Chapter 18
Chapter 18
Back and Black
"He's coming back to the Philippines. Did you know that?" si Hope matapos mapirmahan ang kontrata na inilatag ko sa mesa sa harap niya. Nakaupo siya sa tapat ko.
Muli niya itong ibinalik sa akin. Ni-double check ko ang pirma niya at pagkatapos ay isinara na ang folder.
"Yes, I've heard of it," kalmante kong tugon at isinantabi na ang folder. Inabot ko ang baso ng in-order na mango juice.
"Dinig ko rin na may new girl na naman siyang kasalukuyang dini-date. An heiress of a renowned hotelier," pagpapatuloy niya.
Inikot ko ang straw na nasa loob ng baso ng mango juice na hindi ko naubos at bumaling sa tanawin sa labas ng café. Traffic dulot ng masyadong abalang mga tao makarating lang sa kanya-kanyang pupuntahan. Medyo madilim din ang hapon dahil sa masamang panahon.
"Hmm. Good for him."
"How long has it been, babe? Almost three years?"
Inilapag ko ang baso at mula rito ay nag-angat ako ng tingin. Mariin ko siyang tinitigan na may paghinala.
"Where is this conversation going?" halos inis kong sambit.
Tuso siyang ngumisi na parang nahuli ako sa isang patibong.
"Ha! I knew it! You haven't moved on from Attorney, yet."
Mataray ko siyang inirapan at inihanda na ang bitbit na bag kanina. Kinuha ko na rin ang folder mula sa mesa.
"It's wonderful doing business with you, Miss Calope." Plastik ko siyang nginitian.
Mahina siyang natawa sa tapat ko. "Ang KJ talaga nito! Hindi na nagbago. Wala man lang shake hands for formality's sake, President?"
Naglahad ako ng kamay sa gitna ng mesa namin. Tinanggap niya ito at nagkamayan kami.
"I will pray na hindi bumagsak ang club business mo," nakangising pang-aasar ko.
"Bwisit!" Humalakhak siya at tinampal ako sa braso. "Pupunta ka mamaya sa club ko, huh! Mamaya hindi ka na naman sumipot."
Tumayo na ako at kinuha ang bag. "Oo na. Wala na naman kaming late meeting mamaya kaya pwede ako."
Tinalikuran ko na siya at tinungo na ang pinto ng café para lumabas.
"May bago akong hunk na irereto sa'yo! Huwag mo akong ma-Indian, JC!" sigaw na pahabol niya dahil nakalayo na ako. Kinawayan ko lang siya at dere-deretso na sa pagtulak ng pinto papalabas.
Nang makalabas na ay umatake kaagad sa akin ang malamig na simoy na dala ng naghihinagpis na hangin. Tumingala ako sa kalangitan at nakita ang paglalangitngit ng langit. Nagpatuloy ako sa paglalakad at muntik pang matalisod sa heels na suot dahil sa plastic cup na nilipad ng hangin papunta sa paa ko.
Unti-unti ko nang naramdaman ang paisa-isang pagpatak ng ulan. Muntik ko pang magamit ang folder na hawak para gawing panlaban dito. Huminto ako at binuksan ang zipper ng bag. Kinuha ko mula sa loob ang payong na bagong bili ko lang kahapon.
Nagpatuloy ako sa paglalakad at tinungo ang parking lot kung saan naghihintay ang sasakyan ko. Iniligpit ko muna ang payong at inilagay sa likod ng sasakyan. Pumasok na ako sa loob at pinaandar ang kotse.
Habang nasa daan na ay bumuhos ang malakas na ulan at hindi na ambon pa. Dahil dito ay nagsimula na naman ang traffic sa kalsada. Nahinto ako sa pagmamaneho habang hinihintay ang pagdaloy ulit ng mga sasakyan.
Bago pa man mabagot sa kahihintay ay kinuha ko ang cellphone at nilibang ang sarili sa social media. Habang nagso-scroll ay may nasagap ang mata ko. Mas mabilis pa sa kidlat ang ginawa kong pagpindot sa link nang makita ang thumbnail na picture ng kanyang mukha.
