6 // Change of Taste

"Happiness is like a butterfly which, when pursued, is always beyond our grasp, but, if you will sit down quietly, may alight upon you."
— Nathaniel Hawthorne

~ ~ ~

Hi Princess ;)

For several years, ngayon na lang naexcite ng sobra si Ces para hawakan ang sariling cellphone. Sa totoo n'yan, wala naman talagang kuwenta ang cellphone niya. Ginagamit lang niya ito para pang-alam, text para sa school announcements lang at minsanang pagtawag ni Marky. Minsan lang dahil sabi nga ni Marky, "Try mo kayang mag-reply sa text?"

Until she read that message.

Agad-agad siyang kinabahan. Princess. Isa lang ang tumatawag sa kanya ng “endearment” na 'yun at alam 'yun ng puso niya. Nagmadali siyang nagpa-load. Ngkamali pa siya ng number dahil hindi naman niya saulo ang number niya. Nasayang tuloy ang sixty pesos. Ang suwerte ng nasendan ng load.

Pero hindi siya nagpatinag: nagpaload pa rin siya pero mukhang hindi na yata kailangan 'yun dahil bago pa siya makapag-text. . . tumatawag na ang prinsipe niya.

“Hi.” Sa isang salita lang na nagko-consist ng dalawang letra, napatalon ang puso ni Ces sa sobrang galak at tuwa...isama pa ang kilig. “Bakit hindi ka nagre-reply? Busy ka ba?”

Ang guwapo-guwapo ng boses! Pero kung tutuusin, mas guwapo ang boses ni Lyle sa persona. Pero puwede na rin sa phone; ang cool lang. Hindi ito mataas pero hindi rin ito sobrang baba. Perkpektong boses.

“A, uhm, hindi.”Abot hanggang tainga ang ngiti ni Ces habang kausap si Lyle at naglalakad na pauwi galing sa paload-an. Natutuwa siya dahil hindi na niya kailangang magpigil pa nang sobra sa kilig. Saktuhan lang. . . Puwede siyang ngumiti pero bawal sumigaw. “P-pero, saan mo nakuha ang number ko?”

“Sa registration office, okay lang ba? Kung hindi, ibabalik—”

“H-hindi!” Napatakip ng bibig si Ces dahil sa pasigaw niyang sagot. Malakas pa rin ang kabog ng dibdib niya. What if mahalata ni Lyle na may gusto siya sa binata? Lagot siya.

“Hmm?”

Kahit ganyan lang ang sinabi niya, ang guwapo pa rin ng boses niya.

“Ano, okay na rin 'yun. . . para may contact tayo para sa assignments.” Tumawa si Ces—the awkward way na sa sobrang uneasy ay parang binigkas na niya ang tatlong ha-ha-ha.

“Puwede rin para magkakilala pa tayo.” Sa sinabi ni Lyle, hindi na mapakali si Ces, lalo na ang puso niya. Sobrang nagwawala na.

 

* * *

Lyle Yuzon’s Change of Taste?

“Ces! Ano ‘to?!” Hindi na napigilan ni Marky ang mapasigaw nang makita niya ang balita sa website ni Lyle Yuzon—the Lyle Yuzon. Lumapit si Ces kay Marky

Nakataas ang kilay ni Marky, waiting for her friend's answer.

“’Y-yung ano?” Bumibigat ang bawat paghinga ni Ces dahil nakikita niya ang mukha ni Marky na para bang hindi makapaniwala sa nakikita.

“Ito!” Marahas na pinakita ni Marky kay Ces ang screen ng laptop at nakalantad doon ang napakalaking title na ‘Lyle Yuzon’s Change of Taste’ with a picture of Lyle and a girl, not too sweet but they were close enough na para bang kaunting kembot na lang ay magkakapalitan na sila ng mukha. “Bakit may picture kayo ni Lyle?!”

Huminga nang malalim si Ces. “H-hindi ko alam. . .”

