60 // Fictitious Ever After
"You can't get mad at a real ending. Some of them are ugly. It's the fake happily ever afters that should piss you off."
— Colleen Hoover
~ ~ ~
Nagising si Ces nang nanghihina at pagod ang katawan na tila ba naglakbay siya nang walang pahinga. Naramdaman niyang tumulo ang luha sa kanang mata kahit hindi siya naiiyak. Ang bilis ng tibok ng puso niya ay hindi na tumigil at kumalma.
Ang lalaking nakahood. Ang batang nakakatakot.
It felt so real. . . but it was just a dream. Her recurring dreams.
Napatingin siya sa paligid. Tiningnan niya ang kanyang mga kamay. Hinawakan niya ang kanyang mukha. Buhay siya. Nasa kwarto niya siya.
Napahawak siya sa kanyang noo at tumitig sa kisame ng kanyang kwarto. Ang liwanag galing sa sikat ng araw sa labas ay nagbibigay ng bagong pag-asa at araw sa kanyang buhay.
“Yung panaginip na naman na 'yun. . .” bulong ng dalaga sa sarili. “Sino ba sila?”
Nang magtapat si Ces kay Lyric sa rooftop isang taon na ang nakakaraan, tila pakiramdam niya ay nawalan siya ng hangin kaya't nahimatay siya. Ang gusto lang naman ng dalaga ay huwag nang paalisin ng ibang bansa si Lyric. . . na naging matagumpay dahil sa pagkahimatay niya.
Pero simula rin ng gabing iyon, nagsimula ang kakaiba niyang panaginip. Kadiliman. Lalaking nakablack hoodie na titingin sa kanya at ngingiti. Noong una ay putol-putol pa ang kanyang panaginip. Noong mga nakaraan ay malabo pa ang mga mukha ng kanyang nakikita.
Pero habang patagal nang patagal, unti-unti niyang nakikita ang mga mukha nila. Unti-unti niyang naririnig ang mga dati ay bulong lamang.
“Auie. . . paalam.”
Ano ang Auie? At bakit nagpapaalam ang lalaking may hood. Sa kanya ba nagpapaalam ang lalaki?
Hindi rin mawala ang takot ni Ces sa batang lalaking may inusenteng mukha ngunit nakakatakot na aura. Ang mga ngiti nitong nagpapataas ng kanyang balahibo. Ang mapupulang mata ng bata. Ang kasunduang binanggit. Ang boss na pagpapakilala. Ang kaluluwa niyang nais makuha ng bata sa panaginip. At ang pagbanggit nito ng mahal na prinsesa.
Pakiramdam niya ay totoo ang lahat na para bang nasa ibang mundo siya sa kanyang panaginip.
Ngunit ngayong nagising na siya, normal lang ang lahat.
Pagkabangon ay nag-ayos na siya ng sarili dahil panibagong araw na naman ang binigay sa kanila. Kahit isang taon na ang nakakaraan nang halos masira ang MyuSick ay matibay pa rin sila at pinipilit mabuhay. Pinagpapatuloy ang kanilang hangarin na ipamahagi ang kanilang musika.
Kahit kulang na sila.
Bumaba siya ng kwarto nang makita niya si Melo na nakaupo sa sofa habang naglilipat lipat ng channel sa TV. Nakatulala ito at mukhang hindi naman talaga nanonood. Simula nang mangyari ang trahedya isang taon na ang nakakaraan, naging ganito na si Melo. Tahimik.
“Good Morning, Melo,” bati ni Ces sa kaibigan.
Tumingin sa kanya si Melo at ngumiti. Ngunit ang ngiti ng gitarista ay hindi na kailanman umabot sa mga mata nito. Hindi na kailanman nanggaling sa puso nito.
“Good Morning din,” sabi nito. “Nasaan si Lyric?” Nakangiti pang dagdag.
Hindi na pinansin ni Ces ang napansing lungkot sa kaibigan at pinilit na maging masaya. Pinanliitan niya ng tingin ang kaibigan habang umuupo sa tabi. “Bakit sa akin mo hinahanap si Lyric?”
Lumawak ang ngiti ni Melo. . . ngunit gusto maiyak ni Ces nang makita ang pangingintab ng mga mata ng kaibigan. Gusto niyang yakapin ito ngunit hindi ito ang araw, buwan o taon para muling balikan ang nakaraan.
