52 // Postponed Fairy Tale

"You can't have it both ways. Love is too powerful to hide for very long. Deny it and suffer the consequences. Acknowledge it and suffer the consequences. Revealing it can either be shameful or it can be liberating. It is for others to decide which it will be."
— Tonya Hurley

~ ~ ~

Dalawang salita lamang.

Sinong mag-aakala na dalawang salita lang ang magpapabago ng ikot ng kanilang emosyon?

Napatitig si Ces, hindi makagalaw. Nararamdaman niya ang pagpiga sa kanyang puso. Tumigil ang oras ng mga sandaling iyon. Nakatitig lamang ang kanilang mga mata sa isa't isa. Mabibigat na paghinga. Walang nagsalita. Walang kumibo. Ilang minuto silang tahimik. Sa bawat tibok ng puso ng dalaga ay nakakaramdam siya ng sakit. Physically? Emotionally? Mentally? Hindi siya sigurado.

Hindi pa nakakatayo si Lyric ay kaagad yumuko si Ces at nagpaalam sa binata. “G-Goodnight.”

Nabigla si Lyric nang bumaba nang hagdan si Ces. Nagmadali ang dalaga upang buksan ang pintuan para makalabas nang mahabol siya ng binata at hinawakan sa braso. Nagkulang ang hangin sa paligid nila—hirap na hirap huminga ang dalaga. Hindi siya lumingon. Pinipilit niyang huwag tumingin kay Lyric dahil natatakot na siya. Sobrang natatakot.

“Ces. . .” mahinahon ang boses ni Lyric ngunit pansin na pansin ang pagbabara ng lalamunan nito. Tila may pumipigil din sa boses ng binata upang makapagsalita.

Nawawala na sa wisyo ang dalaga. Hindi na niya naiintindihan ang malakas na usapan nila Note at Melo na paakyat na ng second floor. Tanging tibok ng puso niya ang bumibingi sa kanyang pagkatao. Huminga nang malalim si Ces at binuksan ang pintuan.

“Teka—”

Hindi na natapos ni Lyric ang sasabihin nang kaagad pumasok si Ces sa sariling kwarto. She even locked the door. Nawala ang ngiti at tawanan ng dalawang gitarista nang tumingin sila kay Lyric. Devastated. Nakatingin sa pintuan ng kwarto ni Ces. Tulala. Sawi.

Pagkasara ng dalaga sa kanyang pintuan, kaagad siyang napadausdos. Nanghihina ang buong pagkatao niya kaya't sinandal niya ang pagod niyang katawan sa pintuan. Pagkaalis sa salamin sa mata ay napapikit siya. Hinawakan ng dalaga ang kanyang pisngi, pinipilit gumising sa isang panaginip—ngunit hindi siya magising-gising. Tila isang magandang panaginip na binabalot ng bangungot ang nangyayari sa kanya. Mabilis ng kanyang paghinga. Kinagat ni Ces ang kanyang hinlalaki—trying to ease the pain. Just to shoo the pain away. Napahawak siya sa kanyang pilat. It didn't hurt. It was just there, planted on her chest just to prove that her life is near its end.

Nanginginig ang kanyang bibig nang yakapin ang sarili. Pagkayuko ay nag-unahan nang tumulo ang luha mula sa kanyang mga mata. Ang luha ng sakit na matagal na niyang tinatago. She cried her heart that night. Pinipilit niyang huwag gumawa ng ingay. Pinipilit niyang hindi maapektuhan. She’s supposed to be okay. It was just a confession. But the confession triggered pain in her. That confession gave her heart happiness. . . and death all at the same time. It was painfully sweet. Wala siyang magawa. It was love versus death. Rather, it was love and death, combined.

Ano bang laban niya sa sarili niyang katangahan?

* * *

Hindi naging mahimbing ang tulog ni Ces—lalo na't hindi siya makatulog nang magpaulit-ulit ang kanta ng binata sa kanyang isip. Ang paghinga nito. Ang pagstrum. Ang dalawang salitang binanggit nito.

Pagod na pagod ang kanyang utak. Buong gabi itong gumagana. Nag-iisip. Iniisip ang mga susunod na gagawin. . .kung may dapat nga ba siyang gawin. Kung dapat bang isipin niya ang iniisip sa ngayon.

Napatitig si Ces sa kisame habang naghihintay ng oras. Sobrang tahimik lalo na't paumaga pa lang. Hindi siya mapakali. Paikot-ikot sa kanyang utak ang lahat. Napansin na lamang ng dalaga na nakatulog siya nang magising siya sa lakas ng katok sa kanyang pintuan.

“Ces! Gising! Ces!” Boses ni Melo.

Napadilat si Ces ngunit hindi siya makabangon. Sobrang nanghihina ang kanyang katawan sa kakaiyak—puyat pa siya. Pagtingin niya sa may bintana ay mataas na ang sikat ng araw.

“Manager!” boses ni Note.