Napakamot ng noo si Marky dahil sa kaibigan. Marky loves Ces as if she's a precious gem to take care of. Actually, parang kapatid na rin ang turing niya rito at ayaw niyang may mangyaring masama kay Ces dahil lang sa Lyle na 'yun.

Kahit pa kasi sabihin nating mabait at guwapo si Lyle. . . wala pa ring tiwala rito si Marky, which was quite unusual dahil para kay Marky, ang mga lalaki ay isang obra-maestra ng Panginoon.

“Alam kong sobrang crush mo si Lyle pero. . . mahirap 'yan,” mahinahon na sabi ni Marky. “Once na pumasok ka sa buhay ng isang Lyle Yuzon, there's no turning back. Kayo ba?”

Umiling nang marahas si Ces. “H-hindi! Hindi ko rin kasi alam. . .Bigla na lang siyang bumait sa akin, bigla na lang niya akong nakita,” pagpapaliwanag niya.

“Ha?”

Ikinuwento ni Ces ang buong pangyayari kay Marky simula sa research class nila hanggang sa basketball na hindi maintindihan ni Ces. Tumango-tango lang si Marky sa naririnig pero base sa hitsura niya, hindi siya natutuwa sa naririnig.

“Basta ha, mag-isip ka nang mabuti bago ka kumilos.”

Bago pa maka-react si Ces, napangiti na lang siya nang maramdaman niyang nagba-vibrate ang cellphone niya. Nope, not an alarm. Isang tawag, at ang nakalagay sa screen ng cellphone niya?

Lyle ko Calling. . .

* * *

Paano nga ba makakaisip nang mabuti ang isang dalaga kung laging nasa tabi ni Lyle, hindi ba? Paanong hindi mawawala sa sarili kung sobrang lapit ng dalawa sa isa't isa na kaunting tulak na lang ay magkakahalikan—tulad ngayon, sa Research class nila.

Magkatabi sina Lyle at Ces sa likod, sa dulo—sa may bintana. Para silang isolated sa iba dahil walang nakaupo sa mga upuan na nakapaligid sa kanila; para bang may sarili silang mundo.

Hindi masyadong makahinga si Ces nang mabuti dahil ang lapit ni Lyle sa kanya—titig na titig. “What if one day, may nagsabi sa'yong ‘I like you’, ano’ng gagawin mo?”

“A-ano?” Kumakarera na naman ang tibok ng puso ni Ces. Sobrang bilis.

Ngumiti si Lyle nang pagkaguwapo-guwapo. Isang ngiti na medyo mapanloko na bagay na bagay sa image nito. Nagulat na lang si Ces nang hawakan ni Lyle ang kamay niya. Napatitig si Ces sa kanilang mga kamay. Pinipisil-pisil ito ng binata at para bang hindi na siya makahinga sa ginagawa ng Lyle niya.

First time na may humawak ng kamay niya. . . at si Lyle pa ang humawak nito.

Paglingon niya sa mukha ng katabi, napaatras siya nang kaunti dahil sobrang lapit na talaga ng mukha ni Lyle. Napangiti lalo si Lyle sa reaksiyon ng dalaga, natutuwa. Sumandal si Lyle sa balikat ni Ces. Nakikiliti man ang dalaga dahil sa buhok nito pero hindi niya 'yun ininda dahil. . . napapangiti siya.

Ang saya sa pakiramdam.

Ganoon lang sila for some minutes, tahimik. Nakasandal si Lyle sa balikat ni Ces habang pinaglalaruan naman nito ang kamay ng dalaga. Pinipindot-pindot ito, hinihimas-himas at parang. . . para bang kaunti na lang ay magkacross na ang fingers nila together.

All of a sudden, nagsalita si Lyle. “Nakita mo ba 'yung sa website ko?”

“’Y-yung ano?” pagmamaang-maangan ni Ces as if hindi niya alam 'yun at hindi siya nagpupunta roon everyday para lang malaman ang balita sa Lyle niya, na para bang hindi na niya nabasa at nakita ang lahat ng pictures, information, trivia at pati comments simula umpisa.