“Uhm, ewan ko. Kasi isang taon na kayo tapos akala ko nasa iisang kwarto na kayo natutulog. Alam mo 'yun, para maging dalawa ka na?” natatawa nitong sabi.
Nag-init ang pisngi ni Ces sa sinabi ni Melo. “M-Melo, ano bang—”
“Ay?” Nanlalaki ang mata ni Melo. “Wala pa ba kayo sa stage na 'yun? Tsk.” Umiling-umiling ito. “Hindi mapusok. Hindi kayo nakikiuso.”
“Ano ka ba.” Binato ni Ces ng unan ang kaibigan kaya natawa si Melo. “Tigilan mo nga 'yang sinasabi mo.”
Lalong natawa si Melo. “Ano ba 'yan, 2015 na Ces. Nagkakahiyaan pa rin? Friends-friends tayo rito!”
Hiyang-hiya na si Ces sa pinagsasabi ni Melo. Gusto na nga niyang magtago sa kusina ngunit ayaw din naman niyang iwan ang kaibigan dahil siguradong mararamdaman na naman niya ang aura nitong pag-iisa.
Isang taon na rin ang nakaraan. Pinipilit nilang bumangon. Unti-unti ay nagagawa nilang tumayo muli sa pagkabagsak ngunit ang nabasag sa kanilang pagbagsak ay hindi na kailanman mababawi.
“Uy dali na, kwent—”
“Tinotorture mo na naman si Ces.”
Napatingin sa may hagdanan sila Ces at Melo nang magsalita si Lyric. Kaagad nagkatinginan sina Lyric at Ces at nagkangitian. Nakita 'yun ni Melo at kaagad na tumayo.
“Okay, OP na ako,” natatawa nitong sabi at dumiretso sa kusina.
Dumiretso si Lyric sa tabi ni Ces at hinalikan ang dalaga sa noo. “Good Morning,” bati nito sa dalaga.
“Good Morning din,” nakangiting bati ni Ces.
Naupo si Lyric sa tabi ni Ces. Parehas silang nakatingin sa TV ngunit alam nila na ang presensya ng isa't isa ang nagiging hadlang para hindi maintindihan ang palabas. Nakaupo lang sila. Walang nagsasalita. Walang gumagalaw hanggang sa—
“Lyric.”
“Ces.”
Sabay nilang tinawag ang isa't isa. Nagkatinginan sila at nagkangitian. Natawa si Ces nang nagkamot ng batok si Lyric. Nakitawa rin si Lyric sa dalaga. Kahit sa maliit na tawanan ay gumaan pa rin ang kanilang loob.
“Hindi ko talaga kayo gets.”
Napatingin ang dalawang bokalista kay Melo na nasa may pintuan ng kusina papunta sa sala. Nakatingin si Melo sa kanila nang nakataas ang kilay.
“May iba ba kayong lengwahe? Nagkaintindihan kayo? Sinong nagjoke? Nakakatawa ba 'yung joke? Bakit kayo tumawa?” sunod-sunod na tanong ni Melo. Umupo siya sa kabilang upuan at tumingin sa dalawang kaibigan. “Walang humor si Ces kaya si Lyric ang nagjoke pero corny si Lyric! Bias ka ba, Ces? Bakit sa jokes ko hindi ka tumatawa eh ako pinaka may humor dito sa bahay?”
“Anong pinagsasasabi mo?” tanong ni Lyric.
“Alam niyo, hindi ko rin alam. Naguluhan din ako sa sarili ko,” natatawa niyang sabi. “Don’t mind me, maglandian lang kayo sa harapan ko.”
“Mel—” Natigilan si Lyric sa pagsasalita nang biglang bumukas nang napakalas ang pinto palabas. Nakita nilang papasok si Pitch na hawak ang cellphone na tila may katawagan. At mukhang naiinis na ito.
Humina ang boses ni Pitch nang umakyat ito at pumuntang kwarto. Natahimik ang tatlo sa sala habang nagkakatinginan.
“Anong nangyari kay Pitch?” tanong ni Lyric.
Ngumuso si Melo at uminom. “Mukhang kinukulit na naman siya.”
“Ni Lys?” patanong na sabi ni Ces. “Yung tumatawag sa kanya ng Treb? Hanggang ngayon?”
