5 // Indirect Kiss
"One day you will kiss a man you can't breathe without, and find that breath is of little consequence."
— Karen Marie Moning
~ ~ ~
Maybe. . . later?
Define the word. . . ‘later’.
Ang ‘later’ ay puwedeng i-Tagalog as “mamaya” na ang ibig sabihin ay paglipas ng ilang minuto o oras pero ‘di ba, ang later. . . oras lang ang pagitan? Hindi naman kasi sinabing bukas o sa isang linggo o isang buwan o taon.
Later e, mamaya—pero ano ba ang ibig sabihin ng isang Lyle Yuzon sa salitang ‘later’?
Bakit inabot ng isang buong semester and on-going ang ‘later’ niya?
* * *
And once again, napabuntong-hininga ulit si Ces. Ito ay dahil ang last update sa website ni Lyle ay noong nakaraan before mag-semestral break na break na raw ang binata sa girlfriend nitong car racer. It's been two months since their semestral break—again. Walang pinagbago. Siya pa rin ang nakakuha ng pinakamataas na marka sa college nila.
Ang pinagkaiba lang, wala siyang balita kay Lyle. Simula noong nakasabay niya si Lyle sa kotse ay halos tatlong beses lang niya nakita ang binata sa buong five months ng semester. Nung una, sa cafeteria na pinapalibutan ng mga alipores nito, ang pangalawa ay 'yung picture ni Lyle kasama ang car racer nitong girlfriend at pangatlo, mukha ni Lyle sa pamaypay ng isang babaeng nakasalubong niya.
Kahit ang website ng binata, walang masyadong balita dito. Nakakapagtaka dahil para bang naging pribado bigla ang buhay ni Lyle na siyang kinadismaya naman ni Ces.
Actually, hindi na rin siya umaasa.
Sino nga ba kasi siya para umasa para sa isang Lyle Yuzon? Does she even exist in his world? Sigurado ba siyang siya lang ang tinatawag ni Lyle ng “Princess” at kung maka-react siya ay para bang nasasaktan sa tuwing may ibang girlfriend si Lyle?
She’s merely a fan girl, after all. . . so bakit parang naghahangad siya ng mas mataas?
“Oy, ano, Ces, alis na kami, ha?” Pag-angat ng ulo ni Ces, nakita niya si Marky na ka-holding hands ang bagong boyfriend nito na kung hindi siya nagkakamali ay Fitz ang pangalan. Ngumiti lang si Ces sa dalawa. Bago pa makaalis ng cake shop, narinig ni Ces ang isang kumento ng new boyfriend ni Marky.
“Pipi ba 'yung kaibigan mo? Bakit hindi nagsasalita?”
Napangiwi siya sa narinig na para bang hindi niya alam kung ano’ng dapat na reaction sa sinabi ni Fitz. Pero ito siya, walang ni-react at nagpatuloy lang sa pagwawalis ng shop.
Ilang minuto ang nakaraan, bumukas naman ang pintuan. Magsasaya na sana siya sa pag-aakalang dumating na ang kanyang kapalit sa shift. Pero si Matthew lang pala ang dumating, ang boy bestfriend ni Marky. Nginitian niya ito
“Hi, Ces. Tagal nating hindi nagkita, a? Si Marcia?” Napangiti agad-agad si Ces sa narinig.
Of all people, si Matt lang talaga ang naglalakas ng loob para tawaging Marcia si Marky. Marciella kasi ang totoong pangalan ni Marky—sobrang baduy—kaya mas prefer ni Marky na tawagin siyang Marky. Astigin.
“Siguro kung nandito 'yun, nakailang batok na ang naabot mo pero wala siya, e. Kasama niya ang boyfriend niya.” Nakita naman ni Ces ang paglungkot ng mukha ng binata. Umupo ito sa isa sa mga upuan at pinipilit na ngumiti.
“O, sino? Si Rico?”
“Hindi, si Fitz.”
“Fitz?”
“Hindi mo kilala?” Mula sa malungkot na itsura ni Matt na pinipilit maging masaya, medyo lumukot ang noo nito na para bang hindi nagugustuhan ang naririnig.
“Hindi niya naikuwento sa akin. . .”
Napa-’oh’ na lamang si Ces at natahimik. Pinagpatuloy na lang niya ang pagwawalis at paglilinis dahil wala naman silang customer. Alam niya naman kasi kung kailan siya magsasalita at kung kailan siya tatahimik at sa ngayon, kailangan na lang muna niyang tumahimik.
