Chapter 3

Chapter 3

Law and Discipline

Muli akong napatingin sa paligid para masiguro na hindi ako nawawala at bigla nalang napadpad sa ibang village. Nakampante lang ako na hindi nga naliligaw dahil nakita naman ang mansiyon sa may hindi kalayuan.

Muli kong binalingan si Sir Mendez na halatang naghihintay sa eksplenasyon kung bakit nakatayo ako ngayon sa harap niya.

Ibang-iba ang kanyang suot sa karaniwan kong nakikita sa kanya sa university. Naka-jersey shorts at gray shirt lang siya. Nakasuot lang din siya ng tsinelas. Dumapo ang tingin ko sa kamay niyang may bitbit na paper bag mula sa isang sikat na fast food.

"Can I help you?" untag niya dahil napansin yata ang kawalan ko ng kakayanang magsalita.

Ipinalandas ko ang dila sa labi dahil nanuyo na ito sa gulat na kumubaw sa sarili. Mula sa bitbit niyang supot ay nag-angat ako ng tingin para matingnan ang mukha niya. Hindi na ako nagulat nang makita ang paniningkit ng kanyang mga mata habang pinagmamasdan ako.

"H-Hi, Sir!" Mistulang naging pumiyok na tunog ng ibon ang boses ko dahil sa kaba. Tumikhim ako upang mawala ito. "D-Dito na po pala kayo... nakatira?"

"I just moved here last night."

Paulit-ulit akong tumango na parang timang. Ramdam ko naman ang paghihintay niya.

"Doon po ang bahay namin!" kabado kong sinabi sabay turo sa mansiyon.

"Uh huh," matipid niyang tugon na nasa akin pa rin ang tingin. "Now, who's Pepe?"

Dahil sa sinabi niya ay wala sa sarili akong napatampal sa noo. Nasa harap ko lang si Sir, nakalimutan ko na ang puno't dulo kung bakit ako naging aligaga kanina. Mabilis kong muling nilingon ang sisiw. "Ang..." Nawindang ako nang makitang nawala na naman ito, "sisiw ko po..."

Sinundan niya ang tingin ko. Mas lalo lang nagtagpo ang kanyang kilay dahil sa kalituhan.

"Wala naman akong nakikita."

"Nasa bakuran niyo lang po 'yon kanina, Sir!" depensa ko. "Maliit po siya. Sobrang matingkad 'yong pagiging kulay dilaw niya. Hindi po 'yon nakakapagsalita dahil pipi po siya."

Huli na nang mapagtanto ko na nasobrahan yata sa pagdadaldal. Hindi umimik si Sir Mendez at pinagmasdan lang ako. Ngayon ko pa lang napansin na hindi niya man lang din ako pinagbuksan ng gate.

"Siya po si... Pepe," malamya kong dagdag. Ang awkward ng katahimikan.

Bumuntonghininga ang guro ko. "Wait here."

Tumalikod na siya at nagsimulang humakbang papalayo. Hindi pa man nakaka-tatlong hakbang ay huminto siya at muli niya akong nilingon. Dahan-dahan niyang ibinaba ang tingin sa mga paa ko. Dahil sinundan ko ang tingin niya ay nakita ko na tanging kulay gray na medyas lang pala ang sapin ko sa paa. Sobra talaga yata akong nagmadali na makalabas kanina at nakalimutan ko pa ang magsuot ng tsinelas!

Sa kahihiyan ay ipinatong ko ang kaliwang paa sa kanan. Muli naman siyang bumuntonghininga at naglakad pabalik sa kinatatayuan ko.

Walang kibo niyang binuksan ang pinto ng gate. Ngayon ay kaharap ko na siya at wala ng bakal na nakapagitan sa aming dalawa.

"Pumasok ka muna," malamig niyang sinabi at walang anu-ano ay tinanggal ang tsinelas na suot. "Wear these."

Sa gulat ay hindi ako nakakilos at awang ang labi ay tinitigan lang ang Gucci flip flops niya. Nagpatuloy naman siya sa paglalakad.

"Ilalagay ko muna 'to sa loob. Hanapin mo nalang sa bakuran ang sisiw mo."