Ni-play ko ang video. Nakita ko ulit siya. Marami man ang nagbago sa kanyang disposisyon sa buhay sa paglipas ng halos tatlong taon ay nanatili pa rin ang lamig na taglay ng kanyang mga mata. Mga mata na noon ay sa akin lang naging malambot, naging mapagbigay, namumungay.
Siya na naman ang laman ng balita dahil sa panibagong tagumpay sa America. Pinanalo niya ang criminal case na kinasasangkutan ng isang kilalang pop artist doon.
"...definitely a great loss here in the US," anang kanina pa yatang nagsasalitang babaeng host ng morning show na kapanayam ni Lake. Hindi ko na nasubaybayan pa ang interview dahil sa pagiging tulala habang tinititigan lang si Lake.
Tipid na ngumiti si Lake. "I wouldn't say that. I mean, there are a lot of great lawyers here."
"But not as good looking as you," pagbibiro naman ng isa pang host. "It seems like you are really looking forward to going back to the Philippines. Is there a special Filipina who's waiting for you in there, Attorney Mendez?"
Na-focus ang camera sa mukha ni Lake ngunit hindi niya ito pinansin. Yumuko siya at may misterysong ngiti na sumilay sa kanyang mga labi.
"Oh... He's thinking about her! He must really have someone special waiting for him!" pang-iintriga ng host na binalingan pa ang live audience.
Nag-angat ulit si Lake ng mukha. Nanatili man ang ngiti sa kanyang labi ay nagbago naman ang tingin ng kanyang mga mata. Naging sarado at mapaglihim ulit ito. Alam ko dahil kilalang-kilala ko siya.
"No, I don't have," sabi niya.
Parang may sumipa sa puso ko at kasabay nito ay ang bigla na namang kusang pagtulo ng luha ko na hindi ko namamalayan.
Sa nanginginig na kamay ay ip-in-ause ko ang video at dali-daling ibinalik sa loob ng bag ang cellphone.
"Ano ba naman 'yan, Jean?! Heto ka na naman!" inis na pangangaral ko sa sarili habang pinupunasan ang luha gamit ang likod ng kamay. "Hanggang kailan ka ba iiyak sa tuwing makikita ang mukha niya, huh?!"
Mas nainis lang ako nang marinig ang malakas na pagbosina ng sasakyan sa likuran ko. Ngayon ko lamang napansin na muli na naman pa lang umandar ang daloy ng trapiko. Hinawakan ko ang manebela at pinaandar na ang kotse.
Kumpara noon ay hindi ko na alam ang buong detalye ng buhay niya ngayon. Masakit at mabagal ang pagdaan ng mga buwan simula noong araw na iniwan ko siya. Nirespeto niya ang naging desisyon ko at hindi na siya kailanman nagpakita pa sa akin. Na para bang hindi siya naging bahagi ng buhay ko.
Ni hindi ko siya nakita nang kunin ko ang mga gamit sa condo noon. Binigyan niya ako ng panahon. Siya na mismo ang nag-adjust para sa aming dalawa. At nang lumipas ang ilang buwan, nakita ko na lang ang pangalan niya sa listahan ng mga nakapasa sa bar exam.
Nalugmok ako. Nagsisi. Ang daming pagkakataon na sumagi sa isipan ko na sana kumapit na lang ako. Na sana nanatili ako sa tabi niya para damayan siya. Ngunit tulad na lang ng lahat ng mga sana ay alam kong huli na. Hindi ko na maibabalik at mababago pa ang pagkakataon na iyon na lubusan ko siyang sinaktan. Ang pagkakataon na sinukuan ko siya.
Bago pa tuluyang masira ang mentalidad ko ay pinilit ko ang sarili na bumangon mula sa pagkakalugmok. Napagpasyahan kong huwag ng makibalita sa kanya at sa lahat ng achievements niya. Nitong nagdaang buwan lang ulit ako nakibalita sa kanya. At masaya ako na sa buhay niya ngayon ay matagumpay na siya. He achieved a lot of things not only in the Phillippines but also in the States. He won a lot of cases. He is very renowned in the world of law. In a short period of time, he has surpassed all of my expectations for him. And with these, I could see that he's not the Lake Jacobe Mendez I once knew.
Dumating ako sa sariling condo at dumeretso na sa paghiga sa kama. I did not turn on the lights. Masyado akong pagod. And for the first time after two years, I cried myself to sleep again.
