Chapter 29
Chapter 29
Bidding
Dama ko ang kaba ng bawat isa sa amin. Anim kaming mga babae na parang isda sa palengke na naka-display sa stage. Pinagmasdan ko ang mga suot nila na halatang kompara sa akin ay napaghandaan talaga. Tanging ako lang ang nakasuot ng leggings dahil pawang naka-dress ang mga kasamahan ko. Makakapal pa ang make up ng iba!
Ngayon ay nagsisisi na ako. Dapat talaga ay nagmadali na akong umuwi nang marinig ang panimula noong emcee patungkol sa 'Traditional Date Auction' ng bayan. Ayon sa mechanics na pahapyaw ko lang na pinakinggan, may kalayaan ang kung sinumang single na lalaki sa loob ng cultural center na mag-bid para sa isang date ng mapipili nilang babae.
I could not help myself but feel...cheap. Lalo na ngayon habang pinakikinggan ang emcee na naglilitanya at mistulang nagtitinda ng produkto.
"Lily likes to play badminton. She also likes long walks on the beach," pagpapakilala niya sa unang babae. Alam kong nag-iimbento lang siya ng mga sinasabi tungkol sa profile namin dahil impromptu lang naman ang nangyaring pagpipili sa amin para lumahok. Lalo na sa akin dahil hindi ko naman alam na may tradisyon pala silang gaya na lamang nito. Hindi lang ako sigurado sa iba kong kasamahan dahil sa kanilang mga ayos ay parang nakapaghanda naman.
"Kaya ano na, Gentlemen? Simulan na ng bidding!"
I so badly wanted to cringe. I had attended some product auctions in the past, noong namamahala pa ako ng negosyo ni Papa. Magkaiba nga ang sitwasyon doon kumpara rito dahil sosyal iyon. Nirerespeto ko naman ang paraan ng pa-auction nila dahil na rin sa alam kong maliit na bayan lang ito pero...seryoso ba talaga ito?
"Fifty pesos!" Dinig kong sigaw ng isang lalaki sa harapan.
Napangiwi ako. Seryoso? Anong date iyan? Kwek-kwek?
"One hundred pesos!" sigaw ng isa pa.
"Two hundred!"
"Two hundred fifty pesos!"
"Sold!" sigaw ng emcee.
Medyo lumakas ang loob ko habang nagpapatuloy ang bidding dahil sa presyohang naririnig. Kaya ko naman yata ito. Ang sabi nga ni Lyn ay maski 500 pesos lang, okay na.
Bigo akong nagbaba ng tingin sa suot na oversized tshirt. May magbi-bid kaya sa akin nito? Maski 300 pesos lang? Kung alam ko lang na ganito pala ang mangyayari eh sana nakapag-ayos man lang ako!
Bumalik ulit ang kaba ko nang ipinakilala na ang babae sa gilid ko. Ang bilis ng pangyayari! Tiyak na ako na ang susunod nito. Medyo maganda siya kaya na rin siguro two thousand ang pinakamalaking nag-bid sa kanya. Dahil sa tuwa ay napatalon-talon pa siya.
Mabilisan kong inayos ang buhok nang sinimulan na ng emcee ang pagpapakilala sa akin.
"The last but not the least, our lovely Rose!" Tumindig ang balahibo ko sa uri ng bulaklak na ipinangalan niya sa akin.
"Rose is very adventurous. She likes skydiving, bungee-jumping," dugtong niya na kung naka-heels lang ako ay baka natapilok pa. "Sino ba naman ang ayaw ng isang date kay Rose, hindi ba mga kabayan?!"
Okay. Please, bid for me. Please bid for me. I silently prayed. Nakakahiya kapag wala man lang ni-isang mag-bid, Diyos ko!
"Simulan natin sa singkuwenta pesos!" halakhak niya. Naging tahimik ang lahat dahil sa pagkawala ng interes. Mariin akong napapikit. This is the most embarrassing moment in my entire life. Sino ba naman ang mag-aakala na aabot ako sa puntong ito ng buhay?
"Wala ba?!" manghang pagtatawag ng emcee sa audience. "Grabe naman, ang ganda kaya ni Miss Rose!"
