Chapter 30
Edmondo was still uncomfortable knowing that there's a witch residing in the town. Iyon ang kinatatakutan niya, ayaw niyang gumawa ng gulo sa isang witch dahil kumpara sa kung anong nagagawa niya ngayon wala iyong panlaban kung makakatunggali niya ang witch na iyon.
That witch lives her whole life learning how to cast spells and live with her coven and he wouldn't step into that line again. But what made him more curious that the witch offered to help him rather than telling everybody that the animal who did the horrendous things in their town was him.
He's still holding himself back away from the truth. Ayaw niyang malaman ni Aletheia na siya ang pumatay sa pinsan nito. He could still smell his blood. It was good that his thirst and craving was satisfied by feeding on him. Oh, how he hide all those lies just to feel welcome into the roof where a family conveyed to end the cruelty.
But Edmondo just needed a new home, he needs it as he couldn't go back to his own home where it no longer feels like home. He left even it hurts him so much. He needed to leave just to save himself.
He wasn't selfish. He wanted to go back, but he need to move on. He couldn't go back to that moment of his life that's why he's trying to make a new one but unfortunately, he couldn't take away his hunger, his thirst, his affections to human blood.
It was his escape but also, it was a big mistake.
Edmondo couldn't get a better sleep until the morning came, he walked into the porch of the manor and get a sight of the surroundings and how this place would turn out his another failure when he tried so hard to make it his new home.
He startled when someone put a hand on his shoulder. Nang agad naman niyang tingnan kung sino iyon, nakuha niyang makahinga ng maluwag at natawa na lamang dahil sa kanyang reaksyon. Gayundin si Chieftain Sanguine.
"Nakatulog ka ba ng maayos?" tanong ni Chieftain Sanguine sa binata.
He answered him honestly by shaking his head. The chieftain was confused by his response that's why he immediately explained why the sudden discomfort he had.
"Marami lamang siguro akong inisiip at 'wag niyo na akong intindihan, hindi naman ito makakaapekto sa kung anong kaya kong gawin dito sa manor."
Napailing at natawa na lamang si Chieftain Sanguine. "Hindi mo naman kailangan pilitin ang sarili mong gumawa ng kahit anong bagay dito sa manor. Ang presensya mo lamang sa pakikipagkapwa sa iba't ibang tao ang mahalaga."
Napatango na lamang ang binata. "Iyon po ang gagawin ko. Maasahan niyo po ako."
"Mabuti, maiwan muna kita ngayon at kukumustahin ko lamang ang mga mamamayanan... at ipaaalam sa kanila na maging komportable na sa kanilang paninirahan sa Freymount," pahabol ni Chieftain Sanguine.
"Mabuti nga iyon," pagsang-ayon ni Edmondo. "Mag-iikot lang din muna ako para maging pamilyar sa paligid."
"Lugod kong kinatutuwang nagiging komportable ka sa bayan ko."
Tumango si Edmondo. "Ako rin po."
Nauwi sa tawa ang kanilang usapan hanggat sa napagdesisyunan na ni Chieftain Sanguine ang umalis. Nang muling mapag-isa si Edmondo ay humugot ito ng malalim na hininga bago tuluyang umalis at naglakad-lakad.
Kahit pilit naman niyang inaalis sa isipan ang mga pangyayari nitong nakaraang araw, halos hindi niya kayang takasan iyon. There were so many things running in his head and he couldn't escape to the fact that he was the one who made those crimes. He killed Edwardine then Homer. It wasn't really his intention to kill them, actually he tried to resist the urge and help them but it wasn't enough, he ended up killing both of them.
It was the only way.
And because Freymount wasn't that big, he could roam the town for only thirty minutes without running. He saw Chieftain Sanguine who was talking to his people about the current situation of their town and the way he spoke to them, he thought he was delivering some kind of good news. He immediately turned away and never glanced back at those people. He regret doing that kind of thing.
He might be tagged as a murderer, but he was also a victim, no one just asked him about his situation.
Not that long when he reached the boundary of the Freymount. It was almost out of the town and nobody seemed to try to be around the area. There were trees, tall bushes around, and a single creepy house stood in the middle of the area.
By his curiosity, it rose as to what he expect that no one lives in that house. When he used his super hearing, he heard something inside the creepy house, and that almost gave him a shiver down to his spine. But he wasn't that afraid, he took a step closer to the old-wooden house.
When he made to the doorstep, he raised his hand to knock on the door but he didn't do it, instead, he used his ability to move fast and entered the house. As he expected upon checking the house, he froze and couldn't move upon stepping inside the house.
