Chapter 30
Chapter 30
Light
"What are you doing here?" naguguluhan kong tanong.
Pinagmasdan ko ang kanyang suot. He is wearing a dark, gray-ish sleek, coordinated suit.
Bumuntonghininga siya. "I'm... I'm actually your date for tonight."
Nagtagpo ang kilay ko. Napasulyap ako sa paligid at umastang naghahanap kay Tom Cruz maski alam ko namang hindi na siya sisipot pa.
"I don't understand. Iba ang ka-date ko. He's... He won the bidding." Gulong-gulo na ako sa nangyayari.
"It was me," pag-amin niya. "Inutusan ko lang siya."
"What?!" I gasped and stood up. Now we are face to face. Unti-unti nang napagtanto ang nangyari. Ang pagbi-bid noong payat na lalaki habang may hawak siyang cellphone sa isang kamay. Malamang si Lake ang kausap nito.
"I didn't mean to come here for I know how you'd react," bigo niyang sinabi sabay iwas ng tingin. "Kaya...Kaya ko nga rin sinabi kay Tom Cruz na tawagan ka para umatras. But you...you insisted so I..."
"I asked Tom to come here! Not you," mariin kong pahayag.
"Alam ko," maamo niyang sinabi.
"Why would you... Why would you spend a million on me?!" pagalit kong pagkakasabi.
"Why not?" tugon naman niya at tiningnan na ako sa mga mata. His stare is like begging to be understood.
Nag-iwas ako ng tingin at itinuon ito sa tatlong lalaki na huminto na sa pagpapatugtog ng kanilang violin. Ngayon ay nakaawang ang labi na silang nanonood sa amin ni Lake. Nang marahil makita ang matalim kong tingin ay madali silang napaatras at iniwan kami ni Lake.
"Puwede akong umalis...kung gusto mo," aniya sa mahinang boses paglipas ng ilang segundong pagiging tahimik naming dalawa.
"You paid for this. You paid for me," miserable kong paalala sa kanya sabay sulyap sa mesa.
"Ayaw ko lang naman na mapilitan kang gawin ang isang bagay na ayaw mo."
I laughed bitterly. "Isn't it too late for that?" Nagmamakaawa ang tingin na ipinupukol ko sa kanya. "Ano ba talaga ang kailangan mo sa'kin, Lake?"
Ito na ang komprontasyon na tinatanong ni Alec sa akin sa mga nagdaang araw. Wala na yatang atrasan pa rito.
"Gusto lang naman kitang kumustahin," paos na bulong niya.
"I'm fine. I'm good. I'm happy with my life now. Okay na?" sarkastikong sabi ko.
"Jean..."
"Don't call me that!" inis kong pagbabanta. May kirot sa puso ko. "Hindi na ako si Jean. Iba na ang buhay ko ngayon."
He licked his lower lip. Nangungusap ang kanyang mga mata.
"Alam ko. Tanggap ko," paos na bulong niya at pagkatapos ay bigong napayuko.
"And?" I begged, willing him to look at me in the eyes. "What do you want from me? What do you want from this new Jean?"
Naghintay ako na mag-angat siya ng tingin. At nang gawin niya ito ay mistulang piniga ang puso ko sa bigat ng emosyon na ipinapakita ng kanyang mga mata at sa nakakadurog niyang ngiti.
"Masaya ka ba?" mahina niyang tanong. Sa sobrang hina ay halos sumabay at nadala na ng malamig na hangin. "Masaya ka ba, Caitlyn?"
Nagitla ako sa tanong niya. Sa mga nagdaang buwan, ni hindi ko tinanong ang sarili kung masaya ba. All I wanted was to survive. Ngunit masaya nga ba ako? Siguro naman.
"I guess," sagot ko. "Nabubuhay naman ako. Maybe living day by day is enough because asking for happiness is too much."
Hindi siya nagsalita at tahimik lang akong pinagmasdan. May pasadyang tumikhim sa gilid namin.
"E-Excuse, Ma'am and Sir? Uh... I-Ihahanda na po ba namin ang dinner niyo?" anang isang babaeng staff.
