Chapter 12

Chapter 12

Sagot

Tumigil ang buong mundo ko sa naging rebelasyon niya. Ni wala akong salita na maaaring magamit para itugon sa kanyang sinabi dahil sa pagiging gulantang. Nakatanga lang ako habang nakatingin sa mga mata niyang napakaseryoso.

Sinubukan kong pumikit at dumilat muli upang makasigurado na hindi ito isa sa mga imahinasyon ko tungkol sa kanya.

"L-Liligawan mo... Liligawan mo ako?" sa wakas ay nasambit ko.

Isang beses siyang tumango sabay na mukhang kabado pang pinalandas ang dila sa ibabang labi.

"Pwede ba?"

"Oo! Sinasagot na kita!" masiglang anas ko.

Nagtagpo ang kanyang kilay at nakita ko ang pagdaan ng hindi pagsang-ayon sa kanyang hitsura.

"You can't do that. You should think about it really hard first," mataman niyang pangangaral.

Napakagat ako sa ibabang labi habang tinititigan siyang seryoso namang nakatingin sa akin. Kinubawan ako ng kahihiyan dahil sa inastang karupukan.

"Okay. Sige," pagsang-ayon ko na lang kahit na sa loob ay alam ko naman talaga ang sagot.

"Did you leave school early just to come here?" kritikal niyang usisa sabay sulyap sa bag na dala ko.

"Oo. Nag-aalala lang kasi ako na..."

Hindi ko na itinuloy pa ang sasabihin at sa tingin ko naman ay nakuha niya kaagad ang ipinupunto ko dahil tumango rin siya.

Wala sa sarili akong napatanaw sa pintuan ng kanyang bahay. Sinundan niya rin ang tingin ko at saka muli akong binalingan. Humugot siya ng malalim na hininga.

"Do you want to come in?"

Umusbong ang pinaghalong sigla at kaba sa loob ko.

"P-Pwede ba? Wala naman si Nanay Celia."

Kumunot ang kanyang noo at sa naninigkit na mata niya ako tinititigan.

"I just want to offer you some snacks."

Sa hindi maipaliwanag na bagay ay biglang uminit ang pisngi ko. Mariin niya akong ginawaran ng tingin.

"What are you thinking?"

"Gusto ko," lumunok muna ako bago nagpatuloy at malamyang nagpatuloy, "... ng snacks."

Iminuwestra niya ang bahay kaya nagsimula na akong maglakad. Isinara niya muna ang gate at pagkatapos ay sumunod naman sa akin.

Dumeretso kami sa loob ng kanyang kusina. Ipinaghanda niya nga ako ng meryenda. Namamangha ako habang pinagmamasdan siyang gumagawa ng sandwich. Nilagyan niya ito ng mayonnaise, tomatoes, at lettuce at pagkatapos ay inabutan din nya ako ng isang baso ng pineapple juice.

Hindi matanggal ang ngiti ko habang sumisimsim sa baso at pabalik-balik na pagsulyap sa kanya. Nakaupo lang siya sa tapat ko.

"Ang galing mo naman," pagpuri ko.

"It's just a sandwhich," kibit-balikat niya sabay kuha sa sarili niyang baso at sumimsim na rin dito.

"Sa tingin ko magaling ka talaga sa lahat... Lake," nahihiyang pagsubok ko sa pagbanggit ng kanyang pangalan sa kauna-unahang pagkakataon.

Nasamid siya sa iniinom at wala sa oras na napaubo. Mas uminit lang ang pisngi ko nang maghinalang ang pagbanggit ko ng kanyang pangalan ang posibleng dahilan nito.

Umayos na siya at inilapag ang baso na naubos niya pa talaga ang laman. Uhaw na uhaw lang?

Nagbaba ako ng tingin sa sandwhich na nasa plato. Upang maiwasan ang pagiging awkward ng sitwasyon ay kinuha ko ito at kinagatan na hindi man lamang siya  ginagawaran ng tingin.

"You... You called me by my first name," sabi niya sa mahinang boses nang makabawi.

Nginuya ko muna ang sandwhich at marahang nilunok. Nag-angat ako ng maingat na tingin sa kanya.

"Hindi pa rin ba p-pwede?" mayroong pag-aalinlangan sa boses ko.

