Chapter 32

Chapter 32

Everything

Abala na naman ang café sa sumunod na mga araw. Siguro dahil na rin ito sa nalalapit na summer break kaya maraming mga estudynate na ang tumatambay dahil wala ng klase at nagpapasa na lamang sila ng kanilang requirements.

Nakita ko ang paglabas ni Winona galing sa kusina dahil pinagpahinga ko muna siya kanina. Pinuntahan niya kami sa counter at kumuha siya ng isang tray para asikasuhin ang bagong order.

"Okay na ba ang pakiramdam mo?" tanong ko sa kanya.

Panatag siyang ngumiti. "Medyo okay na naman po ang pakiramdam ko, Ma'am."

"Napakaselan talaga ng pagbubuntis mo. Ano ba ang sabi ng doktor?" Ako na ang naglagay ng ni-order na pastry sa tray at si Lyn naman ang naghanda ng dalawang tasa ng kape.

"Babalik din naman daw po sa normal paglipas ng mga dalawa o tatlong buwan."

"In fairness diyan sa tummy mo ha! Hindi halata," sabad naman ni Lyn sa gilid ko habang naglalagay na ng dalawang tasa ng kape sa tray.

"I-Isang buwan pa naman."

Malakas na napasinghap si Lyn hindi dahil sa naging sagot ni Winona kundi dahil sa kung anong nakita niya sa may pintuan. Dahil sa eksahirada niyang reaksiyon ay napatingin na rin ako rito.

Nakita ko si Lake na may bitbit na dalawang bouquet ng mga rosas. Tig-isa sa magkabilang kamay. Deretso ang pursigido niyang paglalakad sa counter na kinatatayuan ko. Dito ko pa lang naklaro ang hawak niyang bouquets sa magkabilang kamay. Ang isang bouquet ay iba-ibang kulay ang mga rosas samantalang sa isang bouquet naman ay purong pula.

"Wow naman si Attorney! Pinakyaw yata ang lahat ng mga rosas sa flower shop," panunudyo ni Lyn. "Naalala ko tuloy 'yong manliligaw ni Ma'am noong nakaraan. Isang bouquet lang eh!"

Isang beses niyang mayabang na tinanguan si Lyn bilang pagbati at pagkatapos ay bumalimg na sa akin.

"Good morning. Aakyat sana ako ng ligaw," deretsahan niyang pagdeklara. Walang paliguy-ligoy pa.

"Ang taray! Nasa first floor lang po kami, Attorney. No need to akyat akyat pa!" pagbibiro na naman ni Lyn.

Bumagsak ang panga ko. Maski sinabihan na niya ako noong naging pag-uusap namin sa harap ng pinapatayo niyang bahay sa balak niyang paghingi ng ikalawang pagkakataon para mahalin ulit siya ay hindi ko pa rin maiwasan ang mabigla.

Wala akong ibang nagawa kung hindi ang pagmasdan na lamang ang mga bulaklak na hawak niya.

"Ang... Ang dami naman niyan..." Itinuro ko ang ibabaw ng cabinet sa bandang gilid. "I-Ilagay mo na lang diyan."

"Okay." Sinunod niya ang sinabi ko at naglakad na papunta sa may cabinet. Matapos itong mailapag ay muli siyang bumalik sa harap ng counter.

"O-order sana ako." Sa akin siya nakatingin.

Kaswal akong nag-iwas ng tingin sa kanya at sinulyapan si Lyn na ngayon ay nakapangalumbaba na habang palipat-lipat ng tingin sa aming dalawa ni Lake. May lihim na tusong ngiti sa kanyang mga labi.

"Oorder daw siya, Lyn," sabi ko upang makaiwas. As I said, I don't want him to hope.

Tumabi ako sa may sulok. Nag-aalinlangan man akong tinitingnan ni Lyn ng ilang segundo, wala naman siyang ibang nagawa kundi ang sumunod. Siya na ang nag-asikaso ng order ni Lake.