Gusto kong sigawan ang emcee na hindi siya nakakatulong sa sitwasyon at sa pride ko.
I fidgeted. Sana kainin na lang ako ng lupa.
"Ano na?" untag niya sa madla.
"Fifty pesos!" mahina ngunit umalingawngaw naman sa buong audience na boses ng isang lalaki.
Nanliit ang mga mata ko habang hinahanap ang nagmamay-ari nito. Nagsilingonan ang ibang mga lalaki na nasa audience sa iisang deriksiyon. Doon ko nakita ang matangkad na lalaki. Hindi ko kita ang kanyang mukha dahil sa suot niyang hoodie pero lubos pa rin akong nagpapasalamat sa kanya. May libreng kape talaga siya sa cafe bukas na bukas!
"Okay! One hundred pesos? May kakasa ba?" anang emcee.
"One hundred pesos!" sigaw ng isa pang boses sa kabilang bahagi dahilan para lumingon na naman sa deriksiyon nito ang ibang audience na nasa baba lang ng stage.
Sa naniningkit na mga mata ay nakita ko ang siyang pinagmulan ng boses. Isang patpatin na lalaki na nakasuot lang ng manipis na sleeveless shirt pero may suot din naman siyang makapal na gold necklace. Dahil sa maliwanag na ilaw ay nakita ko ang maraming tattoo niya sa magkabilang braso. May hawak itong cellphone sa isang kamay.
"Going once... going twice..."
"Five hundred pesos!" Bumalik na naman ang tingin ng lahat sa lalaking naka-hoodie.
Nabunotan ako ng tinik at napahawak sa dibdib. At least mas desente siya tingnan kumpara sa lalaki kanina. Dahan-dahan nitong tinanggal ang hoodie at nakita ko na ang kanyang mukha.
"Alec!" mahina kong pagsinghap.
Ngumisi siya at kinindatan ako.
"Five hundred for that sweater girl!" Dumagundong ang boses niya sa buong center.
"Going once... going twice..." masiglang sambit ng emcee.
"Five thousand pesos!" sigaw pabalik ng lalaki kanina na may tattoo. Ngumisi siya at kuminang ang nag-iisang gold niyang ngipin.
Bumaling ako kay Alec. I look at him desperately. Ayaw kong makipag-date sa lalaking iyon!
"Ten thousand!" si Alec.
"One hundred thousand pesos!" balik naman ng lalaki kanina.
Nagtagpo ang kilay ni Alec at napatingin na rin sa lalaki.
"Two hundred fifty thousand pesos," pagalit niyang pagkakasabi. Animo ay hinahamon ang nag-bid kanina. Nagsinghapan ang lahat ng tao at namamanghang pinagmamasdan si Alec.
Panandaliang nawala ang bigat na nakadagan sa dibdib ko.
"Five hundred thousand pesos!" pagbitiw ng lalaki kanina.
Hindi ko maiwasan ang hindi mag-isip nang masama. Where the hell does he get the money for it? Is he a mafia boss?
"Six hundred thousand pesos," si Alec sabay matalim na tingin sa lokasyon ng lalaki. Kulang na lang ay suntokin niya ito.
"One million pesos!" matinis na sigaw ng lalaki pabalik na nagpatahimik sa lahat.
"Motherfucking shit," malutong na pagmumura ni Alec. He shrugged apologetically and turned to look at me.
"Wala na akong pera," he mouthed.
Gusto ko siyang batohin ng suot kong sneakers. Bilyonaryo tapos mauubusan ng pera?! Pero nga naman, ang laki na ng isang milyon!
"Going once..." kay Alec na nakabaling ang emcee. Tinatantiya kung aapila pa ba ito. "Going twice...Sold!"
Masigabong palakpakan ang namayani sa buong cultural center. Sila lang ang tanging natuwa sa sitwasyon. Tumindig ang balahibo ko sa batok nang makita ang malaking ngisi ng payat na lalaki. Tuwang-tuwa siya sa kinalabasan ng bidding. May mga lalaki rin na nakikipagkamayan pa sa kanya at binabati siya sa pagkapanalo.
"Wow! For the very first time in history, ngayon pa lang naka-accumulate ang Date Auction natin ng ganito kalaking pera!"masiglang anunsiyo ng emcee at pagkatapos ay nagpasalamat na sa sponsors, at madla.