Nagtataka si Ces sa pagsigaw ng mga ito. “Trending ang MyuSick sa twitter at facebook!”

“Ano bang problema niyo?” boses ni Manager. Nakarinig pa ng ilang pagbukas at pagsara ng pintuan ng kwarto si Ces. Hindi pa rin siya makabangon—hindi rin kasi niya alam kung anong dapat ikilos pag nagkadapuang tingin sila ni Lyric.

“Si—Kasi. . . sabi ni Love. . .” Hindi makumpleto ni Melo ang sasabihin. Nanatiling nakahiga si Ces nang si Manager Lily na ang mismong kumatok sa pintuan ni Ces. Mas kalmadong katok.

“Ces, are you awake? May dapat kang makita.”

Kahit pagod—pinilit bumangon ni Ces. Napatingin siya sa salamin at napatitig sa mga matang namamaga dahil sa kakaiyak. She looked wasted. Stressed. Ang laki rin ng kanyang eyebags. Naghilamos muna siya at pagkabukas ng kanyang pintuan, tumambad si Manager Lily, kasama si Melo at Note na nakatingin sa kanya. Seryosong tingin.

“Ano po 'yun?”

Hindi maiwasan ni Ces ang paglingon sa paligid—hinahanap ng kanyang mga mata ang lalaking iyon ngunit wala siyang makita. Huminga siya nang malalim at pinilit na ngumiti—ngunit nawala ang kanyang ngiti nang pinakita ni Manager Lily ang tablet sa kanya.

Isang tweet tungkol sa kanya ng isang showbiz show. At sa tweet na iyon, nagkagulo ang lahat.

ChiqCadorAh! @chiq_doraPH    34m
#CesOfMyuSick, not so princess-ly? A picture sent by anon. Ces and LyleYuzon, sitting on a sofa, K-I-S-S-I-N-G ?! pic.twitter.com/Kswlngmgwa
12,544 Retweets 14,296 Favorites

Fusah @KathKatCat    26m
@chiq_doraPH OMG. Srsly? Si #CesOfMyuSick ito? Seryoso?! OMG IKENAT.

Huh @LaMaisipUN    19m
@chiq_doraPH Aaahhh~ my eyes! Bakit ang landi ng itsura ni #CesOfMyuSick?! VAKHET? #sarapNaSarapPaHa?! 

Blue! @bluekoh    17m
@chiq_doraPH they’re not kissing. Lyle’s lips on her neck lang. At mukhang tulog din si Ces. Edited? Or baka pinatulog then picture? Stop this nonsense pls. 

Lyle Forever @LyCitizen    13m
@chiq_doraPH wtda?! Pls lang wag nyu isama sa kalandian si Lyle Yuzon namin! #CesOfMyuSick lang ang malandi! Amen! #LyleYuzonForever

JusK @idding1002    6m
@chiq_doraPH #CesOfMyuSick Ew gross. Gust0ng gust0. Malandi. Kadiriii. Ganda nga boses, mahinhin kuno. Landers nman. Ew. 

Heh @ehehek    5m
@chiq_doraPH @idding1002 tumah! Ndi na nahiya ano ba yan magsex na lang nagpicture pa pwe! Boycott na ang #MyuSick! Boo! #CesOfMyuSick landi!

Ultear @LuhaUl     5m
@chiq_dora_PH mapusok na mga kabataan ngayon. They keep on taking pics na hindi kaaya aya then they’ll post it online. (1/8) 

Ultear @LuhaUl     4m
To think they’re public figures? Dapat they know that they’re influencial kaya they need to keep their dirtiness inside their pants (2/8) 

Ultear @LuhaUl     4m
and not like this na parang pinagmamalaki pa nila. Sayang si girl, ganda pa naman. Si boy rin, ang gwapo. (3/8) 

Ultear @LuhaUl     3m
As a mom of three teenagers, hindi ko hahayaan idolohin ng mga anak ko ang mga ganitong klaseng tao! (4/8) 

Ultear @LuhaUl     3m
Mapamusician man or artista. Dapat maging mabuti silang ehemplo! Hindi yung ganito! Puro kahalayan at may hawak pang alak? Wow. (5/8) 

Ultear @LuhaUl     2m
I just can not. (6/8) 

Ultear @LuhaUl     2m
Masyado ng advance kalokohan ng mga bata. Naiistress ako sa mga kabataan ngayon. Naku . Nakakawalan ng respeto. #AralMunaKayoKids (7/8) 

Ultear @LuhaUl     1m
#PWE! Makapag candycrush na nga lang. Stressful ang twitter! (8/8) 

ChiqCadorAh! @chiq_doraPH    40s
@LuhaUl Naku momi, hinga hinga rin pag may time. Naiyak po ang show namin sa speech niyo. Thanks mami. Go candy crush!

Follow p0h @akosirayne    1s
Bakit laging trend ang #MyuSick? #CesOfMyuSick? Sino yun? Anyway, FOLLOW NIYO PO AKO FOR DAILY UPDATES REGARDING MY LIFE. #tnx #rayneluvsyah 

Load error. Refresh.