"Hindi na," si Lake ang sumagot. "Aalis din siya."
"I'm staying," sabi ko habang iniisip ang isang milyon niya. "Ayaw kong maging unfair sa bid mo. Think of this as me doing my job." Unti-unti akong bumalik sa kinauupuan. Nanatili naman siyang nakatayo na parang hindi alam ang gagawin. Ilang sandali pa ay sumunod din siya at naupo sa tapat ko.
"Kakain kami," anunsiyo ko sabay tingin sa staff. Palipat-lipat ang tingin niya sa aming dalawa ni Lake.
"O-Okay po," aniya at tumalikod na para iwan kami.
Lake and I were both silent for a few minutes. Nakabibingi ang sobrang katahimikan namin habang hinahatiran na ng pagkain sa mesa. Pinagbawalan na rin namin ang pagtugtog ng violin dahil mas lalo lang na magiging awkward ang sitwasyon.
Matapos mailapag ang pagkain at makaalis ng dalawang staffs ay pinulot ko ang kutsilyo at sinimulan na ang paghiwa sa steak.
"Hindi ka ba kakain?" tanong ko kay Lake nang hindi man lang nag-aangat ng tingin sa kanya. Sigurado akong pinagmamasdan niya lang ako dahil ramdam ito ng buong katawan ko.
"I... I'm not hungry," tikhim niya.
Kalmante akong tumango at nagpatuloy na sa ginagawa. Gamit ang tinidor na hawak sa kabilang kamay ay sumubo ako ng isang piraso ng steak. Sa halo-halong emosyon ay hindi ko na malasahan ang nginunguya.
Pinilit kong magpatuloy sa kabila ng gustong pag-urong ng sikmura at sa patuloy na pangangatog ng tuhod. I wanted it to be over. Quick.
Napansin ko ang paggalaw niya. Nilalagyan niya pala ng wine ang wineglass ko. Sumubo ulit ako at sa pagkakataong ito ay nginuya ko nang maayos ang steak. I took my time.
"How's Manila?" kaswal na pagkakatanong ko matapos lumunok. Nagsisikap akong magbigay ng paksa ng usapan. If he wants to talk about the past, then so be it.
"Gusto mo ba talagang malaman?"maingat niyang sinabi.
Inabot ko ang table napkin at pinunasan ang bibig gamit ito. Isinandal ko ang likod sa backrest ng upuan.
"You didn't finish your food," puna niya.
"Busog na ako," agaran kong sagot at seryoso siyang tiningnan sa mga mata. "Why did you bid for me? Tell me the truth."
Nag-iwas siya ng tingin at nagtagis ang kanyang bagang. Kung makatingin siya sa kabikang deriksiyon ay parang may kalaban.
"Ayoko na makita ka do'n."
"Anong ibig mong sabihin?"
"You being on that stage made me... uncomfortable. Lalo pa't dinig ko na maraming...lalaki." Hindi pa rin niya ako tiningnan.
Hindi ko na idiin na wala namang nag-bid sa akin. Masisipa lang ang pride ko.
"And why spend a million on me?" Gustong bumaloktok ng tila ko sa halagang isinambit.
Bumuntonghininga siya at sa wakas ay natingnan na ako. Wala sa sarili siyang napahilot sa kanyang noo.
"It kinda...escalated. Nadala lang..."
Pinigilan ko ang pag-awang ng labi. "Nadala? Isang milyon?"
Nag-iwas ulit siya ng tingin at ngayon ay nahahalata ko na ang pagkakaasiwa niya sa sitwasyon. Nagkamot siya sa batok.
"Hindi ko naman inasahan na aabot pala ro'n. Medyo malakas din ang...kalaban. I wanted to keep up."
Nanumbalik ang pag-iisip ko sa nangyari at naalala ang ginawa ni Alec. Kalaban, huh?
"Paano mo nalaman na kasali ako? Nandoon ka ba?" Ang dami ko na yatang tanong.
"Someone told me," matipid niyang sinabi at nagsalin ng wine sa kanyang wineglass. Nauuhaw na yata siya sa usapan.
