53 // The Young Mistress

Everything we shut our eyes to, everything we run away from, everything we deny, denigrate or despise, serves to defeat us in the end. What seems nasty, painful, evil, can become a source of beauty, joy, and strength, if faced with an open mind. Every moment is a golden one for him who has the vision to recognize it as such."
— Henry Miller

~ ~ ~

“Sorry. . . “

Paulit-ulit na binanggit ni Ces ang mga salitang ito habang naglalakad sa kahabaan ng kalsada. Tanging ang ilaw lamang sa ilang posteng magkakalayo at liwanag ng buwan ang nagbibigay ng liwanag sa kadiliman.

Madaling araw na. . . kakaunti na rin ang mga taong naglalakad pero siya? Patuloy lang. Walang patutunguhan. Naghihingalo na sa pag-alala ng lahat ng katangahang ginawa niya sa buhay niya.

“Sorry. . .”

Iyak tawa ang ginawa ni Ces habang inaalala ang lahat. Natatawa sa mga masasayang bagay ngunit naiiyak dahil winakasan na niya ang sayang iyon. Niyakap ni Ces ang sarili habang tulo nang tulo ang kanyang luha. Napatitig lamang siya sa susi ng padlock ng gate na hawak ng kanyang kamay. Sa dinami-dami ng pwedeng kuhanin. . . padlock pa ng gate. Hindi na talaga gumagana ang utak niya ng matino.

“Sorry. . .”

Kahit anong iwas niya ay pilit pumapasok sa kanyang isip ang mga kabanda. Sa bawat pagpikit niya ay nakikita niya ang seryosong mukha ni Pitch at ang sama ng tingin ni Manager Lily. Sa bawat lingon ay naririnig niya ang mga jokes ni Melo na sinasabayan ng pagtawa ni Note. Sa bawat tingin niya sa paligid, nakikita ni si Lyric—ang mga mata ni Lyric. Ang mga mata nitong nagsusumamo.

Ces, mahal kita.

”S-Sorry.”

As if on cue, biglang bumuhos ang napaka lakas na ulan. Walang warning. Biglaan na lang—at lalo siyang nakaramdam ng lamig at pag iisa. Lalo siyang nakaramdam ng sakit at lumakas pa ang kanyang pag iyak. Hindi na niya maintindihan ang nangyayari sa kanya. It's for the best and yet she's hurting inside. Naalala niya ang sinabi ni Boss sa kanya rati.

Ang pagmamahal ay natural na nararamdaman ng isang tao. Biglaan. Walang warning.

May warning na eh, hindi pa siya nadala.

Napalingon si Ces sa malakas na busina mula sa kanyang likuran. Nasilaw pa siya sa lakas ng head lights nito. Nang mawala ang ilaw, nanliit ang kanyang mga mata nang makita ang taong nasa driver’s seat na nakangisi sa kanya.

Si Keng.

“Get in,” pag-utos ni Keng kay Ces.

Nahihiya man ang dalaga dahil basang basa siya ay sumakay siya sa kotse ni Keng. Hiyang hiya siya dahil tulo nang tulo ang buong katawan niya sa dahil sa ulan. Kahit ang susing hawak ay basang basa na. Nakangisi si Keng habang nakakunot noong nakatingin kay Ces. Pinatay ni Keng ang aircon at binigyan ng twalya ang dalaga mula sa likuran. “Anyare sayo?”

Nakatigil lang ang kotse. Naghihintay si Keng pero hindi nagsalita si Ces nang may biglang bumusina sa likod ng kotse ni Keng. Sa sobrang pagkaasar ay binaba ni Keng ang bintana at pinagmumura ang driver na hindi mapakaling nag over take sa kanila.

“Pakyu ka! Ang laki laki ng daan bubusina ka sa likuran ko! Gago!” tuloy tuloy na sabi ni Keng. Asar na asar si Keng pero binaling niya ang tingin ka Ces na tuyo na ang katawan kahit papaano. “Bakit ka ba basang basa? Gumagawa ka ng music video?”

“Ha?”

“Ewan. Balik na tayo sa Myusick—”

“Huwag!”

Nagkatinginan si Keng at Ces. May pagtataka sa mukha ni Keng, ineexamine si Ces na uneasy ang pakiramdam. Mabigat ang bawat pahinga ni Ces at kahit naguguluhan si Keng ay pakiramdam nito ay nagegets niya ang vocalist.


“Bakit?”

Napayuko si Ces at huminga ng malalim bago nagsalita. Kinuyom niya ang kanyang mga kamay habang naaalala ang mga mukha ng kasamahan—ang mga pagtataka—lalo na si Lyric.

“Nagquit na ako.”

“Seriously?”

Nanlalaki ang mga mata ni Keng habang nakatingin kay Ces. Hindi na rin iniinda ni Keng ang mga busina sa likuran dahil nakatigil sila sa tabi. Tahimik lang ang dalawa. Keng wants an explanation. Ces won’t talk. Napabuntong hininga na lamang si Keng at pinaandar ang kotse. Tahimik sila sa buong byahe habang malakas ang ulan. Tumigil lamang sila nang makarating sila sa tapat ng isang malaking itim na gate.

