Chapter 36
Chapter 36
Embrace
Isinuklay ko patalikod ang nakalugay na buhok gamit ang mga daliri upang maayos ang sarili. Binuhay ko ang makina ng sasakyan para makaalis na sa parking lot. Hinawakan ko ang manibela at bahagyang inikot sabay lingon sa likod upang makaatras.
Aksidente kong naitabig ang brake nang tumambad sa paningin ko si Lake kasama si Hope at ang bata. Sa taranta ko na rin ay wala sa sarili kong marahas na naabante ang kotse, mabuti na lang at naagapan ko kaagad sa paghawak ng brake. Napapikit ako sa sinapit na muntikang aksidente.
"Tangina! Gago 'to, ah!" Dinig kong bulyaw ng boses ng isang lalaki sa harapan ng sasakyan.
Dumilat ako at nabahiran ng kaba ang emosyon sa pag-aakalang nabunggo ko siya. Mabilis kong tinanggal ang suot na seatbelt at lumabas na ng sasakyan.
Hinarap ko siya at bahagyang nabunutan ng tinik dahil nakitang maayos naman siyang nakatayo lang. Puno naman ng galit ang kanyang mga mata at inis na tinampal ang harapan ng kotse ko.
"P-Pasensiya na po!" paghingi ko ng paumanhin. "O-Okay lang po ba kayo?"
"Muntik mo na akong mabundol. Tumingin-tingin ka rin sa harapan!" pangangaral niya at pagkatapos ay nagpatuloy na sa paglalakad paalis.
"Sorry po... Sorry po talaga." Yumuko ako bilang pagpapakumbaba na rin. May kasalanan naman talaga ako.
"JC..." si Hope.
Napaigtad ako at nanlamig. Hindi ako nag-angat ng tingin habang mabilis na nilalapitan ang sasakyan. Agaran kong binuksan ang pinto nito at pumasok na sa loob.
Sa pagmamadali ko ay hindi ko na isinuot ang seatbelt at mabilis na lamang na pinaandar ang sasakyan.
"JC!" Dinig kong muli niyang pagtawag ngunit huli na dahil nakalabas na ako ng parking lot.
Nang nasa kalsada na sakay ng kotse ay nagtagis ang bagang ko. Tumalim ang tingin ko sa daan habang inaalala ang nangyari kanina. Mistulang may isang pumitik sa sulok ng isipan ko. Marahas kong itinabi ang sasakyan sa gilid ng kalsada at huminto. Everything hit me.
Bakit ako umalis? Bakit na naman ako tumatakbo? Bakit ba hinahayaan ko na naman na hatakin ako ng nakaraan? Tatakasan ko na naman ba ulit ang problema? Wala akong ginagawang kasalanan kaya bakit ako umiiwas?
Halos magsugat na ang mga labi ko dahil sa labis na pagkagat ko rito. Uminit ang pakiramdam ko dahil sa pag-apaw ng matinding emosyon. Hinigpitan ko ang pagkakapit sa manibela at marahas na iniliko ang sasakyan pabalik sa iniwang deriksiyon.
I know I am driving too fast. Wala na akong pake. Hindi ko na marinig ang tumatakbo sa utak ko dahil nasapawan ito ng malakas na pagkabog sa dibdib ko. Haharapin ko si Hope. I will speak my side once and for all.
Binalikan ko ang iniwanang parking lot. Mas naging desidido lang ako nang makita na nakatayo pa rito sina Lake at Hope na tila ba may pinagtatalunan. My tires loudly screeched after I sharply hit on the pedal. Inihinto ko ang kotse at lumabas mula rito. Kitang-kita ko ang sabay nilang pagtingin sa deriksiyon ko.
Buo na ang loob at tapang ay sumugod ako at naglakad palapit sa kanila. Ang tanging sandata ko lang ay ang katotohanan.
"Jean..." balisang untag ni Lake.
Hindi ko siya tiningnan. Tanging kay Hope lang ang pursigido kong tingin.
"Ano ngayon?" matapang kong panimula. "Ano ngayon kung tumakas ako dahil sa sobrang kahinaan? Ano ngayon kung mas pinili kong magpakalayo-layo para mabuhay ulit? Tao lang din naman ako."
