Chapter 1
Chapter 1
Love Letter
I like you.
No. Scratch that. I think I am in love with you, Sir.
I know that it is a bold move of me to admit. But then I realized that just like what Swami Vivekananda says, 'All love is expansion, all selfishness is contraction. Love is therefore the only law of life. He who loves lives, he who is selfish is dying. Therefore love for love's sake, because it is the only law of life, just as you breathe to live.'
Kaya naman, Sir mahalin mo na ako para tumagal ang buhay mo—
Nahinto ako sa pagsusulat nang kunin ng matalik kong kaibigan na si Hope ang bondpaper na sinusulatan ko.
Malaki ang kanyang ngisi habang mabilisang binabasa ang nakasulat dito.
"Ang taray, JC! Love letter ba 'to o death threat? Aamin ka na sa kanya? Ginamit mo pa talaga ang law kemerut huh!"
Pinandilatan ko siya sabay hablot sa bondpaper na nasa kamay niya. Nang mapasulyap sa librarian na nasa may hindi kalayuan lang sa mesa namin ay nakita ko ang pagpukol nito ng masamang tingin sa banda namin.
"Hinaan mo nga 'yang boses mo!" bulong ko sabay ipit ng bondpaper sa loob ng folder, "Mamaya nito mapalabas na naman tayo ng librarian eh."
Umusog siya sa kinauupuan ko at tuluyan ng tumabi sa akin. Hindi matanggal ang kanyang ngisi.
"So ano nga? Aaminin mo na sa ultimate crush mo iyang feelings mo?"
"Hindi 'no!" agaran na pagtanggi ko. "Isinulat ko lang naman ang nararamdaman ko sa kanya para hindi tuluyang mabaliw sa pagkimkim nito."
Umasim ang mukha niya at parang dismayado pang umiling.
"Ay, napaka-hopeless case mo talaga."
"Ayaw ko lang na ma-reject. You know I don't like rejections."
"Kaya ba feeling mo na kapag nag-confess ka kay Sir Mendez, magiging tulad ka na sa ibang mga babae na ni-reject niya?"
Hindi ako kumibo at nagbuklat na lamang ng isang makapal na libro na nakalapag lang sa mesa. Oo. Tama nga ang kaibigan ko. Natatakot ako na ma-reject niya. Sino ba naman ang hindi?
Hindi lingid sa kaalaman ng lahat sa buong university na masyadong prangka ang pinakabatang lalaking guro nito. Marami akong naririnig na mga balita tungkol sa mga babaeng nagkakagusto at umaamin sa kanya, mapa-estudyante man o parte ng faculty, lahat sila rejected.
Nasa first year college palang ako nang pumasok siya sa unibersidad upang magturo. At ngayon na nasa second year na ako, wala pa ring nakakaalam sa totoong background niya. Ang alam lang namin ay nanggaling siya sa law school.
Cold. If I were to describe my ultimate crush in one word, that would be it. Lake Jacobe Y. Mendez is as cold as ice. He is intimidating. He is unreachable. Ang layo niya pa rin sa akin kahit na nasa harapan ko na siya at nagpapaliwanag.
"...John Finnis even argues that the common good of political society does not itself instantiate a basic human good; that is not in particular, the object of a natural inclination, as to something intrinsically good..."
"Basta sa'yo magiging good ako," sagana sa panaginip kong bulong sa sarili habang pinagmamasdan siya.
Napaimpit ako ng hiyaw dahil sa mahinang pagsipa sa upuan ko ng nakaupo sa likod kong si Hope. Naiinis ko siyang nilingon.
"Landi," kibot ng mga labi niya. Narinig niya pala ako kanina.
Inignora ko ang sinabi niya at ipinagpatuloy ang masayang pagmamasid kay Sir Mendez. Nakasuot siya ng kulay blue na long sleeve at black pants. Talaga namang napaka-pormal at sobrang talino niyang tingnan. Sa kanyang likuran ay ang PowerPoint presentation ng itinuturo niya kanina pa.
Ang sabi ni Hope, baka naman daw crush ko si Sir Mendez dahil sa kanyang hitsura. Hindi ko naman ipinagkakaila iyon. Lake Jacobe Mendez is attractive. Iyong tipong hindi boyish but of a man. Matangkad siya. Medyo moreno. Maitim ang buhok at makapal ang kilay. Malalim din ang kanyang maitim na mga mata na kapag natatamaan ng liwanag ay nag-iiba at nagiging kulay brown na. Mas pinaganda lang ito ng kanyang mahaba at makapal na pilikmata.
