Chapter 34
Chapter 34
Visit
"Manang, kumbinsihin niyo na po si Lake na umuwi na!" pangungulit ko sa kanya habang sinusundan siya sa kusina. Kanina ko pa siya kinakausap.
Nagpatuloy lang siya sa paghihiwa ng bawang at iba pang mga ingredients na lulutuin sa mesa.
"JC, gabi na. Kawawa naman si Attorney."
Naupo ako sa silya na nasa gilid lang ng inuupuan niya.
"Hindi ko naman po sinasabing ngayon. Bukas po."
Bumuntonghininga si Manang at pansamantalang huminto na muna sa kanyang ginagawa. Pagod niya akong tiningnan.
"Saan mo ba siya gustong umuwi? Sa San Luis o sa Maynila?"
"Hindi ko po alam. Basta hindi po rito sa bahay," pagpupumilit ko. "Ayaw ko na pong makaabala sa kanya."
Tumayo si Manang at naglakad palapit sa lababo. Kumuha siya ng isang buong bell pepper mula sa tray na nasa gilid lang nito.
"Alam mo, JC, napakahirap kumbinsihan ng isang tao na sobrang determinado. At saka marami namang kuwarto rito sa bahay. Puwede siyang dito na muna tumuloy." Bumalik na siya sa mesa at nagpatuloy sa ginagawa.
Naghanap ako ng ibang paraan para makumbinsi si Manang. Dahil sa pag-iisip ko ay may tanong tuloy na sumagi sa akin.
"Lagi po ba siyang nagagawi rito?"
Ngumiti si Manang. "Oo. Madalas siyang lumuluwas ng Maynila papunta rito sa Bukidnon. Kinukumusta niya ng personal ang lagay ng Mommy mo. Hindi siya nagpabaya."
"Kung gano'n po... nakatulog na siya rito sa bahay?" Naging kuryoso na rin ako.
Awtomatiko ang ginawang pag-iling ni Manang.
"Ay hindi siya natutulog dito. Tumutuloy siya sa isang hotel diyan lang malapit sa bayan."
"Eh kung gano'n, bakit ngayon dito na siya tutuloy?"
"Kasi iba na ang sitwasyon ngayon. Nandito ka na kaya bakit pa siya lalayo?"
"Manang, naman!" daing ko. Napahilot na sa sariling noo.
"Hayaan mo na. Ayaw mo no'n, may taga sibak na tayo ng panggatong para sa fireplace. Hindi na natin kailangan sumuhol pa ng ibang tao na gagawa."
Sa makatwirang sinabi ni Manang ay napasulyap ako sa nakabukas na pinto papuntang sala. Nakita ko nga si Mommy sa harap ng fireplace. Tahimik lang siyang nagbabasa ng libro sa harap nito.
"Tag lamig ngayon kaya kailangan ng apoy sa fireplace, JC," patuloy na pagpapaliwanag ni Manang.
Naputol ang usapan namin at sabay kaming napabaling sa bandang pintuan nang makarinig ng pagtikhim mula rito.
Nakaramdam ako ng pagka-guilty nang makita si Lake na may bitbit na palakol sa isang kamay. Nakita ko rin ang tagaktak na pawis niya sa noo ngunit hindi naman ito nakabawas sa presko pa rin niyang awra.
Una siyang napasulyap sa akin at pagkatapos ay si Manang na ang binalingan
"Uh... Saan po ba ilalagay 'tong palakol?"
Agarang iniwan ni Manang ang hinihiwa at inilapag ang kutsilyo sa mesa. Nilapitan niya si Lake.
"Naku! Ako na, Attorney." Naglahad siya ng kamay para sana kunin ang palakol na hawak ni Lake.
"Okay lang, Manang at saka mabigat 'to," pagtanggi ni Lake. "Ituro mo na lang sa'kin at ako na ang maglalagay."
Nakangiti akong nilingon ni Manang. Umusbing ang pagdududa ko sa kakaibang kislap ng kanyang mga mata.
"Doon lang sa may bodega, Attorney. Sigurado akong alam ni JC kung saan." Kaswal siyang tumalikod at naglakad na pabalik malapit sa mesa.
