Chapter 27
Chapter 27
Kubo
Si Lyn ang inutusan ko para maghatid ng order ni Lake. Hindi ko na nakita pa ang reaksiyon niya dahil bumaling ako sa ibang deriksiyon habang pinagmamasdan ang ibang staff sa trabahong ginagawa.
Minsan ay nagnanakaw naman ako ng sulyap kay Lake para makita ang pag-inom niya sa kape na ginawa ko. Hindi siya napaitan dito. Sa katunayan nga ay nag-order pa siya ng isa pa. At isa pa. Sa café na rin siya nananghalian. Balak niya yatang buong araw na tumambay rito.
I continued on ignoring him. Hindi na ako umantabay pa sa counter at hinayaan siyang um-order sa ibang staff. Natutuwa naman si Lyn na pagsilbihan siya.
Matapos kumain ng lunch ay pumasok ulit ako sa loob ng opisina. Nakatitig man sa monitor ng computer, lumilipad naman ang isip ko at napapagala sa unwanted customer sa labas. Dahil nabagot na rin ay lumabas na ako.
Awtomatikong dumapo ang tingin ko sa puwesto na kanina pa inuupuan ni Lake ngunit hindi ko na siya nakita pa.
"May appointment daw, Ma'am."
Napahawak ako sa dibdib dahil sa gulat sa biglaang pagsulpot ni Lyn sa likod ko. Nilingon ko siya at nakita ang tusong ngisi na nakakubli sa mga labi niya.
"Babalik daw po si Attorney bukas," dugtong niya kasabay nang pagbalik niya sa puwesto, sa likod ng counter.
"I don't really... care." Tumikhim ako sabay tanaw kay Winona habang naghahatid ng order ng isang customer.
"Grabe po, Ma'am! In-interview ko siya kanina. Ang sabi niya araw-araw pala talaga siyang bumabiyahe galing Maynila patungo rito sa San Luis! Ang layo kaya no'n..."
"Baka naman marami lang gas," wala sa sarili kong sambit at hinarap na siya. "Mauuna na ako sa pag-uwi. Dapat naka-display na iyang discounted menu bukas ng umaga."
Madaling napawi ang ngiti sa kanyang labi. "S-Sige po. Kami na ang bahala."
Mas pinili ko ang magtagal na muna sa bahay bago magpunta ng café sa sumunod na araw. Naupo ako sa terasa habang humihigop ng kape at pinagmamasdan ang malawak na bakuran. I enjoyed the peace and tranquility brought by this new home. I am always grateful of Alec for lending this home to me. Isa ito sa mga property na nabili niya at tinutuluyan lamang sa tuwing napapagawi siya rito sa San Luis. Malayo sa mga kapitbahay kaya mas nagustuhan ko.
Ang tanging malapit na kapitbahay ko lang dito ay ang isang abandonadong maliit na kubong nasa gilid ng maliit na lawa. Medyo malawak din ang lupa na nasa likod nito. Ang kwento pa ni Alec sa akin ay isang matandang lalaki raw ang nagmamay-ari nito noon. Nagpakamatay raw ang asawa nito kaya mag-isa na siya sa buhay. Sa kalungkutan at hindi pagtanggap sa masaklap na nangyari sa asawa ay bigla na lang daw itong nawala na parang bula at naging lagalag na ang kaluluwa sa paghahanap sa kanyang namatay na asawa. Naiwan naman sa loob ang mga mahahalagang memorabilia ng pagmamahalan nila.
Hindi ako sigurado kung paniniwalaan ko si Alec o baka naman tinatakot niya lang ako. Pero imbes na matakot ay mas nakuryoso lang ako sa trahedyang kinahantungan ng kuwento ng mag-asawa.
I have a temporary dilemma while choosing some clothes to wear the next day. Nalilito ako kung magsusuot ba ng dress o jeans. Sa huli, mas pinili ko na lamang isuot ang high-waisted cigarette pants at white button downs. Nagsuot din ako ng komportableng kulay white na pointed heel. Smart casual dress kumbaga.
Tinitigan ko ang hitsura sa salamin. I look much paler these days. I applied much lighter makeup. Hindi rin ako naging kontento sa simpleng ayos ng shoulder length na buhok na nahahati sa gitna. It looks too bland for me now. Binuksan ko ang drawer ng cabinet at kumuha rito ng isang itim na rubber band. Itinali ko ang buhok. Nang sa wakas makontento na rin sa hitsura ay kinuha ko na ang tote bag at lumabas na.
