58 // Love's Limit

"How far should a person go in the name of true love?" 
— Nicholas Sparks

~ ~ ~

Kaagad kinabahan si Pauline sa ingay at gulo ng mga fourth years. Nagpunta kasi siya sa hallway ng fourth years para magtanong. Ang daming nasa labas na nagtatawanan, nagjajamming, kwentuhan, sigawan at may ilang naghahabulan. Ang tatangkad at ang lalaki ng mga seniors nila.

“Uy, hi!” May lumapit na isang senior na lalaki sa kanya. “Junior ka ba?”

Malawak ang ngiti ng binata at mukha namang harmless pero kinabahan pa rin siya. Hindi kasi ito sanay sa mga tao—o sa mga lalaki na kinakausap siya.

Sa hindi kalayuan, nakaupo sa upuan sa labas si Lyric habang nag gigitara. Nakikipagjamming ito sa mga kaklase nang lumingon sa gawi ng kinatatayuan ni Pauline. Napatigil ito sa pag gigitara at lumapit sa kaibigan pero humarap muna sa kapwa senior.

“Oy Kimwell, huwag mo namang takutin 'yung kaibigan ko.”

“Anong takutin? Nagpapakafriendly lang ako!”

Natawa lang si Lyric at sinabihan ang kapwa senior na siya na ang bahala sa dalaga. Nang makaalis si Kimwell, nilingon niya si Pauline na hiyang hiya. “Bakit napunta ka rito? Dapat sinabi mo para kami na pupunta sa'yo.”

Napakagat ng labi ang dalaga bago nagsalita. “Si Ash sana. . .”

Napatingin si Lyric sa hawak ni Pauline na sinundan din ng tingin ng nanonood na Ces. Nakita ni Ces ang pagkuyom ng kamao ni Lyric sa nakitang pink paper na hawak ng dalaga. Nawala ang ngiti nito nang ilang sandali ay nakarinig sila ng malakas na boses na galing sa hagdanan. Paglingon ay nandoon si Ash habang hawak hawak ang mga gamit ng guro—kasama si Ms. Lily Yuzon.

Bago pa makita ni Ash ang dalaga ay kaagad nagpaalam si Pauline. “A-Aalis na ako, time na kasi. Bye.” Kaagad ito tumakbo pabalik sa hallway ng mga juniors. Napahawak ang dalaga sa dibdib para pahupain ang kabog nito.

Napangisi ang nanonood na Ces sa nakita. “Nasasaktan ako.”

“Naramdaman mo?” Nilingon ni Boss si Ces.

“Hindi. . . pero kitang kita na nasasaktan ako.”

Tumitig lang sandali si Boss at muling kinumpas ang kamay. Mabilis na umandar ang mga tao sa paligid na tila nakafast forward ang lahat. Naglakad sila ni Boss papunta sa ground at nanatili doon habang tumatagos sa mga estudyanteng nakakalat. Bumalik sa normal na bilis ang lahat nang kinumpas pababa ni Boss ang kamay at napansin nila ang tatlong magkakaibigan na sina Pauline, Ash at Lyric na nakatambay sa ilalim ng puno.

Lumapit sila ni Boss sa magkakaibigan at ang una niyang narinig ay ang boses ni Ash na nagtanong.

“Ano 'yan?” kunot noong tanong ni Ash. Kinuha nito ang pink paper na halos malaglag na sa bulsa ng uniform ni Pauline. Nang basahin ang nakasulat ay ngumuso ito. “Ang korni naman nito, sinong nagbigay?”

Nagtaka si Pauline. Kitang kita ang panlalaki ng mga mata nito sa tanong ng kaibigan. Gusto niyang magtanong pero hindi siya nagsalita. 

“Tingnan mo Ly, pink paper din. Gaya-gaya.” Binigay ni Ash ang lukot lukot na pink paper kay Lyric.

“Gaya-gaya eh di ba galing kay Pauline 'yung pink paper?”

Napatingin si Ash kay Pauline at kay Lyric tapos kay Pauline. "Kahit na! Pink paper pa rin. Ganun din 'yon eh."

Umiling na lamang si Lyric at tahimik na binasa ang sinulat. Napangiti ito habang binabasa ang isang salita. 

“Prinsesa. . .”

Nakaramdam ng pagsabog sa puso ang nanonood na Ces. Napahawak siya sa kanyang dibdib dahil sa biglaang pagtalon ng puso niya sa loob.

“Ang korni, prinses—” naputol ang kumento ni Ash nang magsalita si Lyric. Nakatingin nang mataman si Lyric sa dalagang hiyang hiya na. Ibinalik nito ang pink paper sa dalaga at ngumiti.

“Bagay sa'yo ang Prinsesa.”

Natatawa si Ash nang magsalita. “Oo nga. Prinsesa! Sesa. Mga anak ko, Crespen, Baseleo!”

Umiling ulit si Lyric sa kalokohan ni Ash. Napatigil lamang si Ash sa pagtawa nang mapangiti sa nakitang teacher na dumaan. “Hi Ma'am Yuzon,” pagbati ni Ash na sinundan din ni Lyric at Pauline.

Nang makalayo si Ms. Yuzon ay tumingin nang masama si Ash kay Lyric.

“Ano 'yang tingin na 'yan?” kunot noong tanong ni Lyric.

Ngumuso si Ash. “Hindi mo sinabi sa akin na ate pala ng kababata mo si Ma'am Yuzon, langya ka.”

Napatingin sandali si Lyric kay Pauline na tahimik na umiinom ng zesto. Nakayuko lang ito at obvious na iniiwas ang tingin. Binaling ni Lyric ang atensyon kay Ash. “Kailangan mo bang malaman?”

“Oo, sana pinakilala mo ako kay Ma'am, hindi ba. Wala ka pala eh.”

Natawa si Lyric. “Gago ka ba, kilala ka na ni ate Lily.”

“Ate Lily?! Ate Lily na tawag mo sakanya?! Alangy—”

Napatigil sa pag-uusap ang dalawang seniors nang marinig ang boses ng lalaki na tumawag kay Lily Yuzon. “Ms. Lily!”