Ganoon pa rin ang nangyari sa sumunod na araw. Bumibisita si Lake sa cafe na may bouquet ng mga rosas. Nagtataka ako kung saan siya kumukuha nito at kung bakit hindi siya nauubusan. Araw-araw ba naman at walang palya. Minsan ay hindi na ako ang mismong tumatanggap at hinahayaan na lamang na sina Lyn, Ate Jelay o ang ibang staff ang umasikaso ng mga bulaklak na dala niya gaya na lamang ng paglalagay nito sa loob ng vase.

Ipinagsawalang bahala ko lang ang lahat nga lang, sa sumunod araw ay iba na naman ang bumungad sa akin.  Kalalabas ko lang mula sa loob ng sasakyan ay natanaw ko na si Lake na may pasan na isang mabigat na sako. Nasa likod niya naman nakasunod si Ate Jelay. Binilisan ko ang paglalakad at sinundan na ang dalawa papasok ng café.

Nakita ko ang pagpasok ni Lake sa kusina. Dahil sa mabilis na paglalakad ay naabutan ko pa si Ate Jelay kaya tinawag ko ang atensiyon niya. Napuna ko ang gulat sa kanyang mga mata nang lingonin niya ako.

"Anong nangyayari, Ate?"pabulong na pagkakatanong ko. Pareho kaming nakatayo lang sa gilid ng pintuan ng kusina. Nasa loob na nito si Lake.

Naaninag ko ang hiya sa kanyang mga mata.

"Ah good morning! Nakisuyo lang ako kay Attorney sa isang sako ng harina. Siya kasi kaagad ang nakita ko pagkababa ko ng tricycle galing palengke."

Sabay kaming natahimik dahil sa narinig na pagsasalita ng isa pang boses na nanggagaling sa loob ng kusina.

"Sure ka, Attorney na alam mo kung paano ayusin 'yan?! Naku! Matutuwa nito si Ma'am Caitlyn, for sure! " si Lyn.

Ginapangan kaagad ako ng pagdududa kaya sinulyapan ko muna si Ate Jelay at pagkatapos ay punasok na sa kusina. Nagulat ako nang makita si Lake na naka-squat habang nasa harap ng ilalim ng lababo. May kinukutingkay siya sa mga tubo rito.

"Ay nandito na pala si Ma'am Caitlyn!" kaswal na pagkakabati ni Lyn sa akin. May guhit ng malaking ngisi sa kanyang mga labi. "Naging barado po ang lababo kaya inaayos ni Attorney!"

"P-Puwede ka namang tumawag ng tubero!" anas ko.

"Hassle lang 'yon, Ma'am at saka nandito naman si Attorney," sagot niya.

Ilang minuto kaming binalot ng katahimikan habang hinihintay si Lake na matapos sa ginagawa.

"Try turning on the faucet," utos ni Lake matapos ang ilang minuto.

Ginawa ito ni Lyn at naging maayos na rin ang pagdaloy ng tubig. Napakunot ako ng noo. Kailan pa naging barado ang lababo namin?

Tumayo na si Lake at naghugas ng kamay sa gripo. Tinanggap niya ang pamunas na iniabot ni Lyn sa kanya. Pinunasan niya ang kanyang kamay at ngumiti siya sa akin.

"Good morning."

Hindi ko alam kung paano na siya pakikitunguhan matapos ang kanyang ginawa kaya napilitan na lang akong ngumiti nang bahagya pabalik at tinanguan siya.

Nang makalabas si Lake ng kusina ay isinara ko ang pinto at sumandal sa likod nito. Saka ko binalingan ng istriktong tingin ang dalawang staff.

"Care to explain to me, what's going on?"

"Nasobrahan po sa pagiging matulungin si Attorney," si Lyn.

"Oo, Ma'am. Kay bait na bata!" dagdag naman ni Ate Jelay.

"He's my ex," pahayag ko sa kanila bilang eksplenasyon maski alam na naman nila.

"Pero currently manliligaw po!"singit ni Lyn.

Bahagyang tumalim ang tingin ko sa kanya pero hindi pa rin siya naapektuhan nito.

"Tini-test lang namin ni Ate Jelay kung hanggang saan ang kaya ni Attorney, Ma'am!"