Nagbusina si Keng at ilang sandali lang ay awtomatikong bumukas ang gate. Nang paandarin muli ni Keng ang kotse, isa-isang nagbukas ang ilaw mula sa kalsadang dinadaanan nila papunta sa napaka laking mansyon.

“A-Ano 'to?” manghang mangha si Ces habang nakatingin sa mansyon.

“Duh, bahay?” Lumabas si Keng at umikot papasok ng mansyon ngunit tumigil dahil hindi pa rin lumalabas si Ces. Binuksan ni Keng ang pintuan sa side ni Ces at tiningnan ng nagtataka ang dalaga. “Eh kung lumabas ka kaya d'yan at basang basa na ang loob ng kotse?”

Kaagad lumabas si Ces at nagulat siya nang may mga katulong na lumapit sa kanya para patuyuin ang kanyang buhok. Pigain ang kanyang damit at kung anu-ano pa. Hindi makapagsalita si Ces—gulat na gulat siya hanggang sa makapasok sila sa mansyon at malula sa sobrang laki nito. Sobrang yaman nila Keng.

Nakaramdam siya ng panliliit. . . marahil ay ganito ang naramdaman ni Pitch noon.

“Patuyuin niyo siya doon sa taas. Kausapin ko lang yung halimaw, aalis din kami,” pag-uutos ni Keng sa mga katulong. “Pakituyo na rin 'yung loob ng kotse. Umulan sa loob eh.” Sinamaan ng tingin ni Keng si Ces bago pumasok sa isang glass box si Keng—nanlaki ang mga mata ni Ces nang umakyat ito! Isang glass elevator! Sa loob ng mansyon!

Manghang mangha si Ces habang tinutulungan siya ng mga katulong papunta sa isang malaking kwarto. Mas malaki pa ito sa kwarto niya—at ng mga kasamahan niya sa MyuSick. Ugh. MyuSick na naman. Sila na naman.

Dapat na niya matutunan kung paano lumimot para wala na lang masaktan.

Nang iwan siya ng mga katulong sa kwarto para makapag bihis ng tuyong damit, hindi maiwasan ni Ces ang mapatingin sa paligid. Pink kasi ang buong kwarto mula sa kisame, pader, carpet hanggang sa mga kagamitan. White at pink ang motif ng buong kwarto—lacey din ang karamihan ng mga tela. Babaeng babae.

Habang nagpapalit ng damit, napunta ang atensyon ni Ces sa isang litrato sa puting cabinet. Hindi pa siya makapaniwala ngunit alam niyang hindi siya niloloko ng kanyang mga mata. May nakita siyang isang picture frame na may litrato ng isang teenager na babae.

Si Keng—all dressed up—like a porcelain doll.

“A-Ang. . .ang cute niya.”

“Thanks.”

Napalingon si Ces nang buksan ni Keng ang pintuan ng kwarto. Kaagad sinuot ni Ces ang shirt at may pagtataka sa mga mata ni Keng habang nakatingin sa may dibdib ni Ces. She dismissed the thought at nginitian si Ces.

“Thanks but no thanks. Hindi 'yan si Keng—let’s go?”

“Saan?” takang tanong ni Ces.

“Duh.”

Hinila siya ni Keng pababa. Yumuko pa ang mga katulong na nilampasan nila. Tumila na rin ang ulan nang makalabas sila ng mansyon. Ilang segundo lang ay may kotseng dumating sa harap nila, minamaneho ng isang lalaki—ibang kotse naman ito.

“Nasaan 'yung. . .”

Bago sumakay si Keng ay tiningnan niya si Ces ng nakataas ang kilay. “Sa tingin mo gagamitin ko pa 'yun kung nabasa na 'yung loob?” sumakay ito sa driver’s seat at ganoon din si Ces, sa tabi nito. “Plus, hindi akin 'yung kotse. Sa katulong 'yon.”

Nanlaki ang mga mata ni Ces. “Kotse? Ng katulong niyo?”

Natawa si Keng na para bang nagjoke si Ces. Pinaandar na nito ang kotse at humarurot palabas. “Duh. Mayaman kami.”

Tahimik muli sila sa kahabaan ng byahe. Napatitig lamang si Ces kay Keng—wala siyang ideya kung saan siya dadalhin ng kasama ngunit alam niyang hindi siya pababayaan nito. Sana. Napatitig siya kay Keng—kitang kita ang piercings nito sa tainga lalo na ang sleeve tattoo nito. Ibang iba ang aura ni Keng kapag nakaporma—mas nakakatakot yet ang cool tingnan. Cool chick. Ibang iba rin ito sa itsura ng Keng noon. . . ang Keng na hindi ngayon. Habang naaalala ang picture ng isang manikang babae ay hindi siya makapaniwalang si Keng ang babaeng iyon.

Sobrang layo pero malapit din.

Maraming pumasok sa isip ni Ces habang kinakacalcula ang lahat ng pagbabago kay Keng. Wala namang nagbago sa mukha nito so walang plastic surgery ngunit ang mga tattoo nito sa katawan ang nagsasabing isa siyang rebelde mula sa dolled-up girl na nasa litrato kanina. Imbis na long sleeves na white at pink lacey dress, naka fitted shirt ito na bakat ang buong katawan. Imbis na doll shoes ang suot ay nakaboots itong kulay itim. Imbis na pearl earrings at mga mamahaling kwintas at purselas ay naka studs ito na choker na tumatakip kahit papaano sa mga tattoos. Napaka raming piercing sa tainga. . .at sa totoo lang, hindi na kailangan ni Keng ng accessories dahil ang tattoo na nito ang accessories niya.