Iginiya kami ng isa sa nag-organisa ng programa sa back stage para raw sa isang maiksing orientation. Ipinakilala rin kami sa Mayor at pinasalamatan niya kami dahil sa pag-volunteer. Imbes na magreklamo at sabihing napilitan lang naman ako ay sumabay na lang ako sa agos ng sitwasyon.
Sinabihan kami ng babaeng staff na maghihintay lang daw ng tawag bukas ng gabi para sa gagawing date kasama ng nag-bid sa amin. Sila na raw ang bahala sa lahat ng gastos pati na sa lugar kung saan magaganap ang date na isang intimate dinner. Ang tanging gagawin lang namin ay ang pagsipot sa usapan dahil unfair daw ito sa nag-bid kung tatanggi kami. Naiisip ko pa lang ang salitang intimate habang ini-imagine ang mukhang adik na lalaking nag-bid sa akin ay binabalot na ako ng takot.
Hindi na ako naglakas loob na magreklamo pa lalo na at naiisip kung gaano kalaki ang ni-bid sa akin ng lalaki. Ni hindi nga nagawang magreklamo ng iba ko pang kasamahan.
Paglabas namin ng back stage ay kaagad akong sinalubong nina Ate Jelay at Lyn.
"Isang milyon! Sabi ko nga, Ma'am Caitlyn isa ka talagang anghel eh!" eksahiradang saad ni Lyn.
Sa pangamba at pagod na nararamdaman ay kahit sigla niya hindi ako nahahawaan. Bumuga ako ng mababaw na hininga at nasapo ang noo.
"M-Mabait naman si Tom Cruz, Ma'am..." sabad naman ni Ate Jelay nq pansamantalang nagpabaling ng atensiyon ko.
"Po? Ano pong pangalan?"
"Tom Cruz po. Katunog lang ng partner ni Angelina Jolie. Hehe. May-ari po iyon ng pinakamaking talyer dito sa bayan kaya....siguro maykaya."
Pagod akong paulit-ulit na napabuntonghininga.
"Sayang! Hindi 'yong pogi ang naka-bid sa inyo!" palatak ni Lyn. "Hanggang six hundred thousand pesos lang ang budget niya eh. 'Di pa nakaabot ng isang milyon."
Napa-sign of the cross si Ate Jelay sa harapan habang pinagmamasdan si Lyn.
"Diyos ko, Lyn. Naririnig mo ba ang sarili mo? Kay laking pera na no'ng six hundred thousand ah. Eh noong mga nagdaang taon naman, ten thousand lang iyong pinakamataas na bidding."
"Akala ko nga po, Ate nanonood ako ng kdrama, eh! 'Yon bang mga oppa na CEO na nagpapa-ulan ng pera."
Nanumbalik ang pag-iisip ko sa lalaking puno ng tattoos kanina. Hindi rin ito nagtagal sa isipan ko dahil sa biglaang pagsulpot ni Alec sa gilid at ang agaran pa niyang pag-akbay sa balikat ko.
"Yo!" kaswal na pagbati niya sa ngayon ay nakangangang mga kasamahan ko sa trabaho.
Pasekreto kung kinurot si Alec sa tagiliran dahilan para maibaba niya ang kamay na nakaakbay sa akin.
"Uh...Si Pepe nga pala," pakilala ko. Bago pa maka-react si Alec ay inunahan ko na siya. "Kapatid ko."
Matagal pa bago nakabawi sina Ate Jelay at Lyn. Namamangha lang nilang pinagmamasdan si Alec na nagyon ay muli nang isinusuot ang hoodie sa ulo.
"Ikaw 'yong nag-bid kanina!"halos patili na pagkakasabi ni Lyn nang sa wakas ay mamukhaan niya. "M-Magkapatid kayo?"
"Ah yeah. From another father," pakikisabay naman ni Alec. Natural na natural. "Nag-bid ako. Kawawa kasi si Caitcait at baka walang mag-bid sa kanya."
"Caitcait?" kunot-noong puna ni Lyn sa itinawag ni Alec sa akin.
"Her nickname. Isn't she just the sweetest?" nakangising tugon ni Alec sabay dalawang beses na tapik sa ulo ko na parang pet niya lang.