Hindi ako gumalaw mula sa kinatatayuan. Ganoon din ang ginawa ni Lake. Tahimik lang din siya at hawak pa rin ang palakol samantalang si Manang naman ay balewala lang na nagpatuloy sa paghahanda ng mga pansahog na lulutuin para sa hapunan.
"Sige na, JC! Samahan mo na si Attorney at magluluto pa ako ng hapunan para makakain na tayo mamaya," untag ni Manang. Pareho niyang napuna ang hindi namon paggalaw ni Lake.
Marahan akong tumango at tinanggap na ang kapalaran. Nagpakawala ako ng mababaw na buntonghininga at sinulyapan na si Lake.
"Just follow me." Tumalikod na ako at hinayaan siyang sumunod sa likod. Lumabas kami ng kusina gamit ang back door. Dinaanan namin ang likod ng bahay at naglakad na papunta sa nakahiwalay na bodega rito.
Sira-sira na ang bodega at halatang hindi na matabigay ang pundasyon nito. Maski ang bubong na gawa sa nipa ay butas na nahawi ng malakas na hangin.
Hinawakan ko ang door handle na gawa sa kahoy at napangiti dahil nakita ulit ang iniukit kong hugis puso rito doon. Naalala kong siyam na taong gulang pa lang ako nang iukit ito gamit ang maliit na kutsilyong kinuha ko mula sa kusina na siyang dahilan kung bakit napagalitan ako nang husto ni Lolo.
Napasinghot ako at pinigilan ang sarili sa pag-iyak dahil naiisip na naman siya. Inikot ko na ito at itinulak ang pinto upang mabuksan. Iminuwestra ko kay Lake ang lumang cabinet na sira na ang pinto sa loob ng bodega. May mga agiw na rin sa ibabaw nito.
"Diyan mo na lang ilagay 'yan sa loob ng cabinet,"sabi ko.
Naglakad siya papasok ng bodega at tinungo na ang lumang cabinet. Inilapag niya sa pinakaibaba nito ang palakol. Tumayo na siya nang maayos at iginala ang tingin sa mga bagay na nasa loob. Nagpirmi ang kanyang tingin sa nakasabit na frame sa itaas ng bintana.
"Drawing mo?" aniya sabay turo rito.
Isang stick man drawing na nakasuot ng malaking cowboy hat. Uminit ang pisngi ko nang maalala ang kuwento sa likod nito.
Nanliit ang mga mata ni Lake habang patuloy pa rin itong mariin na tinititigan ang ibabang bahagi ng drawing.
"Huwag!" hiyaw ko nang makita ang dahang-dahang paglapit niya rito.
Mabilis akong pumasok sa loob para sana awatin siya sa gagawin ngunit naunahan niya lang ako sa pagkuha ng frame. Napapikit ako sa kahihiyan nang mapansin ang pagbabasa niya sa nakasulat sa ibaba ng drawing.
"My future husband."
Para akong nagisa sa mainit na kawali. Binalot kami ng katahimikan at tanging tunog lang ng mga insekto sa labas ang namayani. Sa unti-unti kong pagdilat ay nakita ko ang pokus niyang tingin sa drawing.
"Please return it to its place," sabi ko.
Nanatili pa rin ang matalas na titig niya rito. "How old were you when you drew this?"
"Hindi ko na maalala. Thirteen? Fourteen?"
Umangat ang sulok ng kanyang labi. Alam ko na ang nasa isip niya.
"Alam mo namang hindi ako marunong mag-drawing!" Inunahan ko na siya. Sa kanya nga ako nagpapa-drawing noong nasa college pa ako.
"Hmm," tanging komento niya at pagkatapos ay muli na rin na isinabit ang frame.
Tumalikod ako at naunang lumabas. Nilingon ko siya at napunang tinitigan niya pa ang drawing. Sa huli ay bumuntonghininga siya at lumabas na rin.
Pumasok na kami sa loob ng bahay. Nagpaalam na muna si akin si Lake na magsa-shower na muna siya. Tinulungan ko naman si Manang sa paghahanda ng mesa para sa hapunan. Kinuha ko itong pagkakataon upang magtanong kay Manang sa mga ganap sa dati kong buhay.
