Xx // Death's Twisted Story
"Love has the power to create and destroy us. Just like death."
~ R. Mariano
~ ~ ~ WALANG BOOK 2.
TITIK TITIK!
Napabalikwas sa upuan si Ash nang tumunog ang kanyang Death Gadget. Napakunot ang kanyang noo nang lumingon siya kay Boss na kumakain ng ice cream. Nang magkatinginan sila, alam na ni Boss na nanghihingi ng sagot si Ash.
"Oras na," simpleng sabi ni Boss nang ubusin niya ang ice cream.
Kumunot ang noo ni Ash. "Ngayon na?"
"Napatagal na nga ang extension niya."
"Kukuhanin ko siya?" tanong ni Ash.
Ngumisi si Boss. "Ako ang kukuha sa kanya."
Nagkatinginan si Boss at Ash ngunit ngumiti lang si Boss at sa isang iglap lang, napunta na siya sa emergency room. Pinagmasdan ni Boss ang paligid ng kwarto. Puno ng aparato at mga taong nagkakagulo sa kwarto.
Lumipad siya papalapit sa babaeng pinagkakaguluhan ng mga nars at doktor. Nakapikit ang babae at mukhang payapa ang pagtulog. Mukhang ayos na ang dalaga.
"Okay na siya, doc!" sigaw ng isang nars.
Napangiti ang doktor nang mastable nila ang kalagayan ng pasyente. Lumabas ang doktor para sabihin sa mga naghihintay ang magandang balita.
Umiling si Boss dahil sa katangahan ng mga mortal. Hinawakan niya ang dalaga sa pisngi, pinapatikim ang kamatayan nang mapangiti siya sa pag galaw ng babae. Napadiin ang pagpikit nito na tila ba natatakot at nasasaktan sa kanyang hawak.
"Masakit ba ang malaman biglaan ang lahat ng hinagpis?" Natatawa si Boss habang inaalala ang lahat. "Ang lahat ng katangahang nagawa mo na mauuwi dito?"
Ang buhay. Ang kasunduan. Ang kamatayan. Ang nakaraan. Ang hinaharap. Ang memoryang nawala at ang memoryang nagbalik. Ang hinagpis ng kaluluwa at kung gaano ito kasarap para sa kamatayan. Lahat ay umayon sa plano niya.
"Sabi ko naman sayo," bulong ng kamatayan. "Sa akin ka pa rin sa huli."
Hinawakan ni Boss ang dibdib ng dalaga nang naglulumaban ang kaluluwa nito. Ayaw ng dalaga umalis. Ayaw niyang sumama sa kamatayan. Gusto nitong manatili kung saan ang mga taong mahal niya.
Ngunit hindi papatinag si Boss. "Pasensya na pero masyado nang huli ang pagsisisi mo."
Itinapat ni Boss ang bibig sa bibig ng dalaga at inangkin ang kaluluwang puno ng hinagpis. Nagkagulo muli sa kwarto nang makitang nahihirapan at nagwawala ang puso ng pasyente.
"Anong nangyayari?!"
Ngumingisi lamang si Boss habang pinagpapatuloy ang ginagawa. Masaya siya. Pinaghirapan niya ito. Ang pinaka paborito niyang kaluluwa na inalagaan niya nang halos ilang taon ay sa wakas, mapapa sa kanya na.
"Paalam, mahal na prinsesa."
"Doc, yung pasyente!" sigaw ng isang nars na lumabas ng emergency room.
Lumingon si Boss nang dumating ang doktor mula sa labas. Hindi lang iyon dahil pumasok din sa loob ang lalaking nagmamahal sa dalagang nagmamay-ari ng paborito niyang kaluluwa. Mahigpit ang hawak nito sa singsing na nakatapat sa dibdib. Napansin niyang tila wasak na wasak na ang pagkatao ng binata. Nasa labas din ang mga kasamahan nito sa banda.
Umalingawngaw sa buong kwarto ang matinis na tunog ng makinang nagpakita ng isang tuwid at berdeng linya.
Napangisi si Boss nang makita ang paghinto ng mundo ng binata. Nakatingin lang ang binata sa katawan ng babaeng minamahal nito. Lumipad ang kamatayan palapit sa binata at bumulong habang nagliliwanag ng pula ang mga mata.
"Kayo naman sa susunod."
~ ~ ~ END ~ ~ ~
WALANG PART 2.
This ending is dedicated to you. Thank you for reading TTLS and sticking with me 'til the end. :)
Mga tanong. Bakit? Saan? Ano? Sino? Anyare? Click external link for Questions and Spoilers. Warning: Mahabang babasahin. Lahat ng tanong ng mga readers, halos nasagot na doon. Pahirapan.com pero nag enjoy ako sagutan ang mga tanong niyo! At nabaliw ako dahil kausap ko ang sarili ko.
Kung hindi makita ang external link, punta na lang sa page: fb.com/plsptsya at hanapin ang picture na may matang nagliliwanag na red.
Thank you for reading TTLS. The story finally ends here.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top