Pinagmasdan muna niya ako ng ilang segundo bago niya inilipat ang tingin sa baso ng juice.

"It's... fine. Nanibago lang ako."

"Ang weird naman kasi kung tatawagin pa kitang 'Sir' eh," nag-ipit ako ng tikwas na buhok sa likod ng tainga, "manliligaw na naman kita," dugtong ko sa mahinang boses.

Puna ko ang paggalaw ng kanyang adam's apple marahil na siguro sa mabigat na paglunok. Dahil sa pagiging tahimik niya ay binalot kami ng namumuong nakaaasiwang tensiyon.

"Hindi ka na ba talaga magtuturo sa university?" tanong ko bago sumimsim sa baso ng juice. Nagbabakasali na maibalik sa normal ang daloy ng usapan.

"Yes. My resignation earlier was effective immediately so I won't ever be teaching there anymore. And besides, it's already the end of semester so..."

Nginitian ko siya at sinuklian niya naman ito. Nagkatitigan muna kami ng ilang segundo at sa hindi maipaliwanag na kadahilanan ay sabay kaming mahinang natawa.

"Masyado ba tayong...awkward?" nakangisi na niyang tanong. May tawa pa rin sa likod ng kanyang boses.

"Oo. Sobra!" hagikgik ko. Naiiling naman siya habang nakaangat pa ang sulok ng kanyang labi. Namutawi rin ang tawa sa kanyang mga mata.

"I'm sorry. I promise I'll try better next time," pahayag niya sa mapaglarong tono.

"Me too," nakangiti ko namang dagdag.

Huminga siya nang malalim sabay sulyap sa bandang bintana ng kusina.

"Baka gabihin ka na pauwi."

Lihim akong napangiti dahil sa pag-aalala na naman niya.

"Okay lang. Ihahatid mo naman ako 'di ba?"

May dumaang pormal na emosyon sa mga mata niya at bigla na lamang siyang naupo nang deretso.

"Nasa bahay na ba ang parents mo?"

Wala sa sarili akong napalingon sa likuran na para bang makikita ko naman ang mansiyon.

"Hindi ako sigurado. Wala naman yata silang dinner date ni Papa ngayon kaya baka nasa mansiyon na sila..."

"Ah," tango niya at pagkatapos ay tumayo na. "Just let me change, first."

Kumunot ang noo ko habang pinagmamasdan ang suot niyang kulay itim na tshirt at itim na cotton shorts.

"Bakit? Okay na naman 'yang suot mo, ah."

Dahil sa sinabi ko ay nagbaba siya ng tingin sa sariling katawan.

"It's not decent to look at."

Mas naguluhan lang ako sa sinabi niya. Napuna niya marahil ito nang tingnan ako kaya humugot siya ng malalim na hininga.

"Gusto kong magbigay ng magandang first impression sa parents mo," paliwanag niya, "in case you know, makasalubong ko sila."

Uminit ang puso ko dahil sa naging rason niya. Ginawaran ko siya ng senserong ngiti at tinanguan. Nagpaalam siya sa akin at mabilis na umakyat sa second floor kung nasaan ang kuwarto niya, samantalang naupo na muna ako sa may sofa ng kanyang sala habang hinihintay siya.

Nag-text na rin ako kay Manang at nagtanong kung nasa mansiyon na ba sina Mommy. Nag-reply naman siya kaagad at sinabing kaaalis lang daw ng mga magulang ko para sa isang business dinner kasama ng bagong investor.

Hindi naglaon ay bumaba na rin si Lake. Pinasadahan ko ng tingin ang suot niyang kulay dark blue na polo shirt na tenernohan niya naman ng dark denim jeans. Ang bango niyang tingnan.

"Let's go?" untag niya.

Kinuha ko ang bag na inilapag ko lang sa ibabaw ng center table kanina. Mas nauna akong lumabas ng pinto at sumunod naman siya matapos itong isara.

"Ano na ang plano mo ngayon? Since hindi ka na magtuturo sa university..." kuryoso kong tanong nang nasa labas na kami at kasalukuyang naglalakad patungo sa mansiyon.

Ngumiwi siya at inilagay ang kanyang isang kamay sa bulsa ng suot na jeans.