Naalimpungatan ako sa kalagitnaan ng malalim na gabi dahil na rin sa biglaang pag-ring ng cellphone ko. Sa gitna ng kadiliman ay kinapa ko ang cellphone na marahil ay natabunan na ng unan. Nang mahawakan na ito ay nakita kong nakadisplay sa caller ID na tumatawag si Papa.
Kaagad akong napabalikwas ng bangon at sinagot ang kanyang tawag.
"Papa, what's wrong?" bungad ko.
"JC," sambit niya sa pangalan ko sa takot na boses. "I need you to come home. There are suspicious men in the house... I...I..."
Napahilot ako sa sentido at sinulyapan ang orasan na nasa ibabaw ng bedside table. Alas tres y medya pa ng madaling araw.
"Where are you, Pa? Nasa kuwarto ka ba? Is Mom with you?" tanong ko sa kalmadong boses.
"Yes and no... I don't know where she is. But... But... I want you to come home, now. "
Pagod man ang katawan ay tumayo pa rin ako mula sa kama. Walang duda ay sinusumpong na naman si Papa ng kanyang anxiety attack.
"Yes, Pa. I will be there."
Pagkatapos maibaba ang tawag ay tinawagan ko si Manang ngunit dahil masyado pang maaga, hindi niya rin ito nasagot. Sinubukan ko rin na tawagan ang ni hire kong private nurse na stay in sa mansiyon. Mabuti na lang at sa pangatlong pag-ring ay nasagot din niya.
Pagsapit ng alas singko ng umaga ay naligo na ako at nagbihis. Balak kong bumisita ng mansiyon at tingnan na rin si Papa. Hindi ako masyadong naging panatag kahit pa binilinan ko na naman ang nurse. Kailangan ko rin yatang mariin na paalalahanan si Mommy.
About five months ago, my stepfather, Attorney Apollo Villarejas has been diagnosed with Generalised Anxiety Disorder o GAD. Ipinaliwanag sa amin ng kanyang doktor na marami ang pupwedeng factors ng disorder na ito. Pinakapangunahing dahilan nito ay ang labis na stress. May factor din ng family history.
Ito na rin ang naging dahilan kung bakit ako na ngayon ang namamahala ng aming negosyo sa nagdaang mga buwan. Siyempre, humihingi pa rin naman ako ng mga ideya at payo mula sa kanya sa pagkakataong normal at maayos ang kanyang pag-iisip.
Sinisisi ko ito sa nangyaring pinakamabigat na pagtatalo namin ni Mommy noon. Pakiramdam ko isa ito sa nakadagdag sa stress ni Papa maliban sa nangyayaring hindi magandang estado ng negosyo namin.
Dahil na rin sa naging pagtatalo naming iyon ay umalis ulit ako at bumukod. Hindi ko kayang makita ang ina ko. Ngunit ngayong araw, mukhang imposible itong mangyari.
Kalahating oras ang ibiyenahe ko marating lang ang mansiyon. Sinadya kong lumipat sa isang lugar kung saan hindi masyadong malayo para na rin sa ganitong sitwasyon. Kung sakali man na kakailanganin ako ni Papa.
Nag-usap kami ni Manang at sa mansiyon na rin ako kumain ng agahan. Magkasabay kami ni Papa na kumain samantalang si Mommy naman ay tulog pa sa kabilang kuwarto. Kinausap ko na rin ang private nurse ni Papa at nagpaalala rito.
Palabas na ako ng mansiyon para magtungo sa kotse na nasa labas nito nang tawagin ni Mommy. Nakasuot man siya ng pantulog na eleganteng kulay pula ay may hawak naman siyang wineglass sa isang kamay. Hindi ko na maalala pa kung kailan ko siya nakita na hindi umiinom.
"You're not even going to say goodbye to me," mapait niyang sinabi.
"Akala ko tulog ka pa," malamig kong tugon at nagsimula ng maglakad. Ramdam ko naman ang pagsunod niya.
"Umuwi ka na rito sa mansiyon, Jean!" utos niya.
Huminto ako dahil nasa harap na ng nakaparadang sasakyan. Marahas ko siyang nilingon.
"I'm not coming back home," matigas kong sinabi.
"Your...Your Papa needs you!" palusot niya pa. "This family needs you."
