantly, I could see love.
Muli niyang dinampian ng mababaw na halik ang labi ko. Awtomatiko naman ang naging pagtugon ko. Inilandas niya ang mainit na palad sa likod ko. Alam ko ang pakay niya kaya upang pagbigyan siya ng daan ay lumiyad ako. He then expertly unhooked my bra and after just seconds, I am naked under him.
I gasped when I felt his thumb touched my nipple. Parang may kusang dumaloy na kuryente sa buong katawan ko. Pansamantala akong nawala sa sarili at desperadang kinapa ang zipper ng suot niyang jeans upang buksan ito. I want to give him the same intensity he is giving me.
Marahil ay batid niya ang suliranin na kinakaharap ko. He chuckled and leaned backward a bit. He unbuckled his belt with a smirk on his mouth. Nakaawang naman ang labi ko habang tahimik lang siyang pinagmamasdan sa mabilisang ginagawa.
Mahina siyang napamura nang muntik nang mahulog sa sofa. Napatakip naman ako sa bibig hindi dahil sa takot kundi dahil gusto kong pagtakpan ang pagtawa.
"M-Maybe we should do it on...the floor?" inosenting suhestiyon ko.
Umayos siya sa pagtayo at ngayon ay hawak na ang natanggal na belt sa isang kamay. Walang abiso niya itong binitiwan kaya nahulog sa sahig.
"It's cold. Baka magkasakit ka pa."Nadepina ang ugat niya sa braso habang itinatanggal niya ang butones ng pantalon. Nang matagumpay niya itong natanggal ay dahan-dahan niyang ibinaba ang suot na jeans until he is completely naked.
He then stood proudly, in front of my eyes. Hindi ko na mabilang kung ilang beses akong mabigat na napalunok habang tinititigan ito. Napaahon ako bigla mula sa sofa. Ngunit hindi ito dahil sa takot kundi dahil sa gustong gawin.
I switched places with him and slowly took off my remaining clothes. Tinanggal ko ang high-waisted shorts pati na rin ang underwear na suot. Mula sa mga mata ko ay nagbaba siya ng tingin para pagmasdan ang buo kong katawan. Unti-unti siyang napaupo sa sofa.
Like a graceful cat, I approached him. I put my knees on the sofa and knelt with him in between. Unti-unti akong napaupo sa magkabilang hita niya. Hinawakan niya ang maliit kong beywang at tinitigan ako ng mariin.
"Are you sure?" mahina niyang tanong. Nabasa na ang balak kong gawin.
Kumpiyansa ko siyang tinanguan. Humigpit ang pagkakahawak niya sa beywang ko. Tinulungan niya ako na maiangat ang sarili. Without looking away from each others eyes, I opened myself up for him and he heatedly entered me. I could feel him pulsating inside me. Even getting bigger than before.
Magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi ito masakit. In the first few thrusts, it is painful as I am still trying to adjust. This isn't our first time together, but this is our first time after a long time. And I have only given myself to him.
He adjusted his pace and showered me with hot kisses for me to forget the pain. And then after a while, the pain subsides. It is now replaced with pure pleasure. We are now both moaning.
"Pakakasalan mo ba ako?" bigla niyang pagpukaw nang magmadaling araw na. We are both on the floor after we slowly made love again. And again that I even lost count.
Tumagilid ako sa pagkakahiga at hinarap siya. Inayos niya ang kumot naming dalawa.
"You sound like I took advantage of you," I teased him. "Na para bang kinuha ko na ngayon ang puri mo at kailangan kitang panagutan."
"I'm serious, Jean."
"Let's just keep this a secret para hindi masira ang dangal mo." Ngumisi ako at ipinalandas ang mga daliri sa balahibo niya sa dibdib.
He suddenly pulled away from me. Ang buong akala ko ay nainis siya sa sinabi ko. Kumunot ang noo ko nang makitang inaabot niya ang suot na jeans kanina at may dinukot siya mula sa bulsa nito. Nanigas ako nang makita ang bagay na ngayon ay hawak niya.
"Pakakasal ka ba sa'kin, Jean?"he softly asked again. Hawak na niya ang dating singsing na isinoli ko noon sa kanya sa police station. Noong nakipaghiwalay ako sa kanya. Noong sinabi kong hindi ko na kaya.
"I love you. Always have. Always will," pagpapatuloy niya. Marahan niyang kinuha ang kamay ko na nakapatong sa dibdib niya. He touched my ring finger with his thumb. Nakita ko ang hubad na pag-aasam sa kanyang mga mata habang determinado itong tinititigan.
"No." Nabasag ang boses ko. "I don't want to marry you yet, Lake."
Nag-angat siya ng tingin sa akin. Ang pag-aasam sa mga mata niya kanina ay napalitan ng desperadong tingin.
"We just made love many times. We didn't have any protection. What if I get you pregnant?"rason niya. Ginamit pa itong alas.
"Then you'll be the father and I'll be the mother," kalmado kong sinabi. "But that doesn't mean that I'm gonna marry you."
