Chapter 33

Chapter 33

Guilt

I was just silent the entire time we went back to the shore when sunset prevailed. Hinayaan niya naman ako at alam ko ang tahimik niyang pagmamasid sa likod. Ngunit ang katahimikan ay nabulabog dahil sa nakita naming patakbong pagsalubong sa amin ni Eli.

"Anong problema?" kabado kong bungad na tanong nang huminto na siya sa harap namin ni Lake.

Sa hingal ay napahawak siya sa kanyang tuhod at napayuko. She took her time to catch her breath.

"Si...Winona... Dinala sa...ospital," pahingal niyang pagbibigay-alam. "Nando'n na po sina Ate Jelay do'n."

Mabilis kaming humakbang at naglakad pabalik ng cottage at ng kalsada. Balak ko sanang kunin na muna ang susi ng sasakyan sa loob ng bag na iniwan ko sa cottage nang maunahan ako ni Lake.

"Let"s take my car. It's faster," he offered.

Hindi na ako umangal pa at mabilis siyang sinang-ayunan. Tinungo na namin ang nakaparada niyang sasakyan. Sumunod naman sa amin si Eli sa likod.

"Bakit siya dinala ro'n?" natataranta kong tanong kay Eli. Pinagbuksan na kami ni Lake ng pinto sa likod ng kotse niya.

"Hinimatay po yata siya do'n sa kalsada, Ma'am. Iyan lang po ang sinabi ni Ate Jelay kasi nagmamadali na po sila ni Lyn eh!"

Pumasok na kami sa loob at naupo. Mabilis na pinaharurot ni Lake ang sasakyan.

"Saang ospital ba?" tanong ni Lake sa amin.

Napahilot ako sa sentido dahil hindi ko alam. Ito ang unang beses na pagpunta ko sa lugar.

"Alam ko po, Attorney!" Mabuti na lang at sumabad si Eli. Siya na ang nagbigay ng deriksiyon kay Lake.

We arrived at a local community hospital or should I say a clinic. Hindi sa pangmamaliit pero nang makita ko ang ospital ay nawalan ako ng tiwala rito. Maliit lang ito at sobrang limitado ang pasilidad.

Sa sobrang kaonti ng mga silid ay hindi na kami nahirapan pang hanapin ang kinalalagyan ni Winona. Pagpasok namin sa loob ay sinalubong kami ni Ate Jelay at Lyn. I saw an unfamiliar face of a good looking guy. May kakaibang kulay ang maiksi nitong buhok. Nakaupo ito sa paanan ni Winona. Sa nakikita kong labis na pag-aalala sa kanyang hitsura ay naghinala ako na ito ang ama ng ipinagbubuntis ni Winona.

Ilang sandali pa ay dumating ang doktor. Hindi pa nagkakamalay si Winona kaya kami na muna ang kinausap ng babaeng doktor. What she said to us was not a good news. It was devastating even. Nakunan si Winona. Binalot ang buong silid ng matinding pighati. And when Winona woke up, it was flooded with grief.

Binigyan namin sila ng privacy ng lalaki na kalaunan ay napag-alaman ko na matalik na kaibigan niya at isang bakla pala. We let them grieved in that small room. Lumabas kami ni Lake at ng iba pang staff na naroon. Kinumbinsi ko sina Ate Jelay na kumain na muna sa cottage na nirentahan namin.

Tahimik kaming nagtungo ni Lake sa ilalim ng puno ng mangga na nasa tapat lang ng clinic. Naupo kami sa bench nito. Medyo may liwanag dahil sa gilid nito ay may isang poste ng ilaw.

Niyapos ko ang sarili dahil ramdam na ang lamig ng gabi.

"Do you want something hot to drink to keep you warm?" biglang tanong ni Lake.

"No, I'm fine," sabi ko sabay tingin sa kanya.

Tumango siya at muli kaming natahimik. Paglaon ng ilang minuto ay nagsalita siya ulit.

"Matagal na ba siya sa cafe?"

"Just months."

"You're close to her," puna niya sabay gawad ng banayad na ngiti sa akin.

Ngumiti ako pabalik. "I see myself in her. I can relate to how she feels right now. The feeling of loss."

"I'm sorry, Jean," paos na bulong niya. Hindi ko alam kung para ba sa sakit na nararamdaman ko para sa kaibigan o kung sa sakit na naramdaman ko sa nakaraan.

