55 // Her Last Words

"To love is to risk, not being loved in return. To hope is to risk pain. To try is to risk failure. But risk must be taken because the greatest hazard in my life is to risk nothing."
— Bob Marley

~ ~ ~

Hindi na bago ang pagtulala ni Ces sa kisame ng kwartong inilaan ng Young Mistress sa kanya. Ilang oras na nga ba siyang nakatitig sa kisame? Sa kawalan? Sa sobrang dami niyang iniisip, wala na siyang maisip na kahit ano pwera sa isa.

Kasalanan niya ang lahat.

* * *

Iniwan ng MyuSick ang dalawang bokalista sa sala. Rinig na rinig ni Ces ang tibok ng kanyang puso kahit na malakas ang volume ng TV. Gusto niyang tumayo at umalis pero hindi siya makagalaw. Nang lingunin niya si Lyric, nakatitig ang binata sa telebisyon. Nakatitig—hindi nanonood.

 

Napayuko si Ces at huminga nang malalim. Ilang beses siyang pumikit at pinilit lakasan ang loob. “Bakit—” gusto niyang ituloy ngunit . Sino ba siya para magtanong? Sino ba siya para magkaroon ng karapatan para itanong si Lyric? Ang binatang sinasaktan niya dahil sa mga naging desisyon niya.

 

“Hmm?” Naramdam ni Ces na nakatitig ang binata sa kanya.

 

Kinuyom ng dalaga ang kanyang kamay at pabulong na inagpatuloy. “Aalis ka?” Nakayuko pa rin si Ces. Hindi niya tiningnan si Lyric at walang nagsalita sa kanila ng ilang minuto.

 

Pumikit ng mariin ang dalaga at muling nagsalita, nilalabanan ang takot at kabang nararamdaman. “P-Paano si Erich?”

 

“Si Erich?” Napalunok si Ces nang marinig ang mahinang boses ni Lyric. “Anong mayroon kay Erich?”

 

Maraming gumugulo sa isip ni Ces. Wala pa rin kasi siyang ideya kung ano na bang nangyayari sa MyuSick o kay Lyric at Erich. Hindi niya alam kung tama ba ang mga naiisip niya—at natatakot siyang malaman ang sagot.

 

“Paano ang MyuSick?” pikit matang tanong ng dalaga. “S-Si Manager Lily?” ako?

 

Halos huminto sa pag gana ang kanyang puso nang sumagot ang binata. “Wala na silang magagawa.”

 

Namumuo na ang mga luha sa kanyang mga mata. Halos isang dangkal lang ang layo nila sa isa't isa nunit pakiramdam niya ay isang kilometro ang layo ni Lyric sa kanya. Sa totoo lang, naiinis na siya sa sarili niya.

 

Pwede naman niyang sabihin kay Lyric. . . pero anong kasunod? Anong mas pipiliin niya, saya o sakit? Kung pupwede lang ay pagtawan niya ang kanyang sarili dahil kahit pagbali-baliktarin man ang mga nangyayari—sa sakit mauuwi ang lahat.

 

“Pangarap o saya. . .”

 

Sa mga salitang binitawan ng binata, nanlaki ang mga mata ni Ces sa naaalala. Sobrang pamilyar ng desisyon na iyon—ng tanong na iyon. Napalingon siya sa binata at napansing nakatingin lang ito sa kawalan. Seryoso. “Ikaw na ang pumili.” Napansin ni Ces ang malalim na paghugot ng paghinga ng binata. “Saya ko na mismo ang kusang umalis.”

 

“Saya?”

 

Tiningnan ni Lyric si Ces at halos mawalan na ng ulirat si Ces nang sumagot ang binata. Nakangiti ito ngunit kitang kita sa mga mata ang sakit na nararamdaman. “Ikaw.”

* * *

♪♫ We'll do it all
Everything
On our own

Isang parusa para kay Ces na pakinggan ang bagong kantang inilabas ng MyuSick—without her. Kasama kasi ito sa bagong album na ilalabas ni Lyric para mapitch sa ibang bansa. Gusto sana ng MyuSick na irecord ulit para kasama si Ces ngunit maganda na raw ang emosyon ni Lyric sa kanta.

♪♫ We don't need
Anything
Or anyone

Maganda na raw ang lungkot na emosyon ng binata sa kanta na tila ba totoo ang nararamdaman nito—that was what Melo told her. Sinabihan pa nga ng gitarista na huwag pakinggan ni Ces ang kanta ngunit hindi mapakali si Ces.

She wanted to hear MyuSick play—she wanted to hear Lyric’s voice. She wanted to hear the emotion.

♪♫ If I lay here
If I just lay here
Would you lie with me and just forget the world?