Nakabagsak ang balikat ko nang balingan si Ate Jelay dahil siya ang mas nakakatanda. Hindi ko na yata pa makukumbinsi ang katigasan ni Lyn.

"Ate..."sambit ko, tunog nagdudulog ng problema sa kanya.

Malalim na bumuntonghininga si Ate at pinagmasdan ako. Unti-unti siyang lumapit sa kinatatayuan ko. Nang nasa tabi ko na siya ay marahan niyang kinuha ang kamay ko at tinapik ito.

"Naalala ko pa noong unang araw na nagbukas ang café at nag-apply ako ng trabaho rito... Ang kaisa-isa mong tanong sa akin bago ako tanggapin ay kung mapagkakatiwalaan mo ba ako,"paglalahad niya sa banayad na boses. "Ewan ko ba pero nakasisiguro ako na sa araw na iyon ay ibang klase ng tiwala ang ipinapahiwatig mo."

"Isang customer lang ang nagawi sa café sa araw na 'yon," nakangiti kong pagbabalik-tanaw.

"Ma'am, hindi ka namin uusisain sa nakaraan mo dahil nirerespeto namin ang desisyon mong itago ito. Alam kong may dahilan ka riyan." Sinulyapan niya si Lyn na tahimik na sumang-ayon sa sinabi niya. "Napansin namin na may... malaking bahagi si Attorney sa nakaraan mo kaya kung mararapatin mo ay sinusubukan din namin siya para sa'yo. Pamilya na rin ang turing namin sa'yo, Ma'am Caitlyn kaya poprotektahin ka rin namin."

"Gano'n din naman po ako sa inyo. At saka tinanggihan ko na po ang panliligaw niya, Ate," apila ko.

"At wala rin yata siyang balak na sumuko," nakangiti niyang saad.

Napahilot ako sa sentido. "Sa totoo lang...hindi ko na rin alam ang gagawin ko para pigilan siya sa ginagawa."

"H-Hindi mo na po ba talaga siya mabibigyan ng second chance, Ma'am?"si Lyn.

Bumuntonghininga ako at naglakad palapit sa mesa. Naupo ako sa bakanteng silya at ramdam ko naman ang pagsunod nila. Sa puntong ito ay alam ko na ang gagawin.

"I...I tried to kill myself a couple of times in the past,"mabigat na panimula ko. Walang ni isa sa kanila ang naglakas loob na magsalita. Nagpatuloy naman ako.

"Nagpunta ako rito sa San Luis para magtago at takasan ang nakaraan. And Lake... Lake has a big part of it."

"Pero nitong mga nagdaang araw, parang hindi na yata ako makakapagtago pa," dugtong ko.

Mahinang naubo si Lyn sa tapat ko. Maingat niya akong tiningan.

"Uh... Hindi ka naman po anak ng isang Mafia boss, Ma'am 'no?"

Sa kabila ng lahat ay nakuha kong tumawa sa tanong niya. Umiling ako.

"No. No, it's not like that."

Madrama siyang napahawak sa dibdib. "Hay, salamat naman!"

I guess telling them bits of my past gave me relief. Siyempre marami pang detalye ng nakaraan ko ang pinili kong hindi na muna sabihin sa kanila. But at least they now know where I am coming from. Kung bakit ako malihim na tao. Kung bakit ako masyadong pribado.

Isang tanghaling tapat sa sumunod na araw ay pumasok ako ng kitchen para maghugas ng kamay. Kagagaling ko lang sa labas at nakipag-meeting sa supplier ng beans. Naabutan ko ang mga staff na kumakain ng pananghalian nila. Binati ko muna sila at tutuloy na sana sa lababo nang makuha ng isang bagay ang pansin ko.

"Ano 'yan?" tanong ko sabay turo sa nakabukas na tatlong food container. "Chicken curry ba 'yan?"

"Opo, Ma'am. Hinatid ni Attorney kanina. Nasa labas pa po kasi kayo kaya 'di niyo siya naabutan," si Lyn ang sumagot.

"Ang sarap nga," si Eli naman sabay subo. "Ang galing din pa lang magluto ni Attorney!"

Pinagmasdan ko ang laman ng tatlong food container. Halata nga na nasarapan sila rito dahil halos maubos na nila ang laman.