Mataray akong nagtaas ng isang kilay. "You had me followed?"
"H-Hindi naman..."
We both turned silent again. Hinayaan ko siyang ubusin ang laman ng kanyang wineglass. Huminto na ako sa pagtatanong at baka ma-high blood lang sa isasagot niya.
Sinadya kong mapansin niya ang pagsulyap ko sa suot na relo.
"Tapos na ang one hour dinner natin." Tiningnan ko siya nang deretso upang idispatsa na ang gabi. "Salamat sa donasyon mo sa San Luis."
Tumayo na ako at pansin ko ang agarang pag-alerto ng kanyang katawan. Sumunod din siya. Tumalikod ako at humakbang na papalayo. Hindi ko siya nilingon kaya hindi ko nakita ang ekspresyon ng kanyang mukha.
Idinampi ko ang kamay na may hawak na purse sa dibdib at dinama ang tibok ng puso habang nasa loob na ng elevator. Tinapik ko ang sariling balikat dahil sa pagiging proud sa sarili at nakayanan siyang harapin kanina.
Halos hindi ko maramdaman ang mga paa ko nang marating ang nakaparadang sasakyan. Saka ko pa lamang naramdaman ang pagiging ligtas nang makapasok na sa loob ng kotse.
Sa pag-aakalang nakasunod siya sa likod ay binilisan ko ang pagpapatakbo ng sasakyan. Mabilis kong narating ang bahay dahil dito. Nagmamadali akong lumabas ng sasakyan at pumasok sa loob ng bahay. Darkness enveloped and temporary calmed me down.
Tulala ako sa trabaho. Palaging naglalaro sa isipan ko ang nangyari kagabi. Hindi man naging mabigat ang komprontasyon ay nahirapan pa rin ako rito. Pansamantalang naibaling sa iba ang isipan ko nang makausap si Winona dahil sa pagbale niya ng pera.
May sarili man akong problema ay tinulungan ko pa rin siya. Sa napapansin kong tamlay sa kanyang mukha ay alam kong may pinagdadaanan din siya. I gave her advice and told her to be strong. Payo na sana ay masunod ko rin mismo para sa sarili.
Sinadya kong gabi na lumabas ng café para umuwi ng bahay dahil ayaw kong makita si Lake sa ipinapagawa niyang bahay. Papasok na sana ako ng sasakyan nang bigla na lang tumunog ang ringtone ng cellphone ko. Inilapag ko muna ang bag sa upuan at kinapa ang cellphone na inilagay ko sa bulsa ng suot na jeans.
Sinagot ko ang tawag nang makita ang pangalan ni Alec na naka-display sa caller ID.
"Kumusta ang meeting?" Pumasok na ako sa driver's seat ng sasakyan at naupo. Isinara ko na rin ang pinto nito.
"We have a problem, Jean."
Tumigas ang pagkakahawak ko sa cellphone. Napagtanto ko na magiging seryoso ang susunod niyang sasabihin dahil sa pagbanggit niya sa pangalan ko.
"It's about my past," saad ko. May pagdududa na sa nangyayari.
"I just had a conversation earlier with Attorney Pelaez. He is now convinced that you are alive—"
"No. No..." pagputol ko sa may panginginig ng boses. "That can't happen."
"He has pictures and some information which I don't know where he got from. He confronted me," agap niya. "I tried to deny it but I'm not sure if I can hold it much longer. Jean, this might blow up especially due to the fact that you're the only heir to your late stepfather's business. Masyadong determinado ang kaibigan ng stepfather mo."
Parang kay layo na ng boses ni Alec sa kabilang linya dahil natatabunan ito ng pagbalot ng pangamba sa buong pagkatao ko.
"Si Mommy," desperada kong nasambit. "She's... She's handling the business."
"Your mother has gone AWOL for many months now. Nobody knows where she is."
Pumikit ako at mabilis na nag-isip. I tried to organize my thoughts. I was very good at hiding until now. Salamat na rin sa malaking tulong sa akin ni Alec.