And for hearing the emotion, it's like cutting her heart into pieces. Gustong gusto niyang naririnig ang boses ng binata na nagpapasakit sa kanyang puso. Siguro nga ay masokista siya—ramdam niyang masaya siyang nasasaktan niya ang kanyang sarili.

♪♫ I don't quite know
How to say
How I feel

Napatitig si Ces sa kawalan habang pinapakinggan ang kanta sa cellphone na iniwan ni Note sa kanya. Ibinalik ni Note ang kanyang cellphone—para raw kung sakaling gusto niyang bumalik, tumawag lang siya at susunduin siya ng buong MyuSick.

♪♫ Those three words
Are said too much
They're not enough

Pinipigilan ni Ces na huwag maiyak ngunit hindi na talaga niya kaya ang pagpigil. Napayakap siya sa kanyang unan at tuluyang umiyak. Kahit na umalis siya sa MyuSick, handa pa rin siyang yakapin ng mga ito pabalik. No hard feelings. Kahit puro kamalasan na ang nadala niya sa banda, hindi pa rin siya sinisisi ng mga ito.

♪♫ If I lay here
If I just lay here
Would you lie with me and just forget the world?

Deserve ba niya ang kabaitan ng MyuSick? May karapatan ba siyang dalhin ang pangalan na MyuSick sa kanyang balikat? Deserve ba niyang mahalin ng mga kabanda? Ni Lyric?

♪♫ Forget what we're told
Before we get too old
Show me a garden that's bursting into life

Hindi namalayan ni Ces na may nagbukas na pala ng kanyang kwarto. Narinig niya ang boses ng kanyang Young Mistress na nagsalita. Nagpanggap siyang tulog.

♪♫ Let's waste time
Chasing cars
Around our heads

“Kung mahal mo siya, bakit kailangan mo magtimpi?”

Pumikit si Ces habang nararamdaman ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso. Hinihiling niya na sana ay hindi mapansin ni Keng na gising siya. Sana ay umalis na lang ito at huwag na siyang gambalahin ngunit unti unti siyang nakakaramdam ng init sa pagilid na tila palapit nang palapit ang presensya ng isang tao.

♪♫ I need your grace
To remind me
To find my own

“Oh please, huwag kang magtulog-tulugan. Narinig ko ang pag-iyak mo sa labas ng kwarto.” Ilang sandali lang, nagulat si Ces nang biglang kinuha ni Keng ang unang yakap niya. Basang basa ng luha.

“A-Anong?”

Itinayo ni Keng si Ces at tinitigan sa mga mata. Umupo ito sa kama sa tabi niya. “Cut the crap. Hindi ako tanga. Hindi mo ba nakikita, ikaw lang ang nagpapahirap sa inyong dalawa?” Kumunot ang noo ni Keng. “Mahal mo siya at mahal ka niya, why can’t you two happen?”

♪♫ All that I am
All that I ever was
Is here in your perfect eyes, they're all I can see

Napalunok si Ces. She hesitated for a moment pero hindi siya tinigilan ng talas ng tingin ng Young Mistress niya. Walang pag iisip na nagsalita si Ces.

“Dahil sa—” she stopped herself.

Lalong napakunot ng noo si Keng. Nagtataka. “Ano?”

 “W-Wala.”

♪♫ I don't know where
Confused about how as well
Just know that these things will never change for us at all

Walang makakaintindi sa nangyayari sa kanya. Walang nakakaalam—walang pupwedeng makaalam.

Huminga nang malalim si Keng at hinawakan ang balikat ni Ces. Niyugyog ni Keng ang bokalista. “Wake up!” lalong lumakas ang pagyugyog ni Keng kay Ces. “Try mong sumaya! Nakikita kahit saan ang saya. Nasa tao na lang kung tatanggapin ba niya ang kasiyahan na yun. Eh ikaw, anyare sayo?”

♪♫ If I lay here
If I just lay here
Would you lie with me and just forget the world?

Napayuko si Ces. Hindi siya makapagsalita. Kahit walang alam si Keng, pakiramdam niya ay sinasabihan siya nito ng ‘tanga ka ba? Bakit ka nakipagkasunduan sa kamatayan?’

“Ano? Hihintayin mo pa ako magsabi ng kung anu-anong linyahan na nakakatouch ng damdamin? Earth to Ces, hindi lahat ng sinasabi sa totoong buhay, quotable quotes. Anak ng tokwa, hindi mo kailangan ng quotes para malaman kung saan ka sasaya!”

Hindi pa rin umiimik si Ces. Napabuntong hininga si Keng at tumayo. Bago lumabas, nilingon nito ang dalaga at ngumiti ng malungkot.

