Chapter 16

Chapter 16

Future

Naging abala ako sa internship dahil nasa ikaapat na taon na ako sa kolehiyo. Imbes na sa family company kumuha ng internship program ay mas pinili ko sa ibang kompanya. Naintindhihan din naman ito ni Papa dahil ipinaliwanag ko sa kanya na maliban sa gusto kong hindi maging pabor sa akin ang gagawing internship, gusto ko rin na makaranas na magtrabaho sa ibang kompanya.

Sabay at pareho kami ni Hope ng pinapasukang kompanya para sa internship kaya madalas kaming nagkakasama pauwi kung sakaling hindi man ako nasusundo ni Lake dahil abala rin siya sa ginagawang review at trabaho.

Habang nasa trabaho ay iniikot ni Hope ang inuupuang swivel chair para maharap ako. Makikipag-chikahan na naman siguro.

"Kailan nga ulit 'yong bar exam ni Sir?"

"Next week," sabi ko at pansamantalang huminto na muna sa pagtitipa sa harap ng computer. Nilingon ko siya at tinaasan ng isang kilay. "At bakit ba hanggang ngayon 'Sir'pa rin ang tawag mo kay Lake?"

Hinawi niya ang kanyang mahabang buhok sa kabilang balikat.

"Ewan ko ba. Nasanay lang siguro ako. Don't worry, kapag nakapasa na siya, Attorney na ang itatawag ko sa kanya."

Binalingan ko na ang computer at ipinagpatuloy ang paggawa ng product survey.

"Makakapasa siya. Gabi-gabi yata kaming nagpupuyat," puno ng kumpiyansa kong saad at muling hinawakan ang mouse ng computer.

"Heh! Baka naman ibang pagpupuyat 'yan," panunukso niya.

Ngumisi ako at umiling na lang. Hindi na muna ako sumabay kay Hope sa pag-uwi dahil may kikitain pa akong kaibigan ni Papa. Ito ang plano kong sorpresa para kay Lake. Nabanggit ni Papa noong nakaraang linggo na may kaibigan siyang mayroong pre-review center for bar examination. Balak kong kumbinsihin si Lake na subukan ito maski isang linggo lang bago ang bar exam.

Huminto ang taxi na sinasakyan ko sa tapat ng café kung saan kami magkikita ni Attorney Pelaez. Binuksan ko na ang babasaging pinto nito at pumasok sa loob. Napasulyap ako sa suot na relo at nakitang maaga ako ng sampong minuto. Iginala ko ang tingin sa loob at dahil medyo wala namang gaanong costumers ay hindi na ako nahirapan pa na maghanap ng bakanteng mesa. Pinili ko ang nasa bandang gilid kung saan matatanaw ang mga sasakyan sa labas dahil glass naman ang pader nito.

Naupo na ako at hinintay ang pagdating ng matandang abogado. Habang pinagmamasdan ang mga dumadaang sasakyan sa labas ay narinig ko ang tunog ng cellphone ko. Kinuha ko ito mula sa dalang bag at nakita ang naka-display na text message galing kay Lake.

Sa'n ka na?

Nagtipa ako ng reply. At nisend ito.

Ako: May kikitain pa ako

Mabilis siyang nag-reply.

Ipinagpalit mo na ako? (sad emoji)

Napangiti ako nito at nag-isip ng isasagot. Imbes na magtipa ng mensahe ay kinuhanan ko na lamang ng picture ang ibabaw ng mesa na may nakapatong na isang maliit na vase ng bulaklak at ni-send ito sa kanya. Agaran na naman ang kanyang pag-reply na dalawang magkasunod pa.

Sinong kasama mo?

Tell me right now, Miss Villarejas

Hindi ko na napigilan at humagikgik na ako sa kinauupuan. Balik Miss Villarejas agad, Lake?

Nakangisi akong nagtipa ng ire-reply sa kanya.

Ako: Ikukuwento ko sayo pag-uwi ko. Sa apartment ako magdi-dinner.

Kumpara dati ay matagal ang pagiging tahimik niya. Hindi ako nakatanggap ng reply mula sa kanya kaya nisend ko ulit ang naging huling mensahe. Paglipas ng isang minuto ay nag-reply na rin siya.

Siya: Wala akong pagkain

Humalakhak na ako dahil sa halatang pagiging pikon na naman niya. Nagtipa ulit ako ng mensahe.