"I can send some of my men in there...but I'm not sure if that'll help," pagpapatuloy niya. "Just tell me what you need and I'll be on it."
Pinakalma ko ang sarili at nagpaalam na kay Alec. Sinabihan ko siya na titimbangin ko muna ang sitwasyon at tatawagan siya ulit. I also told him to keep me updated. Ibinaba ko ang tawag at mabilis na pinaandar ang sasakyan.
Masyadong naging okupado ang isipan ko sa susunod na hakbang na gagawin. Nakisali na rin dito ang tanong kung paano nalaman ni Attorney Pelaez na buhay ako. Dahil dito ay naalala ko ulit ang nag-iisang article na hindi namin nagawang maipatanggal ni Alec na pagmamay-ari ng matandang abogado.
Nang makarating sa tapat ng bahay ay nagtaka ako dahil nakita si Lake na tila ba nag-aabang sa akin sa labas. May katawagan siya dahil sa nakikita kong hawak niyang cellphone na nakalapat sa kanyang tainga.
Mabilis akong lumabas ng sasakyan at sinalubong niya ako. May bakas ng matinding pag-aalala ang kanyang mukha. Dumapo ang tingin ko sa cellphone na ibinaba na niya niya. Umusbong ang pagdududa ko.
"Sinong kausap mo?" malamig kong tanong.
"Si Attorney Pelaez—"
Hindi na niya natapaos ang sasabihin dahil sa malakas na pagtama ng palad ko sa kanyang pisngi.
"How dare you?"sigaw ko, pareho na ngayong nakakuyom ang magkabilang palad sa gilid. "Hindi pa ba sapat ang panggugulo mo sa'kin dito?!"
"H-Hindi kita maintindihan..."pagmamaang-maangan niya. Ni hindi niya hinaplos ang pisnging natamaan ng palad ko.
"Oh really?" laughed bitterly. "Ikaw ba ang nagsabi sa kanya na buhay ako at nandito sa San Luis, huh?!"
Nanliit ang kanyang mga mata at kita ko ang kaguluhan sa kanyang hitsura.
"No, it's the other way around," paos niyang paliwanag. "I was actually trying to convince him otherwise. Dahil alam ko na ayaw mong magpahanap, Jean."
"Sa tingin mo ba talaga may katiting pa akong natitirang paniniwala sa'yo at sa mga salita mo?" I spat. Hindi nakalagpas sa akin ang sakit na bumalatay sa kanyang mukha dahil sa huling binitiwan ko.
Hindi na siya nakasagot pa dahil sa biglaang pagkamatay ng ilaw. Binalot kami ng kadiliman. Lumingon ako sa deriksiyon ng bahay at purong kadiliman din ang nakikita.
Hindi na ako nakapag-isip pa nang mabuti at nagsimulang mangapa sa kadiliman papunta sa bahay para lang mailayo ang sarili sa kanya.
"Jean! It's dark..." Dinig kong pagtatawag niya.
"Leave me alone!" Kinapa ko ang sagabal na nadadaanan makapasok man lang sa loob ng terasa. Paulit-ulit mang nabubunggo ay hindi pa rin ako sumuko sa bulag na pangangapa.
Naramdaman ng kamay ko ang center table at napahinto ako sa paglalakad dahil sa paninimulang pananakip ng dibdib. Kumunot ang noo ko sa pagkalito dahil inakalang tuluyan ko nang nalagpasan ang takot sa dilim pero ngayon, para bang nanunumbalik ito.
Dumaing ako at paulit-ulit na mahinang sinusuntok ang dibdib upang makahinga. Sumandal ako sa mesa dahil sa unti-unting pagkawala ng lakas.
Narinig ko ang tunog ng natumbang bagay kasabay ng malutong na pagmumura ni Lake. Sa gitna ng kadiliman ay may nakita akong kaonting liwanag na marahil ay nagmumula sa kanyang cellphone. Iniangat niya ito at itinutok sa deriksyon ko.
Sa panghihina ay dahan-dahan akong naupo sa sahig. Nakita ko ang unti-unting paglapit ng flashlight ng kanyang cellphone at narinig ang tunog ng bawat yapak ng kanyang mga paa.