Bigo siyang napayuko. Inihanda ko ang sarili sa galit at panunumbat niya ngunit paglaon ng ilang minuto, nang mag-angat na siya ng tingin ay nakangiti siya. Namayani ang pang-unawa sa mga mata niya.
"Hindi ka pa handa. Maghihintay ulit ako."
Magkaiba kami ng sinakyan pauwi ni Lake dahil dala ko ang kotse ni Hope. Magkaiba man ng patutunguhan, nakita ko pa rin ang pagsunod ng sasakyan niya sa akin sa likod. Sa hotel na muna ako umuwi para makapag-shower at magbihis. Ipina-text ko na rin kay Lake si Hope na sa lunch na ako pupunta sa apartment niya.
Hindi na ako hinintay ni Lake at inihatid lang dahil may client daw siya na kikitain mamayang lunch. I thought that his mood would change because of what I told him earlier during his proposal but he did not become indifferent. Pareho pa rin ang pakikitungo niya sa akin. Mas masaya pa nga ang mood niya. Puno ng pag-asa.
Suot ang isang plain white tshirt at dark skinny jeans ay tumulak na ako patungo sa apartment ni Hope. Dumaan na rin ako at bumili ng isang bote ng wine. Ipinarada ko ang sasakyan at lumabas na mula rito. Nang nasa tapat na ng pinto ng apartment ni Hope ay kumatok na ako.
"You look different," aniya nang mapagbuksan na ako ng pinto. Hinagod niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa.
"Well, yeah. Maybe it's the change of my fashion sense. Nasanay na ako na ganito sa San Luis," pagsang-ayon ko.
"Yeah but not that in particular." Muli niya akong pinasadahan ng tingin. "Mukha kang dilig na dilig. Two things. You slept with him last night or the both of you did not sleep at all?"
"All of the above," kaswal na tugon ko at pumasok na. Nilampasan ko siya at dumeretso sa kanyang kusina.
"Nasa'n na ang anak mo?" tanong ko sabay lapag ng wine sa mesa. May nakahanda ng mga pagkain dito na halatang pinadeliver niya.
"Tulog."
Tinunton ko ang kanyang lababo at naghugas ng kamay dito. Matapos itong gawin ay muli ko siyang nilingon at halos mapatalon pa sa gulat nang makitang nasa harap ko na siya.
"Are you finally back together? For real for real?"usyoso niya.
"Yeah. I guess so." Nagkibit ako ng balikat at iniwanan na siya para lapitan ang hapag. Kumalam na ang sikmura ko sa gutom kaya kinuha ko na ang kutsara at tinidor.
Tumili siya kaya napatakip ako sa tainga sa tinis nito. Sumunod kaagad siya sa akin at naupo na sa katapat kong bakanteng silya.
"May marriage proposal na ba?"
Nabitin sa ere ang kubyertos na hawak ko. Maingat ko siyang tiningnan at pagkatapos ay nagpatuloy na sa pagkuha ng kanin.
"How did you know?"
"Sabi ko naman sa'yo close friends kami ni Lake. So? Kailan ang kasal?"
Nagbaba ako ng tingin sa kanin na nasa plato. "I rejected his proposal."
"Kailan ka mag-ye-yes?" She did not even miss a beat.
"Kapag handa na ako."
"Hmm. Kailan ba malalaman kung handa ka na?" kuryoso niyang tanong. Hindi niya pa rin ako nilulubayan ng tingin.
"I don't know," matapat kong sagot.
Natahimik siya. Ganoon din ako. Pareho naming tulalang pinagmamasdan lang ang pagkain sa mesa.
"You know," panimula niya ulit, "when I was pregnant with my kid, I even thought I wasn't ready. Heck, I was even scared to death. Gusto ko nga siyang panatilihin na lang sa bahay-bata ko, eh. But that moment, while I was on labor and giving birth, everything fell into place. Na-realize ko kasi na handa na pala ako na maging isang ina sa kanya."
"Matatag ka naman kasi talaga, Hope," pahayag ko.
Umiling siya. "Wala namang sukatan ng katatagan ang pagmamahal. Kapag mahal mo ang isang tao," pilitik niya ang mga daliri, "that's it. Viola!"
"Mag-ye-yes din naman ako."
"When?" agap niya.
"When I see that one sign." Napangiti ako sa sarili.
She leaned forward. "Anong sign 'yan para mai-report ko kay Attorney at nang mag-yes ka na?"
Mahina akong natawa sa reaksiyon niya. Nanlabi naman siya.
"Ewan ko sa'yo, babe! Buti na lang at mapa-next life man, matiyaga ka pa rin na hiihintayin ni Lake."
Sa pananatili ko sa Maynila ay hindi nawala si Lake sa tabi ko. Despite his busy schedules dahil na rin sa pagbabalik niya sa pagtanggap ng kaso ay nakuha niya pa rin akong tulungang asikasuhin ang mga naiwan ni Papa.
His rejected proposal was like an unspoken word between us. And everyday, he shows me his love and unending support. Sa halos isang buwan kong pananatili sa Maynila ay hindi na siya muling nagtanong pa.
