Chapter 40
Edmondo's morning filled with excitement as he slept without bothering his existence and all he just cared about was to get better sleep.
When he heard a knock on the door, he immediately stood up to check who was the person on the other side of the door. As he grabbed the knob and opened it seeing the person standing in front of him.
The only thing he could see was her smile and eyes gleaming. Edmondo was surprised seeing her holding a tray of breakfast. She invited him and then she walked inside, not minding that he was half-naked.
"Para saan ang mga ito, Aletheia?" Pagtataka ni Edmondo habang nilalapag nito ang tray sa lamesa.
Nang humarap din naman ito sa binata ay nagbibihis na ito ng kanyang pang-itaas na damit. She missed seeing that. She'll make a quick glance next time. Ngunit namutawi pa rin ang mga ngiti ng dalawa. Nilapitan ni Edmondo ang mga pagkaing idinala sa kanya ni Aletheia at inamoy ang mga iyon.
"Ikaw ba ang nagluto nito? Mukhang masasarap."
"Oo..." pag-amin ng dalaga sabay hawi ng kanyang buhok papunta sa likod ng tainga at pag-ngiti sa binata. "Bagamat ako man ang nagluto niyan ay nagpatulong pa rin ako sa ating kasambahay. Subukan mo na para malaman mo kung masarap nga ba ang niluto ko para sayo."
"Susubukan ko na talaga..." sabik na usal ni Edmondo.
Kanyang kinuha ang kutsara at tinidor at sinimulang kainin ang pinaghain sa kanya ni Aletheia. She watched him intensely how he chopped those chickens on his mouth and grinded it with his teeth. Edmondo likes the food Aletheia served to him. The vegetables were half-cooked, but it was so good, she could tell by his reactions.
"Anong masasabi mo?" mabilis na pagtatanong ni Aleteheia. Bakas sa kanyang mga mata ang pananabik sa mga salitang bibitawan ni Edmondo.
Tumango naman kaagad ang binata. "Masarap Aletheia, sobra!"
"Naku naman, Mon, 'yong totoo nga?" aniya bagkus narinig na niya ang inaasahan na bibitawan ng binata.
"Oo nga, maraming salamat dito. Paano mo naman naisipan na paglutuan ako ng almusal? Hindi ba nakaka-istorbo ako sa mga iba mo pang gawain?"
Humagikgik na umiling ang dalaga. "Hindi. Wala naman akong masyadong gagawin ngayon. Saka kung meron man, mamayang hapon pa na baka sakaling dumagsa ang mga gawain ko pero dahil maganda ang gising ko at bigla ko na lang naisipan paglutuan ka ng almusal. At bakit naman hindi, 'di ba?"
Napangisi naman ang binata. "Masaya ako dahil ikaw ang kauna-unahang gumawa nito sa akin."
"Napaka-espesyal ko naman kung gano'n."
"Espesyal ka talaga sa akin, Aletheia." Ngiti ng binata. "Pero gusto ko lang ulit tanungin sayo," ani Edmond at isang mapaglarong ngiti ang lumabas sa kanyang mga labi. "Totoo ba ang mga sinabi mo kahapon sa harap ng pulong kasama ang iyong ama?"
"Na ikaw na ang lalaking gusto kong makasama habang buhay?" tanong nito.
Tumango naman ang binata.
"Totoo iyon, Mon..." aniya. "Walang halong biro ang mga sinabi ko sa'yo kahapon."
"Kahit na hindi mo pa ako masyadong kilala?"
Napailing naman ang dalaga. "Walang kaso sa akin na hindi pa kita masyadong kilala dahil kung tutuusin maraming araw pa ang magdaraan para gawin 'yon at sa bawat araw na lumilipas ay doon kita nakikilala. Hindi ko namang pipilitin sa isang araw na kilalanin ka dahil hindi ko makikilala ang buo mong pagkatao kung sa isang araw mong pagku-kwento ay sapat na pero hindi. Sa madaling salita, hindi pa man kita lubusang kilala, mangyayari iyon sa takdang panahon..."
Napangiti na lamang si Edmondo dahil hindi niya inaasahan na maririnig niya iyon mula sa bibig ng dalaga. On the back of his mind, he knew that Aletheia was still in the influence of the love potion and he doesn't know when it will last or will it ever wore off. He's happy that it turned out good that putting the potion on her drink would be a good idea after all.
Hindi rin naman nagtagal ay umalis na si Aletheia at nagsabing magkita na lamang silang dalawa sa baba. Sa paglabas ni Aletheia ay tila kung anong pumitik sa kanya ang biglang nagpabalik sa kanyang wisyo.
When she realized that she was outside of the guest room where Edmondo is, she scratched her head trying to guess what she was doing there. When the thought of Edmondo being the beacon of danger, she immediately ran towards the stairs and head out of the manor, and sat at the porch, chasing her breath.
Edmondo heard those footsteps and he thinks that Aletheia was excited when he doesn't know that the girl has already doubt about his being.
