50 // Ordinary Romance
"When one is in love, one always begins by deceiving one's self, and one always ends by deceiving others. That is what the world calls a romance."
— Oscar Wilde
~ ~ ~
Wala. Wala talaga ito. Sana.
Hindi umuwi si Lyric. That made Manager Lily furious. Naiinis siya dahil bigla-bigla na lang nawawala ang mga alaga niya. Naiirita siya dahil pagkapasok ng isa, may isa namang lalabas ulit. Syempre, may dahilan iyon. . . pero ano na namang dahilan? Ano na naman ba ang nangyari? Magiging clueless na naman siya sa lahat.
MyuSick is out of her hands. Unti-unting nawawala ang hawak niya sa buhay ng mga ito. Dati naman ay masasaya pa sila. Nagkakaproblema, yes, pero hindi tulad ng ganito. Hindi tulad ng mga pangyayaring ito. Hindi tulad ng ganitong klaseng gusot at gulo. Lumalaki. . . tumatagal. . . nakakatakot.
Nang makauwi sila Note ay may sinabi pa ang binata kay Ces na nagpagulo sa utak ng dalaga. Before the goodnight, may palaisipan pang ibinigay si Note sa kaibigan. Everything's like a maze. A riddle. A lot of questions were still unanswered. Hindi nga rin sigurado ang dalaga kung masasagot pa rin ba ang mga tanong na iyon. Everything's a mystery. But are mysteries need to be solved?
"Huwag mo siya hayaan."
Hayaan saan? Bakit? Anong mayroon? Ito ang mga tanong ni Ces ngunit hindi rin sinagot ni Note. Hinalikan ng binata ang noo ni Ces at nagpunta na sa kwarto. Naiwan siya sa sala na walang kaalam-alam kung anong nangyari, nangyayari at mangyayari.
Nahiga si Ces sa sofa at doon nakatulog. Pagkagising, sumikat na ang araw at bumungad sa kanya ang mga mata ni Melo na nakatingin sa kanyang mata.
"Tara?"
Nagtataka man ay hinila kaagad ni Melo ang dalaga. Umakyat sila sa roof top. Napapikit si Ces. Roof top. Dito sila nag-usap ni Lyric noon. Kahit saan siya magpunta, si Lyric ang kanyang naaalala. Wow.
Naupo ang dalawa sa dalawang upuan na nandoon. Tumingin si Melo sa langit. Nakangiti lamang ang binata habang pinagmamasdan ang mga ulap sa alapaap. Huminga ito ng malalim at nanahimik. Ganoon din ang ginawa ni Ces, tumingin sa kalangitan.
“Ang hirap, ano?” panimula ni Melo. Hindi tumingin si Ces sa kaibigan. “Minsan talaga hindi natin mapigilan ang epekto nito.”
Nakakaramdam ng bigat ng damdamin ang dalaga. Ipinikit niya ang kanyang mga mata para mawala sa kanyang isip ang nangyari ngunit hindi niya magawang alisin sa utak ang lalaking iyon.
“Ang hirap magpanggap na okay lang kahit hindi.” Natatawa si Melo sa sinabi. Minulat ng dalaga ang kanyang mga mata at tumingin kay Melo. Nakangiti ito sa kanya. "Wala lang, padeep.”
Ngumiti si Ces ngunit kita niya sa mata ni Melo ang sakit. Kung si Note ay tagong tago, si Melo ay may mga matang nagsusumamo. May mga mata itong nagbibigay linaw sa kung ano man ang nararamdaman niya. But then, baka padeep nga lang si Melo.
“S-Sorry.”
Ngumiti ng nakakaloko si Melo. “Sorry para saan?”
“Sa nangyayari.”
Inakbayan ni Melo si Ces at niyakap ng patagilid. Isinandal ni Melo ang kanyang ulo kay Ces at pinagmasdan ang kalangitan.
“Hindi mo kasalanan,” bulong nito. “Kasalanan 'to ng pag-ibig.”