“Kapag nalusaw ako sa mga titig mo, mababangga tayo.” Napaiwas ng tingin si Ces sa biglang pagsasalita ni Keng. Yumuko siya at nanahimik. "Alam ko, malaki talaga ipinagbago ko. Hindi kasi ako iyon."

Nilingon ni Ces si Keng. Nakatingin lang ito diretso sa kalsada.

"Bakit ka nagbago?" tanong ng dalaga.

Ngumisi si Keng at tiningnan sandali si Ces saka ibinalik ang tingin sa daan. "Kasi hindi ako 'yon. Kasi ang nakita mo sa litrato, maskara ng babaeng hindi naman ganoon. Nakakasawa magpanggap. Gusto kong maging malaya mula sa mga kashitan na 'yun."

Nakatingin lang si Ces kay Keng. Keng is such a mystery for her. . . pero sino bang hindi? Lahat ng tao ay may lihim. Lahat ng tao ay may sari-sariling tinatago. Sariling maskara. Kahit siya mismo ay may tinatago, napaka raming sikreto.

Ngumiti si Ces kay Keng, "mas gusto ko si Keng ngayon."

Tiningnan ni Keng si Ces ng nagtataka. Kumunot ang noo nito sandali ngunit hindi na nagsalita si Ces. Ibinaling na lang ng dalaga ang tingin sa bintana. Narinig ni Ces ang malakas na pagbuntong hininga ni Keng. Binuksan nito ang radyo ng kotse at napangisi sa narinig na tugtog.

♪ ♫ Do you feel the way I do right now?
I wish we would just give up
Cause the best part is falling

“Oh, boses mo,” natatawang sabi ni Keng.

Halos hindi na makahinga si Ces nang marinig ang boses sa radyo—ang kantang iyon. Then after some seconds, narinig niya ang boses nilang dalawa ni Lyric. Blending together.

                                                                             

♪ ♫ Call it anything but love

Binuksan ni Keng ang bintana ng kotse at pinapasok ang malakas na hangin dahil sa bilis ng kanilang kotse. Sobrang sarap lalo na't malamig ang simoy ng hangin at wala pang ibang kotse. Joyride.

♪ ♫ And I will make sure to keep my distance
Say, "I love you," when you're not listening
And how long can we keep this up, up, up?

“Ang ganda ng boses niyo, no?” pinatong ni Keng ang kaliwang braso sa may bintana habang nakahawak ang kanang kamay sa manibela. Tumingin siya kay Ces. “Ganda ng blending.”

Hindi makaimik si Ces dahil naglalaban ang puso't utak niya sa naririnig. Kung kailan dapat niyang kalimutan ang lahat—tska pa nagpaparamdam ang mga kanta nila ni Lyric. Huminga siya ng malalim at tiningnan ang kalsada, inaalis ang konsentrasyon sa naririnig na kanta.

♪ ♫ Please don't stand so close to me
I'm having trouble breathing
I'm afraid of what you'll see right now

“Pwedeng. . .” Hindi na niya kaya.

“Hm?”

Nakakaramdam ng sobrang kaba sa naririnig si Ces. Gusto niya makalimot pero paano siya makakalimot kung sa bawat sulok ng pagkatao niya ay sinisigaw na kasali siya sa MyuSick?

“Paki ano.”

“Ano nga? Hindi ako nakakaintindi ng 'Ces language', pwede ba?” iritang sabi ni Keng habang nakakunot noo. Pabalik-balik ang tingin kay Ces at sa kalsada.

♪ ♫ I give you everything I am
All my broken heart beats
Until I know you'll understand

“Yung kanta sana…”

“Lakasan? Waw, hindi ko akalaing medyo—”

Napapikit si Ces at huminga ng malalim. “Hindi. Pakipatay.”

“What?”

♪ ♫ And I keep waiting
For you to take me
You keep waiting
To save what we have

Pinatay ni Keng ang radyo habang napapatitig ng kaunti kay Ces. Nakayuko lamang si Ces—at napansin na lamang ni Keng ang mga luhang tumutulo mula sa mga mata ng dalaga. Natigilan si Keng at nanahimik. Hindi sila nagpansinan hanggang sa tumigil sila sa tapat ng isang bahay—malaki ngunit hindi kasing laki ng mansyon nila Keng o ng bahay ng MyuSick.

Ugh. MyuSick na naman.

Sa bagong pinuntahan nila, wala nang driver o mga katulong na yumuko para sa kanila. Diniretso ni Keng sa garahe ang kotse at tinigil ito. Tahimik ulit ang dalawa.

“Pwede kang magstay dito kung wala kang pupuntahan,” mahinang sabi ni Keng. Nakatingin lang sa harapan.