What makes him more manly is his prominent jawline. They say he has a blood of an Italian. Siguro nga. Mapapansin naman kasi ito sa kanyang matangos na ilong at manipis na mga labi.
"...members of political society should work together to attain such things as..." Bigla siyang natihil nang dumapo ang matalas na tingin sa akin. Tumuwid ako ng upo at umayos. Napansin ba niya ang pagtitig ko?
"Ms. Villarejas," mistulang paghele ang pagsambit niya sa pangalan ko. Ibang-iba sa kanyang mga mata na walang emosyon.
Maingay akong lumunok at umalisto. "S-Sir?"
"Can you tell me what the members of political society should attain?"
Mas tumahimik pa ang lahat. Nasa akin na ang kanilang atensiyon. Hindi ako kumurap bagkus sinuklian ang deretso niyang tingin.
"A military and police for protection against the aggressor for both external and internal, Sir."
Gusto kong tapikin ang sariling balikat dahil sa kawalan ng panginginig ng boses sa naging sagot. Puno ito ng kumpiyansa. Gusto ko na naman na kahit isang beses lang ay purihin niya. Tinitigan niya pa ako ng ilang segundo. Hindi naman magkandamayaw ang kabog sa dibdib ko.
Walang kahirap-hirap niyang pinutol ang tingin at ibinaling na ito sa iba. Nadismaya na naman ako sa pagtrato niya.
"Prepare for a long quiz tomorrow," malamig niyang anunsiyo na pinamayanihan naman ng pagdaing ng mga kaklase ko.
Naunang lumabas si Sir Mendez. Siya ang pinakahuling klase namin sa hapon. Napansin ko kaagad ang pagsunod ng malagkit na tingin ng mga babaeng kaklase ko sa kanyang papalayong likod. Ni isang segundo ay hindi man lang siya lumingon pa.
"Sigurado ka na ba talaga na hindi ka sasama sa'min ni Jok sa Retro Club mamayang gabi?" si Hope habang pareho na kaming nagbabalik ng mga gamit sa loob ng bag.
Napangiwi ako at bahagyang tinaasan siya ng kilay.
"May pasok tayo bukas, ah. Mag-a-absent na naman kayo para lang sa club?"
"Siyempre hindi! Medyo male-late nga lang pero atleast 'di ba? Present pa rin!"
"Alam mo naman na hindi ako pwede. May family dinner kami at ayokong ma-disappoint si Papa." Kinuha ko na ang bag at tumayo. Kami ang huling lumabas ng classroom.
Inakbayan niya ako at mapaglarong tinapik sa likod.
"You are really such an obedient step-daughter, Jean Caitlyn. I'm so proud of you, babe!"
Mahina akong natawa sabay iling. Ang sabi nila, perpektong anak daw ako. I excel on my studies. I follow my curfew obediently. I act properly in front of other people. Minsan naiisip ko na dahil siguro ganito ako pinalaki ni Mommy. But the truth is, I only want my step-dad to be proud of me.
Attorney Apollo Villarejas has been good to me. Simula ng pinakasalan niya si Mom noong eighteen years old pa lang ako, napakalaki ng ipinagbago ng buhay ko. Hindi lang apelyido ang ibinigay niya sa akin kundi pati na rin pagmamahal ng isang tunay na ama. Ni isang saglit ay hindi ko nakakalimutan ang kabutihang ipinamamalas niya sa amin ng ina ko. I owe everything that I have to him.
Nang makarating ng school parking lot ay nagpaalam na kami ni Hope sa isa't-isa. Pinagbuksan na ako ng pinto ng sasakyan ng drayber namin.
Kinse minutos lang ang ibiyenahe namin sa daan. Bumungad na sa paningin ko ang gate ng mansiyon na pagmamay-ari ng stepfather ko. Dito na kami nanirahan simula noong pinakasalan niya si Mommy.
Binuksan ito ng kasambahay kaya pumasok na kami sa loob. May kalumaan na ang mansiyon na ang istruktura ay hango sa spanish medieval era. Minana rin kasi ito ng stepfather ko mula sa kanyang mga magulang na may dugong kastila.
Matapos maiparada ni Kuya Benj ang sasakyan ay lumabas na ako mula rito. Awtomatiko akong napatingala sa may portiko na korteng light house kung saan nakikita ko si Mommy na nakaupo rito at halatang umiinom na naman ng wine dahil sa hawak na wineglass. Bumuntonghininga ako at naglakad na papasok ng mansiyon.
