Chapter 15
Chapter 15
Promise
Nilapitan ko siya at parang bata siyang niyapos. Malamyos kong hinaplos ang kanyang likod.
"That's okay. Pwede ka pa naman na mag-take ulit. Let's not give up," alu ko.
"I'm sorry I disappointed you," malungkot niyang sinabi.
Hinagkan ko ang kanyang buhok. "You didn't. I know that you did your best and I'm still proud of you. Siguro hindi mo pa time ngayon pero may next try pa naman. Sabi mo sa'kin tatlong beses pwedeng mag-try, 'di ba?"
Tumango siya at alam kong magiging okay rin ang lahat. Magkasabay na nakuha ang aming atensiyon dahil sa katok na narinig mula sa pinto. Awtomatikong sumilay ang ngiti sa mga labi ko nang makitang si Nanay Celia ito. Sa kanyang suot ay napansin kong mukhang kararating lang din niya.
Sumenyas siya na sa pagkakabasa ko ay nagtatanong siya kung sa apartment ba ako maghahapunan. Sinulyapan ko muna si Lake na bagsak pa rin ang balikat at nagsasara na ng kanyang laptop. Maski hindi pa nagpapaalam sa mga magulang ay tinanguan ko si Nanay Celia. Alam kong mas pinakakailangan ako ng boyfriend ko ngayon.
Late na akong umuwi ng mansiyon. Sinigurado ko munang okay si Lake bago siya iwan. Paakyat na ako ng hagdanan nang matigilan dahil sa boses na narinig.
"You are super late. Akala ko nga roon ka na matutulog," sabi nito.
Nilingon ko si Mommy na nakaupo sa sofa. Hawak niya sa isang kamay ang wine glass. Dumapo ang tingin ko sa center table kung saan nakalapag ang isang bote ng wine na malapit ng maubos.
"I just made sure that Lake was fine before coming home," sagot ko.
Inilapag niya sa mesa ang wineglass at tiningnan ako gamit ang mapanuring tingin.
"Don't ever make the same mistake I did, Jean," makahulugan niyang sinabi.
Imbes na depensahan ang sarili at sabihan siyang wala naman kaming ginagawang milagro ni Lake ay nagtimpi ako. Sa halip ay iba ang sinabi ko.
"Lake is a decent man, Mommy."
"That's what they all seem to be, at first," pasaring na naman niya at saka muling kinuha ang wineglass at sumimsim dito.
"He isn't like my biological father," matigas kong sinabi.
"Oh well... I heard he did not pass the bar," pagpapatuloy niya. Tiningnan ko lang siya at hindi na nagkomento pa. "Your Papa told me. Naging curious din kasi siya sa resulta," dugtong niya.
"Lake will try again. I will help him," sabi ko at nagpaalam na. "Aakyat na po ako at matutulog."
Sa sumunod na buwan ay naging abala na ako dahil sa pagtatapos ng school year. Habang nasa school break ay nagtrabaho rin ako sa negosyo ni Papa. Nag-handle ako sa ibang paperworks para masanay na rin sa pamamalakad ng negosyo.
"Ako na ang magtatapos niyan, JC! 'Di ba early out ka ngayon dahil anniversary celebration niyo ni bf?" si Miss Tam, ang head supervisor ng kompanya ni Papa.
"Opo. I-si-save ko lang ang file at aalis na rin po ako," sabi ko habang nasa harap pa rin ng computer kung saan naka-display ang financial report.
"Baka naghihintay na 'yong bf mo roon sa lobby," paalala niya.
Pinangalanan ko na ang file, ni-save at pinatay na ang computer.
"Yes po. Aalis na!" sabi ko sabay pulot sa bag na nasa kabilang swivel chair. "Bye po! See you on Monday!"
"Sige! Enjoy!"
Nadatnan ko si Lake na nasa lobby at nakaupo sa may lounge. Nakita ko na abala siya sa kakatitig sa kanyang cellphone kaya siguro hindi niya napansin ang paghinto ko sa gilid niya.
"Mas maganda ba 'yan sa'kin?" pagbibiro ko sabay taas ng isang kilay.
Nag-angat siya ng tingin mula sa cellphone na hawak at umaliwas ang kanyang mukha nang makita ako. Inilahad niya ang cellphone sa akin at nakita ko ang naka-display rito. Stolen picture ko habang natutulog sa kanyang sofa. Nakanganga pa ako at masyadong obvious na sobrang tulog!