Ako: I love you

Walang reply kaya nai-imagine kong nakabusangot na naman ang mukha niya siguro dahil sa inis. Sumubok ulit ako.

Ako: I love you, Sir.

Baby, I love you

Mukha yatang nainis ko siya. Ilalapag ko na sana ang cellphone sa mesa nang tumunog ito.

Siya: I'll cook your chicken curry.

Napatawad na ako. Iniligpit ko na ang cellphone at ibinalik muli sa loob ng bag. Insakto naman ang pagdating ni Attorney Pelaez na kaagad kong namukhaan dahil palagi siyang isa sa mga bisita ni Papa tuwing may okasyon. Mabilis niya rin akong napansin at nakangiti na siyang naglakad patungo sa kinauupuan ko.

Sa suot niyang black suits at pants ay halatang kagagaling niya rin lang sa trabaho.

"Kanina ka pa ba, hija?" tanong niya at naupo na sa tapat ko.

"Hindi naman po masyado, Attorney."

Nilapitan kami ng waitress at parehong kape lang ang ni-order namin. Nang umalis na ito ay muling nagsalita si Attorney Pelaez.

"Pasensiya ka na at dito pa talaga ako nakipagkita sa'yo. Not so professional. May ka-meeting kasi ako kanina lang sa tapat na establishment din."

Tumango ako at ngumiti. "It's alright, Attorney. I understand. Ako naman po itong humihingi ng pabor."

"Apollo already gave me a head's up," pagbanggit niya kay Papa. "Lake Jacobe Mendez, right?"

Dumating na ang in-order namaing kape at nagpasalamat na muna kami sa waitress nang mailapag na niya ito sa mesa.

"Yes po. May natitira pa po bang slot?" pagpapatuloy ko sa usapan nang makaalis na ang waitress.

Sumimsim na muna siya sa tasa ng kanyang kape bago sumagot.

"The truth is, wala na dahil sobrang lapit na ng bar examination. But of course since this is a special request, I will make some changes."

Awtomatikong lumabas ang ngiti ko dahil sa saya.

"Thank you po, Attorney!"

"You're welcome. You are a very dear daughter to my friend, Apollo, so it's easy for me to grant special requests like this," sabi niya. "Just tell Mr. Mendez to come to the building tomorrow for some paperworks, alright?"

"I'll definitely do that, Attorney. Thank you again po!" sagot ko kaagad.

Hindi rin nagtagal ang naging pag-uusap namin ni Attorney Pelaez dahil may dinner date pa raw siya kasama ng kanyang maybahay. Natatawa niya pang ikinuwento sa akin na ang depensahan ang sarili sa pagiging late sa hapunan ang pinakakinatatakutan niyang gawin maski na abogado siya. Mas humanga lang ako nang marinig ito dahil napagtanto ko na napaka-family man niya pala.

Sakay ng taxi ay dumeretso na ako sa apartment ni Lake baon ang dalang sorpresa at sana nga ay good news para sa kanya. Tamang-tama rin ang pagdating ko sa apartment dahil naamoy ko na ang lutong ulam.

"Ang bango naman!" bungad ko at niyakap siya galing likod habang naghuhugas siya ng bowl sa lababo.

Nilingon niya ako at dinampian ng halik sa labi.

"How's your day?" tanong niya.

Kumalas na ako sa pagyakap sa kanya upang abutin ang hanging cabinet at buksan ito. Kumuha ako ng mga plano at kubyertos.

"Okay lang. Enjoy naman." Inilapag ko na ang mga ito sa mesa.

Nagpunas na siya ng kamay at naglagay na ng ulam sa sa isang bowl. Nagsandok naman ako ng kanin na nasa rice cooker. Matapos maihanda ang lahat sa hapag ay naupo na kami.

"Sinong ka-meet mo kanina?" aniya habang nilalagyan ng kanin ang plato ko. Hindi pa rin nilulubayan ang paksa namin kanina pa.

Kumuha ako ng sabaw mula sa chicken curry at inilagay ito sa ibabaw ng kanin. Ipinatong ko na muna ang hawak na kutsara at tinidor sa magkabilang gilid ng plato.

"Ka-meet ko 'yong friend ni Papa, si Attorney Pelaez. He owns a renowned review center, especially as preparatory for bar examination."