Bago pa siya makapag-imbento ng ano pa mang kalokohan na kuwento ay nagpaalam na ako kina Ate Jelay at Lyn.
"Pepe?" reklamo ni Alec nang nasa loob na kami ng sasakyan.
Ngumisi ako habang inaalala ang manok noon. Isinuot ko na ang seatbelt.
"Huwag ka nang magreklamo. Bigla ka na lang kasing sumusulpot. May I remind you that I am hiding."
Pinaandar ko na ang sasakyan at iniliko.
"I think I'm better off with Cole or Adam...or Jack," bulong-bulong niya, kinakausap ang sarili.
"Sa bahay ka ba matutulog?" tanong ko. Nasa daan na kami.
"I booked a hotel room in Basco. You can just drop me off in there."
Bahagya akong natigilan. Nagsinungaling pala si Lake?
"Hindi fully booked?" pagkompirma ko.
"No. Nakapag-book pa ako maski last minute. Why?"
"Nothing." I gritted my teeth. Sinasabi ko na nga ba. "Where's your car anyway?" pag-iiba ko ng usapan.
"Nasa Maynila. I'm getting it tomorrow."
Hindi na ako nang-usisa pa kung paano siya nakapunta ng San Luis. Alec does his own things.
Nang makarating na ng Hotel Basco ay bumaba na si Alec.
"Can I show up in the house tomorrow? 'Di ba tayo mabibisto ni Loverboy?"
"I'm pretty sure he knows that I'm Jean so I don't really think that would matter," sabi ko. "But I don't want him to get the wrong idea."
Kumunot ang noo ni Alec. "Like what? Na live in tayo?"
Inirapan ko siya at mahina naman siyang natawa.
"Geh. Magiging ninja na lang ako. I'll probably sneak in the house tomorrow. I'm tired of hotel foods. I want your home-cooked meals."
"Okay. Just make sure he doesn't see you," babala ko.
Umuwi ako ng bahay at natanaw na wala pa ring tao sa tent at nanatiling nakabukas ang zipper ng pinto nito. Tumuloy kaya si Lake sa hotel?
Ipinarada ko ang sasakyan at lumabas mula rito. Naglakad ako papunta sa tent at sinilip ang loob. Ganoon pa rin ang ayos at nakita ko ang food container na mukhang hindi pa nagagalaw. Pumasok ako sa loob ng tent at kinuhang muli ang food container dahil napagtanto na para yata akong nagmamalasakit sa kanya dahil sa pagbibigay ng ulam.
Tumalikod na ako at hinarap ang pintuan para lumabas. Muntikan na akong mapasigaw sa matinding gulat nang makita si Lake na nakatayo sa bukana nito.
Una niyang tinitigan ang mukha ko at pagkatapos ay dumapo naman ang tingin niya sa bagay na hawak ko.
"I... I was just..." Nangapa ako ng idadahilan sa kanya.
"What's that?" untag niya, sa food container lang ang tingin.
"Uh..." Inawat ko ang kamay na huwag itong itago sa likod at hindi siya matingnan nang deretso sa mga mata.
"And what are you doing here?" dagdag niya.
"N-Napadaan lang," palusot ko sa wakas at puno ng kumpiyansa na siyang tiningnan.
"Napadaan sa loob?" May multo ng ngiti sa kanyang mga labi.
"Pinapabigay ni Lyn!" Wala sa sarili kong inilahad ang food container sa kanya. Gusto ko nang matapos ang usapan at nang makaalis na.
Ilang segundo pa niyang tinitigan ang mukha ko bago niya pansinin ang inilahad kong food container.
"Lechon paksiw daw... Ulam mo," paliwanag ko.
Napasulyap siya sa suot na relo. Nanliit ang kanyang mga mata.
"It's already 1 am."
"Bukas," agap ko.
"Right."
Nagmamadali kong inilapag ang food container sa mesa at humakbang na patungo sa pinto. Tumabi naman siya sa gilid para makadaan ako palabas nito.
"Kina Mayor ako kumain ng dinner kanina," bunyag niya kahit hindi naman ako nagtanong. "I mean...if you're curious."
Close sila ng Mayor?