Mabilis na kumurba paitaas ang sulok ng mga labi ko nang makita si Papa sa may sala. Nakaupo na naman siya sa paborito niyang upuan na gawa sa rattan malapit sa malaking sliding window. Tanaw mula rito ang fountain sa labas.
He is wearing his spectacles again. He is a good looking man despite his age. Isa sa mga dahilan kung bakit nagustuhan siya kaagad ni Mommy noon. He always looks aristocratic but approachable.
Hindi na ako nag-atubili pa na lapitan siya upang magmano. Marahil ay narinig niya ang yapak ng mga paa ko kaya mula sa binabasang makapal na libro ay nag-angat siya ng tingin.
"Are you hanging out with John Maxwell and his book about success again, Papa?" nakangiting bungad ko sabay mano sa kanya.
Mahina siyang natawa at inilapag na ang aklat sa ibabaw ng center table. Ngayon ay nasa akin na ang kanyang buong atensiyon.
"How's school?"
Nagkibit ako ng balikat. "It was fine. A bit tiring."
"Mabuti naman at sinabi mong nakakapagod din pala. I thought a day would not come without you complaining just even once. Just shows your human too. Anyways," tumayo na siya at tinanguan ang kasambahay namin na nasa gilid bago niya ako muling tiningnan, "go upstairs now and change. Maghahapunan na tayo."
"Okay!" sambit ko at dali-dali nang umakyat ng mahabang hagdanan.
"That is so not ladylike, Jean."
Nahinto ako sa tapat ng pinto ng sariling kuwarto dahil sa narinig na istriktong boses ni Mommy.
Marahan akong bumaling sa kanya at inayos ang tindig.
"I'm sorry, Mom."
Isang beses niya akong tinanguan at nagpatuloy na siya sa paghakbang patungo ng hagdanan. Binuksan ko na ang pinto ng kuwarto at mabilis na pumasok sa loob.
Nang makapagbihis na ay muli akong bumaba at nagpunta ng dining area. Nadatnan ko sina Mommy at Papa na kakasimula lang yata sa pag-kain. Tahimik akong naupo sa gawing kanan ni Papa.
"I heard that that, Domingo boy is always seen hanging around your circle," si Mommy sabay eleganteng hiwa ng kanyang steak.
Napasulyap muna ako kay Papa na kasalukuyang sumimsim ng kanyang wine bago sinagot ang ina.
"He's just a friend, Mom."
"Real estate broker lang ang ama niya, hindi ba?" kalmanteng pagpapatuloy niya ngunit halatang kritikal na ang tono.
"Opo."
"Then, just being strictly friends with him is fine. Don't forget the standards in men to date that you should have, Jean," aniya at matamis na nginitian ang asawa. "The standards that I've found in your Papa."
Marahan na tinapik ni Papa ang kamay ni Mommy na nakapatong sa mesa. Sinuklian niya ito ng ngiti na puno ng pagsamba.
Minsan sa mga pagkakataon na ganito, laging umiinit ang puso ko dahil sa pagmamahal at adorasyon na ipinapakita ni Papa kay Mommy. Ngunit nakakaramdam din ako ng panlalamig sa tuwing sumasagi sa isipan ko na isang retired actress ang ina ko. Hinihiling ko pa rin na sana sincere si Mommy sa tuwing naglalambing siya sa stepdad ko.
Hindi na ako kumibo pa at nagpatuloy nalang sa tahimik na pag-kain. Nag-usap naman silang dalawa ni Papa tungkol sa negosyo.
Isa sa mga dahilan kung bakit ko kinuha ang kursong Business Administration ay dahil sa pag-udyok ni Mommy sa akin. Kailangan daw na mahasa ako tungkol sa negosyo para makatulong sa pamilya. Kahit na gusto kong maging guro ay hindi ko na ipinagpilitan pa dahil alam ko naman na hindi ako mananalo kailanman sa mga gusto at plano ni Mommy para sa akin.
Umakyat na ako sa kuwarto pagkatapos ng hapunan. Naupo na ako sa may study table at binuksan ang laptop para gawin ang reaction paper na ipinapagawa sa amin ni Sir Mendez dahil ipapasa na ito kinabukasan.
Matapos mag-aral ay naghilamos na ako ng mukha at nagsipilyo. Naghanda na ako para sa pagtulog. Kagaya na lamang ng nakagawian ko na, hindi ko pinatay ang ilaw dahil may phobia ako sa dilim.