Sinundan ng tingin ni Ash ang lalaking tumawag kay Ms. Yuzon. Kita ang pagkairita ni Ash nang makita ang teacher niya sa Araling Panlipunan na lumapit kay Ms. Yuzon. Nagkangitian ang dalawang guro at nagsabay sa paglalakad. “Bakla talaga 'yang si Sir, badtrip.”

“Bitter naman,” natatawang sabi ni Lyric.

“Hindi ako bitter, pre. Wala pa sa dumi ng kuko ko 'yang pagmumukha ni Sir,” naaasar na sabi ni Ash habang titig na titig sa teacher niya. Natahimik silang lahat nang magsalita si Pauline na mauuna na siyang bumalik sa room.

“T-Teka Auie, bakit?” Nagulat si Ash sa biglang pag-alis ni Pauline ngunit tahimik lang si Lyric na sinundan ng tingin ang kaibigan. “Anyare doon?” takang tanong ni Ash kay Lyric. Magsasalita na sana si Lyric nang mapatingin ang halos lahat ng tao sa ground sa biglang pagsigaw ng isang babaeng grade schooler.

“Ash!”

Tumakbo papalapit ang batang babae sa harapan ni Ash at ngiting ngiti na sumigaw. “Crush na crush po kita Ash po! Tanggapin mo ito po!” Halos isubo na ng grade schooler ang card sa bibig ni Ash sa sobrang pagkaligalig.

“Ano 'to?” takang tanong ni Ash. Natatawa lang si Lyric sa nakikita.

Hinawi ng batang babae ang kulot nitong buhok at nag beautiful eyes. “Invitation card po natin 'yan para sa kasal po natin. Nakita mo po 'yan, AshLaine, Ash at Ellaine!” Pagturo ng bata sa harap ng card na may mga dinikit na piraso ng magazine at art papers. “Dalo po kayo sa kasal natin ah!” Binaling ni Ellaine ang tingin kay Lyric. “Kayo po best man kuya Lyric, ahihih po!”

Natawa na lang si Lyric sa kalokohan ng grade school na lumapit sa kanila. Nakita rin ng nanonood na Ces ang natatawang Boss sa kanyang tabi habang pailing-iling. Tumahimik ang buong paligid ngunit dire-diretso lang ang mga nangyayari hanggang sa hinigop muli ng salamin ang senaryo. Nagdilim ang paligid at muling pumalibot sa kanila ang mga Memyor.

Sinundan ni Ces si Boss nang maglakad ito sa kadiliman. Napapalingon siya sa mga Memyor na sumusunod sa kanila—nakikita niya ang mga ngiti niya sa mga Memyor na iyon. Nakikita niya kung gaano siya kasaya kasama ang mga kaibigan. Naglakad lang sila—buong akala niya ay magkakaroon muli ng senaryo nang marinig niya ang sariling boses na nagsalita.

“Ces?”

Napalingon sa paligid si Ces ngunit kadiliman pa rin ang kanyang nakikita. Naghintay siya ng babalot sa kanilang paligid ngunit nang tingnan muli si Boss ay naglalakad lang ito.

“Oo, Ces nga. Okay lang ba?” Boses ni Lyric.

Nagtingin tingin si Ces sa mga Memyor na nakapalibot sa kanya ngunit wala siyang nakikitang umuugnay sa naririnig niyang senaryo.

Natatawa ang boses ng dalaga. “Bakit naman Ces?”

“Para hindi mo makalimutan na isa kang Prinsesa. . .”

Napatigil sa paglalakad si Ces nang marinig ang sinabi ng boses ni Lyric. Umalingawngaw ito sa buong kadiliman at dumiretso sa kanyang tainga.

“P-Prinsesa?” boses ni Pauline.

“Ah, ano. . . oo. N-Namin ni Ash.”

“Boss. . .”

Tumigil sa paglalakad si Boss at may kinuhang isang Memyor. Lumutang ang Memyor sa kanyang kamay. Nang ihagis pataas ni Boss ang Memyor ay bumalot ang liwanag sa kadiliman. Unang narinig ni Ces ay ang boses na kumakanta. Alam niyang hindi ito kay Lyric dahil kabisado niya ang lamig ng boses ng kapwa bokalista kaya nagtaka siya.

♪ ♫ When I see your smile,
Tears run down my face
I can't replace.

Napalingon sa paligid si Ces sa kantang napaka pamilyar. My Guardian Angel. Unti-unti—nagkaroon ng senaryo sa kanilang paligid. Nakatayo sila ni Boss sa may bintana habang nasa tapat na dalawang upuan ang kumantang si Ash at si Pauline na nakikinig. Hawak nila parehas ang song hits.

♪ ♫ And now that I'm strong I have figured out,
How this world turns cold and it breaks through my soul.
And I know I'll find deep inside me,
I can be the one.

Tumigil sa pagkanta si Ash at nginitian si Pauline. “Ikaw naman.”

Kahit hiyang hiya ay napilit ng kakulitan ni Ash si Pauline upang kumanta. Ito ang unang pagkakataon na kumanta ang highschool na Ces kaya mahina pa ang boses nito. Napapangiti na lamang si Ash sa narinig na boses.

♪ ♫ I will never let you fall.
I'll stand up for you forever.
I'll be there for you through it all.
Even if saving you sends me to Heaven.

“Woah Auie, ang ganda pala ng boses mo.”

“Sakto lang.”

“Sakto?” nanlalaki ang mga matang tanong ni Ash. “Paano pa kaya boses ko, semi-sakto lang?” natatawa nitong sabi. Natawa rin si Pauline sa kaadikan ni Ash. Natigil lang ang tawanan nang magseryoso si Ash.

“B-Bakit?” Nakaramdam ng pagkailang si Pauline sa titig ng kaibigan.

Ngumiti si Ash. “May boyfriend ka na ba?”

“H-Ha?”

Natawa nang kaunti ang binata. “Grabe, natense ka kaagad. Nagtanong lang ako kasi baka nagagalit na 'yung boyfriend mo dahil laging kami ni Ly ang kasama mo.”

Yumuko si Pauline at umiling. “W-Wala akong boyfriend.”

“Bakit naman? Walang nanliligaw? Crush? Gusto? Mahal? MU?”