Pagkababa nilang dalawa sa second floor mula sa roof top, natigilan sila nang makitang nag-uusap si Note at Manager Lily sa may sala, nakatayo at seryoso. Mukhang may sagutang nagaganap ngunit tahimik ang sagutan na iyon. Pabulong. Napansin ni Manager Lily na nasa may second floor sila Ces at Melo kaya pinatahimik nito si Note. Bumaling ang tingin ni Note kanila Ces. Kinabahan si Ces nang matamamn siyang tinitigan ni Note.
Hinawakan ni Manager Lily si Note sa balikat. "Let him think first."
Him. Sino ang pinag-uusapan nila?
* * *
Isang linggo na ang nakakaraan simula nang huli nilang nakita si Lyric. Wala na rin atang pakielam si Manager Lily dahil paalis-alis na rin ito at mukhang walang balak hanapin ang binata. Nag-iwan pa ito ng note na may gig sila with or without 'the bastard'. Kahit sila Melo, Note at Pitch ay mukhang wala na ring balak gumawa ng paraan para hanapin si Lyric.
Napagdesisyunan ni Ces makipag-usap sa iba. Lumabas at umalis muna sa problema. Pumunta siya sa kinaroroonan ng kaibigan na si Marky. Pagdating sa bahay ng kaibigan ay ngiting ngiti sa kanya si Marky na nakasuot ng pambahay—mukhang wala itong anak kung hindi lang hawak nito ang baby. Kung hindi lang hawak ni Marky si baby Marc.
“Anong meron?” takang tanong ni Marky.
Nagsimulang magkwentuhan sila Marky at Ces. Gumaan kahit papaano ang pakiramdam ng dalaga dahil sa nakakatawang pagkukwento ni Marky sa mga nangyari sa kanila. Nawala sa isip ni Ces ang problemang bumabagabag sa kanyang pagkatao but then, the topic changed. The topic went back to the problem. To him. Kahit anong iwas at ilag niya, doon pa rin talaga ang pupuntahan ng usapan.
“Si Lyric?” gulat na tanong ni Ces. Her heart stopped from beating just by hearing his name. Just by saying his name, it gives her so much feelings. Ganoon kalala ang problema niya.
“Yes, musta na kayo?"
Napahawak si Ces ng mahigpit sa unan. “A-Anong musta? Ano ka ba.”
“Ano ka ba ka rin. Hindi pa rin nagkoconfess ng kanyang dying love para sa'yo?”
Nag-init ang pisngi ni Ces. Naalala niya ang mga senaryong nakasama niya si Lyric. Kumanta sila sa harap ni Lyle. Ang roof top. Sa Rizal. Bago mag pasko. Si Mystery Texter. Ang dami pa. Halos sumabog ang puso niya sa panunukso ng kaibigan. “Marky!”
“Ano?” Natatawa si Marky. “Wala pa rin? Kahit crush? Gusto?” Nilalaro ni kaibigang-ina si baby Marc. “Mahal?”
“A-Ano ka ba. . .” Namumuo ang init sa kanyang pisngi. She never imagined this could happen to her. . . again. Even worse. Happier. How can a feeling be so contradicting?
“What?” ngiting sabi ni Marky. Napatingala ang dalawa nang marinig ang mga yabag mula sa hagdanan pababa. Nakangiti si Matt nang makita si Ces. “Obvious naman, eh.”
"Oh, Ces. Hi." Nagkangitian sila Matt at Ces. Dumiretso si Matt kay Marky at hinalikan ito sa noo habang nag-aayos ng necktie. Hinalikan din ni Matt si baby Marc. Mukha talaga silang pamilya. "Anong obvious?" pagsali ni Matt sa usapan.
"Si Lyric." Sinuway ni Ces si Marky ngunit hindi ito nagpapigil. Humagikgik pa si baby Marc na tipong kampi rin ito sa kanyang ina. "Hindi ba obvious naman na gusto niya si Ces?"
Napangiti si Matt kay Ces. Gusto na lamang magpakain si Ces sa lupa nang magsalita si Matt. “Lalo na 'yung sa pageant.” Ngiting ngiti ang binata. “Yung tingin niya sa'yo, nagsusumamo.” Humagikgik muli si baby Marc. Sumasang-ayon sa kanyang "ama."