Tumango si Melo. “Mukhang hindi siya tinitigilan ng babaeng 'yun,” nakangising sabi ni Melo. “Mukhang hindi siya tinitigilan ng nakaraan niya.”
“Chismis talaga aatupagin niyo?”
“Manager!”
Napatayo ang tatlo nang makitang kunot-noong lumabas galing haven si Manager Lily. Nakapamewang ito sa kanila habang tinitingnan isa-isa.
“Nasaan si Pitch?” tanong ng Manager.
“Nasa taas po.”
“PITCH!” malakas na sigaw ni Manager Lily. Ilang sandali lang ay nagbukas ang pinto ng kwarto ni Pitch at lumabas ang binata. Tahimik lang ito nang bumaba para harapin si Manager Lily. “C’mon, one last practice sa lahat then diretso na tayo sa bus, matagal ang byahe natin.”
Tumango ang apat at nagpunta sa studio para magpractice ng mga kakantahin nila para sa isang concert tour.
Nagseryoso ang lahat nang magpractice sila ng mga kanta. Hindi na sila nakapagpahinga pa dahil pinag-ayos na sila ni Manager ng mga gamit para makaalis na sila kaagad. Hindi na nagawang magreklamo ni Melo kahit pagod na pagod.
Ang lahat naman ng ito ay para sa kanilang kapamilya.
* * *
Nasa likuran ng mobile house bus ang kanilang mga instrumento. Ang drums ni Pitch ay nasa pinaka dulo. Nakakabit ang mga gitarang gagamitin nila Lyric at Melo for bassist at lead. Nandoon din ang electric guitar ni Note.
Nakasakay ang MyuSick sa loob ng mobile house bus para sa 9 hours na byahe papunta sa lugar kung saan sila magkoconcert. Nasa tabi ng driver si Manager Lily habang may kausap sa phone. Nasa sofa si Melo habang nakahiga at nagpapahinga. Si Pitch ay magdamag na hawak ang cellphone at tila seryoso ang itsura.
SIla Ces at Lyric ay magkatabing nakaupo sa kabilang sofa. Ang dalaga ay nakatingin sa bintana habang si Lyric ay nakatingin sa dalaga. Ganoon lamang ang set-up nila nang hawakan ni Lyric ang kamay ni Ces.
“Inaantok ka?” tanong ni Lyric sa dalaga.
Umiling si Ces ngunit trinaydor siya ng sarili nang napahikab siya sa harap ni Lyric. Napangiti ang binata at hinawakan ang ulo ni Ces upang ipatong sa kanyang balikat.
“Magpahinga ka muna, malayo pa ang byahe.”
Hinigpitan ni Lyric ang hawak sa kamay ni Ces habang inaalalayan ang ulo ng dalaga. Pumikit si Ces nang magsimulang kumanta si Lyric.
♪♫ Slow down, the world isn't watching us break down
It's safe to say we are alone now, we're alone now
Pakiramdam niya ay kumakalma ang buo niyang katawan.
♪♫Not a whisper, the only noise is the receiver
I'm counting the seconds until you break the silence
So please just break the silence
Nakangiti lang si Ces habang nakapikit. Pinipilit niyang huwag makatulog para mapakinggan ang boses ni Lyric habang kumakanta. Ito talaga ang theraphy niya kapag pakiramdam niya ay kinakabahan siya. Ang boses ni Lyric. Ang tanging boses na nagbibigay ng kasiguraduhan na magiging okay lang ang lahat.
♪♫ The whispers turn to shouting
The shouting turns to tears
Your tears turn into laughter
And it takes away our fears
Unti-unti na siyang kinakain ng antok at ilang sandali lang ay nawawala na siya sa kanyang mundo. Pero kahit pakiramdam niya ay pagod na pagod siya, naririnig pa rin niya ang boses ni Lyric na kinakantahan siya.
♪♫ So you see, this world doesn't matter to me
I'll give up all I had just to breathe
The same air as you till the day that I die
I can't take my eyes off of you
Pagkadilat ng mga mata ni Ces ay kadiliman ang bumalot sa kanyang paligid. Naririnig pa rin niya ang boses ni Lyric ngunit nang hanapin ay wala ang binata. Hindi na rin niya makita ang sariling mga kamay sa sobrang kadiliman.