Tumikhim ako sabay kibit ng balikat. "H-Hindi naman ako curious."
Huminto lang ako sa paglalakad at hindi na siya nilingon pa.
"Right. Pakisabi kay Lyn salamat sa paksiw," pahabol pa niya.
Tumango ako at nagpatuloy na sa mabilis na pag-alis.
Ginugol ko ang buong araw sa paglilinis ng bahay. Nakita ko rin sa labas na abala na si Lake at may mga truck ng materyales na rin na dumating. I also notice him talking with other two men. Mukhang iyong engineer niya at architect.
Lumabas ako bago mag tanghali at namalengke para sa lulutuin kung sakaling sa bahay manananghalian si Alec. I told him to go by the back door para hindi makita ni Lake.
Habang hinihintay na lamang na maluto ang kanin na isinalang sa rice cooker ay sumulpot na si Alec sa kusina. Hindi na ako nagulat pa dahil may susi naman siya at alam niya ang pasikot-sikot sa bahay. May bitbit siyang isang bote ng mamahaling wine na inilapag niya sa mesa at may isang maliit na paper bag din siyang isinama.
"What's for lunch, Sis?" pambati niya.
"Sinigang na baboy. Ano 'yang nasa paperbag?" tanong ko sabay kuha na rin ng mga plato at kubyertos mula sa cabinet.
Umangat ang sulok ng kanyang labi at kinuha ang laman ng paperbag. Nakita ko ang kulay itim na maliit na bagay.
"Is that a gun?" singhap ko. Muntik ng mabitiwan ang hawak na mga plato. Mabuti na lang at nailapag ko ito nang maayos sa mesa.
"Taser lang. Here." Iniabot niya ito sa akin. "Dalhin mo sa date mo mamaya pang-proteksiyon."
"Pinaalala mo pa talaga sa'kin. Nakalimutan ko na eh," sabi ko at tinanggap na ang taser. Ipinatong ko ito sa ibabaw ng refrigerator.
"Busy na ng ex mo, ah," aniya habang kumakain na kami.
"Magpapatayo raw siya ng bahay." Humigop ako ng sabaw galing sa maliit na bowl.
"Rest house?"
"I don't know." Nagkibit-ako ng balikat. Dahil tapos ng kumain ay inilapag ko na ang kutsara at tinidor sa gilid ng plato. "How long are you staying here in San Luis?"
"Dalawang araw lang. I'll be back in Manila. May family meeting daw."
Sumandal ako sa backrest ng upuan at pinagmasdan siya. He looks rougher than usual. Maybe effects of his adventures.
"Are you finally getting married, Alec Von?" panunukso ko. "Katapusan na ba ito ng pang-iiwan mo ng mga luhaang babae?"
"I'm ready whenever you are," he winked at me.
Mahina akong natawa sabay iling. "Seryoso nga? May nahanap na ba ang pamilya mo na papasa sa standards nila, a rich, smart, and obediently good Chinese girl?"
Imbes na sumagot ay binuksan niya muna ang wine at nagsalin nito sa dalawang wineglasses. Lumagok siya mula rito at nakita ko ang pait ng wine sa ekspresyon ng kanyang mukha.
"I actually think... I'm ready to settle down. I'll be twenty nine in a few months."
Bumagsak ang panga ko nang turingan siya.
"Oh. My. God!" anas ko. Lehitimong nawindang sa kanyang rebelasyon. Tinitigan ko siya gamit ang naninimbang na tingin. He looks genuinely embarrassed.
"You like this Chinese girl," saad ko. Sa ilang taon ko nang pagkakakilala sa kanya, ito ang kauna-unahang beses na nakitaan ko ng hiya ang kanyang mukha sa pagbanggit lang ng isang babae.
"Well..." Inabot ko ang wineglass at itinaas sa ere. "I'm not really an expert when it comes to relationship since mine ended in a...tragic." Hindi pa man nakakainom ay nalasahan ko ang pait sa huling salita. "But, the only thing which I can say is that," ngumisi ako, "good luck to the girl!"
He chuckled.
