Chapter 20

Hindi maalis sa isipan ni Aletheia ang nakahubad na si Edmondo. Gusto man niyang ibaling sa iba ang atensyon niya, tila bumabalik kung paano niya pagpantasyahan ang katawan nito. It's like a very first time for her to encounter a man who she was attracted physically. Kapag nakakikilala si Aletheia ng mga kalalakihan ay walang namumuwati sa kanila bagkus ay nahanap niya iyon sa lalaking nakilala lamang niya kagabi.

"Ale!" Napalingon ang dalaga sa tumawag sa kanya. Hindi siya sanay kapag may tumatawag sa kanyang nang gano'n. Nakita naman niyang papalapit naman si Homer sa kanya. Itinaas naman siya ng kilay. Nang-aabala lang talaga ang binata. "Hindi ka pa ba matutulog? Malalim na ang gabi."

Ngumiti naman ito ngunit walang sigla. "Hindi pa ako dinadalaw ng antok."

"Kung gano'n, ayos lang ba na makausap ka at makapag-kwentuhan tayong dalawa? Sa tingin ko ay marami-rami tayong mapag-uusapan."

"Gaya ng ano?" Taas kilay nitong tanong sa pinsan.

"Sa mga lalaking nanliligaw sayo. Sa buhay niyo rito sa Freymount at mga pangarap mo sa buhay."

"Bakit ganyan naman ang gusto mong pag-usapan?"

"May naiisip ka pa bang iba?"

"Tinatamad ako mag-isip, Homer."

"Kung gano'n, akong bahala sa usapan. Ikaw ang sagot sa makakain natin."

"Talaga ba?"

Natawa at tumango naman si Homer. "Iyon lang naman ang i-aambag mo. Ayos ba?"

Hindi na umangal si Aletheia at tuluyang tumayo sa kinauupuan. Nilapag niya ang hawak na dyaryo at tumuloy patungo sa kusina. Tiningnan lamang siya ni Homer hanggang sa makarating ito sa kusina. Aletheia doesn't really feel good. Parang ang bigat ng katawan niya kung kumilos at tila ayaw gumalaw ng kanyang katawan at isipin na lamang ang nakita kanina.

When Aletheia's searching for a snack in the cupboard but didn't find something she likes, that's when she found something on the table. The green apples and oranges caught her attention.

Hinugasan naman ni Aletheia ang mansanas at pinunasan ito ng malinis na tuwala saka kumuha ng kutsilyo. Habang hinihiwa niya ang mansanas ay narinig nitong may pumasok sa loob ng kusina. Hindi naman niya inalis ang tingin sa paghihiwa dahil baka masugatan niya pa ang kanyang daliri.

"Ako ng bahala sa pagkain diba? Ano pang ginagawa mo dito?" tanong ni Aletheia.

"Ako ba ang kausap mo?"

Nanlaki ang kanyang mga mata nang marinig niya ang malalim na boses na iyon. She was shocked that when she turned to see him, she mistakenly cut her finger. She dropped the knife on the floor and blood from her finger immediately dripped out. Napatitig ang binata sa dugong pumapatak mula sa sahig. Agad niya rin namang iniwas ang tingin dahil sa tapang ng amoy nito. Aletheia tried to rinse it with some water then Edmondo looked for a clean cloth to cover up the cut. 

But the blood won't stop. He tried to resist himself but he knew if he let her leak it continuously it won't stop. So Edmondo suggested one thing and that's to sip the blood from her finger.

Aletheia flinched when he did that. Edmondo tried not to drink her blood and spit it onto the sink. It took him a few moments when it finally stopped from bleeding.

"Magiging maayos na 'yan, Aletheia. Sa tingin ko makakatulong ko ang pagsipsip ko ng dugo para matigil ang paglabas nito."

"Sa tingin mo? Kanino mo naman 'yan nalaman?" tanong ni Aletheia. "Pero sabagay, iyon din ang nakikita kong ginagawa ng  iba." Napakibit balikat na lang din naman ito habang tinitingnan ang daliri na may hiwa at tumigil nga kahit papaano ang pagtulo ng dugo.