Hindi makapaniwala si Ces. Nakatitig lamang siya sa tablet—nakatitig sa isang litrato na malamang ay kuha ng cellphone dahil sa low quality at madilim pa. May hawak na alak si Lyle sa kanang kamay habang hawak ng kaliwang kamay ang pangkuha ng litrato. Nakadantay ang ulo ni Ces sa sofa habang tulog na tulog ngunit hindi siya ganoon kakita dahil masyadong malapit sa camera. Hindi nakalagpas sa mga mata ng tao ang labi ni Lyle na nakadampi sa leeg ng dalaga.

“Saan. . . B-Bakit. . . Si-Sino?” Hindi makuha ni Ces ang tamang tanong. Nagulo ang kanyang utak nang parami nang parami ang nagkocomment tungkol sa picture na iyon. Hapon pa lang ay nagkakagulo na ang twitter universe dahil sa kanila.

Napatingin ang lahat nang magsalita si Pitch na kakagaling sa sala.

“Sa TV. . .”

Napakunot ang noo nila Melo, Note, Manager Lily—ngunit tahimik lang si Ces. Nagmamadaling bumaba ang lahat nang mapatigil si Ces sa yabag ng paa mula sa rooftop. Pagtingin sa taas ay kaagad kinabahan ang dalaga nang makita si Lyric, mukhang hindi rin ito nakatulog ng maayos dahil sa mga mata nitong pagod na pagod.

“SHIT.”

Kaagad bumaba si Ces upang tingnan ang TV. Nanlaki ang kanyang mga mata—ganoon din ang mga kabanda sa nakita.

“There’s something fishy about the two vocalist of MyuSick. . .” boses ng reporter sa TV. “Especially with these pictures sent by an anonymous sender.”

Pictures. A lot of pictures of Lyric and Ces. Napasandal si Ces nang marealize na ang mga litratong ito ay patagong kinuhanan bago magpasko. Noong kasama nila si Mela. Ang akbay, ang pagkain ng nakaposas at pag-uwi. Lahat ay nandoon na tila ba sinusundan sila ng kumuha noong litrato.

“A-Anong. . .” Hindi napansin ni Ces ang pagbaba ni Lyric. Nakatitig ito sa telebisyon. Lahat sila ay nakatingin—gulat na gulat. Nagtataka at nabubwisit sa mga nakikita at naririnig.

“Hindi rin nakalampas ang isang picture ni Ces at Lyle Yuzon, kapatid ng Manager ng MyuSick na si Lily Yuzon, na diumano'y kumalat sa twitter nitong umaga.”

Nanlaki ang mga mata ni Note, “pigilan mo ako, Melo!” Pagsigaw ng binata. “Masisira ko 'tong tv na 'to!” kinuyom ng binata ang kanyang kamao. Nag-iinit na ang ulo.

“Geh, kaya mo 'yan,” tugon ng kaibigan.

Aakmang susugod na sana si Note papuntang TV nang hawakan ni Manager Lily ang balikat ni Note. Isang mariin na hawak. “Subukan mong sirain 'yan, ikaw sisirain ko.”

Natahimik si Note at natawa ng kaunti si Melo. Napatingin ang lahat kay Melo nang sumigaw ito habang nakatingin sa tablet na hawak.

“N-Nagkakagulo na ang MyuSick page sa facebook. . .” mahinang balita nito.

Pakiramdam ni Ces ay nawawalan na siya ng lakas upang makatayo sa sariling mga paa. Nanginginig ang mga labing tiningnan ni Ces ang tablet ni Melo. Napapikit siya nang makitang nag-aaway away ang MyuSick lovers, MyuSick haters, and MyuSick soon-to-be haters dahil sa kanya.

Josh Didn’t know the new vocalist was a slut. Unfollow.

Hetty Excuse me Josh, but you don’t know who Ces is. We don’t care if you unfollow! We, MyuSick fans don’t need you here.

Leila Hetty, u too dnt know hu Ces is! Maybe shes jst using MyuSick! Aw, my poor little Lyric.

Yllaya Hey, stop fighting guys. We’re one family here. No picture can ruin our fandom

Kei SLUT BTCH EW GROSS SAW THE PICTURE IN TWITTER. EW.

Weren She should die coz of being a slut. Maybe her mom is like her haha!

Ohm hypocrites.

Ako Si Rayne ^Aww, nosebleed sila. Mga porenjers. Pls subscribe: Ako si Rayne http://fb.com/akosirayne thanks.

Pedra OMG sabi na nga ba may something dyan kay Ces eh! Biglaan kasi! Hindi naman nagpaaudition ang MyuSick at bakit hindi musically inclined ang pangalan niya? SOBRANG FISHY talaga. Sabi na nga ba. Baka ginagamit lang ni Ces ang MyuSick tapos sila pala talaga nung Lyle Yuzon na yon! Tapos baka ginagamit lang din ni Manager Lily ang MyuSick para sa kasikatan ng kapatid niya? Di ba nawala rin sa MyuSick si Lyle? Di ba siya talaga ang drummer ng MyuSick? Pero nawala siya! Baka kasi mas gusto mag artista ni Lyle tapos ganito ganyan nakooooooo ang fishy ng grupo na 'to hindi ko kinekeri.

