61 // Their Last Page
"Fairy tales have a habit of ending too soon. They never show what happens afterwards when the prince and princess ride off the page."
— Kate Morton
~ ~ ~
Ito ang hinihintay ng lahat.
Pagkatapos ng mga nangyaring trahedya. Paglagas ng kanilang pamilya. Pagkatapos ng lahat ng sakit, luha at dugong dumanak.
Nakatayo na sa stage ang MyuSick. Facing their crowd. Sharing their song to the world.
"Para sa'yo to Notario!" sigaw ni Lyric.
Nagsimulang tumugtog si Melo gamit ang gitara ni Note. Pumalo na rin si Pitch sa kanyang drums at nagsimulang mag gitara si Ces.
♪♫ Our heart's gotta beat this battle
Our heart's gotta win this war
What's living if we're killing?
And what are we dying for?
Kahit patapos na ang outdoor concert nila, hindi pa rin nauubos ang energy ng mga nanonood at nakikinig. Naghihiyawan at nakikisabay ang mga tao—lalaki, babae, matanda o bata. Lahat ramdam ang saya na dinudulot ng musika ng MyuSick.
♪♫ See the sights of what's wrong and what's right
Fill your cup cause I'm up for a good fight
Rally your troops together
We call to arms tonight
Ang kapayapaan ng gabi ay tumataliwas sa concert ng MyuSick. Matapos ang pagwasak ng mga puso nila sa mga nakaraang taon na nakalipas, hindi mapapantayan ang saya na nararamdaman nila dahil sa suporta ng mga dumalo ngayong gabi.
♪♫ Army of love
Ang biggest concert ng MyuSick.
Matatapos na ang kanta ni Lyric nang lumapit siya kay Ces. Nagkatinginan sila saglit at nagkangitian. Hinawakan ni Lyric ang pisngi ni Ces at halos mabingi na sila sa sigawan ng mga tao.
Bumilis ang tibok ng puso ni Ces nang hawakan ni Lyric ang kanyang pisngi at unti-unting nilapit hanggang sa umepal ang fireworks sa gilid at likuran ng stage. Tuwang tuwa ang mga tao sa pasabog ng outdoor concert ng MyuSick.
Natawa si Ces at lumayo kay Lyric. Ibinigay nito ang bass guitar sa binata at kinuha ang mic. Napasimangot si Lyric kaya tinapik ni Ces ang mukha ng binata at bumulong ng "mamaya."
Nagsimulang tumugtog ng panibagong beat. Malakas ang pagpalo ni Pitch na sumasabay sa malalakas na fireworks sa gilid at likuran ng stage. Nagsimula na rin si Melo at kahit malungkot si Lyric sa biglang pag entra ng fireworks ay nagsimula na rin siyang magstrum.
♪♫ Got a mouth full of words,
But nothing to say
If you could've seen
How I looked yesterday
A hopeless disaster
But I'm getting better
At being faster
Naghiyawan ang mga tao. Rinig na rinig ang sigawan at pagsabay nila sa kanta. Nakatayo ang mga tao at nakataas ang kamay para makisabay sa musika.
Natapos na rin ang fireworks ngunit hindi nabawasan ang enerhiya sa concert.
♪♫ Is there any other way
To live your life
Than to throw it all way
And cut the ties?
Were they really holding us
In place to begin with?
Pinagbawalan ang mga electronics sa concert dahil delikado at ayaw ng MyuSick na ang tanging gawin lang ng mga tao ay video-han sila at picture-an. They want the people to enjoy their music. May mga nagkalat namang photographers at nagvivideo.
♪♫ Who are you judging anyway?
It's my neck on the line
Ibinuhos ni Ces ang buong lakas niya sa pagkanta para maramdaman ng mga tao ang saya na dulot ng musika sa kanilang buhay. Pagkatingin niya sa kanyang mga kabanda ay tila ibinibigay rin ng mga ito ang lahat para sa concert na ito.
♪♫ Say goodbye to everything
Pagkabigkas pa lang ni Ces ng unang linya sa chorus, biglang bumuhos ang ulan. Napatingin siya kay Manager Lily na nasa gilid ng stage na nakathumbs up sa kanya. Nandoon din si Princess na naging kaibigan ng MyuSick nitong mga nakaraang buwan. Tumingin siya sa floor manager na tumango lang upang ituloy niya ang kanta.