Bakit ko 'yon ginawa? Ani Edmondo sa kanyang isip.

Kakaibang kaba sa dibdib ang nararamdaman niya ngayon at hindi niya alam kung anong gagawin niya. Imposibleng makalimutan niya ang linamnam ng dugo ni Aletheia. If he could just drink it, hindi na niya sana dinura iyon pero ayaw niya lamang masuspetyahan ang kanyang pagkatao. Aletheia's young, pure, and fresh kaya pinipilit niya lamang gumawa ng masama.

"Ano palang gagawin mo rito sa kusina?" tanong ni Aletheia, agad namang humarap si Edmondo pero nakayuko ito. Pinipilit niyang huwag lumabas ang naturang hitsura niya sa pagkalasap muli ng dugo. "Ayos ka lang ba?"

At sa hudyat na iyon, inangat niya ang kanyang ulo. "Ah, oo, ayos lang ako." Ngiti pa nito. Ang lalalim ng bawat hininga nito. Nang mapansin nito ang leeg ng dalaga ay tila nagliwanag sa kanyang mga mata ang matambok na ugat nito. He looked away. Temptations are already testing him.

He can't harm the girl.

He should step away from hurting her.

"Kukuha lang sana ako ng tubig. Hindi ko sinasadyang gulatin ka at mangyari 'yan sayo," paliwanag ni Edmondo sa dalaga. Tila hindi pa ito kuntento sa kanyang naging sagot at mabilis niyang dinugtungan. "Babalik na lang din ako sa kwarto ko. Pasensya na, Aletheia."

"Hindi," pagpigil nito sa binata. "Kumuha ka lang ng tubig diyan, saka 'wag ka ng mahiya dito."

"Salamat..."

"Walang anuman, Edmondo..."

"Ang sabi ko, Mon, 'di ba?"

Natawa naman si Aletheia. "Oo nga pala, pasensya na..."

Pinanood ni Aletheia ang binata na kumuha ng baso at magsalin ng tubig mula sa gripo. When he drinks, his adams apple became very visible as it moves from the motion of his drinking. Tumakas din naman ang tubig sa bibig ng binata kaya nabasa ang suot nitong damit. Iniwas kaagad ni Aletheia ang tingin nang maalala ang nangyari kanina. Napakagat na lamang siya sa kanyang labi at ikinalma ang sarili.

Edmondo smiled after drinking and noticed his wet shirt, natawa na lamang siya doon. Aletheia sneaked her laugh then her face blushed.

"Alam kong marami nang nagsabi sa'yo nito pero ang natural ng iyong kagandahan na hindi na kailangan pang hanapin sa iba."

"Salamat, Mon... pero iba pala kapag nanggaling sayo," halos bulong na lang ang huli niyang sinabi. Kung hindi man narinig ng binata ay uulitin niya iyon. Mas lalo tuloy nag-init ang kanyang mukha. "Oo nga pala, ipagpapatuloy ko na itong ginagawa ko."

"Para saan ba 'yan? Gusto mo bang tulungan na kita?"

"Hindi na, Mon. Tinulungan mo na ako, ayos na 'yon at saka para kay Homer naman ito. Alam kong nakita mo na siya kanina at isa siya sa mga pinsan ko."

"Pinsan?" pagtatanong muli ni Mon. Tumango si Aletheia para sagutin iyon. "Hindi ko inakala..."

"Ang ano?" she was clueless. "'Di bale, salamat ulit, Mon."

"Babalik na ako sa kwarto ko, Aletheia..." kanyang pagpapaalam. Nang tumungo naman palabas ang binata ay nakasalubong nito si Homer at napahinto sa paglalakad. Tinanguan niya ito at binati. "Ako nga pala si Mon at ikaw si Homer?" tanong nito at tango lamang ang sagot sa kanya ng pinsan ng dalaga. "Kung hinahanap mo si Aletheia ay nasa kusina lamang siya. Papanik na ako sa aking kwarto." Tinapik ni Edmondo ang balikat ng binata at saka tumuloy patungo sa ikalawang palapag.