“Hindi. W-Wala lang—”
“Hindi 'yun wala lang.” Tumunog ang cellphone ni Matt. Nakangiti pa ito ng binubuksan ang mensahe. “Lalaki ako. Alam ko 'yun. Yung tingin niya, ganoon ako tumingin kay Marky.”
Natawa kaagad si Marky. “Pang manyak na tingin?”
Nakangisi si Matt nang tingnan ang minamahal ngunit kumunot ang noo nang nakatingin sa cellphone. Napansin ni Ces ang paninigas ng katawan ni Matt at napatingin sandali kay Marky. "A-Alis na a-ako."
"Okay ka lang?" tanong ni Ces.
Ngumiti si Matt. "O-Okay lang."
Nagbago ang mood ni Matt. Tila natakot sa nabasang text message. Kaagad nagpaalam si Matt sa mag-ina at kay Ces saka umalis.
"Anong nangyari kay Matt?" pagtataka ni Ces. May kakaiba kasi sa mga tingin ng binata. . . hindi nakita ni Marky dahil busy si Marky na nakatingin kay baby Marc. Anong mayroon sa text?
"Nalasing two weeks ago kaya nagpapakabait ngayon. May kikitain sigurong kliyente. Teka, huwag mong iniiba ang usapan." Natatawang sabi ni Marky. "O ano, naniniwala ka na sa akin? Mahal ka nun."
Balik pa rin pala sa kanya ang topic. Isinandal ni Ces ang ulo sa sofa at pumikit. She tried clearing her things pero naghalo-halo ang lahat sa utak niya. Sa dami ng emosyon ay hindi na niya alam kung anong mararamdaman. Sa dami ng dapat isipin, pakiramdam niya ay tumitigil na ang utak niya sa pag gana. She’s mentally exhausted. She couldn’t bear everything.
“Ano bang dahilan ng pagpipigil mo? Obvious namang gusto mo 'yung tao.” Napadilat si Ces at tiningnan si Marky. Seryoso ang mukha ng kaibigan. “Si Lyle na naman?” Katahimikan. “Mag iisang taon na kayong wala. Sa pagkakaalam ko, three month rule ang mayroon sa break-up. Hindi one year o decade o century. Nagpepyesta na 'yung lalaki, ikaw nasa lamay pa rin? Can't move on, teh?”
“B-Bawal.”
“Bawal? Mag-move on? Maging masaya? Says who?”
Death. She wanted to answer pero hindi niya masabi.
“M-Manager. . .” Manager Lily? Sigurado ba talaga siya roon? As far as she remembers, walang sinasabi si Manager Lily na hindi siya pwedeng magsaya.
“Manager? Si Manager Lily?” taas kilay na tanong ni Marky. “Alam mo, rules are meant to be broken. So are contracts. Hanggang kailan ba kontrata mo sa MyuSick?”
For a lifetime. Hanggang sa mamatay siya ay hindi mawawala ang kontrata. Maybe some rules are meant to be broken. Some promises too. Kahit ang kontrata ay pupwedeng mapunit o mawala pero paano kung si kamatayan ang may hawak ng mga ito? Paano kung isang pagkamamali lang ay buhay na niya ang kapalit? Madali lang naman iyon eh. Kung mamamatay siya, mawawalan siya ng problema. Ngunit ayaw niyang mawala.
“Alam mo ang nakakainis?” Bumuntong hininga si Marky nang hindi na nagsalita pa si Ces.“Yung nanghihingi ng advice pero hindi naman nakikinig.”
“Pero hindi ako—”
“Oh yeah, hindi ka nga pala nanghingi ng advice.” Tumayo si Marky at hinele si baby Marc. “Sundin mo kung anong trip mo. After all, buhay mo naman 'yan.” Mula sa seryosong mukha ni Marky na nakatingin kay Ces ay ngumiti ito at binaling ang tingin sa baby. “Hindi ba, baby?”