Sobra na ang kaba na nararamdaman ni Pauline sa mga tanong ni Ash. “Ano ba, bakit ba ganyan ang mga tanong mo.”

Sumandal si Ash sa upuan at diretsong tumingin sa kaibigan. “Hindi mo ba tatanungin kung sino crush ko?”

“A-Ano?” kinakabahang tanong ni Pauline. “Si Ma'am Yuzon, b-bakit kailangan ko pa itanong?”

Lumawak ang ngiti ni Ash at tumingin sa blackboard. “Hindi na. Ayaw ko na. Masyado siyang matanda para sa akin. Gusto ko mas bata. Hindi mo ba pansin, tumigil na ako sa pagbibigay ng pink paper sa kanya. . .tapos ginaya pa ako ng nagbigay sa'yo.”

“Ah. . .” Awkward laugh. “S-Sino ba?”

Pinatong ni Ash ang braso sa lamesa. Pumalumbaba ito at tinitigan nang mataman ang dalaga kaya ilang na ilang na si Pauline.

“Pilitin mo ako,” natatawa nitong sabi.

Nag iwas ng tingin si Pauline. “Huwag na, ayaw mo na—”

Natigilan si Pauline sa paghawak ni Ash ng kanyang pisngi. Napatingin siya sa binata na may mapupungay na mga mata at nagsalita.

“Ikaw.”

Napalingon ang dalawang estudyante nang marinig nila ang isang malakas na katok sa pintuan ng classroom. Nakatayo si Lyric sa may pintuan habang nakasukbit ang backpack sa isang balikat. Seryoso ang tingin nito habang hinihingal pero kitang kita ang titig nito sa kamay ni Ash na nasa pisngi ni Pauline.

“Sorry natagalan ako sa meeting.”

Ngumisi si Ash at tumayo. Pinatong ng binata ang kamay nito sa ulo ni Pauline at ginulo ang buhok. Yumuko ito sandali at bumulong, “huwag mong kalimutan sinabi ko, ah?”

Nanlaki ang mga mata ni Pauline sa narinig. Ilang segundo pa ang nakalipas bago siya natauhan para tumayo at sumabay sa dalawang binata. Nauuna si Ash habang ngiting ngiti habang nakatitig si Lyric sa nakayukong Pauline.

“Ces.”

Nilingon ni Pauline ang pagtawag sa kanya ni Lyric. Mula sa seryosong mukha ay ngumiti si Lyric sa kanya. “Buti nilingon mo ako sa Ces.”

"Auie!" pagtawag ni Ash kay Pauline.

Kinuyom ng nanonood na Ces ang sariling mga kamay nang makita ang mukha ni Lyric na nawala ang mga ngiti sa pagtawag ni Ash kay Pauline. Napatitig si Ces kay Lyric. . . sinubukan niyang hawakan sa pisngi ng highschool na Lyric ngunit tumagos lang ang kamay niya sa binata.

Napangisi si Boss sa nakitang senaryo. Kinumpas nito ang kamay at tumigil ang senaryo saka nabasag ang paligid nila na tila ba mga salamin. Ilang sandali lang ay mabilis na bumalik ang mga salamin na nabasag sa kanilang paligid ngunit imbis na sa hallway ay ibang senaryo na ang nakapalibot sa kanila.

Nasa music room sina Lyric at Pauline. Nag gigitara si Lyric habang pinagmamasdan ng dalaga ang kaibigan.

“Sigurado kang sa akin mo ipaparinig pinaka una mong composition?” pagtataka ng dalaga.

Tiningnan ni Lyric ang dalaga at ngumiti saka sinimulan ang pag gigitara. “Oo naman, ikaw lang may karapatan para marinig pinaka una kong sinulat.”

Napatigil ang nanonood na Ces nang marinig ang napaka pamilyar na intro ng tugtog na ito. Alam na alam niya ang musikang ito.

Napatigil sa pagtugtog si Lyric nang kumatok si Ash sa pintuan. Lumapit ito kaagad sa dalawa at nakangiting hinawakan sa braso si Pauline—na siyang ikinagulat ng dalaga. “Pre, teka lang ah. Kunin ko lang si Auie, sandali lang!”

Napatitig si Lyric kay Pauline. Nagkatinginan si Lyric at Ash. Ngiti ang nakapinta sa mukha ni Ash samantalang salungat naman ang nakikita sa mukha ni Lyric. Ngumiti ito nang malungkot at tumango. Nang mahatak na palabas ni Ash si Pauline, isinandal ni Lyric ang ulo sa pader at pumikit. Tahimik lang ang buong paligid. Lumapit ang nanonood na Ces sa binatang Lyric.

“Bakit. . .” Sinubukang hawakan ni Ces ang pisngi ni Lyric ngunit tumagos lang ang kanyang kamay. “Bakit ko sinaktan si Lyric?”

Lumutang sa tabi ni Ces si Boss at ngumisi. Nakatingin lang din ito sa binatang nakaupo't nakapikit. “Heart breaker ka kasi kahit dati pa,” natatawang sabi ni Boss.

Walang nararamdaman si Ces ngunit pakiramdam niya ay nasasaktan siya para sa binatang Lyric. Dumilat si Lyric at tiningnan ang gitara saka ito pinatugtog.

“Kung alam ko lang na nasasaktan ko na siya. . .”

♪ ♫ In my dreams you haunt me before you came
There was you forming within my fate

Gustong manghina ni Ces nang marinig ang boses ni Lyric nang kumanta ito. Ito pala. . . ito pala ang pinaka unang sinulat ni Lyric. Na hindi niya pinakinggan.

♪ ♫ If this is true wake me up today
Cause you were there when the world was away.

Lalong nanlumo si Ces nang marinig ang lyrics ng kanta. Hindi siya nagkakamali—ito ang kinanta sa kanya ni Lyric nang magtapat ito.

“Sabi nga ng kaibigan mong gitarista, hindi lahat dapat nalalaman. . .” mahinang sabi ni Boss. Nilingon ni Ces ang kasamang kamatayan. “Kung nalaman mong nasaktan mo siya noon, ano kayang mangyayari ngayon?”