"I don't know. Honestly, wala pa akong kongkretong plano."

Batid kong pareho naming pasadyang binagalan ang paglalakad sa gilid ng kalsada. Siguro para na rin mapahaba pa ang usapan.

"Eh 'di mag-fo-focus ka na lang sa law school kasi ga-graduate ka na naman this year?"

"Yeah. Maybe."

"I'm sure you'll do well!" masigla kong sinabi.

Ngumisi siya. Umusbong naman ang kasiyahan ko dahil napapansin na talaga ang kaibahan ng pakikitungo niya sa akin ngayon.

Naputol na rin ang usapan namin dahil nakarating na kami sa harap ng gate ng mansiyon. Tiningala niya ito na para bang may hinahanap siya sa loob.

"Gusto mo bang....pumasok?" pag-iimbita ko sabay muwestra sa pinto ng gate. May ideya na naman ako sa magiging sagot niya dahil ipinaalam ko na sa kanya kanina na wala sa mansiyon ang mga magulang ko.

Pinutol niya ang tingin sa mansiyon upang matingnan ako sa mga mata.

"Maybe next time. Your parents are not around."

"Mas maigi ba kapag nandiyan sila?"inosente kong tanong.

Umangat ang sulok ng kanyang labi at tahimik lang akong pinagmamasdan na parang may nakikita siyang ikinatutuwa niya.

"Sorry. First time ko kasing...uh tumanggap ng manliligaw kaya... hindi ko alam kung papaano 'to," nahihiya kong pag-amin.

"Alam ko. And I feel damn lucky," panunukso niya. Muli siyang sumeryoso at banayad na akong pinagmamasdan, " that's also why I want to do it the right way."

Napaisip muna ako sa ibig niyang sabihin bago sumagot. Maski hindi pa rin nakukuha ang ipinupunto niya ay tumango pa rin ako.

"Okay. I trust you," sabi ko. Nang may naalalang banggitin ay nagsalita ulit ako. "Hindi mo ba kukunin ang number ko?"

"Meron na ako."

"Huh? Talaga? Kailan pa?"

"That very first time you sent me a letter," nakangiti niyang tugon. "Tiningnan ko 'yong number mo sa students' contact list. I saved it."

"Totoo?!" hindi makapaniwalang sambit ko. "Bakit hindi mo ako ni-text kung gano'n?"

"I thought it was inappropriate. Ano naman ang sasabihin ko?"

"Sagot sa quizzes mo?" pagbibiro ko sabay tawa. Nanatili namang seryoso ang hitsura niya na para bang iniisip pa kung seryoso iyong sinabi ko.

"Biro lang 'yon!" pagkaklaro ko. Sa tagal ng pagkakakilala ko sa kanya alam kong medyo seryoso talaga siya sa ibang bagay.

"Alam ko," buntonghininga niya at tiningnan na ang gate. "Pumasok ka na sa loob."

"Okay po.... Sir," panunudyo ko sabay bukas ng pinto ng gate.

Nang makaalis na si Lake ay para naman akong nakalutang sa alapaap habang nasa harap ng hapag kainan at naghahapunan. Lahat na lang ng nalalasahan kong pagkain ay matamis sa panlasa ko. Maski paksiw ay naging matamis na dahil sa sobrang saya na nararamdaman ko.

Excited akong umakyat ng kuwarto matapos kumain. Nagdalawang-isip pa ako kung sino ang unang tatawagan upang ibahagi ang nangyayari sa akin na maski ako ay hindi pa rin makapaniwala. Sa huli ay napagpasyahan ko na lang na tawagan na muna si Lolo dahil alam ko namang makikita ko ng personal si Hope kinabukasan.

"Lo, nililigawan na po ako ng crush ko!" halos patili kong intrada sa kanya.

"Aba'y maganda iyan. Mabuti at natauhan. Kailan mo naman balak sagutin?"

Umusog ako sa headboard ng kama. Narinig ko naman ang ingay ng tilaok ng manok sa linya niya.

"Siyempre po kagaya na lang ng payo niyo, dalagang pilipina ako kaya magpapakipot po muna ng kaonti."

May sinabi siya sa linya na hindi ko narinig nang mabuti dahil sa pag-iingay ng mga manok.