Lagpas alas diyes na ako nakarating ng café. Maayos kong ipinarada ang kotse sa labas nito at hindi na nagulat pa nang makita rin ang nakaparadang itim na Mercedes-Benz ni Lake. Lumabas na ako ng sasakyan at dere-deretsong naglakad papasok ng hindi pa masyadong abalang café.
Kakapasok ko pa lamang sa pintuan ng café ay napahinto na agad ako. Muntik ko nang mabitiwan ang bitbit na bag nang ma-ambush sa kasalukuyang pangyayari na nakikita. Si Lake na nakatuntong sa isa sa mga wood stool chair namin habang nagdidikit ng discounted menu sa may pader sa itaas ng counter. Nanibago ako sa napakakaswal na suot niya. Kumpara sa mga nagdaang araw na animo'y susuong na naman sa kaso, ngayon ay nakasuot lamang siya ng isang simpleng white V-neck shirt at faded denim jeans.
"Parang hindi balanse, Attorney!Tabingi," puna ni Lyn habang nakatingala kay Lake sa likuran.
"Ibaba mo 'yong kaliwa nang konti, Attorney!" segundo naman ni Ate Jelay na nakapameywang pa sa gilid ni Lyn.
Ito namang si Lake ay parang naging masunuring bata. In-adjust niya ang kaliwang bahagi ng malaking menu display board.
"Ganito ba? Okay na?" aniya na tunog medyo hirap at pagod.
Ilang minuto na kaya nila itong ginagawa?
"Hmm. Baba mo din nang konti 'yong kabila para maging pantay," si Lyn na hinihimas pa ang baba habang patuloy ang kritikal na pagmamasid sa ginagawa ni Lake.
"Huwag na, Attorney!" pagpigil naman ni Ate Jelay. "Okay na 'yan!"
"Hindi, Ate. Hindi pa rin talaga pantay at kailangan pang babaan," pananama ni Lyn.
"Ano ba talaga?" May pagtitimpi pa rin sa boses ni Lake. Klarong-klaro ko na ang mga ugat sa kanyang magkabilang braso dahil sa bigat ng hinahawakan na menu display board.
"A little bit lower to your left and higher to your right."
Muntikan nang mabitiwan ni Lake ang display board dahil sa pagsasalita ko. Magkasabay din na napalingon sina Ate Jelay at Lyn sa kinatatayuan ko.
Pinagkrus ko ang magkabilang braso sa harap at nagtaas ng kilay.
Naubo ng wala sa oras si Ate Jelay samantalang si Lyn naman ay pasimpleng nag-iwas ng tingin at mahina pang napasipol. Sinulyapan ko ang likod ni Lake at napansin ang hindi na niya paggalaw.
"Again, a bit lower to your left and higher to your right," pag-uulit ko sa malamig na tono.
Halatang naging conscious ang pagtikhim niya ngunit sinunod naman ang utos ko. Nang makitang tagumpay na niyang nasabit ang display board ay nagpatuloy na ako sa paglalakad patungo sa opisina. Ni isang beses ay hindi ko na sila muling nilingon pa. Pumasok na ako sa loob ng opisina at saka pagod na bumuntonghininga. Kalalapag ko pa lamang sa bitbit na bag sa mesa nang makarinig ng katok mula sa pinto.
"Pasok," sabi ko.
Bumukas ang pinto at nakita ko ang pagpasok nina Lyn at Ate Jelay.
"H-Hindi po kasi namin....uh...abot, Ma'am," deretsahang pagpapaliwanag ni Lyn maski wala pa akong binitiwan na tanong.
"Ang tangkad po kasi ni Attorney. At saka, nag-volunteer naman po siya para tumulong!" dagdag pa niya na tunog pinagbibintangan pa si Lake na siyang may kasalanan.
Pagod akong naupo sa swivel chair at pagkatapos ay binalingan sila ng tingin.
"Give him...free coffee. For his help," pagsuko ko. Wala na rin namang magagawa dahil tapos na.
"Sige, Ma'am." Tumalikod na silang dalawa at hindi pa nakakahakbang ay muling lumingon si Lyn sa akin.
"Absent po ba si Winona?"