Unti-unti niyang binitiwan ang hawak na kubyertos at pinagmasdan ako gamit ang buong atensiyon.

Nagpatuloy naman ako. "M-May slot pa sila... I asked him a favor na ipa-register—"

"You want me to enrol in a pre-bar review course on the last minute?" marahan ngunit may diin niyang pagkaklaro.

Tumuwid ako ng upo upang makahugot ng katatagan. Nagsisimula na naman akong ma-intimidate dahil sa tono ng pagkakatanong niya.

"Just for a week. Wala namang mawawala at mas maganda nga 'yon, 'di ba? Wala tayong panghihinayangan kung... kung..."

"Kung? Bumagsak ulit ako?" magaspang niyang dugtong.

"I didn't say that."

"But you were about to." Sarkastiko siyang ngumiti na hindi abot ang kanyang mga mata dahil naging matalim ito.

"Lake naman. Gusto ko lang naman na makatulong. Tinanggihan mo na nga ang alok ng parents mo kaya sumubok pa rin ako para lang makatulong."

"Makatulong? Gaya ng pagdedesisyon din para sa'kin tulad ng mismong ginawa nila?" Tumayo siya ngunit nanatili pa rin ako sa upuan.

"Bakit ka ba nagagalit? Hindi mo ba pwedeng ma-appreciate 'yong length na ginawa ko para lang makahingi ng pabor sa ibang tao?" Pinilit kong manatiling kalmado para maging balanse ang sitwasyon. Kung magpapadala ako sa emosyon at magagalit din sa kanya, walang mapayapang pag-uusap na mangyayari.

Napahimalos siya sa kanyang mukha gamit ang isang palad. Nang tingnan niya ulit ako ay napansin kong bahagya nang nabawasan ang pagiging matalim nito. Kumakalma na pero hindi pa rin tuluyang bumabanayad.

"Jean, hindi ko sinabi na gawin mo 'yon. And I'm not angry. I'm just hurt and disappointed... dahil pakiramdam ko wala kang tiwala sa'kin." Dinig ko ang sakit at paratang sa kanyang boses. "You're doubting me."

"I'm not doubting you. I'm just saying na kung may magagawa man tayong iba na pwedeng makatulong, then why not do it?"

Hindi siya kumibo at nag-iwas lang ng tingin.

"Try mo lang naman. Wala namang mawawala," muling pagsubok ko. "It's not my intention to hurt your pride."

Inilingan niya ako na para bang mas lalo lang siyang nadismaya sa akin. Umalis siya ng walang pasabi at iniwan ako sa harap ng hapagkainan.

Taliwas sa kadalasan kong ginagawa sa tuwing nagkakaroon kami ng hindi pagkakaintindihan ay hindi ko siya sinundan para suyuin. Niligpit ko ang mga pagkain na hindi man lang namin naggalaw kanina at pagkatapos ay umuwi ako ng mansiyon.

Kung na-disappoint o nasaktan man siya sa desisyong ginawa ko ay ganoon din naman ako sa naging reaksiyon niya. Naguguluhan ako kung bakit ni hindi niya muna pinakinggan ang rason ko at kung bakit ni hindi niya man lang na-appreciate ang ginawa ko para sa kanya.

Pumasok ako sa internship sa sumunod na araw na hindi pa nakakausap si Lake matapos ang naging pagtatalo namin. Hindi rin naman ako sumubok na kausapin siya at ganoon din siya sa akin. Inignora namin ang isa't-isa.

"Ty is way hotter than Jerome. I mean, walang kontra," si Hope na nasa kalagitnaan ng pagkukuwento ng bago niyang lovelife habang nasa cafeteria kami para sa lunch break.

Natulala ako habang pinagmamasdan ang chicken curry na natikman ko na kanina pero isinantabi ko rin dahil hindi ko natipuhan ang lasa. Parang may kulang.

"Mas masarap pa rin talaga ang curry niya," malungkot  kong pahayag at saka bumuntonghininga.

"Eh 'di sana inilagay mo na lang 'yong luto niya kagabi sa tupperware at saka ibinaon," sarkastikong pangangaral niya.

"Ulam niya naman 'yon," depensa ko na parang sa tingin ko ay magbibigay liwanag sa lahat.

"Alam niyo, para kayong baguhan sa isang relasyon kung magtampuhan. First time niyo bang magtalo?"

Sumipsip muna ako sa straw ng ice tea bago siya sinagot.