"Magkasing-ganda kayo. Nga lang, mas mabait siya sa'yo pag tulog," ngisi niya.
Natawa ako at mabilis siyang hinalikan sa pisngi. "Kanina ka pa ba naghihintay?"
Inilagay na niya sa kanyang bulsa ang cellphone at hinagkan ako sa noo.
"Fifteen minutes na ata. Let's go?" Naglahad siya ng kamay na inabot ko naman kaagad.
"Where are we really going for dinner?" tanong ko nang nasa loob na kami ng kanyang sasakyan.
"It's a surprise."
"Lagi mo na lang talaga akong sinosorpresa," sabi ko pero uminit naman ang pakiramdam.
Iniliko niya ang sasakyan sa ibang dereksiyon at nanatiling misteryosong nakangiti habang nagmamaneho. Napatanaw ako sa labas ng bintana at namangha nang makita ang mga sikat na establisyementong nadadaanan namin.
Huminto kami sa harap ng sopistikado at sosyal na gusali ng isang five star hotel.
"A-Are you kidding me? May... May pera ba tayo?" anas ko sabay baling ng tingin sa kanya.
"Akong bahala," kalmante niyang sinabi at nagtanggal ng suot na seatbelt.
"Lake!" gulantang na apila ko. "Sa ibang lugar na lang tayo! Mahal diyan!"
Inignora niya lang ang pananaway ko at lumabas na siya ng sasakyan. Nanatili namang nakadikit ang pwet ko sa upuan.
Lumiko siya at binuksan niya ang pinto sa banda ko. "Come out now."
Napatingin ako sa valet na naghihintay sa kanyang likod. Bago pa tuluyang ipahiya kaming dalawa ay nagtanggal na ako ng seatbelt at lumabas. Iniabot ni Lake ang susi sa valet at kinuha ang kamay ko.
"Mabuti na lang at naka-dress ako ngayon imbes na jeans," bulong ko sa kanya pagpasok namin sa loob.
"Wala namang magbabago. You would still look lovely," madulas niyang pahayag.
Sa paraan ng paggiya niya sa akin ay naghinala na ako na alam na niya kung saan ang mesa namin. May iilan na rin na kumakain sa loob ng magarbong restaurant. Huminto kami sa mesa na nasa tapat lang ng grand piano kung saan may matandang lalaki na tumutugtog nito.
Hinila niya ang upuan para sa akin at naupo ako rito. Nanatili naman siyang nakatayo sa likuran ko. Dumapo ang tingin ko sa isang bote ng mamahaling wine at dalawang wineglasses na nakalapag sa mesa.
"I already ordered us our favorite. I'll join you in a bit," bulong niya.
Napalinga ako sa kanya. "Huh? Saan ka pa pupunta?"
Imbes na sagutin ay ngumisi lang siya at tumalikod na. Dahil medyo sumakit na ang leeg ko sa kakalinga sa kanya ay tuluyan na akong humarap sa grand piano nang mapansin na naglalakad siya papunta rito. Umawang ang labi ko nang makitang tumayo ang matandang lalaki na tumutugtog nito kanina at nagkamayan pa sila.
Umalis ang matanda at ngayon ay si Lake na ang pumalit sa kanyang puwesto sa upuan na nasa harap ng piano.
"This piece which I am going to play is for my girlfriend over there," aniya sabay tapon ng tingin sa akin. "The girl who has the most surprised look on her face in this entire room. Happy anniversary."
Kapansin-pansin ang pagbaling ng tingin ng iilang costumers sa akin lalong-lalo na iyong hindi pa nagsisimulang kumain. Sa kahihiyan ay nasapo ko ang noo para man lang kahit papaano ay matakpan ang mukha na nakasisiguro akong nangungulay kamatis na.
Unti-unti ko rin itong tinanggal nang magsimula na si Lake sa pagtugtog. Sa buong silid ay alam kong hindi lang ako ang nadala sa musika na ibinabahagi niya. Lahat ay tila ba nabibighani sa paraan ng pagtugtog niya nito. Maski nga iyong mga kumakain ay pansamantalang natihil para pagmasdan siya.
Pumikit siya at tila ba nasa sarili niyang mundo. Dahil sa ganda ng tugtog ay hindi ko na namamalayang patapos na siya. Hindi ko lubos maisip na ang taong kilala kong cold noon ay napaka-sweet pala pagdating sa akin. Nadala ako nito at napukaw sa sariling isipan nang marinig ang palakpakan ng mga tao na kasama namin sa loob.