♪ ♫ All the words never really came out right
Finally I've found someone that makes me smile

Ngumisi si Boss at lumayo sa kanya. Naupo ito sa isang upuan at dumikwatro habang nakatingin kay Ces. “Kung  pinakinggan mo siya noon, mangyayari kaya ang nangyayari ngayon?”

♪ ♫ In your eyes my future ignites
This might be what it means to be alive

Nilingon ni Ces si Boss. “Anong gusto mong parating?”

“Your voice is magical.”

Tumango si Boss at sabay na lumingon ang nanonood na Ces at highschool na Lyric sa biglang nagsalita sa may pintuan. Doon, tumambad ang isang pamilyar na babae—si Lily. Si Manager Lily Yuzon.

“A-Ate Lily. . .” Napatigil sa pagkanta si Lyric at kaagad na tumayo. Tumagos ang binata kay Ces nang ligpitin ng binata ang gitara.

“Ate? Nasa school tayo so Ma'am Yuzon ang itawag mo sa akin,” nakangising sabi ni Manager Lily. Lumapit si Lily kay Lyric saka kinuha ang gitara ng binata. “Hindi mo sinabi sa akin na maganda pala ang boses mo.”

  

“Ah eh, hindi kasi—”

“Gusto mong magbanda?” tanong ni Lily. “Kasama si Lyle dito.”

Lumutang palapit si Boss kay Ces at hinawakan sa balikat ang dalaga. Bumulong si Boss sa dalaga. “Kung hindi kinanta ni Lyric ang sakit na naramdaman niya noon, may MyuSick pa kayang mangyayari?”

Nanlalaki ang mga mata ni Ces. Nagulo ang kanilang paligid at nag-iba ang simoy ng hangin. Unang napansin ni Ces sa paligid ay ang mga palamuti ng pasko. May mga parol sa bawat pintuan ng classroom at Christmas lights sa taas. Naghalo-halo rin ang mga kulay na dilaw, kahel at asul sa paligid dahil sa papalubog na araw.

Ginamit ni Boss ang labi para ituro kay Ces ang dalawang binata na nakatayo sa may hagdanan ng mga seniors. Seryoso ang mga mukha nito. “Baka gusto mong tingnan?” nakangiting tanong ni Boss.

Hindi na nagsalita o nagtanong si Ces at naglakad na siya palapit sa dalawang binata. Ang una niyang narinig ay si Lyric na mukhang nagmamadali. Nakasukbit ang gitara sa likuran ngunit pinigilan ni Ash na hawak ang braso ng kaibigan.

“May gusto ka ba kay Auie?”

Tinanggal ni Lyric ang kamay ni Ash na nakahawak sa kanyang braso. “Wala,” diretso nitong sabi. “Kung yun lan—”

“Mahal ko na si Auie,” marahang sabi ni Ash.

Napaawang ang bibig ni Ces sa narinig. Nakatingin lamang siya sa dalawang binatang magkatitigan. Unti-unti ay nakita niya ang pagngisi ni Lyric sa kaibigan.

“Ahh, okay. Paano na, aali—”

Pinigilan muli ni Ash si Lyric sa pag alis at tinitigan sa mga mata ang kaibigan. “Ipangako mo sa akin. Walang talo-talo. Kapag minahal mo siya sa susunod, huwag.”

Nanlaki sandali ang mga mata ni Lyric ngunit nagbalik din sa dati. Ngumisi ito at medyo natawa. “Oo naman, pre.” Tinapik ni Lyric ang balikat ni Ash. “Batang kapatid lang ang turing ko sa kanya. Halos tatlong taon din ang gap. Ano ka ba naman.”

Natahimik ang dalawang binata. Magkatitigan sila hanggang sa tumango si Lyric kay Ash at ganoon din si Ash kay Lyric.

“Geh bro, advance happy birthday, ah?”

Natawa si Lyric. “Ilang weeks pa. Sige na, practice pa ako.”

“Geh, may kukuhanin pa ako sa locker.”

Nagtapikan sa balikat ang dalawang magkaibigan. Nauna nang bumaba si Ash ng hagdan habang naiwan si Lyric. Biglang napaupo si Lyric sa hagdan at napasapo ng noo. Kitang kita ni Ces ang malakas na pagbuntong hininga ng binata mula sa pagkakayuko.

Gustong gusto hawakan ni Ces si Lyric ngunit biglang nag-iba ang paligid. Napalingon siya kay Boss na kakakumpas lamang ng kamay. Nasa hallway na sila ng mga third years at walang tao rito. Nagtataka pa si Ces nang magulat siyang tumagos sa kanya ang binatang Ash. Dumiretso ito papunta sa classroom ni Pauline. Ilang sandali lang ay lumabas ng classroom si Ash at nanlaki ang mga mata ni Ces nang makita ang isang pamilyar na bote.

Isang maliit na bote na may laman na mapupulang rosas.

Lumapit si Ces kay Ash habang binabasa ni Ash ang nakasulat sa pink paper—lalong natigilan si Ces nang makita ang nakasulat doon.

Prinsesa,
Sana malaman mo, mahal na mahal kita.
Lyric.

Nagulat si Ces nang nilukot ng highschool na Ash ang pink paper at tinapon sa basura kasama ang bote na may mga rosas. Nakakuyom ang kamao ni Ash at halos magdikit na ang dalawang kilay nito habang naglalakad.

“Ako nauna sa kanya, Lyric. Ako.”

Biglang nagdilim ang buong paligid. Ang tanging nasabi lang ni Ces ay ang pangalan ni Ash. Sobrang dami niyang nalaman. . . at alam niyang wala siyang nararamdaman sa mga nalaman niyang iyon pero pakiramdam din niya ay nahihirapan siya. Ang gulo.

“May Christmas gift ako sa'yo!”

Isang sigaw ang naging dahilan upang pumalibot sa kadiliman ang senaryo ng madilim na playground. Ngunit sa dilim ng playground ay may mga naglalarong ilaw dahil sa nalalapit na pasko.

“Tinext mo talaga ako para sa Christmas gift? Pwede namang sa pasukan na lang ulit,” natatawang sabi ni Pauline kay Ash. Nakaupo ang dalawa sa swing habang ninanamnam ang malamig na simoy ng pasko.

