54 // Hundreds of Questions

"There are years that ask questions and years that answer."
— Zora Neale Hurston


~ ~ ~

“Ayos ka lang?”

Napangiwi si Ces nang tanungin siya ni Yka. Nakatambay sila sa kusina—naghihintay ng iuutos ng Young Mistress. Ayos lang? Si Ces? Napaka layo ng “ayos” sa nararamdaman niya ngayon.

Hindi mapakali ang puso niya—hindi mapakali ang buong pagkatao niya habang nadidinig ang tawanan at sigawan sa sala kung nasaan ang MyuSick at si Keng. Nag-iinuman ang mga ito habang naglalaro ng baraha. Rinig na rinig niya ang kasiyahan. . . hindi nga lang niya nakikita ang mga ito dahil natatakpan ng pader. Wala rin naman siyang lakas ng loob para sumilip at panoorin ang MyuSick.

“1, 2, 3 pass!”

Nang buksan niya ang gate kanina, halos tumakbo palayo ang puso niya. Nginitian siya nila Melo at Note. Si Pitch ay tinanguan siya. Si Lyric. . . nakatingin sa kanya si Lyric. Nanhihingi ng sagot sa lahat ng tanong.

“1, 2, 3 pass!”

Muling narinig ang malakas na tawanan nila Melo at Note. Ilang side comments ni Keng na naiinis na siya sa ingay ng dalawa.

“Bakit kaya nandito ang buong MyuSick. . .” tanong ni Yka.

Maraming sagot ang umusbong sa utak ni Ces—dahil sa kanya. Dahil hinahanap siya ng mga kabanda. Dahil trip nila dumalaw kay Keng. Dahil kay Pitch. Dahil malaki ang atraso niya sa MyuSick sa pagkawala. Dahil umalis siya bigla. Dahil nalaman nilang nandito siya kay Keng. Dahil. . . dahil kay Lyric.

“A-ano, aakyat muna ako, okay lang?”

Tawanan muli ang narinig sa sala. Tiningnan siya ni Yka. “Ha? Bakit?”

Napahawak si Ces sa kanyang ulo at ngumiwi. “Medyo masakit kasi ang ulo ko.”

“1, 2, 3 pass!”

Lalabas na sana si Ces ng kusina papuntang sala para makaakyat na nang marinig niya ang lakas ng boses nila Melo at Note. “Lyric!”

Kaagad bumalik si Ces sa kinatatayuan kanina. Nanigas siya. Nagtaka pa ang kasamahan niya habang nakatingin sa kanya. Sa pangalan lang ng binatang iyon ay hindi na siya mapakali. Hindi na siya magkandaugaga.

“Truth or dare?” boses ni Note.

“Truth.”

Napasinghap si Ces nang marinig ang boses ni Lyric. Gusto niya maiyak—gusto niya matuwa habang naiiyak dahil sa pagkamiss sa boses nito. Ilang linggo na niyang hindi naririnig ang boses nito habang nagsasalita. Naaalala niya ang huling sinabi ng binata gamit ang boses na iyon.

“Ano to, Ces? Buksan mo 'yung lock. . . Ces.”

Naninikip ang kanyang dibdib sa naaalala. Pilit niyang kinakalimutan ang pagsusumamo ng binata ngunit hindi niya magawa. Hindi mawala sa isip niya ang mga mata nito—ang mga tingin nito noong gabing iyon.

“May namimiss ka ba?”

“Iniinterogate nila 'yung vocalist! Ang pogi!” kinikilig na sabi ng kasamahan.

Halos hindi na makahinga si Ces. Hindi na siya makakilos. Gusto na niya tumakbo palabas—paakyat—palayo na tipong hindi na niya maririnig ang boses ng binata ngunit nakadikit siya sa kinatatayuan niya. Naghihintay sa isasagot nito.

“Wala.”

Napapikit si Ces sa narinig habang ramdam niya ang maliliit na aspileng tumutusok sa kanyang puso. Dapat lang iyon sa kanya—dapat lang niya malaman na wala na siyang puwang kay Lyric. . . matapos ng lahat ng sakit? Matapos ng pagtakbo niya ng ilang beses? Aasa pa ba siya? Siya ang dahilan ng nangyayari sa kanya ngayon. Dapat lang siyang parusahan. . . malamang ay baka si Lyric na at si Erich. Wala na siya sa mundo ng MyuSick at dapat niyang tanggapin iyon.