"Nasaan ba kayo, Lo?"

Itinutok niya ang camera ng kanyang cellphone sa lokasyon niya. Napansin ko kaagad na mukhang nasa poultry house na naman siya.

"Tumutulong ako sa pangunguha ng mga itlog," sagot niya at muli nang iniharap ang camera sa mukha. "Papadalhan kita riyan bukas na bukas."

"Sige po."

"Sinagot mo na ba?" pagpapatuloy niya sa naudlot na usapan.

"Hindi pa po. Baka bukas po, Lo," bungisngis ko.

" 'Yan na ang pakipot mo? Ang rupok mo naman, apo," komento niya na tinawanan ko lang.

Nagpatuloy ang magaan naming usapan na nauwi na naman sa pangangako niyang pagbisita ulit sa mansiyon.

Mas mahaba ang naging usapan namin ni Hope kinabukasan. Ang sabi niya sa akin ay hindi na raw siya nagulat pa sa nangyari dahil noon pa man ay nararamdaman na niyang may interes talaga si Sir Mendez sa akin. Mahaba rin naman ang oras namin na makipagtsismisan sa isa't-isa dahil wala na rin naman kaming pasok pa kundi pagpapasa lang ng mga nabinbin na requirements. Tinulungan ko na rin siya sa kanya dahil wala naman akong ibang ginagawa.

Lumipas ang ilang araw na masasabi kong pinakamasasayang araw ko. Sumapit ang Sabado at bumisita na naman ako sa apartment ni Lake. Pinanood ko si Nanay Celia sa kusina na magluto ng paboritong ulam nitong ginataang manok. Balak ko rin na magpaturo sa kanya bukas.

"Tawagin ko po muna si Lake para sa tanghalian, Nay," pagpapaalam ko na ikinagitla naman ng matanda dahilan upang matigil ito sa paglalagay ng mga plato sa mesa.

Ang buong akala ko ay magtitipa siya sa kanyang cellphone ng isang tanong ngunit nagkamali ako. Ngumiti lang siya na parang batid na niya ang nangyayari at kinuha ko itong hudyat upang umalis na ng kusina para puntahan si Lake.

Umakyat ako sa ikalawang palapag ng bahay at huminto na sa tapat ng kuwarto ni Lake. Ang pagpapaalam niya kanina ay may aasikasuhin lang daw siyang email sa kanyang laptop na nasa loob ng kuwarto. Kinatok ko ang pinto nito at ilang sandali pa ay pinagbuksan niya rin ako.

"Lunch na!" bungad ko sabay pasimpleng pagsilip sa loob nito.

Tumango siya at lumabas. Isinabay na niya rito ang pagsara ng pinto ng kanyang silid.

Bago tumalikod at sumabay sa kanya sa paglalakad ay napasulyap muli ako sa pinto ng kanyang kuwarto.

"What is it?" untag niya.

Ngumuso ako sabay turo rito.

"Kailan kaya ako makakapasok sa kuwarto mo?"

"Bakit mo naman gustong pumasok diyan?"

"To be able to know you better," sabi ko. "Iyan kasi ang sinabi ni Hope. Kung gusto ko raw kilalanin nang husto ang isang tao, dapat tingnan ko lang ang hitsura ng kuwarto niya. Alam mo na... bago kita sagutin."

"Fine. Tomorrow," pagsuko niya at nagpatuloy nang muli sa paghakbang papuntang hagdanan.

Sumunod kaagad ako.

"Bakit bukas pa? Pwede naman ngayong araw!"

"Lilinisin ko pa," sagot niya na hindi man lang ako nililingon sa likuran niya. Pababa na kami ng hagdan.

"Malinis na naman, ah! Nakita ko nang kaonti." Huminto ako sa paglalakad nang nasa panghuling hakbang na. "Ah. Gets ko na. Kailangan mo pang itago ang mga secret paraphernalia mo!"

Nahinto na rin siya sa paglalakad at dahan-dahan kong nilingon. Nagtagpo ang kanyang kilay habang mariin akong tinititigan sa mukha.

"Secret paraphernalia?"

Nagkibit ako ng balikat. "Alam mo na... men's stuffs."

"What exactly did you mean by that?"

"S-Sex uh toys?"