“Eh, hindi na ako makapaghintay.”

Kumunot ang noo ni Pauline. “Akala ko ba Christmas gift? Wala ka namang dala eh.”

Tumayo si Ash at lumapit sa likuran ng nakaupong Pauline. “Huwag kang haharap!”

“Hala, bakit?” pinipilit ni Pauline na lingunin si Ash ngunit hinawakan ng binata ang ulo ng dalaga upang pigilan ang paglingon. “Ano ba Ash, ano ba 'to,” natatawang tanong ni Pauline.

“Kasi. . . nahihiya ako. Ayaw ko ring makita reaksyon mo.”

“Ha? Bakit? Ano bang mayroon?”

Yumuko si Ash at lumapit sa tainga ng dalaga saka bumulong. “Auie. . . I love you.

Natigilan si Pauline sa narinig. Kitang kita ng nanonood na Ces ang panlalaki ng mata ng highschool version niya. Kaagad tumakbo si Ash at tumawid sa kabila sa sobrang kaba. Nanginginig ang mga binti nito sa pag-amin.

Nilingon ni Pauline si Ash na nasa kabila. Kahit kinakabahan ay tumayo ito at tumapat kay Ash. “A-Anong sabi mo?” hindi makapaniwalang tanong ng dalaga.

Lumawak ang ngiti ni Ash, “ang sabi ko, I love you!” pagsigaw ng binata.

Napahawak sa bibig si Pauline. Nangingintab na rin ang mga mata nito—pinipigilan maiyak sa sobrang tuwa. Tumakbo si Pauline palapit kay Ash. Patawid na siya ng kalsada. Masayang masaya siya, ngiting ngiti. Ngunit ilang sandali lang ay nabingi ang mga tao sa napaka lakas na pagbusina na narinig.

BEEEEEEP!

Kitang kita ng dalawang mata ni Ces. Ni Ash. Ni Boss. . . ang pagkawala ng ngiti sa mga labi ni Pauline.

“A-A-AUIE!”

Nagdilim ang paligid.

Nanlalaki ang mga mata ni Ces sa nadatnan. For a moment, nakaramdam siya ng mabilis na tibok ng puso at biglang tigil. Napaka sakit sa loob. Nakaramdam siya ng biglaang takot pero nawala rin kaagad. Tiningnan niya si Boss na natatamaan ng ilaw ng mga Memyor kaya't kitang kita niya ang ngiti sa mga labi nito.

"A-Anong. . .ano. . ." Hindi mahanap ni Ces ang tamang mga salita upang magtanong. Hindi niya alam kung nananaginip ba siya o may katotohanan pa ba ang mga nakikita niya.

Hindi niya maalala na nangyari iyon ngunit ang naaalala niya ay naaksidente sila sa kotse. Nasa loob siya ng kotse. Hindi siya nasagasaan dahil sila ang nakasagasa ng isang bata. Pero ano itong pinapakita ni Boss? Ibang-iba ang nakikita niya ngunit parehas ng senaryo.

"Ito ang katotohanang hindi mo kailanman malalaman. . ." pabulong na sabi ni Boss. Kumuha ito ng Memyor at inihagis sa taas na siyang dahilan upang balutin sila ng isang senaryo. "Ito ang memoryang hindi mo kailanman makukuha."

Nakapalibot na sa kanila ang mga puting pader ng ospital. Walang nadaramang tumingin si Ces sa batang siya na nakaratay sa puting higaan ng ospital. Nakita niya ang kanyang nanay na umiiyak katabi ang kanyang tatay na kasama ang lalaking kinakasama nito.

"Comatose. . ." Bumaling si Ces sa katabing si Boss. "Uso ang comatose sa mundo niyo, ano?" nakangisi nitong sabi.

Tumahimik lang si Ces. Paglingon niya sa may upuan, doon niya nakita ang batang Ash na duguan ang mga damit at nakatulalang nakatingin sa batang siya. Hindi ito nagsasalita at mukhang walang balak magsalita.

"Tingnan mo ang nangyari sa lalaking 'yan," sabat ni Boss. "Nang dahil sa kanya, naaksidente ka pero tulala lang. Tsk tsk. Bad."

"Bakit. . . bakit mo ba pinapakita sa akin ang mga 'to?" Nakatingin si Ces sa kanyang sarili na binalot ng benda ang ulo at may mga sugat sa iba't ibang bahagi ng katawan. Tila natutulog lang siya roon nang mahimbing. "Kailangan ko ba talagang malaman ang mga 'to?"

"Alam mo ba ang pinaka masayang parte sa pagiging kamatayan?" tanong ni Boss. "Basta. Manood na lang muna tayo."

Kinumpas ni Boss ang kamay at nabasag ang buong senaryo sa paligid. Muling nagdilim ang lahat ngunit naririnig ni Ces ang mga boses na nagpapasakit ng kanyang ulo.

"Auie. . . sorry. . . " boses ni Ash. "Gumising ka na, please. Gising na."

Rinig na rinig ang pagmamakaawa ng boses ni Ash mula sa kadiliman. Umikot ang mga Memyor sa kanila ni Boss kaya kitang kita niya na tila ba natutuwa pa si Boss sa mga nangyayari.

"Alam mo ba kung bakit sobrang guilty siya?" nagtitingin tingin ng Memyor na tanong ni Boss. Nilingon ni Boss si Ces na may seryosong mukha. "Kasi niloko ka niya."

"N-Niloko?"

"Niloko niya ang batang ikaw. . . pinaniwala na ikaw ang mahal niya." Natawa si Boss sa sariling sinabi. "Dahil sa pagiging makasarili niya. . .ayan, nangyari yan. Nakakatuwa lang."

Kumunot ang noo ni Ces. "Ano bang nakakatuwa rito?"

Nagulat si Ces nang lumakas lalo ang tawa ni Boss. Umalingawngaw sa buong kadiliman ang tawa habang naririnig nila ang boses ni Ash na paulit ulit na nagmamakaawa.

"Wake up. Gising na. Auie. . .gising."

"Lahat. Nakakatawa ang lahat." Hinawakan ni Boss ang isang Memyor at pumalibot itong muli sa kanilang dalawa ni Ces. 