Nag-iwas ako ng tingin at tiningala na lang ang mga bituin sa kalangitan. Tila ba nag-uunahan ang mga ito sa pagkislap.

"I felt I had no one back then. Na para bang mag-isa kong pasan ang lahat," I whispered.

"I could've stayed with you. Pero imbes na gano'n mas dumagdag lang ako sa pasan mo." Dinig ko ang mabigat na pagsisisi niya.

"I want to see her, Lake," bigla ko na lang naisambit kalaunan at tiningnan na siya. "Si Mommy, nasa'n siya? Kung nasa Maynila man siya handa na akong bumalik do'n para lang kausapin siya."

Pumangibabaw ang pag-aalala sa kanyang mga mata. Mariin niya akong tinitigan sa naninimbang na tingin.

"She's not in Manila. She's in Bukidnon."

"Sa probinsiya ni Lolo?"Kumunot ang noo ko sa pagtataka.

"Oo. Pinili niya na roon na tumira. Handa ka na ba talaga?"

Sinulyapan ko ang pintuan ng ospital. Nai-imagine ko ang walang tigil na paghiyaw ni Winona dahil sa pagkawala ng anak niya. Marami man na mga tanong ang bumabagabag sa isipan ko ay isinantabi ko na muna ito.

"Yes, I think so. Sa mabigat na nangyari ngayong araw, napagtanto ko na sobrang importante ng buhay. And I want to see her Lake."

"Tomorrow. I will bring you to her tomorrow," pangangako niya.

Pinalabas din ng ospital si Winona kinabukasan. Nagtaka nga ako dahil ang buong akala ko ay kailangan pa niyang manatili rito para sa karagdagang tests pero pinayagan na siya ng doktor na umuwi.

I went home and made some arrangements. Nagbilin na ako kay Ate Jelay na siya na muna ang bahala sa café dahil isang linggo akong mawawala. Nang makarating ng bahay ay naghanda na ako ng mga gamit.

I called Alec and told him about my plan. Nag-alok siya na sunduin ako sa airport pero tinanggihan ko.  Nang sabihin sa kanyang si Lake ang kasama ko, inasar niya lang ako at hindi na siya tumigil sa mga pasaring niya kaya binabaan ko siya ng tawag.

Sa totoo lang ay hindi ako handa sa mga aksiyon na gagawin. Biglaan ang naging pagpapasya ko. Alam kong marami rin akong kailangang harapin kung babalik man ako ng Maynila. Isa na rito ang pamamahala ng negosyo. I don't really have any concrete plans. I don't have any plans of staying too.

Lake stayed with me the entire flight. Minsan may napag-uusapan kami, minsan naman natatahimik lang.  It was peaceful but a bit awkward. Hindi na namin binanggit pa ang nakaraan.

Nang makarating na ng Bukidnon ay dumeretso kami sa hotel na ni-reserve niya para sa amin para na rin makapagpahinga kami nang kaonti.

Matapos akong maihatid ni Lake sa silid ay nagpasalamat ako sa kanya at nagpaalam na rin siya. Nagkasundo kami na bukas pagkatapos ng agahan kami aalis at dederetso na sa tinutuluyan ni Mommy.

I woke up early the next day and prepared myself. I attended the breakfast buffet of the hotel which has a wonderful mountain view. Hindi ko nakita si Lake sa mga taong kumakain. Maybe he skipped breakfast.

May laman ng pagkain ang plato ko at pabalik na sana ako ng mesa nang may mahagip ang tingin ko sa labas, sa bandang pool area. Mabilis kong inilapag ang plato sa mesa at tumakbo palabas ng pool.

"Hope!" tawag ko sa matalik na kaibigan. Nag-iba man ang pananamit at ang kanyang hitsura ay hinding-hindi ako maaaring magkamali. Si Hope talaga ang nakikita ko.

Huminto siya sa paglalakad at lumingon. Sa pagmamadali ko na maabutan siya ay saka ko pa lamang napansin ang isang batang karga niya na base sa hitsura ay nasa edad isang taon na yata.

"J-Jean?" hindi makapaniwalang sambit niya. "You're... You're..."

