Chapter 14

Chapter 14

First

"Sigurado ka ba na magiging okay lang ang dalawang 'yon?" nag-aalala kong tanong ko kay Lake habang bumibiyahe na kami sakay ang bangka.

"Wala na silang pagpipilian. It's either they talk it out or get bored."

Sinuklay ko ang buhok at ipinusod dahil nagugulo sa lakas ng hangin.

"First time ko talagang nakita na magtalo nang gano'n 'yong dalawa. Thank God, you were there. Baka nagsuntukan na sila."

"I think they like each other. They just don't know how to express it yet," pahayag niya.

Naningkit ang mga mata ko. "Like? You mean as friends? Siyempre naman! Hindi naman tatagal ang friendship naming tatlo kung hindi namin gusto ang isa't-isa..."

Umangat ang sulok ng kanyang labi at may kakaibang kislap sa kanyang mga mata. Inangat niya ang kanyang isang kamay at idinampi ito sa ulo ko sabay gulo sa inayos kong buhok.

"Never mind, Jean. Just stay innocent, alright."

Ngayon ay naging kuryoso na talaga ako.

"What do you mean?"

Kinuha na niya ang kanyang kamay at napatanaw siya sa dagat.

"We're almost there," anunsiyo niya sabay turo.

Napatingin na rin ako rito at tama nga siya. Klaro ko na ang rock formations dahil sa lapit namin. Sa may hindi kalayuan ay natatanaw ko na rin ang napakahabang sand bar. Sa magkabilang gilid nito ay ang napakalinaw na tubig dagat.

Unti-unti ng humina ang tunog ng makina hudyat ng nalalapit na paghinto na rin ng bangka. Pinulot na ni Lake ang camera na nasa upuan kasabay ng tuluyang pagkamatay ng makina at paghinto namin.

Nauna siyang tumayo at sumunod naman ako. Kagaya na lamang ng nakagawian ay inalalayan niya ako sa pagbaba hanggang sa makaapak na ako sa tubig na hanggang ibaba ng tuhod lang.

Nag-usap muna sila ng bangkero ng maiksing sandali tungkol sa pagbalik nito upang sunduin kami. Sinabi niya na dalawang oras lang kami rito. Nang umandar na paalis ang bangka ay naglahad ng kamay si Lake sa akin na tinanggap ko. Hawak niya ang camera sa isang kamay. Pinagsiklop niya ang mga kamay namin at naglakad na kami patungo sa mahabang sand bar.

"Ang ganda no'n!" anas ko sabay turo sa isang kakaibang rock formation.

"Do a pose below it. I'll take a picture," luhog niya.

Lumapad ang ngisi ko at mas na-excite pa. Mabilis akong naglakad papunta rito at halos hilahin ko na siya.

Naging modelo ako sa mga pagkakataong ito habang kinukuhanan ni Lake ng picture. Mabuti na lang at bumagay ang damit na dinala ni Hope para sa akin. Isang off shoulder na floral crop top at manipis na mahabang skirt na tila lumulutang sa tuwing natatamaan ng hangin.

Ang dami naming kinuhang pictures. Minsan, inilalapag ni Lake ang camera sa buhangin para makakuha ng shots naming dalawa habang nasa tubig kami na tila ba naglalaro. May mga pagkakataon din na nagugulat ko siya dahil sa stolen shots na kinukuha ko habang nakatingala lang siya sa itaas dahil sa asul na ulap o kapag hindi siya nakatingin.

Nang mapagod na sa pinaggagawa ay napaupo kami sa buhangin. Nakalublob ang mga paa ko sa tubig habang nasa bandang likuran ko naman siya. Maya-maya pa ay mas inilapit niya ang sarili sa likod ko at inilublob na rin ang kanyang mga paa sa tubig. Pinagmasdan ko ang magkalapit na mga binti hanggang paa namin at nakita ang agwat nito. Ang liit ng sa akin, samantalang malaki naman ang sa kanya. Ang putla ng sa akin, samantalang katamtaman at medyo namumula naman ang sa kanya dahil sa init ng araw. Ang kinis ng sa akin, habang ang kanya naman ay medyo mabalahibo.

