Chapter 10
1843, Freymount Town
This town doesn't sleep when strange activities infiltrated their area. This is the first time since then so it was a lot of pressure for everyone. Sa masayang selebrasyon na idinaraos kaninag ay biglang naputol sa hindi inaasahang pangyayari. Ang lahat ng mga katanungan at kuryusidad nila pagkauwi ng kanilang mga tahanan ay nanatiling isang katanungan. At ang inaalalang panganib ay nanatili sa kanilang mga dibdib.
Unti-unting minulat ni Aletheia ang kanyang mga mata. Nang mapansin nitong wala na siya sa infirmary ay dahan-dahan siyang napabangon muli sa pagkakahiga. Doon niya lang na-realize kung nasaan na siya. Nasa sariling kwarto na niya ito at napansing ibang damit na rin ang kanyang suot—naalala niya iyon mula sa nangyari kagabi. Nakita niya ang kanyang traja de meztiza sa basket kung nasaan ang mga maruruming labada. Her bloody dress was there and it reminded her once again what happened last night.
She gasped at the thought of what happened to the two guys. Ang estranghero at si Edwardine.
Tumayo si Alethia sa kanyang kama at tinahak ang daan papunta sa pinto. Bago pa man niya mabuksan ang pintuan ay may kumatok doon. Natigilan siya ng ilang saglit, ilang beses itong napakurap at saka pinagbuksan ito ng pinto.
Bumungad sa kanya ang kanilang kasambahay, tila nagkagulatan pa ang dalawa.
"Hija, saan ka pupunta? Ayos na ba ang pakiramdam mo?" nag-aalalang tanong nito sa dalaga.
Dali-dali namang tumango ito. "Opo. Maayos naman na po ang pakiramdam ko."
"Mabuti kung gano'n. Dinalhan kita ng sabaw upang mainitan ang iyong sikmura at gamot na rin."
"Hindi na po," pagtanggi ni Aletheia. "Pupuntahan ko na lang po ang mga magulang ko..."
"Pero Aletheia..."
Humugot naman ng hininga ang dalaga. "Ayos na naman po ako. Nakapagpahinga na ako at hindi niyo na kailangan mag-alala pa. Hindi naman ako ang kailangan niyong alalahanin dito," aniya, napakunot-noo naman ang kasambahay. Hindi naman direktang sinagot ng dalaga ang kuryusidad ng kasambahay bagamat ay nagpaalam na ito at iniwang nakatayo sa tapat ng pinto ng kwarto niya.
Hinanap ni Aletheia ang daan patungo sa kwarto ng kanyang mga magulang. As she scurried her way to their door, she couldn't help, but to think all the things that had happened last night. Bakit siya nilipat ng kwarto? Kung mababantayan siya sa infirmary? O dahil hindi lang kampante ang kanyang mga magulang na kasama nang kanilang anak ang isang estrangherona mistulang naging hudyat sa insidenteng nangyari.
When she made it to her parent's room, she stopped upon entering the room when she heard both of them exchanging not-so-good words and she thought, it's not a good thing to interrupt. Nanatili siya sa ganoong posisyon, mali man ang kanyang ginagawa pero pinili niyang manatili at pakinggan ang pinag-uusapan ng kanyang magulang.
"Hindi ko nagustuhan ang nangyari kagabi. Isang malaking pagkakamali at masamang imahe ang dala nito sa Freymount! Ano na lamang ang sasabihin ko sa aking mga tao gayong nararamdaman nilang hindi sila ligtas?" banas na utas ni Chieftain Sanguine, hindi nito lubos maisip ang insidenteng lubos nakaapekto sa kanyang imahe.
Inabot naman ng kanyang asawa ang kamay nito. Hindi nito hinayaan na sumabay sa galit na nararamdaman ng asawa nito bagamat ibinalanse na lamang niya ang kanilang sitwasyon. "Hindi dahil hindi mo naagapan ang insidente, ibigsabihin na no'n ay hindi mo na natugunan ang iyong responsibilidad. Walang nakakaalam sa mangyayari. Tila nangyari ang lahat sa pangyayaring hindi inaasahan ng lahat."
