Chapter 41

All of them headed into the souvenir's shop basement where all the hidden artifacts are placed and locked by Elius. They also put Roman and Edwardine into the same invisible cage Stella has been in. It took her a few minutes to build the cafe for them because it needed a lot of energy to build it. Good thing, she made it through.

Hindi pa rin naman makapaniwala si Edmond na makitang buhay si Edwardine. Ang inakala niya noon ay wala na ito dahil nga sa balita rin ng mga magulang nito nang dumalo sa kanilang bayan noong mga nakalipas na siglo. He could hardly hope that he would live that night, he tried saving him at the infirmary by feeding him some of his blood, but it didn't change a thing.

"Ang pagtataka ko lang," ani Elius. "Bakit pa nila itinago si Edwardine?"

"Edward," Stella corrected him. "He's Edward now."

"Right, whatever, pero diba—teka, naguguluhan talaga ako," ani Elius, sabay pag-iling ng ulo.

"Ako rin," ani Edmond. "Sa history book, nakalahad doon na ang ugat ng kaguluhan sa pagitan ng mga Clements at Saguine's ay dahil sa pagkamatay ni Edwardine. Kung isa iyon sa mga impormasyon na hindi naisama ni Esmeralda noon, posibilidad na may itinatago pa rin itong mga kababalaghan."

"At saka hindi naman siguro alam lahat ng ninuno ko ang lahat nang mga nangyayari?" ani Stella. "Siguro no'ng mga panahong iyon itinago talaga ng mga Clements ang nangyari kay Edward? Kayo na rin nagbanggit noon na nang matagpuan si Edward noong panahong iyon ay agad siyang ibinalik sa kanilang bayan? Siguro sa oras na 'yon nangyari ang pagpapalit anyo ni Edward? Hindi rin ako sigurado..."

"Pero baka tama ka rin." Pagtango pa ni Elius.

"Siguro nga," ani Edmond. "Masyadong ma-pride ang angkan ng mga Clements kaya gagawin nila ang lahat para sa knailang reputasyon. Kaya nagawang angkinin ng Clements ang pamumuno ng mga Sanguine noon dahil sa kanilang paghihiganti, inggit, o kung ano pa mang dahilan. From the moment Esmeralda died, Clements ruled the town so I convinced his son to join me by protecting the town from generation to generation and now there was you, Stella."

Napahugot na lamang ng malalim na hininga si Stella. "And there's a lot for me to learn."

"Teka! May naalala ako!" Ully exclaimed. "I've met a pack of wolves on somewhere around the hills. When they found out na nanggaling ako sa Freymount, they almost attacked me pero nang malaman din nilang bago pa lamang ako sa ganitong aksyon ay binalalaan lamang nila ako. May binanggit din sila sa akin na ang mga lobo ay banned daw sa Freymount? Pa'no nangyari 'yon?"

"I know the answer!" Elius said, raising his hand.

Natawa naman si Edmond dahil naalala niya kung pa'no niya ikinuwento iyon sa kaibigan.

"Si Esmeralda ang dahilan kung bakit hindi nakakatapak ang mga lobo dito sa bayan ng Freymount. Idinahilan niya rati na ang mga lobo ang dahilan ng mga pagkamatay ng mga tao noon at naniwala naman ang bawat isa sa kanya kaya magmula noon ay bawal na bawal pumasok sa border ang mga lobo."

"And how can I?" takang tanong ni Ully.

"Because you were in Freymount when it happened," paliwanag ni Elius. "But I believe once you left this town, you can never step back inside the town."

Napabuntong-hininga naman si Ully. "I am a part of this town so I don't think I would be leaving this place sooner or later. At teka lang! Esmeralda was an Escott and if their own blood of witches and warlocks could only be done and undone the spells, Stella could break down the Freymount barrier for the wolves!"

Agad namang umiling si Edmond at hindi nagustuhan ang suggestion ni Ully. "I don't think it's a good idea, Ully. That barrier wasn't only to protect the town from creatures and also to the incoming destruction. Breaking the barrier would only cost us too much."