"Nasa'n na po ang ibang mga tauhan sa mansiyon, Manang?"
"Nagsiuwian na sa kani-kanilang mga probinsiya," aniya habang nagsasandok ng kanin. "Wala na kasing namamahala dahil....nandito rin ang Mommy mo. Humiling ako kay Attorney Pelaez na ako na ang sasama sa Mommy mo rito sa probinsiya."
Ipinagpatuloy ko ang paglalagay ng kubiyertos sa mga plato.
"Ang mga malalayong kamag-anak ni Papa?"
May dumaang halatang disgusto sa kanyang mga mata.
"Umalis din at bumalik ng Amerika. Ang totoo niyan ay sinubukan nilang umapila sa abogado para makuha ang mga ari-arian ng Papa mo na iniwan niya sa'yo at sa Mommy mo. Mabuti na lang talaga at naprotektahan ni Lake at ni Attorney Pelaez."
May kung ano na namang gumuho na parte sa loob ko dahil sa natantong dumadagdag na utang na loob kay Lake. Akala ko kay Mommy lang ako may utang na loob sa kanya. Pati rin pala sa mansiyon at negosyo.
Napalinga si Manang sa bandang pintuan.
"Uy nandito na pala si Attorney! Maupo na kayo at tatawagin ko muna ang mommy mo, JC."
Iniwan niya kaming dalawa ni Lake sa hapag. Pansin ko ang presko niyang tingnan sa suot na dark blue na shorts at simpleng kulay itim na t-shirt.
"Upo ka," pagmamagandang-loob na anyaya ko.
Naupo na siya at sumunod naman ako. Nakapuwesto ako sa tapat niya. Apat lang ang upuan kaya sakto sa aming apat. Hindi nagtagal at dumating din sina Manang at Mommy.
Napatingin si Manang sa bakanteng silya na nasa gilid ko.
"JC, lipat ka sa tabi ni Attorney dahil kailangan naming magtabi ng Mommy mo nang masubuan ko siya."
Awtomatiko akong napasulyap kay Mommy na nanatiling nakatulala lang. Inintindi ko ang sitwasyon kaya tumayo na ako at sinunod ang gusto ni Manang. Lumipat ako ng puwesto at naupo na sa tabi ni Lake. Nang maging maayos na sa kinauupuan ay nagsimula na kaming kumain.
"Hindi po ba kaya ni Mommy kumain na mag-isa?" tanong ko kay Manang habang pinagmamasdan ang ginagawa niyang pagsubo ng isang kutsara sa bibig ng ina ko.
"Minsan naman kaya niya, JC may mga pagkakataon lang na sinusumpong siya at bumabalik sa pagiging tulala."
Tumango ako at nagpatuloy na sa pagkain. Binilisan ko ito dahil sa balak na gagawin. Nang makitang naubos na ang kanin sa plato ay tumayo ako at tiningnan si Manang. Naglahad ako ng kamay.
"A-Ako na po ang magsusubo kay Mommy," sabi ko sa paos na boses. Binabalot na naman ng emosyon sa nakikita.
Ngumiti si Manang at kaagad niyang ibinigay sa akin ang kutsara. Tumayo siya at nagpalit kami ng puwesto. Kahit tahimik man si Lake ay alam ko namang pinagmamasdan niya kami.
Naglagay ako ng lugaw na inihanda ni Manang sa kutsara at hinipan ito. Mahapdi man ang mga mata sa namumuong mga luha ay ngitian ko pa rin siya maski sa kawalan lang siya tulalang nakatitig.
"K-Kumain ka pa, My," banayad kong sinabi sa nanginginig na boses.
Hindi niya ibinuka ang kanyang bibig. Dahan-dahan siyang tumingin sa akin. Nasa tabi ko man siya ay napakalayo naman ng tanaw ng kanyang mga mata.
"I fell in love early with your biological father, Jean, " mahina niyang sinabi. "Nasaktan din ako nang maaga at inakalang hindi na muling magmamahal pa. But... But I fell in love again..."