"What are you thinking?" bulong niya at sa linaw nito ay alam kong hindi man siya lingunin ay napakalapit ng kanyang mukha sa tenga ko.

Ngumiti ako at niyapos ang sarili habang pinagmamasdan pa rin ang mga binti namin.

"Just our differences," sabi ko. "Ang laki ng pagkakaiba natin."

"Tulad ng?"

Huminga ako ng malalim at nilingon siya.

"Sobrang prangka mo, tapos ako naman sobrang reserve. Nangangamba na baka kapag nagiging totoo na sa mga sinasabi, makakasakit na ng feelings ng iba."

"Since when have you ever lie about your feelings?"tunog nanunukso niyang tanong.

Uminit ang pisngi sa halatang ibig niyang sabihin. Bumalik ang lahat ng alaala ng mga naging pag-amin ko sa kanya. Yumuko ako at ipinagdikit ang dalawang tuhod. Gumuhit ako ng linya sa buhangin gamit ang isang daliri.

"Sayo lang naman kasi ako gano'n," sa maliit na boses ko sinabi. "Alam mo bang noon, feeling ko ang layo ng agwat natin sa isa't-isa? Naisip ko na napakaimposible siguro na maging tayo..."

"That's how I felt too."

Natigilan ako at nilinga siya. "Talaga?"

Tinitigan niya ang bawat sulok ng mukha ko gamit ang namumungay na mga mata.

"Mas matanda ako sa'yo ng ilang taon. Estudyante kita, teacher mo'ko. Marami akong naririnig na nagkakagusto sa'yo. I asked myself, 'damn how could I  compete with them'?"

"Ikaw lang naman ang gusto ko," pag-amin ko.

Ngumiti siya at naramdaman ko ang braso niyang unti-unti nang nakayapos sa akin. Naramdaman ko na rin galing likod ang init na nagmumula sa kanyang katawan.

"Ikaw lang din ang gusto ko," marahan niyang sinabi. Dahan-dahan niyang inilapit ang mga labi sa akin at sa umaapaw na emosyon ay napapikit ako. Maliban sa pinagsabay na tunog ng hangin at paghampas ng mga alon ay dinig ko rin ang tibok ng puso ko.

Naramdaman ko ang tuluyang pagdampi ng kanyang mga labi sa aking mga labi. Mainit. Malambot. Marahan. Unti-unti ko rin naramdaman ang yapos niyang humihigpit. Nangangako. Hindi bumibitiw.

It was our first kiss. And I know that it won't be our last.

Nagdiwang ako ng birthday ko sa linggo rin na iyon. Maliban sa pamilya at mga kaibigan ay siyempre naroon din si Lake. Simple lang ang naging 20th birthday celebration ko kagaya na lamang ng naging hiling ko.

"Okay na ba talaga kayo ni Jok?" tanong ko kay Hope nang magpunta kami ng campus para sa enrolment. Ang bilis ng mga araw. Third year student na kami.

"We're good. Hindi ka ba naniniwala? Nagpansinan naman kami no'ng birthday mo, ah."

Pansamantala muna akong huminto sa pag-fill out ng enrolment form upang masulyapan siya.

"I don't know. Parang may kakaiba lang sa inyong dalawa."

"Babe, napa-praning ka lang yata!" irap niya at ibinalik na ang takip ng kanyang ballpen. Ngayon ay hinarap na niya ako. "So, I'm still curious... Sa'n kayo ni Sir for your first monthsary?"

"Secret!" ngisi ko at nagpatuloy na sa pagfi-fill out.

"Ang daya! Hindi ka rin nagkuwento sa akin tungkol sa first kiss mo, ha!"

Mahina akong natawa sa pagtatampo niya. Pinili kong huwag ibahagi sa kanya ang first kiss namin ni Lake dahil pakiramdam ko, espesyal iyon at gusto ko na munang sulohin ang alaala na 'yon.

Ang totoo niyan ay i-ce-celebrate namin ang first ever monthsary namin ni Lake kasama ang parents niya. Dahil graduation day niya rin ang araw na iyon, mag-di-dinner kami kasama ng kanyang mga magulang. Siyempre noong sabihin niya sa akin ang plano niya ay kinabahan kaagad ako. First time kung makikilala ang parents niya. Paano na lang kung hindi nila ako magustuhan?