♪♫ And I'm longing, for words to describe how I'm feeling
I'm feeling inspired
My world just flip turned upside down
Unti-unti ay nabubuo ang isang imahe sa harapan hindi gaano kalayo sa kanya. Isang binata ang kanyang nakita nang lumingon ito sa kanya at ngumiti. Ang lalaking nakahood. Siya ulit.
“Auie. . .”
♪♫ It turns around, say what's that sound
It's my heart beat, it's getting much louder
Lumakas ang kabog ng dibdib ni Ces nang marinig ang salitang iyon. Auie. Hindi pa niya naririnig kailanman ang salitang iyon. Salitang English ba? Bisaya? French? Secret code? Hindi niya malaman—pero sa tuwing naririnig niya ang salitang Auie ay bumibilis ang tibok ng kanyang puso.
“Malapit na malapit na. . .”
Napalingon si Ces sa paligid nang marinig na naman ang boses na matinis na natatawa pa. Ilang sandali lang, naglaho na ang binata sa kanyang harapan at biglang bumungad ang batang nakangiti sa kanya. Kinilabutan si Ces nang makita ang mga mata nitong nakatingin sa kanya na kahit madilim ay kitang kita pa rin niya ang itim na mata ng bata.
“M-Malapit na ang alin?” tanong ni Ces.
♪ ♫ My heart beat, is stronger than ever
I'm feeling so alive, I'm feeling so alive
Lumawak ang ngiti ng bata sa kanya at unti-unti ay nagliwanag ang mga nito na kulay ng dugo.
“Ang katapusan.”
“AAAHHHH!!!”
Napadilat si Ces nang maramdaman ang napakalakas na pwersang tila tumulak sa kanya. Madilim pa ang kanyang paningin nang nakaramdam na siya nang pananakit ng kanyang ulo na tila binibiyak.
“Ces!” boses ni Lyric.
“Kumapit kayo!” Boses ni Manager Lily.
Nakailang kurap si Ces ngunit pakiramdam niya ay hilong-hilo siya. Dumudoble ang kanyang paningin at sobrang pagod ang kanyang katawan na hindi na niya magalaw ang sarili. Napansin niyang umiikot ang kanyang paningin nang ilang beses. Pagtingin sa paligid ay napansin niyang nakayakap sa kanya si Lyric na may pulang likidong nanggagaling sa noo nito.
“M-MyuSick. . .” narinig ni Ces ang paghihingalo ng boses ni Manager Lily. Gustong niyang tingnan si Manager Lily ngunit wala siyang lakas lumingon.
Namanhid ang kanyang katawan ngunit nakikita niya ang ilang apoy sa paligid. Ang makinang sira. Ang mga gamit nilang nagkalat sa kalsada. Ang mga instrumento nilang tumilapon kung saan-saan. Isang truck na nakatabingi sa isang tabi at isang babaeng hindi niya kilala ngunit katulad niya ay nakahandusay sa lupa.
Kumurap siya at napatingin sa isang lalaki na may hood na nakatayo sa kalsada hindi kalayuan sa kinahihigaan niya. Nakatingin ng diretso sa kanya ang binatang iyon. Kahit nasa ilalim sila ng mga basag na salamin at mga bakal, kitang-kita pa rin niya ang lalaki na nakatingin sa kanya. Na tila nag-aabang sa kanya.
“C-Ces?” rinig niyang bulong ni Lyric sa kanyang ulo. “G-Gising ka ba?”
Napapikit si Ces at pagbaling ng tingin sa lalaki na nasa kalsada at nakatayo. . . wala na ang lalaki.
Pumikit muli si Ces sa sobrang panghihina habang yakap ni Lyric. Wala siyang ibang maramdaman dahil sa kamanhiran. Nakarinig siya ng ilang daing at sigawan hanggang sa naririnig na niya ang ingay na nanggagaling sa isang ambulansya.
Naramdaman niya ang sariling binubuhat. Nakapikit lang siya habang pinapasok siya ng mga medics sa loob ng ambulansya. Napadilat siya nang maramdamang mahigpit pa rin ang hawak sa kamay niya. Paglingon ay nakita niya si Lyric na nakatingin sa kanya habang duguan ang mukha at katawan.