"She took a leave of absence." Napahilot ako sa sariling noo. Nadagdagan ang stress dahil kulang na naman sa empleyado ngayong araw.
Tumango si Lyn at nagpatuloy na sa paglalakad.
Lumabas ako ng opisina at nadatnan pa si Lake na umiinom ng kape. Ewan ko kung pang-ilang kape na niya ito ngayong araw. Mabilis siyang nag-angat ng tingin at nahanap kaagad ako mula sa kinatatayuan. Nagpatuloy ako sa paglalakad at tinungo ang counter para na rin umalalay dahil kulang kami ng tao. Pati sa susunod na mga araw ay kukulangin din kami dahil sa pag-leave ni Winona.
Natuwa naman ako dahil marami ang kumagat sa discounted menu. Marami-rami rin ang customers dahil nga siguro pista kinabukasan. Hindi man sinasadya ay dumapo na naman ang tingin ko kay Lake kaya nakita ko ang pagtayo niya. Kinutoban na ako at naging tama nga ito nang makita ang paglapit niya sa counter.
"Uh..." He cleared his throat and gave a swift glance at the displayed pastries. "O-order lang sana ako ng cookies."
Hindi ako kumibo at tinanguan lang siya. Dumukwang ako nang kaonti at kumuha ng lalagyan sa ibabang cabinet. Nilagyan ko ito ng cookies na in-order niya.
"Hindi ka pa ba nagsasawa riyan?" tanong ko sabay abot nito sa kanya. Araw-araw niya rin itong ino-order.
"I...like the taste,"sagot niya sa marahang boses. May pamamanglaw sa mga mata niyang nakatitig sa akin.
"Ikaw ba ang nag-bake?" Tunog umaasa siya.
"I don't bake," sagot ko at nag-iwas ng tingin.
"Why not?"
Muli ako bumaling ng tingin sa kanya. Napuna ko pa rin ang paghihintay niya ng kasagutan. Tahasan niya na talagang ipinaparating sa akin na alam niyang ako si Jean.
Why not? Because baking reminds me of you Lake. Baking reminds me of the pain in my past that I want to bury deep underground. Gusto kong sabihin sa kanya pero sa huli ay iba ang naisip kong isagot.
"I don't know how," sabi ko na lang sabay matapang na pagtitig sa kanyang nang deretso.
"And besides, may pastry chef naman kami rito sa café so it's useless for me to learn it," panapos na dugtong ko.
Natahimik siya at may dumaang pang-unawa sa kanyang mga mata.
"Naiintindihan ko," aniya at umalis na ng counter para bumalik sa kanyang mesa.
What I said to him was the truth. Hindi na naman talaga ako nagbe-bake. Makailang beses akong sumubok noong unang mga buwan na nagsimula ang café ngunit sa tuwing ginagawa ko ay nauuwi ako sa walang tigil na pag-iyak. Paghagulgol. Maski ang paborito kong gawin sa buhay na pagbe-bake ay kailangan kong isuko.
Isang malakas na pagsinghap ni Lyn ang pumukaw sa akin sa pag-iisip at pagdalaw sa nakaraan. Sinundan ko ang tingin niya sa pintuan ng café. Nakita ko ang isang delivery boy na may bitbit ng napakalaking bouquet ng rosas na may iba-bang kulay. Sa kabilang kamay niya naman ay isang maliit na basket na puno ng laman ngunit hindi ko klaro kung ano.
Huminto siya sa paglalakad at may itinanong kay Eli na kasalukuyang nasa isang mesa kausap ang customer. Narinig ko ang pagbanggit ng lalaki sa pangalan ko at nakompirma nga ito nang ituro ako ng waitress namin.
Nagpatuloy sa paglalakad ang delivery boy at ngayon ay patungo na sa deriksiyon namin ni Lyn.
"Kayo po ba si Miss Caitlyn?" tanong ng lalaki sa akin nang makahinto na sa tapat ng counter.
Tumango ako at iniabot niya ang malaking bouquet ng rosas sa akin. Sinapo ko ito at dahil parehong nakahawak ang mga kamay sa bouquet, si Lyn na ang tumanggap sa basket na pawang tsokolate pala ang laman.
"Pakipirmahan na lang po rito sa ibaba," pagpapatuloy ng lalaki sabay abot sa akin ng kanyang cellphone na dinukot niya mula sa bulsa.