"Hindi mo na ako kailangang samahan pa sa San Luis. I know you're busy with your new case," sabi ko habang nag-iimpake ng gamit sa maleta sa mansiyon isang gabi. Tinulungan din niya ako na maibalik ang mga tauhan nito dati.
"It's fine. Maipapanalo ko naman din 'yon," mayabang niyang paninigurado. Inirapan ko lang siya. He chuckled and continued. "And besides, I want to see the result of the house I built."
Isinara ko na ang zipper ng maleta at naupo sa gilid ng kama. Hinilot ko ang batok dahil sumasakit na ito sa kanina ko pang pagyuko.
"Nakita mo na naman ang pictures. Malapit ng matapos 'di ba."
Naramdaman ko ang pag-usog niya palapit sa likod ko. He kissed the side of my neck. Idinampi niya ang mainit at magaspang niyang palad sa batok ko. He then started to massage it for me.
"Babantayan din kita," he murmured.
"Bantayan? Laban saan?"
Bumuntonghininga siya. "Do'n kay Cua. Baka magbakasyon pa 'yon sa San Luis."
Mahina akong natawa. "He's engaged and soon to be married. It's all over the news. At saka na-meet na naman natin sila ng mapapang-asawa niya, 'di ba? We even had a double date."
"Tayo kaya kailan magiging engaged?" bulong niya sa bandang tainga ko. Iba yata ang gustong itakbo ng usapan.
"When it's the right time, and the right moment," I answered.
"Sana lang, 'di pa pumuti buhok ko niyan. Remember, I'm older than you are."
I giggled because of his emphasis on our age gap. He hugged me tighter from the back. And my packing ended up with him and I making love again.
Sinalubong ang pagdating ko sa café ng mga kasamahan ko ng isang sorpresa. May ginawa pa silang maiksing programa para lang sa mga mensahe nila sa akin. It is a bittersweet goodbye.
"Ma'am Caitlyn, lagi naman po kayong dadalaw dito, 'di po ba?" si Lyn na naiiyak nang lumapit sa akin.
"Siyempre naman. May bahay si Lake dito kaya may matutuluyan na ako kung sakali."
"Dito na lang po kayo tumira pagkatapos magpakasal kay Attorney, Ma'am. Super sad na kasi wala na nga si Winona at hindi na nagpaparamdam tapos kayo, babalik pa ng Maynila."
"I will visit often. I promise," sabi ko at niyakap na siya. Nginitian naman ako ni Ate Jelay na nakatayo sa gilid niya.
Kinagabihan ay sa ipinapatayong bahay na ni Lake kami tumuloy. May kuryente na naman dito at may iilang kuwarto na rin ang natapos at fully furnished na. Matapos kumain ng dinner, umakyat kami ng veranda at dito na ipinagpatuloy ang pag-inom ng wine.
"Alam mo, ang dami kong gusto na parte rito sa bahay mo," sabi ko habang nakasandal sa railings ng veranda. Tanaw ang buwan at mga bituin sa kalangitan.
"Bahay natin,"mabilis na pagtatama niya.
Nilingon ko siya at nakitang kalmante lang siyang nakaupo sa isang highchair.
"I like the landscape and your soon to be garden. I would pretty much enjoy your pool at the backyard kapag natapos na. And this veranda is my most favorite one. Your architect and engineer are really doing well on their jobs."
Tumayo siya at naglakad na palapit sa akin. "Dapat lang. Because I'm paying them to make this house the kind of house that you want."
Nagtagpo ang kilay ko sa sinabi niya. "But I never gave you suggestions. In the first place, this is your house—"
"Our house," pagtatama na naman niya at marahan akong hinagkan sa ulo ng makalapit. "Remember when I had the talk with my engineer and architect about the house at your café?"
"Yeah. Why?"
"Sinadya kong sa café kami mag-usap para mas inspired ako," malambing niyang sabi. He wrapped his arms around me. Caging me with him. "I want to make plans of the house with you. While you were there at the counter, far from me, I imagined you sitting beside me. Telling them what you want."
"Why would you do that?" I choked out.
"Because I wanted to build my future with you. Maski na walang kasiguraduhan na mapapatawad mo ako."
"And now, I'm not giving you any assurance to marry you," I guiltily whispered in the cold air.
"Shit. Balak ko pa naman sana na mag-propose ulit," bulong niya at sinabayan pa ito ng mahinang tawa. "Wrong timing, oh. Supalpal ako kaagad."
"T-Talaga ba?"
He bit his lower lip and shyly looked away. Nagbaba ako ng tingin sa isang braso niyang nakalingkis sa baywang ko. Doon ko lang napansin ang nakalahad niyang palad at ang maliit na singsing sa gitna nito.
Nag-angat ako ng tingin at sinalubong naman ng naninimbang na kanya.
"Still not ready yet?" indulhente niyang untag.
Marahan akong umiling bilang pagtugon.
He gave my forehead a soft feathery kiss and murmured. "Better luck next time, then."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top