“Lul gago, wala kang maloloko rito,” tuloy tuloy na sabi ni Note. “INOM!”

Nagtawanan ang MyuSick at si Keng sa sala. Hindi pa rin ito nakikita ni Ces ngunit naririnig niya ang buong ingay. Naglaro muli sila ng baraha. Nakalimutan na ni Ces ang ‘sakit’ ng kanyang ulo at hindi na umakyat.

“1, 2, 3 pass!”

Tawanan. Tilian—kahit sila Melo at Note ay tumitili. Sigaw nang sigaw hanggang sa. . .

“Truth.”

Si Lyric. . .ulit. Hindi malaman ni Ces kung pinaparusahan ba niya ang kanyang sarili. O natutuwa ba siyang pinaparusahan ang sarili. Napahawak siya sa kanyang pilat—sa kanyang dibdib. Sobrang lakas ng kabog ng kanyang dibdib. Sobrang bilis ng bawat pagtibok na tila ba kaunti na lang ay ikakamatay na niya ang nararamdaman.

“May gusto ka bang makita?” boses ni Melo.

“Wala.”

Diretso ang pagkakasabi ni Lyric—tila hindi na nag isip pa at siguradong sigurado sa sagot. Sa sagot ng binata ay gusto na lang lumubog ni Ces. Kaagad niyang pinunasan ang luhang tumulo sa kanyang pisngi.

Sa isang salita lang ay naramdaman ni Ces ang sakit na dinulot niya kay Lyric.

“Ewan ko sayo, inom na!”

Huminga nang malalim si Ces. Napansin niyang nakatingin sa kanya si Yka na tila nagtataka sa nangyayari. Magsasalita pa sana ang kasamahan nang magsimulang maglaro muli ang banda at si Keng.

“1, 2, 3 pass!”

Nawala ang ingay saglit. Nakaramdam ng kaba si Ces.

“Yung totoo Lyric, sinasadya mo bang matalo?” boses ni Melo.

Mahina ang boses ni Lyric ngunit rinig na rinig ito ni Ces. “Truth.”

“Korni mo! Dare na!”

Natahimik ang mga tao sa sala. Doon nagkaroon ng pagkakataon si Ces upang umayos ang sarili. Naghilamos pa siya at nagpaalam sa kasamahan dahil aakyat na siya. Hindi na niya kakayanin ang lahat. Nginitian siya ni Yka at pagkalabas ni Ces ng kusina—bumungad sa kanya si Lyric.

Halos mahulog ang puso ni Ces nang makita si Lyric. Nakatingin ito ng mataman sa kanya. Hindi siya humihinga—hindi siya makahinga sa tingin ng binata. Ang lapit nila. Ang lapit nila sa isa't isa—nakakaloko na. Nanlaki ang mga mata ni Ces nang hilahin siya ng binata at niyakap. Sobrang higpit. Hindi na siya sigurado kung bakit hindi siya makahinga—sa higpit ba ng yakap o dahil sa presensya ng binata. Naaamoy na rin niya ang bango ng alcohol na iniinom nila. High class ang amoy.

Namumuo ang mga luha sa mata ni Ces habang yakap siya ni Lyric. Nakatayo lang silang dalawa. Hindi makakilos si Ces—ramdam na ramdam niya ang bilis ng tibok ng kanyang puso na sumasabay sa bilis ng tibok ng puso ng binata. Ibinaon ni Lyric ang ulo sa balikat ni Ces.

“Ang tagal kitang hinanap,” mahinang bulong ni Lyric. Napapikit si Ces habang nakapatong ang ulo sa balikat ng binata. Pinapakiramdam ang bawat salitang binanabanggit nito. “Prinsesa.”

Ramdam na ramdam ni Ces ang mainit na paghinga ni Lyric na dumadampi sa kanyang leeg. Nagsisitaasan ang mga balahibo niya sa katawan.

“Ohmy,” kumento ni Yka habang nakatingin kay Ces at Lyric. Ngiting ngiti na kinikilig.

Ilang minuto ang lumipas—magkayakap lang ang dalawa. Ces felt safe. Felt the warm. Like home. Sa mga yakap ng binata ay pakiramdam niya, walang mangyayaring masama sa kanya. Sa mga yakap ng binata, alam niyang okay siya. Sa mga yakap ng binata, nararamdaman na niya. . . ang bawal.