“Ayaw kong mangyari sa inyo ang nangyari sa amin ni Pio. Takot? Pride? Ano pa, selfishness? Too selfless? Tangina, masakit 'yun,” mahinang sabi ni Keng nang lumabas ito ng kwarto at sinara ang pinto.

Bumilis ang tibok ng puso ni Ces at nahiga sa kanyang kama. Napahawak siya sa kanyang pilat at pinakiramdam ang kasunduang alam niyang katangahan niya. Ilang sandali lang, nagsimula ulit ang kantang pinapakinggan niya.

♪♫ We'll do it all
Everything
On our own

“Masakit. . .sobrang sakit,” bulong ng dalaga.

* * *

“Ash. . .”

Inaasahan na ni Ces na kaunting oras na lang ay darating si Ash sa tabi niya na may mga pulang mata. Inaasahan na niyang kukuhanin ng kamatayan ang kanyang kaluluwa. Matagal tagal na rin kasi nang huling nagpakita sa kanya si Ash o kahit si Boss. Nagtataka na nga siya dahil wala pa rin ang mga ito.

Inilibot niya ang tingin sa kwarto niyang hindi na nasisikatan ng araw. Halos apat na araw na siyang wala sa sarili. Sinubukan niyang maging busy—sinubukan niyang magbasa muli ng mga libro ngunit maluluha lamang siya sa katupasan. Dahil sa bawat katapusan ng kwento, halos dalawa lang ang pinatutunguhan: Magkakatuluyan ang dalawang bida o may mamamatay.

Alam niya sa umpisa pa lang kung ano ang katapusan ng kanya.

“Boss. . .”

Kahit ilang beses niyang banggitin ang pangalan ni Ash o tawagin si Boss, wala pa ring nagpapakita. Walang lumulutang. Walang mapupulang mga mata. Walang kamatayang lumalapit sa kanya. Nakalimutan na kaya siya ng mga ito? Hindi kaya wala na ang kasunduan?

Sinalat niya ang kanyang dibdib—nandoon pa rin ang pilat.

Napahinga siya ng malalim. Ang tanong, handa na ba siyang harapin ang kamatayan?

“Seriously? Magmumukmok ka lang?”

Napapikit si Ces nang may bumukas ng ilaw ng kanyang kwarto. Nagulat din siya sa biglang pagsasalita ni Keng—sa apat na araw na pananatili niya madalas sa kwarto, nawawalan na rin siya ng muwang sa kanyang paligid.

“I-Inaantok lang ako,” magtatakip sana si Ces ng unan sa mukha ngunit natigilan sa sinabi ni Keng.

“Paano kung sinabi kong may emergency?”

Nilingon niya ang Young Mistress. Naghahalo ang pagtataka at kaba. “Emergency?”

“Sa MyuSick.”

Kaagad siyang bumangon at nagmadaling umayos. Pinagdrive siya ni Keng pero nagtaka siya nang mapansing hindi sila sa bahay ng MyuSick dumiretso. Lalong nakaramdam ng kaba si Ces nang tumigil sila sa isang ospital.

Pagkalabas ng kotse ay hindi na mawala ang kabang nararamdaman ni Ces. Napapatingin siya sa paligid habang naglalakad. Tahimik lang niyang sinusundan si Keng ngunit nakakaramdam siya ng takot habang nadadaanan o kaya naman ay nakakasalubong ang mga pasyente.

“A-Akala ko ba, MyuSick?”

“Ano ba sabi ko? Emergency, hindi ba?”

Hinahabol na ni Ces ang hangin sa paligid—halos hindi na siya makahinga nang umakyat sila ng hagdan. Sobrang daming pumapasok sa kanyang isip na gusto na lang niyang ilayo sa kanya ang utak. Hindi pwede. . . walang dapat mangyari. Paulit-ulit niyang pinapakalma ang sarili. Nananalangin siya na sana ay joke time lang ang emergency. Na sana ay daan lang ito ng MyuSick para bumalik na siya sa kanila. Pinapanalangin niyang para sa kanya ito—na maiiyak siya sa sobrang tuwa dahil nahulog na naman siya sa mga kalokohan ng MyuSick. . . ng pamilya niya.

Ngunit habang papalapit nang papalapit si Ces sa kwartong sinabi ng nurse sa reception, hindi siya mapakali. Halos huminto ang pagtibok ng kanyang puso nang lumabas sa isang kwarto si Melo na lugmok at tila wala sa katinuan. Nawalan ng lakas si Ces upang humakbang pa nang napatingin sa kanya si Melo—may luha sa mga mata nito.

