9 // Her Own Nightmare

"They've promised that dreams can come true - but forgot to mention that nightmares are dreams, too." 
— Oscar Wilde

~ ~ ~

 

“Break na tayo.”

 

Naramdaman ni Ces na halos maubos ang dugo sa katawan niya nang marinig ang mga salitang iniiwasan niyang marinig. Napaupo siya nang wala sa oras nang manghina ang mga tuhod.

 

“A-ano?”

 

“Hindi ka ba nakikinig?” Kitang-kita ni Ces ang pagkairita at kasamaan sa mukha ni Lyle.

 

“Teka!” Nagsusumamo man, hinakawan niya si Lyle sa binti bago pa malakad palayo ito, na para bang isang asong iiwan ng kanyang amo. “Huwag naman ganito, Lyle please, huwag ganito—mahal na mahal kita!”

 

Napangiti si Lyle sa narinig kaya naman imbis na lumayo ay umupo ito para maabot si Ces na nakaupo sa sahig. Nanlambot ang buong katawan ni Ces nang hawakan ni Lyle ang kanyang pisngi at ipahid ang hinlalaki para alisin ang mga luha rito.

 

“I love you,” nakangiting sabi ni Lyle at wala pang ilang segundo, napangiti ulit si Ces hanggang sa. . . “Naniwala ka naman?! Don't be stupid!” Bago pa maka-react si Ces ay Itinulak siya ni Lyle at tumayo. Nakangisi itong nakatingin sa kanya. Napansin na lang niyang tumatawa ang mga popular people at nagsisigawan ng “Tanga! Bobo! Feeling! Eww!”

 

“Ang boring mo,” ito ang huling binanggit ni Lyle bago ito naglakad palayo, ang mga salitang parang kutsilyo kung tumusok sa pagkatao niya. Dahil sa boring siya, nakipag-break sa kanya ang prinsipe niya.

 

“Huwag, Lyle. . . ” Dumaloy muli ang mga luha sa kanyang mga pisngi. Pinipilit makatayo ni Ces ngunit pinipigilan siya nina Marla na itinuring niyang kaibigan. Tinutulak siya, sinasabunutan at pinagsasasampal-sampal na para bang isa siyang hayop. “Bitiwan niyo ako! Lyle! Huwag kang umalis, Lyle!”

 

Kahit ano pang lakas ng sigaw niya ay hindi pa rin lumilingon ang binata. Hindi siya pinapakinggan. “Lyle, huwag! Huwag!  HUWAAAAGG!”

 

* * *

 

Napadilat si Ces at pinagmasdan ang madilim na paligid ng papag na hinihigaan. Ang bigat ng buong katawan ng dalaga na para bang may dumadagan sa kanya. Tagaktak din ang pawis niya sa buong katawan kahit tutok na tutok ang electric fan sa kanya. Hindi rin nakaligtas ang mga mata niyang hindi mapigilan ang paglabas ng luha.

Isang panaginip. . . hindi, isa itong bangungot. . . na naman.

Sa tuwing natutulog si Ces ay napapanaginipan niya si Lyle na nakikipaghiwalay sa kanya. Laging ganoon ang pangyayari and it was so scary—nakakatakot dahil habang palapit nang palapit ang monthsary nila ni Lyle, para bang pa-realistic nang pa-realistic ang bangungot niya—parang totoo. Parang. . . mangyayari.

Umiwas si Ces sa pagtulog dahil natatakot siyang makita ulit ang senaryong 'yun; hindi niya kakayanin. Hindi rin naman niya kinakaya ang puyat at pagod kaya apektado rin ang ibang aspeto ng buhay niya.

* * *

“Anong nangyari, Ms. Flores? Bakit bagsak ka sa quiz natin?” Ito ang tanong ng professor niya sa Filipino. Paborito siya ng guro niyang 'yun dahil siya lang ang nakikinig dito at matataas ang grado nito sa mga activities at quizzes pero dahil sobrang pagod ang utak ng dalaga, hindi na siya makapag-aral nang matiwasay.

“W-wala po,” nakayukong sabi ni Ces. Nagsalita pa ang guro niya pero hindi na rin niya naintindihan ang mga sinasabi nito dahil sa totoo lang, wala na siyang naiintindihan sa lahat.

* * *

 “Aray!”