“Picture natin, sa home page?” Hindi makatingin si Ces kay Lyle dahil unfortunately—o fortunately, nakasandal pa rin ang binata sa balikat nito at nakatingin kay Ces so para bang kaunting kibot na lang ni Ces ay magdadampi na ang mga labi nila sa isa't isa.

“A-ano. . . uhm...” Hindi makapag-react si Ces dahil sa totoo lang, medyo nawawala na naman siya sa sarili niya sa puwesto nilang dalawa. Sobrang lapit nila sa isa't isa at nanng mapansin niya ang kamay niya, naka-lock na ito sa mga daliri ng binata—not moving.

Magka-holding hands kami! Nagpi-freak out na si Ces. Hindi niya malaman ang dapat i-react. Hindi siya mapakali. Nilalamig na rin ang mga kamay niya at nahihiya siya dahil hawak-hawak 'yun ng prinsipe niya.

Pero habang tinititigan niya ang mga kamay nila, parang bang. . . they fit perfectly.

“Hey, are you listening to me?” Nabalik sa totoong mundo si Ces nang magsalita ulit si Lyle. Hindi na nakasandal si Lyle sa kanya pero ang lapit pa rin ng binata rito na kung puwede lang ay magtabi na rin sila sa iisang upuan at gumamit ng iisang table.

“A-ano ulit 'yun?”

“Ang sabi ko—”

Kring!

 

“Next week, I want the name of your group. Make it professional and three proposed titles, understand? You may go.”

Nagkagulo na ang mga kaklase nila na hindi sila pinapansin kahit maglampungan sila sa likod. Nakalabas na ang karamihan pati na ang professor nila nang magsalita si Lyle.

“Shit, 'yung research. . .” Napatingin sa ibang parte si Lyle pero hawak pa rin nito ang kamay ng dalaga. “Uhm, Princess, won't you mind kung tayo ang partners?”

 

Partner?! Humugot ng malalim na paghinga si Ces. Tumango siya nang marahas at napangiti pa na para bang excited. . .at na-realize niyang ang OA yata niya.

“Thanks! Ang cute.” Then he kissed her—on her cheek. “Let's have lunch. My treat.”

Mula pagkatayo nila hanggang sa paglalakad, nakahawak lang si Ces sa pisngi niyang hinalikan ni Lyle na para bang nag-iinit ito, na para bang may apoy na dumadaloy sa may pisngi niya matapos itong halikan ng binata.

Nakarating sila ng cafeteria. . . magkahawak pa rin ang mga kamay, walang bumibitaw.

Marami-rami ang nakatingin sa kanila—particularly kay Ces nang masama. Most of them were girls with heels na hindi bumababa sa three-and-a-half inches ang taas. Sanay naman na kasi si Ces sa tinginan na 'yun pero ang hindi siya sanay, 'yung magkahawak sila ng kamay ni Lyle, crossed fingers—na para bang ayaw siyang pakawalan ng binata.

Kahit pa masasama ang tingin sa kanya ng ilan, hindi pa rin niya maiwasang kiligin. Sino ba’ng hindi kikiligin sa pangyayaring 'to?!

Kahit na mahaba ang pila, dumiretso lang si Lyle sa may counter para mag-order. Nagkangitian naman sina manang Pola at Ces dahil matagal-tagal na rin silang hindi nagkakakuwentuhan simula nang mapasama na si Ces sa grupo ni Lyle.

Pagkadating nila sa table, nandoon na ang iba pang kaibigan ng binata.

“Oooh, what's with the hands?” pagbati ni Elissa sa dalawa. Ngumiti ito ng mala-anghel. Kung hindi lang ito naka short shorts at naka fitted sando ay iisipin ni Ces na sa kumbento ito papunta sa sobrang mala-anghel na mukha.

“Magkahawak. Ngayon ka lang nakakita ng magkahawak-kamay?” sagot ni Lyle. Umirap si Elissa sabay ng tawanan ng grupo. Nakangising umupo si Lyle. Sumunod si Ces sa tabi ng binata.