Petro ^dami mong sinabi. Unfollow na lang.

Pedra NO WAY. Fan nila ako.

Huwan ^Fan? #PushMoYanAte #KunwariMaramiKamingNaniniwalaSaPagigingFanMo #KahitMedyoAsInMedyoMedyoSinisiraanMoNaAngMyuSickAnoPo? #OoTamaYanFanKaNgaNila #GalingMoNamanAteBigyanNgJacket!

Ako Si Rayne Pls subscribe: Ako si Rayne http://fb.com/akosirayne thanks. #Uso #Rin #Pala #Hashtag #Sa #Facebook #OMG

Ilang sandali lang ay nagload ang MyuSick page at may panibagong post ito—marahil ay galing ito kay Love na admin ng page:

 

Stop. It.

I am Love and I know MyuSick personally. Ces is definitely not a slut or a whore or whatsoever you want to call her. She will never use MyuSick for stardom. MyuSick is not a band. They’re a family. We are a family. I’m just disappointed with all these commotion happening in our page.

You’re bullying MyuSick—especially Ces! What if she read this? Do you know how it feels to have a lot of haters that you once knew was a fan? A listener? C’mon guys, have some common to your senses!

This is not just about MyuSick and bullying Ces. This is about BULLYING in cyber world. You think it’s okay to post bad things about a certain person? Call them names and trashtalk their family and friends? What? You’re excuse is “this is just the internet, stupid!”? But what if the person you’re cyberbullying has suicidal tendencies? Words can kill, I tell you. It will never be a suicide. It’ll always be a murder.

Will you be happy to be a murderer? Think before you click.

 

 

Nagulat na lamang ang lahat nang biglang lumabas si Lyric ng bahay. Kaagad siyang hinabol ni Melo at Note. Napasama rin si Ces dahil hatak-hatak siya ni Note. Pinilit magdrive ni Lyric ngunit hinila siya ni Melo palayo sa driver’s seat.

“Delikado ka magdrive ngayon,” babala ni Melo. “Saan?”

“Alam mo na.”

Ilang minuto lang ay nakapunta na sila sa isang pamilyar na condominium. Lugar ni Lyle. Nakakuyom ang mga kamay ni Lyric nang makarating sila sa floor ng tinitirahan ni Lyle. Magwawala na sana si Lyric ngunit natigilan siya nang biglang magbukas ang pintuan ng condo ni Lyle at tumambad ang isang pamilyar na babae sa kanila. Lumuluha. Pinilit nitong makaalis kahit nakaharang ang MyuSick. Mabilis itong bumaba ng hagdan kahit mataas ang pinanggalingang palapag.

“Teka, Leah!”

“Lyle!” Bago pa makalapit si Lyle sa babaeng hinahabol ay kaagad sinuntok ni Lyric ang mukha ni Lyle. Nakalayo ang babaeng tinawag ni Lyle at napaatras ito sa lakas ng pagsuntok ng bokalista. Nang matauhan ay napakunot ang noo ni Lyle, nagtataka ngunit kitang kita ang galit. May emosyon din itong gulat at lungkot. “Ano na naman bang problema mo?!”

“Ang alin?!” iritang iritang tanong ni Lyle.

Pataasan ang boses ng dalawang lalaki. Nagsusukatan ng tingin. Kinwelyuhan ni Lyric si Lyle at tinitigan sa mata nang nakakunot ang noo. Hindi nakikisali sila Melo at Note. Nakatitig lamang si Ces sa nangyayari dahil kahit siya ay nanghihina na rin. Nakahawak na nga lang siya sa braso ni Melo para maka balanse.

“Yung mga litrato. . . ano ba talaga ang gusto mo mangyari?” mahina ngunit puno ng galit na tanong ni Lyric.

Tinitigan ni Lyle ang mga mata ni Lyric. Kumalma na ang itsura nito. “Wala akong kinalaman doon.”

“Ako ba pinaglololoko mo?!” Aakmang susuntukin na sana ulit ni Lyric ang binata nang magsalita ulit si Lyle.

“Ako ang kumuha pero hindi ako nagpost. Dinelete ko na 'yun, matagal na.”

Kumunot lalo ang noo ni Lyric. Hindi naniniwala sa pinagsasasabi nito.

“Wala na akong pakielam sa inyo,” marahang sabi ng binata. Tumingin si Lyle kay Ces—sa mga mata nito na tila nakikiusap. “Hindi ako ang may gawa noon.”

Mahing bumulong ang dalaga, “L-Lyric. . .”