Mahina siyang nagmura at bahagyang tumalim ang tingin sa kung saan.

"Kay Miss Calope mo na naman ba natutunan 'yan?"

"Kay Hope? Hindi, ah! Magiging third year student na ako kaya siyempre may alam na talaga ako sa mga ganyang bagay kahit hindi pa ako nagka-boyfriend."

Malutong na naman siyang nagmura.

"I don't have that kind of toys in my room, Jean."

"Ah." Nagpatuloy na kami sa paglalakad patungong kusina.

"May dinala ka na bang babae sa kuwarto mo?"

"Wala. I don't even bring visitors in this house. Except you, of course," agaran niyang dagdag.

Nanlabi ako at naupo na sa harap ng hapagkainan. Nakita kong nakaupo na rin si Nanay Celia sa tapat. Sumunod naman sa pag-upo si Lake sa kabilang silya na nasa tabi ko.

"Kung ganoon hindi rin pala ako pwede sa kuwarto mo," pagpapatuloy ko at binahiran pa ng pagtatampo at panghihinayang ang tono ng boses.

"Bukas," agap niya at saka bumuntonghininga. "I'll...show you around."

Nagngiting aso na ako buong tanghalian.

Pagkatapos kumain ng tanghalian ay nagpresinta ako na siyang maghuhugas ng mga pinggan. Tinulungan naman ako ni Lake kaya mabilis din naming natapos ang gawain. Ako ang taga banlaw samantalang siya naman ang taga sabon.

"Sanay ka sa gawaing bahay, ah," komento niya habang pareho na kaming nagpupunas ng kamay.

"Siyempre naman! Tumutulong din kaya ako kina Manang sa mansiyon. Lalo na kapag nasa probinsiya ako kasama si Lolo."

"Sigurado ka na bang hindi ka pupunta sa probinsiya ngayong bakasyon?"

"I don't know. Ayaw ko lang naman kasi na magkaroon na naman ng tensiyon sa pagitan ni Mommy at Lolo. Ganoon din ang opinyon ni Lolo noong tanungin ko siya," malungkot kong sinabi.

"I'm sorry."

Pilit ko siyang nginitian. "Don't be. It is what it is. Nasanay na rin ako na palaging nag-a-adjust sa mga bagay-bagay."

"Parang ako lang pala," mapait ang tono ng pagkakasabi niya nito. "Whenever I'm around my parents, it's like I'm walking on eggshells."

"But I think, you are able to be free from all of it. Kita mo ngayon, nagiging independent ka na."

"Hindi rin naman naging madali. Maski hanggang ngayon, may gap pa rin kami."

"Pangarap mo ba talaga ang maging isang abogado?"

"I'll show you something," naging tugon niya imbes na sagutin ang tanong ko.

Nagsimula siyang maglakad palabas ng kusina at nagpatianod naman ako. Nagtungo kami sa may sala at umakyat ng hagdanan patungong ikalawang palapag.

"Akala ko ba bukas mo pa ipapakita sa'kin ang kuwarto mo?" nagtataka kong tanong habang nakasunod sa likuran niya.

"Bukas nga. I'll show you a different room this time."

Naningkit lang ang mga mata ko sa kalituhan. Nasagot naman ang tanong na hindi ko muling naisatinig nang huminto kami sa tapat ng kuwarto kung saan una kong pinagtatakhan noon dahil sa kulay pula nitong pinto.

Hinawakan niya ang doorknob nito at marahang iniikot sabay tingin sa akin.

"This is the first time I'll be showing this to anyone else. Are you ready?"

Lumunok ako at bigla na lamang sumagi sa isipan ko ang palabas noon na pinanood namin ni Hope. Naglakas-loob akong tumango.

Unti-unti niya itong binuksan. Ngunit iba ang tumambad sa paningin ko kumpara sa iniisip kanina. Isang maaliwalas na silid na tanging isang malaking piano lang na nasa gitna nito ang nasa loob.

"Pangarap mo ang maging isang pianist?" singhap ko.

Ngumiti siya at humakbang na papasok ng silid. Awang ang labi naman akong nakasunod sa kanya.