Hindi pa rin gets ni Ces kung bakit magkakasama ang mga ito kahit na pakiramdam niya ay nagpaplastikan lang sila. Maybe because populars need to be with the other populars? Pero bakit siya nandito? Hindi naman siya popular.

“You know, Ces, you have beautiful eyes. Bakit mo suot-suot 'yang glasses mo na may tape?” pagtatanong ni Marla.

Si Marla ang pinaka manipis na magdamit sa mga babae sa grupo. Ngayong araw ay nakatube dress ito. Hindi lang ito basta-basta tube dress dahil sa sorang nipis ng tela ay kitang kita na rin ang panloob nitong suot. It complements her sexy body pero pinapayagan pala ang ganitong suot sa school?

“Malabo kasi 'yung, ano, mga mata ko.” Napa-’oh’ si Marla doon.

“Tell you what, bibigyan kita ng contacts para hindi ka na magsuot ng glasses,” nakangiting sabi ni Marla.

“A-ano?”

Ngumiti si Marla kay Ces na nahihiya at nag-iinit ang mga pisngi. “Ayaw ko naman kasi makita ng fans ko na may kasama ako na may salamin sa mata. It's so not me. Ang cheap.”

Napangiwi si Ces sa narinig. Ang akala pa naman niya ay nagpapakabait na sa kanya ang mga tao rito pero hindi pala: ayaw lang nilang masira ang image nila na may kasamang ‘nerd’. Hindi na lang umimik si Ces pero hindi rin siya makagalaw masyado dahil hawak pa rin ni Lyle ang kamay niya.

“Uhm, Lyle—ano. . .” Nagkatinginan sila kaya naman ay lumakas na naman ang kabog ng dibdib ng dalaga.

“Bakit, Princess?” Napangiti sa sarili si Ces nang marinig na naman niya ang boses ni Lyle na tinatawag siyang ‘princess’. Hindi na talaga yata siya magsasawa sa endearment ni Lyle sa kanya—isang prinsesa, nakakakilig. Nakatingin lang si Lyle sa kanya na nagtataka pero nakangiti pa rin.

“Kakain kasi ako, tapos 'yung, ano. . .”

“Oh!” Napansin niyang lalong ngumiti si Lyle. Lumapit naman ang binata sa kanya at bumulong, “I'll miss your hand.”

Ramdam ni Ces ang mainit na hininga ni Lyle sa kanyang leeg na nagpakilabot sa buo niyang katawan. Tumaas ang kaunting balahibo niya lalo na nang naramdaman ni Ces ang pagdampi ng labi ni Lyle sa leeg niya—pero sobrang light lang.

“Get a room, guys!” Lumayo si Lyle kay Ces habang nagtawanan ang mga nasa table. Nakaramdam ng kahihiyan si Ces pero kahit na nakakahiya, nakakakilig pa rin.

Pakiramdam niya, isa siyang prinsesa na kasama ang prinsipeng matagal na niyang hinahangad. Dreams do come true when you wait.

Ces was daydreaming habang kumakain hanggang sa naputol ito nang bigla siyang nakarinig ng isang sigaw ng babae.

“OHMAYGAHD, AND’YAN NA SILA!”

Napatingin si Ces sa babaeng 'yun at napansin na lang niya na may paparating na grupo ng mga lalaki at ilang camera men, nag-aayos ng lightings at kung anu-ano pa. Pumasok ang grupo na parang pinagkakaguluhan at narinig na lang niya ang mga ilang sigawan ng mga babae.

“Ooh, MyuSick’s here,” pag-a-announce ni Pao, ang korean looking guy sa grupo, na katabi ni Lyle.

“I know. Hindi ako bulag.” Napatingin si Ces kay Lyle. He was eyeing the group ng guys na naglalakad kasunod ng mga camera. Sa mga T-shirt ng cameramen ay ang logo ng MTV Asia Nakikita ni Ces na para bang may something sa tingin ni Lyle na 'yun, something close to hate, perhaps?