Si Matthew ay ang best friend ni Marky. At kung sinuswerte nga naman, si Matthew ay biktima ng isang gasgas na plot. . . ang mainlove sa sariling best friend.
Alam ni Ces ang lihim ni Matt ngunit hindi niya sinasabi kay Marky. Naniniwala siyang kakayanin ni Matt sabihin ito kay Marky. . . kung hindi mauunahan ng ibang lalaki. Ang torpe kasi ni Matt; hindi niya kayang sabihin kay Marky ang nararamdaman kaya dinadaan na lang niya ang lahat sa pagiging mag-bestfriend nila.
Ito naman kasing si Marky, hindi rin marunong makiramdam. Siguro dahil bestfriend lang talaga ang turing niya kay Matt. Pinagtataka rin kasi ni Ces kung bakit nagpapamanhiran at nagpapatorpehan ang dalawa—siguro nga ay ganyan talaga kapag may label kayong ‘bestfriends’.
Pero teka, kay Ces kasi ang love story na 'to.
* * *
The next semester, mayroon siyang isang subject na kinaiinisan—PE. She hated classes like PE. Sinusumpa niya 'yun. Hindi niya alam o maalala ang nangyari noon pero mayroong pumapasok sa utak niya patungkol sa isang bola na lumilipad at tinamaan siya sa mukha—sapul na sapul na akala mo e naka-target sa mukha nito ang bola.
Hindi man niya maalala ang naramdamang sakit, naaalala naman niya ang kahihiyan. Ayaw talaga niya ng bola, lalo na kung lumilipad, at kung hindi ba naman isa't kalahating malas si Ces, first class niya every week ang PE—three hours.
Wasak.
At dahil nga hindi siya close sa mga kaklase niya, medyo mahirap mag-adjust kahit one year na siya sa school niya. Sa gym, marami silang nagpi-PE class—dancing, volleyball at basketball. Gusto man mag-aral ni Ces, ayaw naman niya ng ganitong physical classes; nakakasakit ng katawan at natatakot siyang matamaan ng bola. . . na naman. Masaya siya na ang PE nila ay dancing. Hindi siya masaya dahil ang kasabayan nila sa gym ay mga nagba-volleyball at basketball.
Kung hindi nakaka-attract ng lalaki si Ces, medyo attractive siya para sa mga lumilipad na bola.
Ang Research class niya for that semester ang hindi niya ine-expect. Bago pa siya makapasok, nakakarinig na siya ng mga bulungan ng mga babae at mga ingay na nanggagaling sa loob ng classroom. Pagkapasok ni Ces ay nagtaka ito dahil may pinagkakaguluhan sa may bandang likod ang mga tao. Hindi niya alam kung ano o sino man ‘yun. Wala rin naman siyang pakialam. When the professor finally came, her classmates went back to their respective places, and then she saw. . .Lyle.
K-Kaklase ko siya?! As if on cue, bumilis ang tibok ng puso ni Ces—hindi mapakali. Napatitig siya sa harap. Hindi na niya maintindihan ang sinasabi ng Prof. nila dahil sobrang kinakabahan na siya at parang nawala na yata siya sa ulirat.
Ang bilis rin ng phasing ng paghinga niya na para bang may humahabol sa kanya. Nasa likod si Lyle ng classroom habang siya ay nasa may harapan. Malaki ang tyansa na nakikita siya ngayon ni Lyle, na tumitingin ito sa likod. Napalunok nang ilang beses si Ces.
“So for the research, you can group yourselves by twos or threes but I want it to be with a team, not by yourself, okay? You are now dismissed.”
Nagulat na lang si Ces dahil hindi niya namalayan na tapos na pala ang klase pero ang mas ikinagulat niya ay ang sumunod na nangyari. Nagmamadali siyang ayusin ang mga gamit niya. Gusto na niya kasing lumabas upang maiwasan ang lalaking nagpapatibok ng puso niya. Pero bago pa man siya makalabas, nakarinig siya ng isang bulong na malakas rin naman na pinagtataka niya dahil binulong pa.
“Lalapitan niya 'yung nerd na 'yun?!”
Paglingon ni Ces para tingnan kung sino ang bumulong, nagulat at napaatras siya nang kaunti dahil ang tumambad sa kanya ay si Lyle—smiling at her.
“Hi.”