Humugot ng malalim ang chieftain. "Hindi mapapagaan ng pagiging walang sala ko ang pangyayaring iyon. Nando'n si Aletheia. Ididikit nila iyon sa pangalan at trabaho ko."
"Alam ko at ikinababahala ko rin iyon pero isipin mo ang magiging kinabukasan ng Freymount. Baguhin mo ang pananaw ng mga tao. 'Wag mo silang hayaan na manatili sa paniniwalang hindi sila ligtas sa panunungkulan mo. 'Wag mong hayaang sirain ng isang gabing insidente ang ilang taon mong paninilbihan sa bayang ito."
Mula sa pakikinig ni Aletheia, napapaikot na lamang ang kanyang mata habang pinapakinggan ang mga palitan ng kanilang salita. They always wanted to cover up whatever lies they are doing. Aletheia has to follow them and she has to obey them because her image is also relevant.
"Hindi ko lang mapapatawad ang sarili ko... si Edwardine..." ani Chieftain Sanguine. Niyakap naman ito ng kanyang asawa upang mapalubag ang loob ng kanyang nararamdaman.
Namintig naman ang tainga ni Aletheia ng marinig ang pangalan ng binata. Mabilis rin niyang naalala ang nangyari dito. Magkasama lamang sila kagabi hangga't sa tumuloy silang dalawa sa kagubutan dahil sa kakaibang presensya na kanilang naramdaman. Ang naalala na lamang ni Aletheia ay ang sugatang estranghero at ang walang malay na si Edwardine.
"Hindi mo kasalanan ang pagkamatay ni Edwardine..." may bakas na lungkot ang boses ng asawa nito sa kanyang pahayag. Hindi pa rin ito lubos matanggap ni Chieftain Sanguine dahil hindi dapat iyon mangyari. Lalo na sa gabi nang pagdiriwang ng kanyang kaarawan.
Edwardine... bulong ni Aletheia nang marinig mula sa bibig ng kanyang magulang ang pagkawala nito. Hindi na ito nagdalawang isip at lumabas mula sa kanyang pagkakatago. Madali niyang napasok ang kwarto ng kanyang magulang at agad namang napansin ang kanyang presensya. Bakas ang gulat sa kanilang mukha nang makita ang anak ngunit hindi maipaliwanag ang mukha ng dalaga. Hindi siya naniniwala sa narinig niyang balita.
"Totoo ba ang narinig ko?" kanyang pagtatanong, nanatiling tahimik ang mga magulang niya. "Paanong wala na si Edwardine?"
Dali-daling siyang nilapitan ng kanyang ina at inabot ang mga kamay. "Hindi rin namin inaasahan ang balitang iyon, Aletheia. Kahit kami ay nagulat nang ibalita sa amin iyon."
"P-Pero paano nangyari?" nauutal nitong pagtatanong.
"Pabalik na sana ang kanilang pamilya sa kanilang bayan upang doon tuluyang magpagaling si Edwardine ngunit sa pagkakataon na kanilang ilalabas ito ng kwarto ay napansin nila ang pamumutla at ang pagtigil ng paghinga nito."
"Isa pa sa dahilan nito ay pagkaubos ng dugo nito sa katawan..." paliwanag ng kanyang ina.
Napailing na lamang si Aletheia. "Hindi kapani-paniwala."
"Kahit ako. Dahil kapag nagsimulang kumalat ang pagkamatay ni Edwardine ay magiging sangkot ang pangalan ng Freymount at masisira na ang imahe ng ating bayan."
Mabilis namang hinagod ng asawa nito ang likod ng kanyang mister. Napabunton-hininga na lamang si Aletheia. Hindi niya inaasahan na aabot sa punto nang pagkawala ng binata. Nang tumalikod si Aletheia at paalis na ng kanilang kwarto ay muli siyang tinawag ng kanyang ama.
"Saan ka pupunta, Aletheia?"
"Sa enfermarya. Kukumustahin ko lamang ang binata roon."
Dahan-dahan namang tumango ang kanyang ama. "Mag-iingat ka. Mamaya ay kakausapin din namin ang estrangherong iyon at baka masagot niya ang ilan sa mga katanungan namin."