"JC..." Kapansin-pansin ang pagkabalisa rin ni Hope. Hinigpitan niya ang pagkakahawak sa karga-kargang anak.
Ramdam man ang paglandas sa pisngi ng mainit na butil ng luha ay nagpatuloy pa rin ako.
"So what? Yes, you're right. I was weak, Hope. I'm not like you who is brave.... who can handle every situation... who...who can handle pain."
"J-JC... I'm sorry." Nabasag ang boses niya. She tried reaching out for me with her free hand. Umatras ako upang makaiwas. I saw her flinch.
"Maybe I am selfish dahil masaya ako maski...maski sinabi mo na masakit sa'yong buhay ako..!" saad ko. Ngayon, sa sinabi ay napatunayan ko na kung gaano katotoo ito.
"You told her that?" May diin at mapanganib ang bawat salita sa tanong na binitiwan ni Lake.
Binalingan ni Hope ng tingin si Lake. "Puwede bang hawakan mo muna si baby?"
Matalim lang siyang tinitigan ni Lake. Marahas na bumuntonghininga si Hope at pagkatapos ay walang abisong iniabot ang bata sa kanya. Wala siyang ibang nagawa kundi ang tanggapin ito.
Nang makarga na ni Lake ang bata ay tuluyan na akong hinarap ni Hope. Puno ng pagsisisi ang kanyang mga mata. Bago pa niya maibuka ang kanyang bibig ay nagsimulang umiyak ang bata. Muli niyang nilingon si Lake.
"Aliwin mo na nga muna siya sa sasakyan ko," utos niya kay Lake. "Mag-uusap lang kami ni JC at pagkatapos tatawagin kita."
Aapila na sana si Lake pero naudlot ito dahil sa muli na namang pag-iyak ng anak nila. Banayad niya akong tiningnan.
"I'll talk to you later, Jean." Isa itong pangako.
Hindi ako sumagot at mataray na nag-iwas lang ng tingin. Dinig ko ang malalim na pagbuntonghininga niya at pagkatapos ay ang paglalakad na niya paalis. Ilang sandali pa ay ang tunog naman ng isinarang pinto ng sasakyan ang narinig ko.
"Kung kailangan kung lumuhod para lang magmakaawa na patawarin mo sa mga sinabi ko sa'yo ay gagawin ko," pahayag ni Hope na may bahid na sensiridad ang boses. "Nadala lang ako ng emosyon ko, JC. I was hurt too and I was devastated after I realized kung... Kung gaano kasakit ang mga sinabi ko sa'yo ro'n sa Bukidnon. That's why I tried calling you a couple of times. Para humingi ng sorry."
Humugot ako ng lakas ng loob para sa susunod na itatanong.
"Kasama rin ba riyan ang sa inyo ni Lake? Though matagal na rin naman kaming wala." Gustuhin ko man ang umurong, nanatili pa rin akong matatag. I stood my ground.
Bumagsak ang panga ni Hope sa sinabi ko na para bang gulat na gulat siya at hindi ito inasahan.
"Huh? Sa amin nino?"
Umirap ako sa hangin. "Oh come on, Hope. Hindi mo na kailangan pang itanggi. Karga na nga niya ang anak niyo 'di ba? And if my calculations were right—"
"Teka... Teka nga!" Kumunot ang kanyang noo. May bahid ng kalituhan ang hitsura niya. "Anak niya?" Biglang namilog ang kanyang mga mata. "Oh shit!"
Tumango ako para ipabatid sa kanya na hindi ako tanga.
"Masaya ka na ba ngayon na bumalik na siya sa inyo ng anak mo? That's what you want right?"
"Oh.My.Shit." usal niya at napatingala pa muna bago ako muling gulantang na tiningnan. "You think... You think Lake is the father? You think Lake and I had a relationship??!"
Ngayon ay ako naman ang naguluhan.
"You think Lake cheated on you in the past...with me? Or is even right at this moment, having a relationship with me " Tunog hindi pa rin makapaniwala ang boses niya. "Are you crazy?"
Bumuka-sara ang bibig ko. Walang lumabas na salita dahil nagkandabuhol-buhol pa ang panibagong katotohanan na gumulo sa utak ko. Hindi ko na siya pinuna sa sinabi niyang panloloko ni Lake sa akin maski na matagal na naman kaming walang relasyon noon.