Tumayo na siya at lumapit sa akin. Muli siyang naupo sa tabi ko at may dinukot mula sa bulsa ng kanyang suot na chino pants. Nang makita ang bracelet na hawak na niya sa kamay ay napasinghap ako dahil sa singsing na nakasabit dito.
Ni-unlock niya ang bracelet at pinadausdos ang singsing upang matanggal.
"This is like a promise ring. Alam ko naman na bata ka pa at marami ka pang gustong gawin lalo na sa career mo, so I won't ask you to marry me yet. For now." Hinawakan niya ang singsing at kinuha ang kamay ko.
Marahan niyang hinaplos ang ring finger ko at mariin akong tinitigan sa mga mata. Sa tindi ng emosyon na nakikita ko rito ay naramdaman ko na ang pangingilid ng aking mga luha.
"But one day," paos niyang sinabi at saka ipinalandas ang dila sa ibabang labi, "When you finally reach your dreams and goals in life, will you allow me to fulfill this promise? Pakakasal ka ba sa'kin?"Sa sobrang hina ng pagkakasabi niya sa huling tanong ay halos naging pangakong bulong na ito.
Hinayaan ko ang mga luha na bumuhos. Sa mga oras na iyon ay kasing lakas ng bulong ng utak ko ang tibok ng puso ko.
"Yes! Kanino pa ba ako magpapakasal?" natatawa at naiiyak kong sambit.
Mahina na rin siyang natawa. Dahan-dahan niyang ipinasok ang singsing sa daliri ko.
"I love you. And I will marry you when you're ready," pangangako niya.
Ngumiti ako at gamit ang isang palad ay hinaplos siya sa pisngi.
"I love you. And you're the only one I'm going to marry when I'm ready," pangangako ko sa kanya pabalik.
Walang pag-aalinlangan niyang inatake ang mga labi ko at walang pag-aatubili rin akong tumugon dito. Sa init ng halikan namin ay hindi na namin inalintanang hindi lang kami ang nasa loob ng silid. Nagpakalunod kami sa umaapaw na pagmamahal. Dinig namin ang palakpakan ng mga taong naroon.
Pagkatapos ng naging intimate dinner namin ay bumalik ulit si Lake sa harap ng piano para tumugtog. Sa mismong hotel na rin kami tumuloy. Ang sabi ni Lake ay wala raw siyang ibinayad dito dahil ang manager ng hotel na ang nanlibre sa amin bilang courtesy na rin sa libreng pagtugtog ni Lake buong gabi.
May damit na rin akong pamalit na binili niya kanina. Napagtanto kong napaghandaan niya talaga ito. Pumasok na muna ako ng banyo bitbit ang damit pamalit para makapag-shower at maging presko sa pagtulog . Pagtulog? Tanong ko sa sarili. Matutulog lang ba talaga kami ngayong gabi?
Ibinalot ko na ang tuwalya sa sarili at sa loob ng banyo na rin nagbihis. Uminit ang pisngi ko nang makita ang panty na kulay itim habang naiisip na si Lake ang bumili nito. Binilhan niya rin ako ng seda pantulog. Isang kulay emerald green na spaghetti straps at ternong pajama.
Lumabas na ako ng banyo at nagtungo sa isang cabinet para makapag-blower. Nakita ko rin si Lake na tanging kakarampot na tuwalya lang ang nakatapis sa bandang beywang. Kusang lumandas ang tingin ko sa kanyang abs at kurting v patungong ibaba na natatakpan na ng tuwalya ang imahinasyon.
Lumunok ako at inangat ang tingin sa kanyang mukha. Nakita kong nakatitig din siya sa akin pabalik sa namumungay na mga mata.
"Shower lang din ako," paos niyang sinabi at saka tumikhim. Nagsimula na siyang maglakad papuntang banyo.
Nang nasa loob na siya at naririnig ko na ang pag-andar ng shower ay huminga ako nang maluwag. Kahit kakatapos lang mag-shower ay pakiramdam ko sobrang mainit pa rin. Sinimulan ko na ang pagbo-blower para maibaling ang iniisip sa ibang bagay. Matapos gawin ito ay naglagay na rin ako ng lotion sa katawan na ni-provide din ng hotel.
Dahil wala ng magawa ay tumunganga na lang ako habang nakaupo sa malaking kama. Dinig ko pa rin ng shower sa banyo. Bakit ba ang tagal ni Lake lumabas? Kanina pa siya sa loob!