“H-Huwag kang bibitaw,” bulong ni Lyric. Lalong humigpit ang hawak nito sa dalaga. May kinuha si Lyric sa bulsa nito at nanghihinang inilapit sa dalaga ang hawak na singsing na may batong kumikinang sa gitna. “Pagka-pagkatapos nito,” sabi ni Lyric sa bawat paghinga. “P-Pakasalan mo na ako. M-Magpakasal. . . Magpakasal na tayo. Ces. . . ”
Pumikit si Ces sandali. Dumilat siya para malaman kung totoo ba ang naririnig niya o nag dedeliryo na siya sa kamanhiran ng kanyang katawan. Ngunit kahit ilang beses siyang kumurap, pagdilat ay nakikita niyang nakatingin sa kanya si Lyric na nakahiga sa katabing hospital bed habang hawak ang singsing.
Naghihintay sa kanyang sagot.
Hindi nakapagsalita si Ces ngunit tulo nang tulo ang luha mula sa kanyang mga mata. Pinilit niyang ngumiti sa binata at tumango nang kaunti. Ngumiti si Lyric nang makita ang tango ni Ces.
“S-Salamat.” Mabigat ang paghinga ni Lyric. “M-Mahal na mahal. . . ki-kita.”
Napapikit na si Ces nang marinig ang huling sinabi ni Lyric. Muling nagdilim ang paligid at nanlalabo ang kanyang paningin. Bumubulong ang nasa paligid niya at tila may nakatakip sa kanyang tainga. Maraming ingay ang naririnig niya ngunit wala siyang maintindihan kahit isa.
"Auie. . . Gumising ka," bulong ng isang malalim na boses.
"Ash?"
Dumilat si Ces. Nakailang kurap pa siya para makita ang puting mga pader at kisame. Paglingon sa paligid, nakita niya si Lyric na may benda sa ulo at naka arm cast na nakatingin sa kanya at nakangiti.
“Good Morning,” bati ng binata sa kanya.
Napapikit si Ces at pinakiramdam ang sarili. Pinilit niyang alalahanin ang nangyari noong nakaraan ngunit wala siyang maalala. Nakaupo sa tabi ng hospital bed si Lyric.
“Okay ka na?” tanong ni Lyric.
Ngumiti siya sa binata. "Good Morning.”
Naramdaman ni Ces na nanakit ang kanyang ulo. Gusto sana niyang hawakan ang ulo ngunit sobrang bigat ng kanyang kamay na tila ba hindi niya ito mabuhat. Sinubukan niyang tingnan ang braso at nagulat nang makita ang sugat at bugbog sa kanyang mga braso. Nakaramdam din siya ng kirot sa tagiliran.
“A-Anong nangyari?” tanong niya.
Hinawakan ni Lyric gamit ang kamay na walang arm cast ang kamay ni Ces. “Road accident.”
“Bakit?”
Lumunok si Lyric bago sumagot. “May babaeng biglang tumawid. Nagpreno si Kuya pero may truck na hindi nakapagpreno sa likuran. Sumalpok.”
Pagkarinig ni Ces nang huling sinabi ni Lyric ay nakaramdam siya ng paninikip ng dibdib. Tiningnan niya ang likuran ni Lyric ngunit walang ibang tao kung hindi silang dalawa lang. “N-Nasaan sila Manager? Sila Melo? Pitch?”
“Nasa kabilang kwarto si Manager, nagpapahinga. Ganoon din si Melo. Si Pitch naman. . .”
Nanlaki ang mga mata ni Ces nang hindi nagsalita si Lyric. Kumabog ang kanyang dibdib dahil hindi ata niya makakayang marinig pa ang susunod na sasabihin ng binata. Not again. Not Pitch. Not anyone close to her heart again.
“Si Pitch. . .”
Tuluyan nang tumulo ang luha ni Ces ngunit nagtaka siya nang ngumiti nang malawak si Lyric. PInahiran ni Lyric ang luha ni Ces.
“Nag CR lang, babalik din siya.”
Lalong naiyak si Ces. “Adik ka,” natatawa niyang sabi habang lumuluha.
“Sorry,” nakangiting sabi ni Lyric habang patuloy lang ang pagpahid sa luha ng dalaga. “Ang bigat kasi ng aura, dapat pagaanin.”
Ngumiti si Ces at tiningnan ang kabuuan ni Lyric. Ang benda sa ulo nito. Ang arm cast sa kaliwang braso. May ilang galos ito sa mukha at braso ngunit mukhang okay naman na si Lyric.