Kaya naman noong dumating ang araw na iyon ay pinaghalong emosyon ang naramdaman ko. Lubos na kasiyahan dahil tapos na siya sa law school. Naroon ako buong program dahil wala pa naman kaming pasok. Sobrang proud ako sa kanya. Doon din kami unang nagkita at nagkakilala ng kanyang mga magulang. Parehong nakasuot ng corporate attire ang daddy at mommy niya. Sa tingin ko ay kagagaling lang ng mga ito sa trabaho.

Noong una ay sobrang awkward dahil magkatabi kami ng upuan na ni-reserve ni Lake para sa amin. Ako pa mismo ang nagpakilala sa sarili dahil nahuli sila ng dating at umakyat na ng stage si Lake.

Sobrang intimadating at sophisticated tingnan ng mommy niya na isang beses lang yata akong nginitian at itinuon na ang pansin sa stage. Ang daddy niya naman ay nakipagkamayan lang sa akin at hindi na rin nagsalita pa.

Nang makababa at makabalik na ng upuan si Lake ay doon pa lang ako nakahinga nang maluwag. Ipinakilala niya ulit ako sa kanila at pagkatapos ay nag-usap na sila tungkol sa event.

"What's this?" tanong ni Lake matapos kong maiabot ang paperbag na naglalaman ng regalo ko para sa kanya. Nasa loob na kami ng kanyang sasakyan na naka-park pa sa parking lot ng venue. Nauna ng nagtungo sa restaurant ang kanyang mga magulang sakay ng kotse nila.

"Open it!"

Nakangisi niyang maingat na binuksan ito. Una niyang kinuha ang case mula sa loob at binuksan ang takip.

"Wow. Spectacles," anas niya at binasa ang pangalan ng brand na nasa gilid. " This is a famous brand. Mahal 'to, ah. 'Di ka dapat nag-abala pa."

"Papa helped me out. Expert siya riyan. Anti-rad din 'yan kaya hindi sasakit ang mata mo habang nagre-review ka for the bar exam."

Isinuot niya ito para ipakita sa akin. Kulay gold ito na pabilog ang desenyo ng lenses.

"Bagay ba?" mapaglaro niyang tanong.

"Yep! You look like the modern day Superman."

Mahina siyang natawa at tinanggal na ito. Muli niyang ipinasok sa lalagyan. May dinukot siya mula sa bulsa kanyang suot na pants, isang manipis na chain silver bracelet.

"I'm not sure if you're gonna like it," pasintabi niya pa sabay nahihiyang abot nito sa akin.

"I love it!" awtomatikong sambit ko at excited na tinanggap ito. Isinuot ko ito kaagad at matagal na pinagmasdan. "Medyo maluwag pero bagay naman."

"Let me have it back. Ipapa-resize ko," sabi niya sabay abot sa palapulsuhan ko. May balak pa yatang bawiin ang regalo.

"Hindi na! Hindi na! Uso na 'to ngayon. You know, 'yong medyo loose," palusot ko at iniwas ang kamay sa kanya.

Natahamik siya. Maingat akong nag-angat ng tingin sa kanya at napuna ang bahagyang pag-alog ng kanyang balikat. Para bang nagpipigil magpakawala ng tawa.

Kinagat niya ang kanyang ibabang labi at may pamumungay na rin sa kanyang mga mata.

"That's actually for your ankle, Jean," sabi niya.

Walang pagdadalawang isip ko siyang hinampas sa balikat. Napuno ng halakhak niya ang loob ng kotse.

"Ang sama mo! Nakakahiya," daing ko sabay takip ng mukha gamit ang dalawang palad.

Marahan niyang hinawakan ang mukha ko at hinagkan ako sa noo.

"Sorry na..." aniya pero mapagbiro pa rin ang tono ng kanyang boses. "Come on. Let me put it around your ankle."

Ibinaba ko na ang dalawang palad ko. Siya na mismo ang nagtanggal ng anklet mula sa palapulsuhan ko.