Napapikit si Lyric at bumuntong hininga bago niluwagan ang pagkakahawak sa kwelyo ni Lyle. Inialis ni Lyle ang kamay ni Lyric. Nagkatitigan pa muli ang dalawa—hindi pa rin naniniwala si Lyric dahil lahat ng kagaguhan at kalokohan ay siguradong si Lyle ang may gawa.

Paalis na ang MyuSick nang magsalita si Lyle. “Last year pa 'yung picture,” mahinang sabi nito. Napatigil sa paglalakad ang MyuSick at nilingon ni Lyric ang dating kaibigan. “Sa dati ko pang cellphone nakasave ang picture na 'yun.”

“Saan mapupunta ang usapan na 'to?”iritableng tanong ni Lyric.

“May access ang mga naging babae ko sa cellphone ko. Baka isa sa kanila.”

Naging interesado si Lyric sa sinasabi nito. “Sino?”

“I don’t know. . . and I don’t care.” Nanumbalik ang inis ni Lyric sa sinagot ni Lyle. Naglakad si Lyle papunta sa hagdanan. “May iba na akong buhay. Hindi ko na kayo ginugulo kaya huwag niyo na rin akong guluhin.”

Hindi pa nakakapagsalita si Lyric ay kaagad bumaba ng hagdan si Lyle. Sa sinabi nito, nagkaroon ng dead end sa pag alam kung sino ang gumagawa ng kagaguhang ito. Nang ilibot ni Ces ang paningin sa mga kasama, lugmok ang mga ito. Nararamdaman niya ang pamumuo ng luha sa kanyang mga mata.

Dahil sa kanya, nagkakaroon na naman ng ganitong kaguluhan..

Habang pauwi ay tahimik ang lahat. Melo and Note kept telling her everything’s going to be fine pero hindi na siya bata para maniwala at mauto. Alam na niya ang okay lang sa hindi okay. At ngayon, walang okay sa nangyayari. Alam niya na sa bawat minutong lumilipas, parami nang parami ang mga taong naiinis sa kanya—sa MyuSick. Sa musika nila at kinakain siya ng konsensya.

Umuwi sila nang bigo. Madilim na rin sa paligid nang makita ni Melo si Erich na naghihintay sa labas nga kanilang bahay. Akala ng lahat ay si Lyric ang pakay nito ngunit si Ces ang nginitian ng dalaga.

“I just want to talk to her.”

Nagkatinginan pa ang lahat bago bumaba si Ces ng kotse. Inaya ni Erich ang dalaga sa isang coffee shop. Nag order si Erich ng kape not minding Ces. Sumipsip ng kape si Erich bago kumalikot sa cellphone at tumingin kay Ces.

“Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa,” marahang ibinaba ni Erich ang baso ng kape. Pinanliitan ng tingin ni Erich ang dalaga nang muli siyang magsalita. “Ano 'to?”

Pinakita ni Erich ang screen ng cellphone nitong pink at may burloloy pa. Napatitig si Ces sa litrato na nandoon—litrato niya at ni Lyric na pinakita sa telebisyon.

Hindi pa nakakapagsalita si Ces ay muling nagsalita si Erich. “Ang kapal talaga, Ces.”

Unti-unting napatingin si Ces sa mga mata ni Erich. Ang mga tingin ni Erich ay may halong pandidiri at pangungutya. Nagpintig ang kanyang tainga at nakaramdam ng pagkairita si Ces sa narinig. “Ano?”

Ngumisi si Erich habang tinatago ang cellphone. Tiningnan nito si Ces nang nakataas ang kilay. “Tinuring kitang kaibigan,” mahinang sabi nito. “Pero anong ginawa mo?” Umirap muna ito bago nagpatuloy, “nilandi mo ang boyfriend ko.”

Tumalon ang puso ni Ces sa salitang boyfriend. “Boyfriend?”

“Si Lyric.”

Napanganga ng kaunti si Ces. “Lyric?”

Tumayo si Erich na ikinagulat ni Ces. Inilapit ni Erich ang katawan nito kay Ces, nakapatong ang dalawang kamay sa lamesa upang makabalanse. “Hindi ko kasalanan kung ako ang ipinalit ni Lyle sa'yo noon.” Lalong nanikip ang dibdib ni Ces sa narinig. “You know what sucks?”

Nagtitinginan na ang mga tao dahil sa pagtaas ng boses ng dalaga. Nakatahimik lamang si Ces, nagpipigil ng pagkairita at inis.

“You fell. You fell deep. Katangahan ang mainlove, Ces,” natatawang sabi nito. “So ano? Si Lyric ang aagawin mo para fair, ganoon?” tumayo si Erich at lalong nilukot ang mukha sa pagkainis. “I didn’t know you play dirty. . . that much.”

“Ano bang—”

“Don’t you dare touch Lyric.”

Kumunot ang noo ni Ces. Tumayo si Ces para magkapantay ang paningin nila sa isa't isa. Tinitigan niya ng mabuti si Erich. Gustong gusto niya itong sabunutan. Sapakin. Suntukin. Sipain at ihambalos ang lamesa sa pagmumukha ni Erich para sa kanya at para kay Marky ngunit hindi niya magawa. Sayang kasi ang lamesa, baka madumihan. . . at kung gagawin niya man iyon ay siguradong madadagdagan ang init ng tingin sa kanya ng mga tao.