"May tanong pala ako," sabi ni Lyric. Naghintay si Ces ng susunod na sasabihin ng binata. "Ano 'yung binanggit mo kanina?"
"Binanggit?"
"Ash," sagot ni Lyric. May pagtataka sa mukha. "Ano 'yung Ash? Tao ba 'yun?"
Napatingin sa kisame si Ces at inalala ang nangyari. Ash. . . "Hindi ko alam. Sinabi ko ba talaga 'yun?"
Pinanliitan ni Lyric ng mata ang dalaga. "Sigurado ka? Baka may iba ka na, ah?"
Ngumiti si Ces at gusto sanang hawakan ang mukha ni Lyric ngunit hindi niya magalaw ang katawan. "Maghahanap pa ba ako ng iba?"
Ngumiti si Lyric at hinalikan ang kamay ni Ces na hawak. Nag-usap lang sila tungkol sa nangyari. Halos dalawang araw lang ang nakaraan nang maaksidente sila.
"Kaibigan nga ako!"
Napalingon sila Lyric at Ces nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto. Tumambad si Marky na hingal na hingal. Bumuntong hininga muna siya bago lumapit kay Ces.
"Grabe, ang hirap makapasok dito! Ang daming reporters kahit sa baba ng ospital!" Hinihingal pa rin na sabi Marky. Tumayo si Lyric upang paupuin si Marky sa tabi ni Ces. "Kamusta ka na? May masakit pa ba sa'yo?"
Napangiti si Ces dahil ngayon na lang niya ulit nakita si Marky. "Okay lang naman."
"Sigurado kang okay ka? Tingnan mo, ang dami mong galos! Tapos may sugat ka pa sa mukha omaygahd mareremedyuhan pa ba yan ng make up?" sunod sunod na sabi ni Marky. "Baka ayawan ka na ng madla!"
"Marky, chill," sabi ni Ces.
Natigilan si Marky at tiningnan nang taas-kilay ang kaibigan. "Chill? Sino ka at anong ginawa mo sa kaibigan kong humorless?" tanong ni Marky.
Natawa si Ces sa kaadikan ng kaibigan. "Nasaan nga pala si Matt?"
Nawala ang ngiti ni Marky sa tanong ni Ces. Itatanong pa lang sana ni Ces kung bakit parang natigilan ang kaibigan nang ngumiti ito ulit. "Hindi ko sure, baka busy."
"Nasaan si Baby Marc?" tanong niya.
"Na kay Mama, bumalik na ako sa bahay namin," sagot ni Marky.
"Si Matt?" tanong muli ni Ces. "Saan siya?"
"Malay ko."
Nagkatinginan sila Marky at Ces. Gusto niyang itanong kung anong mayroon ngunit pakiramdam niya ay ayaw ipaalam ni Marky ang problema. Nawala rin sa gana si Marky at tila pinipilit na lang ang sarili upang ngumiti.
Ilang sandali lang ay may kumatok muli sa pinto. Pinagbuksan ni Lyric ang kumatok at tumambad ang isang babaeng ngayon lang nakita ni Ces. May galos ito sa ilang bahagi ng katawan ngunit mukhang ayos naman dahil nakangiti ito.
“Hi,” bati ng babae. Unang tiningnan ng babae ang binata si Lyric. Kinuha ni Lyric ang dala ng babae na mga prutas at bulaklak. “Pasensya na pala sa pagtawid ko,” sabi nito at binaling ang tingin kay Ces. “Nangyari tuloy ito sa inyo. Wala akong pera para sa gastusin pero nagdala ako ng prutas.”
Narealize ni Ces na ang babaeng nasa harapan niya ay ang kinwentong tumawid. “Okay lang. Salamat.”
“Ang ganda mo pala talaga sa personal,” nakangiting sabi ng babae. “Don't get me wrong, nakikita ko kasi kayo sa TV at mas maganda ka talaga sa personal. MyuSick, di ba?”
Ngumiti si Ces sa dalaga at napansin ang tainga nito na may hikaw na itim na cross sa kanan. Napatingin siya sandali sa tainga ni Lyric at nagtaka siya nang maghanap siya ng itim na cross sa tainga ng binata.