"What's happening?" he muttered, couldn't guess what happened but then he thought of the witch. "Are you here? I'm sorry for invading your home."
It was all silence. He was sure that it was the witch's doing and he couldn't even move his feet or arms with all his strength. And a moment later, he was right when the witch came out as her hands were tucked behind her.
"I don't like the way you barge into my house. Well, obviously I put a spell so that you could enter the house without being invited. You fell on your own trap, vampire boy," the witch said. When she said that, Edmondo's eyes widened as if a secret he didn't want anyone to know has been called out. The witch laughed at his limited reaction. "Ang akala mo ba hindi ko maamoy ang katulad mo? I'm not just a normal witch. I could tell everyone's action and yours are very different that's why it leads me to the conclusion that you were a vampire."
"Kung papatayin mo ako, gawin mo na," Edmondo said with courage, he didn't even mind if the witch would of pursue killing him. "Hindi iyong marami ka pang sinasabi."
The witch laughed. "Hindi kita gustong patayin," pag-amin nito. "Bagkus sa iniisip mong gusto kitang patayin, gusto pa kitang tulungan. Sa tagal ng panahon ngayon lang muli ako naka-engkwentro ng katulad mong bampira at kung saan ka man galing ay hindi na 'yon mahalaga sa akin. Gusto kitang tulungan."
Napangisi si Edmondo. "Sa kabila ng mga ginawa ko sa bayang ito? Pinatay ko ang dalawang mamamayan sa lugar na ito. Paanong gusto mo pa akong tulungan?"
"Pagtatama ko lamang sa sinabi mo," anito. "Hindi mamamayan ng Freymount ang mga naging biktima mo kaya hindi ko masasabing kalaban ka ng Freymount. Ang mga naging biktima mo ay galing ibang bayan, hindi mamamayan ng Freymount. Hindi kita nakikitang kalaban bagkus mas gusto pa kitang tulungan at gayundin ang gawin mo para sa akin."
Napakunot-noo naman si Edmondo. "Anong ibig mong sabihin?"
"Bilang protektor ng Freymount sa anumang nilalang, kailangan ko ng katuwang sa paglunsad ng kapayaan sa bayang ito at kapalit noon ay tutulungan kita sa kahit anong hilingin mo sa akin. Maaasahan ba kita?"
Puno ng pagdadalawang-isip si Edmondo.Hindi ko alam... nabigla ako sa mga sinabi mo."
Muling natawa ang mangkukulam. "Hindi na kabigla-bigla ang mga salitang binitawan ko. Kung ayaw mong malaman ng maraming tao na ikaw ang suspek sa pagpatay sa mga biktima ay matutulungan kita sa bagay na 'yan. Magiging matiwasay ang pananatili mo rito sa Freymount kung magtutulungan tayo."
"Totoo ba ang mga intensyon mo sa akin?"
"Makukuha ko bang magbiro sa'yo habang nakabato ka diyan?" ani ng mangkukulam. "Totoo ang lahat ng sinasabi ko at panigurado akong hindi ka naliligaw sa pagparito mo sa aking lugar. Hindi ba, tama ako?"
Natahimik pa si Edmondo bago pa tuluyan itong sumagot sa matanda. "Oo... nabahala ako sa mga sinabi mo sa akin at hindi ako pinatulog buong gabi. Gusto kong hayaan ang mga sinabi mo ngunit hindi ko kaya... nagbakasakali lamang akong makita ka at ngayon nagkaharap na tayo."
"Mabuti at nangyari ito," aniya. "Ngayon gusto ko lang marinig sayo ang pagsang-ayon mo sa ating plano..."
Walang nagawa si Edmondo at dahil gusto niya rin lumayo sa gulo ay pumayag na siya sa desisyon ng mangkukulam. Nang binigay niya ang kanyang kasagutan ay tuluyang naalis sa pagiging bato at huminga siya ng malalim. "Salamat..."
"Walang anuman," ani ng mangkukulam. "Ano nga ulit ang pangalan mo bampira?"
"Edmondo," sagot nito.
Tumango-tango naman ang matanda sa kanya. "Masaya akong makilala ka Edmondo. Ako si Esmeralda Escott, ang mangkukulam at protektor ng Freymount."
Naningkit naman ang mga mata ni Edmondo. "Kung ikaw ang protektor ng Freymount, alam ng lahat na isa kang mangkukulam?"