Gustuhin ko man ang hindi na magbihis at hindi tumuloy sa date ay hindi ko maatim na gawin. Palagi kong naiisip ang isang milyon na iginasta ni Tom Cruz para sa date namin. I decided to wear a dress at maging presentable bilang pagtanaw na rin sa pagtulong niya sa isa sa mga charity programs ng San Luis.
Kulay asul na isang wrap around overlap casual dress ang isinuot ko. I partnered it with my blue round pouch. Isinuot ko na rin ang bagong bili na white heels. I curled my hair and put some make up on. Siguro naman sa effort kong ito hindi na sayang ang isang milyon niya ha!
Pumasok ako ng sasakyan at pinaandar na ito. Palabas na ako ng bakuran at nasulyapan pa ang paglalagay ni Lake ng isang reclining chair sa labas ng kanyang tent. Masyado siyang relaxed na naupo rito sabay tingala sa kalangitan. Ang ganda nga naman ng buwan ngayong gabi.
Dumeretso ako sa venue ng date. Ayon sa staff na nakausap ko kanina, para sa aming dalawa ni Tom Cruz, isang intimate dinner by the rooftop ang mangyayari. Sana man lang masarap ang pagkain.
Nang makarating sa gusali ay may gumiya sa akin na isang guwardiya paakyat ng elevator. Ayon sa kanya, ito raw ang pinakasikat na lugar sa bayan para sa mga nagde-date. Medyo may kalumaan na ang gusali pero ewan ko lang kung ano ang hitsura ng rooftop. Baka naman luma rin.
Kaagad kong nabawi ang komentong naiisip nang marating na namin ang lugar. Kudos nga naman sa mga staff at sadyang napakaganda ng lugar. Simple lang siya. May isang round table sa gitna na may nakalapag na isang bote ng red wine at dalawang wineglasses. It has candles too. Nga lang, wala pa ang ka-date ko. May catering crew din na nakaantabay sa may hindi kalayuan.
Naupo na muna ako at naghintay. Biglang may tumawag sa cellphone ko. Madali ko itong kinuha mula sa pouch at nakita na isang unknown number ang naka-display sa caller ID.
"Hello? Sino 'to?" tugon ko sa kabilang linya.
"H-Hello?" Dinig ko ang kaba sa boses na nagmumula sa isang lalaki. "S-Si Tom Cruz 'to. H-Hindi ako makakapunta."
"What? Nandito na ako sa venue." Hindi ako makapaniwala na hindi niya ako sisiputin!
"S-Sorry talaga, Miss."
I've never felt so insulted in my life. Matapos kong ibalandra ang sarili sa stage, hindi niya ako sisiputin?! Napatingin ako sa dalawang catering staffs na nakamasid sa akin sa may hindi kalayuan.
"You have to come here. Isang milyon ang iginasta mo sa akin kaya kailangan mo akong siputin! Okay? I will wait for you and I will stay here until you arrive!" mariin kong sinabi at marahas na ibinaba ang tawag.
Kinalma ko ang sarili at nagsalin ng wine sa wineglass. Sumimsim muna ako mula rito.
Naghintay ako ng ilang minuto. Nang makarinig ng mga yapak ng paa sa bandang likuran ay nabuhayan ako ng loob. Lumingon ako at nadismaya lang dahil imbes na ang inaasahang si Tom Cruz ang dumating, tatlong musicians na may bitbit na violin ang dumating. They are even going to serenade us and I am here. Alone!
Napuna ko ang awa sa kanilang mga mata nang pagmasdan ang bakanteng silya sa tapat ko.
"He's... He's on his way," depensa ko sabay gawad ng pekeng ngiti pero sa loob, gusto ko na sanang magmura.
Awkward silang tumayo nang maayos at kalaonan ay nagsimulang tumugtog.
Naawa ako sa sarili habang sumisimsim sa wine at nakikinig sa tugtog nila. Sa tagal ng paghihintay ay halos pinangahalatian ko na nga ang laman ng wineglass. At least it's an expensive one. The one who chose this has a great taste.
Sa inis at awa na rin para sa sarili ay nilagok ko at inubos ang laman nito. Padabog ko itong inilapag sa mesa at tatayo na sana para umalis nang makarinig ng tikhim mula sa likod. I sharply turn to look at him but end up being speechless instead.
"S-Sorry....I'm late," anunsiyo ni Lake.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top