While he's finishing his plate, he couldn't forget how Esmeralda manage to help her beyond that point. Alam niyang siya ang kalaban ng bayang ito at ang kailangan lamang gawin ni Esmeralda ay protektahan ang bayan sa kung ano mang masamang pwedeng mangayari pero sa kabila ng mga pangyayari, siya pa ang tinulungan nito at itago ang tunay na pagkatao.
And that's really a good thing when he could live in Freymount without concerning about his identity.
When he's done, he picked up the tray placing all the plates on it and stepped out of his room, and brought it downstairs heading to the kitchen.
When he found that the place was very quiet, he started to roam around to search for someone else in the manor. As he heard the maids at the back, but the Sanguine's weren't there, that's why he immediately used his super-hearing learning that Aletheia was only sitting at the porch.
Nagmadali namang pumunta doon si Edmondo at nadatnan si Aletheia na paalis na rin sana. Nang magtama ang kanilang mga mata ay kakaibang mga ngiti ang namutawi sa dalawa. It felt like they haven't seen each other for the longest time.
"Naubos mo ba, Mon?"
Tumango naman ang binata. "Oo, sobrang sarap. Sana palaging mayroon no'n tuwing umaga," pagbibiro pa nito.
Natawa naman si Aletheia. "Hindi imposibleng mangyari 'yan, Mon."
"Talaga ba?" aniya tatango-tango naman ang dalaga. "Aasahan ko 'yan pero ayos lang naman kung hindi dahil sapat na makita kita. Iyon lamang ay buo na ang araw ko."
"Nakakainis ka naman, Mon."
Napakunot-noo ang binata. "Paanong nakakainis ako?"
"Kinikilig ako sa mga sinasabi mo. Ikaw na nga talaga ang lalaking para sa akin."
Nagulat na lang din naman sila ng dumating ang ama ni Aletheia. Natigil sa pagtawa ang dalawa. Inilayo ng binata ang tingin sa dalaga at binaling sa lider.
"Kumusta naman ang tulog mo, Mon?" tanong ni Chieftain Sanguine sa kanya.
"Mabuti naman po," sagot nito. "Maayos po ang tulog ko."
"Alam mo Aletheia na mismo si Mon at ang grupo niya ang nakakita sa halimaw?"
Nagulat naman ang anak nito. "Talaga ba?"
Tumango naman ang binata. "Totoo! Mga lobo ang nakita namin kagabi at sa tulong ni Esmeralda ay hindi na muling makakatapak ang mga iyon sa bayang ito."
"Ang sinasabi mo ba ang mga lobong iyon ang may kagagawan sa pagkamatay ni Edwardine at Homer?" pagtatanong ni Aletheia.
Tumango naman ang kanyang ama. "Tama ka nga Aletheia. May posibilidad na ang mga lobong iyon ang may kagagawan ng pagkamatay ni Edwardine at Homer. Hindi man natin nahuli ang mga halimaw na iyon pero masisigurado nating ligtas na tayo sa proteksyon na ginawa ni Esmeralda. Isang malaking tulong sa atin si Esmeralda simula pa lamang ng umusbong ang bayang ito."
"Tama ka ama..." pagsang-ayon ni Aletheia.
"Pasalamat na lamang dahil nandito rin si Mon ngayon para tulungan tayo," ani Chieftain Sanguine.
Napangiti na lang din naman si Edmondo habang napuno naman ng kung ano-ano ang pag-iisip si Aletheia pero hindi na lang din naman niya pinansin at pinalampas na lamang niya 'yon.
Hindi rin nagtagal ay may tumakbong lalaki papunta sa kanilang direksyon. Nang mapunta ang atensyon nila sa lalaki dahil malayo pa lamang ay sumisigaw na ito makuha lamang ang atensyon ni Chieftain Sanguine. Good thing for Edmondo because the topic was shifted from the last night's event. As the guy reached them, he held his knees and chased his breathing.
Chieftain Sanguine attended the guy. When he patted his shoulder, Chieftain Sanguine knew from that moment that there was something wrong. Edmondo could really hear how fast and deep his breathings were and by that, he also figured out something bad happened.
"Anong problema, Emelthone?" tanong ni Chieftain Sanguine sa lalaki.
"Hinahanap kayo ngayon sa munisipyo."
Napakunot-noo naman ang lider. "Para saan?"
"May bisita po kayo galing sa kabilang bayan," ani Emelthone.
"Ang mga Clements, ginoo."
Nanlaki ang mga mata ni Chieftain Sanguine. "Para saan ang pagbisita nila rito?"
Napakibit-balikat naman si Emelthone. "Hindi ko po sigurado ginoo pero mukhang sa balitang nasagap nila na ang dahilan ng pagkamatay ng kanilang anak na si Edwardine ay isang lobo."
"Paanong nakarating kaagad sa kanila 'yon?" lubos na pagtataka ni Chieftain Sanguine.