“Hoy, napapatagal yang yakapan ah?!” boses ni Keng.

Natauhan na si Ces mula sa yakap ngunit hindi pa rin kumakalas si Lyric. Mahigpit pa rin ang yakap nito—ayaw na bumitaw. Gusto na manatali sa kanyang tabi. Kahit labag sa loob ay tinulak ni Ces si Lyric na siyang ikinabigla ng binata. Nilakasan pa ni Ces ang pagtulak hanggang sa napakalas si Lyric kay Ces, nakatingin sa mga mata ng dalaga habang nagtataka.

“M-May. . . May trabaho pa ako.”

Kaagad lumayo si Ces. Alam niyang sinundan siya ng tingin ni Lyric nang umakyat siya at dumiretso sa kwarto ni Keng. Bakit sa kwarto ni Keng? Hindi rin niya alam—pakiramdam kasi niya ay ligtas siya sa kwarto ng Young Mistress. Kaagad siyang naupo sa lapag at sumandal sa gilid ng kama. Pumikit siya nang isandal niya ang kanyang ulo sa kama at kinapa ang kanyang pilat. . . unti-unti ay tumulo na naman ang luha sa kanyang mga mata.

Hindi napansin ni Ces na nakatulog siya habang nakasandal. Sobrang sakit ng kanyang leeg nang magising at natuyo na ang luha sa kanyang pisngi. Ilang sandali lang, narinig niya ang boses nila Melo at Note mula sa labas ng kwarto.

“Nandito?” pabulong na sabi ni Melo.

“Oo, nakita ko,” sagot ni Note.

Nagtataka si Ces sa bulungan ng dalawang iyon nang magulat siya na bumukas ang pintuan ng kwarto ni Keng. Napatitig siya kanila Melo at Note na hawak si Lyric na natutumba-tumba na.

“Hi Ces,” ngiting bati ni Melo sa dalaga.

Patayo na sana si Ces ngunit pinigilan siya ni Note at pinaupo sa kama. “Hindi ka pwedeng umalis.”

“Note. . .” pagtawag ng dalaga sa kaibigan.

Nginitian lamang ni Note si Ces. “Aalagaan mo pa si Lyric.”

Bago pa makapagreact si Ces, tumakbo na palabas sila Note at Melo nang iwan si Lyric sa sahig sa may gilid ng kama—kung saan nakaupo ang dalaga kanina. Hinabol pa ni Ces ang pagsara ng pintuan ngunit nilock ng dalawang gitarista ang pintuan mula sa labas. Katok siya nang katok ngunit tawa lang ang sagot sa kanya ng dalawa.

Napaupo siya malapit sa pintuan at sumandal habang nakatingin kay Lyric. Nakapikit ang binata, mukhang lasing na. Nakaramdam ng kaba si Ces—and yet hindi siya makagalaw. Ilang metro ang layo nila sa isa't isa ngunit masaya na siyang nakikita si Lyric. Napapangiti na siya habang nakatingin sa binata na walang muwang. Mas okay siya sa ganitong set up. Yung siya lang ang titingin. Malayo pero malapit din.

“Ay putek kayo, kwarto ko 'yun. Saan ako matutulog?!” narinig ni Ces ang boses ni Keng mula sa kabilang parte ng pintuan.

Nanlaki ang mata ni Ces nang marinig ang sunod na boses na nagsalita. Kay Pitch! “Sa tabi ko.”

“Sunugin kaya kita?”

“Basta magkasama tayo,” diretsong sagot ni Pitch.

Nakarinig ng ilang hakbang si Ces at tawanan nila Melo at Note. “Magtigil ka Pio.” boses ni Keng.

“Paano kung ayaw ko?”

“Nako! Nag aaway ang mag-asawa!” napangiti si Ces nang marinig ang kumento mula kay Melo.

“Hindi kami nag aaway!” iritableng sagot ni Keng.

“Aah okay. Mag asawa lang?” pang aasar ni Melo.

Napapangisi si Ces sa naririnig. Naiimagine niyang namumula si Keng sa pang aasar ng kaibigan. “Huwag kang matutulog dito sa bahay ko.”

“Uy, hindi dineny.”

Natahimik ang lahat. “Tulog na ako,” mahinang paalam ni Keng. Nakarinig si Ces ng ilang yabag ng mga paa.