♪♫ Forget your regrets
They're better left behind
Say goodbye to whispering uncertainty
Naghiyawan lalo ang mga tao sa ulan na bumuhos. Nagtatalon sila at nakikisabay sa kanta. Hindi naging hadlang ang ulan para matigil ang buong concert.
Lahat ng tao sa concert ay humiyaw sa saya.
♪♫ What's holding us back
Is keeping us alive.
Natatakpan ang stage ng bubong ngunit may mga pangilan-ngilang ulan na pumapasok sa stage kaya nababasa rin sila. Ngunit parang napaghandaan na ata ito ng mga nag set up ng stage dahil hindi sila pinatigil.
♪♫ Shut your mouth
And start to believe
Oh excuses, excuses
That I don't need,
If it's me you're after
Well, how about a straight answer?
Lumapit si Ces sa mga tao at kahit nababasa na siya ay nakipagkantahan pa rin siya sa mga audience. Sobrang saya ng feeling ni Ces dahil alam na alam ng mga tao ang lyrics ng kanta nila—at sumasabay ang mga ito sa kanila.
♪♫ We don't have all the day
We don't have all year
Put it into one
And out the other ear
Were you ever listening at all?
Pumunta si Ces sa gitna ng stage sa may lilim upang hindi mabasa nang sobra ang mic at wires kahit mukhang wala rin namang magagawa ang ulan para masira ang pinaka masayang concert sa buong taon.
♪♫ Who are you judging anyway?
It's my neck on the line
Tumigil sa pagkanta si Ces at itinutok ang mic sa mga tao. Hindi na niya kailangan iutos sa mga nakikinig na kumanta dahil kusa na ang mga ito—at lalong lumakas pa ang pagkanta at hiyawan.
♪♫ Say goodbye to everything
Forget your regrets
They're better left behind
Say goodbye to whispering uncertainty
What's holding us back
Is keeping us alive, alive
Pagkatapos ng kanta ay ang pag hinto ng ulan.
♪♫ Oh, it's the only thing that's keeping us alive.
Sigawan ang mga tao. Nagtipon tipon sa gitna ang MyuSick—kitang kita ang ngiti ni Lyric, Melo at kahit si Pitch. Nagyakapan silang tatlo habang nakataas ang kanang kamay sa kalangitan at sabay-sabay na sumigaw.
"Para sa MyuSick!"
* * *
Natapos ang concert nang naiwan ang mga tao na may saya. Nag trend ang concert sa twitter ng halos tatlong araw dahil sa nangyari. Naging usapan ng lahat ang concert nila habang ang MyuSick ay piniling huminga muna at magchill ng ilang araw.
Nagbabasa lamang si Ces ng libro sa sofa habang sa kabila naman ay si Lyric na natutulog nang magring ang cellphone niya. Napatingin siya sa nakabukas ng TV nang pumukaw sa atensyon niya sa balitang nangyayari sa kasalukuyan.
Isang lalaking nasa itaas ng billboard. Napatitig siya sa TV habang nag sasalita ang reporter hanggang sa ilang sandali lang, nagulo ang camera nang tumalon ang lalaki. Napaka bilis ng mga pangyayari nang lumapit ang camera ilang metro ang layo sa lalaki.
". . . tumalon siya!" sabi ng reporter sa TV.
Titig na titig siya sa TV nang may mapansin siyang isang lalaki na nakatayo sa tabi ng nakahandusay sa lupa. Napansin niyang nakaitim itong hood at tila walang nagpapaalis sa lalaking iyon sa lugar. Napantingin si Ces sa kanyang cellphone nang tumunog ito.
Ngunit pagbalik ng tingin ni Ces sa TV, wala na ang lalaking nakahood.
Nagtaka pa siya nang kaunti sa nangyari ngunit napangiti nang sagutin ang tawag ni Marky. Nawala lang ang ngiti niya nang marinig na humihikbi si Marky sa kabilang linya.
"C-Ces. . . Hindi ko na kaya."
Kahit gabi na, hindi napigilan ni Ces na umalis ng bahay upang puntahan ang kaibigan. Hindi siya nagpaalam kahit kanino—kahit kay Lyric na natutulog lang sa katabing sofa. Hinalikan lang niya ang noo nito at umalis na.