"Uh...O-Opo!" sagot ko na medyo napalakas yata.

Pumasok na siya sa loob ng bahay at naiwan naman ako na may ngiti dahil sa kilig na nararamdaman habang isinusuot ang mamahalin niyang tsinelas.

Pinagmasdan ko ang buong apartment. Dalawang palapag ito. Sa itaas ay puro glass na ang pader. Tinted naman dahil hindi nakikita mula sa labas ang loob nito. Katamtaman lang ang laki pero maganda naman at de kalidad. Tingin ko nagbago ang pananaw ko rito dahil alam ng si Sir Mendez ang bagong nakatira.

Palagi ko na namang nakikita ang apartment na ito sa tuwing lumalabas ako ng mansiyon. Hindi ko lang binibigyang pansin noon sa tuwing dumadaan ako papuntang eskuwelahan. Siguro ngayon, mag-iiba na dahil alam kong espesyal. Siyempre dahil alam ko na ngayong dito na nakatira si Sir.

Uminit ang pisngi ko habang ninanamnam sa paa ang tsinelas niya. Malaki man ito, pakiramdam ko naman swak na swak lang sa akin.

"Did you find it?"

Napukaw ang imahinasyon ko dahil sa boses na pagmamay-ari ng laman nito.

"H-Huh?"

Iminuwestra niya ang bakuran.

"Ang sisiw mo. Nakita mo na?"

Dahil sa pagbanggit niya ay muli akong bumalik sa reyalidad kung bakit ako napadpad sa lugar niya.

"Ay, oo! H-Hindi pa..." Agaran akong lumingon at naglakad na papunta sa halamanan. Namangha ako sa mga tanim. Siguro sa dami ay pagmamay-ari ang mga ito ng naunang nakatira sa apartment.

Sinuyod ko ng tingin ang likod ng bawat paso at seryoso ng hinahanap ang naglakwatsang si Pepe.

Tinulungan na rin ako ni Sir sa paghahanap. Hindi ako makapaniwala na magkasama kami ngayon ni Sir habang naghahanap sa alaga ko. Hindi ko maiwasan ang hindi kiligin sa sitwasyon namin ngayon. Kaya naman pangiti-ngiti lang ako habang naghahanap samantalang si Sir Mendez naman ay napakaseryoso. Parang nagbabantay pa rin ng eksam sa klase.

Inabot kami ng mga ilang minuto. Pinaalalahanan naman ako na hindi pa kumakain ng agahan dahil sa tunog ng aking tiyan.

Upang maisantabi pansamantala ang gutom ay muli kong pinagmasdan si Sir. Nakadungo siya at nagkukutingkay sa mga paso na natitira. Kung gwapo man siya tingnan kapag nakaharap, gwapo pa rin siya tingnan maski nakatalikod. Ang tangkad niya talaga. Ang ganda ng lapad ng likod niya. Pati puwetan niya ay—

"I got him," bigla niyang anunsiyo.

Kaagad kong pinutol ang nakakahiyang pagtitig sa kanyang puwit. Nakita ko sa kanyang kamay ang maingat na paghawak kay Pepe.

"Ito 'yon 'di ba?" untag niya sabay lahad sa palad kung nasaan muswerting nakapatong ang sisiw.

"Opo!" Inilahad ko na rin sa harap niya ang dalawang magkadikit na palad para kuhanin na si Pepe.

Ipinatong naman ni Sir ang sisiw sa mga palad ko.

"T-Thank you po."

"Alright. See you in class," aniya na pakiramdam ko ay dinidespatsa na ako.

Tumango lang ako at tipid na ngumiti. Tumalikod na ako at naglakad palapit sa gate.

Hindi naman nagbago ang pakikitungo ni Sir sa akin. Siguro nga ay hindi niya nabasa ang love letter na aksidente kong naipasa kahapon. Dahil siyempre, kung nabasa man niya iyon, dapat sana hindi siya nakakatingin sa akin nang deretso at naaasiwa siya.

"Miss Villarejas..."