“Hindi talaga—ARAY!“

Lumakas ang tawa ni Note mula sa kabilang parte ng pintuan. Narinig din ni Ces ang mahinang pagtawa ni Pitch.

“Aray! Ang sakit!” pagmamaktol ni Melo.

“Ayan, sige. Asarin mo pa si Ken—” natigil si Note sa pagsasalita nang sumabat si Keng.

“Don't call me Keng. Hindi nga kita kilala, eh.”

“BOOM!” boses ni Melo habang natatawa. “Masakit, no?!” pang aasar pa nito. Natahimik si Note. May mahinang tawa mula kay Pitch.

“Mga adik,” kumento ng drummer.

Tumigil na ang ingay mula sa labas. Kahit papaano, nakaramdam ng gaan ng loob si Ces sa narinig na skit mula sa kasamahan kahit hindi niya nakikita. Rinig na ni Ces ang lakas ng kabog ng kanyang puso sa katahimikan.

“Tulog kaya silang dalawa?” mahinang tanong ni Melo.

“Baka nagmomoment, iwan natin 'to.”

Nakarinig ng kaunting kalampag si Ces mula sa kabila hanggang sa nanigas siya nang makarinig ng isang kanta—napahinga siya ng malalim. Boses na naman ni Lyric. . . kailan ba siya titigilan ng boses ng binatang ito?

♪♫ And now I concede on the night
of this fifteenth song
Of melancholy, of melancholy

Napatingin si Ces kay Lyric—sigurado kasi siyang tulog na tulog ito ngunit nang ibaling niya ang tingin sa binata, tumigil ang pagtibok ng kanyang puso nang makitang gising ito. Nakatingin sa kanya. Namumula ang mga mata at inaantok ang itsura.

Walang nagsalita sa kanilang dalawa—tanging ang boses lamang ni Lyric na kumakanta mula sa iniwan nila Note sa may pintuan ang nagbibigay ng ingay sa buong paligid. It’s as if they have their own background music in their own love story—kaya lang, walang love story. Wala dapat na mangyaring kwentong pag-ibig.

♪♫ And now I will admit in this fourth line
That I love you, that I love you

“Kamusta?” mahina ang boses ni Lyric, tila nahihirapang magsalita ngunit pinipilit pa rin. Nakatitig lamang siya sa mga mata ni Ces. Hindi inaalis ang tingin. Hindi niya kailanman inalis ang tingin sa dalaga.

“O-Okay lang. . .” sagot ni Ces. “Ikaw?”

“Wasak," halos pabulong na sabi ng binata.

Hindi na makapagsalita si Ces. Nakita niya si Lyric na patayo ngunit muntikan na itong matumba kaya kaagad niyang tinulungan ang binata. Kaagad naamoy ni Ces ang pinaghalong alak, mint, mango at kung anu-ano pa mula sa binata. Pinaupo ni Ces si Lyric sa gilid ng kama. Palayo na sana siya nang hilahin siya ni Lyric kaya napaupo siya sa tabi ng binata.

“Bakit?” pagtatanong nito.

Hindi makatingin si Ces sa binatang nakatingin sa kanya. Sa bawat segundong lumilipas, bumibigat ang kanyang paghinga.

“Anong nangyari?”

Napapikit si Ces nang ipatong ni Lyric ang noo sa gilid ng ulo niya. Nararamdaman na niya ang paghinga ng binata sa kanyang pisngi—sobrang bagal na paghinga. Pakiramdam niya ay nalalasing na rin siya sa bawat segundong lumilipas.

♪♫ I don't care what they say
I don't care what they do

“Ces. . .” bulong ng binata na nagpataas ng balahibo ng dalaga. “Bakit ka umalis?” Dumiin ang noo ni Lyric sa gilid ng ulo ni Ces. “Bakit ka lumayo? Anong mayroon? Bakit kailangan mong mawala. . . ulit?”

“L-Lyric. . .” Hindi makaalis si Ces. Pakiramdam niya ay kapag umalis siya ay maiiwan niya ang pagkatao niya sa tabi ni Lyric. Hindi na niya kayang umalis. . . hindi na niya kayang lumayo.

“Nung gabing 'yun. . . bakit ka lumapit sa akin? Bakit ka tumakbo?”