"Alive," dugtong ko at ngumiti. "H-How are you? I... Can we take a seat?" Tiningnan ko ang mesa na nasa tabi lang ng pool. Ang dami kong gustong sabihin sa kanya. Sa tuwa ko ay panandalian ko pang nakalimutan ang nakaraan na nakaharang sa aming dalawa.

Tumango siya habang tinititigan pa rin ako. Nauna na akong naglakad patungo rito dahil nakitang gulantang pa rin siya. Ilang sandali pa ay sumunod naman siya.

Sabay kaming naupo sa dalawang bakanteng silya. Napatingin ulit ako sa bata na ngayon ay nakaupo na sa kanyang kandungan. I did not know she had a baby. Parang may kamukha rin ito na hindi ko mapunto kung sino.

"How... How did it happen? We all thought..."

"Someone saved me," sabi ko. Handa na akong ikuwento sa kanya ang lahat. "Tumira ako sa isang bayan. Nagtago ako. I did not want to go back and thought of starting a new life in there." Inamin ko ang lahat.

Matagal siyang natahimik bago nagsalitang muli.

"So you lied to all of us all this time," mapait niyang sinabi.

Tumango ako dahil aminado naman sa ginawa.

"A-Anak mo?" tanong ko sabay tingin sa bata na nakatingin din sa akin pabalik. "I didn't know..."

"Marami kang hindi alam." Malamig ngunit makatotohanan naman ang pahayag niya.

"You had him even when I was still in Manila." Pagsasatinig ko sa naging duda.

Hinaplos niya ang buhok ng bata. "Yeah. That's why I suddenly left. Told you I was just traveling."

"Bakit... Bakit hindi ka nagsabi sa'kin?" Hindi ko maiwasan na hindi bahiran ng pagtatampo ang tanong.

Mapait siyang ngumiti sabay iwas ng tingin.

"It's...complicated. Dahil siguro alam ko rin no'n na marami ka ng pinagdadaanan. Ayaw kong makadagdag pa."

"Hope..." pag-awat ko.

She inhaled sharply. "I had huge problems too, but unlike you I did not try to escape." Sumugat sa akin ang sinabi niya. "Hindi ako naging makasarili at pinaniwala ang lahat na patay na. Ni minsan ba, sa bago mong buhay ngayon, naisip mo rin ang pakiramdam namin na mga naiwan mo. The guilt we feel dahil hindi ka namin napigilan?"

Napayuko ako dahil tagos hanggang buto ang mga binitiwan niya. Ngayon ko pa lamang na-realize ang bigat ng epekto na iniwan ko.

"I'm sorry... I... Hindi ko kasi alam ang gagawin. Naisip ko—"

"Lake suffered... A lot..." dagdag niya sa matalim na boses. Hindi maipagkakaila ang paninisi sa likod nito.

Bahagya akong natigilan dahil nanibago sa paraan ng pagtawag niya kay Lake. Siguro dahil sanay ako na palaging 'Attorney' ang tawag niya sa kanya noon. Have they gotten closer when I was away? Muli akong napatingin sa bata.

"He told me that," paos na bulong ko.

Realization dawned on her face. Bahagyang umawang ang kanyang labi. It suddenly changed and hardened into a thin line.

"So it's you. Ikaw pala ang rason kung bakit hindi na siya bumalik ng Manila. Kung bakit hindi na siya bumalik sa amin." Pansin ko na humigpit ang paghawak niya sa kanyang anak.

May gumapang na sakit at pagdududa sa buo kong katawan. Nanigas ako sa kinauupuan dahil sa mga panibagong tanong na bumabalot sa isipan.

Tumayo na siya at binalingan ako.

"Mauna na kami ng anak ko. I am glad you're alive... pero hindi ko masasabi na hindi ako nasasaktan." And with that she walked out.

Natulala ako sa kinauupuan. Hindi ko na binalikan pa ang pagkain na iniwan sa loob.

Maagang dumating si Lake at sa lobby na naghintay. Naging tahimik lang ako habang naglalakad kami papunta sa nakaparada niyang sasakyan. I wanted to ask him new set of questions but hesitated. He has his own life now. I don't want to intrude.

"Is everything okay?" untag niya nang nasa loob na kami ng sasakyan. "Okay ka lang, Jean?"