Inilapag ko na muna ang mga bulaklak sa ibabaw ng counter at tinanggap ang cellphone. Mabilisan kong binasa ang naka-display rito pero wala akong makitang pangalan ng nagbigay. Bumuntonghininga ako at pumirma na lamang sa ibaba. Ibinalik ko sa lalaki ang cellphone.
"Kanino galing 'to?" tanong ko sa kanya.
Sa halip na sagutin ang tanong ko ay itinuro lamang nito ang bouquet.
"May card po riyan."
Kasabay ng pag-alis ng delivery boy ay ang pagsilip ko sa card na kulay puti. Umarangkada ang pagdududa ko nang makita ang pangalan ni Alec sa ibaba in bold capital letters. Wala itong ibang mensaheng laman maliban sa isang malaking wink emoji.
"Ang bongga naman po ng manliligaw niyo, Ma'am!" singhap ni Lyn sa gilid ko habang pinagmamasdan ang basket na puno ng tsokolate.
Muli akong napatitig sa wink emoji ni Alec. Lumakas lang ang kutob ko sa plano niya nang makita si Lake na nakatingin sa akin. Naiiling na lamang ako sa naiisip ni Alec na kalokohan. Naisip ko tuloy na dapat hindi ko na sinabi sa kanya ang ginagawang pagbisita ni Lake sa café. Wala naman akong ibang mapagkukuwentuhan tungkol sa nakaraan ko maliban kay Alec.
Ipinamigay ko ang mga tsokolate sa staffs dahil hindi ko naman kayang ubusin ang mga ito. Bago magtanghalian muling lumapit si Lake sa counter. Nasa gilid ako nito at abalang naglalagay ng mga bulaklak sa vase bago pa malanta ang mga ito. Hinayaan ko na si Lyn ang tumugon sa kanya.
"Magbabayad na sana ako," si Lake sabay sulyap sa naniningkit na mga mata sa natitirang mga bulaklak sa bouquet na inilapag ko sa ibabaw ng cabinet.
"Ay, hindi na po kayo magtatagal, Attorney?" dismayadong usisa ni Lyn.
"May importante kasi akong gagawin mamaya," tugon ni Lake.
Nagkuwenta na si Lyn sa babayaran ni Lake.
"On the house na po 'yong coffee niyo, Attorney kaya 'yong cookies lang ang babayaran niyo," nakangiting tugon sa kanya ni Lyn sabay sabi ng halagang babayaran niya.
Dumukot si Lake ng wallet mula sa kanyang bulsa.
"No. I'll still pay for the coffee," aniya sabay bunot ng card sa kanyang makapal na wallet. Inabot niya ito kay Lyn.
Napasulyap na muna si Lyn sa akin bago muling magsalita.
"Hala! Okay lang talaga. Si Ma'am Caitlyn na po ang nagsabi sa amin na libre na raw po 'yong coffee bilang pasasalamat na rin sa pagsabit niyo sa menu display board."
"It's alright. I was just trying to help. Business is business so I still want to pay for it," pagmamatigas ni Lake.
Bumaling si Lyn sa akin at ang tingin niya ay nanghihingi ng pahintulot. Tinanguan ko na lamang siya. Binalingan na niya si Lake at tinanggap na ang iniaabot nitong card.
"S-Sige po." Ni-swipe na niya ito at pagkatapos ay muling ibinalik kay Lake ang kanyang card.
Sinulyapan ako ni Lake. "I guess... I'll see you around."
"See you around, Attorney!" si Lyn ang sumagot.
Nasa loob na ako ng sasakyan at pauwi na sana ng bahay nang maisip na tawagan si Alec. Pero talagang abala nga siya dahil hindi siya sumasagot sa tawag ko. Pinaandar ko na lamang ang kotse para makauwi na ng bahay.
Inabala ko ang sarili sa pagluluto ng hapunan. For the first time after living in this house, I felt alone again. Mas naramdaman ko ang katahimikan ng buong bahay. Ibang-iba sa ingay at abalang café. Dati naman hindi ko na ito pinupuna dahil wala lang sa akin, pero ngayon para bang ramdam na ramdam ko na ang pagiging mag-isa sa buhay.
Napagpasyahan ko na sa terasa na kumain para naman mabawasan ang nararamdamang katahimikan. Dinala ko rito ang plato na naglalaman ng ginawa kong steak at isang wineglass na nilagyan ko ng red wine. Inilapag ko sa glass center table ang plato at wineglasses at naupo na sa silya.