Tiningnan ni Ces si Keng at nagsimulang tumulo na naman ang mga luha sa dalaga. Pinipigilan niya ito ngunit hindi siya makapaniwala sa sinasabi ni Keng—hindi siya makapaniwala na tinutulungan siya ni Keng. Hindi kaya magkaibigan na sila sa lagay na ito?

Pagkababa nilang dalawa ay naunang pumasok sa loob ng bahay si Keng. Sumunod si Ces—bago pa makalayo si Keng ay hinawakan ni Ces ang laylayan ng shirt ni Keng. Naghehesitate pa nga siya dahil baka biglang putulin ni Keng ang kanyang kamay ngunit good thing dahil tumigil si Keng sa paglalakad pero hindi humarap.

“Salamat sa pagtulong, Keng.”

Unti-unting lumingon si Keng kay Ces at nakaramdam ng kakaibang takot si Ces sa mga ngisi ng kaharap. Iba itong takot na naramdam niya—may something wrong. Pakiramdam din niya ay nakakita siya ng black aura sa paligid nito habang nagsasalita.

“Tulong? Ano ka, swerte? Walang madali sa mundo, paghirapan mo ang pamumuhay mo.”

“A-Ano?”

Lalong lumawak ang ngiti ni Keng at hinawakan ang braso ni Ces upang ialis sa pagkakahawak sa kanyang shirt. “Simula ngayon, tawagin mo akong Young Mistress, ang sarap pakinggan, hindi ba?”

Si Keng lang ang tanging babaeng makakapagpataas ng balahibo ni Ces sa takot na nararamdaman. Mas nakakatakot pa kay Manager Lily at boss—combined. Seryoso.

* * *

“CES!”

Dalawang linggo—dalawang linggo na ang nilalagi ni Ces sa bahay ni Keng na apparently ay isa siyang “maid” ng young mistress.

Nagmamadaling bumaba si Ces mula sa kwartong binigay sa kanya ni Keng at nagpunta sa sala. Nakita niya doon si Keng na nakahead band, messy bun, sando at shorts habang naglalaptop at nakabukas ang TV.

“Tawag mo ako?” tanong ni Ces.

Tiningnan ng masama ni Keng si Ces at sinimangutan. “Ay hindi, trip ko lang sumigaw,” iritableng sagot nito. “CES!”

“Young Mistress.” Napangisi si Keng sa tawag sa kanya ni Ces. Itinuloy ni Ces ang sasabihin, “ano hong maipaglilingkod ko?”

“Ayan, very good.” Ngumisi muli si Keng at tinuro ang remote na nasa lamesa, ilang metro lang ang layo. “Pakikuha nga 'yung remote, hinaan mo 'yung volume tapos pakibalik doon.”

And yes, malakas ang trip ni Keng for some odd reason.

Sa dalawang linggo ay hindi papalya si Keng upang utos-utusan si Ces. Hindi rin ito pumapalya para pahirapan ang dalaga for no apparent reason. Wala lang. Trip lang niya. Madalas din kasi si Keng sa bahay at walang ginagawa kaya pantitrip lamang kay Ces ang madalas nitong pampalipas oras.

Wala na ring alam si Ces nangyayari sa MyuSick. Hindi na rin niya alam kung ano na bang nangyari kay Erich o kay Lyric o sa kanilang dalawa. Sa pagkakaalam niya ay malapit na ipalabas ang independent film pero hindi niya alam kung kailan. Hindi na niya matandaan. . .sa totoo lang, masaya siyang hindi na niya masyadong natatandaan ang ilang detalye patungkol sa MyuSick o sa bahay nito.

It’s good this way—'yung wala na lang siyang kuneksyon para hindi sila mahirapan lahat-lahat.

Nang umabot ang pangatlong linggo, kahit papaano ay nadidistract na rin si Ces at hindi na masyadong naiisip ang MyuSick. Tila ba nakatadhana nang makita niya muli si Keng para makalimot. Hindi na niya kailangan gumawa ng paraan para mag move on dahil si Keng na ang gumagawa ng paraan para maging busy siya. Sa sobrang daming ginagawa, kahit kaunting pahinga ay hindi niya magawa.

Madalas siyang gumising ng umaga para ipaghanda ang break fast ni Keng at matutulog ng madaling araw para ihanda ang midnight snack nito. Hindi pa natatapos ang lahat dahil in between ay may mga utos itong pagtimpla ng kape, pagmasahe ng likuran, pagbukas at pagsara ng TV at kung anu-ano pa. Silly request pero sobrang nakakatulong kay Ces upang makalimot.

Sobrang alila siya pero hindi niya rin inaakala na mabait din kahit papaano si Keng dahil noong isang araw ay dinala siya nito sa isang mall. Syempre, siya pinagbitbit ng mga damit, gamit at kung anu-ano pa pero lahat ng pinamili ni Keng ay para sa kanya.

Kakaiba talaga maging mabait si Keng.

Naging madali ang lahat kay Ces habang kasama si Keng. Well, almost except sa mga utos na hindi na makatwiran lalo na ang pagsayaw o pagkanta para lang maaliw ang Young Mistress. Minsan ay pinagbabasa rin siya nito ng mga libro at pinapakwento sa kanya ang mga nangyari. Sasabiin ang ending o ang exciting part at kung irerate ay gaano ito kaganda. Hindi malaman ni Ces kung parusa ba iyon o swerte.