Naglalakad siya sa subdivision papunta sa labasan upang makasakay at mapuntahan si Marky. Alam niya na may something wrong sa kaibigan. Two months ago, noong nagpunta si Marky sa ospital para puntahan siya ay alam niyang may problema.
At sigurado siyang may kinalaman si Matt doon.
Ngunit habang palapit nang palapit sa labasan ng subdivision, gumagapang ang takot sa kanyang katawan. Naririnig niyang may mga taong naglalakad sa kanyang likuran pagkalabas pa lang niya ng bahay. Iniisip niya na baka kasabayan lang niya ang mga ito palabas kaya hindi niya pinansin hanggang sa lumingon siya at nakita ang dalawang pamilyar na lalaki.
"Hi," sabi ng lalaking may sleeve tattoo.
Nanlaki ang mga mata ni Ces at bago pa makasigaw ay naramdaman niyang may matulis na bagay na tumutusok sa kanyang leeg. Tinakpan nito ang bibig niya at hinila siya sa tagong lugar.
Nararamdaman na niya ang sakit ng pagkakatusok sa kanya ng kutsilyo sa leeg ng lalaki sa kanyang likuran. Natawa nang kaunti ang may sleeve tattoo na lalaki.
"Kailangan siya ng buhay ni pinuno," sabi nito.
Hindi nakikita ni Ces ang lalaki sa likuran niya ngunit naramdaman niyang inilayo nito nang kaunti ang kutsilyo sa kanyang leeg. "Pasensya. Eksayted lang."
Nagsusumigaw siya ngunit alam niyang wala lang iyon kaya nanahimik siya. Pinagmasdan niya ng mabuti ang lalaking may sleeve tattoo na kinuha ang puting kotse. Sinakay siya ng humahawak sa kanya sa likuran. Nang makita niya ang lalaking tumusok sa kanyang leeg, alam na niya kung anong nangyayari.
Gangsters.
Mga ka-frat ni Note—at hindi nagkakamali si Ces na ang lalaking humawak sa kanya ay ang lalaking kinwelyuhan ni Note noong huling TV guesting ng MyuSick na buo pa sila. At silang dalawa rin ang nakita niya sa audience noong nag tv guesting sila ni Lyric sa TV something.
Ginapos ang dalawa niyang kamay at paa. Hindi rin siya makasigaw at makapagsalita dahil tinakpan ng napaka higpit na panyo ang kanyang bibig. Tinitiis din niya ang sakit at kirot ng kanyang leeg na tinusok ng lalaki.
Nasa driver's seat ang naka sleeve tattoo habang ang isa naman ay nakatingin sa kanya mula sa front row habang nakangisi.
"Sa tingin mo, papayag kaya si Pinuno kung galawin muna natin siya?" tanong nito sa kasamahan na nagdadrive.
"Yan? Hindi naman maganda. Ganyan tipo mo?"
Natawa nang kaunti ang dalawa. "Iniisip ko lang baka kasi masikip. Pwede naman patay ang ilaw para di ko makita mukha."
Nag tawanan at kwentuhan pa ang mga lalaki habang hirap na hirap si Ces sa kanyang sitwasyon. Napatingin siya sa cellphone niyang nasa bulsa ng kanyang pantalon. Ilang oras siya natahimik habang pinipilit kuhanin ang cellphone, i-unlock at tawagan si Lyric. Nang matawagan niya si Lyric at narinig ang boses ng binata na nag'hello', biglang tumigil ang kotse.
Halos mamatay si Ces sa sobrang kaba. Kahit sobrang sakit sa braso at balikat, pinilit niyang kuhanin ang cellphone at nilagay sa bulsa ng hoodie niya. Naririnig pa rin niya ang paghello ni Lyric sa cellphone nang buksan ng lalaking nakasleeve tattoo ang pinto at hinatak siya palabas.
"Nandito na tayo," nakangiting sabi nito.
Tumingin siya sa paligid—hindi sa isang warehouse ang pinuntahan nila. Hindi rin sa isang barong-barong. Sa katunayan, ang laki ng bahay na pinuntahan nila—may swimming pool pa at mga ilaw sa labas.