Pinipilit ni Ces na pigilan ang sariling maiyak ngunit tumulo na ang luha niya nang maramdaman niyang may tumulong luha sa kanyang balikat. “Bakit laging masakit?”

♪♫ Cause tonight I leave my fears behind
Cause tonight I'll be right at your side

“Ayaw. . . ayaw ni Manager Lily.”

Nagulat si Ces nang nilayo ni Lyric ang ulo nito sa kanya at hinawakan siya sa magkabilang balikat. Hinarap siya ng binata—pumikit siya dahil natatakot siyang makita si Lyric. Natatakot siyang makitang sinasalamin ng emosyon ni Lyric ang sa kanya.

“Bakit ayaw mong tumingin?” mahinang sabi ng binata. “Tumingin ka sa akin. . . pakiusap.”

Ayaw niyang dumilat—ngunit gusto niyang makita ang binata. Gustong gusto. Pagkadilat, lalong bumuhos ang luha niya sa nakita.

♪♫ The clock on the TV says 8:39 p.m.
It's the same, it's the same

Si Lyric. . . kitang kita niya ang emosyon ni Lyric. Gusto niyang pahiran ang luhang umaagos sa pisngi nito ngunit siya mismo ang may kagagawan ng lahat ng sakit. Siya ang dahilan kung bakit nakikita niyang nasasaktan ang lalaking ayaw niyang masaktan.

“Hindi totoo 'yun. . .” marahang sabi ng binata. “Si Manager Lily. . . siya ang nagsabing ipagpatuloy ko.” Naramdaman ni Ces ang mahigpit na hawak ni Lyric sa kanyang balikat. “Siya ang nagsabing hintayin kita.”

♪♫ And in this next line I'll say it all over again
That I love you, that I love you

Hindi na halos maramdaman ni Ces ang pagtibok ng kanyang puso. Pakiramdam niya ay lutang na lutang na siya. Wala na siya sa tamang wisyo. Pakiramdam niya ay nalulunod na siya sa mga tingin ng binata—sa nagsusumamo nitong mga mata.

“Lyric, pakiusap.” Hinawakan ni Ces ang pisngi ni Lyric na binabalot ng sakit at lungkot. Gusto niyang punasan ang mga luha. Gusto niyang pawiin ang sakit. . . pero siya mismo ang nagpipinta nito sa binata. “Huwag.”

♪♫ I don't care what they say
I don't care what they do

Inilapit ni Lyric ang noo sa noo ni Ces. “Bakit?” garalgal na tanong ng binata. “Bakit kailangan maging ganito?”

“S-Sorry. . .”

“Bakit sorry?” mahinang tanong ni Lyric. Naramdaman ni Ces ang labi ng binata sa kanyang pisngi. Gusto niyang hawakan ang mga labing iyon. Gusto niyang. . . halikan ang mga labing iyon. Nararamdaman niya sa kanyang pisngi ang bawat pag galaw ng labi ng binata. Lasing na lasing na siya sa pinaghalong amoy ng alak, mint at prutas. Lasing na lasing na siya kay Lyric. “Bakit lagi na lang ganito? Noon pa man, wala akong maintindihan.”

♪♫ Cause tonight I leave my fears behind
Cause tonight I'll be right at your side

Patuloy lang ang pagtulo ng luha ng dalawang bokalista. It was painfully beautiful . . . that even their tears perfectly blend. Puno ng hinagpis. Ng sakit. Ng pagkabigo. Ng saya. Ng pagmamahal.

“Bakit ka nawala? Bakit ka nagbalik? Bakit ba ikaw pa rin? Bakit kita hinahayaan saktan ako? Bakit mo ginagawa sa akin ito?” Hinawakan ni Lyric ang magkabilang pisngi ni Ces at nilayo ang ulo sa dalaga. Tinitigan ni Lyric ang mga mata ni Ces na parang mga bituwin sa pagkintab sa dilim. “Bakit sobrang ganda mo?”

♪♫ Lie down right next to me
Lie down right next to me

Napapikit si Ces nang lumapit si Lyric sa kanya at hinalikan siya sa magkabilang talukap ng mga mata. It was a gentle kiss. A gentle kiss that melted her heart. Tila iniingatan siya ng mga halik na iyon na para siyang isang babasagin. Isang importanteng babae na dapat ay alagaan.

“Bakit gustong gusto kita?”