Madalas nakatutok si Keng sa TV particularly sa palabas ng Pinas. Nakakapagtaka dahil noong nakaraan ay diring diri si Keng sa palabas ng Pinas pero nitong mga nakaraang araw ay nakatutok siya rito. 

Madilim na ang paligid habang nakatingin lang si Keng sa TV. Paakyat na si Ces at gusto sana niyang siguraduhin na hindi ipapapatay ni Keng ang TV sa kanya. “Sigurado kang—”

“Matulog ka na nga, may kailangan pa akong panoorin.”

“Pero. . .”

“Shut up. Go to sleep.”

Nagtataka si Ces sa mga kinikilos ni Keng dahil may inaabangan ito sa TV. Sigurado siya—dahil hanggang sa mag final airing na ng Lupang Hinirang, hindi pa rin pinapatay ni Keng ang TV.

Sa sumunod na araw, nagulat si Ces dahil hindi siya ginising ng napaka lakas na sigaw ni Keng na tinatawag ang kanyang pangalan. Iniayos niya ang kanyang sarili bago lumabas ng kwarto at nakita niya ang Young Mistress na bihis na bihis.

“Saan ka pupunta?” kaagad na tanong ni Ces.

Napatigil si Keng sa pabalik-balik na lakad sa kanyang kwarto at kung saan pa at tinignan si Ces. “Wala kang karapatan tanungin ang Young Mistress mo.”

Napatahimik si Ces. Ilang sandali lang ay umakyat si Yka, ang nag aayos ng schedule ni Keng.

“Ah Miss Keng.” Binaling ni Keng ang tingin kay Yka. “Tumawag po si Direk. Hindi raw tuloy 'yung VTR.”

Kaagad nagtaka si Ces. “VTR?”

Malawak ang ngiti ni Yka nang tumingin siya kay Ces. “Ay oo! Mag aaudition kasi si Miss Keng sa isang commercial!”

Hindi malaman ni Ces kung ngingiti ba siya o magtataka. Nakita niyang pinandilatan ni Keng si Yka at sumama ang tingin sa katulong. “Isa pang salita mo, baka madikit yang bibig mo sa lupa.”

Humagikgik lamang si Yka. Kitang kita ang pagkadismaya at pagkairita sa mukha ni Keng nang pumasok ito sa kwarto.

“Huwag niyo akong guguluhin sa kwarto!” sigaw nito.

“Bakit siya sasali sa commercial?” pagtataka ni Ces.

“Baka dahil kay Sir.”

Napatingin si Ces kay Yka na ngiting ngiti pa rin. “Sinong Sir?”

Ngiti lang binigay na sagot ni Yka nang bumaba ito. Masayang masaya pa at tila kinikilig. Naiwan si Ces sa tapat ng kwarto ni Keng. Nakatitig sa pintuan ng Young Mistress. Nagtataka sa mga nangyayari.

Anong mayroon?

* * *

Mag iisang buwan na siya sa bahay ni Keng. Hindi pa rin mapakali si Keng habang naghihintay ng kung ano man sa palabas sa TV. Matatawa sana si Ces kung malaman niyang nag aabang ng teledrama si Keng ngunit napapansin niyang madalas itong maglaptop habang bukas ang TV na mahina pa ang volume.

Weird.

Isang araw ay sinabihan siya ng kanyang Young Mistress na aalis sila. Ang destinasyon nila? Cake shop. Pinagbihis siya nito ng matino, emphasizing sa matino na tila ba hindi nagdadamit ng matino si Ces. Nasa kotse na sila nang magtanong ang dalaga sa Young Mistress..

“Yung ano—”

“EHEM?” taas kilay na pagpapapansin ni Keng kay Ces.

Napalunok ang dalaga. “Uhm, Young Mistress. . .  yung cake shop po, kamusta na?”

“I don’t know and I don’t care. Ngayon pa lang ulit ako babalik doon.” Nakatingin lamang si Keng sa kalsada. Binuksan niya ang radyo at buti na lang, metal rock ang tugtog. Sinasabayan ni Keng ang tugtog ngunit hindi makarelate si Ces.

“Pero, hindi ba nagtatrabaho ka roon?” takang tanong ni Ces, nakatingin kay Keng. Naghihintay ng sagot.

“Dati.” Ngumisi si Keng. “Pero nakuha ko na ang kotse ko kaya wala na akong pakielam sa cake shop. It’s not mine—sa halimaw 'yun.”

"Halimaw? pagtataka ng dalaga.

"Tatay ko."

Tumango tango na lamang si Ces. Halimaw ang tawag ni Keng sa kanyang ama. Ang saya lang. Nang makarating si Ces sa cake shop, napatingin sa paligid. Iba na ang mga taong nandoon—ang mga bantay, ang cashier at kahit na ang manager. Nag-iba na rin ang prices ng cakes at ang ilang disenyo. Ang tagal na ring nawala ni Ces sa cake shop at nakaramdam siya ng saya kahit papaano at nakabalik siya rito.