Ospital muli ang nakikita niya. Mag-isa lang si Ash sa ospital na nagbabantay kay Ces. "Simula nang maaksidente ka, hindi na siya nawala sa tabi mo. Nag aapoy na pagkakasala ang kikitain sa kanyang aura."

Mula sa nakakabinging katahimikan ay biglang tumunog ang cellphone ni Ash. Tiningnan ni Ces kung anong mayroon at nakita niya ang pangalan ni Lyric na tumatawag. . . ngunit ilang minuto na ang nakakaraan, tinititigan lang iyon ni Ash.

"Bakit ayaw niyang sagutin?" takang tanong ni Ces. "Sagutin mo, Ash."

"Bakit niya sasagutin?" pag-eepal ni Boss. "Kapag sinagot niya 'yan, siguradong siya ang masisisi sa lahat ng nangyari. . .na totoo naman."

"Boss. . . ano bang ginagawa mo?"

Ngumisi si Boss. "Dahil gusto ko malaman mo kung gaano ka pinahirapan ng taong minahal mo noon."

Hindi na maintindihan ni Ces ang mga pinagsasabi ni Boss. Pinaglalaruan ba siya ng kamatayan? Ginagamit ba siya ng kamatayan? Gusto na niyang tumigil ang lahat. Gusto na niyang tumigil ang mga nakikita niya ngunit mukhang walang balak tumigil si Boss.

Kinumpas ni Boss ang kanyang kamay at bumilis ang lahat na tila nakafast forward. Sa halos matagal tagal na mabilis na pangyayari, si Ash lang ang halos consistent sa kwarto niya. Si Ash lang ang hindi umaalis. Si Ash lang ang nakatulala. Si Ash lang ang halos nandoon.

Unti-unting naaalala ni Ces na dito na nagkakaproblema ang kanyang nanay. Alam niyang sa mga pagkakataong ito, may kinikimkim na rin ang kanyang ina.

Bumagal ang oras sa pagdating ng ala-una ng madaling araw, Nakatingin lang si Ces sa harap niyang si Ash na gumigising. Tumingin ito sa cellphone nito at bumuntong hininga.

"Birthday mo na, Lyric."

Iniangat ni Ash ang ulo nito ngunit nanlaki ang kanyang mga mata at napaatras sa pader. Nanlaki rin ang mga mata ni Ces dahil feeling niya, nakita siya ni Ash. Aalis na sana siya nang matigilan nang magsalita ulit si Ash.

“Anong ginagawa mo rito bata?” tanong ni Ash.

Kumunot ang noo ni Ces. Papalapit na sana siya kay Ash nang magulat siya at tumagos siya sa binata. Paglingon, nanlaki ang kanyang mga mata nang makita niya si Boss na prenteng nakaupo sa gilid ng higaan ng batang siya.

Tumingin muna sa kanya si Boss at ngumiti bago ibinaling ang tingin kay Ash. Hindi ito nagsalita.

“Bakit ka nandito? Umalis ka d'yan, nagpapahing—”

Ngumisi si Boss na siyang ipinagtataka ni Ces.

"Anong nangyayari?" takang tanong ni Ces ngunit walang sumagot sa kanya. Nanatili siyang nakatayo sa likuran ng binatang Ash. Nagtataka sa lahat ng nangyayari.

“Nagpapahinga?”

Nakita niyang napatigil si Ash nang marinig ang boses ni Boss. Isang pilyong boses ang kumawala rito. Hindi makabasag pinggan ngunit punong puno ng awtoridad at panganib. Ibang lengwahe pa rin ang gamit ni Boss pero kung ibabase niya sa mukha ni Ash. . .naiintindihan din ito ng binata.

“Sigurado kang nagpapahinga siya?”

“A-Ano?”

Nakita niyang napaupo sa lapag si Ash nang tumayo si Boss at lumutang sa ere. Kumunot ang noo ni Ces, nagtataka sa kung anong ginagawa ng kamatayan. Kitang kita ang takot sa mga mata ni Ash. 

“T-A-Ano—Sin—An, Sin—Putaaaa. . .”

Lalong lumawak ang ngisi ng bata. “Ako si Boss. . ." Tumingin muna si Boss kay Ces bago ibinalik ang tingin kay Ash. "Ang nag-iisang kamatayan.”

Kitang kita ang panginginig ng katawan ng binata sa sobrang takot. Kaagad siyang tumayo at nagbadyang bubuksan ang pinto ng kwarto ngunit ayaw nito mabukas. Nakatingin lang si Ces nang mawala si Boss sa gilid ng kama.

Umalingawngaw sa buong silid ang tawa ni Boss. Kitang kita ni Ces ang paglingon ng binatang si Ash at halos mamatay nang lumitaw si Boss isang dangkal lang ang layo sa mukha ng binata.

“Aaaahh!”

Nanlaki ang mga mata ni Ces. Gusto niyang kumilos. Tulungan man lang si Ash ngunit nang gagalaw na siya ay lumingon sa kanya si Boss. . . hindi na siya makagalaw.

“B-Bakit hindi ako makagalaw?!” tiningnan niya si Boss ngunit hindi umimik si Boss. Nang ibaling ni Ces ang tingin kay Ash, nakahawak sa magkabilang tainga ang binata. Dumausdos pababa ng pintuan.

Sigaw ito nang sigaw. “Anong kailangan mo sa akin! Tama na. Tama na. . .hindi ko sinasadya! Pakiusap, tama na!”

Lalong lumakas ang tawa ni Boss. “Hindi kita kailangan. . .pero ako, kailangan mo ako.”

Kinumpas ni Boss ang kanyang kamay at agad napatayo si Ash na tila ba isa itong manikin. Pinalakad ng kamatayan ang binata hanggang sa pinaupo ito sa upuan. Kitang kita ni Ces ang takot sa mga mata ni Ash. Kitang kita niya na nanginginig ito at gustong kumawala.

“Alas tres ng umaga ng ika-dalawampu’t lima ng Disyembre taong dalawang libo at anim. Pauline L. Flores. . .” Ngumisi si Boss habang nagliilwanag ng kaunti ang mga mata nito ng pula. Nilingon niya si Ces na hindi rin makalagaw habang nakatayo. “Nako, malapit na mag alas tres. Malapit na ang katapusan niya.”