“Ces!” Napasigaw sa pag-alala si Marky nang makita niyang nabuhos ni Ces ang mainit na kape sa pantalon ng customer nila.

“S-sorry po!” Kitang-kita kay Ces ang pagkataranta nang ma-realize niyang natapunan niya ng napakainit na kape ang customer nila. It was the first time for her para magkamali nang ganoon. Nag-panic siya kaya naman ay nabunggo niya ang isang stante na muntikan nng makabasag sa glass window ng shop kung hindi ito nasalo ng customer.

“Ces! Ano’ng nangyayari sa'yo?!” Agad na inalalayan ni Marky ang kaibigan. “Maupo ka nga muna d'yan!” Tulad ng sinabi ni Marky ay umupo si Ces. Nakakaramdam siya ng hilo dahil sa kulang na tulog nitong mga nakaraang araw. “Wait lang sa yelo, sir. Teka!”

Nakatitig lang si Ces kay Marky na natataranta na rin sa pag-aasikaso sa napaso nilang customer. Ramdam naman ni Ces ang panginginig ng kanyang mga kamay dahil kitang-kita ang pagyanig ng baso na hawak-hawak niya.

Kahit sa pisikal na mga gawain, hindi na rin kinakaya ng katawan niya.

***

“Huwag mo akong iwan, Lyle!”

And for the nth time, napanaginipan na naman niya ang senaryong 'yun. Paulit-ulit, parang sirang plaka na unti-unting sumisira sa utak at katawan ni Ces. Napapikat siya nANg ma-realize niyang. . . monthsary na nila.

Tinignan ni Ces ang kanyang cellphone para makita kung ano’ng oras na pero nagwala ang puso niya nang makita ang pangalan ni Lyle na sinasabing may new message galing rito.

Let’s talk later, okay?

 

 

Talk? Anong ‘talk’? Hindi na mawala sa utak ni Ces ang nabasa. Anong klaseng talk? Anong klaseng pag-uusap? Friendly talk ba ito? Getting to know each other talk o. . . that talk, ang iniiwasan ni Ces na ‘usap’.

 

Hindi mapakali ang dalaga. Buong araw siyang nasa cake shop ngayon dahil Sunday; marami ang bumibili. Hindi rin siya mabawasan ng kaba dahil tawag nang tawag si Lyle. Naaasar na nga si Marky dahil todo vibrate ang cellphone ni Ces.

“Kung ayaw mo siyang kausap, puwede pakipatay na 'yung phone? Nakakairita na 'yung vibratio—“ Naputol ang sasabihin ni Marky nang magbukas ang pintuan ng cake shop at may isang babaeng nagtingin ng mga cake. “Good afternoon, ma'am. Ano po’ng gusto niyo?”

 

Napatingin naman si Ces sa cellphone niya na kung tao lang ito at nakakapagsalita, malamang ay minura na siya dahil pagod na pagod na ito. Minu-minuto ba namang mag-vibrate, sino’ng hindi mapapagod?

Tumigil sandali ang vibration ng kanyang cellphone kaya naman kinuha niya ito para tingnan: maraming missed calls na sinadya niyang “i-miss” sagutin at ilang messages na sinasabing ‘pick-up the phone’ or ‘hey, talk to me’ at ‘are you mad?’ na may kasamang sad face ‘:(‘.

Naglakas ng loob si Ces para mag-reply at humingi ng tawad dahil sobrang busy lang siya sa cake shop. Well, totoo naman na busy siya—at nasa cake shop siya. . . hindi lang siya ‘sobrang’ busy para hindi mapansin ang mga tawag at text ni Lyle.

Hindi naman na nag-reply o tumawag si Lyle kay Ces. Nakahinga nang maayos si Ces rito pero natatakot rin siya na baka nagsawa na ang lalaki kaya kahit wala nang break-up, maghanap na ito ng iba.

Wala siyang masabihan ng pangyayari o problema niya dahil natatakot siyang magalit si Marky kay Lyle—wala naman siyang ibang close kung hindi si Marky at kung si Erich naman ang kakausapin niya, mas pipiliin niyang wala na lang kausapin. No thanks na lang.

Dumating na ang gabi. May isang lalaking naka-suit na itim na parang businessman ang dating ang pumasok sa cake shop. Nakakapagtaka rin dahil naka-shades ito kahit gabi na.

“Yes, sir?” nakangiting bati ni Ces ngunit kitang -ita sa mga mata nito ang pagod mentally, physically at emotionally.