"Tama si Ed," ani Elius. "Pero sa tingin ko nga na makakatulong din ang grupo ng mga lobo sa labang ito, Ed. If we could take the barrier down for a while para lang makapasok sila sa loob, maaaring mangyari 'yon. Mas lalakas pa ang pwersa natin!"

"They hated me, Elius. You know that."

"I could talk to them!" Ully raised his hand. "I could convince them to help from the incoming destruction! We could set aside all the feud for this fight, right?"

"I don't know. They hated me and they also hated this town. Why would they help the place that they were banned away?"

Napakibit-balikat na lang din naman si Ully. "I'm gonna still try though..."

Edmond sighed. "Maybe we can..."

Nanahimik naman ang lahat at kahit alam nilang pwede nilang gawin 'yon ay delikado pa rin sa bawat isa kung magpapadalos-dalos sa mga desisyong iyon. Binali naman ni Elius ang usapan nang mag-alok ito ng maiinom na alak sa bawat isa ngunit naagaw naman ang kanilang atensyon nang makitang gumagalaw na si Roman.

Nagulat naman si Roman nang makita niya ang mga nakapaligid sa kanya at kung saan siya nakasilid ngayon. "Nasaan ako?!" sigaw nito. Nang sinubukan nitong tumayo ay nauntog ang ulo ito sa kaya bumalik na lamang sa pagkakaupo sa gilid.

Edwardine also gained his consciousness. He groaned at them, trying to get himself out of the cage pero wala ring effect iyong ginagawa niya. Mas lalong nabahala si Roman sa kinaluluguran niya dahil hindi lamang bampira ang mga nakapaligid sa kanya kung hindi may isa pang lobo at witch.

"Tumigil ka na r'yan, Edward," ani Elius. "Hindi ka makakaalis diyan."

"H'wag niyong sasakyan si Edwardine! sigaw ni Roman. 

Edmond's eyes squinted when he said that. "Wala kang karapatan para magsalita rito Roman. Bakit takot na takot ka bang lapain ng mga bampira? Masyado kang mapagmataas at mayabang. Gusto mong linisin ang protektahan ang sarili mong bayan sa mga bampira pero ikaw pa mismo ang isa sa mga nagtatago no'n. Hindi mo deserve maging lider ng Freymount."

"You don't understand!" Roman countered.

"Then make us understand and we'll listen," Edmond said.

"I won't speak."

"E 'di manigas ka sa loob ng kulungan na 'yan," bulyaw ni Stella.

"Bakit kinuha ng mga Clements sa pamumuno ng mga Sanguine ang Freymount?" tanong ni Edmond saka lumingon din kay Edwardine. "Nabuhay ka no'ng mga panahong iyon at alam kong ikaw ang dahilan kung bakit nila ginawa iyon. Ngayon, sabihin mo sa akin kung bakit Clements ang namumuno ngayon?"

Hindi naman sumagot ang dalawa kaya inilabas ni Edmond ang kanyang pangil at mapupulang mata. Ngunit walang effect iyon kay Edwardine.

"Kung hindi niyo ako sasagutin, hindi niyo na masisilayan ang araw bukas."

"Mahahanap ako ng mga tauhan ko at pagbabayaran niyo itong ginagawa niyosa akin," pagbabanta ni Roman.

Napangisi si Edmond. "Tingnan natin." Aalis na sana ang apat sa basement nang biglang tawagin ni Roman ang kanilang atensyon. "May sasabihin ka pa ba o ito na ang magiging huli nating pagkikita?"

"Sige na! Sasabihin ko na ang lahat!" sigaw ni Roman, bakas ang takot sa boses nito.

"Handa na kami," ani Elius at saka humalukipkip.

"Sasabihin ko lamang kung anong sinasabi sa akin ng ama ko," panimula niya. "Inilayo si Edwardine sa mga tao at tsismis upang hindi lumala ang sitwasyong nangyari sa pamilya namin. Itinago rin ni Rodoro Clements ang totoong nangyari kaya walang nakakaalam kung ano ang totoong nangyari. Ginagawa lamang ang commemoration taon taon upang maitago ang totoong dahilan na may itinatago naman si Edwardine."

"Napaka-impokrito ng pamilya niyo," ani Edmond. "Mga sinungaling."