"A-Ano?" tanong ni Ces ngunit wala siyang nakuhang sagot kay Boss.

Ibinalik ni Boss ang paningin kay Ash na kaagad nagsalita. “A-Anong pinagsasasabi mo?”

“Nag aagaw buhay ang kaibigan mo ngayon. Mukha siyang nagpapahinga ngunit ang kaluluwa niya ay nakikipaglaro sa akin.”

Lalong naguluhan si Ces sa pinagsasabi ni Boss. Siya ba ang kaluluwang nakikipaglaro kay Boss? Ngunit bata itong nakikita niyang siya. Ilang beses siyang nagtanong kay Boss ngunit hindi siya sinasagot nito. . . tila wala nga itong naririnig pero panay ang ngisi at tingin sa kanya ng kamatayan.

“S-Si Auie?”

Lumapit si Boss sa katawan ni Pauline at inilapat ang hintuturo sa dibdib ng dalaga. Napapikit si Ces nang maramdaman ang nakakapasong init sa hinawakan ni Boss na parte ng katawan ni Pauline. Pagkalayo ni Boss ng kanyang hintuturo sa dibdib ni Pauline, nanlaki ang mga mata ni Ces nang makita niyang nagiging puting usok ang kangyang dibdib. Sobrang init ng kanyang pakiramdam na para bang pinapaso siya.

Nanlalaki ang mga mata ni Ash nang makita ang puting usok sa hintuturo ni Boss. Nakaramdam ng takot si Ces nang makita ang pagwawala ng katawan ng batang siya.

“Nahihirapan na siya. . . at ikaw ang dahilan ng paghihirap niyang ito.”

Ibinalik ni Boss ang puting usok sa katawan ni Pauline at unti unti ay huminahon ang katawan ng dalaga. Nabalik na rin ang dibdib ni Ces.

Napaawang lang ang bibig ni Ash sa nakita.

“Alam mong mahal ng kaibigan mo ang babaeng ito at ang ginawa mo ay napaka makasariling desisyon. Napaka mapanlinlang," sabi ni Boss. “Kapag nalaman ito ng kaibigan mo. Na ginawa mo lang ito dahil alam mong mananalo ka. . .  ikatutuwa kaya nila ang pangyayaring ito?”

Lalong nakaramdam ng takot si Ash sa sinabi ni Boss. Napahawak ito sa tainga na tila ba ayaw na marinig ang lahat ngunit patuloy lang ang pagsasalita ni Boss.

“Pinatay mo siya. . . at tinatago mo ang kasalanan mo,” natatawang sabi ng kamatayan. “Sa tingin mo, maibabalik ng sorry o patawad ang buhay ng dalagang ito? Ng Auie mo?”

Ces felt hopeless. . . Gusto niyang tulungan si Ash ngunit wala siyang magawa. Pinaglalaruan sila ng kamatayan. Pinaglalaruan sila ni Boss. . . ngunit ang malaman ang lahat ng ito. Ang malaman ang dahilan ni Ash. Ang nangyari nung nakaraan. . . nagkakagulo na ito sa isip niya.

Nakita ni Ces ang pagtulo ng luha sa mga mata ni Ash.  “Tama na. . . hindi ko sinasadya. . . tama na," halos pasigaw na ang binata.  “Ayaw ko na. . . tigilan mo na ako.”

“May isa kang magagawa para mabago ang lahat.”

Kumunot ang noo ni Ces at tumingin kay Boss na prenteng nakaupo sa gilid ng kama. Napaangat din ng ulo si Ash at tiningnan ang kamatayan. 

“Ang buhay mo . . . kapalit ang buhay niya.”

“A-Ano?” halos sabay na sabi ni Ces at Ash.

Huminga nang malalim si Boss at ngumuso. “Napapagod na kasi ako bilang kamatayan. . . nabobored na ako. Kailangan ko ng papalit sa akin.”

“B-Bakit ako?” nakakabaliw na tanong ni Ash.

“Dahil para maging kamatayan. . . nararapat na puno ng saya, hinagpis, sakit at kasalanan ang isang kaluluwa.”

Nakipagtitigan si Ash kay Boss. Nakita ni Ces na ilang beses kinurot ni Ash ang sarili. Napangisi si Boss habang pinapanood ang ginagawa ni Ash. Nababaliw na ang binata. Sa lahat ng nakikita niya ay hindi na pumapasok sa kokote niya ang lahat.

“Tik tok. Tik tok. Umaandar ang oras. . .” pagpapaalala ni Boss.

"Boss. . . ano bang ginagawa mo. . ." tanong ni Ces. Nilingon lang siya ni Boss at nginitian.

“Ano bang gusto mong mangyari?”

Nagkatitigan sila Boss at Ash na tila ba nagsusukatan ng tingin. Tumingin si Ash sa katawan ng batang Ces. Hindi na nawala ang ngisi ni Boss mula pa kanina. Ilang minutong natahimik ang lahat at tanging pag-iyak lamang ni Ash ang naririnig. Napakuyom ng kamao si Ash habang nakapikit.

“S-Sige na. . .”

  

Nanlaki ang mga mata ni Ces. Gusto niyang pigilan ito ngunit hindi siya makagalaw. Napatayo si Boss sa sobrang pagkasabik kaya nakalutong siya sa ere. “Sige?”

“Buhayin mo siya. . .” naluluhang sabi ni Ash. “Kailangan niyang mabuhay.”

"Ash. . .anong pinagsasasabi mo?!" pasigaw na tanong ni Ces ngunit hindi naririnig ng binata.

Tumayo si Ash at tila ba wala na sa sariling lumuhod sa harapan ni Boss. Malakas ang paghikbi nito. Sinubukan hawakan ng binata si Boss ngunit tumagos lang ang kamay nito sa kamatayan. Napahawak siya sa kama ng kaibigan saka yumuko.

"Buhayin mo siya. . . ako na lang. Ako dapat ang mawala."

“Kahit buhay mo pa ang kapalit?” Bakas sa mukha ni Boss ang pagkatuwa.