* * *
Gig ng MyuSick. Lyric’s nowhere to be found pero the show must go on. People asked where Lyric is pero ngiti lang ang kaya nilang ibigay. Hindi rin kasi nila alam kung nasaan ito. Wala namang reaksyon si Manager Lily. Mukhang tanggap na rin ng Manager na pawala-wala talaga ang kanyang mga alaga. And it’s weird dahil inaccept na lang ito kaagad ni Manager Lily.
Pinakilala na sila ng host at sa tagal ng panahon, muli silang nagsimula ang MyuSick sa pag gawa ng mahika gamit ang musika. It's their love. Music is the reason why they're all here. And one of the reason why they're all hurting inside.
♪♫ Watching those shining stars
Thinking of the way you smile the way you talk and the way you laugh
Kinakabahan si Ces. Hindi dahil takot siya sa tao. Sanay na siya sa mga nakikinig sa kanya. Natatakot lamang siya dahil siya ang nag-iisang nakatayo sa stage na kumakanta. Wala ang kapartner niya. Wala ang co-vocalist niya. Wala si Lyric. Thinking that Lyric's not with her pains her. Scares her.
♪♫ And i just wonder what it feels to be with you
Cos i think you're legendary for me
Natatakot na siyang mag-isa.
♪♫ Don't be afraid to fall down from the sky
Cos I'll be here to catch you wherever you are
It was a soft song. Malayo sa madalas na rock song na kinakanta nila. Pinagtataka rin ni Ces kung bakit ngiting ngiti si Manager Lily. Enjoying the song? The music? Siguro nga si Ces na lang ang hindi nakakamove on sa pagkawala ng kabanda. Imagining Lyric with Erich. . . hindi kaya magkasama ang mga iyon? Napakagat sandali si Ces nang labi sa naisip.
Think of happy thoughts. Think of happy thoughts.
Then she thought of herself and Lyric together. Smiling at each other.
♪♫ But I'm just
An ordinary girl
Can’t reach you like a star
Can’t touch you like a fire
She tried thinking about other things. Huwag na pala ang happy thoughts. Delikado ang happy thoughts. Happy scenerios will ruin her and other's lives. She needs to stop this. Hanggang maaga pa. Hanga't wala pang investments. Hanggang wala pang umuusbong. . . pero paano?! Kung nagsisimula na ang lahat?
♪♫ Ordinary Girl
No matter what I do
I can’t be like your other girls
Tumingin si Ces sa kanyang mga kabanda. Taimtim na nag gigitara ang dalawang magkaibigan. Mahina ang pagpapalo ni Pitch ng beatbox na nakatingin sa kanya. When she looked at the audience, nagsusway ang mga tao na sinasabayan ang musika.
♪♫ If you'd only knew me yeah
You'll swear that I'm not just
An ordinary girl
Pagtingin ni Ces sa pwesto ni Manager Lily, nagulat siya nang makita niya ang isang lalaki. Nakaupo sa tabi ni Manager Lily. Kaagad nilingon ni Ces ang mga kasama sa stage kung anong reaksyon ng mga ito. Nakangiti sila Melo at Note, tila alam na nila ito. Pagbalik ng tingin ni Ces kanila Manager Lily, kaagad bumilis ang tibok ng puso niya.
♪♫ No matter what I do
It’s you who's always stucking in my mind
It’s you who's running through my chest
Ngumiti si Lyric nang magkatitigan silang dalawa. Iniwas niya kaagad ang tingin dahil nauubusan na siya ng hininga sa bawat pagbigkas ng liriko.
♪ ♫ Cos you've got something that I couldn't resist
That until now its killing me
Pagkatapos ng kanta ay kaagad umalis si Ces ng stage. Hindi niya kasi kayang harapin si Lyric. O makatitigan man lang. Hindi niya kayang makita ito. . . pero gustong gusto niyang makasama ang binata. Nakaramdam siya ng tuwa. Ngunit masakit. Sobrang naglalaban ang kanyang emosyon. Nagtatalo-talo kung ano ang dapat maramdaman. Ang kasiyahan niya ay ang pumapatay sa kanya.
Habang nag aayos ng mga gamit, nagulat siya nang kalabitin siya ni Note. Ngiting ngiti ito sa kanya.