"Shit," mura niya dahil sa aksidenteng pagkadulas sa sahig.
Lalo lang na naninikip ang dibdib ko dahil naramdaman na kung gaano siya ka lapit sa akin. Parehas na kaming magkaharap na naupo sa sahig.
"I...Iwan...mo... ako," hingal ko.
Mas itinutok niya ang ilaw sa akin.
"You're not alone in the dark. I'm right here with you. You're not alone in the dark," paulit-ulit niyang sinasabi tulad noong dati na kami pa. Gaya rin ng dati, unti-unti akong napakalma ng banayad niyang boses.
Tanging malakas na paghinga ko lang ang naririnig namin. Indulhente niyang iginawad ang ilaw na nagmumula sa kanyang cellphone para lang mabawasan ang dilim na nakikita ko.
Pareho kaming tahimik na nag-aabang sa pagbabalik ng ilaw.
"I don't believe you," sabi ko makalipas ang ilang minutong katahimikan.
"I'm not asking you to believe me or to believe in my words. But I am asking you to believe in the truth," mahina niyang sinabi. "Alam ko naman na wala ka na talagang tiwala sa'kin, Jean. And I am not hating you on that."
"Kung inosente ka bakit mo kausap si Attorney Pelaez?" paghamon ko. "Ano ang koneksiyon mo sa kanya?"
"Sa lahat ng mga taong naniwalang patay ka na, kaming dalawa lang ang hindi," pahayag niya sa mapait na tono ng boses. Hindi ko kita ang mukha niya dahil hindi niya binigyan ng ilaw ang sarili. "Sa totoo lang, noong una ako lang naman talaga ang naniwalang buhay ka. But I convinced him. I asked for his help to find you."
"Why would you do that?" anas ko.
"Because I love you," banayad niyang sinabi. Puno rin ng determinasyon ang kanyang boses. It was like he was stating a fact. A general truth.
"I hated you," bulong ko sa kadiliman. "I still hate you. And I'm not sure if I will ever stop hating you."
"Hate me then. Magalit ka sa'kin hanggang sa gumaan ang pakiramdam mo. Hanggang sa maubos ang sakit na pasan mo. Kamuhian mo ako, Jean, pero huwag ang Mommy mo."
"She killed him!" matigas na paninindigan ko.
"She didn't," marahan niyang sinabi. "Your mother was innocent. Huwag kang magpabulag sa galit."
"You're lying," matalim kong sinabi.
He did not answer. Binalot muli kami ng katahimikan.
"Tingin mo ba talaga dedepensahan ko ang taong kayang gumawa ng gano'ng krimen?" I could hear pain on his voice.
Natigilan ako sa kanyang sinabi. Nagkamali ba talaga ako ng akala? Ano nga ba talaga ang katotohanan?
"Hindi magagawa ni Papa ang...magpakamatay," depensa ko. "Hindi niya magagawa ang iwan kami na... na ganito."
"You do know what a desperate person can do, Jean," makahulugan niyang sinabi. Tila ba mayroong binibigyang diin.
Napanilay ako sa dati rin na ginawa para lang makatakas sa lahat ng sakit. Nanumbalik ako sa pagkakataon noong tumalon sa bangin at sa mga sumunod na pagkakataong gustong tapusin ang sariling buhay.
"Bakit 'yon gagawin ni Papa? He was the most generous person I know. He's never... selfish."
Dinig ko ang malalim na paghugot niya ng hininga.
"I don't think I'm the right person to answer that. Ang Mommy mo ang mas nakakaalam."
"I don't even know where she is," mapait kong sinabi.
"Alam ko kung nasa'n siya. Dadalhin kita sa kanya...kapag handa ka na."
Tumingin ako sa kanya. I can only see his silhouette because of the darkness around him. Siguro kabaligtaran ng nakikita niya sa akin dahil sa liwanag na ibinibigay niya.
When the light went back, the darkness that has been covering the truth and hovering my life for the longest time is slowly starting to unveil. And hopefully, will be gone forever.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top