It felt nostalgic. Naaalala niya kung gaano kasimple ang buhay niya noong nagtatrabaho siya rito. . .and now, customer na lang siya. Katulong ng anak ng may ari ng cake shop. Ang daming nangyari for the past few months na hindi niya akalain na malapit na mag isang taon ang pangyayaring nagbago sa buong buhay niya. Nakakatuwang isipin na dati rati ay nasa likuran siya ng counter na iyon at ngingiti kapag may papasok ng customer.

Iba ang realidad niya noon. Tahimik lang ang buhay niya bago pa makilala si Lyle. Nakatira siya sa attic. Nagbabayad ng rent. Mataas ang grades. Nag aasam na grumaduate ng Magna Cumlaude. Marami ring nagsasabi na kakayanin niya iyon dahil matalino siya at masipag mag aral. Masaya pa siya noon kasama si Marky na paiba iba ang lalaking nakakasama. Masaya pa siya noon bago pa ang lahat. Ang realidad niya noon ay simple lang.

Ngayon ay iba na ang lahat. Ibang iba na.

“Baka malusaw 'yung store kapag tinitigan mo. Eh kung kumain na kaya tayo?” iritableng sabi ni Keng.

Hindi na umimik si Ces habang kumakain. Tahimik lang sila ni Keng—walang nagsasalita. Mukhang may malalim ding iniisip si Keng kaya hindi siya pinapansin nito. Ilang sandali lang ay may mga babaeng nahahagikgikan na pumasok sa shop.

“Excited na ako!” kinikilig na sabi ng isang babae sa mga kasama nito.

Dumiretso ang grupo ng mga babae sa counter at namili ng cake. May isang nagsalita, “eh sino ba 'yung MyuSick na 'yon?”

Nanigas sa kinauupuan si Ces sa narinig. Bumilis ang tibok ng kanyang puso nang marinig ang salitang iyon. Pero. . . pupwedeng hindi ang naiisip niya ang pinag-uusapan ng mga babae. Marahil ay Music iyon in general at hindi ang banda. Unconsciously siyang nag aabang ng susunod na sasabihin ng mga babae. Pagtingin niya kay Keng, napansin niyang natigilan din si Keng sa kinauupuan. 

“Sila lang naman ang hottest band group ever.”

MyuSick. Halos hindi makahinga si Ces just by thinking about the band. Ilang linggo na ring nawala sa isip niya ang mga iyon at ngayong nagbalik na naman. . . nagbalik din ang saya at sakit.

“At sila rin ang tutugtog sa bar mamaya sa HindiKoAlamPangalan Bar!”

Sinundan ng tingin ni Ces si Keng nang tumayo ito at nagbaba ng pera sa counter. Binigyan din siya ng pera ng Young Mistress na kanyang ipinagtaka.

“Kaya mo naman umuwi mag-isa, hindi ba? May pupuntahan ako,” with that, Keng left Ces at lumabas ng cake shop. Napatitig si Ces sa perang ibinigay ni Keng. Limang libong piso.

Limang libo? Para sa pamasahe?

Huminga nang malalim si Ces at napatingin sa mga babaeng kinikilig habang palabas ng cake shop. MyuSick. Nagtalo na naman ang puso't isipan niya. So what? Ano naman kung malapit ang MyuSick sa kinauupuan niya? Ano naman kung kaunting tumbling lang ay pwede na niya ulit makita ang MyuSick? Masilayan. Mahagkan. Makangitian. Makita.

Huwag. Kailangan mo lumayo. Pag-uulit niya sa sarili nang lumabas siya ng cake shop. Patuloy lang siya sa paghindi sa sarili habang naglalakad sa kawalan. Nawawala na rin siguro siya sa sarili dahil nagtatalo talo ang buong pagkatao niya sa dapat gawin. Gusto niya pumunta. Pero ayaw niya. Gusto niyang makita sila. Pero hindi pwede.

Gusto niyang makita siya—pero siguradong babalik na naman ang lahat.

Ang lahat lahat sa kanya.

She closed her eyes at nag isip sandali hanggang sa narealize na lang niya, nasa tapat na siya ng HindiKoPoAlam Bar at nakakarinig na siya ng mga sigawan sa loob. Is it a sign?

Nilakasan ni Ces ang kanyang sarili. Isang sulyap lang, pagpapaalala niya sa sarili habang papasok ng bar.

♪ ♫ kamusta ka na?

Napatigil si Ces nang marinig ang boses na na umalingawngaw sa buong kadiliman ng bar. Kaagad siyang nanghina. Gusto na niyang lumabas ngunit paglingon sa likuran ay ang daming taong naghihintay sa kanya na nakapila papasok.

♪ ♫ Sana ikaw ay laging masaya
Kasamang mga kaibigan mo

Kinikilabutan si Ces habang naglalakad papunta sa gitna. Nanginginig ang kanyang kamay—ang kanyang bibig at ang kanyang mga tuhod. Hinang hina siya hanggang sa makapunta siya sa pinaka likuran. Napapikit pa siya dahil nakikita na niya ang stage. Huminga siya ng malalim upang pakalmahin ang sarili.

♪ ♫ Pakinggan mo ang sasabihin ko

Kapag dumilat siya, makikita niya ang MyuSick.

♪ ♫ Aaminin ko
Sa lahat ng taong nandito

Kapag dumilat siya, babalik ang lahat.