Bago pa man ako maka-react ay kinuha niya ang kamay ko at halos pakaladkad akong hinila. Upang maiwasan ang matumba ay nagpahila na lang ako sa kanya. Dinala niya ako malapit sa isang kotse. Binuksan niya ang likurang pinto nito.
"Get in,"demanding na utos niya.
"I'm not coming with you." Naninidigan ako lalo na at napansing nasa driver's seat nakaupo si Lake kasama ng bata.
Inirapan ako ni Hope. " 'Wag ng maarte. Pumasok ka at nang magkaliwanagan tayo. Naloka ako sa iniisip mo!"
Imbes na magmatigas, sumuko ako dahil inaamin ko naman sa sarili na kuryoso rin ako sa tunay na nangyayari. Pumasok ako sa loob ng sasakyan at sumunod naman siya.
Nang pareho na kaming maayos ng nakaupo sa backseat ay binalingan niya si Lake.
"Akin na si baby. Ipag-drive mo muna kami sa apartment ko."
Tahimik niyang iniabot ang bata kay Hope at sinulyapan niya ako.
"Alam mo bang iniisip nitong one true love mo na may relasyon tayo," tila ba pagsusumbong pa ni Hope kay Lake.
"Ano?" agap ni Lake. Ipinako niya ang tingin sa akin.
"Kaya nga," si Hope. "Sa apartment na natin ipagpatuloy itong paliwanagan at baka ma-high blood ka pa riyan. Maapektuhan pa pagmamaneho mo. Kasama pa naman natin itong inaanak mo."
Sa kahihiyan ay hindi na ako kumibo pa.
Nang makarating kami sa apartment ni Hope ay pumasok kami kaagad sa loob nito. Iginala ko ang tingin at nakita na medyo may kalakihan ang espasyo sa loob. The minimalist interior also add more to the space.
"Ilalagay ko muna sa kuwarto ang anak ko." Karga ang bata na ngayon ay nakatulog na, iniwan kami ni Hope at pumasok siya sa isang kuwarto.
Naupo kami ni Lake sa sala. Ilang minuto niya akong tahimik na pinagmamasdan lang sa maingat na tingin.
"Why would you think that I... I could cheat on you?" mahina niyang tanong.
"Hindi naman siguro cheat ang tamang term dahil wala namang tayo." Isinandal ko ang likod sa backrest ng inuupuang sofa at tiningnan siya. Gusto kong maging honest sa nararamdaman.
"Best friend mo rin si Hope, Jean..." mariin niyang paalala. "How could you even think that?"
Napayuko ako dahil nakaramdam ng guilt. "After all the things I went through, sobrang hirap na sa'kin ang magtiwala. Magtiwala sa sarili. Magtiwala sa ibang tao."
"You should have asked me. You should have confronted me." He closed his eyes as if he's in pain. He softly cursed. "Nasa Bukidnon pa tayo no'n. That was weeks ago and I didn't even know."
"Dahil takot ako. Mas takot ako sa magiging katotohanan. I was afraid of confrontations because I didn't want to be hurt again. I don't want to be ....betrayed again."
Dumilat siya at ngumiti. Ngiti na may bahid ng sakit at dismaya.
"Naging honest naman ako sa'yo sa nararamdaman ko, ah. I even gave you space when we arrived here in Manila," tila ba panunumbat niya. "Tangina, ang hirap pala. Ang hirap pala na lumalaban ka para patunayan ang pagmamahal mo sa babaeng binabalot naman ng takot ang pagkatao."
Parang may pumiga sa puso ko sa sinabi niya. Nasaktan ako nito dahil tama naman siya.
I could not find words to respond to him. I was lost for it. Mabuti na lang at lumabas na si Hope ng kuwarto. Naglakad na siya palapit sa amin at naupo sa tabi ko. Tumayo naman si Lake.
"Aalis na muna ako."
Sabay kami ni Hope na napatingala sa kanya.
"Saan ka pupunta?" si Hope ang nagtanong at sinulyapan pa ako.
"Iinom. Maglalasing," tugon ni Lake at tinalikuran na kami. Naglakad na siya palabas ng apartment.
Matapos marinig ang padabog na pagsara ni Lake ng pintuan ay malalim na napabuntonghininga si Hope. Malungkot niya akong pinagmasdan.