Kinilabutan siya sa itsura ni Melo—naluluha ang gitarista. Naluluha ang masayahin niyang kaibigan. Napapikit siya nang lumapit siya kay Melo. Kaagad siyang niyakap ng binata—sobrang bilis ng tibok ng kanyang puso. Halos lumundag ang kanyang kalamnan nang may lumabas na doktor sa kwarto na kasama si Manager Lily.

“—ry to wake him up.”

Napatingin si Manager Lily kay Ces—halos mawala sa katinuan si Ces nang makitang namumula ang mga mata ni Manager Lily. Mukhang kakagaling lang sa pag-iyak. Hindi na napansin ni Ces na wala na pala si Keng sa kanyang tabi.

“A-Anong nangyari?” pagtatanong niya sa kayakap.

Humigpit ang yakap ni Melo kay Ces at muling lumuha ang binata. Nararamdaman na rin ni Ces ang mga luha niyang nagbabadya na namang tumulo. Napakuyom siya ng kamay at kumalas sa kaibigan. Trip lang ito. . . pinipilit niya ang sarili na trip lang ito ng MyuSick.  Hindi pa rin nagsasalita si Melo. Kahit kinakabahan si Ces, nilakasan niya ang loob upang pumasok sa kwarto.

Napatigil si Ces sa kanyang kinatatayuan. Nalaglag ang kanyang puso—hindi siya makapaniwala. Napapikit siya habang naaalala ang senaryong tulad nito. Hindi niya inaakalang babalik siya sa ospital para makakita muli ng ganito—only worse. Napasandal siya sa pader malapit sa kanya at napahawak ng bibig nang buksan muli ang mga mata. She tried slapping herself, just to be free from the nightmare—but it was her reality. Their reality is a nightmare.

Awtomatikong tumulo ang mga luha sa kanyang mga mata. Hindi nagpigil—hindi niya kinaya. Kung pupwede lang mapaupo ay baka napaupo na siya sa panghihina sa nakikita.

Hindi maaari.

Napatitig siya sa lalaking nakaratay sa kama. Hindi niya malaman kung good acting ba ito o bangungot. Mapayapa ang mukha ng kabanda ngunit kitang kita ang sakit na naramdaman kahit tulog.  Maraming nakakakabit na aparato sa buong katawan nito. Hindi makaya ni Ces ang humakbang papalapit—hindi niya kayang maniwala sa nakikita. Paglingon sa kanan, nakita niya si Pitch na nakaupo't tulala—katabi si Keng na tulala rin.

“Comatose.” Napalingon si Ces nang magsalita si Manager Lily mula sa kanyang likuran sa kaliwa. Pinipilit ng Manager na pigilan ang pagtulo ng mga luha. “Alam ko na eh, hindi ko lang pinansin.”

“Manager. . .” boses ni Melo sa tabi ng Manager.

“Lintek na gang war. . .” patuloy ng Manager. “Bumalik siya sa nakaraan niya.”

Hindi inaakala ni Ces na madudurog pa ang durug-durog niyang puso. Habang nakatingin kay Note na nakaratay sa kanyang harapan, hindi na siya makahinga. Hindi niya kayang makalapit dahil nakikita niya ang sugatang katawan ng binata at ilang sunog sa balat nito—at ang mukha ni Note. Ang mukhang madalas ay ngiti ang nakapaskil ay sunog ang halos kanang parte.

Narinig ni Ces ang malakas na paghikbi ni Melo na sinundan ni Manager Lily.

Hindi siya makapaniwala na nangyari ito sa kanyang kaibigan. Kailan lang ay nakita niyang nagjojoke pa ito. Tumatawa. Nakangiti. Hindi siya naniniwala sa lahat ngunit sa mga mukha ng kabanda—ni Manager Lily, lahat ng ito ay katotohanan. Lahat ay walang kasinungalingan.

“May kasamahan siya na dinala rin dito sa ospital,” pagkwento ni Manager Lily, pinipilit pigilan ang pag-iyak. “Dead on arrival.”

Tumigil ang oras ng mga sandaling iyon. Napatitig lamang si Ces. Hindi na niya alam ang gagawin o ang dapat pang sabihin o kung ano man ang dapat isipin. Hindi na siya sigurado kung saan siya lulugar. Ano nga ba ang dapat niyang alalahanin? Lahat ng tao sa paligid niya—tulad niya—ay nasasaktan na rin. They were all vulnerable. Nakakagago ang mga nangyayari sa kanila.

Everything was too much to take.

* * *

“Hindi muna ako aalis.”