"W-Wala na?"

"Naku, Lyn! Hindi mo tinirhan si Ma'am?" gulantang na tanong ni Ate Jelay sa katabing si Lyn.

Nginuya muna nito ang kinakain at pagkatapos ay sinulyapan niya ako. Nagkibit-balikat siya.

"Hindi na po. At saka hindi niyo rin naman din po tinatanggap ang mga bigay ni Attorney kaya akala ko pati 'tong curry aayawan niyo rin."

Tumikhim ako at taas noo siyang binalingan.

"That's... That's fine. K-Kumain na rin naman din ako...sa labas." Nagpatuloy na ako sa paglalakad patungo sa lababo at tinalikuran sila. I tried to act unaffected by it. Gaya pa rin kaya ng dati ang lasa ng curry ni Lake?

"Joke lang, Ma'am!" natatawang deklara ni Lyn. "Tinirhan ka po namin ng isang food container at baka malatigo kami ni Attorney sa korte."

Napalingon ako at nakita siyang may hawak na isang naiibang kulay na food container.

"Exclusive for Ma'am Caitlyn only ang isang 'to. Kulay gold, eh! Iba rin talaga si Attorney!" nabibilib niyang sinabi sabay masid sa hawak na bagay.

"I-Ilagay mo na lang muna sa loob ng ref." Muli na akong tumalikod at nagsimulang maghugas ng kamay.

Bago lumabas ng kusina ay tiningnan ko sila.

"May staff meeting tayo bukas ng hapon para sa gagawin nating outing," anunsiyo ko at nagpatuloy na sa paglabas.

Hindi na ako dumaan ng restaurant para bumili ng pagkain. Dinala ko ang curry na niluto ni Lake sa bahay at ito na rin ang inulam kagabi.

Sa pagsikat ng araw para sa panibagong umaga ay naisipan kong lumabas ng bahay para mag-exercise at makalanghap na rin ng sariwang hangin. Kinuha ko ang yoga mat at dinala sa labas. Manipis na sweatshirt lang ang suot ko at kulay itim na leggings.

Inilpag ko ang yoga mat sa damuhan at naupo rito. Ilang minuto ko na munang pinagmasdan ang nakatayong  bahay ni Lake sa tapat. Hindi pa man tapos ay halata na na mahiging maganda ito. It is very huge and mostly made of glasses. Bagay sa lokasyon ng lupa dahil sa malawak na tanawin.

Tumuwid ako sa pagkaupo at ipinatong ang mga kamay sa magkibilang hita. Pumikit ako at pinakinggan ang huni ng mga ibon at dinama ang simoy ng pang-umagang hangin. Naging mapayapa ulit ang paligid ngunit pagkaraan ng ilang segundo ay nakarinig ako ng malakas at tila ba papalapit sa lokasyon ko na ingay ng isang sisiw. Napadilat ako at nakita nga ang hindi isa ngunit tatlong sisiw na nagsisitakbuhan papalapit sa akin.

Sa may hindi kalayuan naman ay natanaw ko si Lake na mabilis na naglalakad rin palapit sa lokasyon ko. May dala siyang isang maliit na karton. Nanliit ang mga mata ko sa pagtataka.

Napayuko siya habang humihingal nang makahinto na isang dipa mula sa akin. Ngayon ay nakatuntong na rin sa mat na inuupuan ko ang tatlong sisiw. Isiniksik pa ng isang sisiw ang sarili niya sa bandang hita ko.

"I'm sorry about them..." hingal na paumanhin ni Lake.

"Mga...sisiw mo?"

Tumango siya at tinanaw ang ipinapatayo niyang bahay sa tapat.

"Balak kong mag-alaga ng manok sa may likod ng bahay."

"Akala ko ba ayaw mong nag-aalalaga ng sisiw?" komento ko. Si Pepe nga noon...

Bahagya siyang napangiti.  "Things have changed."

Dumukwang siya at isa-isang pinulot ang mga sisiw na hindi rin naman nagpumiglas. Inilagay niya ang mga ito pabalik sa loob ng hawak na kahon. Matapos itong gawin ay muli niya akong tiningnan.