“I’ll buy all the cakes here in this shop,” dahan-dahang sinabi ng lalaki.

“Sige po, wait la—ANO PO?” Nanlaki nang kaunti ang mga mata ni Ces sa narinig. Dumating naman si Marky na kakagaling lang sa CR. “Bibilhin ninyo po lahat?”

“Bibilhin lahat?” pagtataka ni Marky.

“Yes, I'll buy all of it and you're Princess, right?” Nagkatinginan sina Marky at Ces na para bang nagtaka, natakot at nahiwagahan sila sa lalaking ito. “Dahil nabili ko na ang lahat ng cake, siguradong may oras ka na.”

“Pero. . . aabot sa sampung libo ang lahat ng ca—” Napatigil si Marky sa pagpapaliwanag nang maglabas ng pera ang lalaki, madami-daming papel na kulay asul na may tatlong tao each.

“I'll buy it all, please, and miss Princes—”

“Ces po. Twagin niyo akong Ces.” Hindi mapakali si Ces dahil gusto niyang tumatawag sa kanya ng princess ay ang prinsipe niya. . . lang. “Saka, sino po ba kay—”

Napatigil sina Ces at Marky nang tumunog ang chimes ng kanilang pintuan at tumambad ang isang lalaki na matangkad, guwapo—at nagpapatibok ng puso ni Ces. “Si—Si—L-Lyle,” rinig na bulong ni Marky.

Yumuko ang lalaking naka-suit kay Lyle. “Master, nabili ko na po ang lahat ng cake. Ang tagal po—” Nakita nina Marky ang pagtungo ni Lyle para tumigil sa pagpapaliwanag ang businessman-kuno.

“Hi, Princess.” Lumapit si Lyle kay Ces. Nagkatinginan ang dalawang magkaibigan na babae sa isa't isa, may kaba na nararamdaman pero hindi mapaliwanag na ngiti ang makikita sa labi ng mga ito. Hinawakan ng binata ang kamay ni Ces. “Let’s talk?”

* * *

Nakasakay si Ces habang katabi si Lyle sa likod ng limousine na minamaneho ni Mr. Businessman-kuno na bumili ng mga cakes. Speaking of cake, ang lahat ng cake na binili ni Lyle ay ipadadala sa mga charity foundation para sa mga bata—plus pogi points.

Hinawakan ni Lyle ang kamay ni Ces na naging dahilan ng pagtalon ng puso ng dalaga. Naramdaman niyang lumapit si Lyle sa kanyang tainga at bumulong ng, “Happy monthsary.”

Nangilabot ang buong katawan ni Ces sa narinig. It was so sweet—sobrang nakakaakit pero hindi rin naman mawala sa kanya ang takot na baka patibong lang ito at baka iwan siya ni Lyle pagkatapos ng gabing ito.

“S-saan ba tayo pupunta?” Nakapiring din ang mga mata ni Ces kaya kinakabahan siya sa kung ano ang masasaksihan niya pagkatanggal ng piring na 'to.

“Basta. Trust me.”

Tumigil na sila sa paglalakad. Inalalayan siya ni Lyle, magkahawak ang mga kamay at halos magkayakap na dahil para bang ayaw siyang pakawalan ng binata. “Are you ready?” Tumango lang si Ces at pagkatanggal ng piring sa kanyang mga mata, everything dropped—pati ang puso niya, sobrang nalaglag na.

“L-Lyle. . . “

“Happy monthsary, Princess.” Hinalikan siya ni Lyle sa mga labi at halos mangatog na ang buo niyang katawan sa kilig na nararamdaman.

Cliché man o sobrang gasgas, ang nasa harapan niya ngayon ay isang lamesa na may dalawang upuan, some romantic candles at the center of the table, isang romantic ambiance na mayroon pang tumutugtog ng harp sa hindi kalayuan. Nagulat pa siya nang bigyan siya ng bouquet of flowers ng binata. Kinikilabutan siya—no, hindi sa takot. Kinikilabutan siya dahil totoong nangyayari ito at hindi isang panaginip o pantasya.

“A-akala ko. . . Akala ko.” Napatakip ng bibig si Ces sa dami ng nararamdaman niya—gulat, saya, takot, pagtataka—halu-halong nararamdaman dahil hindi talaga siya makapaniwala.