Sa isang ‘hi’ lang ni Lyle kay Ces, parang nawala nang panandalian ang dalaga sa totoong mundo. She mentally slapped herself. Ano na naman ba itong pantasya niya? Okay na siya na kaklase niya si Lyle h, pero bakit ini-imagine pa niyang kinakausap siya ni Lyle?
“Princess?” Naramdaman niyang hinawakan siya ni Lyle. . . and then it hit her: this was real. Totoo ito! Totoo na ito! “Kamusta? Long time. . . no talk.”
And then Ces heard some girly gasps.
“Tara, lunch?”
Hindi na namalayan ni Ces, kasabay na niyang maglakad si Lyle. She was freaking inside; gusto niyang magtatatalon. Gusto niyang sumigaw. Gusto niyang magpaparty. Kinikilig siya, sobra pa sa sobra! Bakit? Dahil noong naglalakad sila, pinapauna lang nito si Lyle dahil nakakahiya na kasama siya ng binata. Tinitigan na lamang niya ang likod nito. Napagtanto niyang maganda pala ang hubog ng katawan ni Lyle. Siguro isa rin itong MVP ng basketball team ng school nila.
Pero nang na-realize ni Lyle na nasa likod si Ces, tumigil sa paglalakad ang binata at nakisabay sa paglalakad ni Ces.
Totoo ba ‘to? Please, kung totoo ‘to, sana hindi na matapos. Ces was like daydreaming pero ang pinagkaiba, mas maganda yata ito sa pagde-daydream niya.
Pagpasok nilang dalawa sa cafeteria, lahat ng mga mata ay napatingin sa kanila. Ang ilang babae ay kinilig, ang ilang lalaki ay napangisi pero ang karamihan—nakatitig kay Ces, looking at her—staring—glaring. . . pinapakita na para bang hindi yata siya nababagay na kasabay maglakad si Lyle.
Napayuko si Ces dahil dito hanggang sa makarating sila sa popular table. Umupo si Lyle sa pinakadulo. Nakatayo lang si Ces, nakatitig sa mga upuan na para bang nakalaan lamang para sa mga sikat na nilalang na nabubuhay at nag-aaral sa school nila. Pagtingin naman niya kay Lyle, nakangiti ito sa kanya.
Kinabahan siya lalo.
“Sit beside me. Tara," pag-aya ni Lyle.
Nanginginig ang mga tuhod na lumapit si Ces. Umupo ang dalaga sa upuan na katabi ni Lyle. Nagulat ang dalaga nang hawakan ni Lyle ang upuan niya at inuusog papalapit sa sarili.
“A-ano, teka—"
Hindi na mapakali ang puso niya, hindi na niya alam ang gagawin. Napapansin niyang nakatingin ang karamihan ng tao sa kanila pero parang walang pakialam si Lyle rito. Tumitig ang binata kay Ces, as if memorizing every bit of her, na kinailang naman ni Ces. Lumayo ito nang bahagya.
“Lapit ka, para makita ko ang mga mata mo. . . Maganda pa naman.”
Boom!
Her heart exploded into million pieces. Hindi na niya kakayanin ang lahat; masyado nang overwhelming ang nararamdaman niya na para bang hindi na talaga kapani-paniwala ang lahat. Ito na ba 'yung hang-out ‘later’ ni Lyle?
Ang tagal nga ng 'later' niya pero bakit naman ganito ang kilig na nararamdaman niya? Sobra pa yata ‘to sa sobra; hindi na niya ma-contain!
“Dude! Who’s the—chick—sino siya?” Nawala ang ngiti ng binatang lumapit kay Lyle at umupo sa tabi nito. Napatitig ang binata kay Ces at parang nahiya siya lalo dahil sa way ng pagtingin ng lalaking ito sa kanya.
“She's my princess. Back off—akin siya.” Napatingin si Ces kay Lyle at nakita lang niyang nakangiti ito sa kanya. Nagtaas lang ng kamay ang kaibigan ni Lyle in a ‘she’s all yours, dude. Hindi ko siya type’ way.
Ilang minuto ang nakalipas, ang tatlong tao sa popular table ay dumami na nang dumami. For the first time, nakita ni Ces nang malapitan ang mga “popular people” sa school nila. Ngayon lang din siya napalibutan ng halos lagpas sa lima na tao.
Nandiyan sina Elissa, Marla, Cheka, Kervin, Shaun, Pao at kung sinu-sino pang iba na hindi na rin maalala ni Ces dahil sa dami. Hindi rin siya maka-relate sa pinaguusapan nila dahil kung hindi cheerleading ang pinag uusapan for girls, basketball naman ang sa lalaki at ni isa rito, walang alam si Ces.