Ito ang pinaka unang boses na narinig mula sa bahay ng MyuSick. Simula kasi ng nangyari kay Note, lahat sila ay tahimik. Wala ngang nag-iingay dahil alam nila, at the back of their mind, kahit wala sila sa ospital ay mayroon silang kapamilyang nakahiga sa isang kama na walang kasiguraduhan kung anong mangyayari sa susunod na mga araw. Isang kapamilya na nag aagaw buhay. . . na kung tutuusin ay mas malaki ang tsansang hindi na ito magising.

Si Love ang nakabantay kay Note sa ospital habang pinipilit mamuhay ng normal ng MyuSick sa kanilang bahay. Sinabihan din kasi sila ng ospital na magpahinga muna ang banda dahil sa dami ng nangyayari—at nahihirapan ang mga tauhan ng ospital sa pagcontrol ng mga reporters sa panghihimasok sa loob. Marami ring fans ang nagpupumilit makita si Note ngunit hindi sila pinagbibigyan.

Una, umalis at bumalik si Ces. Pangalawa, aalis si Lyric. Pangatlo, si Note.

Tiba-tiba ang media sa MyuSick . . . maraming balitang pang exclusive. They're like popstars instead of rockstars. Kung dapat ay musika ang kadugtong nila, ngayon ay mga chismis na. Lahat ay nagkukumahog para malaman ang mga nangyari sa buhay nila. Lahat ay nag-uunahan para makausap ang isa sa kanila just to know the juicy details about their private life.

Ganoon kabastos ang media. . . ang mga taong nakapalibot sa mundo ng mga sikat. Lahat gagawin, makakuha lang ng balita.

Walang tingin-tinging nagsalita si Manager Lily. “No, you’ll go. Matagal ng plan—”

“Pero si Note—”

Umalingawngaw sa buong silid ang lakas ng pagbaba ng kubyertos ni Manager Lily. Nang tumingin si Manager Lily ng matalim kay Lyric, natahimik ang lahat. Walang kumikilos. “Oo alam ko, nasa hospital si Note, o tapos? Kapag ba nag stay ka rito, mapapagaling mo siya? Magigising ba siya ng kanta mo? Ng pag-eemo mo? Don’t act like a hero, Lyric. Hindi ka bayani." Napakuyom ang kamao ni Lyric sa naririnig. "Lahat tayo, hindi bayani o miracle worker para magising o mapagaling si Note. Wala tayong magagawa, kaya pwede ba? Bago ka magdecide ng kung anu-anong ikakabagsak ng buhay mo, mag isip ka muna. May sariling buhay si Note. May sarili ka ring buhay." Nagsimulang kumain muli si Manager Lily na tila wala lang ang kanilang pinag-uusapan. "May kanya-kanya tayong buhay at hindi pwedeng tumigil ang lahat dahil lang tumigil ang sa isa.”

Napatingin ang lahat nang biglang tumayo si Melo. “Busog na ako.” Lumabas ito ng dining area. Sumunod na tumayo ay si Lyric. Hindi ito nagpaalam nang umalis—ni hindi nga ito tumingin kay Manager Lily. Napapikit na lamang si Ces dahil hindi niya kayang makita ang lahat. Hindi na nga rin niya alam kung paano pa sila nagigising sa dami ng problemang nangyayari.

Ilang sandali lang ay nakarinig si Ces ng paghikbi. Pagdilat ay nakita niya si Manager Lily na nagtatakip ng mga mata. Umiiyak. Manager Lily’s image infront of Ces broke her heart. Ang nakilala niyang sobrang tapang na babae ay umiiyak sa kanyang harapan. Ang iniidolo niya ay bumagsak na rin.

Tumayo si Pitch at tumingin kay Ces. “Ako nang bahala kay Manager.” Nagtaka si Ces sa sinabi ng kabanda ngunit natauhan nang magsalita itong muli bago umupo sa tabi ng Manager. “Kausapin mo siya.”

Siya. . . pagkasabi pa lang ni Pitch ng siya ay isang tao lang ang agad na pumasok sa isip ng dalaga.

Kusang tumayo si Ces at umalis. Bumibilis ang tibok ng kanyang puso sa bawat hakbang niya. Natigil siya sa paglalakad nang may magdoorbell. Natigilan siya nang may makitang babae sa labas at nakasilip sa kanya. Buong akala niya ay si Keng ang nakita niya dahil sa sleeve tattoo sa braso ng babaeng nasa harapan. Kapansin pansin sa babaeng nagdoorbell ang nunal nito sa taas ng labi at nagyoyosi rin ito. Itim na itim ang buhok nito at pinalibutan ng itim at makapal na eyeliner ang gilid ng mga mata nito.

"A-Ano pong. . ." Hindi na naituloy ni Ces ang sasabihin nang magsalita kaagad ang babae.