Nahinto ako sa paghakbang dahil sa biglaang pagtawag niya sa akin. Lumingon ulit ako sa kanya.

"Sir?"

"Tsinelas ko."

Nasamid ako sa sariling laway. Mabilisan ko itong hinubad at dali-daling pinulot. Nilapitan ko siya muli sabay abot nito sa kanya.

Imbes na tanggapin ay tinitigan niya lang ako.

"I've read your letter."

Lumagapak ang tsinelas niya sa lupa dahil sa pagbitiw ko rito. Ilang beses akong napakurap. Hindi naman nagbago ang paraan ng pagtitig niya sa akin. Seryoso pa rin ang mga mata niya.

"S-Sir?" Pumiyok pa ang boses ko.

"I'm not interested with your feelings. Keep it to yourself next time." Matapos sabihin iyon ay tinanggap na niya ang tsinelas at isinuot. Tumalikod na siya at deretso ng naglakad papasok ng kanyang bahay.

Sa kabila ng kabiguan sa first love ay nanatili pa rin akong positibo. Bumalik ako ng mansiyon na may matatag na desisyon at determinasyon. Alam kong rejection ang nangyari kanina, pero hindi ako susuko. Ayaw kong matulad doon sa mga babaeng nauna ng mag-confess sa kanya na kaagad din namang sumuko. Isang subok ko pa 'yon. Sabi nga nila, dapat try lang nang try para more chances of winning.

Nagpunta ako ng mall at bumili ng mga iba-ibang sticky notes. Iginugol ko ang buong weekend sa paggawa ng mga original quotes para kay Sir Mendez. Hindi ako titigil sa pagsusulat para sa nararamdaman ko sa kanya. At siyempre, hindi ko na itatago ang mga ito. Sekreto ko itong ipamimigay sa kanya araw-araw.

"Ang hirap no'ng topic sa Accounting kanina. Naubos yata ang lahat ng Math ko from Elementary to High School," reklamo ni Hope.

Nakaupo kami sa bench sa may covered court dahil vacant time pa naman. Tanaw namin ang mga lalaking estudyante na naglalaro ng basketball.

"Buti pa nga sa'yo ngayon lang naubos. Sa'kin no'ng first year pa. Sagad na nga," dagdag naman ng katabi niya sa gilid na si Jok.

Sabay kaming humagikgik ni Hope. Ilang sandali pa ay tumayo na ako at inayos ang bitbit na folder. Hinarap ko ang dalawa.

"May pupuntahan lang ako," paalam ko.

Kumunot ang noo ni Hope. "Sa'n naman?"

"Basta, do'n lang."

"Samahan na kita, JC," pagprisinta ni Jok.

"Asus! Poporma ka na naman kay JC!" pang-aasar ni Hope sa kanya. "Wala ka na kasing chance sa kanya. Mataas standards niyan. Mag-move on ka na!"

"Bakit? Pogi naman ako, ah!" apila naman ni Jok sa kanya. Totoo naman na pogi siya. Marami nga rin ang nagkakagusto sa kanya.

Umismid si Hope sabay irap. "Mama mo pogi!"

Tinawanan ko lang ang bangayan ng dalawa. Kahit nakatalikod na at naglakad na palayo ay dinig ko pa rin ang walang tigil nilang asaran.

Dumeretso ako kaagad sa faculty area. Habang naglalakad sa school corridor ay dumagundong na ang kabog sa dibdib ko. Muli kong sinilip ang inipit na sticky note sa loob ng hawak na folder. Nakasulat na rito ang love quote ko for the day. "I wonder every second of my everyday if you ever wonder of me too.

Love, Jc."

Napangiti ako at nag-angat na ng tingin. Kaharap ko na ang pinto ng faculty room kung saan nabibilang si Sir. Sumilip muna ako sa loob. Nang makitang wala namang teachers na nasa loob ay pumasok na ako. Tinungo ko ang mesa ni Sir Mendez. Kinuha ko ang sticky note at pasimpleng binuksan ang kanyang drawer upang ilagay ito sa loob. Awtomatiko akong napasimangot dahil sa mga nakitang halatang love letters na mas nauna pa yata kaysa sa akin.