Kinaladkad siya papasok ng dalawang lalaki hawak ang kanyang buhok. Hindi siya makatayo at makagalaw dahil sa gapos ng kanyang katawan kaya't nasisira na ang pantalon niya. Sobrang sakit na rin ng kanyang katawan sa pagtama nito sa mga bato na tila walang pakielam ang mga lalaki sa kanya.
Pagpasok sa malaking bahay ay tinayo siya ng lalaki at binuhat para ilaglag sa sofa.
Hindi siya makakilos sa sobrang sakit ng katawan. Napapikit siya habang pinapakiramdaman ang bilis ng tibok ng kanyang puso. Hilong hilo na siya sa sobrang sakit ng katawan at anit. Mabuti na lang ay malambot ang sofa pero napadilat siya nang may humawak sa kanyang pisngi.
Sumigaw siya dahil sa lalaking sobrang lapit sa kanya. Natakot siya nang makita ang lalaki na may sunog sa kaliwang bahagi ng pisngi.
Ngumisi ang lalaki sa kanya at inalalayan ang dalaga para makaupo.
"Hi, kamusta?" tanong ng lalaki.
Hindi nagsalita si Ces nang tumingin siya sa paligid. May isang lalaking kumakain ng chichirya sa katabing sofa. Sa kabila naman ay nakita niya ang dumakip sa kanya na umiinom ng tubig sa may kusina habang nagkukwentuhan.
"Pasensya na sa mga 'to, hindi marunong tumanggap ng mga bisita," nakangiting sabi ng lalaking may sunog sa pisngi. Tumingin sa paligid ang lalaki at tumango sa mga lalaki na naging dahilan para umalis ang mga tao. Naiwan siya kasama ang lalaki. "Ikaw si Ces, hindi ba?"
Nakatingin lang si Ces—hindi nagsasalita at hindi kumikibo ngunit kumakapit ang takot sa kanyang puso.
Ngumiti ang lalaki sa kanyang harap ngunit kahit maamo ang mukha nito ay natatakot pa rin si Ces dahil sa sunog ng mukha nito. At sa mga mata nitong nakatitig sa kanya na parang isang salita lang niya ay kakainin na siya nito ng buhay.
"Ah, kaya pala hindi ka makapagsalita. May takip ang bibig mo." Hindi pa rin nawala ang ngiti ng lalaki nang tanggalin nito ang panyong nakatakip sa bibig ni Ces.
Naramdaman ng dalaga ang hapdi sa kanyang bibig dahil sa higpit ng pagkakatali. Huminga siya gamit ang mga bibig ngunit hindi pa rin siya nagsasalita.
"Huwag kang matakot sa akin. Isa lang naman ang kailangan ko," sabi ng lalaki.
Kumunot ang noo ni Ces at naglakas loob na nagsalita, "sino ka?"
"Ay, kailangan ba ng introductions?" Tumango ang lalaki sa likuran ni Ces. Hindi na nagulat si Ces nang may humawak sa kanyang balikat at minasahe siya. "Hindi mo na kailangan malaman ang pangalan ko pero. . ." umupo ang lalaki sa harap ni Ces. "Tawag sa akin ng mga bata ko ay Pinuno."
"Pinuno?"
"Oo Ces, at ako bilang Pinuno ay nalulungkot dahil sa kawalanghiyaang nagawa ng isa sa mga bata ko," sabi nito. "May isang bata na tinakbuhan ako kahit nangako siyang babalik. Nagawa pa niya ito sa gwapo kong mukha," malungkot na sabi ng lalaking si Pinuno nang hakawan ang pisngi nitong may sunog. "Gusto ko sanang pagbayarin siya."
Kinakabahan na si Ces nang maupo sa tabi niya ang lalaking pamilyar sa kanya na kasama ng lalaking may tattoo sleeve. Ngumiti ito sa kanya at napapikit siya nang hawakan siya nito sa hita at nagawa pang pisil-pisilin ang kanyang balat.
"A-Anong kailangan niyo sa akin?" nanghihinang sabi ni Ces nang nakapikit.
"Alam mo kasi, 'yung bata kong iniwan kami, hindi man lang naging thankful," panimula ng pinuno. "Ako ang nagkupkop sa kanya noong mga panahong nag-eemo siya. Tapos ako sisisihin niya noong napatay niya ang kapatid niya? Ang gago hindi ba?"