"Nagtalo na naman kami noon pero mababaw lang. 'Yong kagabi lang ang medyo mabigat."

"Babe, I'm not an expert when it comes to relationships, ha alam mo naman ang track record ko riyan. Pero tingin ko talaga dapat pag-usapan niyo 'yan at resolbahin. Madadaan naman 'yan sa maayos na pagpapaliwanagan ng kanya-kanyang sides niyo, eh!"

Seryoso ko siyang tinitigan ng ilang segundo.

"So anong tawag mo sa hindi ninyo pa rin pagpapansinan ni Jok hanggang ngayon?"

"Iba ang sa'min ni Joke," irap niya.

Nagtaas ako ng isang kilay at kinuha ang broccoli na hindi naman niya kinain.

"Paano naging iba 'yon?" sabi ko sabay subo nito.

"Hindi kami mag-jowa. Duh."

Wala na siyang idinugtong dito kaya nilubayan ko na ang paksa at hindi na siya inintriga pa.

Maaga akong umalis dahil napag-isip-isip na tama nga talaga ang sinabi ni Hope. Kailangan naming mag-usap ni Lake at hindi kami pwedeng manatiling walang kiboan na lang.

Bumaba na ako ng gusali sakay ang elevator at nang nasa lobby na ng unang palapag ay nagulat ako. Nakita ko si Lake na nakatayo sa gitna nito. Nang makita ako ay dere-deretso niyang kinain ang distansiyang nakapagitan sa aming dalawa. Sinalubong ko naman siya.

"I'm sorry," sabay naming sambit sa isa't-isa. Napangiti kami dahil dito.

"I'm sorry I was an ass," sising-sisi niya sinabi.

"I'm sorry kasi makulit ako," sabi ko naman.

Nagtitigan pa kami ng ilang segundo na tila ba may pangako na sa isa't-isa. Niyakap niya ako at tinugunan ko naman ito. At alam kong magiging maayos na ang lahat. Ngunit nagkamali ako ng akala dahil sa sumunod na buwan ay may panibago na namang problema ang dumating. Sa ikalawang pagkakataon, hindi pumasa si Lake.

"Malapit ka nang grumaduate. Isang buwan na lang," si Mommy habang kumakain kami isang gabi. "How about your boyfriend? What are his plans?"

"Valen," agad na mahinang saway ni Papa. Alam na kung saan patungo ang usapan.

Tiningnan ko si Mommy. "He is working naman po."

Nagtaas siya ng kilay.  "In an office work? Earning how much exactly? How old is he now, again and what are really his plans for his career?"

Nagbaba ako ng tingin at halos tulala na lang na tinititigan ang pagkain na nasa plato. Narinig ko ang pagod na pagbuntonghininga ni Papa. Nagsisimula na naman kasi si Mommy sa sensitibong paksa na ito na bumabalot sa amin ilang araw na simula nang lumabas ang resulta ng bar exam.

"Stop interrogating our daughter, Valen. Buhay nila iyan kaya hayaan mo silang magdesisyon sa sarili nila," si Papa.

"And I am her mother," matigas na sagot ni Mommy. "Masama na ba na makialam sa buhay niya kahit na nagmamalasakit lang naman ako? I just don't want her to make the same mistakes I did back in the days."

Nagtagis ang bagang ko at matalim siyang tiningnan.

"My boyfriend is not a criminal," sabi ko na lantaran ng ikinukumpara si Lake sa totoong ama. "So definitely, I am not making the same mistakes you did."

"Hindi pa sa ngayon," pasaring niya.

Awtomatiko akong napatayo mula sa upuan. Tanging si Papa lang ang banayad kong tiningnan kahit na sa kaloob-looban ko ay may delubyo ng emosyon na gusto nang kumawala.

"Excuse me po at busog na ako. I'm tired kaya aakyat na po ako sa kuwarto para magpahinga."

May matinding pag-aalala sa mukha ni Papa habang pinagmamasdan ako. Sa huli ay malungkot na lamang niya akong tinanguan.

Dumaan ang mga araw. Sa tuwing magkasama kami ni Lake ay nawawala ang pangamba ko para sa kinabukasan dahil sa mga masasayang memories na ginagawa namin na magkasama. Ngunit sa tuwing nag-iisa ako ay bumabalik na naman ang pangamba ko at ang malala nito, bumabalik ang mga sinabi sa akin ni Mommy.