Umiling naman ang mangkukulam. "Hindi. Hindi nila kailangang malaman na ako ang dahilan para dalhin sa kaligtasan at kapayapaan ang bayang ito. Maayos na sa akin na iilan lamang ang nakakikilala sa akin at alam ang presensya ko. Mas mabuting hindi nila ako kilala, mas magagawa ko ng maayos ang trabaho ko. Ikaw, ano ba ang kinatatakot mo maliban sa malaman ng mga tao na ikaw ang suspek sa mga krimeng nangyari?"
Napaisip naman kaagad si Edmondo kung anong isasagot niya sa mangkukulam at isang tao naman kaagad ang pumasok sa kanyang isipan.
"Si Aletheia... hindi ko alam kung anong meron sa kanya pero ayokong malaman niya ang mga nangyari... ayokong lumayo ang loob niya sa akin."
"Iyon lang ba?" Ngiti ng matanda. "mMatutulungan kita sa bagay na 'yan."
Tumalikod ang matanda sa kanya at lumapit ito sa isang table kung saan napupuno ng iba't ibang klaseng bote na may iba't ibang klaseng lamang na kung anong hindi maipaliwanag ni Edmondo. Ilang saglit lang ng humarap muli ito sa kanya at inabot ang isang maliit na bote na naglalaman ng itim na dahon. Napakunot-noo si Edmondo saka kinuha mula sa matanda ang bote.
"Anong gagawin ko rito?"
"Iyan ang gayuma upang mapalinlang mo ang dalaga. Magagawa mong paniwalaan siya sa kahit anong bagay at kahit anong sabihin mo sa kanya matapos inumin ang tubig na sinawsawan ng dahon, magiging matagumpay ang iyong kagustuhan... at isa pa," pahabol ng matandang mangkukulam.
Inilabas naman nito sa kanyang kabilang kamay ang isa muling maliit na bote na may kulay pulang likido.
"At kung gusto mo mapa-ibig sayo ang dalaga, ipatak mo lamang sa kanyang pagkain ang likidong ito at tawagin mo ang kanyang pangalan ng tatlong beses at tiyak, mahuhuli mo ang mga tingin niya. Ikaw na ang bahala kung maniniwala ka o hindi. Subukan mo kung anong mangyayari at kapag nangyari ang inaasahan bumalik ka muli rito at muli tayong mag-uusap..."
Hindi na muli nagsalita si Edmondo at tinanguan na lamang niya ang matanda. Umalis ito sa bahay ng mangkukulam dala-dala ang dalawang maliit na bote. Bagamat nagdadalawang isip sa kakayahan ng mangkukulam ay binalewala na lamang niya iyon dahil wala rin namang masama kung susubukan niya iyon.
Mabilis siyang nakabalik sa manor at nang makita niyang papalabas si Aletheia ng pinto ay mabilis siyang nagtago sa gilid ng manor at tuluyan niyang tinahak ang daan patungo sa kanyang kwarto. Hindi katagalan upang hindi mapaghinalaan ay lumabas si Edmondo mula sa kanyang kwarto at bumaba ng hagdanan nang masilayan siya ni Aletheia roon. Lumapit ang dalaga sa kanya na puno ng pagtataka.
"Saan ka nanggaling?" tanong ng dalaga sa kanya.
Napakunot-noo ang binata sa kanya. "Sa kwarto ko lamang. Ano ba ang iniisip mo?"
Napailing na lamang ang dalaga. "Wala naman... ang akala ko kasi... 'di bale, may gagawin ka ba ngayon at gusto mong mag-ikot -ikot tayo?" Bagamat nagawa na ni Edmondo iyon kanina ay wala siyang nagawa kung hindi ang sumang-ayon. "Sige, magpapalit lamang ako damit, hintayin mo lang ako," pagpapaalam nito.
Nagmadaling kumaripas ang dalaga sa ikalawang palapag. Magpapatuloy na sana siya sa kanyang kwarto nang mapandaan sa kwarto ni Edmondo at dahil hindi makampante, unti-unti niyang tinulak ang pinto papasok hangga't sa mapansin niyang nakabukas ang bintana roon.
Wala siya rito kanina. Bukas ang bintana. Ang sabi niya nasa kwarto lamang siya. Anong meron sayo Mon? Sa isip ni Aletheia.
Tuluyan na niyang pinuntahan ang kanyang kwarto at nagpalit ng masusuot. Hindi maalis sa kanyang pag-iiisip ang nangyari. Hindi niya alam kung bakit kailangan itago iyon ni Edmondo. And at that moment, something drives Aletheia to find out who Edmondo really is.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top