Yumuko siya upang maabot ang kaliwang paa ko. Madali niya namang nagawa ito dahil sa suot kong heels. Hinawi niya ang dulo ng white lace dress na suot ko upang mahawakan nang maayos ang paa ko. Marahan niyang ikinabit ang anklet at inayos ito. Simple lang ito ngunit dahil sa nakasabit na tatlong butterflies ay naging elegante tingnan.

"Ang ganda..." bulong ko.

"Now, ready to have dinner with my parents?" Umayos na siya ng upo at hinawakan ang manebela ng sasakyan.

Nanumbalik na naman ang kaba sa dibdib ko. Pinilit kong ngumiti ngunit naning ngiwi siguro ito.

"I think so..."

"If it's any consolation to you, you should know by now that my relationship with my parents isn't that good," pagbibiro niya pa. "Plus you've already met them."

Nasapo ko ang noo. "Mas kinabahan lang tuloy ako. Alam mo bang triple pa ang coldness nila kumpara sa'yo! Ni hindi ko mabasa kanina if... if gusto nila ako para sa'yo..."

Mas lalo lang yata siyang naaliw sa pagiging kabado ko dahil mahina siyang natawa. Kinuha niya ang isa kong kamay sabay pisil nito.

"Hindi naman kailangan na gustuhin ka talaga ng parents ko. Me, liking you is enough."

Huminga ako ng malalim at tinanguan na siya. Naging kampante na ako dahil naniniwala naman ako sa senseridad sa sinabi niya.

Sampong minuto lang ang ibiyenahe namin dahil nasa malapit na restaurant lang naman ang reservation ng mga magulang niya. Pinagbuksan ako ng pinto ng sasakyan ni Lake at ibinigay niya sa valet ang susi nito.

Magkahawak-kamay kaming pumasok na sa loob ng isang five star restaurant. Iginiya kami ng isa sa mga staff ng restaurant sa reservation table kung saan naghihintay ang parents ni Lake.

Humigpit ang pagkakahawak ko sa kamay niya nang maglakad na kami patungo rito. Nang makahinto na sa kanilang mesa ay hindi nakalagpas sa akin ang pagpasada ng tingin ng mommy niya sa akin mula ulo hanggang paa. Para bang ngayon niya lang ako unang nakita eh, nagkita na naman kami kanina.

"Take your seat, Son," alok ng mommy niya at saka bumaling ulit sa akin, "and... Jenny."

"Jean po," awtomatikong pagtatama ko.

"Hmm," tanging nasabi niya at nagtaas ng isang kilay.

Naalala ko tuloy sa kanya si Mommy. Ganito rin kaya ang pakiramdam ni Lake noong una silang nagkita ng nanay ko?

Hinila ni Lake ang upuan para sa akin at iminuwestra ito para maupo ako. Pinasalamatan ko siya at naupo na pagkatapos ay naupo na rin siya.

Nag-order na kami ng pagkain. Pasta lang ang in-order ko at baka hindi pa ako matunawan dahil sa tensiyon na nararamdaman. Parehong steak naman ang ni-order nilang tatlo.

"Have you started reserving for a review course?" ang Mommy niya.

"Hindi pa naman. I'm thinking of just self-studying."

"You should reconsider that idea of yours. It's better to attend a review class just to be prepared."

Tumikhim ang daddy niya. "If you're thinking about the finance of it, don't worry, we'll take care—"

"I can handle it on my own," pakli ni Lake sa kontroladong boses.

"How? You don't even have a job," sabad naman ng kanyang ina. "Lower your pride a bit. Your Dad and I will help you out."

Napayuko ako at itinutok na lamang ang tingin sa pastang hindi ko pa nagagalaw. Iniwasan ko ang pumikit habang naiisip ang maaaring maging kahihinatnan ng usapan.

"I can call Attorney Octavio. Maybe he can make you a reservation in advance," dagdag pa ng ama niya bago sumubo sa kanyang steak.

"Of course you'll help me out. It's the career that you always wanted for me."

Napaangat ako ng tingin kay Lake dahil sa mapait na tono ng pananalita niya. Nagkatitigan sila ng kanyang ama na para bang nagsusukatan sila kung sino ang unang aatras sa kung anumang debate. Sa bigat ng tensiyon sa pagitan ng mag-ama ay halos mahawakan ko na ang hibla nito .