"Huh? Uh...Yeah. I'm... I'm fine." Hindi ko maipaliwang pero parang gusto ko na munang huwag banggitin ang naging pagkikita namin ni Hope kanina.

"Is my mother staying in a rest house?" tanong ko nang maayos na nakaupo na sa harapan sa loob ng kanyang sasakyan. "O sa... sa dating bahay ni Lolo?"

Nakitaan ko ng takot at pag-aalala ang kanyang mga mata. May kaba sa dibdib ko.

"How is she, Lake?" May bahid ng pagdududa ang boses ko.

Inilagay niya ang dalawang kamay sa manibela.

"She's... She's not doing well, Jean. It's complicated to explain that's why I want you to see for yourself."

Lumubha lang ang kaba na nararamdaman ko dahil sa kanyang sinabi. Hindi nagtagal at pinaandar niya na rin ang kotse na inarkila niya. I was blanketed with worry the entire ride.

Matapos makita ang mga walang katapusan at nakahilerang matatayog na puno ng niyog ay bumalik ako sa pagkabata dahil sa alaala. Marami man ang nagdaang mga panahon ay may bakas pa rin ng dating alaala ko sa nakaraan ang lugar.

Dumaan kami sa nanatiling maliit man ngunit sementado na ngayong kalsada. Alam ko kung saan kami patungo. At hindi nga ako nagkamali nang kalaunan ay bumungad sa paningin ko ang ancestral house ni Lolo. Hindi nagbago ang disenyo ng dalawang palapag na lumang bahay na may dalawang malalaking bintana sa itaas ngunit nakita ko na pininturahan ito at mas maaliwas na kumpara dati.

Inihinto ni Lake ang kotse sa harap mismo ng bahay. May humawak sa puso ko nang makita ang pamilyar na babae na nagwawalis sa terasa. Tinanggal ko ang suot na seatbelt at pagkatapos ay binuksan ang pinto ng sasakyan. Nang makalabas na ay nakita ko ang pagtanaw ni Manang sa amin. Nabitiwan niya ang hinahawakang walis at napatakip siya sa bibig dahil sa matinding gulat.

Agaran naman siyang nakabawi at nagmadaling bumaba ng hagdanan. Mangiyak-ngiyak niya akong sinalubong.

"JC! Diyos ko!  Ikaw ba talaga ito?" anas niya sa hindi makapaniwalang tono ng boses.

Pansin ko ang pagdadalawang-isip niyang hawakan ako. Tumitig lang siya sa akin na para bang isa akong aparisyon sa harap niya.

"O-Opo, Manang...I'm sorry po..."

Hindi na siya nag-atubili pa at niyakap na niya ako nang mahigpit.

"Diyos ko! Salamat at buhay ka. Salamat sa Diyos!" paulit-ulit niyang pagdarasal sabay haplos sa likod ko.

Nang makalas na ang yakap ay napalinga siya sa gilid ko. May ngiti ng pagtanaw ng utang na loob sa kanyang mga labi.

"Tama ka nga, Attorney," makahulugan niyang pahayag. "Maraming salamat."

"Si... Si Mommy po?" Sinulyapan ko ang nakabukas na pinto ng bahay.

Marahang kinuha ni Manang ang isa kong kamay. Ramdam ko ang suporta niya sa paraan ng pagkakahawak niya rito.

"Nasa kuwarto. Halika at dadalhin kita roon."

Nagpatianod ako at tahimik naman na sumunod si Lake sa likod namin.

Iginala ko ang tingin nang nasa sala na sa loob ng bahay. Hindi nagbago ang mga muwebles na nakalagay rito. Naroon pa rin naka-display ang malalaking picture frames namin ni Lolo. Nagpatuloy kami sa paglalakad sa dulong bahagi ng unang palapag. Huminto kami sa isang silid at mistulang lumuksa ang puso ko nang mapagtanto ang pamilyar na silid na ito. Ito ang dati kong kuwarto noong bata pa ako.

Dahan-dahan itong kinatok ni Manang at pagkatapos ay binuksan. Uminit kaagad ang mga mata ko nang makita si Mommy na nakasuot lang ng napakasimpleng puting bestida. Nakaupo siya sa dulo ng kama habang nagtutupi ng mumunting mga damit. Mga damit na pagmamay-ari ko noong bata pa ako. Nakaharap sa pinto ang kanyang posisyon kaya kitang-kita ko ang ekspresyon sa kanyang hitsura.