“Akala mo ano?”

“Akala ko...” Napatingin si Ces kay Lyle. Kita ang pagtataka sa mukha ng binata. “Akala ko makikipag-break ka sa akin.”

“Ha?” Nanlaki ang mga mata ng binata na parang nagulat ito sa pinagsasabi ni Ces, na para bang imposibleng mangyari ang sinasabi ng dalaga. “Ano’ng pinagsasasabi mo? Saan mo napulot 'yan?”

Magkatinginan silang dalawa, nakatayo habang may tugtog na sobrang sarap sa pakiramdam na feeling ni Ces ay sobrang in love siya. “K-kasi, 'yung sa one month, one girl—tapos ang boring ko pang tao, hindi ako maganda, wala akong maipagmamalaki, hindi ko alam, masyado kang mataas para sa akin tapos 'yung mga fans m—hmm!”

Walang sabi-sabing hinalikan ni Lyle si Ces nang buo sa mga labi. Hindi tulad ng kanina na dampi, naramdaman ni Ces na gumalaw ang mga labi ng binata. Hindi niya alam ang gagawin—nanlalaki ang mga mata niya sa gulat dahil sa ginawa ng boyfriend.

Hinawakan ni Lyle si Ces sa mukha at para bang gina-guide ito para sumunod sa kanya upang gumalaw rin. Hinayaan naman 'yun ni Ces at napapikit nang maramdaman niyang dumampi ang dila ng binata sa kanyang dila.

Napasinghap siya sa naramdaman. Parang kinuryente ang buo niyang katawan nang magtama ang mga dila nila pero hindi rin naman 'yun nagtagal dahil humiwalay rin si Lyle—pero hindi ganoon kalayo ang pagitan ng mga mukha nila.

Kita naman ang ngiti sa mga labi ng binata. “You’re so silly thinking of those things. Ang cute mo.”

* * *

Has Lyle changed his motto from “One month, one girl” to “forever nerdy”?

Hindi natin maipagkakaila na ang pagkakaroon ng ating Lyle ng isang girlfriend na nerd ay nambulabog sa buong Lycitizen. Maraming natuwa dahil nag-feeling na ang mga feelingera na may chance na rin sila kay baby Lyle dahil nga pumatol ito sa hindi naman ka-pretty-han at kabog to the highest level. Pero chorva kayo. Ano’ng say niyo kay ate na biglang blossom ang kagandahan sa kalagitnaan? Nagparetoke lang?! Pero girls and gays, natatandaan niyo ba ang pustahan natin na hindi magtatagal si nerd na maging girlfriend si Lyle natin? Pero ano itech? Ano itech na nababalitaan kong—lagpas na sila ng one month?! 

HUWAT?!

 

Ang chaka-chikadora ng Lycitizen ng Pilipinas,
LyLabsQitah

Dito na yata nagsisimula ang pagbabago ni Casanova Prince para kay Nobody Girl. She was happy. . . very happy. Nagsitaasan lalo ang grades ng dalaga sa sobrang pagkainspired. Mahal siya ng lalaking mahal siya. That's all that matters.

Hanggang sa isang araw, habang itina-type ni Ces ang na-formulate nila ng boyfriend niya para sa kanilang research, biglang nag-vibrate ang kanyang cellphone Masaya at madaling kinuha ni Ces ang cellphone sa kanang higaan pero pagkabukas niya ng message, para bang nanlumo ang buong pagkatao niya.

A-ano ‘to, Lyle?

~ ~ ~

Author's Note:
Masaya akong binabasa niyo ang TTLS ng buong puso. Masaya ako kasi kahit na less dialogue at more on narration ito eh binabasa niyo pa rin at hindi nag iiskip, thank you. :)

Dedicated to Kaycee o tots ko. Bakit sa kanya eh hindi naman niya to binabasa at busy forever siya? Kasi hindi pa ata ako nakakapag dedicate sa kanya ng kahit anong story o chapter pero sobrang idol ko siya forever. Siya kasi 'yung author na sobrang light at talino ng mga stories, sobrang nakakaaliw. idol ko siya forever guys so ayun, dedicated sa kanya 'to kahit parang wala namang kwenta tong chapter hahahaha! But anyway, tots. . . thank you sa paniniwala sa akin lalo na sa mga book covers, salamat sa mga tulong at sa mga stories na nilaan mo para sa akin. :">

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top