Huminga nang malalim si Ces at tumalikod. It’s nonsense to argue with a fool so she decided to keep her cool.

* * *

Nang maglakad si Ces pauwi ay hindi siya tinigilan ng mga mata ng tao. Nakatingin sa kanya ang mga tao. Hinuhusgahan siya ng mga tao sa kanyang anyo. Sa mga litratong lumabas. Ganoon na lamang ang lahat. Sa mga litrato at panirang kumento ay lalagapak siya sa lupa.

Bago pa siya makapasok sa kanyang kwarto, kaagad tumibok ang puso ng dalaga sa narinig. Isang pagtugtog ng gitara. Isang boses ng lalaking nagpapahina sa kanyang pagkatao. Naglakad siya papunta sa hagdanan ng rooftop at nanatili roon.

♪♫ You by the light is the greatest find
In a world full of wrong you're the thing that's right
Finally made it through the lonely to the other side

Napasandal siya sa pader sa may hagdanan at naupo. Gusto na sana niyang magpahinga ngunit ang boses na iyon ang pumipigil sa kanya. Saya at sakit ang sabay na naghahalo sa kanyang pagkatao sa naririnig.

♪♫ You said it again, my heart's in motion
Every word feels like a shooting star
I'm at the edge of my emotions
Watching the shadows burning in the dark,

Ramdam na ramdam ni Ces ang emosyon mula sa boses ng binata. Pakiramdam niya ay nakikita niya sa kanyang isip ang itsura ni Lyric. Nag gigitara. Nakaupo. Nakatingin sa kalangitan o kaya naman ay nakapikit.

♪♫ And I'm in love and I'm terrified.
For the first time and the last time
In my only life.

Hinayaan niya ang sarili na malunod sa kanta ng binata. Para mawala ang mga problemang unti-unting bumabalot sa kanilang pamumuhay. Dahil sa kanya. Sa katangahan niya. Sa nangyayari sa kanya.

♪♫ This could be good
It's already better than last
And nothing's worse than knowing

Nag-iinit ang pisngi ni Ces—unti-unting namumuo ang luha sa kanyang mga mata. Ilang sandali lang ay nagsimula nang tumulo ang luha sa kanyang mga mata.

♪♫ You're holding back
I could be all that you needed
If you let me try

“What are you doing there?” Napaupo ng maayos si Ces nang marinig ang boses ni Manager Lily. Kaagad niyang pinunasan ang mga mata dahil sa pagluha. “Bakit gising ka pa?”

♪♫ I only said it 'cause I mean it
I only mean it 'cause it's true

Napatingala si Manager Lily na tila narinig ang boses ni Lyric na kumakanta. Mula sa simangot ay napangiti ang Manager.

“Ang ganda ng boses niya, hindi ba?”

Kinakabahang tumango si Ces. Kaagad siyang tumayo at bumaba. Pabalik na sana ang dalaga sa kanyang kwarto nang pigilan siya ni Manager Lily. Kinakabahan siya dahil nakangiti ito. . . pero iba ito sa mga ngiting sarkastiko ni Manager Lily. Isang ngiti ito na. . . natural. Sobrang natural na tila wala silang problemang iniinda.

♪♫ So don't you doubt what I've been dreaming
'Cause it fills me up and holds me close
Whenever I'm without you

“Pakinggan mo siya, Ces.”

Naguluhan si Ces sa sinabi ng Manager. “A-Ano po?”

Nawala ang ngiti ni Manager Lily at binuksan ang sariling kwarto. “Matulog ka na.” Saka sinara ang pintuan pagkapasok.

* * *

Isang linggo na ay hindi pa rin tumitigil ang ingay tungkol sa kanila. Sobrang ingay. Sobrang gulo. Parami na rin nang parami ang tumatambay sa labas ng village nila just to have her picture. Dahil sa isang pangyayari ay dumami ang sangkot. Parami nang parami na minsan ay nagiging joke na ang lahat. Nagreklamo sila sa media ngunit hindi sila pinansin. Nagtanong sila kung saan nanggaling ang mga kalokohang balita ngunit hindi nagsasalita ang media. Habang patagal nang patagal, nasisira na rin ang bandang MyuSick.

That’s when Ces decided everything that one faithful night.

Pinilit maging masaya ng dalaga. Nagluto rin siya para magsalu-salo sila ng MyuSick. Nagtataka man ang mga kabanda ay nakisakay na lang din sila sa kasiyahan ni Ces. Nasa sari-sarili nang kwarto ang banda nang kumatok si Ces sa pintuan nila Note at Melo. Nang buksan ni Note ang pintuan, kaagad niyakap ng dalaga ang kaibigan.

“Anong mayroon?” pagtataka ni Note.