Nagbago ang isip ko dahil ayaw ko namang makihalo lang doon sa mga nauna. Sigurado akong hindi niya ito papansinin. Imbes na ipatong ang sticky note sa ibabaw nito ay muli kong isinara ang drawer.

Naghanap ako ng ibang puwesto na maaaring paglagayan sa kanyang mesa. Pilyang umangat ang sulok ng aking labi nang makita ang makapal na libro na palagi niyang dala. 'Law and Discipline.' Pamagat na nabasa ko sa libro. Binuksan ko ang cover page at idinikit sa likod nito ang sticky note.

Matapos itong gawin ay lumabas din ako kaagad. Hindi na ako makapag-antay na makita siya mamaya sa klase namin.

Palabas na ako ng pintuan nang makasalubong ang guro ko sa Basic Statistics na si Ma'am Ramones. Natigil sila sa pag-uusap ng isa pang babaeng guro na kasama niya. Pareho nila akong tiningnan kaya huminto na rin ako sa paglalakad at bumati sa kanila.

"What were you doing inside, Miss Villarejas?" si Ma'am Ramones.

Nangapa ako ng excuse na pwedeng sabihin sa kanya.

"I j-just did some...errand for the teacher, Ma'am."

Napasulyap siya sa folder na hawak ko. Dumiin ang pagkakahawak ko rito. Isang beses niya akong tinanguan at nagpatuloy na sila sa pagpasok sa loob.

"So, did he ask you out?" Dinig kong tanong ng kasama niyang guro. Mukhang ipagpapatuloy na nila ang naudlot na usapan kanina.

"Not yet... You know how Lake is..."

Nag-ugat ang paa ko sa sahig dahil sa pagbanggit niya sa pangalan ni Sir Mendez. Gusto kong makinig pa sa mga sasabihin pa niya.

"Are you really sure that he's into you, Elle?" walang kumpiyansang tanong naman ng isa pang guro.

"Ako pa ba. Of course, I'm sure. I know the signs..."

"Well...I'm just saying. He is...you know... cold."

Narinig ko ang hagikgik ni Ma'am Ramones. Nanayo ang balahibo ko.

"It's okay. I'm hot."

Hindi ko na napigilan pa ang sarili. Kusang lumabas ang tawa sa bibig ko. Mabilis kong tinakpan ang bibig at kumaripas na paalis ng faculty room bago pa man masita nila.

Nagpirmi iyon sa utak ko hanggang hapon. Maganda naman si Ma'am Ramones. Balita ko ay nasa bente siyete anyos pa lamang siya. Si Sir Mendez naman ay bente sais. Samantalang ako naman ay dise-nuwebe pa lang. Ang laki nga naman talaga ng agwat namin. Pwede nga silang maging bagay sa isa't-isa.

"Bakit ganyan 'yang hitsura mo? Para kang nalugi riyan," puna ni Hope nang mapadaan sa upuan ko.

Hinihintay na lang namin ang pagdating ni Sir Mendez para sa klase.

Hindi ko siya sinagot at humugot na lamang ako ng malalim na hininga. Ngayon ay kabilang siko ko naman ang itinukod sa desk. Isinandal ko ang kabilang pisngi sa palad ko.

Nagtagpo ang kilay niya at nailing. Dumeretso na siya sa kanyang upuan sa likuran ko. Ilang minuto lang ang nakalipas ay dumating na rin si Sir.

Pinagmamasdan ko lang siya sa buong klase. Nakikinig naman ako sa aralin pero pahapyaw nga lang. Lagalag ang isipan ko. Habang nagsasalita siya, inabala ko naman ang  isipan sa pagkukumpara sa sarili ko kay Ma'am Ramones. Pinaandar ko rin ang imahinasyon sa pamamagitan ng pag-iisip na magkatabi sila ni Ma'am Ramones.

Bagay naman sila. Parehong matured na at matalino. Parehong may trabaho at parehong good looking. May gusto nga kaya talaga si Sir kay Ma'am? Halatang gustong-gusto rin kasi siya ni Ma'am Ramones. Pero paano naman ako. Gusto ko rin si Sir.