"Hindi ko ma-imagine na gano'n na pala ang tumatakbo riyan sa isip mo," sabi niya.
"I just really thought..."
"Bakit? Wala naman akong sinabi na kami ni Lake,ah!"
Napabalik tanaw ako dahil sa sinabi niya. Wala nga naman.
"Siguro medyo naging possessive lang ako. Naging mabuting kaibigan ko na rin kasi siya. And maybe... maybe I was a little bit jealous para sa anak ko na hindi naman dapat," mabigat niyang pag-amin.
Mariin ko siyang tinitigan. "Kung hindi si Lake, sino ang tatay ng anak mo? Si Jok ba?"
Mahina siyang natawa at umiling. Nagtagpo naman ang kilay ko.
"Kung gano'n, sino?"
"A man who thinks he is committed to love someone else for the rest of his life."
Sa huli ay naintindihan ko rin siya. "Alam niya ba na....na may anak kayo?"
Nagkibit ng balikat si Hope at napatanaw sa kuwarto kung saan natutulog sa loob ang bata.
"Tinaguan ko siya ng anak. He doesn't love me so what's the point? Ayaw ko namang ma-obliga lang siya dahil may anak kami."
"I didn't even know that you were seeing someone back then," komento ko. "That you were in love."
Malungkot siyang ngumiti. "I didn't even know it was love."
"I'm sorry, Hope. Sorry dahil hindi man lang kita nadamayan noon."
Kinuha niya ang kamay ko at ipinatong rito ang kanyang palad. Ngayon ay naging masaya na ang ngiti niya.
"It's not too late. Puwede mo pa akong damayan ngayon, babe."
Kumirot ang puso ko sa muling pagbanggit niya sa tawag niya sa'kin dati.
"I'm so glad that you're alive and that you're back," dagdag niya at pagkatapos ay niyakap ako. Ilang sandali pa ay kumalas din siya.
Nilingon niya ang pintuang nilabasan ni Lake kanina.
"Sundan mo muna 'yon at baka maglasing talaga 'yon nang tuluyan."
"Saan?" Pati ako ay napaligon na rin ito.
"Sa dati kong club. Sa ELights."
Sa pagtataka ay tiningnan ko siya ulit. Naningkit ang mga mata ko.
"Akala ko ba closed na 'yon."
Bumuntonghininga siya. "Binili ni Jok."
Mas dumami ang mga tanong ko. Sa tagal kong nawala ay marami akong hindi alam sa nangyayari. Tumayo ako at sinunod ang utos niya. Kinapa ko ang bulsa ng suot na jeans at napangiwi. Wala akong dalang pera at cellphone. Pati sasakyan ko ay naiwan ko sa parking lot.
Tiningnan ko si Hope at nakitang may inaabot siya sa akin na susi.
"Here. Use my car instead."
Tinanggap ko ito at sabay kaming lumabas. Iginiya niya ako sa kanyang nakaparadang sasakyan. Nagpaalam ako sa kanya at nangakong babalik para makipag-inuman.
Sobrang pamilyar pa rin sa akin ang nadadaanang mga establisiyemento papunta sa dating club ni Hope. Parang kailan lang, naalala ko pa halos naging tambayan ko na rin ito sa tuwing naii-stress sa trabaho. Sa tuwing gusto kong makipagkuwentuhan lang kay Hope.
Huminto ako sa likod ng nakaparada rin na isang sasakyan. Lumabas ako ng sasakyan at tinanaw ang club. Sa kulay ng pinta nito ay halatang lalaki na ang nagmamay-ari. May gumuho sa loob ko nang makitang sarado ang malaking pintuan nito.
Hindi ako kaagad na sumuko at nagbakasali na nariyan sa loob si Lake. Naglakad ako at huminto nang nasa tapat na ng pintuan. Hindi naman ito naka-padlock kaya nagawa ko itong itulak nang marahan.
Dahil hapon na rin ay medyo madilim na sa loob. Nakadagdag pa sa kadiliman ang mga bintanang nakasara. Mabuti na lamang at may nag-iisang naka-on na ilaw sa may front bar na may counter kung saan kadalasang umo-order ng inumin ang customer.