Nagtawanan ang mga lalaki sa paligid. Hindi niya nakikita ang mga ito ngunit alam niyang nakapalibot lang ang mga tao sa buong bahay. Humigpit din ang pagmasahe sa kanyang balikat na kaunti na lang ay pakiramdam niya'y mababali na ang kanyang balikat.
"Ang gusto ko lang naman ay pera. Hindi naman 'yun kawalan sa kanya dahil sikat na siya. Pero ano? Tinakbuhan na nga kami, iniwan kami at nagawa pa niya ito sa mukha ko. Nasaan na nga ba 'yung batang 'yun?" tanong ng Pinuno sa lalaki sa likuran ni Ces. "Asan na si Notario?"
Natawa nang kaunti ang lalaking nasa tabi ni Ces. Narinig din niya ang tawa ng lalaking nagmamasahe sa kanya.
"Patay na siya Pinuno. Isang taon na."
Napailing ang Pinuno at natawa nang kaunti. "Hah, tingnan mo nga naman. Nang iwan na talaga nang tuluyan? Pasensya na, hindi ako masyadong informed sa mga showbiz balita."
"Wala akong pera," mariing sabi ni Ces.
Ngumisi ang Pinuno at tumayo papalapit kay Ces. Kung tutuusin, may itsura nga ang lalaking ito kung hindi lang sa sunog sa pisngi. Marahil ay kasing edad lang din ang mga ito o mas bata pa nga ata. Nang ilang pulgada na lamang ang layo nila sa isa't isa, napatitig si Ces sa mga mata ni Pinuno at nakaramdam siya nang takot.
"Oo, ikaw—wala. Pero 'yung taong nakikinig sa atin, siguradong mayroon."
Napakunot ang noo ni Ces at nagulat na lamang siya nang hawakan siya ng lalaki sa kanyang dibdib at dumausdos sa bulsa ng kanyang hoodie. Ngumisi ang lalaki nang ilabas nito ang cellphone.
Hindi nakapagpigil si Ces at dinuruan niya ang mukha ng lalaki. Napasigaw siya nang hilahin ng Pinuno ang kanyang buhok at tinayo para ihagis sa kabilang sofa.
"Gago ka ah, anong karapatan mo para duraan ako?!" naiiritang sabi ng Pinuno.
Hinihingal si Ces at nanghihina na rin ang kanyang katawan. Nang tatayo na siya ulit ay hinatak siya ng isang lalaki at pinaupo sa sofa. Halos baliin na ang buto niya sa balikat.
Nakatingin lamang si Ces sa Pinuno habang nakangiting inilapit ang cellphone sa tainga. "Hello?" sabi ng Pinuno ngunit inilayo rin nito ang cellphone sa tainga sa sigaw na narinig mula sa kabilang linya.
"Medyo masakit sa tainga ang sigaw ng lalaking ito ah?" natatawang sabi ng Pinuno.
Ilang sandali lang ay nilapit ulit ng Pinuno ang cellphone. Napapangiwi pa ito dahil nabibingi na ito sa mga sigaw.
"Ouch, wait. Chill ka lang bro," natatawang sabi ng Pinuno.
Nagpupumiglas si Ces ngunit hindi siya makalaban sa lalaking hawak siya sa balikat. Pumikit siya at nagdasal. Nagdasal na sana ay masamang panaginip lang ang lahat.
"Limang milyon. Isang oras lang ang ibibigay ko. 2am sa likuran ng Keng's Night Out. Kapag umabot ng 2:01am, hindi ko maipapangakong may buhay pa kayong madadatnan. At dahil sobrang galit ka, naiisip ko na ikaw 'yung magpapakasal sa babaeng ito, tama? Lyric Yue?"
Dumilat si Ces at tiningnan ang Pinuno na nakangisi pa rin habang kausap ang tao sa telepono.
"Malalaman mong nandoon kami kapag may nakita kang puting kotse. Huwag ka mag-alala, tumutupad kami sa usapan. Kung binabalak mong magdala ng kung sino man lalo na ang mga pulis?" Tumawa ang Pinuno. "Alam mo na kung anong mangyayari."