"Tama ka," pagsang-ayon ni Roman.

"Pa'no niyo nagawa 'yon ha?!"

"Pinagpapatuloy ko lang kung anong iniutos sa akin na gawin ko. Hindi lang dahil ayaw namin malaman ng marami kung anong nangyari kay Edwardine ay dahil iniingatan din namin ang aming reputasyon. Ginawa ang commemoration upang magsilbing magandang ehemplo sa karamihan.

Napangisi naman si Stella. "Ay, bobo naman pala nito e!"

"Kung hindi mo alam, ang totoong nagpapanatili ng kapayapaan ng Freymount ay si Esmeralda. Tinulungan niya ako kahit alam niya ang tunay kong pagkatao. Dahil may puso at iniintindi niya ang mga sitwayson. Hindi katulad niyo na sakim sa kapangyarihang politikal," sumbat ni Edmond.

"At bakit niyo pinasunog ang lahat ng Freymount History Book?" tanong ni Elius.

"Pati na rin ang mga contents tungkol sa mga bampira at lobo ay halos wala na sa public library!" dagdag ni Ully.

"Ginawa namin iyon para protektahan ang bayan," simple nitong sagot.

"Ngayon alam ko na kung bakit ayaw nang manatili ni Alycia rito," ngisi ni Edmond. "You took her family out of their place. Pero alam mong mas malalang mangyayari pa sa Freymount? This town would cease to exist and that's true."

"Hindi 'yan totoo..." ani Roman at iling ng ulo.

"Siguro ka ba? "

Hindi naman sumagot si Roman at nanahimik na lamang sa tabi.

"May tanong lang ako kay Edwardine," ani Stella at hinarap nito ang bampira. "Paano mo nalamang isa kang bampira? Pa'no ka nila tinago?"

Napangisi naman si Edwardine. "Inakala nilang patay na ako. Kanila na nila akong ibuburol nang mangyari ang isang kakaibang bagay. Nabuhay ako at isa isa kong pinagsisipsip ang dugo ng mga taong nakapaligid sa burol na iyon. Napigilan nila ako no'ng mga panahong iyon at sinabuyan nila ako ng vervain dahilan para manghina ako. Idinala nila ako sa isang selda at ipinaalam ng lamang aking pamilya na isang pribadong burol ang iginawa nila sa akin upang mapaniwala lamang ang bawat tao. Nang malaman ng mga Sanguine na patay na ako ay doon lang nagsimulang bumagsak ang kanilang pamumuo dahilan para kunin ng mga Clements ang liderato. Doon nagsimula ang away sa pagitan ng mga Sanguine at Clements."

"At hindi mo alam kung anong nagawa nito kay Alycia," ngisi ni Edmond.

"Sino na nga ang dahilan kung bakit naging isang bampira ang napakagandang dilag na iyon, ha? Hindi lang din naman ang mga Clements ang may sala. Lahat ng nasa silid na ito ay parte ng kaguluhan noon."

"Hindi ako," dependa ni Elius. "I was born in the 1980s kaya wala akong kinalaman sa mga nangyayari noon. Sa history book ko lamang nalaman ang lahat ng ito."

"Hindi niyo pa ba kami papakawalan?" tanong ni Roman.

"Hindi," sagot ni Edmond.

"Hindi niyo pwedeng gawin 'yan sa akin! Ako ang lider ng Freymount!"

"Kahit pa," dagdag ni Elius.

"Pagbabayaran niyo itong ginagawa niyong kalupitan sa akin," nanggigigil na utas ni Roman.

"Baka ikaw pa ang magbayad sa kasalanan ng pamilya mo," ngisi ni Edmond.

Umalis din naman ang apat sa basement. Nagpaalam sina Ully at Stella na babalik na lmuna sina sa motel upang makapagpahinga. Bumalik na rin naman ang dalawa sa kanilang mga tahanan.

Napahiga na lamang si Stella sa kama ng makarating sa motel.

Stella took a deep breath.

"Magiging maayos din ang lahat, Stels," ani Ully at tumabi sa kanya.

She blankly stared at the wall at pinakawalan ang malalim na hininga.

"I hope it will be."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top