Kahit kinakabahan ay ngumiti si Ces nang ibaon niya ang mukha sa dibdib ng kaibigan. “G-Goodnight.”

Natawa ng kaunti si Note at niyakap din ng mahigpit si Ces. Ganoon lamang sila ng ilang minuto hanggang sa tumikhim si Melo.

Napangiti si Ces at kaagad niyakap si Melo. Napangiti nang malawak ang binata sa kasweet-an ng dalaga ngayong gabi. Nagkwentuhan pa ang tatlo sandali bago magpaalam si Ces na si Pitch naman ang babatiin. Nagtataka man ay um-oo na lamang ang mga ito.

Nang katukin ni Ces ang pintuan ng kwarto ni Pitch, kaagad itong binuksan ng binata. Nagkatitigan sandali ang dalawa hanggang sa mapangiti si Ces at niyakap si Pitch. Walang nagsasalita. Tahimik lang silang magkayakap.

“Pitch.”

“Hm?”

“Salamat.”

Nang maghiwalay sila ay ngumiti si Pitch sa kanya. “Salamat din,” mahina nitong bulong. Tiningnan ni Pitch ang pintuan ng kwarto ni Lyric saka ito nagpaalam sa dalaga at nagsara ng pintuan.

Tumayo si Ces sa harap ng pintuan ng kwarto ni Lyric. Nakatitig siya rito dahil hindi mawala ang kaba na nararamdaman ng kanyang puso. Halong saya at sakit muli ang kanyang nararamdaman. Gusto niyang kumatok ngunit hindi niya magawang mag-ingay.

Huminga siya nang malalim at pinihit ang doorknob ng pintuan. Pagkapihit ay nagulat siya nang bukas ang pintuan. Bumilis ang kabog ng puso ni Ces. Gusto niyang tawagin si Lyric, sabihin ang pangalan nito ngunit hindi niya magawa.

Pagkapasok ay sobrang dilim ng kwarto ngunit nadatnan niya si Lyric na nakahiga sa sofa na tapat ng pintuan. Hinayaan ni Ces na bukas ang pintuan upang pumasok ang liwanag mula sa hallway—hinayaan niyang nakasara ang ilaw sa loob ng kwarto. Hinayaan niyang tulog lang si Lyric.

Habang papalapit nang papalapit sa kinahihigaan ng binata, pabilis nang pabilis ang tibok ng kanyang puso. Gusto na sana niyang lumayo lalo na nang gumalaw si Lyric ngunit tila mahimbing ang pagtulog ng binata. Huminga nang malalim si Ces bago tuluyang lumapit sa binata. Tinitigan niya ang mukha ng binata—pinagmasdan ito at inaalala ang bawat anggulo nito para hindi makalimutan. Napangiti si Ces nang mapansin kung gaano kapayapa ang mukha ng bokalista—kasing payapa sa tuwing kumakanta ito.

Hinawakan ni Ces ang pisngi ni Lyric. Just for the sake of touching him. Pumikit siya at huminga nang malalim. Hindi ito tama. Kailangan niya lumayo pero siya ang lumalapit. Nagtatalo ang kanyang utak sa kung ano ang dapat at gustong gawin. Sumasali pa ang puso niyang hindi tumitigil sa pagwawala.

Ilang segundong nakatitig si Ces sa mukha ni Lyric. Gusto na niya umalis. Gusto na niya tumayo ngunit pinipigilan siya ng kanyang puso. Tumitig siya kay Lyric hanggang sa napansin na lamang niya ang sarili na lumalapit.  Sa mga labi nito. Isang beses lang. Isa lang. Pagkatapos ay wala na. Pumikit siya at hinayaan ang sarili na lumapit. Nararamdaman na niya ang bagal ng paghinga ng binata na sumasabay sa bilis ng tibok ng kanyang puso. She was almost there. Almost.

Ces. . . huwag. Tinigil niya ang sarili. Minulat niya ang kanyang mga mata para itigil ang kahibangan. Kumalabog ang puso ni Ces nang makita ang mga mata ni Lyric. Nakatingin sa kanya—halatang gulat sa presensya ng dalaga. Kaagad lumayo si Ces ngunit nahawakan siya sa braso ng binata. Pinilit bawiin ng dalaga ang braso at tuluyang tumayo sabay takbo.

“Teka, Ces!”

Tumakbo si Ces pababa. Napalingon siya nang marinig ang boses ni Lyric at tila nahulog pa ito mula sa pagkakahiga sa sofa. Nagmamadaling kinuha ni Ces ang susi ng lock ng gate sa lamesa. Kaagad siyang lumabas ng bahay. Hindi ito ang plano niya. Everything’s fucked up. Again, dahil sa sarili niyang katangahan. Kinakabahan at nanghihina siyang tumakbo hanggang sa buksan niya ang gate.

“Ces, teka!”