Gustong sumigaw ni Ces pero alam niyang walang magagawa ang kanyang sigaw. She's just silently praying. Hoping that God will grant her wish. Na sana masamang panaginip lang ito.
"Ah, gusto mo siya makausap? Ano sa tingin mo dahilan para pumayag akong kausapin mo siya?" nakangiting sabi ng Pinuno habang nakatingin kay Ces. "Kausapin mo siya pag nadala mo na ang pera!" sigaw ng Pinuno at binato ang cellphone sa pader na naging dahilan upang magkapira-piraso ang cellphone.
Lumapit ang lalaking kumidnap sa kanya. Ang lalaking kinwelyuhan ni Note. Ang lalaking humawak sa kanyang hita kani-kanina lang. "Uminom ka muna," sabi nito.
Umuling siya at inilayo ang mukha sa baso ngunit pinipilit pa rin ng lalaki ang baso sa kanya. Halos mabasa na ang buo niyang katawan dahil sa natapon na tubig. Muntikan na rin siyang malunod sa pagpilit sa kanya hanggang sa maubo na at mainom ang ilang tubig sa baso.
Nanlalabo na ang kanyang mga mata nang maramdamang nag-iinit na ang kanyang pakiramdam. Nakita niya ang pagngisi ng Pinuno at napansing may nilagay ito sa bulsa ng pantalon.
Ilang sandali lang, nawalan na siya ng malay.
Ang tanging naririnig lamang ni Ces ay ang pagtawa ng isang bata sa kanyang isip.
Pagkagising niya, ang tahimik ng paligid. Nakagapos pa rin ang buo niyang katawan ngunit walang takip ang kanyang bibig. Umaandar ang kotse ng kinahihigaan niya. Madilim ang buong paligid at sobrang pawisan na rin siya. Sa sobrang sikip, alam niyang nasa isang kahon siya o kaya naman ay nasa likuran ng kotse.
Hilong hilo si Ces kahit na tumigil na ang kotse. Narinig niyang bumaba ang ilang mga tao sa kotse at parang lumapit sa kinalalagyan niya. "Andyan na sila Pinuno."
Narinig niya ang malakas na paghampas sa parte niya na muntikan na siyang mapasigaw sa takot. Sobrang kinakabahan na siya nang mapansing nawala ang mga tao. Napapikit siya at nagdasal ngunit hindi siya makapag concentrate dahil sa takot na nararamdaman.
Ilang minuto rin ang nagtagal nang tahimik ang paligid. Nakatakip na ang bibig niya at parang pakiramdam niya ay kakainin na siya ng kadiliman at kasikipan ng paligid. Napapikit siya nang biglang luminaw dahil sa pagbubukas ng hood ng likod ng kotse. Para lang siyang isang bagahe na itinambak sa likuran.
Pagkadilat muli ay napatingin siya sa lalaking nakatingin sa kanya. Si Lyric.
Binuhat siya kaagad ng binata para makaalis sa likuran ng kotse. Parehas silang pawisan at halos walang mahinga sa takot. Tinanggal ni Lyric ang takip sa bibig ni Ces pati ang pagkakagapos ng kamay at paa nito. Sobrang hapdi ang naramdaman ni Ces dahil sa higpit ng pagkakagapos sa kanya.
Hinalikan ni Lyric ang noo ni Ces habang umiiyak. "Akala ko mawawala ka na sa akin."
Tumulo ang luha ni Ces at nagpaalalay kay Lyric upang makatayo. Iika-ika siyang naglakad dahil may hiwa pa siya sa binti na nagdudugo. Naglalakad lang sila ang diretso. Nadaanan nila ang lalaking may sleeve tattoo na nakangiti sa kanila pero nakatayo sa malayo. Sa kabila ay may mga lalaki ring nakangiti sa kanila na hinahayaan lang sila maglakad paalis.
Sa hindi kalayuan ay nagkatinginan sila ng Pinuno na may hawak na backpack. Nakangiti lang ito sa kanya at kay Lyric. Pagtingin ni Ces kay Lyric ay tahimik lang ito na tila wala nang pakielam sa paligid basta mailigtas lang siya.
"Malapit na tayo," bulong ni Lyric. "Makakaalis na tayo rito," dagdag nito.