♪ ♫ Aaminin ko
Ikaw pa rin ang hinahanap ko

Kapag dumilat siya, masasaktan siya.

♪ ♫ Tanda mo pa ba
Mga panahong tayo ay laging magkasama

Is the MyuSick worth the pain?

Pagkadilat ay naramdaman niya ang mga luha na umagos sa kanyang pisngi. Napahawak siya sa kanyang bibig habang nakatingin sa stage at nakikita si Lyric na kumakanta habang nakapikit. Kahit sa layo ni Ces ay kitang kita niya ang amo ng mukha ng bokalista. Nilibot niya ang tingin sa stage—taimtim na nag gigitara si Melo at Note—ganoon din ang mahinang pagpalo ni Pitch. Ang MyuSick.

♪ ♫ Puno ng ligaya
Di ko naisip na bigla na lang nawala

Napasandal si Ces sa pader habang nakatingin sa buong banda. Hindi niya mapigilang humagulgol. She missed those guys. Gustong gusto niya tumakbo sa stage at yakapin isa-isa ang mga ito. Gusto niyang isigaw na nagkamali siya at gusto niyang bumalik. Gusto niya bumalik. Gusto niya hagkan ang mga ito. Gusto niya makasama ulit ang mga lalaking iyon.

Napahawak siya sa kanyang dibdib. Pasalamat siya at malakas ang sound system dahil hindi siya naririnig ng mga taong malapit sa kanya—sarili lang niya ang nakakarinig ng bawat hikbi niya. Sarili lang niya ang nakakaramdam ng bawat bilis ng tibok ng kanyang puso. Sarili lang niya ang nakakaramdam ng sakit sa bawat pagkabig ng puso niya.

“Ces?”

Napatingin si Ces sa biglang tumawag sa kanya. Boses iyon ng babae ngunit hindi niya kilala. Napapunas siya ng luha sa kanyang mukha habang nakikipagtitigan sa babae.

“Ces ng MyuSick?” tumaas ang boses ng babae.

Nakaramdam ng takot si Ces. Pakiramdam niya ay umakyat ang lahat ng dugo sa kanyang mukha.

Nanlaki ang mga mata ng babae habang pinapalo ang kasamang lalaki sa isang table. “Omaygahd, si Ces! Bumalik si Ces! Bumalik na siya!”

Tumaas ang halos lahat ng balahibo ni Ces nang lumingon ang mga tao sa kanya at nanlalaki ang mga mata. Nanghina siya bigla lalo na nang tumigil ang tugtog dahil sa ilang sigawan. Pakiramdam niya ay hilong hilo na siya. Bago pa makatakbo si Ces, nakita niya ang buong banda—si Melo, si Pitch, si Note at si Lyric—ang buong MyuSick—ang pamilya niya—nakatingin sa kanya. Gulat na gulat.

Kaagad siyang tumakbo palabas ng bar. Nanghihina siyang nagpara ng taxi at bago pa siya mahabol nila Lyric na lumabas ng bar, nakapasok na siya ng taxi. Nakikita niya sa side mirror ng taxi na hinahabol siya ni Lyric. . . ni Note. . . nila Melo. Napansin din niya si Pitch at kung hindi siya nagkakamali ay si Keng na kasama ng binata. Napasandal siya sa upuan at iniwas ang tingin sa side mirror saka pumikit upang hindi makita ang lalaking iyon. Ang buong MyuSick.

Sobrang sakit na lumayo siyang muli pero ito ang tama.

Tulo nang tulo ang luha sa kanyang mga mata. Hindi na niya pinansin ang tingin sa kanya ng driver. Hinayaan niya ang sarili upang muling umiyak. . . Hinayaan niya ang sarili magpakahina muli mula. Alam niyang pagkawala niya sa MyuSick ang maram na ang nagbago. She felt empty. She felt incomplete. Pero ininda niya ang lahat ng iyon dahil alam niyang iyon ang makakabuti.

But then, sarili na niya mismo ang naglakad papunta sa MyuSick. Sarili na niya mismo ang gumawa ng paraan para makita ang MyuSick. . . pero sarili rin niya mismo ang gumawa ng paraan upang lumayo muli.

Kahit isang buwan na ang nakakaraan, nang bumalik ang lahat ay hindi pa rin nawawala ang sakit na nararamdaman. Hindi pa rin tumitigil ang sakit. . . pinapatay pa rin siya nito unti-unti.

* * *

That was a close one. . . hindi malaman ni Ces kung dapat siyang matuwa dahil nakita niya muli ang MyuSick o maasar sa sarili dahil sa pagtakbo ulit palayo sa kanila. Katangahan. Puro katangahan na lang.

Iniyak niya ang lahat buong gabi habang nakayakap sa susi ng lock ng gate ng MyuSick. Marahil ay hindi na ito ang susi ng lock dahil nasa kanya na iyon. Nanghihina siya. Itong susi na lamang ang bagay na mayroon siyang may bakas ng MyuSick. Hindi mawala sa kanyang isip ang tingin ng mga tao sa kanya. . .gulat ang lahat. Nakangiti pa ang ilan na tila ba masaya silang nakita siya. Hindi rin mawala sa isip niya niya ang pagkagulat sa mga mukha ng banda nang tumingin sa kanya. It was ecstatic to see them—but it was painful too. Sobrang sakit. Nakakagago.