Ilang beses na kaming nagkatabi sa kanyang kama sa apartment pero wala naman iyong malisya dahil nasa apartment din naman si Nanay Celia. Hindi rin ito binibigyang malisya ni Lake dahil wala naman siyang first move na ginagawa. Hindi naman sa naghihintay ako....
Biglaang natigil sa pagtakbo ang isipan ko sa kung saan nang biglang bumukas ang pinto ng shower room at lumabas si Lake na tanging tuwalya lang ang suot. May mumunting butil pa ng tubig na lumalandas sa kanyang dibdib pababa. Medyo hindi na rin masyadong basa ang kanyang buhok.
Nagtungo siya sa cabinet at binuksan ito upang kumuha ng damit. Pasadya kong iniwas ang mukha upang bigyan siya ng privacy na makapagbihis. Upang may mapagkaabalahan ay kinuha ko muna ang cellphone na nasa ibabaw ng cabinet malapit sa lampshade.
Tiningnan ko kung may text galing kay Mommy o Papa. Nang makitang mayroon nga ay nag-reply na muna ako. Alam na naman nila na kasama ko si Lake. May tiwala naman si Papa sa kanya.
Muli kong sinulyapan si Lake at nakitang may suot na siyang damit at kasalukuyang nagpupunas na lamang ng kanyang buhok.
"Is everything okay?" aniya nang makitang nakatingin ako sa kanya.
"Uh, oo naman!"
Inilagay na niya sa basket ang pinagamitang tuwalya at naglakad siya papunta sa sofa na nasa bandang sulok.
"S-Saan ka?" tanong ko kahit may kutob na naman sa balak niyang gawin.
"Sa sofa na ako matutulog."
"Huh? Bakit naman?" may bahid ng pagkadismaya sa boses ko. "Hindi naman natin first time na magkatabi sa iisang kama, ah."
Nilingon niya ako at nagkamot siya sa kanyang panga.
"That was different. Hindi tayo nagpalipas ng gabi no'n."
Kinagat ko ang ibabang labi at maski mahirap ay hindi pa rin ako nag-iwas ng tingin.
"May... May mangyayari na ba sa'tin? Ayaw mo bang tumabi sa'kin matulog dito sa kama?"
Marahas siyang napabuntonghininga. Tumingala siya at malutong na nagmura. Nang tingnan niya ako ulit ay nakita ko na parang napakaproblemado na niya. Mapanglaw niyang tinitigan ang kama.
"Pag tumabi ako sa'yo ngayong gabi... baka 'di na ako talaga makapagpigil pa."
"Eh 'di, wag?" paos na bulong ko.
"We're not married yet," deklara niya na parang magbibigay linaw ng lahat. Nilapitan na niya ako at naupo na siya sa kama. "Matutulog lang tayo."
Hinawi niya ang kumot at kalmadong nahiga. Ipinatong niya ang kanyang braso sa noo at mariing pumikit. Bago nahiga sa tabi niya ay pinatay ko na muna ang ilaw at tanging ang lampshade lang ang iniwang nakabukas. .
"Ikakasal din naman tayo. Hindi nga lang bukas," sabi ko at pumikit na rin. Ngunit ilang segundo pa ay dumilat ako at bahagyang nanlaki ang mga mata sa naiisip.
"Tingin mo ba hindi tayo magkakatuluyan sa huli?!"
"Of course not," agap niya at dumilat na para tapunan ako ng tingin. "Sigurado na ako sa'yo," marahan niyang paliwanag.
Bumuga ako ng hininga at gumilid sa paghiga para maharap siya.
"Ang lamig," reklamo ko sabay yakap sa sarili.
Kumunot ang kanyang noo at napatingin sa may aircon.
"Gusto mo hinaan ko 'yong aircon?"
Umiling ako at napatitig sa kanyang mamulang labi dahil sa pagsasalita niya. Kinagat ko ang aking ibabang labi.
"Nauuhaw ako..."
"Jean, I know what you're doing," daing niya na mistulang isang sugatang hayop na iniinda ang sakit.
"One kiss, alright?" parang pagsusumamo niya.
Tumango ako at mas inilapit pa ang sarili sa kanya. Idinampi niya ang kanyang mainit na palad sa braso ko at taas-baba itong pabalik-balik na hinaplos.
"Para 'di ka na lamigin," bulong niya at mababaw akong dinampian ng halik sa labi. "Para 'di ka na mauhaw pa."