"...I've checked your reaction papers during the weekend," pagpapatuloy ni Sir matapos ang lecture. "I will be returning them to you, now."

Umayos na ako ng upo nang makita ang isa-isa niyang pagbabalik nito. Siya mismo ang nagpunta sa kanya-kanya naming upuan para isoli ang output namin.

Pinakahuli kong natanggap ang sa akin. Nang makalapit na siya ay naamoy ko kaagad ang manly scent niyang perfume. At kagaya nalang ng kadalasang nangyayari sa tuwing magkalapit kami, perfume niya palang kinilig na ako.

Matapos maibigay ang output sa akin ay bumalik din siya sa harapan. Imbes naman na sa grade ang tingin, sa kulay pink na bagay na nakadikit sa reaction paper dumapo ang tingin ko. Idinikit niya kasi rito ang sticky note na iniwan ko sa aklat niya kanina.

Alam ko na ang gusto niyang iparating sa ginawa. Pinansin nga niya ang feelings ko pero isinoli nga lang din niya kaagad. Nadismaya ako ngunit hindi napanghinaan ng loob. Dahil at least sa pagkakataong ito, pakiramdam ko kinilala na niya ang nararamdaman ko para sa kanya kahit hindi tinatanggap at lantaran pang ibinabalik.

Kaya naman sa mga sumunod pang araw ay ganoon pa rin ang ginawa ko. Nag-iiwan ako ng mga daily original love quotes sa paborito niyang libro na Law and Discpline. Walang mintis iyon sa buong linggo. Walang palya rin ang pagsosoli niya rito. Walang tigil din naman ang determinasyon ko.

" 'If love is you, then you are my own definition of love'," malakas na pagbasa ni Hope sa isa sa mga sticky note na idinikit ko sa loob ng folder. Nasa student lounge kami tumatambay matapos ang panghuling klase sa hapon at hinihintay ang pagdating ni Jok.

"Ang cringe ng isang 'to, babe," komento niya at ipinagpatuloy ang pagbabasa. " 'You may be cold but your mere presence tends to warm me up.' Ay bet!" tuso siyang ngumisi sabay tapon ng tingin sa akin. "Anong klaseng warm ba?"

Inignora ko siya at iginala ang tingin sa buong lugar.

"Nasaan na ba si Jok? Hindi ba kanina pa dapat natapos ang last class niya?"

Hindi kami pareho ng kurso na kinuha ni Jok. Political Science ang course niya.

Isinara na ni Hope ang folder at inilapag sa kandungan ko. Napasulyap siya sa kanyang cellphone.

"Kaninang five minutes pa dapat."

"Nagugutom na ako. Mauna nalang kaya tayo sa café?" suhestiyon ko.

"Hintayin nalang natin. Ang boring kasi maglakad papunta ro'n kapag wala si Jok. Wala akong maaasar."

Kinuha ko na ang folder at inilagay sa loob ng bag. "Para talaga kayong si Tom at Jerry. Nagtataka nga ako at 'di kayo nauuwi sa pikonan."

"Kasi hindi naman namin siniseryoso ang biro! 'Di tulad mo."

Tinapunan ko siya ng masamang tingin.

"Hindi kaya ako gano'n ka sensitive."

"Oo nalang, babe." Umaliwalas na ang ekspresyon ng kanyang mukha habang may tinitingala sa aking likuran kaya walang duda na dumating na si Jok. "Ang tagal, Jonas Kyle, ah! Iiwan ka na sana namin ni JC!"

Umirap lang ako sa kawalan at tumayo. Sumunod naman sa pagtayo si Hope.

"Sorry naman. Hiningi ko lang 'yong number ng bagong transferee. Ang ganda kasi," sagot ng nakangising si Jok.

"Akala ko ba loyal ka rito kay JC?"

Nagsimula na kaming maglakad sa hallway.

"Sabi mo kasi dapat mag-move on na ako," bato naman ni Jok pabalik kay Hope. At pagkatapos ay tumabi na siya sa akin at inakbayan ako. Tinitigan niya ako ng malagkit ngunit hindi naman nakalagpas sa akin ang pagpipigil niya ng ngisi. "You will always be my first love, Jean Caitlyn Villarejas."