Wala naman talagang butas sa tainga si Lyric simula highschool noong una silang nagkita. Kahit noong naghiwalay sila dahil nag ibang bansa si Lyric pagkarating ng college at pagbalik sa Pinas para mabuo ang MyuSick, wala naman talagang hikaw ang binata. Bakit siya naghahanap?
Inialis ni Ces sa isip ang hikaw na cross nang ibaling niya muli ang atensyon sa babae na nagpakilala sa kanya.
“Ako nga pala si Princess.”
Natigilan si Lyric sa sinabi ng babae. “Princess?”
Ngumiti ang babae sa binata. “Yup, magkanickname nga kami ni Ces, eh. Double ‘s’ lang ang sa akin,” nakangiting sabi ni Princess.
Princess. . . bakit parang nakita na niya ang Princess na ito.
Pinagmasdan niya si Princess. Ang maamo nitong mukha. Ang messy bun na buhok. Ang cross na itim na hikaw. Napatingin siya sa braso ng babae at nagtaka nang may nakabalot na benda sa may pulso.
"Anong nangyari sa braso mo? Sa may pulso?" tanong ni Ces kay Princess.
Biglang tinago ni Princess ang kanyang braso sa likuran at ngumiti. "Ah, wala lang ito."
Napangiti si Ces ngunit hindi pa rin siya mapalagay. Alam niya sa sarili niyang nakita na niya si Princess. . . pero hindi niya malaman kung paano at kailan.
* * *
Halos dalawang linggo nanatili ang MyuSick sa hospital bago sila gumaling nang tuluyan. May ilang sugat at galos pa ang kita ngunit okay na ang kanilang katawan. Pinagbawalan nga lang sila ng doctor na huwag iistress ang katawan at siguro ay huwag munang tumugtog ng dalawa pang linggo.
Ang driver nila ay sa kasamaang palad—binawian ng buhay. Ang truck driver ay binalitang nakainom kaya sumalpok sa kanila. Hindi na rin naman gumawa ng ingay ang MyuSick at nakipag alegro na lamang sa truck driver para matapos na ang lahat.
Kinakabahan naman si Ces habang naghihintay sa backstage. Ilang beses siyang huminga nang malalim kaya minasahe siya ni Lyric sa likod.
“Ready ka na?" tanong ng binata.
Tumango si Ces. “Medyo kinakabahan.”
Hinawakan ni Lyric ang kamay ni Ces. “Huwag kang kabahan. Nandito ako.”
Ngumiti si Ces kay Lyric. Huminga siya nang malalim at humarap sa kurtinang nasa harapan nila.
“Cue niyo na.”
Magkahawak-kamay na lumabas si Lyric at Ces papunta sa set. Bumulag sandali sa kanila ang malakas na ilaw na nakatutok sa kanilang dalawa. Nabingi sila sa lakas ng hiyawan at palakpakan ng mga tao. Nakita nila sa may harap si Manager Lily, Melo at Pitch.
May napansin si Ces sa may dulo ng mga audience. May nakatayo na dalawang lalaki na naktingin sa kanya at malayo sa pagngiti ang emosyon. Nakatingin lang sila at parang nag oobserba sa paligid. Napansin ni Ces ang sleeve tattoo ng isa at ang isa namang lalaki ay pamilyar sa kanya. Nawala ang atensyon niya sa dalawang lalaki nang magsimulang kumanta si Lyric.
♪♫ I'm finally waking up, a twist in my story
It's time I open up, and let your love right through me
I'm finally waking up, a twist in my story
Nagkatinginan sandali ang dalawa at nagkangitian bago kuhanin ni Ces ang entablado at kumanta.
♪♫ It's time I open up, and let your love right through me
That's what you get
When you see your life in someone else's eyes
That's what you get, that's what you get
Nagpalakpakan ang mga tao nang matapos ang kanta ng dalawa. Nakangiti at magkahawak kamay silang naupo sa sofa malapit sa interviewer na si Sandreeya. Halos isang taon na rin ang nakaraan simula nang interview-hin sila ni Sandreeya. The last time was when they're all complete as MyuSick.
“Grabe!” nakangiting sabi ni Sandreeya. “Legal bang pakiligin tayo nang sobra ng dalawang ito?” natatawa niyang sabi.
Naghiyawan at palakpakan ang mga audience. Ngiti ang binigay nila Ces at Lyric sa mga tao.