"G-Gusto mo ba ng isa?"

"I'm not sure if I can take care of it... Masyado na akong... abala," pagtanggi ko.

"I understand," malamyos niyang sinabi. "I can take care of it for the both us."

I will make this love of mine be enough for the both of us. Naalala ko na naman ang sinabi niya.

"I'll see you around, Caitlyn," nakangiting paalam niya at tinalikuran na ako.

"Lake!" Hindi pa man siya nakakalayo ay tinawag ko siya. Muli niya akong nilingon. Kinagat ko ang ibabang labi. "May... May outing kami ngayong Sabado. Do you want to come?"

"Of course!" sagot niya kaagad. Siguro nga ay napansin niya na masyado siyang obvious kaya awkward siyang napatikhim. "Of course. Uh... I'll be there. Thanks for inviting me."

He boyishly grinned. I smiled in return but deep inside I know what I have to do. I have to end this.

"Sasama ka, Winona ha! Hindi na naman masyadong maselan 'yang pagbubuntis mo," nakangising pahayag ni Lyn. Katatapos lang ng meeting namin tungkol sa outing.

"Siyempre, isasama natin si Winona! Para naman makapag-break siya sa trabaho. Celebration na rin sa pagiging Employee of the Month niya," sabad ko naman.

"Oy! Si Ma'am Caitlyn, malaki ang smile. Sigurado akong hindi lang 'to dahil sa nalalapit na outing natin. Dahil din 'to kay Attorney!" panunukso ni Ate Jelay.

Natawa ako sabay iling sa panunukso ni Ate.

"Alright. That's enough. Magligpit na tayo nang makapagsara na ng cafè. Gusto niyo namang umuwi hindi ba?" sabi ko, pilit na ibinabalik ang maawtoridad na boses.

Nakangisi lang sila at inirapan pa ako. Mahina akong natawa. Nagsimula na silang magsitayuan at magsialisan sa mesa. Nahuki naman kaming dalawa ni Winona sa paglabas sa kusina.

Nginitian ko siya. "Nakaisip ka na ba ng ipapangalan sa baby?"

"Hindi pa po. Maaga pa naman kaya may panahon pa para pag-isipan."

"You know that you're not alone right? Nandito lang kaming mga kasamahan mo sa trabaho. Don't hesitate to seek help from us," pagpapanatag ko sa loob niya.

Ngumiti siya. Hindi man niya sabihin sa amin, ramdam pa rin namin ang bigat ng kanyang pinagdadaanan. Gusto naming iparating sa kanya na hindi siya nag-iisa.

"Alam ko po. At talagang nagpapasalamat po ako."

Bumuntonghininga ako at sinulyapan sina Ate Jelay at Lyn na nagsimula na sa pagwawalis at pagliligpit.

"Tingin ko rin nagkukumparahan na ng listahan sina Ate Jelay at Lyn sa ipapangalan sa anak mo," natatawa kong pagkukwento.

Excited ang lahat nang nasa Isla Verde na kami. Nagbaon na rin kami ng sariling pagkain. Dahil hindi pa masyadong nadidiskubre ang isla ay sobrang linis at linaw ng tubig. Kaonti lang din ang mga cottage.

Wala kaming naging problema sa pagkain dahil nag-arkila talaga si Lake ng isang buong food truck. Nagkaroon din ng mga palaro na pinangunahan ni Ate Jelay. All in all, it's a day filled with happiness.

"Sobrang hot and fresh naman tingnan ni Attorney!" si Lyn na nasa gilid ko lang at naghahanda ng grill pang-barbeque namin mamaya dahil malapit ng maghapon. Kasama rin namin si Ate Jelay.

Dahil sa kanyang sinabi ay napabaling na rin ako sa deriksiyon na tinatanaw niya. Nakita ko si Lake na nakasuot ng black sunshades at nakapamulsang naglalakad palapit sa amin. Napansin kong nagpalit na siya ng pang-itaas na damit. Ngayon ay nakasuot na siya ng kulay gray na short sleeve v-neck loose shirt. Nakabukas ang unang tatlong butones nito.  Ganoon pa rin ang suot niyang dark blue na shorts.