"Si Treb?" Kinilabutan si Ces sa boses ng babaeng iyon. "I mean, si Pio?" Napansin ni Ces ang pagdiin ng babae sa pangalan ni Pitch. "Pio na nga pala siya ngayon," natatawang kumento ng babae.

Magsasalita pa sana muli si Ces nang may magsalita sa kanyang likuran. "Lys."

Nakita ni Ces ang pagngisi ng babaeng nasa harapan nila. Pagtingin kay Pitch ay seryoso ang mukha ng binata, nakakunot ang noo.

"Hi Treb, missed me?"

"Ces," matigas na sabi ni Pitch. "Puntahan mo na siya," utos nito.

Nagtaka si Ces sa nangyari at napatanong sa sarili kung sino ang babaeng tumawag ng Treb kay Pitch. Sino ang babaeng iyon at anong mayroon sa kanya? At bakit natatakot siya sa presensya ng babae? Kung tutuusin ay mas maraming tattoos si Keng ngunit mas nakakaramdam siya ng takot sa babae sa labas. Kaibigan kaya iyon ni Pitch? Kailan? Dati? Bago siya makapasok sa MyuSick? Noong kadiliman pa ng buhay ng kabanda? Hinayaan na lang niya si Pitch at ang babae at papasok na sana ng bahay nang paglingon ay nagulat siya sa nakita.

Hinalikan ng babae si Pitch sa mga labi nito.

Iniiwas ni Ces ang tingin at kaagad pumasok sa loob ng bahay. Napatingin siya sa cellphone malakas na nagvavibrate na nakapatong sa lamesa. Nang tingnan ni Ces kung may tumatawag ba ay doon lang niya napansin na kay Pitch ang cellphone lalo na nang makita ang pangalan ng tumatawag.

Krystel A. GaBe Calling. . . 

Si Keng.

Nagdalawang isip kung sasagutin ba ni Ces ang tawag o hindi. Hindi na siya makakabalik pa sa labas dahil natatakot siya sa kung ano man ang mangyari kung malaman ni Pitch na may nakita siya. Hinayaan na lang niya ang tawag, si Pitch at ang babae at nagsimulang umakyat para puntahan ang dapat niyang alalahanin. Hindi rin niya alam kung bakit pero kusa siyang dinala ng mga paa niya sa rooftop at hindi siya nagkamali—nandoon si Lyric.

Halos mawalan siya ng hininga nang makita ang likuran ng binata. Nakatayo ito at nakatingin kawalan. Sa kintatayuan niya, gusto na lang niyang tumakbo at yakapin si Lyric ng sobrang higpit. Mabawasan man lang ang sakit na nararamdaman ng binata.

Napatigil si Ces sa paglapit nang magsalita si Lyric nang hindi nakatingin sa kanya.

“Sabihin mo lang. . .” Bumilis ang tibok ng puso ni Ces sa boses ni Lyric. Rinig na rinig sa boses nito ang sakit na nararanasan. “Sabihin mo lang na huwag akong umalis, hindi ako aalis.”

Nilingon siya ng binata at nadurog ang kanyang puso nang makitang nangingintab ang mga mata nitong nakatingin sa kanya. Hindi siya nakagalaw nang lumapit sa kanya ang binata at niyakap siya ng mahigpit. Sobrang higpit.

“Oo o hindi. Isang salita lang. Rerespetuhin ko.”

Halos hindi na makahinga si Ces sa pagbaon ng ni Lyric ng ulo sa kanyang balikat. Ramdam na ramdam niya ang kagustuhan ng binatang malaman ang kanyang sagot. Hindi niya mayakap pabalik si Lyric—kahit gustong gusto niyang yakapin ito ay pinipigilan niya ang sarili. Alam niya kasi na kahit anong gawin niya, masasaktan at masasaktan ito. Sa lahat ng pupwedeng desisyon niya, masasaktan ang lahat.

“S-Sorry. . .” pabulong niyang sabi.

Humigpit lalo ang yakap ng binata. “Sorry saan?”

Tuluyan nang tumulo ang luha sa mga mata ni Ces sa tanong na iyon. Ayaw niyang umalis si Lyric. Ito ang sinisigaw ng puso’t isipan niya. Gusto niyang makasama si Lyric. . . gustong gusto niyang lumaban kasama si Lyric—ang MyuSick—habang nangyayari ang problemang ito sa kanila. Pero worth it ba? Worth it ba ang pananatili niya sa piling ng mga ito kung iiwan din niya ang mga kasamahan? Kung iiwan din niya si Lyric?

Dapat pa ba niyang patagalin ang lahat?

“Mahal na mahal kita, Pauline," pabulong nitong sabi. "Prinsesa. Ikakabaliw ko 'to.”