Tumango ako at maagap na pinunasan ang luhang kumiwala gamit ang likod ng palad. Maski nanunuot sa akin ang sakit niya ay nginitian ko pa rin siya. Gusto kong iparating na nakikinig ako sa kanya.
"Si Apollo..." Nagsimula na siyang mabalisa at hindi na magpirmi pa ang kanyang mga mata. "Gusto kong makita si Apollo!"
Ibinaba ko ang kutsarang hawak upang magamit ang kamay sa pagpigil sa braso niya. Maagap din na tumayo sina Lake at Manang. Tinabig ni Mommy ang bowl ng kanyang lugaw dahilan upang mahulog ito at mabasag sa sahig.
"Please, My..." humihikbing pagmamakaawa ko sa kanya upang maawat siya sa pagwawala. Halos mawalan na ng lakas ang kamay kong pumipigil sa kanyang braso.
"Attorney, pakikuha 'yong medicine box na nasa ibabaw ng ref!" mabilis na utos ni Manang kay Lake.
Alistong nagtungo si Lake sa kinalalagyan ng refrigerator at kinuha na ang box.
"Alin dito, Manang?" natatarantang tanong ni Lake.
" 'Yong syringe, akin na!"
Kumunot ang noo ko. "B-Bakit kailangan turukan, Manang?"
"Ayaw ko rin namang gawin ito, JC kaya lang sabi ni Doc eh kapag hindi na mapigilan ang pagwawala eh kailangan na ito!"
Mabilis akong bumaling kay Mommy para subukan ulit siyang pakalmahin. Ayaw ko sa gagawin ni Manang.
"Tama na, Mommy, please. Tama na." Niyakap ko siya nang mahigpit. Ginamit ko ang sariling katawan upang mapigil siya.
Ramdam ko hanggang buto ang sakit sa bawat pagdaing niya. Hindi ko na mapigilan pa ang pagdaloy ng mga luha ko. Never in my life did I imagine her to be like this. Broken. In pain.
Unti-unti na siyang nanghina. Tumaas-baba ang dibdib niya dahil sa paghahabol ng hininga. I kissed the top of her head and murmured my love for her. Aside from wishing for my own self to be healed, I wanted her to heal too.
I was already in my pajama silk when I went stayed in the terrace. Yakap ko ang sarili habang pinagmamasdan ang malaking buwan. Banayad ang bawat paghaplos ng hangin sa balat ko. I could also hear the cry of the crickets around.
What happened earlier during dinner made me open my eyes to new realization. Napagtanto ko na madali lang naman pala ang pagpapatawad. Lalong-lalo na para sa taong siyang nangangailangan nito. And with this wave of realization, a new decision is set on my mind for tomorrow.
Humugot ako ng malalim na hininga at tumalikod na para pumasok ng bahay. Natigilan ako sa paghakbang nang makita ang pagdating ni Lake. His eyes were full of concern as he stares at me.
"You okay?" bulong niya.
Nakuha ko siyang ngitian maski may kirot sa puso ko.
"I'm good," I replied. "Bakit hindi ka pa natutulog?"
"I couldn't sleep yet," tugon niya at pagkatapos ay napatingala na rin siya sa buwan. "Naninibago lang siguro ako."
"Alam kong marami na akong utang na loob sa'yo kaya lang... puwede pa rin ba akong humingi ng isa pang pabor?"
Huminto siya sa pagtitig sa kagandahan ng buwan para lang ituon ang buong atensiyon sa akin.
"Sabihin mo sa'kin at gagawin ko," he stated indulgently.
"I want to visit someone tomorrow. Puwede mo ba akong samahan?"
"Of course, Jean."May tanong sa kanyang mga mata ngunit pinigilan niya ang sarili na isatinig ito.
Muli kong tiningala ang buwan. "Do you think there's a God?"
"At first I didn't," mahina niyang sagot pagkaraan ng ilang segundo. "But in the end, I learned. Especially when He kept you safe during those times when I couldn't."
Tiningnan ko siya. Both pain and happiness were evident in his eyes.
"Do you think that both of our pain in the past will ever go away?" I asked again.
He swallowed hard. Hindi niya nilubayan ng titig ang mga mata ko.