Tumango si Ces at hinalikan si Lyric sa pisngi. "Salamat."
"Paalam," nakangiting sabi ng Pinuno nang magkasalubong sila. Pagkalagpas ay bumulong pa ang Pinuno. "Hanggang sa muling pagkikita."
Nanlaki ang mga mata ni Ces nang makarinig ng pagkalampag ng mga bakal. Diretso lang sila sa paglalakad ngunit lumingon si Ces at nakita ang Pinuno na nakangiting tinutok sa kanila ang baril na hawak.
Napayakap nang sobrang higpit si Ces sa likuran ni Lyric, waiting for a gun shot. Waiting for that burning moment pero walang nangyari. Walang balang tumama sa kanya ngunit nakarinig siya ng pagputok ng baril.
Paglingon nila ay nanlaki ang kanilang mga mata nang napaluhod ang Pinuno at dumiretso ang buong katawan sa lupa. Nagtakbuhan ang mga lalaki sa paligid at naiwan na ang bag na puno ng pera. Nang ibaling nila Ces at Lyric ang tingin sa harap ay nakita nila ang pulis na pinaputok ang baril at hinabol ang mga lalaking nagsitakbuhan.
Ligtas.
Inaalalayan ni Lyric si Ces papunta sa kotse para makauwi na ngunit bago pa sila makarating sa pinagparking-an ng kotse ay napatigil si Ces sa narinig. Lumingon siya sa kanan at nanlaki ang mga mata sa nakitang mabilis na kotseng papalapit sa kanila ni Lyric.
Kasabay ng napaka bilis na pangyayari ay parang may isang bombang sumabog sa kanyang memorya at nagbalik ang lahat. . . lahat. . . lahat. . . ng tungkol kay Ash. Kay Boss. Sa pakikipag kasundo niya. Sa mga nakita niyang nakaraan. Sa mga napanood niyang hinaharap. Sa mga pangyayaring nangyari at mangyayari pa lang.
Wala pang ilang segundo ay tuluyan na siyang naiyak nang nagbalik ang lahat ng naramdaman niya. Ang sakit. Ang galit. Ang pagkamunhi. Ang lungkot. Ang pagsisisi. Ang kunsensya. Tila sinisira ng naghahalo-halong emosyon ang kanyang pagkatao.
Para lang siyang bumalik sa pinaka umpisa ngunit iba na ang pangyayari, ang tao at ang nararamdaman. Ang unang ginawa ni Ces ay ang bagay na mula noon hanggang ngayon ay gagawin niya. Paulit-ulit man na katangahan ay wala siyang pakielam.
Ang piliin ang taong mahal niya kaysa sa sarili.
Itinulak niya si Lyric palayo at bago pa makatingin muli sa puting kotseng papalapit ay narinig niya ang malakas na sigaw ng boses ng lalaking pamilyar sa kanya.
"Para kay Pinuno!"
Mabilis ang mga pangyayari pero pakiramdam ni Ces ay tumigil ang mundo niya.
"Ces!"
Lumapit si Lyric sa dalaga na nakahandusay sa lupa. Naglalaban ang puso at isip ni Lyric kung hahabulin ba niya ang sasakyan o manatili sa tabi ni Ces. Ang tanging nagawa na lamang ng binata ay ang maiyak sa tabi ng dalaga. "Huwag ganito, Ces. Mahal na mahal kita, huwag ganito."
Hindi rin nawala ang pagluha ni Ces. "L-Lyric. . ."
"Paano na ang pangako natin sa isa't isa? Magpapakasal pa tayo, Ces. Yung bar na gusto natin ipatayo, Ces. Sa ating dalawa 'yun. Sa atin. . ."
Hinawakan ni Ces ang pisngi ni Lyric. Umiiyak lang siya habang nanunuot ang sakit sa kanyang katawan. Nangangamoy dugo na rin ang buong paligid at nakikita na rin niyang napupuno na ng dugo niya ang damit ng binata.
"Gusto kong. . . maging masaya ka, Lyric."
"Tangina Ces, paano ako magiging masaya?!" Pinaupo ni Lyric sa kotse si Ces. "Tama na. Tama na ang sakit. Huwag mo akong ganituhin."