"I am already taking care of the business! Ano pa bang gusto mo, My?! Wala ka na ba talagag ititira para sa sarili ko? Uubusin mo ba talaga ako?!" sunud-sunod na panunumbat ko.
Umirap siya at sa kanyang bahagyang paggalaw ay muntik pang natapon ang wine na hawak.
"Oh for christsakes, Jean. Is this about that man again?" panunudyo niya. "Hanggang kailan mo ba isisisi sa akin iyan?"
Tumaas-baba ang dibdib ko dahil sa pagpupuyos na naman sa galit. Umiling ako at pilit na kinontrol ang sariling emosyon para hindi lang makagawa ng komosyon na mag-aalerto kay Papa. Ayaw kong maapektuhan na naman siya.
"I have to go," sabi ko na lang at padabog na binuksan ang pinto ng kotse.
Ngunit nagkamali ako dahil hindi pa rin pala siya tapos. May pinahabol pa na pumutol sa litid ng natitira kong pasensiya.
"Move on already!That man has obviously moved on with his life while you're still in the past, stucked!"
Muli ko siyang nilingon at tahasang tinaliman ng tingin.
"We both know na hindi lang 'yan ang rason kung bakit hindi ako nanatili rito!" magaspang kong pahayag.
May dumaang takot na emosyon sa kanyang mga mata ngunit panandalian lang ito dahil bumalik ulit ang walang pakialam niyang tingin.
"My, hanggang ngayon takot pa rin ako sa dilim. Hanggang ngayon pilit ko pa rin na dinadaig ang takot na ikaw pala mismo ang nagtanim sa akin."
Madrama siyang napasapo sa noo.
"I didn't mean to abandon you on that day, Jean," malamya niyang sinabi. "I just felt like I didn't have any other choice. Naipaliwanag ko na iyan sa'yo six months ago!" Kung makapagsalita siya ay para bang ako pa ang may kasalanan kung bakit hanggang ngayin hindi ko pa rin maintindihan ang kalupitan na ginawa niya sa akin noon. Ang kasinungalingan na matagal na niyang itinatago. Kaya pala ako may phobia sa dilim. Kaya pala...
"I will never forgive you for what you did," malamig kong sinabi at pumasok na ng sasakyan. Pinaharurot ko ito papalayo sa mansiyon. Palayo sa kanya.
Pinamunuan ko ang mismong pagsusuri ng wine na ipapalabas sa bodega. Pansamantala kong naibaling sa pagiging abala sa trabaho ang isipan at problema sa buhay. Kasama ang aking sekretarya ay pumunta rin kami sa lunch meeting ng panibagong supplier ng inomin. Bumalik din ako ng opisina matapos ang matagumpay na contract signing.
Buong maghapon kong inasikaso ang mga papeles na kailangang pirmahan. Upang hindi antukin ay tatlong beses akong nagpatimpla ng kape sa sekretarya. Pagsapit ng alas singko ay umalis din ako at umuwi ng condo para maghapunan at mag-shower. Sisiputin ko na talaga ang usapan namin ni Hope at baka tuluyan na nga siyang magtampo sa akin.
Suot ang skimpy backless dress na platinum gold ang kulay at high heels ay bumaba ako ng sasakyan at pinagmasdan ang buong gusali ng ELights. Hanggang ngayon ay namamangha pa rin ako sa layo ng narating ni Hope. Sinong mag-aakala na ang matalik kong kaibigan na tamad mag-aral at gumawa ng projects noon ay magkakaroon ng matagumpay na exclusive club ngayon? Nailing ako at ngumisi. Sobrang proud ako kay Hope sa narating niya.
Pagkakita pa lang sa akin ng bouncer ay pinapasok kaagad ako. Dinig ko naman ang inis na apila ng mga kanina pa siguro nakapila. Dumeretso ako sa red table na paboritong tambayan ni Hope at ng iba pang VIPs. Agaran siyang kumaway at ngumisi nang makita ako. May iba pa siyang mga kasama.
"The busiest woman in the city is finally here!" eksahiradang anunsiyo niya sa lahat nang makalapit ako sa kanila.
Umiling ako at kaagad siyang niyakap nang mahigpit na para bang hindi kami nagkita kahapon. Bago maupo ay pinakilala niya muna ako sa iba pang naroroon.