Tumango na lamang siya at tuluyan ng lumabas ng kwarto.
Hindi pa rin makapaniwala si Aletheia sa sinapit ni Edwardine. And she doesn't want to feel the guilt of not immediately calling for help. But she's also putting in her mind that she has helped him get out of the woods rather than leaving him rotting in the middle of the forest. She just couldn't believe that the person she has known for a few hours would end up dead.
Nang tumuloy si Aletheia sa enfermarya, sinalubong naman siya ng ilang manggagamot doon at tinanong ang kanyang kondisyon. Dahil sa sagot nitong maayos na ang pakiramdam niya ay nakahinga naman ng maluwag ang mga iyon. Itinanong niya rin kung nasaan at anong lagay ng estranghero tinulungan niya rin kagabi. Idinala naman siya doon at sa pagkakatanda niya ay doon din siya idinala upang bigyan sila ng lunas.
Nang marating niya ang kwarto ay nadatnan niya ang estranghero na nagsusuot ng kanyang sapatos. Napatingin naman ito sa direksyon ni Aletheia at siyang umayos ng pagkakaupo.
"Aalis ka na?" mabilis na tanong ni Aletheia habang naglalakad papalapit sa kanya.
Tumango naman ang binata.
"Maayos na ba ang pakiramdam mo?" muling tanong ng dalaga ngunit tango na lamang ang nakuha niyang sagot sa binata, natapaas ang kanyang kilay. "Nakatulog ka ba ng maayos?" dagdag pa nito. Tila pinapahaba lamang niya ang usapan.
At sa huli, tango na lamang ang kanyang natanggap.
"Alam kong nakakapagsalita ka dahil narinig kong nagsalita ka kagabi. Bakit bigla kang naging pipi ngayon?"
"Hindi lang ako komportable," sagot nito sa kanya.
"Kanino? Sa akin ba?" taka niyang tanong dito.
Umiling naman ang binata. "Hindi sa gano'n, bagkus nagpapasalamat pa nga ako sa iyo dahil tinulungan mo ako. Kung hindi dahil sayo, nanuyo na siguro sa kagubutan..."
"Walang anuman. Mabuti na lamang ay maayos ka na bagamat si Edwardine ay..." hindi na niya naituloy ang kanyang sasabihin ngunit naintindihan agad ng estranghero ang nais nitong iparating.
"Narinig ko nga ang balitang iyon." Iwas tingin nitong dalaga, "Pasensya na."
Naningkit ang mga mata ni Aletheia. "Paano mo naman nasabi 'yan? Wala ka namang kinalaman sa pagkamatay ni Edwardine..."
"Kung siya sana ang inuna mong iligtas at hindi ako, panigurado'y siya ang kasama mo ngayon," aniya. "Hindi rin ako magtatagal sa inyong lugar."
"Mukhang hindi mangyayari ang gusto mo," ani Aletheia na nagpatigil sa binata.
Napakunot ang estranghero sa kanya.
"Dahil sa insidente kagabi hindi hahayaan ng ama ko na makalusot iyon. Kailangan ka niya. Ikaw lamang ang makakasagot sa mga tanong niya. Kahit ako ay gusto kitang tanungin pero baka nakakabastos sa'yo ang intensyon kong iyon."
"Kung gayon... mananatili pa ako sa bayang ito?"
Tumango si Aletheia sa kanya. "Mukhang gano'n na nga at hayaan mo munang gumaling ang mga sugat na natamo mo kagabi. Humilom na ba?" tanong niya sa binata ngunit pasimple naman itong lumapit at inangat ang kanyang pang-itaas na damit. Bahagyang napakunot-noo si Aletheia nang mapansin walang galos, bakas ng sugat ang kanyang balat. Agad na binaba ng binata ang kanyang damit. "Paanong nangyaring naghilom kaagad ang sugat mo?" hindi niya makapaniwalang tanong.
Kibit-balikat naman ang sagot sa kanya ng binata. "Siguro'y dahil sa gamot na binigay sa akin ng manggagamot niyo ay humilom kaagad."