Hindi na lumingon si Ces. Nanghihina ang kanyang mga kamay nang isara niya ang gate at ilock ito gamit ang hawak na susi. Nagkakamali pa siya sa sobrang pagmamadali at panghihina ng mga kamay.  Natataranta siya dahil sa paghahabol sa kanya ni Lyric. Bago pa niya mailayo ang kamay sa lock ay kaagad siyang kinapitan ni Lyric sa braso. Nakatingin ito sa kanya mula sa kabilang parte ng gate. Nasa labas na si Ces, hawak ang susi ng lock habang si Lyric ay nasa loob—nakakulong. Nagsusumamo.

“Ano to?” pagtataka ni Lyric.

Umiling si Ces. Nag-uunahan na ang kanyang luha palabas ng kanyang mga mata. Nahihirapan na siyang huminga lalo na nang tumitig sa kanya ang binata. Nagtataka ang binata. Namumula at nangingintab ang mga mata dahil naghahalo halo na ang emosyon sa pinapakita ng dalaga sa kanya. “Ces, ano to? Buksan mo 'yung lock, Ces. . .”

Hindi na napigilan ni Ces ang paghagulgol sa harap ni Lyric. Nahahawakan nila ang isa't isa. Nakikita nila ang isa't isa ngunit hindi pwede. Hindi maaari. Bumibigat ang bawat paghinga ng dalaga. Gusto niyang manatili. Gusto niyang makasama pa ang MyuSick—si Lyric. . . ngunit ang lahat ng bagay ay nagwawakas.

Umiling muli si Ces at tumakbo palayo, hawak ang susi ng lock ng gate. Pinipilit ni Lyric umakyat ng gate ngunit sobrang taas nito. Hindi siya mahabol ng binata. Dapat lang. Dapat lang siyang hindi mahabol ng lahat dahil kailangan niyang lumayo. Sa kanila. Sa lahat—dahil siya ang toxic ng napaka gandang samahan.

Nanatili si Ces sa isang convenience store. Kinausap niya ang cashier kung pwedeng makitawag. Nginitian siya ng cashier na tila ba kilala siya nito at umoo. Nanginginig ang mga kamay ni Ces nang idial ang number ng taong kailangan niyang kausapin.

Nakailang ring pa muna bago ito sinagot ng kabilang linya.

“Who the hell calls at the middle of the night?!”

Typical Manager Lily. . . walang hi or hello. Nangingiti si Ces habang naluluha. Hindi na rin niya iniinda kung mapagkamalan siyang baliw ng cashier, guard at ilang tao na bumibili sa store. It was nice hearing Manager’s voice—for the last time, that is.

“Manager,” mahinang pagbanggit ni Ces.

Bumibigat muli ang kanyang paghinga. Tulo nang tulo ang kanyang luha. Nanginginig ang kanyang mga kamay habang hawak ang telepono.

“Who’s this? Pwede bang ipagpabukas na lang 'yan, inaantok na ako.”

Ngumiti muli si Ces. Hindi na niya pinatagal pa ang sasabihin kahit hirap na hirap siya. Kahit labag ito sa loob niya. Kahit masakit ay kailangan niya itong gawin. Lumayo. Mawala. Lalo na't may nararamdaman siyang hindi nararapat—para rin tumigil na ang ingay na hindi nararapat sa banda.

“Manager Lily,” pag-uulit ng alaga.

“Ano ba? Sino ba it—”

Hindi na pinatapos ni Ces sasabihin ng Manager.

“I quit,” pabulong na sabi ng dalaga. Kaagad niyang ibinaba ang telepono at napayuko dahil sa mabilis na agos ng luha sa kanyang mga mata. Hindi niya mapigilan. Sobrang sakit pero ito ang nararapat.

Sinong mag-aakala na dalawang salita lang ang maghuhudyat ng katapusan ng lahat?

Dalawang salita lamang.

~ ~ ~
Author's Note:
Yung pinuno ako ng "UPDATE PLEASE" sa comments, facebook at sa message? Jusko po guys, natatawa ako lalo na't pati si ate Lily, nakikidemand. Ayan na nga, para hindi na kayo mabagot kakahintay. Mahaba 'yan kaya next month na lang ang sunod na update! Hahahaha! Pakinggan niyo po ang kanta sa right side (multimedia section) kras na kras ko si Kaye Cal at ang boses niya. Babae po siya.

This chapter is dedicated to Anna! Si Anna ay si wannabells sa twitter na ka-partner in crime ni biancanism na nag uusap lagi tungkol sa TTLS. ANKYUT LANG DI BA? Huhuhuhu so ayun. Ngayon ko lang kasi nalaman ang mga wattpad account nila kaya ngayon lang ako nakapagdedicate. Hi Anna! Maraming maraming salamat sa pagiging affected lagi sa TTLS. Sa mga tweets mo at sa palitan niyo ng kuro kuro. Pati na rin pala sa pambobola hahaha! Kinikilig ako sa'yo at sa inyo ni Bianca! Mehehehe thank yooouu dahil hindi talaga kayo bumitaw. ♥ ♥ ♥

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top