Huminto siya sa gilid ko at ngumiti. Napakurap naman ako dahil hindi man lang namamalayan na sobrang lapit niya na pala.

"Wanna go sailing with me?" pag-iimbita niya.

Dinig ko naman ang pag-impit ng tili ni Lyn.

"S-Sure," tiklop ko. "S-Saan ba?"

Nanunuksong natatawa si Lyn. "Siyempre sa dagat, Ma'am! Alangan naman sa hotel!"

Agarang uminit ang magkabilang pisngi ko. Narinig ko naman ang tunog ng pagsapak at mahinang paghiyaw ni Lyn sa sakit. Nang lingunin si Lyn ay nakita ko ang kamay ni Ate Jelay sa likod ng batok niya.

Mahina akong naubo at muling tiningnan si Lake.

"I mean.... Saan ang bangka?" pagwawasto ko. Pilit na tinatakpan ang hiya.

Umangat ang sulok ng labi ni Lake. May tawa rin sa kanyang mga mata na sa pisngi ko nakatitig.

"Nando'n lang," aniya sabay turo sa may dalampasigan.

Nakita ko nga ang kulay puting bangka na may puting layag. Tumango ako at nagpaalam na kami sa nakatingising sina Ate Jelay at Lyn.

Tahimik lang kami habang naglalakad patungo sa bangka. Nang marating na ito ay tinanggal ko ang suot na brown flat sandals at binitbit ito. Inalalayan niya ako paakyat. I am  wearing a white lace bikini top as a shirt and a denim jacket as a cover up. I paired it with forest green chino shorts. Sa suot ko ay nanunuot din ang lamyos ng hangin sa aking balat.

Naupo ako sa may kahon na upuan. Nanatili naman siya sa ibaba ng tubig. Unti-unti niyang itinulak ang bangka pailalim sa tubig. Nang hanggang beywang na niya ang taas ng tubig ay saka pa lamang siya sumakay. Nanatili siyang nakatayo at may itinaling lubid sa pole nito. Sa higpit ng pagkakatali niya ay nadepina ang mga ugat niya sa braso.

"You know how to sail?"tanong ko habang nakatingala sa kanya. For the Lake who I knew back then was not capable of sailing.

Hinawakan ko ang buhok dahil sa biglaang pagsisimulang paglakas ng hangin.

"I learned," sagot niya. Marahil ay napansin niya ang pananatili ng tingin ko sa kanya kaya siya nagpatuloy. "I had to learn...in order for me to find you."

"What do you mean?"

Ibinaling niya ang tingin sa deriksiyon ng pinagmulan ng hangin. Tumalim ang tingin niya na parang kalaban ang turing sa hangin.

"When... When the authorities declared you were... dead on that cliff, the coastguard gave up. They'd all given up... I didn't. Ako mismo ang naghanap sa'yo sa dagat. My hope kept me alive."

Parang may biglang sumundot sa puso ko nang maunawaan ang sinabi niya. Sa bigat ng nararamdaman ay napayuko ako. I put my hand down and let the wind blew my hair just so I could embrace myself.

"I want you to stop now, Lake," I softly whispered. Alam namin parehas ang tinutukoy ko. "Go home. Go back to Manila. Go back to your life, your career. Everything." Naalala ko ang sinabi ni Attorney Pelaez noong bumisita siya.

"I have everything here," he simply stated.

Marahas akong nag-angat ng tingin. There is no turning back. Kailangan dito na ito matapos.

"You don't. This is not your home. Not your life. You don't have a career here," malamig kong sinabi.

"I have you. You are here. My everything is here."

"Lake...." daing ko.

Umigting ang kanyang panga at sumidhi ang kanyang titig. Dumiin din ang pagkahawak niya sa lubid. Masyado na kaming malayo sa dalampasigan. Mistulang langgam na ang mga taong natatanaw ko sa malayo.

"Don't tell me to give up because I won't, Jean," pagmamatigas niya. "Kahit na ilang beses mo akong ipagtabuyan, mananatili pa rin ako sa'yo. I'll stay until you forgive me. I'll stay until you learn to love me again."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top