Umungol ako na parang nagrereklamo kaya hinalikan niya ako ulit at sa pagkakataong ito ay medyo matagal at malalim na. Para akong sinilabang tuyong dahon nang mas pag-igihan niya pa ang paghalik sa akin. Hindi na nagpirmi pa ang kamay ko sa gilid at naglakbay na ito patungo sa kanyang malapad na dibdib. Hinila ko ang kanyang suot na manipis na tshirt para mas maging malapit pa siya sa akin. Ngayon, sigurado akong hindi lang ungol ko ang namayani sa buong kuwarto.
Ang kanyang kamay ay naglakbay na rin at dumapo ito sa pisngi ko habang walang humpay pa rin kaming naghahalikan. Pumikit ako nang mariin at naramdaman na lamang ang palad niyang naglalakbay na naman sa aking braso.
"Lake..." daing ko. Halos hindi na kilala ang sariling boses.
Ang naging tugon niya rito ay ang pagpapailalim niya sa kanyang magaspang at mainit na palad sa aking suot na manipis na seda.
"Fucking shit," pagmura niya nang matantong wala akong suot na bra. Derekta itong tumama sa maselang bahagi ng katawan ko.
Kasabay ng paghaplos niya rito ay ang pagbaba ng kanyang mainit at mapupusok na halik sa aking baba hanggang sa leeg. Nakakalilyo ang sensasyon na nararamdaman ko at napatingkayad pa ako.
Unti-unti na niyang iniaangat ang suot kong seda hanggang sa tuluyan na nga niya itong matanggal. Hindi man masyadong maliwanag dahil tanging lampshade lang ang ilaw, hindi nakalagpas sa akin ang tila ba lasing niyang mga mata habang pinagmamasdan ang dibdib ko. Sa kauna-unahang pagkakataon ay nakita niya akong walang saplot.
Pinigilan ko ang sarili na huwag takpan dahil gusto kong ipakita sa kanya na confident ako at seryoso ako sa mangyayari sa amin. Binalingan niya ng tingin ang mga mata ko at kinuha ko itong pagkakataon para tanggalin na rin ang suot na pajama.
Hindi namin pinutol ni isang segundo ang masidhing titigan. Mistulang isang kompetisyon at hinihintay lang ang susunod na galaw ng isa't-isa. Walang pagbabala niyang tinanggal ang suot na tshirt at base sa sumunod na kilos ng kanyang mga kamay ay alam kong ang boxer briefs naman ang tinatanggal niya. Pareho pa rin kaming nakatingin lang sa mga mata.
Parang mayroong sumabog na kung ano sa pagitan naming dalawa at sinunggaban na ang isa't-isa ng umaatikabong halik. Namalayan ko na lang na nasa ibabaw na niya ako at natutusok na ako sa isang matigas na bagay na nasa ibabang parte ng kanyang katawan.
Habang hinahalikan siya sa kanyang panga ay abala naman ang kanyang kamay sa pagtatanggal sa suot kong panty. Ibinaba ko ang halik sa kanyang leeg at isinabay na rin ang paglandas ng palad sa kanyang dibdib na may mumunting balahibo.
"Fuck! Condom, Jean," daing niya nang kamuntik na niyang maipasok ang kanya.
Bahagya muna akong tumabi para bigyang daan ang pag-abot niya ng condom mula sa loob ng isang cabinet. Nang makuha ito ay agad niyang binuksan ang lalagyan nito sa pamamagitan ng kanyang ngipin. Hindi ako kumurap habang pinagmamasdan ang pagsusuot niya nito.
Ngayon ay ipinagpalit niya ang posisyon naming dalawa at siya na ang nasa ibabaw, kinukubawan ako.
"This will hurt, alright?" paos niyang paalala.
Tumango ako dahil napaghandaan ko na naman ito. Salamat na lang sa mga kuwento ni Hope. Muli niya akong siniil ng halik sa mga labi at kasabay nito ay ang unti-unti niyang pagpasok. Pinaghalong ungol at hiyaw ang pinakawalan ko dahil sa hapdi na dulot nito.
Pinatakan niya ng maraming halik at bulong ng pagmamahal ang bawat sulok ng mukha ko para maibaling ang atensiyon ko rito at pansamantalang makalimutan ang sakit. Naging epektibo naman ito dahil nang sumagad na siya ay wala ng hapdi pa akong naramdaman at tanging makamundong sensasyon na lamang. Nagawa ko nang salubungin ang bawat pagbaon niya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top