Huminto siya sa harap ng piano. Napuna ko rin ang kulay itim na stool sa harap nito. Tahimik niyang ipinalandas ang mga daliri sa keyboard nito. Hinayaan ko muna siyang gawin iyon sa loob ng ilang minuto.

"Can... Can you play for me?" tanong ko sa mahinang boses. Para bang takot na maistorbo siya sa kung anumang iniisip niya.

Ang buong akala ko ay tatanggihan niya ako pero marahan lamang siyang tumango at walang kibo na naupo sa stool. Dumistansiya ako nang kaonti sa gilid niya.

Bago magsimula ay sinulyapan niya muna ako. May nakita akong kakaibang emosyon na dumaan sa mga mata niya bago ito napalitan ng panatag na ngiti.

"I haven't played in a while. Maybe this will be the first time... After ten years."

Nagkatitigan lang kami. Ang mga mata ko ay puno ng pang-unawa habang ang sa kanya naman ay puno ng pagpapaubaya. Sa huli ay tumango siya at tuluyan nang humarap dito. Sinimulan na niya ang marahang pagtugtog. Kakaibang emosyon naman ang naramdaman ko habang nakikinig sa lambing ng itinutugtog niya. Nakita ko ang kakaiba at nasisiguro kong espesyal na parte ng kanyang buhay. Mas lalo lang akong nahulog sa kanya.

Sa huling pagtugtog ng panghuling nota ay muli na niya akong sinulyapan.

"Sinasagot na kita," paos na pagbulong ko. Tila ba nanghihina na.

Bahagyang umawang ang kanyang labi. Ang kritikal na pagtitig niya ay unti-unting nagbago at bumanayad dahil na rin siguro sa nakita niyang pagiging determinado at pinal ng desisyon ko.

"Hindi mo man lang ba talaga pag-iisipan muna. I don't want to rush you," marahan at indulhente niyang tanong at humarap na sa akin.

Maagap akong umiling. "Matagal na akong nakapag-isip. Alam mong... alam mo namang gusto kita at... hindi na kita teacher kaya... kaya puwede na..." Hindi ako nakatingin sa kanya nang deretso nang mabanggit ang huling salita dahil sa kaonting hiya. Maski ako ay hindi makapaniwala sa pagiging deretsahan at tapang ng naging rebelasyon ko.

"Kung gano'n... girlfriend na kita?" bulong niya.

Uminit ang pisngi ko dahil sa lambot ng pagkakasambit niya nito. Sa unang pagkakataon ay dahan-dahang natupok ang katapangan na kanina ko pa ipinapakita sa kanya at napalitan ng kahihiyan.

"Jean?" banayad na untag niya dahil nawalan na ako ng kakayahang  magsalita. "Are you my girlfriend now?"

Nag-angat ako ng tingin at nasulyapan ang nakaabang niya pa ring masidhing titig sa akin. Sinubukan ko itong pantayan at naging matapat na sa totoong umaapaw na emosyon na nararamdaman.

"Yes. And you're my boyfriend now," puno ng emosyon na pagkakasabi ko.

Awtomatikong umangat ang sulok ng kanyang labi. Namutawi rin sa kanyang mga mata ang pagiging masaya. Sa kanyang reaksiyon ay binalot ng init ang puso ko. Nahawa na ako sa ngiti niya at kusa na lamang na lumapad ang ngiti ko sabay tingin sa kanya na para siyang araw.

"You... You like me," mangha kong anas. Nadiskobre ang bagay na noon ay napakaimposibleng sumagi man lang sa isipan ko.

Tumango siya sabay titig sa bawat sulok ng aking mukha.

"You have no idea how much," sambit niya.

Nag-aalburoto na ang dibdib ko dahil sa lakas ng pagkabog nito. Sa tuwa ay mas inilapit ko pa ang sarili sa kanya. Mahina siyang natawa habang nakatingala sa akin dahil sa puwesto niyang nakaupo pa rin. Niyakap ko siya at niyakap niya rin ako pabalik. Walang paglagyan ang saya ko sa mga oras na ito. Ang lahat ng heart break na naranasan sa pagkakagusto sa kanya ay parang bula na bigla na lang nawala. Sa mga oras na iyon ay napagtanto ko na hindi ko lang siya gusto. Dahil alam ko sa sarili na mahal ko na si Lake Jacobe Mendez.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top