After Effects of TTLS

Nasabi ko na bang ang TTLS ay paborito kong kwento na nasulat ko as of now? Sa katunayan, thesis ko ay tungkol sa suicide dahil kay Ces. Inaaral ko ang suicide dahil kay Ces! Emergehd.

So medyo nire-read ko 'yung last few pages ng TTLS at binasa ko rin 'yung comments.

Karamihan ng comments ay. . .

"Hindi ko nagets!"

"Ang gulo"

"ANO RAW?"

"Nawala na ata ako"

Alam ko. Kasalanan ko ito. Don't worry dahil aayusin ko ito as much as I can.

Tapos sa ending puro. . .

"BITIN!!!!!"

"Sobrang tragic! <////3"

"Akala ko pa naman may twist pa rin dahil twisted love story pero biglang wala. nakakadisappoint huhu Lyric!!!! :((("

Ay. Hahahaha hindi ko tuloy alam kung ayos lang ba 'yun or what. But anyway, may kwento ako. Ituloy kung interesado sa kwento ko.

Naisip ko na ring bigyan ng happy ending sina Ces at Lyric. Why not? They deserve it, right? Pero kung happy ending ito, ano pang saysay ni Boss? Ano pang saysay ng kamatayan? Ano pang saysay ng mga ginawa kong foreshadowing kung biglang manlalambot ang puso ni Boss at sasabihing "Oh well, love conquers all including death nga naman sige happy ending para everybody happy yay!" di ba?

So no. No 'happy' ending.

Plus may nabasa ako tungkol sa ending. na yung mga supposed to be tragic ending stories na binigyan ng 'panibagong ending' for a happy ending eh hindi magaling manindigan na writer. Kasi natatakot daw ang mga nagbibigay ng 2 endings na layasan ng reader.

Alam kong maraming nainis sa akin sa ending. At nilayasan ako.

Hindi siya bitin para sa akin. If you read chapter 56, ayun na 'yung mga ending nila. Kung gusto mo ng ending ni Lyric, nandun sa ch59. Kaya ayun lang. . .medyo stress yung nagsasabi ng 'bitin'. Alam mo 'yung habaan mo man ang update o iklian, bitin pa rin sa readers hehehehe.

And no. Walang part 2. Sequel. Prequel and side stories.

Nandito ako ngayon para magets niyo ang point ko.

"Tragic" ending nga raw itong TTLS kasi walang naging masaya kundi si Boss. Nakakainis nga kasi hindi deserve ni Lyric at Ces ang nangyari. Nakakabwisit dahil ang cliche at hindi pa sinagad ang 'twist' hanggang ending. Naging predictable  daw ang ending.

Now, hear me.

May napanood ako (months after ko matapos ang TTLS). Corpse Party. Spoiler ito sa anime pero sa may ending kasi, sobrang stress ako. As in hindi ko alam 'yung mafifeel ko kasi alam mo ung ending na lang, namatay pa yung peyborit character ko? In a bloody way? Pero kung iisiping mabuti, namatay siya dahil sa selfless act niya. Yet katangahan.

Yung moment na 'yun sa ending, sobrang napa "Wat" ako. As in nganga. As in wala akong maisip. Wala akong mapa.. . basta! Alam niyo yun. yung feeling na shet hindi ako makamove on grabe ituuuu. Sobrang tatak sa isip ko 'yung nangyaring 'yun to the point na kahit 2 weeks ago ko pa pinanood yun, sobrang fresh pa rin sa isip ko ang nangyari kung ikukwento ko man ngayon.

Tragic ending siya. Nabaliw pa nga 'yung isang girl eh. Tapos walang closure sa nangyari dun sa isa pang naligtas. To think na 9 silang magkakaibigan, tatlo silang nakabalik pero ung isa (peyborit ko), kamay na lang 'yung natira.

YEAH. KAMAY. Akswali braso eh. Duguan pa. ANG SAKET DI BA?!?!?! 

TRAGIC SIYA. Walang dahilan ang kamatayan nung ibang characters pero sobrang. . . ganda. Nagandahan ako. Nasaktan kasi ako eh. Nashock ako. Napasabi ako ng "SHIT ANG GANDA" kahit tragic after 10 minutes ng nganga moment ko pagtapos ng anime.

At yun ang gusto ko sa mga stories ko (yung tragic hahah chos). Yung na-feel ko sa ending ng Corpse Party, ganun na ganun ung ideal kong reaksyon ng readers sa TTLS ending. Yung "shock" moment at can't move on na natagumpayan ko naman kahit papaano (ata?).

So yeah, mabago man ang mga scenes at kung anu-ano pa, hindi na mababago ang ending. Pasensya na.

Hindi ko sasabihin ang I write to express blah blah pero sinulat ko ito kasi gusto ko ichallenge sarili ko. Gusto ko ipakita sa iba na kaya kong manindigan. Gusto ko isulat ang kwentong gusto ko mabasa.

:)

PS: hindi ko po kinuha sa corpse party ang ttls. napanood ko ang corpse party a few weeks AFTER i finished TTLS.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top