Pabagal nang pabagal ang pagtibok ng puso ni Ces. Nanlalabo na rin ang kanyang mga mata habang sumasakit ang lahat. Mentally. Physically. Emotionally.
Pagod na pagod na siya.
"Sorry sa katangahan ko," nanghihinang sabi ni Ces.
Nanginginig ang mga kamay ni Lyric na nagdial sa phone. Tarantang taranta ang binata habang nakatingin sa kanya.
"Melo, ospital! Tangina Melo, si Ces. . ."
Narinig ni Ces ang paghagulgol ni Lyric kaya hindi na natuloy ng binata ang sinasabi. Umandar na ang kotse. Ang lakas din nang pagbusina ni Lyric upang magising ang mga tao sa bahay nila. Ramdam ni Ces ang hirap sa paghinga. Tila bawat segundong lumilipas ay pinapatay siya ng nararamdaman.
"Sandali lang 'to. Sandali lang." sabi ni Lyric nang tumingin sa kanya ito. "Makakapunta na tayo sa ospital, kumapit ka lang."
Tulo nang tulo ang luha ni Ces nang napagdesisyunan niyang hawakan ang kamay ng binata. Kahit nahihirapan ay pinisil niya ang kamay ni Lyric.
"K-Kapit ako," nakangiting sabi ng dalaga. "Hindi ako bibitaw."
Nakita niyang tumango si Lyric at mas lalo pang binilisan ng binata ang pagpapaandar sa kotse. Paulit-ulit sa utak ni Ces ang pagpilit sa sarili upang hindi matulog. Hindi siya pipikit. Hindi siya bibitaw. Naramdaman na lamang niya na tumigil na ang kotse at binuhat siya ni Lyric. Lumiwanag ang paligid at napansin niyang nakahiga na siya habang may mga taong nakaputi ang tumutulak sa ospital bed.
"Pakiusap." Hinawakan ni Lyric ang kanang kamay niya. Tulo nang tulo ang luha nito. "Huwag kang bibitaw."
Napapikit si Ces habang sumasabay ang luha niya sa luha ng binata. "Patawad."
Nang magkahiwalay sila ay ayaw pa niyang alisin ang hawak kay Lyric. Nagulat na lamang siya nang maalis ang engagement ring sa kamay niya at narinig na nalaglag sa lapag.
"L-Lyric . . . Mahal kita," sabi ng dalaga sa gitna ng paghikbi. "Patawarin mo ako."
Ang huli nakita ni Ces bago magsara ang pinto ay si Lyric na napaupo sa sahig habang umiiyak.
~ ~ ~
Author's Note:
Ahhh yes. I'm ready for ze hate. #BoomClicheSabiSaInyoEh!
Kung nabigla pa rin kayo sa nangyari, ibig sabihin hindi niyo talaga naintindihan ang kwento or yung mga clues. Ang sad sad ko naman pagnagkataon ajujujuju. Joke lang. Kung galit man kayo sa akin, aymsosarreh. Kung gusto niyo ng mas malinaw na version nito, ieedit ko to. Wait kayo ng mga one year ajejeje.
Maraming salamat sa mga hindi galit sa akin ahuhuhuhu but really, thank you for reading this roller coaster ride story. May epilogue pa. Pero hindi ko sinasabing mag expect ng himala sa epilogue. Fantasy po ito pero hindi miracle story. D:
This chapter is dedicated to a silent reader named Mark (?) o kilala ko sa twitter as Mac Spicy o may username dito sa wattpad na Infinity_BLUE. Hindi ko talaga siya kilala. Napag alaman ko na nireplyan ko siya sa message board. Siguro dahil sa AFGIT yun? Pero hindi ko maalala <///3 Ngayon ko lang siya napansin talaga dahil sa mga tweets niya everytime may update ang TTLS. Binobola rin po niya ako ajujujujuju de seriously, nakakatuwa at nakakaamaze lang na may lalaking nagbabasa ng kwentong to although hindi ko ito sinulat para sa lalaki.
Thank you sa mga insights at pambobola Mark!
Songs: Army of Love - Bury the Bully | Never Look Back - The Nearly Deads
HAPPY 1 YEAR ANNIVERSARY SA ATIN TTLS AND READERS. Yaaaay!
External link para sa picture na nilaan ko for this chapter. :)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top