“Hindi na kasi ako makapagtiis,” nakangiting sabi ni Sandreeya. “Sa harap ng national TV sa araw na May 10, 2015. Ano bang status ng dalawang vocalist ng MyuSick? At huwag niyo sabihing friends lang kayo kung ganyan kayo kung magholding hands ha!”
Nagkatinginan si Ces at Lyric sandali at sabay na natawa.
“Hala! Tumawa sila parehas, ang cute!” kumento ni Sandreeya. Tumingin ang interviewer sa isang crew nang ibalita sa kanila ang isang bagay. “Oh wait, trending na raw ang show natin. World wide!”
“Ano ba?” natatawang sabi ni Lyric. Namumula na rin ang mukha nito at tila nahihiya. Bumulong siya kay Ces na hindi rinig sa mic. “Ano nang sasabihin?”
“Ikaw. . . ano ba?” natatawang sabi ni Ces.
“At ayun po mga kaibigan, nagbubulungan na ang dalawa!” nakangiting sabi ni Sandreeya. Halatang kinikilig sa nakikita. “Oh ayun, number 1 trending na po ang hashtag na CesRicMyuSick! Ano ba Ces at Lyric, balak niyo bang ipatrend lahat bago pa kayo umamin?”
Nagtawanan ang mga tao. Kinakabahan si Ces. Ganoon din si Lyric. Nagkatinginan sila at sabay na huminga nang malalim. Tumingin sila kay Manager Lily na nakangiti at kanila Melo at Pitch. Huminga ulit sila nang malalim.
Magkahawak kamay silang tumingin sa camera at sabay na ngumiti. Tinaas nila ang kamay na magkahawak at pinakita sa camera ang singsing ni Ces na may kumikinang na bato.
Habang nakangiti. Habang masayang-masaya. Habang magaan ang lahat. Sabay silang nagsalita.
“We’re engaged.”
"Magpapakasal na kami."
Worldwide Trends
#LyriCesEngaged
#CesRicMyuSick
Respect No one
TV Something
CesRicForeverAndEverAllelujah
LyriCesForeverAndEverAmen
Unrespect Everyone
#KyutKaSanaKasoHindiKaSiRayne
#DanielAndRayneForeverPo
InsertMonthHere PlsBeGoodToMe
akosirayne @ulaaaann 4m
Ano bang meron sa MyuSick bakit ba lagi silang trending haa?!? Follow me po!!! #LyriCesEngaged #CesRicMyuSick #KyutKaSanaKasoHindiKaSiRayne
akosirayne @ulaaaann 8s
Pansinin niyo ang pagchange ko ng UN po. Korni kasi ng akosirayne. ulaaaann na lang para badass ang dating. #KeepCalmAndFollowRayneAKAme
Masaya na ang MyuSick lalo na sa announcement na nanganap. Hiyawan at sigawan ang narinig sa loob ng studio. Ngiting ngiti si Sandreeya na nag congrats sa dalawang bokalista.
Dapat masaya na silang lahat. Dapat.
~ ~ ~
Author's Note:
THEY DESERVE THIS LIGHT CHAPTER. Huhuhuhu sa tingin ko (Waht? sa tingin ko????? hahaha) masyado ko silang pinahirapan kaya kailangan kong maglagay ng ganito. Hindi ito filler chapter pero sa tingin ko kung medyo medyo twisted din ang utak niyo ay baka magets niyo ang mga nangyari at mangyayari.
Napagdesisyunan kong hanggang Chapter 61 itong TTLS + Epilogue. Dinagdagan ko so hindi pa matatapos ang pagpapahirap!! este ang TTLS. Kaunting kembot pa bago matapos (mga 500)
Dedicated to Tonyaa. Ang nanakit sa aking kalooban. haha echos. Dahil dagdag chapter ito, bibigyan ko ng dedication si Tonya. Hi Leighton, tenkyu sa review mo. Sobrang natauhan ako. Next time na iedit ko ito, I shall do my best to make it more not mysterous hahaha tenkyu sa review!
Song: A Twist in My Story - Secondhand Serenade
Click external link para makita ang tweet / review ni Tonya / fb post na nilaan ko para sa chapter na ito. May picture din akong inedit! ♥'
GIF at the multimedia is created by Mcxynth :)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top