"Nasaan na 'yong hunk na ipapakilala mo sa'kin?" paniningil ko kay Hope bago uminom. Ikalawang martini glass ko na ito kaya naman ramdam ko na ang tama ng alcohol. Sakto lang ang lakas ng boses ko dahil hindi naman masyadong malakas ang ingay ng slow electronic music sa background.
Nilakihaan niya ang butas ng kanyang ilong na parang may masangsang na naaamoy.
"Dead! Hindi sumipot. Ewan ko do'n."
Dahan-dahan akong tumayo ako at nagtaas ng martini glass sa ere.
"Cheers to me being single for life!" Ginawa ko ito na parang tubig at ininom nang isang lagukan lang.
"I want more! More!" utos ko at iwinagayway ang baso.
Hinila ako ni Hope pabalik sa sofa kaya gumiwang ako nang bumagsak sa pag-upo rito.
"Oh my God! Alam mo namang ang bilis mong matamaan! Mahina ang alcohol tolerance mo, babe! Feelingera 'to..." pag-awat niya sabay bawi sa hawak kong martini glass na wala ng laman.
"Nauuhaw ako. Gusto ko pang uminom..." daing ko.
"May problema na naman ba sa mansiyon?"insaktong paghula niya. "Balak mo yatang magpakalunod sa alcohol ngayong gabi, eh."
Ngumuso lang ako at pinagmasdan ang dalawang panibaging inomin na dala ni Drake, panibagong karelasyon ni Hope.
"Your cosmopolitan, babe!" aniya at ibinigay ang isang baso kay Hope.
Awtomatiko akong naglahad ng kamay.
"Give me the other one!"
Kumunot ang noo ni Drake at binalingan ng tingin ang katabi kong si Hope. Halata ang tanong sa kanyang mga mata.
"Don't," mariing utos ni Hope.
Bago pa mailayo sa akin ni Drake ang cosmopolitan ay sapilitan ko itong kinuha mula sa kanyang kamay. Hindi siya nagmatigas pa siguro dahil babae rin ako.
"Cheers! Wooh!" tili ko at sumimsim dito.
"Oh God..." dinig kong daing ng kaibigan ko. Hindi ko na siya pinansin at nag-enjoy na lang sa iniinom maski mistulang nasusunog sa init ang lalamunan ko.
Pinangalahatian ko ang cosmo nang mailapag ito sa mesa. Inayos ko ang suot na damit dahil nalalantad na ang hita ko sa iksi nito. Tumayo ako at pilit na bumalanse nang muntikan ng napagiwang.
"Let's dance! I want to dance," masiglang pag-iimbita ko.
Hindi ako pinansin ni Hope na ngayon ay masyadong abala sa pakikipaghalikan sa kanyang boyfriend. Nakakandong na siya rito.
Napatakip ako sa bibig dahil sa sinok na lumabas. Nilingon ko ang mga tao sa club na nagsasayawan na sa gitna ng dance floor.
Nang makitang kailangan ko pang dumaan sa gilid ng mga sa tingin ko ay nagtatrabaho sa corporate world dahil sa suot na mga suits nito ay muli kong inayos ang damit at baka may makakilala pa sa akin.
Pinilit kong maging normal ang paglalakad maski umiikot ang paningin ko lalong-lalo na nang dumaan na ako sa kanila.
"Drinks on Attorney Mendez daw!" sigaw ng isa sa mga nasa mesa.
"Sure," anang malalim na boses na pamilyar sa akin.
Huminto ako at mabilis na dumikit ang mga paa sa sahig. Baka lasing lang ako? ... Baka naman ibang Attorney Mendez?
"Wow! Pa-welcome home ba 'yan, Attorney?" hirit naman ng isa pa.
Welcome home?
Mas umigting lang ang hinala ko dahil sa huling narinig. Sa kabila ng kalasingan, sa tingin ko naging klaro bigla ang isipan ko. Unti-unti akong lumingon pabalik sa mesa. Hindi ko masasabing tadhana o ano ang nangyari pero kaagad na dumapo ang tingin ko sa kanya na nasa akin naman ang malamig na tingin. Attorney Lake Jacobe Mendez is really back.
And everything went black.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top