"You don't like your pasta, hija?"

Napakurap ako dahil sa biglaang pagsasalita ng kanyang ina. Binalingan ko siya ng tingin. Nakangiti man ang labi ay hindi naman nito abot ang kanyang mga mata. Ngayon alam ko na kung kanino nagmana ang mga mata ni Lake.

"I-I... I like it po," sabi ko at halos patarantang pinulot ang tinidor at pinagtuonan na ng pansin ang pasta.

Ramdam ko pa rin ang pagmamasid ng kanyang ina sa akin kahit na hindi ko naman siya tinitingnan. Mabilis akong sumubo para makita niya na kumakain ako.

"Thank you for the dinner. Mauna na kami ni Jean," biglang anunsiyo ni Lake.

Napatingin ako sa hitsura niya at pagkatapos ay sa kanyang pinggan. Ni hindi man lang nagalaw ang kanyang steak at buong-buo pa ito. Tumayo na siya kaya napatayo na rin ako.

"Even with your girlfriend's presence, you're still rude to us," apila ng nanay niya na ngayon ay matalim na ang tingin.

"She already knows that. And she already knows the kind of family I have."

Ang matalim na tingin ng kanyang ina ay nalipat sa akin.

"Well, good luck with him, Jenny!" malamig niyang pasaring.

"Jean po," pagtatama ko naman. Nang mabilis na sulyapan ang asawa nito ay nakita kong wala itong pakialam at abala sa kinakaing steak.

Kinuha ni Lake ang kamay ko kaya nagpatianod na ako. Iniwan naming pareho ang mga magulang niya. Dere-deretso ang ginawa naming paglabas ng restaurant hanggang sa dumating ang kanyang kotse na ipinaubaya niya sa valet kanina.

Pumasok kami sa loob at walang pasabi niya itong pinaharurot paalis. Habang nasa daan ay hindi ako umimik at hinayaan na muna siyang mapag-isa sa iniisip. Hindi ko na nga alam kung nasaan na kami.

Nang siguro ay mahimasmasan na ay unti-unti ng bumagal ang kanyang pagpapatakbo. Huminto kami sa isang hindi mataong lugar at medyo madilim na kalsada.

Ilang sandali pa kaming natahimik lang. Hindi ako naglakas-loob na magsalita at hinintay lang siya.

"Gutom ka ba?" unang tanong na lumabas sa bibig niya.

Tatanggi na sana ako kaya lang naunahan ako ng malakas na pagtunog ng sariling tiyan. Kumakalam na pala ang sikmura ko.

Sa kabila ng napagdaanan kanina ay nakuha niya pa rin ang ngumiti.

"I'm sorry. Let's look for food." Binuksan niya ang bintana sa banda niya at tinanaw ang labas. Ganoon na rin ang ginawa ko.

Sa isang kanto ay may nakita akong maliit na barbeque stand. May dalawang maliliit na mesang nakapalibot dito.

"Barbeque?" magkasabay pa naming pagkakasabi. Pareho kaming natawa.

"Okay lang sa'yo?"

"Oo naman! Mukha namang masarap dahil sa amoy," sagot ko.

Lumabas na kami ng sasakyan at hindi ko na hinintay pa na pagbuksan niya. Tinungo na namin ang barbeque stand. Isang ale ang abalang nagpapaypay sa mga inihaw niyang manok at pati na rin laman loob nito. Mas kumalam lang ang sikmura ko dahil sa masarap na amoy nito.

"Are you sure? They've got wings and meat," paninigurado ni Lake nang marinig ang gusto kong order na limang paa ng manok.

"Looks delicious!" sabi ko habang malagkit na tinititigan ang paa ng manok na nilalagyan ng sauce.

Tinungo namin ang isang mesa sa gilid at naupo kami sa dalawang plastik na silya. Tanging ilaw lang na nanggagaling sa poste ang nagsisilbing liwanag. Mabuti nga at nakadagdag din dito ang malaking buwan.

"Kumakain ka pala sa mga ganitong lugar?" tanong ko kay Lake.