* * *
Pero bakit ngayon, after a week, ay nakaupo siya kasama ang mga sikat na nilalang sa VIP area at nanonood ng basketball? Simple lang—dahil sa sinabi ni Lyle.
“Ipapanalo ko 'to para sa'yo.”
Sa one week na 'yun, hindi siya makapaniwala na naaalala na siya ni Lyle. Sa one week na nakalipas, hindi siya mapakali tuwing gabi dahil hindi siya makapaniwala na nakakasama niya tuwing lunch time si Lyle everyday. Sa one week na 'yun, hindi siya makapaniwala na siya na isang simpleng nilalang ay nakakasama si Lyle—kasama ang mga sikat na tao sa school nila.
Pero ano’ng pinagkaiba niya sa kanila? Una, hindi siya matangkad. Pangalawa, hindi siya naka-heels. Pangatlo, hindi siya naka-make-up. Pang-apat, hindi siya naka-palda o shorts na maiksi na kulang sa tela. Panglima, hindi siya maka-relate sa basketball. . .The list can go on and on and on dahil seriously, ibang-iba si Ces sa mga 'popular girls' sa grupong ito.
Siya nga lang ang nagsusuot ng eye glasses.
“Number 18 shoots—wait for it. . . wait for i—he scores!”
Engk!
“Woooh!” Everyone became wild dahil apparently, na-shoot ni Lyle ang winning score nila laban sa ibang school. Nagsaya ang lahat kasama na si Ces. Kunwari ay naintindihan niya—basta ang alam niya, nanalo sila dahil kay Lyle niya, tapos!
Napainom siya sa inumin niya nang lumapit ang mga kaibigan ni Lyle sa binata sa court para i-congratulate ang kanilang pambato. Naiwan si Ces sa VIP area dahil walang natirang iba at para na rin bantayan ang mga gamit ng mga ‘kaibigan’ ni Lyle.
Nagsasaya ang lahat pati ang mga fans ni Lyle inside and outside the school hanggang sa lumapit ang binata sa harap ni Ces. Ngumiti si Lyle dito kaya napangiti rin si Ces sa binata.
“Nanalo kami. Lucky charm kita.” That made Ces blush like hell pero may isa pang bagay na pinag-init lalo ang mukha niya. “Painom, ha?”
Kinuha ni Lyle ang bote ng tubig mula sa pagkakahawak ni Ces. Nagulat ang dalaga nang ininuman ni Lyle ang bote. Nag-slow-mo si Lyle sa paningin ni Ces—every gulp the guy made, titig na titig si Ces lalo na sa labi nito na nakadampi sa bote. . . Napalunok naman si Ces sa nakikita.
“Aahh! Sarap ng malamig na tubig. Thanks!”
“Oy, Lyle. Tara rito!” Agad umalis si Lyle at pumunta sa coach nila. Hindi pa rin mapakali si Ces, looking at her bottle. Her heart raced, kumakawala sa kanyang dibdib.
Ang boteng ito ay inuniman niya. . . at ininuman din ni Lyle. The fact na parehas na dumampi ang labi nila sa boteng ito, kinakamatay na ng pagkatao ni Ces sa kilig.
“O, girl. Bakit ka nakatulala d'yan?” Napailing lang si Ces sa tanong ni Cheka na kakabalik lang kasama ang iba pang babae sa VIP area at unti-unti, napangiti siya sa na-realize niya.
It was their first. . . indirect kiss.
~ ~ ~
Author's Note:
Tinatamad na ako gumawa ng author's note pero gumawa ako ngayon kasi gusto ko ipakita sa taong dededicate-an ko na para sa kanya itong chapter na 'to. Hi queenreinney! Sa'yo nakadedicate to, bakit? Dahil sa comment mo last chapter, 'yung sinabi mong "cliche" ito. (Not sure kung good sign or not yun hahaha) Medyo oo, ginagawa ko siyang cliche as possible. . . pero yung sinabi mong "PERO HINDI EH, sa title pa lang at si Rayne na author... parang hindi match ang Cliche story dito." natawa ako! As in, hahaha syet sorry pero cliche to! (joke lang) I'm trying my best. . . pero hindi ko mapapromise na itong story eh hindi cliche but then, thank you for believing me. Naks :D
PS: Sa ibang nagbabasa at nagkocomment, maraming thank you! :)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top