Tulo nang tulo ang luha ni Ces habang siya ay nananalangin.

Nananalangin siyang sana ay mawala na lang ang kasunduan. Hinihiling niya na sana ay makausap niya si Boss—makipag kasundo muli. Gusto niyang ipagbalewala ang kasunduan upang maibsan ang sakit na nararamdaman nilang dalawa. Masarap magmahal. . . masarap ang mahalin. . .pero kung nasasaktan ang taong minamahal, dapat pa ba niyang ipaglaban ang lahat?

Kung kakausapin niya si Boss, may magagawa pa ba siya? Para kay Note? Para sa MyuSick? Para sa kanya? Para kay Lyric? Kung kakausapin niya ang kamatayan, mayroon pa ba siyang iaalay na mas gugustuhin ng kamatayan kaysa sa kaluluwa niya?

Kung darating si Boss. . . o si Ash. . . maaari kayang mangyari na mawalan ng bisa ang kasunduan?

Love is to take risk. Will this risk be worth it?

Tahimik silang dalawa. Walang nagsasalita. Pakiramdam ni Ces ay kinuha na niya ang lahat kay Lyric. Ang mga ngiti nito. Ang saya nito. Ang buhay ng binata. Unti-unti, nararamdaman ni Ces ang pagluwang ng yakap sa kanya ng binata. Lalo siyang naluha sa pakiramdam na pinaparaya na siya ng binata—na kapag kumalas ang binata sa pagyakap ay titigil na ito. . . lalayo. Aalis na. Mawawala na sa kanyang piling—at hindi niya kinakaya ito.

Bumulong siya sa binata—isang mahinang bulong. “S-Salamat.”

Naramdaman ni Ces ang paninigas ng katawan ni Lyric na nakayakap sa kanya. Hindi pa rin tumitigil ang pagtulo ng kanyang luha.

“Salamat sa lahat,” pagbulong ng dalaga sa binata. Pabilis nang pabilis ang tibok ng puso. “Niligtas mo ako. Hindi ka bumitaw.” Halos nagbabara na ang kanyang lalamunan sa pagpipigil. “Lyric. . .” gustong gusto niyang banggitin ang pangalan ng binata. Pakiramdam niya ay ito na ang huling beses na maririnig ang sariling boses na binabanggit ito. “Lyric Yue.”

Tumutulo na ang luha ni Lyric sa balikat ni Ces. Humigpit muli ang pagyakap ng binata kay Ces. Nakangiti ito na tila ba napakasaya ni Lyric nang banggitin ni Ces ang kanyang pangalan. Naluluhang nakangiti si Ces. . . sa totoo lang, hindi na rin niya alam kung ano ang kanyang nararamdaman.

“Sana sumaya ka.” Doon lang niyakap pabalik ni Ces si Lyric. Hinigpitan niya ang yakap sa binata—kung pupwede lang ay huwag na siyang bumitaw. “Gusto kong sumaya ka.”

“Ces. . .”

Nanginginig ang mga labi ni Ces nang mapansin niyang may itim na usok na namumuo sa bandang likuran ni Lyric. Sa kanyang paningin sa kawalan.

“Lyric,” pabulong niyang pagsusumamo.

Ayaw na niyang bumitaw. Humigpit ang kapit ni Ces sa damit ni Lyric. Unti-unting binabalot ang dalaga ng takot nang makita ang imahe sa kanyang harap. Nakaitim. Nakahood. Sa tagal niyang hindi nakita ito, pakiramdam niya ay nagbago na ang lahat. Nawala ang gaan ng pakiramdam niya habang nakikita ito at napalitan ng kaba. Nagliliwanag ng pula ang mga mata nito ngunit ang mga ngiti ay sumasalungat sa paningin nitong mapanganib. Nakapinta sa mga ngiti nito ay isang malumanay na ngiti. Malayong malayo sa nakakatakot nitong aura.

“Auie. . .”

Umihip ang malamig na hangin sa bulong ng kamatayan. Napangiti si Ces nang marinig muli ang boses ni Ash na banggitin ang pamilyar na salitang iyon. Naghalo ang saya, ngamba, takot at lungkot sa kanyang pagkatao nang makita si Ash. Hindi na rin siya nagulat nang magpakita ito sa kanya dahil pakiramdam niya ay nalalapit na rin ang katapusan.

“Lyric. . .” muling pangbanggit ng dalaga.