"Oo naman. Kahit noong nag-aaral pa ako sa university. Ikaw?"

"Well,  this is actually my first time," pag-amin ko.

"Masyado ba kitang ginutom?"

Gusto ko sanang matawa pero naalala ko ang nagyari kanina kaya pinigilan ko.

"Pasensiya ka na kanina," aniya na tila ba nabasa ang iniisip ko.

"Very ironic nga eh," sabi ko. "Nag-aalala ako nang sobra sa first impression nila sa'kin. Pero napansin kong mukhang wala naman silang interes sa akin." Dinagdagan ko ito ng pagtawa sa dulo upang gumaan ang usapan.

"I'm sorry. Sana hindi ko na lang sinubukan pa ang dinner na 'yon..." bumuntonghininga siya at malungkot akong nginitian. "Gusto ko lang talaga na ipakilala ka sa kanila."

Hinaplos ko ang kamay niyang nakapatong sa mesa. "I was glad though. At least nakilala ko sila. At gusto kong malaman mo na naiintindihan kita." Napaisip ulit ako sa sitwasyon naming dalawa ni Mommy.

"Pangako iti-treat kita ulit sa restaurant," nakangiting pangangako niya.

Dumaan ang buwan at balik eskuwela na naman. Naging abala na rin si Lake sa review niya. Tulad nga ng sinabi niya, hindi na siya nag-enrol pa sa isang pre-bar review course. Nagself-review lang siya. Sa mga sumunod na buwan ay palagi siyang tambay sa library o hindi kaya ay sa study room niya sa apartment.

Pinupuntahan ko siya pagkauwi ko galing eskuwela. Minsan ay tinutulungan ko pa siyang mag-review sa pamamagitan ng pagbabato sa kanya ng mga tanong, pero siyempre may kodigo ako.

Parati na rin kaming tumatambay sa kanyang kuwarto. Minsan nga dahil sa pagiging busy niya ay ipinagluluto ko siya ng pagkain. May kapalit naman ito dahil tinutugtugan niya ako ng piano.

Lumipas ang mga araw at nag-take na nga siya ng bar exam. Isang buong buwan ng Nobyembre ito at nangyayari kada Linggo. May exam siya sa umaga, at ibang bar subjects naman sa hapon. Ang sabi niya sa akin ay baka hindi raw siya pumasa dahil sa sobrang hirap nito. Lalong-lalo na sa essay part. Sinabihan ko naman siya na maging positibo.

Habang hinihintay ang resulta ay nagtatrabaho rin siya  bilang isa sa mga legal researcher sa law firm ng tatay ng kanyang kaibigan. Inayawan niya rin kasi ang alok ng daddy niya. Sa lahat ng mga desisyon niya ay sinuportahan ko siya. Kahit na minsan ay nag-aalala na ako sa magiging kahihinatnan nito.

Mahigit limang buwan din ang hinintay namin para sa resulta ng bar exam. Katatapos lang ng huli kong klase sa hapon at aligaga akong umuwi para magpunta ng apartment. Ang balita kasi ay ala sais ng gabi ire-release ng Supreme Court ang resulta online. Gusto ni Lake na nasa tabi niya ako.

Naintindihan naman ito ni Kuya Benj kaya medyo binilisan niya ang pagpapatakbo ng sasakyan. Nang makahinto na sa tapat ng apartment ni Lake ay kaagad akong lumabas mula sa kotse. Kumaripas ako ng takbo papasok ng gate at sa loob ng apartment. Dumeretso ako paakyat sa kanyang kuwarto.

Pagbukas ko pa lang ng pinto ay tumambad na sa akin si Lake na nakaupo sa gilid ng kanyang kama. Sapo niya ang kanyang ulo habang nakayuko. Mabilis na dumapo ang tingin ko sa nakabukas niyang laptop sa gilid.

"M-May result na?" tanong ko sabay lapit sa kanya. "Lake?"

"I didn't make it," walang kabuhay-buhay niyang sinabi. Dahan-dahan siyang nag-angat ng mukha at halos nanlumo ako sa lugmok na nakita ko rito. "Bagsak ako, Jean."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top