"We’re now here in the cafeteria of MyuSick’s school in the Philippines." May host rin pala ang nandito. Medyo pinagkakaguluhan ng ilang babaeng ang MyuSick pero hindi maka-relate si Ces kahit na pakiramdam niya, pamilyar sila sa kanya.

“Uhm, puwedeng magtanong: sino sila?” tanong ni Ces.

“MyuSick, rising band in Asia.”

“Banda na dito nag-aaral.”

“Kinaiinisan ni Lyle 'yung vocalist!”

“Shut up, Pao!” Natawa lang si Pao sa reaksiyon ni Lyle. Nagulat na lang si Ces nang hawakan siya ng binata at itinayo.

“Hey, saan kayo pupunta?”

“We're getting a room. Hindi ka kasama.”

“Buti naman. Hindi ako mahilig sa threesome, pare.” Nanlaki ang mga mata ni Ces sa narinig. Mabilis na naglakad si Lyle at medyo nahihila na siya nang marahas ng binata. Nagkasalubong sina Lyle at ang grupo ng MyuSick, but only two were eyeing each other: si Lyle at ang vocalist ng banda. Nagtitigan silang dalawa na para bang may kaunting kuryente ang na-produce sa titigang iyon

There were a lot of giggles ng ilang babae dahil nagtabi raw ang dalawang hottest guys sa school. Hindi naman 'yun mawari ni Ces dahil kahit pagbali-baliktarin man ang mundo, pinaka-hot pa rin ay si Lyle.

Nakalabas na sila ng cafeteria at medyo malayu-layo na roon. Hinihingal na rin si Ces. “We're not getting a room. Na-bad trip lang ako.”

Tumango na lang si Ces. Nakatayo sila sa school garden at magkahawak-kamay. Umupo ang binata sa isang bench pero nakatayo pa rin si Ces, siguro dahil nahihiya siya? Pero magkahawak pa rin sila ng mga kamay, hindi pa rin kumakawala.

“Bakit ka nakatayo? Sit.” Nag-aalinlangan pa si Ces kung uupo siya o hindi pero nang paupo na siya sa tabi ni Lyle, bigla siyang hinila ng binata kaya naman ay napaupo siya sa lap nito.

“T-teka—” Naramdaman na lang niya na hindi na hawak ni Lyle ang kamay niya pero unti-unti, gumapang ang dalawang kamay nito sa tiyan niya at niyakap siya.

Butterflies.

Ang daming paruparo ang nagliparan sa tiyan niya na akala niya ay nakakain yata siya ng mga caterpillar noong lunch. Hindi siya masyadong makahinga lalo na nang isinubsob ni Lyle ang ulo sa dibdib niya. Ramdam niya ang paghinga ng binata. Ang init ng paghinga nito at nahihiya siya dahil ang lakas ng kabog ng dibdib niya—baka mahalata ni Lyle na may gusto siya rito.

Which was not really shocking dahil sino ba’ng hindi magkakagusto kay Lyle, hindi ba?

“If I told you I like you, will you be mine?”

Napatulala si Ces sa narinig. Napatingin siya kay Lyle: he was staring at her, titig na titig na para bang ayaw kumawala. Humigpit ang yakap ni Lyle sa dalaga at pakiramdam ni Ces, mahuhulog na yata siya sa pagkakaupo sa lap ni Lyle sa sobrang kaba.

“A-ano?” Pakiulit nga. Nag-i-imagine na naman yata ako.

 

“I like you.”

 

~ ~ ~

Author's Note:
Yung totoo? Bakit kayo kinikilig last chapter? Kasi wala akong naramdamang kilig eh, kaya bakit?! Hahahaha pero salamat dahil natutuwa kayo kahit ibang approach itong kwento na 'to kumpara sa iba kong gawa na puro kalokohan.

Dedicated kay Rach. . .kase, kinikilig siya! Ewan ko lang kung dahil kay Lyle o dahil kay *toooot* hahahahahahaha! Dedicated din sa kanya kasi ngayon lang 'yan nagcomment, kinikilig daw pero. . . hahahahaha joke lang hi Rach salamat sa pagbabasa nito yay! :D

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top