Bumaba ang labi ni Lyric sa ilalim ng mga mata ni Ces at hinalikan ang mga iyon. Hinalikan ni Lyric ang mga luhang tumutulo mula sa mga mata ng dalaga.

♪♫ And I will never let go, will never let go

“Bakit hindi pa rin mawala ang nararamdaman ko para sa'yo?”

Hinalikan ni Lyric ang gilid ng kanyang ilong. Gustong itulak ni Ces si Lyric. Gusto niyang lumayo. Tumakbo ulit. Magtago ulit—pero hindi niya magawa. All she wanted is to be with him. Gusto niyang nasa tabi niya lang si Lyric. Ayaw na niyang magtago. Ayaw na niyang mawala.

Gusto na lamang manatili ng prinsesa sa piling ni Lyric.

Tumigil si Lyric sa paghalik nang kaunti na lang ay matatamaan na niya ang labi ni Ces. Tumingin ang binata sa mga mata ni Ces. Lumayo ng kaunti.

♪♫ I leave my fears behind
Cause tonight I'll be right at your side
Lie down right next to me

“Gusto mo ba akong lumayo?”

Tiningnan ni Lyric ang mga labi ng dalaga at huminga nang malalim.

“H-Hindi,” bulong ng dalaga.

“Ayaw mo akong lumayo?”

Muling nanumbalik ang mga luha sa mga mata ni Ces. Ayaw niyang lumayo si Lyric. Ayaw niyang lumayo pa. . . ngunit ang kasunduan. . . ngunit. . . si Boss. . . ang kamatayan. . . gulong gulo na siya.

“H-Hindi ko alam.”

♪♫ Lie down right next to me
And i will never let go, never let go

Ramdam na ramdam ni Ces ang pahinga nang malalim ng binata. Iisang hangin na lang ang hinihingahan ng dalawa. Iisang mundo na lang ang ginagalawan ng dalawa ngunit pinipilit pa rin niyang harangan ang hindi na maharangan. Gusto niyang iwasan ang hindi na maiiwasan.

Lumapit ang mga labi ni Lyric sa labi ni Ces. . . hindi nagdidikit ngunit malapit na. “Pitong taon na, Ces. . .” mahinang bulong nito sa labi ng dalaga. Halos nararamdaman na ni Ces ang labi ng binata sa kanyang labi. “Hanggang kailan mo ako. . .”

♪♫ But still I see the tears from your eyes

“. . . papatayin?”

Tumulo ang luha sa mga mata ni Ces nang bumagsak ang ulo ni Lyric sa kanyang balikat. Bumigat ang kanyang paghinga kung may mas ibibigat pa ito kanina. Hindi pa rin nawala ang sakit sa kanyang puso. Nakita niyang nakapikit si Lyric, mabagal ang paghinga at tila pagod na pagod sa kakahabol sa kanya. Tumutulo ang mga luha sa mga mata ng binata. Hirap na hirap ito.

“Mahal na mahal kita,” mahinang bulong ni Lyric sa leeg ng dalaga. Nanghihina. “Prinsesa.”

♪♫ Maybe I'm just not the one for you

* * *

Nagising si Ces nang sumasakit ang kanyang puso at mga mata kakaiyak kagabi. Nagising siya nang unang naisip niya ay nasaktan na naman niya si Lyric. Napatingin siya sa paligid at nagtaka na nasa sarili na siyang kwarto natutulog. Nanatili siya sa kanyang kama, nakatingin sa kisame habang iniisip ang nangyari kagabi.

Napahawak siya sa kanyang labi. . . they almost kissed. Almost. Again.

Nag ayos siya ng sarili bago bumaba—ngunit pagkababa niya ng hagdan ay nagulat siya nang may marinig na kumakanta. Ang MyuSick at si Keng. . . lahat nakaupo sa dining area at nakangiti sa kanya habang kinakanta ang happy birthday.

Napatingin siya sa kalendaryo. July 18. Birthday niya.

Tinulungan siya ni Note upang umupo sa tabi nito—na halos katapat si Lyric. Iniiwas kaagad ni Ces ang tingin sa binata—pakiramdam niya ay wala na siyang maihaharap kay Lyric sa bawat pag iwas, pagtakbo at pagtago niya rito. Pakiramdam niya ay hindi niya deserve ang nararamdaman nito. Sa nangyari kagabi, pinapanalangin niya na sana walang naaalala si Lyric. Na sana masyado itong lasing para maalala ang lahat.