She looks so different. Calm. At peace. May sumilay din na ngiti sa kanyang labi habang ginagawa ito.

"Mommy..." bulong ko. Bumalik sa dating bata ang boses sa tuwing tinatawag siya.

Unti-unti siyang nag-angat ng tingin. Her expression did not change but there is one difference. Her eyes were glassy. Dahan-dahang lumantad nang tuluyan ang ngiti niya.

"Naglaro ka na naman ba sa labas, Jean?" tanong niya. "Come here and let's change your clothes."

Naglakad ako papalapit sa kanya. Sa bawat paghakbang ko ay ang pagdaloy din ng bawat luha.

Marahan akong naupo sa tabi niya at niyakap siya nang mahigpit.

"What... What happened to you, My?" I cried. Halos hindi ako makahinga dahil para bang pinipiga ang puso ko sa nakikita.

"What's wrong, Jean?" May kaguluhan sa kanyang boses.

"I'm sorry, My..." Mas niyakap ko lang siya nang mahigpit habang wala namang tigil sa pagbuhos ng mga luha ko. "S-Sorry..."

I hugged her tightly. Sa pagsukli naman niya ng mainit na yakap ay unti-unting nawala ang sakit na pasan ko sa mahabang panahon. Nabura ang lahat ng galit na itinanim ko noon. With her warm embrace, I was slowly healing.

Sa tulong na rin ni Lake ay nakausap ko ang psychiatrist ni Mommy. Napag-alaman ko mula sa doktor na may depression ang ina ko at may pinagdadaanang emotional trauma. Habang idinidetalye ng doktor ang sakit ni Mommy ay mas lalo lang luminaw ang reyalisasyon ko sa buhay, sa nakaraan. Nagsimula ang depresyon niya noong mawala si Papa at mas lalo itong lumubha sa pagkawala ko. And it was Lake who took care of everything.

Napagtanto kong dahil sa galit, maliban sa katotohanan ay hindi ko rin nakita mismo ang pinagdadaanan ng mga taong apektado dahil sa pag-iwan ko. Masyado nga talaga akong naging makasarili sa emosyon. Hope was right. I was too busy minding about the amount of my own pain that I did not even care about the pain and guilt of other people around me. The pain that I had also put them through because of my selfishness.

Matapos maihatid sa labas ang doktor ay binalingan ko ng tingin si Lake na nakatayo lang sa gilid ko.

"Puwede mo na akong iwan dito," tila ba pagtataboy ko sa kanya.

"I can stay. Wala rin naman akong ibang gagawin," agap niya.

Nanliit ang mga mata ko habang tinititigan siya.

" 'Pa'no na 'yong ipinapatayo mong bahay sa San Luis?"

"May engineer at architect naman ako. Sila na ang bahala roon."

Akala ko ba gusto mong maging hands on? Gusto ko sanang itanong pero pinigilan na ang sarili.

"Kailan mo balak ang bumalik sa Maynila?"

"Kung babalik ka na rin," he simply answered.

Tumalikod na ako at hinarap na ang bahay. "I don't have any plans yet."

"Kung gano'n, ako rin," paninindigan niya.

"Wala ka bang kailangang balikan agad do'n? Baka may mga naghihintay na sa'yo." Naalala ko ang sinabi ni Hope.

Nagsimula na akong maglakad pabalik ng bahay. Ramdam ko naman ang kaswal na pagsunod niya.

"Ikaw naman ang hinihintay ko."

Napapikit ako nang mariin dahil sa inis sa mga banat niya. Marahas ko siyang nilingon at natigilan dahil sa nakitang ginagawa niya. Itinupi niya hanggang siko ang sleeves ng suot niyang white button down.

"What are you planning?" untag ko.

Napabaling siya ng tingin at tinanaw ang gilid ng bahay.

"Magsisibak na ako ng kahoy gaya ng utos ni Manang." Tinalikuran niya ako at nagsimula na siyang maglakad sa kabilang deriksiyon.

"Pumasok ka na sa loob at baka makagat ka pa ng lamok!" pahabol pa niya sabay kalmanteng kaway ng kanyang isang kamay.

Nag-ugat naman ang mga paa ko sa lupa.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top