“Uhm, may sasabihin ako.” Hindi nawala ang kaba ni Ces. Kung ano man ang sasabihin ni Note, marahil ay ikakagulo ito lalo ng buhay niya. Seryoso ang mukha ni Note na lumapit kay Pitch. “Hindi pala tayo talo.”
Nagtaka si Ces sa sinabi ng kaibigan. Magsasalita pa sana siya nang biglang kumapit si Note sa braso ni Pitch. Nagulat si Pitch sa ginawa ng kaibigan. Si Melo ay natatawa na.
“Mas type ko pala si Pitch!”
Tinulak ni Pitch ang pagmumukha ni Note. Kahit matangkad si Note ay napatumba pa rin ito ni Pitch. “Mandiri ka.”
Natawa sila Note, Melo at Ces. Diring diri ang itsura ni Pitch habang lapit nang lapit sa kanya si Note. Natigil lamang ang tawanan nila nang bumukas ang pintuan ng dressing room at tumambad si Manager Lily. Nakakunot ang noo nito. Mukhang galit—ngunit ilang segundo lang ay ngumiti ang Manager.
“MyuSick, may bisita kayo galing rehab.”
Pumasok sa loob ng dressing room ang vocalist ng banda. Nagkakamot ito ng batok habang nakayuko. Lalong kinabahan si Ces sa presensya ng binata. Kaagad lumapit si Note kay Lyric at kinutusan ito.
“Aray!” Napahimas si Lyric sa kanyang ulo. Nagulat ang lahat ngunit hindi umimik.
Ngumisi si Note. “Hindi 'yan sapat para sa sakit ng naramdaman ko, pare.” Natawa si Note at sinuntok ng mahina si Lyric sa pisngi. Nagkatinginan ang dalawa ng seryoso. “Ang sakit ng suntok mo, ah?”
Mula sa seryosong mukha ay napangiti sila. Ilang segundo lang ay nagtawanan ang dalawang magkaibigan. Ngiting ngiti sila Melo, at Manager Lily. Walang pakielam si Pitch na nag-aayos ng gamit habang si Ces? She felt uneasy. Nag-excuse siya sa banda upang makalabas dahil sa naghihingalo niyang puso. Pumikit siya upang hindi makita si Lyric na sobrang lapit sa kanya pagkarating niya sa may pintuan.
When she felt his touch, she froze. Sa isang hawak ng kamay ng binata ay nadikit sa kinatatayuan ang dalaga. Napadilat si Ces at tiningnan ang kamay na hawak ang kanyang braso. Ang kamay na matagal na niyang gustong mahawakan. Nagwala ang kanyang loob. Ang pisngi niya ay unti-unti nang umiinit sa nararamdaman.
Paglingon ni Ces, nagtama ang tingin nila ni Lyric. Sa mga matang nangingintab, may nais sabihin ang binata. And she's scared to hear it from his voice.
~ ~ ~
Author's Note:
Hi! Dapat March 1 pa ang update pero. . .wala lang, hindi ko mapigilan <//3 Anyway, thank you very much for reading this! Salamat sa tsaga sa pagbabasa nito! Konting kapit na lang :)
This is dedicated to biancanism. Bakit? Kasi ang ganda ng sagot niya sa favorite scene niya kay Ces at Lyric. "Noong kumanta sila ng Way Back Into Love." Walang kilig scene. Hindi sila close. Pero sabi niya, may sparks daw. Nakakatuwa lang na nakikita niya ang sparks habang nagbabasa lang. AT!!! Sobra sobra akong natutuwa rito kay Bianca (at Anna) kasi lagi silang nag uusap tungkol sa TTLS. Sobrang nakakatuwa kasi every update, may pag-uusap lagi sila. Kyot lang.
The song I used is entitled: Ordinary Girl. Originally composed by a Filipina Youtuber, Denise Cuarto. Visit her page at: http://www.facebook.com/TheDeniseCuarto or click the external link!
Pakinggan niyo rin po ang youtube sa multimedia para marinig ang boses niyang napaka ganda. Support natin ang kapwa natin pinoy! :D
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top