Aligaga ako kinaumagahan dahil malapit na akong mahuli sa klase. Napuyat yata talaga ako sa pag-aaral kagabi. Bitbit ang puting folder na palagi kong dala at kung saan nakaipit sa loob ang reaction paper na ginawa ay pumasok na ako sa loob ng classroom. Puna ko ang pagiging tensiyonado ng lahat maski mamayang hapon pa naman ang pasahan nito.
Pagkaupo ko sa silya ay insakto namang dumating ang teacher namin sa Accounting na si Mrs. Belaro. Hindi ko rin makita sina Hope at Jok. Siguro nga ay puyat pa ang dalawang iyon.
Naging normal ang takbo ng buong araw ko sa klase. Tanghali na nang dumating si Hope. Halatang antok na antok pa at naging malamya.
"Pst! May reaction paper ka na?" bulong niya sa akin habang hinihintay na namin si Sir Mendez.
"Oo naman. Bakit? Huwag mong sabihin na hindi mo nagawa?"
Napasapo siya sa kanyang noo.
"Bakit pa ba ako nagtanong. Siyempre meron ka na." Napansin ko ang pagsulyap niya sa folder na nasa desk ko.
"Hoy! Wala kang reaction paper?" pag-uulit ko. Nag-aalala na para sa kanya.
Ngumiwi siya. "Wala eh. Ano kaya kung humingi nalang ako ng palugit kay Sir?"
Nagkatitigan kami ng ilang segundo at sa huli ay sabay na napabuntonghininga. Alam naming pareho na napaka-imposible nito. Wala sa bokabularyo ni Sir Mendez ang second chances. Alam ng lahat ito.
"Jean!" Napalingon ako dahil sa pagtawag ng isa kong kaklase. "Pinapatawag ka ni Dean."
Kumunot ang noo ko sabay sulyap sa suot na relo. Limang minuto nalang at klase na ni Sir Mendez.
"Huh? Ngayon na?"
"Oo raw. May ibibigay lang siya sa'yo tungkol sa org na hinahawakan mo."
Muli kong nilingon si Hope at nakitang nakatingin siya sa folder na nasa desk ko. Pagod akong bumuntonghininga, kinuha ang folder, at iniabot ito sa kanya.
"In case na ma-late ako. Ipasa mo nalang 'to kay Sir," bilin ko.
"Sure, babe!"
Lumabas na ako ng classroom at nagpunta na sa opisina ni Dean. Tama nga ang sinabi ng kaklase ko, binigyan lang ako ni Dean ng dagdag na agenda para sa meeting ng organization kung saan ako ang chairman.
Nang makabalik na ng classroom ay naramdaman ko kaagad ang pagiging tahimik ng buong klase kaya alam kong nariyan na si Sir Mendez. Patiyad akong naglakad patungo sa sariling upuan para lang hindi makagawa ng ingay. Hindi naman ako pinansin ni Sir dahil abala siya sa kritikal na pagsuri sa halatang mga reaction papers na ipinasa ng mga kaklase ko.
Dahil nakaupo ako sa unahan ni Hope ay kinailangan ko siyang lingunin. Napansin kong abala na siya ngayon sa pagsusulat.
"Ipinasa mo na ba 'yong sa'kin?" pabulong ko.
"Hindi pa! Sandali lang kasi kumukuha pa ako ng idea!" aniya na hindi man lang ako sinulyapan at nagpatuloy lang sa mabilisang pagsusulat. Marahil ay hahabol sa pagpasa. Doon ko palang napansin na nakalapag ang reaction paper ko sa desk niya.
Marahan akong napabaling sa sariling desk at pagkatapos ay idinapo naman ang tingin sa desk niya.
"Eh, nasa'n na 'yong folder ko?" Marahan ang pagkakabigkas ko ng bawat salita. Nakatitig sa desk niya na tanging bondpaper lang ang nakapatong.
"Nilagay ko sa desk mo! Itong reaction paper lang ang kinuha ko," wala sa sarili niyang tugon.
Unti-unting umawang ang labi ko kasabay ng panlalamig ng buong katawan. Napasinghap ako nang may tumapik sa balikat ko. Dahan-dahan akong lumingon at nakita ang classmate kong si Ireen na nakaupo naman sa unahan ko.
"Ipinasa ko na ang folder mo," nakangiti niyang sabi at saka ibinalik ang atensiyon sa harapan.
Lumunok ako at nag-angat ng tingin sa harapan. Insakto ang pagkakita ko kay Sir na hawak na ngayon ang folder ko. Mistulan akong binuhusan ng malamig na tubig. Dahil may naiwang nakaipit sa loob ng folder at ito ay ang love letter na isinulat ko para sa kanya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top