"Mabilis kumalat ang mga bali-balita ginoo at ngayon hinihintay ka na po nila ngayon..." aniya.
Napahugot na lamang ng malalim na buntong hininga si Chieftain Sanguine. Muli naman niyang niligon ang dalawa na siyang gulat din sa balitang narinig nila.
"Maiiwan ko muna kayong dalawa o kung gugustuhin niyo ay sumama na lang din kayo sa akin sa munisipyo."
Nagkatinginan pa ang dalawa bago napagdesisyon naman nilang sumama na lang din. Tumayo naman ang dalawa sa kanilang kinauupuan at sumunod kay Chieftain Sanguine patungo sa Chieftain Hall. Hindi rin naman katagalan nang marating nila iyon. Agad namang bumungad sa kanila ang ama ni Edwardine na si Rodoro Clements. After Chieftain Sanguine greeted him and his wife, Aletheia followed the gesture. Pinanood lamang sila ni Edmond.
Nang tumuloy silang lahat sa loob ng munisipyo ay hinayaan na lang din ni Aletheia na ang ama niya ang kumausap sa kanila. Ilang sandali lang din ay dumating ang kanyang ina dahilan upang sila-sila ang magtipon doon.
Nasa isang tabi naman sila Aletheia at Edmondo at hindi nila alam ang gagawin at kung bakit pa sila sumama at kung nag-ikot-ikot na lang sana sila ay marami pa sana silang magagawa. Aletheia broke the silence by faking a cough, napatingin naman sa kanya si Edmondo.
"Gusto mo bang lumabas muna tayo?" pagtatanong ni Aletheia na agad namang sinang-ayunan ni Edmondo.
Their parents didn't notice that they left the premises even if it was too obvious. Hindi na lang din naman sila lumayo at nanatili lamang sa may batong upuan sa labas ng munisipyo. When Edmondo smells the freshness of the flowers beside them, he got the idea to pick one for Aletheia. As he picked up the red rose and gave it to Aletheia.
"Para sayo binibini..." ani Edmondo.
Nang kunin ni Aletheia ang rosas, natinik naman ito sa tinik ng bulaklak. Mabilis na lumabas ang dugo sa kanyang daliri. Edmond's eyes focus on it like it's the only thing he saw. His jaw clenched as he tried to resist the fresh blood his smelling. Napatingin naman sa kanya si Aletheia, still she just let it flow and drop on the floor.
On the back of Edmondo's mind, he's struggling... do something, Aletheia.
Not that long when Aletheia sipped the blood from her fingers, that ends Edmondo's misery.
"Ayos ka lang ba?" pagtatanong ni Edmond sa dalaga.
Tumawa saka tumango ang dalaga. "Oo naman... wala 'to, malayo sa bituka."
"Mabuti kung gano'n..."
Napangisi naman ang dalaga. "Ano ka ba! 'Wag kang mag-alala sa akin. Ayos lang talaga ako." She paused for a minute to examine his face and when she was done, she move on to another topic which may lead to her discovery. "Taga saan ka ba, Mon?"
Napakunot-noo naman ang binata. "Bakit gusto mong malaman?"
"Siyempre, gusto kitang makilala. Isang paraan iyon para mas lalo kitang makilala 'di ba?" aniya at tumango naman si Edmondo. "Dahil mas gusto pa kitang kilalanin, gusto ko lang malaman kung saan ka nanggaling. Lalo na't una kitang makita ay sa gubat ka nanggaling. Paano ka napadpad doon?"
"Gusto mo ba talagang malaman?"
"Bago mo sagutin 'yan, may gusto pa akong tanungin..."
"Ano naman 'yon?"
"May tinatago ka ba sa akin, Mon? 'Wag mo nang ipagkaila sa akin. Anong nangyari kagabi? Anong dahilan din ng pagpunta mo rito? Edmondo, sino ka ba talaga?"
Agad namang tumalikod si Edmondo sa kanya, napabuntong-hininga naman si Aletheia dahil mukhang tama ang kanyang mga hinala. Nang hatakin naman ni Aletheia ang balikat ng binata paharap sa kanya. Nagulat na lamang ito ng makita niyang namumula ang mga mata ng binata at ang mga pangil nito ay lumabas.
"Isa akong bampira Aletheia at hindi mo na 'to maaalala..." saglit lamang nang agad inilabas ni Edmondo ang itim na dahon na bigay sa kanya ni Esmeralda at kanyang hinipan iyon dahilan upang mapuwing si Aletheia at umaray na lamang ito sa nangyari.
Kinusot nito ang kanyang mga mata habang pinapanood ni Edmondo ang dalaga. Hindi nagtagal nang unti-unting imulat nito ang kanyang mga mata. Napatitig ito ng malalim sa binata at dahilan iyon para pangambahan ni Edmondo pero ilang saglit lang din nang halikan siya nito sa labi at yakapin.
That moment again, he tasted the blood of her and he couldn't forget how good it was
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top