She cried herself to sleep that night. Because of pain. Of suffering. Everything.

Lumipas ang ilang araw nang hindi siya pinapatawag ni Keng. Hinayaan lang siya ng Young Mistress kung ano ang gusto niya gawin—which is magmukmok sa kwarto buong magdamag. Pero hindi siya pupwede maging ganito palagi. Siya ang nagdesisyon upang umalis. Lumaya ang MyuSick sa kanya. Kailangan niyang magiging matatag.

Kakaligo lang niya at nakatapis pa nang biglang binuksan ni Keng ang kwarto niya na siyang kinagulat niya. Mukhang may sasabihin si Keng ngunit napunta ang atensyon nito sa dibdib ni Ces. Nakaramdam ng uneasiness si Ces sa tingin ni Keng hanggang sa lumapit ito at hinawakan ang kanyang pilat. Bumilis ang tibok ng puso ni Ces sa ginawa ni Keng kaya't napalayo siya.

“Sinasabi ko na nga ba. Hindi ako namamalikmata noon.”

Lalong nakaramdam ng takot si Ces. Tiningnan ni Keng si Ces sa mga mata, sa pilat at binalik sa mga mata. Alam ba ni Keng? 

“Kailan pa ang tattoo na 'yan?”

Napahinga siya ng malalim. Hindi makapagsalita si Ces. Nakatitig lamang siya kay Keng na nakatingin sa kanya. Pabilis nang pabilis ang tibok ng kanyang puso. Dapat ba siyang magsinungaling at sabihing tattoo ito? O sabihing pilat? Birthmark? Hindi siya nakapaghanda kaya kaagad siyang tumakbo palabas ng kwarto.

“Ah sige po Young Mistress, gagawin ko na po mga inuutos niyo!” Mabuti na lamang ay hawak niya ang kanyang mga damit. Bago pa siya makadiretso sa CR ay narinig pa niyang sumigaw si Keng.

“Uy teka! Wala pa akong inuutos!”

Nagmamadali si Ces papuntang CR. Nang makarating sa CR ay pinakalma na muna niya ang sarili habang nakatitig sa salamin—nakatingin sa kanyang pilat. Naalala na naman niya ang kasunduan nila ni Boss. Naaalala na naman niya na hindi pupwede ang lahat ng kanyang nararamdaman. Naaalala na naman niya ang sakit. Napapikit siya at huminga nang malalim saka nagbihis. Kailangan niyang maging matatag. Desisyon niya iyon. Paninindigan niya iyon. Sana.

Pagkabukas ng pintuan ay nagulat siya nang makita si Keng nakaabang sa kanya.

“Hindi pa tayo tapos sa tattoo mo, bad ass ka na pala,” marahang sabi nito. Bago bumaba ay matamang tiningnan ni Keng si Ces. “May mga bisita akong darating. Pagbuksan mo sila mamaya.”

Napabuntong hininga si Ces at nanalangin na sana ay huwag na lang ungkatin ni Keng ang tungkol sa pilat. Nanatili si Keng sa study room nitong buong araw. Mabuti na lang dahil nakakaligtas si Ces sa mga tanong ng Young Mistress.

Nang dumating ang gabi, nakarinig ng pagbusina si Ces mula sa labas. Pagkalabas ni Ces para pagbuksan ng gate ang mga bisita ni Keng, natigilan siya dahil napaka pamilyar ng kotse. Isang itim na heavy tinted na Chevrolet Travers. Nakaramdam siya ng kaba at pabilis nang pabilis ang tibok ng puso niya habang papalapit sa gate. Napatitig siya sa driver ng kotse at nakaramdam siya ng paghihina nang ngumiti ito sa kanya. Isang ngiting sobrang pamilyar. Isang masayang ngiti ng kapamilya.

Kahit saan siya magtago. Kahit mabilis siyang tumakbo. Kahit palagi siyang lumalayo. . . nakikita pa rin siya ng mga ito.

Ang MyuSick.

Bisita ng Young Mistress ang MyuSick ngayong gabi.

~ ~ ~
Author's Note:
Magaan na chapter naman, tama? Ayoko ng masyadong madrama eh! Hahahaha~ Salamat sa pagbabasa ng TTLS. Sobrang kyot lang dahil apektado kayo forever. Yiee, thank you! Kilig kilig lang. First song is Distance by Christina Perri ft. Jason Mraz at second song is our very own Aamin ko by 6cyclemind. OPM YAY!

This chapter is dedicated to sharmainetubiera! Madalas ko siyang makita na nauuna sa pagvote ng every chapter ng TTLS pero hindi ako masyadong updated sa votes kaya nagulat ako nang magdedicate siya sa akin ng isang tula. Yes. TULA with a title of "Prinsesa" LYRIC'S POV GUYS! You should read it. ANG GANDA PO! Kilig na kilig ako please. Sharmaine, thank you sa napaka gandang tula! Feeling ko ako 'yung prinsesa tapos sinabihan mo ako ng ganun ahihihi. Salamat sa pagbabasa, sa suporta at sa lahat lahat! THANK YOU! *u*

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top