Hindi man makapaniwala ay hinayaan na lang ni Aletheia ang kanyang nakita. "Kung hindi mo mamasamain, paano ka napadpad sa kagubatan ng Freymount?"
Hindi ito sumagot bagkus ay malalalim ang tingin nito sa ibang direksyon. Nang kalabitin niya ang binata ay tila bumalik ito sa kanyang ulirat. Ngunit iling na lamang ang naging tugon sa kanya.
"Isa pa pala. May nakita ka bang kakaiba kagabi sa kagubatan?" sa kanyang tanong ay mabilis na tumapon ang atensyon ng binata sa kanya. "Kaya lamang kami pumasok ni Edwardine sa gubat dahil sa kakaibang presensya na naramdaman namin doon."
"Matapang na dalaga..." usal nito.
Napahagikgik naman si Aletheia. "Wala lang talaga akong kinatatakutan." Napangisi naman ang binata sa kanya. "Dahil sa ambisyon kong makita kung anong meron doon ay wala akong nakita kung hindi ang walang malay na si Edwardine na naligo sa sarili niyang dugo. Hindi nagtagal noon ay ikaw naman ang nakita ko. Anong meron sa kagubatang iyon?"
"Isang agresibong hayop?" kanyang pagpapalagay. "Hindi ko sigurado."
"Hindi rin naman ako sigurado diyan. Malimit lamang ang mga taong nagpupunta sa gubat. Maliban sa mga mangangaso ay wala ng iba."
"Bakit ka pala napunta dito sa enfermarya?" pag-iiba nito ng usapan.
"Nakakapagtaka lang dahil kagabi lamang ay dito ako nagpahinga at pagkagising ko ay nasa kwarto na ako. At saka gusto ko rin malaman ang kondisyon mo at base sa nakita ko mukhang maayos na nga ang lagay mo."
Tumango naman muli ito sa kanya. "Salamat sa pagtulong mo sa akin kagabi at saksi ako sa pagbuhat ng ama mo sayo sa paglipat sa iyong kwarto. At ano nga ang iyong nasabi na kakausapin ako ng iyong ama?"
"Oo, tama!" ani Aletheia. "Kakausapin ka lamang niya at ilang katanungan din ang ibabato niya sa'yo. Papayuhan lang kita ng kaunti. Sabihin mo lang kung anong totoong nangyari. Hindi naman mahigpit ang aking ama pero pagdating sa kanyang bayan ay doon magkakatalo ang kanyang desisyon."
"Masusunod. Salamat muli." Isang ngiti ang namutawi sa labi ng binata. "Kung maaari ba ay maglakad-lakad muna ako habang hinihintay ko ang ama mo?"
"Oo naman." Nang tumayo ito ay doon niya lang napansin ang labis na tangkad nito. Muli niya ring tinawag ang atensyon nito. "Ano nga palang pangalan mo?"
"Edmondo. Ngunit mas madali na tawag sa akin ay Mon." Ngiti nito sa dalaga.
"Ilang taon ka na?" tanong ni Aletheia.
Mga ilang sandali pa bago nito sagutin ng binata. "Labing-pitong taong gulang.
"Pareho pala tayo. Masaya akong makilala ka Mon," kanyang pagbati sa binata. "Ako nga pala si Aletheia." Kanyang inabot ang kamay nito at sa hindi niya inaasahang pag-abot ng binata sa kanyang kamay ay inamoy ito at saka hinalikan.
Nagpaalam naman si Mon at naglakas palayo kay Aletheia saka tuluyang makalabas ng enfermarya. Tila hindi rin naalis sa labi ng dalaga ang kakaibang ngiti. Bumalot sa kanya ang kakaibang pakiramdam. Sa pagtitig ng kanilang mga mata ay hindi inaasahan ni Aletheia ang pagbulusok ng kakaibang damdamin sa kanyang dibdib.
The girl who has been trying to mate with anyone think she found someone who will hold her hand, but he's still a stranger, and yet, the perfect girl like Aletheia falls to a man like him. And who knows, he could be the one... and not to the dead-man Edwardine after all.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top