Nang puntahan ni Homer si Aletheia ay nakita niya itong hirap na hirap sa paghihiwa ng prutas nang mapansin nitong iniiwas ng dalaga ang daliri. Agad nitong napagtanto kung anong nangyari.

"Sinaktan ka ba ng lalaking iyon?" agad niyang pag-aakusa.

Napailing at kunot-noo ang dalaga. "Anong pinagsasabi mo?"

"Iyong si Mon. Sinaktan ka ba niya? Bakit ka may sugat sa daliri mo?"

Binitawan ni Aletheia ang kutsilyo at napabuntong-hininga. "Ano ba sa tingin mo ang ginagawa ko, Homer? Hinahanda ko ang pagkain na sinasabi mo at nahiwa ko ang sarili ko. Tinulungan ako ni Mon para patigilin ang pagtulo ng dugo. Hindi niya ako sinaktan. Sa tingin ko, hindi niya kayang gawin 'yon."

"Sa tingin mo?"

Tumango si Aletheia. Determinado.

"Ikaw bahala. Ngayon, 'wag mo na lang ituloy 'yan at sa susunod na lamang tayo mag-usap. Kailangan ko na rin matulog dahil maaga pa ang magiging ganap ko bukas. Matutulog na ako, Aletheia..."

"Pagkatapos kong masaktan saka natin 'to ititigil?" aniya. "Pero 'di bale, matutulog na rin ako."

"Magkita tayo bukas!"

"Sige, Homer. Hindi ako mawawala dahil ako ang inatasan ng ama ko na tulungan ka," pag-iirap pa nito.

Natawa na lang din naman si Homer at saka tuluyang lumabas ng kusina at tumungo sa kanyang kwarto sa ikalawang palapag. Bago pa man siya tuluyang pumasok sa kanyang kwarto ay pumasok sa isipan nito ang silipin ang lalaki sa kwartong iyon. When he got a hold of the doorknob, he was surprised that it wasn't even locked. He slowly pushed it, to find out that there's no one inside. It's just a small room, madaling makita kung sino man ang nanunuluyan sa kwarto. Hindi niya nakita ang binata.

He shrugged off and had the idea to roam around his room. When he walked around the surroundings, there's nothing weird or different with it. It is just a normal room with a single bed. And when the thought came into his head that he should look under the bed, he was correct with it, because he found something that a person like him shouldn't have. He reached for the shirt and when he grabbed it and get it out under the bed. He hanged it in the air and noticed some dry blood on it.

He startled when the door suddenly closed. He turned around to see what happened and there he found Edmondo with his eyes darkened and surrounded by veins. Homer got terrified when he saw Edmondo's sharp teeth and pigments of blood on the side of his lips.

"Sa pagkakaalam ko ay mali ang pumasok sa kwarto ng ibang tao nang walang paalam," panimula ni Edmondo. "Mali ang taong ikinaharap mo, Homer." Ngisi pa ni Edmondo at nanlantang gulay na lamang ang mga binti ni Homer dahil sa sobrang takot.

***

Nagising si Aletheia na walang inaalala. Naging maganda rin ang kanyang tulog kaya naisip niyang magiging maganda ang buong araw para sa kanya. Magta-trabaho siya buong araw kaya nararapat lamang na gawing positibo ang kanyang paggising.

Pagkalabas niya ng kwarto ay agad niyang pinuntahan ang kwarto ni Homer. Kinatok niya ng ilang beses ang pinto ngunit walang sumasagot sa kanya. Napaisip naman siya na baka'y nauna na ito at iniwan siya.

Napabuntong-hininga naman siya dahil napag-usapan nilang magsasabay silang dalawa para maasikaso nila ng sabay ang gaganaping pagdiriwang. Pero hindi, iniwan siya nito. Hahanapin na lang niya ito kung sakali.