Napapikit si Ces nang lumapit sa kanya si Ash ngunit napadilat nang may maramdamang init na dumadaloy sa kanyang katawan. Nanlaki ang kanyang mga mata habang nakatitig sa itim na usok na kinukuha ng kamatayan mula sa kanya. Hindi nagtagal ay tila ba kinakain ng itim na usok ang kamatayan. Ang pulang mga mata nito ay unti-unting bumabalik sa normal. Nang mangitim muli ang mga mata ng kamatayan, napahigpit ang kapit ni Ces kay Lyric nang mapansing unti-unting naglalaho si Ash sa kanyang harapan.

“U-Umalis ka na. . .“ pagpapatuloy ng dalaga.

“A-Ano?”

Kakalas na sana si Lyric ngunit niyakap ni Ces nang mahigpit ang binata. Niyakap niya ito na tila ba wala nang bukas habang naluluha.

Nawala si Ash ngunit nanatili ang usok. Umikot ito at bumuo ang usok na iyon ng isang imaheng nagpakilabot sa kanyang pagkatao. Isinubsob ni Ces ang ulo sa dibdib ni Lyric nang makita ang pulang mata ng kinakatakutan niyang kamatayan. Naririnig na niya ang sinisigaw ng puso ng binata.

Ilang sandali nang iangat ni Ces ang kanyang paningin, nakita niya ang mukha ni Boss. Kitang kita niya ang mapanganib at seryosong mukha ng kamatayan. Hinigpitan lalo ni Ces ang pagyakap kay Lyric. Takot siya. Takot na takot.

Humugot ng malalim na paghinga si Ces—ang huling hangin na dadaloy sa kanyang katawan.

“L-Lyric,” mahinang sabi ng dalaga. Kumalas siya sa pagkakayakap kay Lyric at tinitigan sa mga mata ang binata. Sabay na tumutulo ang luha ng dalawang bokalista. May pagtataka rin sa mga mata ng binata. Hinihintay ang mga susunod niyang sasabihin. Pinapakinggan ang bawat pagsasalita ng dalaga. “Lyric Yue. . .”

Napansin ni Ces ang pagkumpas ng kamay ni Boss na tila ba may inaangkin ito. Napapikit si Ces nang maramdaman ang nakakapasong init ng kanyang pilat. Bumibigat ang bawat paghinga niya dahil sa nararamdamang sakit. Pakiramdam niya ay natutuklap ang pilat sa kanyang balat habang sinusunog ang kanyang dibdib.

“M-Mahal. . .” Tumitig si Ces sa mga mata ni Lyric ngunit nanlalabo na ang mga mata ng dalaga. Nag iitim na ang kanyang mga paningin. Tiniis niya ang sakit na nararamdaman—tinitiis din niya ang naghahalong lamig at init na naglalaro sa kanyang katawan niya. Hinawakan niya ang pisngi ni Lyric at muling napaluha nang hindi na niya nararamdaman ang paghawak niya rito. Bumabagal at nanlalabo ang ingay sa paligid na tila may nagbabara sa kanyang panrinig. “. . . na mahal. . .”

Lalong nagliwanag ng kulay dugo ang mga mata ni Boss. Ayaw man makita ni Ces ngunit naramdaman niyang wala na siyang pag asa nang makita ang malawak na pagngisi ng kamatayan sa kanya. Nakakapangilabot ang mga ngiti nitong napaka layo sa maamo at batang mukha. Pinapalibutan ang kamatayan ng mga naglalarong itim at puting usok na tila ba galing ito sa kanyang katawan. Pagkakita noon, alam niya. . . alam niyang una't huli na ito.

 “. . .kita.”

Hindi na niya narinig ang sarili ng banggitin ang huling salita. Hindi na niya naririnig ang mga sigaw ni Lyric. Pabagal nang pabagal ang pagtibok ng kanyang puso. Naghahalo ang init at lamig sa kanyang mga ugat. Nagdilim ang kanyang paningin at nawawalan na siya ng control sa kanyang katawan. Naramdaman niya ang pagtulo ng luha mula sa kanyang mga mata at ilang luhang galing sa binata na tumulo sa kanyang pisngi. Ang huli niyang naramdaman ay ang paghinto ng pagtibok ng kanyang puso.

All along, she was hoping for a miracle to happen. A change of deal. A change of plan. A change of story. A change of tragic ending.

Nakipagkasundo siya sa isang kamatayan—at iyon ang kamalian niya.

~ ~ ~
Author's Note:
This chapter is dedicated to LaureenAnneErandio! Bakit? See the multimedia at the side! Alam kong dati na ito pero sobrang tuwa ko lang dito kay Shane at Laureen. Madalas nila pag usapan ang TTLS at nakakatuwa dahil nagkakilala sila dahil sa TTLS (tama ba ako?) Sobrang cool lang. Sobrang nakakatouch ang mga tweets niya. Thank you Laureen!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top