Nakita ko kaagad ang likod ni Lake. Nakaupo siya sa isa sa mga bar stools. Hindi ako nag-atubili at naglakad na upang malapitan siya. Dahil sa kaonting distansiya ay naklaro ko na ang inumin sa loob ng baso na hinahawakan niya. Isang whiskey.
Inangat niya ito at akmang iinumin na sana pero nabitin ito sa ere nang siguro ay maramdaman niya ang pagdating ko.
Pahapyaw niya lang akong sinulyapan at pagkatapos ay ibinalik na niya ang tingin sa harapan. Nagpatuloy siya sa pag-inom.
He is obviously ignoring me. Tiningnan ko ang counter at napatunayan lang ang hinala na whiskey nga ang iniinom niya dahil sa nakita kong dalawang bote nito. Ang isa ay hindi pa nabubuksan.
Dahil pamilyar na ako sa lugar ay nagkusa na akong abutin ang alam kong lagayan din ng mga baso sa may ilalim ng counter. Maigi at walang nagbago. Nagtagumpay ako at nakakuha rin ang baso na kagaya ng kanya. Tahimik akong naupo sa bar stool katabi niya at kinuha ang boteng nabukas.
"Anong ginagawa mo?" Nahihimigan ko ang pagiging strikto niya ulit.
"Iinom," simpleng sagot ko at nagsalin na sa baso.
"Masyadong matapang 'yan," pagtutol niya.
Nang magkalaman na ang baso ay inilapag ko ulit ang bote at tiningnan siya. Muntik na akong mapaatras dahil sa talim nito. Hindi pa man nakakainom ay lumunok na ako.
"Kailangan ko ng tapang," sabi ko at sumimsim na sa baso. Matapang nga!
After just one sip I put down my glass again. Nangapa ako ng puwedeng gamiting kaswal na panimula. Iginala ko ang tingin sa paligid.
"B-Bakit wala pang tao?"
"It's not open for the public yet," tugon niya naman at sumimsim ulit na parang tubig lang ang iniinom niya.
"Ah," parang tanga na pagtango ko. "Nandito ba si Jok?"
"Wala."
"Kung gano'n pa'no ka nakapasok?"
"I used the back door." Tuluyan na niyang inubos ang laman ng kanyang baso.
Napatitig ako sa kanyang leeg dahil sa walang humpay na paggalaw ng kanyang Adam's apple. Nauhaw ako bigla.
Maingay ang paglapag niya ng basong wala ng laman sa mesa at bigla siyang tumayo. Tinalikuran na niya ako at napagtanto kong iiwan niya pa yata ako.
Madali kong inilapag ang sariling baso at tumayo sa unang beses na paghakbang niya.
"Lake!" natatarantang pagtawag ko para pigilan siya.
Huminto man siya, hindi niya naman ako nilingon.
"I'm sorry," bulong ko. "Kung susuko ka na... sa'kin, maiintindihan ko."
Unti-unti siyang lumingon at malamig lang akong tinuringan ng tingin. Sinuklian ko ito ng mapang-unawang tingin.
"I am a coward," mapait kong deklara. "Ang dami kong issues sa buhay. Hanggang ngayon takot pa rin ako na para bang hindi na natuto sa mga pinagdaanan. It's like... It's like I'm being back to that old Jean again. Iyong second year university student na Jean." Hindi ko na maawat ang mga lumalabas sa bibig.
"Mahal ko ang Jean na 'yon," he casually stated.
Matapang ko siyang tiningnan. I know it's time for me to face everything now.
"How about this Jean now? Ang Jean na lagi kang nasasaktan. Ang Jean na laging dini-disappoint ang nararamdaman mo?"
Bumanayad na ngayon ang tingin niya.
"I don't have any other choice. I only know how to love you."
Mistulang hinawakan ang puso ko ng kung anong puwersa. It was like I was soaring high but then plunges deep underwater again.
"I love you too," miserable kong pag-amin. "But I don't trust you, yet. I don't trust myself to love you fully yet. I—"
Naputol ako sa pagsasalita dahil sa mabilis niyang pagtawid sa distansiyang nakapagitan sa amin. Without inhibitations and without hesitations, he warmly embraced me. Sa mainit at mahigpit na pagkakayakap niya sa akin na tila ba rito nakasalalay ang buhay niya, alam kong wala na siyang balak na pakawalan pa ako.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top