“Make a wish!” sigaw ni Melo habang nakangiting nakatingin kay Ces.

Ngumiti si Ces at napatingin kay Lyric na nakatingin sa kanya. Hindi niya mawari ang emosyon ng binata. Iniiwas niya muli ang tingin at pumikit. . . isa lang ang naisip niyang dapat niyang hilingin. Sa nangyari kagabi, alam niyang hirap na hirap na ang binata sa kanya.

Sana maging masaya na kami. . . kaming lahat.

Bago pa niya hipan ang kandila. . . nagulat silang lahat nang mawala kaagad ang apoy nito. Nagkatinginan sila ngunit ilang sandali lang, nagsaya silang muli at hinayaan na lang ang nangyari.

Hindi siya makapaniwalang pinaghandaan siya ng MyuSick at ni Keng para sa kanyang birthday. Simula kasi ng magkaroon ng ibang lalaki ang kanyang tatay, hindi na siya nagcelebrate ng birthday—last year, the same day—dapat ay ibabalita niya kay Lyle na buntis siya—ngunit maraming nangyari at nalamang sa utak lang pala iyon. Ngayong birthday niya ulit at bente anyos na siya—hindi siya sigurado kung dapat ba siyang maging masaya o hindi. . .sa dami ng nangyari sa kanya. Sa dami ng nasaktan dahil sa kanya. Sa dami ng umiyak dahil sa katangahan niya.

Dapat bang maging masaya siya na dalawang dekada na siyang nag eexist sa mundo? At pitong taon na niyang pinapahirapan si Lyric? At isang taon na ang lumipas nang maranasan niya ang lahat ng misteryo?

Ngumisi si Note nang kuhanin ang cellphone at ibinigay kay Ces. Tawag ito galing kay Manager Lily—hindi tuloy alam ni Ces kung dapat ba siyang matakot o maging masaya na makakausap niyang muli si Manager Lily. After a month of running away.

“H-Hello?”

“Ces.”

Nakaramdam ng kaba si Ces nang marinig ang boses ni Manager Lily. Ganoon pa rin ang boses nito—sanay na rin siguro siya sa pagtataray ni Keng kaya immune na immune na siya. Akala niya ay okay na ang lahat ngunit nalayo niya ang cellphone nang biglang sumigaw si Manager Lily.

“ANONG KALOKOHAN ITO? AT ANG LAKAS MO PANG KUHANIN ANG SUSI NG PADLOCK NG GATE? ADIK KA BA?!” tulog tuloy na sabi ng Manager. “Ano sa tingin mo ginawa namin para makalabas ng gate? Walanghiya ka, pinahirapan mo kami at anong drama mo na you quit, you quit?! I DON’T FUCKING ACCEPT YOUR QUIT SHIT, OKAY?!”

Napangiwi si Ces. Nakatingin lang sa kanya ang lahat sa lamesa, naghihintay.

“By the way.” Huminahon ang boses ni Manager Lily. “Happy birthday. . . and don't you ever call me when you plan on quitting!” binabaan ni Manager Lily ng phone si Ces.

Napatulala si Ces at kaagad natawa si Melo. “Ang sweet talaga ni Manager Lily.”

“Hindi naman nakaloud speaker pero rinig na rinig pa rin natin 'yung sigaw niya,” kumento ni Note habang umiiling.

Nagtawanan sila—well, mostly sila Note at Melo. Nagsimula silang magkwentuhan habang kumakain sa hapag kainan—pinipilit naman iwasan ni Ces ang tingin kay Lyric kahit alam niyang madalas nakatitig sa kanya ang binata.

“Ay alam mo ba Ces.” Ngumiti si Melo at pinalo sa balikat si Pitch. “TV commercial actor na si Pitch!” natatawang sabi nito. “Naks, artista na.”

Nanlaki ang mga mata ni Ces. Hindi niya madigest ang binalita sa kanya ni Melo habang nakatingin kay Pitch na nakayuko lang. Hindi siya makapaniwala. . . paano nangyaring si Pitch? Ang tahimik na si PItch? Commercial actor?

Si Note naman ang nagsalita. “Ikaw Keng,” pagbaling ni Note kay Keng. “Nakita mo na si Pitch sa TV?”

Umirap si Keng kay Note. “Wala akong time manood.”