"Aww. Ang sweet mo naman!" Plastik ko siyang matamis na nginitian pabalik. Palihim ko siyang kinurot sa tagiliran.

Napangiwi siya sa sakit ngunit hindi pa rin tinatanggal ang akbay sa akin. Ginulo pa niya ang buhok ko.

"Domingo!"

Sabay kaming napalingon ni Jok sa likuran dahil sa taong tumatawag sa kanya. Napasinok ako nang makitang si Sir Mendez ito.

Dumapo ang malamig niyang tingin sa braso ni Jok na nakaakbay sa akin bago naglandas sa mukha ko. Nanlamig ako dahil sa talas ng kanyang mga mata. Nawala ang lahat ng emosyon sa mga mata niya nang balingan niya ng tingin ang kaibigan ko.

"It's about your report. See me in the office tomorrow," malamig niyang sinabi  at saka tinalikuran na kami.

Ilang segundo rin kaming tatlo na natulala at natahimik habang nakatanaw lang sa papalayong likod ni Sir Mendez.

"Aww, man!" daing ni Jok sabay mahinang napamura.

Sinapak siya ni Hope sa bandang ulo dahilan upang makawala na ako sa pag-akbay niya.

"Ano na namang ginawa mo?" paratang ni Hope nang harapin siya ni Jok. "Nam-plagiarize ka na naman?!"

Ngumiwi si Jok sa sakit at hinaplos ang ulo na natamaan.

"Dalawang sentence lang naman ang ni-copy and paste ko galing sa internet! Tangina! Paano 'yon nalaman ni Captain Antarctica?" mangha niyang tanong. Ginamit pa talaga ang palayaw na ibinigay nila kay Sir Mendez dahil sa pagiging istrikto at lamig ng personalidad nito.

"At talaga namang nagtaka ka pa kay Sir Lake Mendez eh alam mo namang detail natzi 'yon! Maglo-law school ka na niyan? Mag shift ka na nga from Political Science. Maging Major in Laziness ka na lang," ratsada ni Hope.

"Woah. Nahiya naman ako sa pagiging Major in Procrastination mo, ah,"pang-aasar naman sa kanya pabalik ni Jok.

"Puwede ba na magpatuloy na tayo sa paglalakad?" umapila na talaga ako dahil hindi ko na matiis ang bangayan ng dalawa. Idagdag pa roon ang hindi ko pa pag recover mula sa tingin ni Sir kanina.

"Sa café niyo nalang ipagpatuloy 'yang auto bickering niyo. Gutom na ako!" Naging pasigaw ang huli kong sinabi.

Tumigil naman ang dalawa. Pareho silang natahimik hanggang sa makarating na kami sa café.

"Alam ko na kung ano ang tatalab diyan sa hopeless mong crush, JC," panimula ni Hope habang naghihintay na kaming dumating ang order.

Binalingan ako ni Jok sa naniningkit na mga mata.

"May crush ka? 'Di ko alam 'yan, ah. Sino?" kuryoso niyang tanong.

"Ano?" kay Hope ko itinanong.

" 'Di ba nga halos lahat kaya mo nang gawin? I mean, almost perfect ka na. Matalino, maganda, talented, mayaman," paglilitanya ni Hope. "Para ma-move mo talaga ang heart niya, why don't you do the only thing that you're not capable of doing. Nang sa gano'n, malaman niyang nag-effort ka talaga."

Napaisip ako sa sinabi ni Hope.

"Teka nga... Gago 'yon, ah," umapila na naman si Jok. "Ba't 'di ka crush no'n? Bulag ba 'yon?"

Pareho naming hindi pinansin ni Hope ang pagiging high blood na naman ni Jok. Nagkatitigan lang kami ni Hope. Umawang ang labi ko nang may isang bagay na sumagi sa utak. Tila nabasa naman ito kaagad ng aking kaibigan. Tumango siya sabay tusong ngumisi.

"Yes, babe. Do that thing..."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top