Sumimsim na muna ako sa red wine habang pinagmamasdan ang malawak na bakuran. Tiningala ko rin ang malaking buwan sa kalangitan. Naisip kong baka uulan mamaya dahil wala akong mga bituin na nakikita. Muli na namang dumapo ang tingin ko sa abandonadong kubo pero sa pagkakataong ito ay nagtaka ako dahil sa nakitang ilaw na nakasindi sa loob. Ilaw galing sa lampara? Kandila? Hindi ko matukoy.
Medyo malayo man ay mariin ko pa rin na tinitigan ang bintana nito. Nanindig ang balahibo ko nang may nahagip ang tingin na tila ba paggalaw ng kurtina rito. Kinalma ko ang sarili at inisip na marahil ay dulot ito ng pagdaan ng hangin.
Inilapag ko ang wineglass sa mesa at pinagtuonan ng pansin ang pagkain. Gamit ang kutsilyo ay sinimulan ko na ang paghiwa ng steak ngunit awtomatiko rin na nabitiwan ang hawak na kutsilyo nang makarinig ng malakas na pagbagsak ng isang bagay mula sa loob ng kubo.
I quickly stood up and left the terrace. Pumasok ako sa loob ng bahay at kinuha ang mabigat na baseball bat na inilagay ko sa gilid ng pintuan. Hindi ako takot sa multo, aswang, o masamang espiritu pero takot ako sa masasamang loob. At hindi rin tama ang ginagawa niyang pagnanakaw sa loob ng kubo. Hindi ba niya naisip na hindi niya dapat kunin ang mahahalagang bagay na pagmamay-ari ng mag-asawa? Hindi ko man sila nakilala, pakiramdam ko may koneksiyon ako sa kanila sa emosyonal na lebel at nararapat lang na maprotektahan ko ang lugar para sa kanila.
Pinulot ko ang maliit na kutsilyo na ginamit sa paghiwa ng steak kanina at maingat na naglakad papunta sa kinatitirikan ng kubo. I am now armed with weapons, isang baseball bat sa kamay, at kutsilyo naman sa kabila.
Humigpit ang pagkakahawak ko sa mga bagay na nasa kamay nang tuluyan na ngang makalapit sa labas ng bintana ng kubo at makita ang tila ba pigurang anino ng isang tao.
"Sino 'yan?" tawag ko sa matapang na boses. "Parating na rito ang mga pulis kaya huwag kang magtatakang gumawa nang masama!" Siyempre hindi ito totoo at nananakot lang ako.
Hindi gumalaw ang pigura. Maski hindi ko siya masyadong klaro dahil hindi gaanong maliwanag ay hindi naman nakalagpas sa paningin ko ang hawak niyang matalim na bagay sa isang kamay. Kutsilyo?
Bahagya kong inangat ang hawak na baseball bat. May kaonti naman akong alam sa self-defense noong mga pagkakataong nanood ng mga palabas dahil sa pagkakabagot sa bahay. Pwedeng-pwede kong ma-apply ang mga iyon.
Umalerto kaagad ako nang mapansin ang paggalaw ng isa niyang kamay at inabot ang lampara na nasa gilid. Halos mabingi na ako sa lakas ng kabog sa dibdib dahil sa unti-unti niyang pag-angat sa lampara na hawak.
Dahil sa liwanag ay naklaro ko na ang mukha ng tao. Umawang ang labi ko sa labis na gulat.
"W-What are you doing here?" singhap ko. Hindi ako makapaniwala na maski sa tinitirhan ay natunton niya. Akala ko hanggang sa café lang pero hanggang dito pala natunton pa rin ako ni Lake!
May dumaang gulat sa mga mata niya ngunit napalitan din ito kaagad ng hiya. Kunot-noo niyang pinagmamasdan ang baseball bat na hawak ko pati na rin ang kutsilyo na para bang nagtataka siya sa gagawin ko.
"Why are you here?" marahang pag-uulit ko dahil sa pagsasawalang-kibo niya.
Dahan-dahan niyang inilapag ang maliit na kutsilyong hawak sa mesa at napahilot sa noo. Sa wakas ay bumuntonghininga siya, napahilot sa sentido, at pagkatapos ay seryoso akong tiningnan.
"I own this place," saad niya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top