Napanganga ng kaunti si Ces nang marealize ang lahat—kaya pala. Kaya pala madalas nakabukas ang TV noong nakaraang linggo ay dahil may hinihintay si Keng! Nakita ni Ces na napatingin si Pitch kay Keng ngunit walang imik ang huli. Wala itong kibo hanggang sa tumayo ito at lumabas ng kusina.

“Saan pupunta 'yun?” tanong ni Notehabang nginunguya ang chicken.

“Baka papanoorin yung commercial sa youtube ng patago!” natatawang sagot ni Melo. Natawa rin si Note at nag apir pa sila pero bago pa sila tuluyang magsaya, kaagad silang pinag untog ni Keng nang bumalik ito.

“May kinuha lang ako, mga ugok!” nakasimangot na sabi ni Keng ngunit kitang kita na natatawa.

“Ay!” Nanlaki ang mga mata ni Melo habang nagkakamot ng noo. Tumingin ito kay Lyric at ngumiti. “Despedida party na rin natin 'to!”

Kaagad nagtaka si Ces. Nakaramdam siya ng kaba sa narinig. “Despedida?”

“Oo?” nagtatakang sagot ni Melo. Tumingin ang gitarista kay Lyric na nakafocus ang atensyon sa kinakain. “Hindi mo ba sinabi sa kanya?”

“A-Ang alin?” takang tanong ng dalaga.

Nabaling ang atensyon ni Ces nang magsalita si Note. “Matagal na siyang kinukuha ng international recording.”

“Last year pa,” pagsingit ni Melo.

Napatitig si Ces kay Lyric na nakayuko. “L-Last year?”

“Yung mga tawag na pinagbawalan ni Manager Lily na sagutin noon?” pagkuha ng atensyon ni Note sa dalaga. “International calls pala para sa kumag na 'to.” Kinutusan ni Note si Lyric at umalma si Lyric ngunit hindi gaanong nagreact. “Ang pachicks na nga kasi half a year na rin siyang nililigawan.”

Sumimangot si Melo habang nakatingin kay Lyric. “Ayaw nga namin kaya lang. . . sayang naman.”

“Wow, that’s a good opportunity,” kumento ni Keng.

“Pangarap mo iyon, di ba?” tanong ni Note kay Lyric. Dumiretso ang tingin ni Lyric at imbis na tumingin kay Note para sumagot ay tinitigan ng binata si Ces. Kumalabog ang puso ni Ces mula sa loob.

“Oo.”

Napalunok si Ces bago magsalita. Pakiramdam niya ay nanghihina siya sa narinig. “A-Alis ka?”

Ngumiti si Lyric—at sa ngiting iyon ay hindi akalain ni Ces na makakaramdam siya ng pagpiga ng kanyang puso. Kumikirot.

“K-Kailan?”

Nanlalamig ang kanyang mga kamay. Hindi pa siya handa sa sagot ngunit kailangan niya malaman. Halos mawalan siya ng hininga nang sumagot ang binata. Pakiramdam niya ay unti-unti na naman siyang pinapatay—sa birthday pa niya mismo. Bakit sa tuwing dapat ay masaya siya. . . kinukuha ang sayang iyon sa kanya?

“Next week.”

~ ~ ~
Author's Note:
SALAMAT SA PAGBABASA! Salamat sa mga comments, sobrang nakakatouch. ♥

This chapter is dedicated to shtrhythm (together with MisterK na kapatid niya) pero kasi, siya yung reader na masasabi kong kahit ilang years pa ako mag update, hindi siya titigil sa pagsupport. Hindi siya tumigil sa pagbabasa ng TTLS since day 1 tulad ni ate Lily (nakakatouch) at kapag sinabi kong since day 1, since Nov 7, 2011 pa. Yung Love's Limit pa ang title neto. Since noon pa. 3 years ago pa. Hindi siya bumitiw! Nagbabasa pa rin siya. . . at iyon ang nakakatuwa sa feeling. Malaman ko lang na she's staying with me, sobrang saya. Nakakakilig na nakakatuwa na nakakagaan ng pakiramdam na hindi siya nabored or nabadtrip or what. Hi din, MisterK! Salamaaat salamat sa inyong dalawa. ♥

See multimedia box to see her first message to me.

Click external link to go to http://fb.com/plsptsya (pilosopotasya page)

THANK YOU.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top