Isang araw bago ang graduation day ko ay magkasama kami ni Lake sa kanyang apartment buong araw.

Pagsapit ng hapon ay nagpasya kaming magdilig ng halaman. Matapos itong gawin ay nanatili kami sa bakuran habang pinagmamasdan ang pusa ni Nanay Celia na kumakain ng dahon ng halaman mula sa paso.

"Tingin mo nami-miss din ni Martina si Pepe?" tanong ko kay Lake na nakatayo lang sa likod ko.

Sobrang natural niya akong niyakap galing likod at hinagkan sa ulo.

"Oo naman. Minsan nga napapansin ko 'yang pusa na 'yan na nakatingin sa gate. Siguro hinihintay ang pagdating ni Pepe."

"I miss Pepe," malungkot kong pag-amin.

Bumuntonghininga siya at mas hinigpitan pa ang pagkayap sa akin.

"I know. You gave him a good and quite a long life for a chicken. He's in heaven now."

Hinaplos ko ang braso niyang nakalingkis sa beywang ko. Nilinga ko siya.

"Akala ko ba hindi ka naniniwala sa heaven?"

"I still don't believe that heaven is above," aniya sabay tingala sa langit. Nagbaba siya ng tingin at ngayon ay mukha ko na ang pinagmamasdan. "I believe that heaven is just this very good place. Heaven is here like you are here. With me."

Hinarap ko siya at inilingkis ang braso sa kanyang leeg. Hinaplos ko ang buhok niya sa likod.

"So heaven is real?"

"Of course it is. You are real," malambing niyang sinabi.

Dumating ang graduation day ko at mabilis din na lumipas ang mga araw dahil siguro nagsimula na rin akong magtrabaho sa negosyo ni Papa. Pinili kong magpa-assign sa Marketing. Gusto sana akong bigyan ni Papa ng mataas na posisyon pero tinanggihan ko dahil sinabi ko na gusto ko munang matuto mula sa baba. At siguro pagkatapos ng ilang buwan ay puwede na akong sumubok sa posisyon na gusto niyang ibigay sa akin.

Sa unang buwan na pagtatrabaho ko ay umalis naman si Lake sa law firm. Gusto niyang subukan ulit ang pagtugtog ng piano. Iba man sa kanyang natapos ay sinuportahan ko pa rin siya sa kung anuman ang gusto niya. Inaamin ko na may pag-aalinlangan sa sarili ko lalo na dahil sa mga sinasabi ng ibang tao. Hindi naman siguro maiiwasan iyon.

Umalis siya sa apartment dahil napag-alaman niyang binili pala ito ng Mommy niya para sa kanya at nagkaroon din sila ng matinding pagtatalo dahil sa tuluyan niyang pag-abandona sa pangarap nilang career para sa kanya.

Lumipat siya sa isang condominium na malapit lang din sa hotel kung saan siya tumutugtog. Sumama ako sa kanya at umalis na rin ng mansiyon. Matinding pagtatalo ang nangyari sa pagitan namin ni Mommy dahil dito. Sinabihan niya akong nahihibang na at napapariwara na ang buhay. Parang gumanti naman ako nang sabihan ko siyang nagiging melodramatic na.

Nahahalata ko na may pagdadalawang isip din kay Papa sa naging desisyon ko. Pero sa halip na pigilan niya ay sinuporthan niya pa rin ako ngunit hindi naman nawala ang mga paalala niya sa akin.

Isang hatinggabi, habang parehong nakahiga na sa kama at niyayapos ako ni Lake, sinabi ko ang tanong na kumakatok ulit sa utak ko.

"How come you never ask me again to marry you? Two months na naman akong nagtatrabaho..."

"Dahil alam ko naman na hindi ka pa handa."

Iniba ko ang posisyon tumagilid. Hinarap ko siya.

"Really? Paano mo naman nasabi?"

"Because I know you better. You are a career-driven woman. While you're telling me about how your father's business works whenever you come home after work, I know that at the back of your mind you already have envisioned how it should work," marahang paliwanag niya. Madilim man ay dinig ko ang ngiti at pagiging proud sa likod ng kanyang boses. "And I know that in the future, you'll do just that. You'll do great, Jean. At habang ginagawa mo 'yan, ayokong maging balakid sa daan mo."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top