"Boss. . .tigilan mo na ito," pagbabala ni Ces. Tiningnan lang siya ni Boss at ngumiti na para bang sinasabi na hindi kailanman susunod ang isang kamatayan sa isang tao na tulad niya.

Napakuyom ang kamao ni Ash at iniangat ang mukha upang tingnan si Boss na nakangisi. Tulo nang tulo ang luha ng binata. . .sa sakit. Sa lungkot. Sa galit sa sarili. Sa hinanakit. Sa pagkakasala. Sa kasalanang nagawa niya.

“Kahit buhay ko pa.”

"Tama na. . ." pagmamakaawa ni Ces.

“Para sa kanya lang?” excited na tanong ni Boss. Ngiting ngiti ito na tila ba nakajackpot sa narinig.

Hindi na malaman ni Ces ang dapat gawin. Ilang beses siyang nagsalita. Nagsumamo. Nagmakaawa. "Huwag. . ."

Napakuyom ang panga ni Ash at napaupo na nang tuluyan sa sahig sa sobrang panghihina. "P-Para lang sa kanya.”

“Pero hindi mo siya mahal kaya bakit?” pagtataka ng kamatayan.

"Dahil kasalanan ko ang lahat." Kumuyom ang panga ni Ash habang sinasabi ang mga ito.

Napakagat ng labi si Ces sa naririnig. She wants everything to stop. Bakit ganito? Bakit ganito ang nangyayari?

Dumiretso ang mukha ni Boss at nawala ang mga ngisi sa labi nito. “Kapag ibinigay mo sa akin ang buhay mo, makakalimutan ka niya.”

“A-Ano?” halos sabay na tanong ni Ces at Ash.

Ngumiti si Boss na parabang hindi makabasag pinggan. Nawala ang panganib sa mga ngiti nito. “Mawawala sa kanya ang lahat ng tungkol sa'yo at lahat ng pangyayari na may kaugnay sa'yo. Makakalimutan niya rin ang matalik mong kaibigan,” pagpapaliwanag ni Boss. “Magbabago ang kanyang memorya at aayon ito sa lahat na walang kinalaman sa iyo.”

"Boss. . ." hindi makapaniwala si Ces sa narinig.

“Pero bakit? Dapa—” magsasalita pa sana si Ash nang mapatigil at makaramdam nang takot nang magpula ang mga mata ng batang nasa harapan niya.

“Wala ka nang magagawa. . .” Ngumisi muli si Boss at lumapit sa batang Ash na nakaupo sa sahig. “Akin na ang kaluluwa mo.”

"Huwag boss!" nanlalaki ang mga mata na pigil ni Ces.

Napasigaw si Ash ngunit natahimik din nang kontrolin muli ni Boss ang binata. Sabay na lumutang si Boss at si Ash sa kawalan. Kitang kita ni Ces kung paano nagpapapadyak ang binatang Ash na tila ba hirap na hirap. Na para bang binabawian ito ng buhay.

Ilang segundo lang ang nakalipas, tumigil na ang pag galaw ng katawan ni Ash.

"Ash!" sigaw ni Ces. Pinipilit ni Ces gumalaw ngunit hindi talaga niya magalaw ang kanyang katawan.

Lumawak ang ngisi ni Boss. Nagliliwanag ang mga mata nito ng kulay pula. Inilapat ni Boss ang kamay sa dibdib ng binata habang nagsasalita na hindi maintindihan ni Ces.

"Boss, huwag. Huwag mong gawin kay Ash 'yan!"

Hinigop ni Boss ang napaka raming puting usok na lumabas sa katawan ni Ash. Hinigop niya ito na tila ba napakasarap na pagkain ang kaluluwa ni Ash. Ilang segundo lang ay lumuwa ng itim na usok ang kamatayan at ipinasok sa katawan ni Pauline.

Umikot sa ere ang katawan ni Ash na walang buhay. Walang maramdaman si Ces ngunit alam niyang hindi tama ang nangyayari. Nakikita niya ang mukha ni Ash na napaka payapa ng itsura. Binabalot  ng itim na usok ang katawan ni Ash. Labas pasok ang mga usok na iyon na tila ba pinaglalaruan ang katawan ng binata.

Ilang sandali lang, nahulog ang katawan ni Ash sa lapag ngunit naiwan ang mala-usok na itsura nito na nakalutang. Hindi makapaniwala si Ces sa nakikita. Hindi na gumagalaw ang katawang nasa sahig ngunit patuloy ang pag-ikot ng mala-usok na katawan ni Ash sa ere.

Kahit gaano pa magmakaawa si Ces, magsisisigaw at magtanong ay hindi na siya papakinggan ng kamatayan. Huli na ang lahat. Pagkadilat ng mala-usok na Ash, nakita ni Ces ang mga mata ng binata na nakatingin sa kanya. Nagliliwanag. Pulang pula. Mga mata ng isang kamatayan.

~ ~ ~
Author's Note:
Thank you for still reading TTLS. As in. Salamat din sa mga tweets na nababasa ko. Yung mga reactions niyo. Sobrang cute. Thank you. 3 chapters + epilogue to go!

Para sa review contest, hindi ako makapili sa dalawa kaya pinapili ko na si Admin Ai. Ang napili niya siii. . .dun dun dun duuunnnn . . pparkshinhye!

Dahilan kung bakit review niya ang napili ni Admin Ai, "naamaze ako kay pparkshinhye. Nasasali ung feelings niya, ung ayaw niya sa story pero ung effect sayo, maganda. Hindi masyadong masakit, objective, walang halong galit, at napupunta ka sa improvement part. Maiisip mong "ay oo nga. Tama siya dito.""

So ayun po, hi pparkshinhye! Please pm me sa facebook page with your name, contact number and address. Salamat po.

Sa mga sumali sa review contest, sobrang gusto ko lahat ng sinabi niyo huhuhuhu salamat sa pambobola at sa pagtulong sa akin sa pag improve pero isa lang kasi ang pwedeng manalo. </////3 Babawi ako sa inyo next time. D:

Click external link para makita ang ginawa kong picture para sa chapter na ito. Twitter post 'yun pero may nakalagay din na fb post (ayaw kasi maglink ng fb huhu). :)

GIF at the right is made by Sam / towaitforeternity.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top