"They say pain and love are often interlinked. I love you, Jean," saad niya. "My love for you is not perfect. My love for you brought you pain...and it brought me pain too. But If I were to choose over and over again, I would still choose for the pain to stay. For I know it only means that I would still be in love with you."
I looked away, weakened by his words. "Hindi na kita mahal."
"Alam ko..."
"Galit ako sa'yo," giit ko.
"Alam ko..."
"I don't want pain anymore." My voice broke as I close my eyes.
Hindi siya nagsalita. I know he felt it too. The ring of finality in my words, of my decision. All along I am sure he has known it.
"I understand," sa wakas ay sambit niya.
Tumalikod ako sa buwan. Sa kanya. At sa pagkakataong ito, hindi na niya ako pinigilan pa.
Tumulak kami sa Malaybalay kinabukasan. We were both silent during long drive. It's like there's an understanding between us.
Pumasok kami sa isang malaking gate ng drug rehabilitation facility. Ipinarada na muna ni Lake ang sasakyan sa parking space at pagkatapos ay lumabas na kami nito.
Matapos mag-log in sa visitor's logbook ay pinapasok din kami sa loob. Hindi na ako tinanong pa ni Lake kung sino ang bibisitahin namin dahil nabasa na niya sa log book ang pangalan ng residente.
Pinapasok kami ng isang staff sa maliit na waiting area at ilang sandali ay tinawag na rin kami para naman magtungo na sa visiting room. Nakita ko siya. Matapos ang nagdaang matagal na panahon, ay napagmasdan ko siya ulit. He is silently sitting on his chair behind a tiny white table. Naghihintay. He's as thin as a stick. Gone were his handsome features before na tanging natira sa alalaa ng musmos na ako. He looks different. He looks kind even.
Tinitigan niya lang ako pabalik. Halatang hindi nakikilala. Napasulyap din siya sa katabi kong si Lake.
"Morning, Ma'am at Ser," masayang bati niya. Isang klase ng pagbati na iginagawad sa isang bisita.
Dahan-dahan akong naglakad papalapit sa mesa. Sumunod din si Lake sa akin. We both sat on the empty chairs across my biological father's seat.
Tinitigan ko lang ang kanyang hitsura. Marahil ay naghahanap ng anumang bakas ng pagkakatulad namin. Tinitigan din niya ako pabalik. May kaguluhan sa kanyang mga mata na siguro ay nagtataka kung bakit ganoon na lang ang inaasta ko.
And it came. Finally, after a few minutes of just staring at me, realization dawned on his face.
"V-Valena..." anas niya, "A-Anak ka ba ni... Valena?"
I nodded. "At anak mo rin."
Nahihiya siyang nag-iwas ng tingin. "W-Wala naman akong karapatan para tawagin kang...anak. P-Pinabayan ko kaya ng ina mo."
"Pinapatawad na kita, Papa," mahina kong sinabi. Mapayapa at maluwag na ang pakiramdam. "Sana patawarin mo rin ako sa hindi ko pagdalaw sa'yo. Sa...sa hindi ko pagiging anak sa'yo."
Muli niya akong tiningnan. Ngayon ay banayad na niya akong nginitian.
"Hindi ko kailanman ikinagalit at ikinasama ng loob ang hindi mo pagdalaw at hindi pagkilala sa'kin." Sinulyapan niya si Lake sa tabi ko. "Asawa mo ba?"
Ang emosyon na bumara sa lalamunan ay bumaba dahil sa pagkakasamid ko.
"H-Hindi po. Ka...Kakilala lang."
Lumalim ang kunot ng kanyang noo habang palipat-lipat kaming tinitingnan ni Lake.
"G-Gano'n ba? Pasensiya na at akala ko talaga... Iba kasi ang paraan ng pagtitig niya sa'yo. Ganyan din kasi ang paraan ko ng pagtitig sa...mama mo noon."
"Ano pong ibig niyong sabihin?" kuryoso kong tanong.
Binalingan ako ni Papa at ginawaran ng matamis na ngiti.
"Tinitingnan ka niya na parang nakatitig siya sa isang araw."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top