Nang madaanan niya ang kwarto ni Edmondo ay bahagya siyang natigilin. Naglakad siya palapit sa pinto at aakmang kakatok pero hindi niya iyon itinuloy. Lumayo siya sa pinto dahil sa tingin niya'y magiging abala pa siya sa pagtulog nito. Ayaw niya rin naman magpahalata na gusto niyang maging ang binata.

Aletheia started preparing for herself until she left their home to go to work. Pagkalabas pa lamang niya ng bahay nila ay napansin na niya ang kumpulan ng mga tao, hindi kalayuan sa kanila pero may kalapitan ito sa kagubatan.

Nakapalibot ang mga tao ro'n nang makarating siya at sinilip kung anong pinag-uusapan nilang lahat. Dahil sa kuryusidad na malaman ay pinilit niyang siyasatin ang balita. Umagang-umaga ay ganito ang kanyang masasaksihan.

Binigyan naman ng espasyo ng mga tao si Aletheia upang makita ang nangyayari. Naningkit pa ang kanyang mata nang tumapon iyon sa lupa kung nasaan ang kanilang pinag-uusapan. Nakita na lamang niya ang na duguan ang katawan nito at halos wasak ang dibdib. Nakadilat pa ang binata na parang hindi inaasahan ang pangyayari.

"Homer..." pagbanggit ni Aletheia. Binalot naman siya ng takot sa buong katawan.

Napaluhod si Aletheia sa lupa habang pinapatawag niya sa mga tao ang kanyang ama. Mayamaya lamang ay dumating si Edmondo na nakatingin sa kanya. Iniwas niya ang kanyang tingin sa binata at hindi na mapigilan ang umiyak dahil sa takot at pagkagulat.

Nang dumating ang mga magulang ni Aletheia ay tumambad din sa kanila ang wala nang buhay na si Homer.  Nabalot din ng takoy ang ina ni Aletheia habang napuno naman ng pangamba ang kanyang ama. Mas ikinabahala pa nila na wala na ang puso ni Homer sa knayang katawan.

Hindi pa rin makapaniwala si Aletheia kaya niyakap na lamang niya ang kanyang ina. Nang subukan niyang hanapin si Edmondo sa paligid ay wala na ito. 

Takot at pangamba rin ang bumalot sa mga mamamayan ng Freymount nang umabot ito sa mga iba't ibang tahanan. Nababahala sila na baka may mangyaring masama rin sa kanila. Matapos ang malagim na pangyayari kay Edwardine ay ito naman ang sinapit ng kanilang bayan. 

Ngayong araw din dapat ay maghahandog si Homer bilang isang tagapaghandog sa isang patimpalak pero hindi na iyon mangyayari pa.

Agad namang ipinaalam ng pamilyang Saguine ang sinapit ng kanilang pamangkin. Idinala ang bangkay ni Homer pabalik sa kanilang bayan. Bagamat malaking pangamba na umabot pa ito sa ibang bayan, kailangan pa ring malaman ng pamilya ni Homer ang nangyari sa kanilang anak.

Ang iniisip ng iba ay isang malaking hayop ang lumapa kay Homer at gayundin ang pag-atake noon kay Edwardine at Edmond sa gitna ng kagubatan.

Pero ang hindi alam ng iba ay kasa-kasama na nila ang totoong may sala.

Hindi maalis ni Aletheia sa isipa ng lahat ng mga nangyayari. Dugo at ang nawawalang puso ni Homer ang magiging batayan niya para malaman kung ano o sino ang may kagagawan nito. Hindi pa man niya alam kung paano ito gagawin ay gagawa siya ng paraan para mas ma-protektahan niya ang kanyang bayan.

Hindi lang ganda ang natatangi kay Aletheia kung hindi ang pagmalalasakit at pamgmamahal sa bayan.

***

REMINDER:

If you might've guessed, every 5s ay bumabalik ang timeline sa 1843 at other chapters ay from the present time. I hope it won't make you confused. But if you have some questions, feel free to leave them here and I'll answer them as soon as possible.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top